"Andrew ikaw ha balita ko sumama ka daw kay Troy kagabi" si Dina nang makita si Andrew na pumasok sa kanilang classroom kinabukasan.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?" ang patanong niyang sagot habang nilalapag ang kanyang bag sa kanyang silya at naglalabas ng mga libro.
"Parang hindi mo naman alam kung gaano kasikat ang campus trio dito sa school. Syempre alam lahat ng mga estudyante dito ang kanilang mga ginagawa. Sinusubaybayan kaya nila ang lahat ng kilos ng tatlo."
"Ah..."
"So totoo nga iyon?"
"Oo, pero hindi ako ang sumama sa kanya, siya ang unang nakipag-usap at lumapit sa akin."
"Talaga, ginawa niya iyon?" ang tanong ni Dina na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?"
"Hindi naman sa ganoon. Napakaimposible kasi eh. Wala sa personalidad ng trio ang makisalamuha o maunang makipag-usap sa ibang tao."
"Ganoon. Sige nga magkwento ka naman sa akin ng mga nalalaman mo tungkol sa kanila." si Andrew nang mapaisip ito sa mga sinabi ni Dina.
"Bukod sa pagiging sikat ay talagang mayayaman ang campus trio. Sa ugali naman hmm...." si Dina na saglit na nag-isip ng susunod na sasabihin.
"...alam ko namang disagree ka kung sasabihin kong mababait sila di ba. Pero para sa akin si Troy ang pinakamabait sa kanila. Tahimik, seryoso pero matalino at magaling sa sports. Si Michael naman ang pinaka chickboy sa lahat. Balita ko lang ha na madalas siya sa mga bar pag gabi kasama si Troy. Tapos kung sinu-sinong babae ang ka date niya. At siyempre ang pinakamahal ko sa kanila si Papa Bryan!...." ang kanyang pagpapatuloy na may kasamang kilig.
"Siya ang tumatayong leader ng trio. Pinakamayaman at para sa akin pinakagwapo! hays. Sabi nila na talagang likas siyang masungit at mukhang di nagseseryoso sa buhay. Sa mga kaibigan niya nga lang siya nagagawang ngumiti eh. At ito pa sabi ng kapatid ko na kapag nandyan siya lumayo ka na o di kayay wag kang magtatangkang gumawa ng hindi maganda sa paningin niya dahil tiyak na ma di magandang mangyayari sayo."
Walang naging pagtutol si Andrew sa paglalarawan ni Dina kay Troy dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Pero kay Bryan ay nakukulangan siya at parang may mali.
"Ah idagdag mo pa ang salitang mayabang at sadista. Doon pa lang sa ginawa niya sa court alam ko na natutuwa pa siya kahit na lugmok na sa kahihiyan yung mga babae. Peo sa huling sinabi mo hmm... parang baliktad. Sabi mong wag mo siyang kakausapin o lalapitan, pero kahapon siya pa ang unang lumapit sa akin para inisin ako."
"Really Andrew." ang naibulalas ni Dina. Kasama mo rin si Papa Bryan kagabi?"
"Hindi sumulpot lang siya na parang kabute sa library."
Nahihiwagaan man pero hindi na muna binigyan pa ni Dina ng pansin ang bagay na iyon.
"Isa pa pala, kwento ng kapatid ko, marami nang mga estudyante ang nagtangkang kunin ang kanilang atensyon at makipagkaibigan pero ni isa sa kanila hindi pinalad."
"Hindi na nakakapagtaka doon pa lang sa leader nilang ungas eh." komento ni andrew na may pagtango-tango pa.
"Siguro pero kahit ganoon sila, marami pa ring nahuhumaling sa kanila. Kaya hanggang tingin na lang ang ginagawa ng mga estudyante rito."
"Ganoon pala, naisip ko nga kagabi pa na baka may plano talaga si Troy sa akin. Sige salamat sa mga sinabi mo."
"Kung wala silang kinakaibigan dito sa campus eh bakit si Troy gustong makipagkaibigan sa akin?" ang naitanong ni Andrew sa kanyang sarili. Di niya tuloy maiwasang isipin na baka talagang may hidden agenda ito sa kanya.
______
"Saan ka nagpunta kagabi? Tinatawagan ka ni Bryan hindi ka sumasagot." ang tanong ni Michael kay Troy. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan.
"May pinuntahan lang" ang matipid na tugon ni Troy.
"Saan, kina Andrew?"
Hindi sumagot si Troy.
"Tama nga ang balita. Sabihin mo sa akin, ano ba ang plano mo sa kanya? Balak mo rin ba syang pagtripan tulad ng gagawin ni Bryan?"
Tumingin siya kay Michael bago sumagot. "Hindi, at saka wala akong plano sa kanya. Kinuha ko lang ang atensyon niya para malaman ko pa ang lahat-lahat tungkol sa kanya."
"Ano ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Michael. Naguguluhan kasi siya sa mga marinig niya sa kausap.
"Honestly, nung makita ko siya at pag-aralan ang pagkakakilanlan niya, nagkaroon ako ng interes sa kanya. Kaya ayun, kinausap ko siya."
"Troy, huwag mong sabihing..." si Michael na tila nahuhulaan na ang ibig ipahiwatig ni Troy na agad namang naputol sa pagdating ng isa pa nilang kasama na si Bryan.
"Mga tol!" ang bati ni Bryan sa kanila sabay akbay sa kanilang dalawa gamit ang mga kamay nito."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah"
"Hindi naman, may tinanong lang ako kay Troy." ang sagot ni Michael.
"Ah ok. Siyanga pala mga tol, nakaisip na ako ng napakagandang plano para sa taong iyon."
"You mean si Andrew?"
"Yup. Nakausap ko na nga si Mama tungkol dito."
"Nice naman talagang kursunada mo na ang taong yan ah" si Michael nang mapansin ang pagngiti ni Bryan.
"Sa puntong iyon ay may pumasok agad sa isipan ni Troy ukol sa gagawing ito ni Bryan na nagbigay ng dahilan sa kanya upang mag-alala para kay Andrew.
______
Masayang kumakain at nag-uusap sa canteen sina Andrew at Dina kasama ang dalawa pa nilang kaklaseng babae. Maya-maya ay nahinto sila gawa ng biglaang paghiyaw ng ibang mga estudyanteng naroroon at ang dahilan nito ay ang pagdating ng trio.
Sabay-sabay silang naglalakad mula sa entrance ng canteen. Ang mga estudyanteng may dala-dalang pagkain ay tumatabi upang bigyan sila ng daan. Pagkapasok ay tumigil silang tatlo at lumingon-lingon sa paligid. Agad napansin iyon ng grupo nina Andrew.
"Parang may hinahanap sila oh" ang puna ni Dina.
"Hayaan mo na sila." ang walang interes na sagot ni Andrew at itinuloy lang kanyang pagkain.
"Teka Andrew, parang dito na sila nakatingin sa direksyon natin" ang sabi ulit ni Dina habang niyuyugyog si Andrew.
Agad naman siyang sumulyap upang alamin kung totoo ang sinasabi ni Dina. At laking gulat niya nang makitang naglalakad na sila papalapit sa kanila.
"Pwede bang makisabay?" si Bryan na nasa gilid na ng inuupuan ni Andrew.
Tumingin naman si Andrew sa paligid para tignan kung may mga bakante pang upuan at nakita niya na halos lahat ay okupado na ng mga estudyanteng nakatingin pala sa kanila.
"Sorry wala nang bakante. Doon na lang kayo sa labas." ang sagot ni Andrew.
"Pwedeng makisabay kumain." si Bryan na inulit lang ang sinabi nito.
"Bulag ka ba kita mo nang apat na kami dito oh."
"E di paalisin mo sila. Commonsense lang" si Bryan ulit.
"Anong sabi mo paaalisin ko sila?"ang tanong ni Andrew na nagsisimula nang uminit ang ulo. "Inuutusan mo ba ako.?"
"Oo. Alam mo maswerte ka nga eh dahil sa lahat ng mga students dito ikaw lang ang binibigyan ko ng special attention."
Tumayo na si Andrew sa kanyang kinauupuan at hinarap si Bryan. "Talaga palang nakapayabang mong hambog ka at napakasama ng ugali mo ano. Tama ba yun, paalisin ko ang mga kaklase ko para sa inyo. Bakit sino ba kayo, hindi porket sikat na kayo at maimpluwensya ay pwede niyo nang gawin ang kahit na ano. Isa pa pala hindi ko kailangan ng special attention na sinasabi mo." ang mahabang pahayag ng galit na galit na si Andrew.
"Natatawa lang siya sa iyo" ang sabi naman ni michael nang mapuna ang reaksyon ni Bryan sa narinig.
"Ano nakakatawa sa sinabi ko?" ang tanong ni Andrew.
"Wala lang." si Bryan na tumatawa pa rin.
"Natatawa ka nang walang dahilan, baliw ka pala kung ganoon."
"Maybe, dahil sayo kung bakit ako nagkakaganito."
Nabigla naman si Andrew sa kanyang narinig. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ah eh nevermind. Sige guys doon na lang tayo sa tambayan kumain. Andrew, be ready" ang sabi ni Bryan bago silang naglakad palabas ng canteen.
Naiinis man ay naibsan naman ito nang mapatingin si Andrew sa kasama nitong si Troy na pasimpleng ngumiti sa kanya at kinawayan ito bilang pagbati. Gayunpaman ay naintriga naman si ya sa mga huling kataga ng sinabi ng kasama nitong si Bryan. "Be ready daw. Lagi akong handa sa iyo" ang bulong ni Andrew sa kanyang sarili.
Pagkalabas ng tatlo ay narinig niya ang palakpakan ng mga estudyanteng naroroon.
"Nice ang tapang mo naman Andrew!"
"Ikaw na Andrew da best ka!"
"Natatawa lang si Bryan pero napipikon na iyon sa iyo!"
Ito ang mga sigawang kanyang naririnig na nagbigay sa kanya ng inspirason na lalong labanan ang tanong para sa kanya ay napakayabang.
"Talagang bilib na sila sa iyo" ang sabi ni Dina.
"Sus yun lang! Tara bilisan na lang nating kumain baka lalo pang uminit ang ulo ko" si Andrew.
"Pero teka lang friend. Napansin mo ba ang reaksyon ni Troy kanina?"
"Ha, paano ko naman mapapansin eh si Bryan lang ang kausap ko. Bakit anong nakita mo?"
"Iba kasi ang kinikilos niya kung ikukumpara kina Bryan at Michael."
"Paano mo naman nasabi?"
"Andrew, nginitian ka niya tapos nabilib pa siya sa mga ginawa mo, kasi nakita namin yung mahina niyang pagpalakpak" ang pagsasalita naman ng isa pa niyang kaklase.
"Talaga" ang nasabi lang niya. Hindi naman niya kasi narinig ito o nakita man lang.
Sa puntong iyon ay may bagay ulit na pumasok sa isip ng kaklase niyang si Dina.
______
"Baliw ka na daw" ang patuloy na pangungutya ni Michael na natatawa pa rin sa mga nangyari kanina. "Naiinis ka na sa kanya ano?"
"Hindi eh. Ewan ko ba pero ni katiting na galit ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Natutuwa pa nga ako sa kanya sa tuwing naiinis siya sa akin."
"What! First time kong marinig sa iyo yan tol."
"Oo nga eh."
"Talagang naiiba siya sa lahat ng estudyante dito" si Troy.
"Exactly. Iyon ang dahilan ng pagkakaron ko ng interes sa kanya. Kaya dapat madaliin ko na ang lahat. I will make sure na makukuha ko ang kanyang loob." si Bryan na nakangiti pa rin sabay sandal ng kanyang ulo sa sofa at tumingin sa kisame na tila nag-iisip. "Hays."
______
Lumipas ang maghapon hanggang sa matapos ang klase ni Andrew ay puro papuri lang ang kanyang narinig sa mga tao sa paligid. Hindi na niya pinansin pa ang mga ito at nagtungo na lang sa library para sa kanyang duty.
Pagkapasok ay nagulat siya nang mapansin ang isang lalaking nakaupo.
"Hi" ang kanyang bati na nakangiti na may kasamang pagkaway.
"Troy"
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Andrew.
"Kakaunti pa lang naman ang mga estudyante dito at pinagpaalam na kita sa librarian. Tara meryenda muna tayo."
"Sige." ang naisagot na lang ni Andrew sa kanya. Kahit siya mismo ay nagtataka sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang kadali sa kanya ang pagpayag. Marahil ito sa gaan ng kanyang loob sa taong ito.
Sabay silang naglakad dalawa.
"Teka saan tayo pupunta?" ang tanong niya nang mapansing papunta sila sa parking lot.
"Kakain tayo sa labas."
Maya-maya lang ay narating na nila ang lugar kung saan nakapark ang kotse ni Troy.
"Oh sakay na" ang sabi ni Troy matapos buksan ang pinto nito. Naging sunud-sunuran lang si Andrew sa kanya na tila nahipnotismo na.
_______
Kita sa mga mata ni Andrew ang pagkamangha sa kanilang pinuntahan. Kahit first time, alam niyang pang mayaman ang restaurant na ito dahil sa mga ibang kumakain doon.
"Dito tayo kakain?" ang nahihiyang tanong ni Andrew.
Hindi sumagot si Troy bagkus ay inakbayan siya nito papunta sa kanilang magiging mesa. Umupo silang dalawa. Maya-maya lang ay inabot ng waiter ang menu sa kanila. Tinuro na ni Troy ang kanyang order samantalang si Andrew ay nananatiling nakatingin pa rin sa kanyang hawak.
"May nagustuhan ka ba? kung wala pwede tayong lumipat ng restaurant" ang sabi ni Troy sa kanya.
"Ah eh hindi naman sa ganoon. di lang ako sanay sa ganitong lugar."
"Ganoon ba dapat siguro dalasan natin ang pagpunta sa mga ganitong lugar para masanay ka." ang nakangiting pahayg ni Troy sa kanya.
At makalipas ng ilang segundo ay nakapili na siya ng kanyang kakainin.
Nagsimula na silang kumain nang maserve na ang kanilang inorder. Sa isip naman ni Andrew ay mistulang date na ang ginagawa nila pero hindi na lang muna niya binigyan pa ng pansin iyon.
Napansin naman ni Troy ang hindi sanay na paggamit ni Andrew ng mga kubyertos. Sa halip na magalit ay natawa pa siya.
"Ang sarap pala nito!" ang komento ni Andrew habang kumakain. "Alam mo puro pagkain sa carinderia o luto ni nanay lang ang kinakain ko eh"
Nahinto sa pagtawa si Troy. "Carinderia?"
"Oo, yung mga lutong ulam na pagkain na tinitinda."
"Ah I see."
Natawa si Andrew. "So di mo pala alam iyon. Kung sa bagay mayaman ka kasi"
"Hindi naman. Ah Andrew, kaya kita niyaya pala dito dahil gusto kong makapag-usap tayo"
Saglit na napahinto si Andrew sa kanyang pagkain."Tungkol saan?"
Hindi kaagad sumagot si Troy. Nakatingin lang siya sa kanya na tila iniisip pa ang kanyang mga sasabihin.
Itutuloy....
first to comment!! :)))
ReplyDeletecant wait sa sasabihin ni troy..
nxt chapter na agad daredevil.:)
Nxt chapter please...hehehehe..excited...
ReplyDeleteNakakatuwa yung bida. Ang tapang. Ano nga kaya yung balak ni Troy.nakakaintriga.
Abangan ko yung susunod na chapter.
maganda parang may pagka F4..... ito cguro ang F3 version
ReplyDeletepatitirahin ata sa mansyon, para siguradong hinde na makakawala sa poder ni Bryn....
ReplyDeletenako karibal pa si Bryn at troy....
good job Daredevil.....
as always... ang galing mo pa rin mambitin daredevil. the progression of the story is impressive and interesting. di mo alam kung ano magiging kasunod. looking forward sa next chapter... ingatz po. :))
ReplyDeletenaisip ko din ung naisip ni mcfrancis, baka instead sa library mg duty, sa bahay nlng nila bryan. ahaha.
ReplyDeletenext chapter na po admin!!
bryan at andrew ang gusto ko hehehe.
ReplyDeleteayaw bryan and andrew! troy and bryan hahahaha.
ReplyDeletewaahh..
ReplyDeletekiligness nman tong mga to.. hehehe
nice story.. really love this one..
God bless.. -- Roan ^^,