Maagang pumasok si Andrew kinabukasan upang makopya niya ang mga notes na namiss niya sa tatlong araw na pag absent kay Dina. Hindi muna nangalakal si Andrew nang umagang iyon.
Nagmamadaling niyang tinungo ang kanto ng kanilang bahay upang mag-abang ng tricycle patungo sa sakayan ng jeep papunta ng kanilang school. Habang papalapit siya ay naaaninag niya ang isang pamilyar na sasakyan na naka park doon. At nang makarating ay nakumpirma niya kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Good Morning Andrew. Tara sabay na tayo hatid na kita." ang nakangiting pagbati sa kanya ng taong nasa loob ng kotse matapos buksan ang bintana nito.
"Ikaw pala Troy. Good Morning din. Sige sasabay na ako sa iyo." ang pagpayag ni Andrew sa alok. Pabor din sa kanya ito lalo na't naghahabol siya ng oras at isa pa ay para makatipid na rin ng pamasahe.
"Kamusta naman ang naging bakasyon niyo ni Bryan?" ang unang tanong ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho ito.
"Ok lang. Kahit papaano nag-enjoy ako."
"Ah. Mabuti naman at nagkakasundo na kayong dalawa."
"Hindi ah! Naiinis pa rin kaya ako sa kanya. Marami siyang atraso sa akin. Ito na nga lang paghahabol ko sa lessons dahil sa absences ko, kasalanan niya ito."
"But I think hindi na ganoon katindi ang galit mo sa kanya, tama ba.?"
"Ah eh. paano mo naman nasabi yun?"
"Nakikita ko sa mukha mo."
"Talaga?" ang nasabi na lang ni Andrew. Sa isip niya ay tama si Troy. Kahit hindi niya kasi gusto ang mga ginagawa ni Bryan ay hindi na siya nakakaramdam ng matinding inis sa kanya.
"Nabanggit ko na rin sa iyo noon ang mga ugali ni Bryan di ba."
"Oo, na kayo lang ang tinuturing niya na kaibigan, na di gaano nakikisalamuha sa ibang tao lalo na sa mga hindi niya kalevel kaya nasasabihang masungit. Alam mo Troy may idadagdag pa ako dun eh. Siya ay isa ring arogante, mayabang, at higit sa lahat sinungaling."
Napatawa si Troy sa pahayag na iyon ng kausap. "Sinungaling?"
"Oo. Akalain mo ba namang bolahin niya nanay ko. Sinabi niya na magbestfriend kami, na hindi niya ako pababayaan, na siya ang mag-aalaga sa akin sa school. Halong pagtataka at pagdududa ang naisip ko nang marinig ko iyon sa kanya."
"I understand Andrew kung bakit niya nagawa iyon."
"Bakit?"
"Dahil gusto niyang mapalapit sa iyo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay."
"Teka, bakit naman niya gagawin iyon at sa dinami-daming estudyante eh ako pa ang napili niya?"
"Isa lang ang masasabi kong sagot. Interesado siya sa iyo."
Nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na isang tulad ni Bryan ang magkakainteres sa isang tulad niya. Kumbaga langit at lupa kung ipagkukumpara sila. Ngunit hindi niya maipagkakaila na nakaramdamm siya ng kaunting kasiyahan. Sa lahat ng estudyante sa campus na nagkakandarapa sa kanya ay maswerte na siya ang binibigyan ng atensyon ng isa sa campus trio. Dalawa na pala dahil kasama na dito ang kausap niya ngayon na si Troy.
Makalipas ang ilang minuto nang makarating sila sa school. Agad na nagmadali si Andrew papunta sa kaniyang classroom.
"Kamusta na ang honeymoon niyo ni Papa Bryan?" ang agad na salubong ng kinikilig na si Dina pagkapasok ni Andrew.
"Honeymoon ka diyan. Pinilit lang niya akong sinama sa Baguio."
"Pero aminin mo friend, nag-enjoy ka naman. Aba, para kang nakajackpot sa lotto dahil nasama mo na ang pinakasikat na tao dito sa campus."
"Youre lucky... First time in the history na may pinagbigyan si Papa Bryan ng kanyang atensyon na hinihiling ng halos lahat ng estudyante dito sa campus. At ikaw yun...
"Tsk.Tama na nga yan. Pahiramin mo na lang ako ng mga notes mo." ang napapangiting si Andrew.
_______
Kasalukuyang nagbibilyar sa tambayan sina Troy at Bryan ng hapong iyon nang mapansin nila ang kakaibang kinikilos ni Bryan na nakaupo at nakasandal lang nag ulo sa sofa, nakatingala sa kisame habang pasipol-sipol at nakangiti.
"Ano kayang gayuma ang ginawa ni Andrew sa kanya? Aba kanina pang umaga habang nagkaklase pa siya ganyan. " ang tanong ni Michael kay Troy. "Parang nasisiraan na ng ulo."
"I think masaya lang siya" ang sagot ni Troy sa kanya. Hindi na rin siya nagtataka na maging ganito ang makita niya kay Bryan dahil alam din niya sa kanyang sarili na masaya talagang kasama si Andrew. Ganoon din kasi ang kanyang nararamdaman.
Nilapitan ni Michael ang taong kanilang pinag-uusapan.
"Daydreaming?"
"Ahm hindi naman." ang natatawang sagot ni Bryan.
"Hindi daw, e parang siraulo ka na dyan. Curious tuloy kaming malaman kung ano ang nangyari sa inyo sa Baguio."
"Wala naman masyadong nangyari sa amin dun. Pinakita ko lang sa kanya ang bahay ko dun at namasyal kami."
"Ah, at napapayag mo talaga siyang sumama sa iyo."
"Oo naman. At hindi lang yan..." Lalo pa siyang napangiti ng magpatuloy. "Nakita ko kung paano niya ako pagpantasyahan."
Nagtaka naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Huwag mong sabihing... naghubad ka sa harap niya."
"Upper body lang tol. Kung nagrequest nga siya na tanggalin ko lahat gagawin ko."
"Baliw!" ang natatawang reaksyon ni Michael. "Talagang nakuha mo ang atensyon niya.
"Ako pa, parang di mo naman ako kilala tol. Para-paraan lang yan."
"Ewan ko sa iyo. Ako sa totoo lang naguguluhan na ako sa inyo ni Troy kung bakit niyo pinag-aaksayahan ng oras ang taong iyon."
"Basta ako may sariling dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito."si Bryan sabay tingin kay Troy.
Sa halip na sumagot ay nakatawag ng pansin ni Michael ang suot na kwintas ng kausap.
"Teka tol, nagsusuot ka na pala ng kwintas."
"Ah oo, at meron pang isa." Nilabas ni Bryan ang isa pang kwintas sa kanyang bulsa.
"A at B. Andrew at Bryan ang ibig sabihin ng mga pendant na yan, mga initials ng pangalan niyo. Balak mong ibigay sa kanya yung isa di ba?"
"Oo naman. Naisip ko kasi na dapat magkaroon kaming dalawa ng isang bagay na parehas kami, kumbaga remembrance."
"Ewan ko sa iyo tol, ang baduy mo na ah." ang natatawang pa ring komento ni Michael.
______
Lumipas ang ilang araw, naging normal naman ang lahat para kay Andrew. Nagagawa naman niya ng maayos ang mga regular niyang gawain tulad ng pangangalakal sa umaga at pagduty sa library tuwing hapon. May mga pagkakataon din na nagsasama sila ni Troy. Minsan nagyayaya itong magmeryenda, sumasabay sa kanya pag recess at sa paghatid sundo. Dahil dito ay mas naging close pa ang dalawa.
Nagtataka man ngunit nagpasalamat na rin si Andrew sa hindi pag-iistorbo ni Bryan sa kanya sa mga araw na iyon. Bagamat araw-araw siyang binabati nito sa tuwing magkrus ang landas nila sa campus ay hindi ito sumasama sa kanya.
Hanggang sa isang araw, Biyernes ng hapon, kakapasok pa lang ng library ni Andrew nang ipatawag siya ng dean ng kanilang college.
"Mr. Andrew, alam kong masyado kang abala nitong nga nakaraang araw. Pagkatapos ng klase mo ay tumutulong ka sa library. Lately nakarating ang isang impormasyon sa akin na nagtatrabaho ka pa pala sa umaga."
"Opo mam. Medyo kapos po talaga kami ng nanay ko. Hindi rin po sapat ang allowance na natatanggap ko."
"I understand. Actually I really appreciated your efforts. Napakasipag mong tao. Kahit marami kang ibang pingkakaabalahan ay hindi mo napapabayaan ang pag-aaral mo. In fact magaganda ang mga freedback ng mga professors sa iyo."
"Thank you po mam."
Ngumiti sa kanya ang dean. "So lets proceed to the main topic. Kaya kita pinatawag dahil mayroon akong isang bagay na iaalok na alam kong makakatulong sa iyo."
"Ano po iyon mam?" ang interesadong tanong ni Andrew.
"One of the administrators dito sa university na siya ring sumusuporta sa mga scholar na katulad mo at nagbibigay ng allowance sa inyo ay may ibibigay na trabaho sa iyo. Part-time lang naman ito para na rin makatulong sa pamilya mo."
"Talaga po mam. Ano po ba iyon?"
"Yung tinutukoy kong isa sa admin ay may dalawang anak. Yung panganay na lalaki ay nasa fourth year na dito rin nag-aaral sa university at ang bunso naman ay grade1. Bale kukunin ka niya bilang tutor ng bunso. Sabi niya medyo mahina daw ang ulo nito. I think magandang opportunity nito dahil sa salary na makukuha mo."
Natuwa naman si Andrew sa narinig. Swerte dahil siya pa ang napiling kunin bilang tutor sa kabila ng dami nilang mga scholar. Isa pa ay makakatulong iyon ng malaki para sa kabuhayan ng pamilya niya. Makakapagpahinga na rin ang kanyang ina mula sa pagtatrabaho.
"Maraming salamat po mam."
"So tatanggapin mo na ba iho."
"Opo mam."
"Ok. Tungkol naman sa details kakausapin ka na lang niya this weekend. Ito yung address ng bahay nila. Pumunta ka na lang diyan para makilala mo na rin yung tuturuan mo. Dr. Florentina Sebastian. ang pangalan niya."
"Salamat po talaga mam."
Masaya si Andrew nang lumabas siya ng office habang naglalakad pabalik sa library ay napapangiti siya. Isang opportunity na agad niyang tinaggap ay nakapagpasaya sa kanya.
Nang makarating ay agad niyang napansin si Troy na nakaupo at nagbabasa ng libro. Napansin niya ang pagpasok ni Andrew kaya tumayo siya at nilapitan ito.
"Ang saya natin ngayon ah. Mukhang maganda ang naging usapan niyo ni dean."
"Talaga Troy, masayang-masaya ako. May inalok kasi sa akin na trabaho, bilang isang tutor."
"Really, maganda nga yan, dagdag income sa inyo ng nanay mo."
"Yun nga din naisip ko kaya ko tinanggap ito. Mahirap na baka ibigay ito sa iba."
"Im happy for you Andrew. Mabait kang tao kaya maraming blessings ang dumarating sa iyo."
"Hindi naman siguro."
"Ganoon kaya iyon. By the way sino ba yung tuturuan mo?"
"Ah ito pala yung papel na binigay ni dean."
Kinuha ni Troy ang papel. Napatingin na lang ito kay Andrew nang mabasa niya ang nakasulat.
Itutuloy....
nakakabitin nmn hahaha , ang gaganda ng mga story sobra IDOLLLL hahha
ReplyDeletekagagawan lahat yan ni bryan eh
ReplyDeleteBka kapatid ni bryan, wow ganda talaga ng kwento sana lagi merong sjnod na part tnx po
ReplyDeleteANG GANDA NG STORY SANA MAY UPDATE KA AGAD PARA HINDI MABITIN
ReplyDeletehahahha super bitin naman po ehehhehhe..
ReplyDeletesuper ganda. actually i love po lahat ng stories niyo,.... pero itong campus trio very exciting sana my update na po.... thanks
ReplyDeleteexciting :) more :)
ReplyDeleteayos....ganda....update n..hehheh
ReplyDeletesi Bryan!!! hahaha!!!! grabe!! super exciting! ang gaganda talaga po ng mga sinusulat nyong mga stories :)
ReplyDeletenice,,galing hehehehe......yung kasunod pa poh..tnx and more powers....
ReplyDeletethis is really, really nice..
ReplyDeleteit makes me smile.. so looking forward sa
next chapter... kiligness..!!!
God bless.. -- Roan ^^,
bakit nawala ung chapter 11??? pati ung teaser for next chapters???
ReplyDeleteo nga.. san napunta un?
ReplyDelete