"Tonton, alam kong ikaw yan" ang pagkumpirma kong pahayag sa kanya.
Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Napaisip tuloy ako kung ano ang naging reaksyon niya, marahil nagulat din siya na magkasama kaming dalawa sa isang napakadilim na silid. Dahil doon, bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya. Agad naman akong dumistansya sa kanya.
"Pasensya ka na." ang nasabi ko na lang sa kanya. Alam ko naman na galit siya sa akin kaya hindi siya sumasagot.
Napagdesisyunan kong subukang muli na manghingi ng tulong. Tinungo ko ang pintuan saka kinalampag ito ng malakas habang sumisigaw pero nabigo lang ulit ako. Wala na akong nagawa kundi ang umupo at maghintay sa sinumang magliligtas sa amin.
Sa ilang minuto naming paghihintay ay namayani sa amin ang katahimikan. Hindi ko lang alam kung ano ang mga iniisip at ginagawa niya dahil sa dilim ng silid. Ewan ko ngunit bigla ko nalang naisip na nagkataon lang ba ang pagkakakulong naming dalawa. Wala naman akong natatandaan na may kagalit kami na gagawa sa amin ng ganitong bagay.
Pero sa kabilang banda, napansin kong ito na ang tamang pagkakataon para magkasarilinan kaming dalawa, na makapag-usap ng masinsinan at linawin ang lahat ng bagay sa aming dalawa. Sa ilang beses kasi na pagsubok kong pakikipag-usap sa kanya ay lagi nalang niya ako tinatanggihan. Kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon. Sasabihin ko na rin sa kanya ang aking mga saloobin. Bahala na kung ano ang kahihinatnan ng aming magiging pag-uusap.
"Kamusta ka na Tonton?" ang unang tanong ko sa kanya na para bang matagal kaming hindi nagkita. Wala lang ako maisip na panimula kaya iyon ang una kong naitanong.
Isang minuto akong naghintay ng kanyang tugon ngunit wala akong narinig sa kanya. Napabuntung-hininga muna ako bago magpatuloy.
"Hindi ka pa rin sumasagot. Siguro nga napakalaki ng iyong galit sa akin dahil sa ginawa ko sa iyo. Alam mo ba nitong mga nakalipas na araw ay nakakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko pero naninibago ako eh, nasanay na kasi ako na nandyan ka."nag-umpisa na ulit akong maiyak.
"Nung araw na dumating kayo ni nanay sa amin, inaamin kong nagkaroon agad ako ng atraksyon sa iyo. Ang lakas kasi ng dating mo sa akin eh. Lahat ng katangian ng isang magandang lalaki ay nakita ko sa iyo. Pero pinilit kong labanan ang nararamdaman kong iyon kaya ganoon na lang ako kung magsungit sa iyo. Ang totoo niyan talagang tutol ako sa desisyon ng aking mga magulang na ibilin niya ako sa iyo. Una dahil hindi ko na magagawa ang mga gusto ko at pangalawa malalaman mo ang mga pangungutya sa akin ng mga kaklase ko. At sa hindi inaasahan, naging magkaklase pa tayo kaya ayun nalaman mo rin. Ngunit sa paglipas ng mga araw, nagawa mong baguhin ang aking pag-uugali, pinalambot mo ang puso ko sa iyo. Nagpursige ka talagang suyuin ako, at nakita ko sa iyo ang pagiging mabait mo. Ni minsan ay wala akong narinig na pangungutya sa iyo tulad ng ginagawa sa akin ng iba." ang dagdag ko pa. Pinapahid ko ang luha sa aking mga mata sa pamamagitan ng aking mga daliri.
"Sobrang saya ko dahil sa mga pinapakita mong pagpapahalaga sa akin. Gaya ng pagtupad mo sa iyong pangako. Naalala mo ba nung araw na mamasyal tayo sa Luneta. Akala ko hindi mo na itutuloy iyon dahil sa pagyaya sa iyo ni Trisha. Kaya bilang ganti ay ako na ang sumagot ng ating pagkain."
"Sa paglipas pa ng mga araw, mas naging close pa tayong dalawa. Aaminin ko na lalong nahulog ang loob ko sa iyo. Hanggang sa nalaman ko na may gusto sa iyo si Trisha. Siya mismo ang umamin ng kanyang nararamdaman sa akin at nagpatulong upang mapaglapit kayong dalawa. Siyempre pumayag naman ako kahit masakit sa akin. Naisip ko kasi na wala namang pag-asa na mahalin mo rin ako eh gaya ng nararamdaman ko sa iyo at isa pa ay bagay kayong dalawa. Kuntento na ako sa pagkakaibigan natin."
Habang nagsasalita ako, naramdaman ko na may humaplos sa aking ulo. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Tonton sa kinaroroonan ko dahil sa dilim ng silid. Hindi ko na napigilan pang yakapin siya. Binuhos ko na ang lahat ng aking emosyon sa kanya.
"Kasalanan ko ang lanat ng ito kung bakit nangyari sa atin ang ganito. Kahit mahal kita ay pilit kong tinanggi iyon. Akala ko kasi na magbabago ang turing mo sa akin o magkaroon ng malisya ang ating pagkakaibigan kapag nalaman mo iyon ngunit nagkamali ako. Kaya pala tinaggihan mo si Trisha dahil sa akin. Ako pala ang iyong special someone."
Gumanti siya ng pagyakap sa akin. Hindi ko lang alam kung umiiyak na rin siya tulad ko at nagpatuloy ako.
Nakokonsensya talaga ako dahil ikaw, pinakita mo ang iyong tunay na pagmamahal sa akin. Tinanggihan mo si Trisha at yung lakas ng loob mong isiwalat sa aking mga magulang ng iyong totooong nararamdaman. Nang malaman ko nga iyon ay sobrang natouch ako. Kaya sana patawarin mo ako kung nasaktan ko ang damdamin mo. Mahal na mahal din kita Tonton, iyon ang totoo. Sana bumalik na tayo sa dati, kahit yung pagkakaibigan man lang sana natin.
"Hindi na" sa wakas sa haba ng sinabi ko ay sumagot na siya. Ngunit bigla akong kinabahan ng marinig ko iyon. Parang natutumbok ko na ang ibig niyang sabihin.
"Ganoon ba." ang nasabi ko na lang. Pero sa isip-isip ko ay sobrang nalungkot ako dahil sa kawalan na ng pag-asa. At least nasabi ko man lang sa kanya ang aking mga saloobin. Parusa na rin siguro sa akin ito ng tadhana.
Napabuntung-hininga ako bago magsalita. "Wala na akong magagawa. Siguro ito na yung sinasabi nilang karma."
"Anong karma yang sinasabi mo?" ang agaran niyang tanong sa akin.
"Iyong mga nangyayari sa akin ngayon. Ang pagtanggi mo, at ang tuluyang paglayo mo sa akin."
"Grabe ka naman kung makapag-isip Josh. Wala naman sa isip ko ang mga bagay na iyan ano."
Nagulat naman ako sa mga huli niyang sinabi.
"Ano ang ibig mong sabihin?" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang pagpisil niya sa aking mga pisngi.
"Ikaw talaga Josh. Basta-basta ka na lang na nagbibigay ng conclusion, hindi mo muna ako patapusin.
"Ano ba dapat ang sasabihin mo?"
"Ang sabi ko hindi na.... hindi na ako papayag na maging friends lang tayo ulit. Hmmpppttttt!!!! nakakagigil ka talaga. Cute!"
"Eh ano ba dapat?"
"More than friends ang gusto ko, ay mali pala more than bestfriends tutal alam naman natin pareho ang ating nararamdaman para sa isat-isa."
Nagalak naman ang aking puso sa mga nanrinig kong iyon. Muli ay naiyak na naman ako.
"Oh wag ka nang umiyak. Hindi naman talaga ako nagalit sa iyo eh, nagtatampo lang ako. Alam ko naman na nahuhumaling ka na sa akin noon pa sa mga pagtitig mo pa lang."
"Bati na tayo?" ang tanong ko sa kanya.
"Para ka na namang bata. Sige bati na tayo pero sa isang kundisyon."
"Ano naman iyon?"
"Kiss mo muna ako"
Sa kondisyon niyang iyon ay nagulat ako. Kung saka-sakali siya ang magiging first kiss ko. Ayos lang naman dahil sa kanya pa mismo manggagaling iyon, sa taong mahal ko at mahal rin ako. Hindi pa ako nakakasagot ng bigla niyang hawakan ang aking mga pisngi ng kanyang mga palad at inilapit iyon sa kanyang mukha. Tuluyan nang naghinang ang aming mga labi. Hindi naging sagabal ang dilim ng silid para hindi namin maramdaman ang sarap ng aming paghahalikan.
Ilang segundo lang ito tumagal. Agad kaming tumigil sa biglaang pagbukas ng pinto ng silid. Isang babae ang pumasok.
"Aha at gagawa pa sila ng kahalayan dito ah. Itigil niyo muna yan. Makakalabas na kayo." ang sabi niya sa amin. Bahagya kaming natawa sa aming narinig. Nakilala ko naman kaagad ang boses na iyon.
"Lalaine!"
_______
Sumabay si Lalaine sa amin umuwi ng bahay. Nang makarating ay pinag-usapan namin ang lahat.
"Effective ba Josh?" ang tanong niya.
"Oo, pero tinakot mo talaga ako ah"
"Ganoon talaga. Pero alam mo ba na mas madali ka palang dukutin kaysa kay Tonton. Tinakpan pa namin ang bibig niya ng panyong may pampatulog eh at take note pito pang kaklase natin ang sama-samang gumawa noon. Samantalang ikaw, nakayanan lang agad nina Tom at Richard. Tapos nahirapan pa akong kumbinsihin ang janitor na gamitin ang bodega ng school. Buti na lang napapayag ko siya dahil sa aking kagandahan." Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Kaya nga sobrang maalaga ako sa taong ito eh. Kailangan talaga na nasa tabi niya ako lagi para maprotektahan siya. Ang biglang pagsingit ni Tonton. Umupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako. Pero nagpapasalamat ako sa iyo Lalaine."
"Ok lang. Para sa aking kaibigan na si Josh, handa ko siyang tulungan upang maging masaya siya. Sa totoo lang hindi ko naman ginusto gawin iyon eh kung noon pa lang..."
"Na nag-aminan na kami ng nararamdaman sa isat-isa" ang pagsingit ulit ni Tonton.
"Tama!"
Sandaling nahinto ang aming pag-uusap nang tawagin kami ni nanay para maghapunan. Habang kumakain ay masaya naming kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin.
Itutuloy....
Kala ko po end na ang chapter na to. Di pa pala. At ang galing galing ng naisip ni lalaine. Siya na ang pinaka magaling na mastermind. At ang pinaka asam asam kong pag babati ni tonton at josh ay naganap na. May sex scene kaya sila dalawa? Hmmm. Sana nxt chapter na. Galing mo daredevil.love you po....
ReplyDeletedaredevil you're the best!!!
ReplyDeletewow!!! after years of waiting ipinost na.... saya and kilig to the bones!!!!
ReplyDeleteadd me fb: thursdy2001@yahoo.com
wow!!! hanep!! sna mbilis ang update khit every after 5 days lang po.. :) hehe.
ReplyDeletedaredevil.. ung po bng pantasya kelan itutuloy? excited na din po ako sa nalalapit na ending non.. :)
keep it up! GBU!
ang ganda.... sana may update kaagad...
ReplyDeletesaimy
ganda..........
ReplyDeleteTNX SA PAG POST NG KASUNOD NA CHAPTER. SANA MAGTULOY TULOY NA. HE HE HE. I KNOW MEJO BZ KA SA MGA PRIORITIES MO, SANA MAY UNTI KNG TIME NA MAILAAN PA. KEEP UP THE GOOD WORK. AGAIN TNX!
ReplyDelete