Thursday, July 28, 2011

CAMPUS TRIO Part 2

"Parang ang tahimik mo ngayon ah." ang puna ni Troy, ang isa sa campus trio sa kasama niyang si Bryan na nakaupo lang habang nagpupunas ng pawis. Kasalukuyan silang nasa locker room at nagpapahinga matapos ang kanilang basketball game. 
"I guess yung boy kanina ang iniisip niya. Tama ba Bry" ang pangangantsaw naman ni Michael. "Honestly napabilib ako ng taong iyon." ang sunod niyang sinabi na sinamahan ng panginsultong tawa. "First time in the history na nangyari ito."
  
"Tama. Ngayon lang naman siya nagkaganito eh. First time kayang may pumatol sa kanya." si Troy.
"At siguro kaya tahimik siya ngayon ay nag-iisip siya sa nasira niyang image." si Michael. 
"Shut up!" ang inis na tugon ni Bryan sa kanila. "Dinadagdagan niyo pa ang problema ko."
"Aha. So big deal pala sa iyo ang ginawa ng boy na iyon kanina. Kung sa bagay eh nasanay ka nang walang pumapatol sa iyo." si Troy.
"At hindi siya talaga natakot kay Bryan." si Michael.

Sa sarili ni Bryan ay may punto ang kanyang mga kaibigan. Lubos niyang ikinabigla ang nangyari. Hindi inaasahan na may babangga sa kanya ng ganoon. Pero hindi siya papatalo at pinangako sa sarili na babawian niya ang taong ito.
"Hindi talaga dahil nagpapapansin lang siya sa akin." ang sabi ni Bryan at bahagyang natawa. "Siya ang unang nagparinig so ibig sabihin gusto niyang pansinin ko siya. Naguguwapuhan lang kasi siya sa akin." ang nasabi na lang niya.
"Kung ganoon nga ano na ang plano mo?" si Troy.
"Sa ngayon, gusto ko siyang kilalanin. Kayong dalawa, kunin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya." ang utos ni Bryan sa dalawa.

Sina Troy, Michael at ang leader na si Bryan Anthony, silang tatlo ang bumubuo sa grupo ng Campus Trio na sikat sa unibersidad na pinapasukan nila.  Matagal nang magkakaibigan ang tatlo simula pagkabata at magkakakilala ang pamilya. Si Bryan ang pinakamayaman sa kanila at ang kanyang ina ay ang major sponsor ng school. Kaya ganoon na lang kalaki ang kanyang impluwensya sa buong campus.

Hindi lang sa yaman kilala ang tatlo dahil pagdating sa itsura ay hindi sila pahuhuli. Halos hindi magkamayaw ang mga babae at bading pati na rin ng mga lalaki kapag nakikita sila dahil sa ankin nilang kaguwapuhan. Pawang matatangkad din at maganda ang pangngatawan dahil sa kanilang pagkaathletic.
______
"Mano po nay" si Andrew na kakarating pa lang. Ang kanyang ina ay abala sa pagsasaing.
"Oh kamusta na ang unang pasok mo anak?" ang tanong ng matanda sa kanya.
"Ayos lang po nay" ang sagot lang ni Andrew na hindi na binanggit pa ang nangyari sa kanila ni Bryan. Ayaw niyang mag-alala pa sa kanya ang ina.
"Siyanga pala nay, sa susunod na linggo na pala ako magsisimula ang duty ko sa library kaya medyo gagabihin na ako ng uwi." ang kanyang pagpapatuloy habang nagtatanggal ng kanyang medyas at sapatos.
"Ganoon ba anak, sige. Hayaan mo, palagi kitang ipagluluto ng mga paborito mong pagkain para makakain ka ng husto pag-uwi mo. Sigurado akong mapapagod ka niyan sa maghapon."

"Salamat po nay" si Andrew at yumakap sa ina.
Napangiti ang kanyang ina sa ginawang ito ng anak. "Ikaw talaga nang lalambing ka na naman" ang sabi nito na sinamahan ng isang ngiti.
"I love you nay." ang sabi lang ni Andrew na may ngiti sa labi.
"Ilove you too anak ko." ang tugon ng kanyang ina.
 _______
Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na si Andrew para sa kanyang pangangalakal. Matapos ang halos tatlong oras na pangongolekta at pagbebenta ay kumita siya ng sixty pesos. Pagkabalik sa kanila ay agad niyang hinanda ang kanyang babaunin sa pagpasok.

"Bakit ka pa nagbabaon anak?" ang nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapansin ang pagsandok ng kanin ni Andrew sa isang tupperware.
"Para po makatipid nay. Ang mamahal po kasi ng mga pagkain sa canteen."
"Ganoon ba anak. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para madagdagan ang pera mo sa susunod."
"Hindi na nay. Ayos lang po sa akin ito. Pandagdag niyo na lang po yan sa mga gastusin dito sa bahay."
Matapos sa pagsandok ng kanin ay binalot niya sa isang plastic ang natirang adobong sitaw na hinapunan nilang mag-ina kagabi.
_______
"Buti dumating ka na Andrew." ang salubong sa kanya ni Dina pagkapasok niya ng silid.
"Bakit may problema ba?" ang tugon naman nito habang nilalapag ang kanyang bag sa silya.
"Tara baba tayo may ipapakita ako sa iyo." si Dina.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin kay Andrew nang marating nila ang kinaroroonan ng nasabing board. Hindi na niya binigyan pa ng pansin iyon.  Bahagyang nagulat si Andrew sa pinakita sa kanya ni Dina na nakadikit doon, ang larawan na pagkuwelyo sa kanya ni Bryan at magkatapat ang kanilang mukha.

"Alam mo bang pinag-uusapan ka sa buong campus. Ikaw daw kasi ang kauna-unahang bumangga sa trio." si Dina.
"Tsk.tsk.tsk. Eh ano naman ngayon. Hindi naman dapat binibigyan pa ng issue yan." ang tila hindi interesadong  reaksyon ni Andrew sa narinig. Bagamat naiinis pa rin siya sa taong nakaalitan niya kahapon.
"May narinig ako kanina na maghanda ka daw dahil sa mga susunod na araw ay reresbakan ka nila lalo na si Bryan."

Sa halip na kabahan ay mas lalong nairita sa Andrew sa kanyang narinig. Ni hindi man lang siya nakadama ng kung anong takot.
"Wala akong pakialam. Ipabubugbog ba nila ako, ipapapatay? Sige gawin nila. Papanindigan ko ang aking ginawa. Pumanig lang naman ako sa tama." ang matigas niyang pahayag.

Halos mapanganga si Dina sa mga narinig niya kay Andrew. Napabilib siya ni Andrew sa pinapakitang tapang at paninindigan nito. Hindi nga siya nagkamali ng pagkakilala dito.

"Ang lakas ng loob mo boy. Tignan mo lang kung makakatagal ka pa dito." ang hindi nakaligtas sa pandinig ni Andrew na pahayag ng isang estudyanteng naroroon na may kasama pang tawa na sa tingin niya ay pang-insulto. Hindi na lang niya ulit binigyan pa ng pansin ito.

"Tara bumalik na tayo sa room, hayaan na lang natin yan." ang pagbabalewala nito sa larawan.

At sa  kanilang paglalakad pabalik ay hindi nakaligtas kay Andrew ang ilang mga bulungan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay puro papuri naman sa kanyang ginawa ang kanyang narinig.
"Tapang mo naman idol!"
"Tama lang ang ginawa mo boy para mahinto na sila sa kanilang mga kalokohan." ang ilan sa mga pahayag na kanyang narinig.
______
"Tol, nakita mo ba yung nasa board kanina. Hanep ang biglaang pagsikat ng taong iyon." si Michael habang nasa silid silang tatlo at nag-aabang ng kanilang propesor.

Hindi narinig ni Bryan ang sinabi nito dahil sa suot nitong headset habang nakikinig ng music sa kanyang ipod. Tila nag-eenjoy naman ito dahil sa pagyugyog ng kanyang ulo.
"Speaking of that person, Andrew del Rosario pala ang pangalan niya. Freshman at nasa college of engineering din. Isa siyang full scholar." si Troy na iniabot kay Bryan ang isang papel ng pagkakakilanlan ni Andrew.

Nang lingunin niya ang inabot sa kanya ay tinanggal niya ang suot na headset at kinuha ito upang basahin.  At doon niya napagtanto na isa pala ito sa mga scholar ng kanyang mommy. Agad siyang napangiti ng maisip na may alas na pala siya. Ito ang gagamitin niya upang makaganti siya sa ginawang pagbangga nito sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Bryan na taliwas pala ang iniisip ng isa sa kanyang mga kasama.
______
Oras ulit iyon ng breaktime. Habang kumakain ay may lumapit na dalawang babae sa pwesto nina Andrew at Dina.

"Hi!" ang bati kay Andrew ng isa.

Nang lingunin niya ito ay saka lang niya sila namukhaan.
"Kayo yung mga babaeng binastos ng ungas na iyon." ang bulalas ni Andrew  sa kanila.
"Ah oo nga." ang sagot naman ng kanyang kasama.
"Ah eh, halika samahan niyo kaming kumain." ang alok sa kanila ni Dina.
"Hindi na. Narito lang kami para magpasalamat sa kanya sa ginawang pagtanggol sa amin."
"Ayos lang yun. Kahit kanino naman gagawin ko rin iyon. Gusto ko lang itama ang kanyang kamalian.
"Andrew pangalan mo di ba?" ang taong ng isa sa kanila.  "Gusto ka lang sana namin sabihan na mag-ingat ka. Balita namin ay gagantihan ka ni Bryan sa mga susunod na araw."
"Salamat sa paalala. Hayaan niyo, walang mangyayari sa aking masama." ang paniniguradong pahayag ni Andrew sa kanila.
_________
Ilang araw ang lumipas na naging maayos at normal naman ang naging takbo ng lahat kay Andrew Sa kabila ng pagbabanta daw sa kanya ni Bryan. at kahit na madalas pa rin siyang pagtinginan at pag-usapan ng mga estudyanteng naroroon.

Hanggang sa isang araw, pinatawag si Andrew sa opisina ng administrator ng school.
"Tatlong libo isang buwan ang magiging allowance mo. Remember you must maintain your grade para di ka matanggal sa pagiging scholar." ang nakangiting pahayag sa kanya ng admin ng school.
"Salamat po Mam." ang nakangiting tugon ni Andrew. Alam naman niya sa kanyang sarili na kakayanin niya para sa kanyang ina.
"And one more thing, alam mo naman siguro na kailangan mong magserve dito sa school di ba."
"I know mam. Yung pagduty po sa library di ba?"
"Oo. So ngayon ipapaalam ko ang magiging schedule mo. You will have 3 hours duty everyday after class."
"Yes Mam, I understand." ang nakangiti pa ring tugon ni Andrew.

At sa araw ring iyon matapos ang kanilang klase ay nagpunta na si Andrew sa library. Tinuro sa kanya ng librarian ang lahat ng mga ginagawa roon. Madali naman niyang natutunan lahat.
______
"Ano na ang ginagawa niya ngayon?" ang tanong ni Bryan sa kanyang mga kasama na abalang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan. Sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa unibersidad na iyon ay sila lang tatlo ang may ganoong silid na kung saan ay nagagawa nila ang kanilang mga gusto.
"Sa pagkakaalam ko ay busy na siya sa pagduty sa library." ang sagot ni Michael. "Boom winner!" ang kanyang sambit ng maipasok niya ang huling billiard ball. "Paano yan ikaw ang manlilibre mamaya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Ok as always." ang talunang sagot ni Troy.
"Wait. Aha mukhang nagiging interesado ka na sa kanya ah." ang pagpuna ni Michael sa tanong na iyon ni Bryan sa kanya.
"Hindi ah. Hinahanda ko lang ang mga  gagawin ko sa kanya" ang sagot nito sabay salampak ng higa sa sofa.
"Really, halos isang linggo na ang lumipas, wala pa rin nangyayari ah. Mukhang nahihirapan ka yata sa kanya." ang pangangantsaw ni Michael sa kanya.
"Basta maghintay na lang kayo" ang nakangisi niyang tugon.

"Pero honestly saludo ako sa batang iyon. Napabilib niya ako ng sobra." si Michael na umupo rin. "Sa tingin ko hindi talaga iyon papatalo"
"Paulit-ulit ka na lang." ang naiiritang pahayag ni Bryan kay Michael. Ilang beses na kasi niyang naririnig ito sa kanya.
"Tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang niya." ang sunod na sinabi ni Bryan.

Ang hindi alam niya may isa sa kanyang mga kasama ang nag-aalala para kay Andrew sa gagawin ni nito sa kanya.
______
Dumeretso na si Andrew sa library matapos ang klase para sa kanyang trabaho. Pagdating ay agad niyang sinunod ang mga inuutos sa kanya ng librarian.

Habang abala sa pagsalansan ng mga hiniram na libro sa shelves ay hindi napansin ni Andrew ang paglapit sa kanya ng isang lalaki. 
"Nice ang sipag ah" ang sabi ng boses na narinig ni Andrew. Medyo nabigla siya sa pagsulpot ng isang mukha na nakatapat sa kanya. Tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at nilingon ang taong nagsalita
"Good afternoon po, ano po ang kailangan niyo?" ang magalang na tugon ni Andrew. Pero sa kaloob-looban niya ay naiinis pa rin siya para dito nang maalala niya ang ginawa ng grupo nila sa court noon. 
"Magresearch lang ako para sa assignment namin."
"Ok po. Gamitin niyo na alng ang card catalog para sa paghahanap po ng inyong reference."

Nagpatuloy na si Andrew sa pag-aayos ng mga libro ngunit napansin niya na hindi pa rin ito umaalis  sa kanyang pwesto. Nilingon niya ulit ito.
"Ano pa po ang kailangan niyo?" ang tanong niya.

Kahit pa na narinig niya ang tanong na ito ni Andrew ay patuloy lang siya sa pagtitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang itsura ni Andrew na sa hindi niya malaman na dahilan ay nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. Ang magaganda nitong mga mata na may mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong at mapupulang mga labi. 

"Bakit ganyan ka kung makatingin?"ang sunod na tanong ni Andrew nang mapansing nakatitig pa rin ito sa kanya. Agad na nagbalik ang ulirat nito.
"Ah wala lang."
"Wala daw" ang bulong niya sa kanyang sarili. "Baka naman pagtitripan mo ako. Hindi na bago sa akin ang mga ganito dahil madalas ko na tong napapanood sa tv."
"At teka lang sa pagkakaalam ko ay gagantihan mo ako sa ginawa ko sa inyo sa court." ang kanyang pagpapatuloy nang maalala niya ang usap-usapan sa buong campus tungkol sa kaniya.
Hindi pa rin nagsasalita si Bryan nakatingin lang sa kanya.  

"Naghihintay lang ako Bryan." ang matapang niyang pahayag na napansin Bryan. 

"Ano yung pinagsasasabi mo?" ang tanong nito sa kanya.
"Nagmamaang- maangan ka pa. Kunwari nice ka sa akin. Alam ko naman na asar ka pa rin hanggang ngayon. Kung anuman yang secret agenda mo hindi yan magtatagumpay."
"Hays nagsasayang lang ako ng oras dito marami pa akong gagawin. Mas mabuti pang kausapin ko na lang sarili ko kaysa sa mga taong may kayabangan."
"Magmumukha ka namang baliw niyan."
"Nang-iinis ka ba?" ang medyo napalakas na tono ng boses ni Andrew na naging dahilan para magtinginan ang mga tao sa kanila. At nahiya siya nang mapansin niyang ang kanilang mga malisyosong mga tingin.
"Ikaw pa ang ganyan ah. Dapat nga ako pa nga ang mainis sa iyo dahil sa ginawa mo sa akin nung isang linggo."
"Hindi ka pa pala nakakapagmove-on sa nangyaring iyon. At tulad ng sabi ko kanina na kung gagantihan mo na ako ay hindi kita uurungan."
"Wow tapang ah."
"Pinaglalaban ko lang ang sa tingin ko ay tama. Kaya kung wala ka talagang gagawin dito pwede ba umalis ka na, marami pa akong ginagawa."
"I like your attitude dude." ang nasabi nito na sinamahan pa ng ngiti at kindat na hindi nakaligtas kay Andrew. 
"Sige tapusin mo na yan. See you later" ang huling sinabi ni Bryan. Bago siya lumabas ay humarap siya sa kanya.

"See you later daw. Nagpapacute ba siya? Sinasabi ko na nga ba wala naman talagang gagawin ang taong iyon dito hays." ang nasabi na lang ni Andrew sa kanyang sarili sa ginawa nito.


Itutuloy....

9 comments:

  1. ano kaya ang binabalak ni Bryan? interesting talaga ang kwento...

    good job daredevil...

    ReplyDelete
  2. Hmmpp..wala masayadong trill pa..abangan ko sa susunod. Interesting itong si Bryan..anong kayang kapilyuhan ang gagawin...Kumbaga slowly but surely ata ang modus niya. Update pa...nakakaexcite naman ung susunod.Napapaisip na tuloy ako..

    PS.Pavisit naman ng Blog ko: http://imbipositive.blogspot.com/
    Tnx.

    ReplyDelete
  3. Simula pa lang, kaabang abang na. Cant wait for the chapters to come. Basta gaeang daredevil, da best!

    ReplyDelete
  4. OMG!!

    this is really great.. super exciting.. as in.. hahaha..

    well done..!!

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  5. ang bilis nmn.. tapus ang tagal n nmn ng update hayxx.. pero ok lng ganda ng kwento heehhe..

    ^_^ prang meteor garden lng lol

    ...cedric

    ReplyDelete
  6. mukhs ngs meteor garden, bi-edition nga lang. :)

    ReplyDelete
  7. parang F4 tlga yung set-up ng story..

    nice..:))

    ReplyDelete
  8. NAKAKABITIN YONG KWENTO, PLS PO YONG KASUNOD!!!

    ReplyDelete
  9. tama!!! this story was inspired by "meteor garden" or "boys over flowers" but still interesting.

    -mhei

    ReplyDelete