Wednesday, October 12, 2011

CAMPUS TRIO Part 12

Patuloy pa rin sa pagbibihis si Bryan at si Andrew ay nananatiling nakamasid sa kanya. Lingid sa kaalaman nito na nahalata ni Bryan ang pagtitig nito sa kanya at sinadya talaga niyang gawin iyon sa harap niya.

"Ayos to ah, fitted talaga sa akin." ang sabi nito matapos isuot ang pinahiram na damit ni Andrew.

Kitang kita naman ni Andrew na tila puputok na ang suot nitong lumang t-shirt na puti dahil sa kaliitan. Bakat na bakat talaga ang laki ng pangangatawan nito. Nang mapadako ang tingin nito sa ibaba ay napansin niya na nakaumbok pa rin ng pagkalalaki nito.

"Ui! tulala ka na jan may problema ba?" ang tanong ni Bryan kay Andrew na nagkunwaring walang kaalam-alam sa ginagawa nito."
"Wa..wa..wala. Inaantok na kasi ako." ang alibi ni Andrew sabay hikab ngunit nang tignan niya ang kausap ay bigla itong natawa sa kanya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" ang naitanong ni Andrew sa kanya.
"Hindi ikaw kundi yang pagsisinungaling mo. Gawain mo rin pala yan eh. Nagagalit ka pa sa mga sinabi ko sa nanay mo ah."

Natauhan na si Andrew sa sagot nito at nagsisimula na naman siyang mainis kay Bryan.
"Ako sinungaling? Tsk. tsk.tsk."
"Oo, ayaw mo kasing umamin."
"Anong ibig mong sabihin ha?"
"Na pinagpapantasyahan mo ako. Halata ko naman sa mga nagnanasa mong mata. Hindi na bago sa akin yan."

Hindi agad nakapagsalita si Andrew dahil sa totoo naman ang sinabi nito. "Kung bakit ka kasi nagpahalata Andrew. Oo nga naman, madali nga niyang makilatis ang mga taong may pagnanasa sa kanya dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya sa school." ang nasabi niya sa kanyang sarili.

Bigla namang nilapit ni Bryan ang mukha niya sa nakaupong si Andrew. "Kita mo namumula ka na oh. Sabi ko na nga ba aminin mo na kasing may gusto ka sa akin."

Hinawakan naman ni Andrew ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ah, at saka ang kapal naman ng mukha mo. Ano naman palagay mo sa akin?"

Umupo na si Bryan sa tabi ni Andrew at inakbayan ito. "Natural lang na itago mo sa akin yan. Pero I will assure you one thing. Wala akong pakialam sa kung anuman ang sexual preference ng isang tao. So kung anuman ang kinakatakot mong malaman ko ay ngayon pa lang tanggalin mo na yan dahil ayos lang sa akin."

Kahit maganda ang sinabi ni Bryan ay hindi nito mapaniwalaan ng buo ni Andrew. Napakaimposible talaga kasi sa tulad ni Bryan ang magbitaw ng ganoong mga salita. Kaya may mga pagdududa pa rin siya sa kabila ng pagkahumaling niya sa kanya.

"Teka nga ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" ang naitanong na lang ni Andrew sa kanya. Medyo ginalaw na niya ang katawan kay Bryan upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Bryan ang kanyang akbay na halos nakayakap na ang braso nito sa katawan ni Andrew. "Ulyanin ka na ba Andrew. Siyempre sasama ako sa trabaho mo di ba?"

Nagulat naman si Andrew sa sagot nito. Wala naman siyang nakakalimutan na sinabi niya iyon ngunit di niya akalain na seseryosohin talaga nito iyon.
"Hindi bagay sayo yun."
"Dahil ba sa estado ng buhay ko. Pwede naman siguro na alisin mo na yan sa utak mo Isipin mo na lang na pantay-pantay ang lahat. Walang mayaman o mahirap. 
"Bahala ka tignan lang natin kung makakatagal ka." ang tugon nito.
"Ako pa Andrew. Kahit anong bagay hindi ko inaatrasan. Kanina nga lang diba yung ginawa ko sa school. Para sayo binaba ko yung pride ko mapatunayan lang na karapat-dapat ako sayo."
"Ows. Pero sa totoo lang hindi ko inaasahan na gagawin mo yun. At talagang napabilib mo ako dun. Siguro mga 80%.
"Wew bakit may rate pa. At saka ano naman yung 20%?
"Yung pagdududa ko. Malay ko ba kung palabas mo lang yun o pakitang tao lang."
"Grabe ka talaga Andrew. Di ka pa rin talaga lubusang nagtitiwala sa akin. Lahat naman ginagawa ko na eh. Nagpapakabait na ako tapos nakikibagay pa ako sa buhay niyo tulad na lang ng pagkain ko ng ulam niyo nung hapunan."
"Siyempre napilitan ka lang dahil nahihiya ka kay nanay."
"Hindi ganoon yun Andrew. Ginawa ko lang iyon dahil may nais akong patunayan. Isa pa nasarapan din naman ako sa luto niya eh."

Napaisip si Andrew sa una nitong sinabi. " Ano naman yung dapat mong patunayan?"

"Alam mo na dapat yun Andrew. Tara na matulog na nga tayo." ang sabi na lang nito sa kanya.

Humiga na si Bryan sa plywood na kama ni Andrew na nilatagan ng banig. Napansin naman ni Bryan na nakaupo pa rin si Andrew.

"Higa ka na." ang sabi nito habang nakataas na nakaunan ang ulo sa nakataas niyang braso.
"Dali, dito ka na sa dibdib ko umunan. Pwede mo na rin akong gawing tandayan."

Ngunit hindi pa rin humihiga si Andrew kaya si Bryan na ang naghatak sa braso nito para humiga.
"Yan Good."

Ilang minuto ang nakalipas nang makatulog na si Andrew sa kanyang posisyon. Samantalang si Bryan naman ay gising pa, dinadama ang taong nasa tabi niya ngayon at nakayakap sa kanya. Napapangiti siya at nagugustuhan niya ito.
"Sana  palagi tayong ganito Andrew." ang sabi niya sa kanyang sarili habang hinahaplos ang buhok nito.
"Ang sarap sa pakiramdam na makatabi kita." ang sab iniya sa kanyang sarili.
______
Alas kwatro ng umaga nang magising si Andrew kinabukasan.  Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang mapansin niya na nakayakap pala siya at nakadantay sa katabi niyang si Bryan.
"Naku napasarap ang tulog ko nakakahiya sa kanya." sa isip-isip ni Andrew. At nang makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog ay nakahinga siya ng maluwag.

Sa halip na gisingin ay sinamantala na niya ang pagkakataon upang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Nahuhumaling na naman siya sa mukha nitong natutulog na mistulang isang anghel. Ang bed look nitong buhok ang lalong nagpagwapo sa kanya. Marahan niyang pinisil ang maskulado at matigas nitong braso. At higit sa lahat ang pagkalalaki nito na mas lalong lumaki ang umbok marahil ay tumigas ito. Parang gusto na niyang salatin iyon ngunit minabuti na lang niyang pigilan ang sarili sa tukso na iyon. Mahirap na baka mabisto na siya nito tungkol sa kanyang sexuality. Minabuti niyang gisingin na lang ito.

"Bryan gising na." ang malakas na pagyugyong niya dito.
"Andrew maaga pa ah." Umupo na ito mula sa pagkakahiga at nag-unat ng braso at nagkusot ng mata. "Madilim pa." ang dagdag nito sumulyap ito sa bintana.

"Kailangang ganitong oras ako gumising, at saka may importanteng lakad ako mamaya. Tara na tumayo ka na dyan."

Lumabas na si Andrew ng silid. Samantalang si Bryan ay nanatiling nakaupo. "Ganito pala ang ginagawa niya araw-araw. Kulang na sa oras ang tulog niya kaya siguro ganoon ang pangangatawan niya." sa isip ni Bryan. "Kahanga-hanga siya."
______
"Medyo malayo ang lalakarin natin papuntang subdivision. Alam ko namang kaya mo, isipin mo na lang na exercise ito." ang pahayag ni Andrew habang naglalakad sila sa kalsada. Tumango ito sa kanya.
"Teka nga pala, nasaan pala yung kotse mo."
"Hindi ko na dinala, nagpahatid na lang ako kay Michael dito."
"Ah ok."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa subdivision.
"Magandang umaga po Manong guard." ang masiglang pagbati ni Andrew sa gwardya ng lugar.
"Magandang umaga din. May kasama ka pala."
"Ah si..." ang pagpapakilala sana ni Andrew nang putulin ito ni Bryan.
"Ako si Bryan, bestfriend po ni Andrew."
"Ah. Sa tingin ko hindi ka mangangalakal, parang mayaman ka kasi." ang puna ng gwardya sa itsura ni Bryan.
"Sige po Manong mangongolekta na kami baka malate ako sa pagpasok." ang pag-iiba na lang ng usapan ni Andrew.

Isa-isang hinalungkat ni Andrew ang mga basurang nakalagay sa mga trash can sa bawat kabahayan doon.
"Ano ba ang mga kinukuha mo dyan?" ang tanong ni Bryan na nag-oobserba sa ginagawa ni Andrew.
"Mga bagay na maibebenta sa junk shop."
"Meron pa ba nun jan eh puro naitapon na yan dahil useless na."
"Oo, tulad ng mga lata, papel, dyaryo at bote. Binibili ng junkshop ang mga iyon dahil narerecycle."
"Ah. hindi ka ba nandidiri jan."
"Alam kong itatanong mo iyan sa akin. Sanay na ako dito, sa panahon ngayon dapat hindi ka na mamili sa trabaho mo, ang importante marangal ito. Nakapalaking tulong sa akin ang perang kinikita ko dito dahil nagagamit ko bilang baon sa pagpasok. Sa estado ng buhay namin ni nanay, kailangan talagang kumayod." ang seryosong tugon ni Andrew.

Lubos na humanga si Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. Hindi pala biro ang routine nito sa umaga bukod sa kanyang pag-aaral. Sa kabilang banda ay naaawa siya dito kaya naisip niya na tama lang ang ginawa niyang kunin ito bilang tutor ng kanyang kapatid nang sa gayon ay matigil na ito sa ganitong kahirap na trabaho.
 
Tumulong na rin sa paghahanap si Bryan.

Habang nilalagay ni Andrew ang mga kalakal sa kariton ay sumusulyap siya sa kanyang kasama. Natatawa siya sa paraan ng paghawak nito ng mga lata at ang pag-amoy sa kanyang mga kamay na tila nandidiri.

Sa panig naman ni Bryan, kahit nandidiri sya sa kanyang mga hinahawakan ay tiniis niya ito para matulungan lang si Andrew.
Maliwanag na nang matapos sila sa pangongolekta. Bago sila pumunta ay isa-isa nilang inapakan para mapipi ang mga bote at lata. Natatawa pa rin si Andrew sa tuwing dumadaplis sa paa ni Bryan ang mga tin cans na pinipipi nila kaya tumatalsik ang mga ito.
"Ako na nga ang gagawa niyan."
Ako na kaya ko to." ang pagtutol ni Bryan  "Teka kailangan pa bang gawin ito?" ang tanong ni Bryan sa kanya. 
"Siyempre naman para mabigat sa timbang.  Depende kasi sa bigat ang ibabayad ng junkshop.
"Ganoon pala ibig sabihin mababa lang ang kita kapag magaan?"
"Oo naman."

Nang matapos ay naglakad na sila papuntang junk shop.
"Ako na ang magtutulak Andrew." ang alok ni Bryan nang mapansin na medyo nabibigatan si Andrew sa  laman ng kariton na malaking itim na plastik na naglalaman ng kanilang nakolekta.
"Ang gaan pa nito ah. Mas mabigat pa yung mga weights na binubuhat ko sa gym." ang sabi nito

"65 pesos lahat." ang sabi ng may-ari ng junkshop matapos kwentahin ang lahat ng kalakal. Binigay na nito kay Andrew ang bayad.

"Halos tatlong oras ka nagtrabaho ganyan kaliit lang ang kinita mo?" ang komento ni Bryan habang naglalakad na sila.
"Ganoon talaga at least meron di ba. pangbili na rin ito ng bigas." ang nakangiting tugon ni Andrew.
"Dapat talaga tumigil ka na sa trabaho mong ito ngayon pa at magkakaroon ka na ng part-time job na pagtutor."
Napatingin si Andrew sa kanya. "Teka paano mo nalaman?"

Itutuloy...

14 comments:

  1. go lang ng go....
    paganda na ng paganda ang kwento....

    ReplyDelete
  2. waahh..!!

    ganda.. super..!!!

    sweetness..!!!

    Go Bryan.. !!

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  3. nice job author...ang galing ng story...si andrew na marunong sa buhay..hehehe..alex tecala

    ReplyDelete
  4. ganda talga ng story, sana may update agd nito

    ReplyDelete
  5. -- super kiliq !
    -- nakakaloka !
    -- very puppy love haha :))
    -- qo lann nq qo !
    -- sana mahaba pa unq ibanq chapter..!
    -- kakabitin kc ee !


    [ kharla.potxs]

    ReplyDelete
  6. Next chapter! Thanks author :-)

    ReplyDelete
  7. waahhh...kgabi lng ako nagbasa dito at nkatatlong kwento n ako...ang gaganda....sana mangyari skin khit isa dun....gling m author...sana masundan n....

    ReplyDelete
  8. hehehe na imagine ko na si brian ay si Johny bravo malaki ang katawan samantalang si andrew ay si mr. bean payat..nice one

    ReplyDelete
  9. nako nadulas si bryan!
    pano nya malulusutan si Andrew?
    Go Bryan!! Idol na kita!
    Sana meron talaga nyan sa true life!
    sino kaya yun?

    ReplyDelete
  10. wo /super ganda po.. looking forward for the next chapter.. sana mapost po soon hehehe,.,

    ReplyDelete
  11. Alam ko na niyan palusot ni Bryan sa pagkakadulas niya...

    "Nasabi sa akin ni Troy. Alam mo naman best friend kami kaya nakwento niya."

    haha.. Tama ba?

    ReplyDelete
  12. Next chapter! Ang ganda ganda

    ReplyDelete
  13. super kilig naman ako sa ginagawa ni bryan para kay andrew...

    ReplyDelete