Friday, August 26, 2011

CAMPUS TRIO Part 6

Lumipas pa ang mga araw na naging maganda ang samahan nina Andrew at Troy. Mas lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Tuluyang nawala ang agam-agam ni Andrew sa totoong intensyon ni Troy sa pakikipagkaibigan ng binata sa kanya.
 
Dahil dito, naging usap-usapan na sila sa buong unibersidad. May mga naiinggit, kinikilig, nagseselos at ang isang punang gumugulo sa isipan ni Andrew ngayon ay ang pangungutya sa kanyang pagkatao. Alam naman niya sa kanyang sarili na siya ay isang alanganin. Kahit papaano ay napaghandaan na niya ang mga punang ito ng ibang tao sa kanya.

Isa pa sa gumugulo sa isipan ni Andrew ay ang malantad ang lihim niyang ito sa kanyang pagkatao kay Troy. Naririnig naman ng binata ang mga pangungutya sa kanya ng ibang tao ngunit palaging isa lang ang sinasabi nito, na huwag na lang silang pansinin. Hindi tuloy mawari ni Andrew ang totoong nasa isipan ni Troy tungkol sa kanya.
______
"Saan naman lakad niyo ni Troy tonight?" ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa hallway papasok ng kanilang classroom.
"Wala eh. Sabi niya kasi na may importante silang aasikasuhin ng lola niya tungkol sa kanilang negosyo."
"Ganun ba. Pero friend, hindi ka ba nag-aalala sa mga nangyayari. Talagang sikat ka na dito sa campus, alam mo naman siguro ang mga negative comments sa iyo ng mga estudyante dito lalo na sina Papa Bryan at Michael."
"Hindi ko naman sila binibigyang pansin pa tulad ng palaging sinasabi sa akin ni Troy. Kahit hindi siya nagtatanong kung may katotohanan ang mga iyon, pilit akong nagdedeny sa kanya. Kaya hindi ako nagpapakita ng kahit anong motibo sa kanya."

Napansin na lang ni Andrew ang pagngiti ni Dina matapos marinig ang kanyang mga sinabi.
"Ok. So ibig sabihin, natatakot ka na lumayo si Troy sa iyo kapag nalaman niya na ikaw ay member din ng aming pederasyon.Umamin ka nga may gusto ka na sa kanya ano?"

Todo namang tanggi si Andrew sa tanong na iyon ni Dina.
"Hindi ah. Mabait siya, matalino at may itsura pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

Sa ilang linggong pagsama ni Andrew kay Troy ay halos lahat ng magagandang katangian nito ay nakita na niya. Ang pagiging sweet, mabait at ang sense of humor nito ang dahilan upang ang sinuman ay mahulog ang loob sa kanya. Pero sa kaso ni Andrew ay hindi pa niya ito maramdaman.

"Talaga, madalas na nga kayong magkasama tapos yan pa ang iniisip mo. Samantalang maraming estudyante dito ang sobrang nahuhumaling at nagkakagusto sa kanya." ang hindi makapaniwalang sagot niya sa sinabi ni Andrew.
"Oo. Teka nga bilisan na nating maglakad mahuhuli na tayo." ang pag-iiba na lang ni Andrew ng usapan.
______
"Nasaan si Troy?" ang tanong ni Bryan kay Michael pagkapasok nito sa kanilang tambayan.
"Ayun. Kaalis lang. May pupuntahan daw sila ni lola." ang tugon naman ni Michael. "Siyanga pala tol, hindi ka ba naaalarma sa mga usap-usapan sa buong school tungkol kina Troy at Andrew."
"Hindi naman."
"Talaga."
"Eh yung tungkol naman sa sexuality ni Andrew."
"Hindi naman dapat binibigyan ng issue iyon.

Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ni Michael sa sagot na ito ng kaibigan. Sadyang naiiba o nababaliktad talaga ang mga sinasabi nito pagdating kay Andrew. "Tinamaan na siya sa taong iyon ah." ang bigla niyang naisip.

"Alam mo tol, kung anuman ang meron sa kanilang dalawa ay sa umpisa lang yan. Makikita mo, sa mga susunod na araw mag-iiba ang lahat." si Bryan sabay pakita ng isang makahulugang ngiti sa kausap.
"Hay nako..." ang nasabi na lang ni Michael.
______
"Good afternoon Mam. Si Andrew po?" ang agarang tanong ng lalaki sa librarian pagkapasok nito.
"Inutusan ko saglit iho. Pinakuha ko sa kanya ang mga hiniram na libro sa history department." ang tugon ng librarian sa kanya."
"Ok po hintayin ko na lang siya." ang sagot ng lalaki sabay upo sa pinakamalapit na silya.

Napupuna naman ng lalaki ang panay na pagsulyap sa kanya ng mga taong naroroon sa loob ng library. Hindi na siya nagtataka roon bagkus hinahayaan na lang niya sila sa kanilang ginagawa tutal ay sanay naman siya rito. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang kanyang hinihintay.

"Mam ito na po ang mga libro." ang sabi ni Andrew sa librarian. Pinatong niya ang limang librong dala niya sa mesa.
"Sige iho, may naghahanap sa iyo. Mabuti pang kausapin mo muna siya."

Napangiti si Andrew sa sinabing iyon ng guro sa pag-aakalang si Troy ang kanyang tinutukoy. Ngunit nang ilibot niya ang kanyang mga mata sa buong library ay napansin niya ang isang lalaki. Ibang-iba kasi ang personalidad ng taong iyon kaysa sa mga taong naroroon. Napuna rin niya na pinagtitinginan nito. Agad naman siyang napangiwi mula sa pagkakangiti.

"Kamusta na Andrew." ang sabi ng lalaki sa kanya. Tumayo na ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo, kanina nakangiti ka. Dahil ba hindi si Troy ang kaharap mo ngayon?" ang dagdag pa ng lalaki.

Tila napahiya si Andrew sa tanong na iyon. "Hin-hindi ano? Nakakita lang kasi ako ng isang kasuklam-suklam na tao." ang pagtanggi ni Andrew.
"Talaga lang ah. At teka bakit ka naman nasusuklam sa akin. Wala pa naman akong ginagawa sa iyo?"
"Malay ko ba kung tumetyempo ka lang o talagang pinaghahandaan mo pa." ang sabi ni Andrew.

"At wala akong ganang makipag-usap sa iyo." ang kanyang dugtong sabay kuha ng mga aklat. Nang akmang tutungo na siya sa mga shelves para ibalik ang mga ito nang bigla siyang hinawakan ng lalaki sa braso.
"Bitiwan mo nga ako. Mahiya ka naman sa mga taong nakatingin sa atin." ang naiiritang pahayag ni Andrew. Pilit siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

"Naiinis ka sa ginagawa ko sa iyo samantalang kapag si Troy ang kasama mo ok lang sa iyo." ang seryosong sabi ng lalaki.
"Mabait naman si Troy kung ikukumpara sa iyo." ang sagot ni Andrew. Medyo napaisip naman siya sa sinabi nito.
"Huwag mo muna ako agad husgahan. Its my turn naman." ang maikli ngunit makahulugang pahayag ng lalaki.

Naalimpungatan na lang si Andrew sa sunod na ginawa ng lalaki sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ay wala na siyang nagawa. Mahigpit siya nitong kinaladkad palabas ng library.

"Mam, ipapaalam ko po sa inyo si Andrew. May importante lang po kaming gagawin.
"Hay naku  talaga kayong mga bata oh. Parehas kayo ni Troy. Sige iho." ang pagpayag ng librarian.

"Hoy ano ka ba, bitiwan mo nga ako!" ang pasigaw na pahayag ni Andrew. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang mga makahulugang tingin ng ng mga estudyante.
"Btiwan mo nga ako sabi nakakahiya!" si Andrew habang pilit na nagpupumiglas at halatang inis na

Pwersahang tinulak at pinasok si Andrew ng lalaki sa loob ng isang magarang sasakyan. Nagmadali namang pumasok din ang lalaki sa drivers seat. Agad niyang inistart ang sasakyan at pinaharurot ito.

"Ano ba gagawin mo sa akin ha?" ang pasigaw na tanong ni Andrew sa lalaking nagmamaneho.
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Gusto lang naman kitang isama." ang sagot nito.
"Ako, eh sa dami-dami ng tao diyan ako pa ang napili mo."
"Oo ikaw ang gusto ko."

Sa sagot na iyon ng lalaki ay bahagyang napatigil si Andrew. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang sagot na iyon ng kausap.
"Itigil mo ang kotse kundi tatalon ako dito!"
"Bakit ganyan ka sa akin ha? Kapag si Troy ang kasama mo ang bait mo sa kanya."

Sa halip na ihinto ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Uy, teka bagalan mo naman baka mabunggo tayo. Ayoko pang mamatay!" ang pahayag ni Andrew na medyo kinakabahan na.
"Huwag kang mag-alala, basta ako ang kasama mo walang mangyayari sa iyo." ang tugon sa kanya ng lalaki.

Binagalan na ito ang takbo ng kanyang kotse. Maya-maya pa ay nilingon siya nito at ngumiti.
"Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nagawa ko sa iyo. Hayaan mong gawin ko ito sa iyo bilang paghingi ko ng tawad. Sana naman pagbigyan mo rin ako tulad ni Troy." ang malumanay na nitong pahayag.

Wala nang nagawa si Andrew. Medyo lumambot naman ang puso niya sa mga pahayag na iyon ng lalaki. Pinagmasdan niya ito at doon niya napansin ang itsura nito. Mapupungay ang mga mata nito. Gwapo rin siya at maganda ang pangangatawan tulad ni Troy ngunit ang pinagkaiba nga lang ay mas maputi at matangkad ito sa kanya. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay parang ang lakas ng dating nito sa kanya.

"Sige pagbibigyan kita pero sana ngayon lang ito." ang nasabi na lang ni Andrew sa lalaki.
"Salamat. But I cant promise na hindi na mauulit pa ang pagsasama ko sa iyo."
"Ano ibig mong sabihin?"
"Gusto kong patunayan sa iyo na hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo."
"Kung ganoon dapat sa ibang mga estudyante mo gawin yan lalo na sa mga inaway mo."
"Ayoko, gusto ko sa iyo lang."
"Bakit ako?"
"Kung alam mo lang Andrew ang ginawa mo sa akin nitong mga nakaraang araw."
"Ganoon, eh ngayon lang naman tayo nag-usap."
"Hindi Andrew. Simula nung unang araw na magsagutan tayo sa court, di ka na maalis sa isipan ko."

Mistulang natameme si Andrew sa mga narinig niya sa lalaking kausap. Kung ikukumpara kay Troy, mas prangka ito sa kanyang nararamdaman.
"Teka, nagbobolahan na yata tayo dito. Saan mo ba talaga ako dadalhin?" ang pag-iiba ni Andrew ng usapan.

"Gusto ko lang ipakita sa iyo ang pinakapaborito kong puntahan na lugar."
"Saan naman iyon?"
"Basta malalaman mo rin."

Pinili ni Andrew na pansamantalang manahimik. Maya-maya napansin niya na nasa NLEX na siya palabas ng Metro Manila.
"Sandali nga, saan mo ba talaga ako dadalhin?" ang nagpapanic nang tanong nito.

"Easy lang. Mag-overnight tayo sa Baguio."
"Baguio!" ang pasigaw na reaksyon ni Andrew sa sobrang pagkabigla. "Ang layo naman nun, baka hanapin ako ni inay. Isa pa may pasok bukas."
"Relax lang Andrew." ang nakangisi niyang tugon.
"Paano ko makakapagrelax nito, unang-una kasama kita, baka kung ano ang gawin mo sa akin. Pangalawa baka mag-alala sa akin si inay."
"Ako ang bahala. Sabi ko naman sa iyo kanina, na hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo. I will make sure na safe ka sa piling ko."

Wala nang nagawa pa si Andrew. "Ikaw talaga Bryan!" ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili.

Itutuloy...





11 comments:

  1. Walang kakupas kupas. Walang kasing galing. The best ka daredevil. Keep it up

    ReplyDelete
  2. Ok tapos na si Troy, sumunod naman si Bryan. Kelan kaya si Michael.Hehehe..

    Abangan ko next update. Exciting yung tagpo between Bryan and Andrew.

    ReplyDelete
  3. mas gusto ko si bryan kay andrew....hahaha..basta..great job sir!!!
    alex.tecala@gmail.com

    ReplyDelete
  4. hula ko baka si Michael ang gagawa ng hakbang para mapasama si Andrew!!!! hula lang...

    ReplyDelete
  5. sana mag sex silan dalawa... hehehehe

    tingin ko aakitin ni bryan si andrew... tapos may hidden cam... tapos may pang blackmail si bryan kay andrew... tapos pipilitin ni bryan si andrew na maging sila... or else... tapos...

    hahaha... hula lang...

    love this story!!!

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  6. maganda cguro na sali si michael, sana meron clng senpai n kinatatakutan ng trio pero mabait sa mga students,

    ReplyDelete
  7. mas interesting ang story kahit parang alam mo n ang mangyayari. ano kya ang mgiging twist sa story. kelan kya update for next chapter?

    -mhei

    ReplyDelete
  8. galing tlga daredevil..

    nxt chapter na agad!! :))

    ReplyDelete
  9. sana mga 20 chapters to...
    mukhang mganda ung kwento

    ReplyDelete
  10. ganda ng story... next chapter pls...

    ReplyDelete