Thursday, August 18, 2011

CAMPUS TRIO Part 5

Nakakaramdam ng pagkailang si Andrew habang kumakain sila ni Troy. Pakiramdam niya kasi na pinag-uusapan siya ng mga tao sa kanilang paligid. Karamihan kasi ng magkakasabay na kumakaing customer doon ay pawang lalaki at babae.

"Hindi ba masarap ang pagkain Andrew?" ang tanong sa kanya ni Troy nang mapansin ang kakaibang kilos ng kasama.
"Sa tingin mo ba hindi ko kakainin to kung hindi masarap? ang tugon naman ni Andrew na medyo natatawa.
"Galing ng sagot mo tol!" ang naibulalas ni Troy na natawa na rin."Napansin ko lang naman na parang may iba kang iniisip."
""Alam mo kasi medyo naiilang ako. Tignan mo naman yung ibang kumakain dito." ang mahinang pahayag ni Andrew.

Agad namang nakuha ni Troy ang ibig ipakahulugan nito. "Yun lang pala. Inggit lang sila kasi ka date mo ngayon ay isang gwapo." ang natatawa pa rin nitong pahayag.

"Date?" ang pag-uulit ni Andrew sa kanyang sarili. "Ano kaya ang ibig nitong sabihin?"

"Oh bigla kang naging seryoso ulit. Sige na nga ubusin na natin ito." ang pag-iba agad ng usapan ni Troy.
"By the way Andrew, Thanks ulit sa pagpayag mo na sumama sa aking kumain." ang nakangiting pahayag ni Troy habang nakatingin kay Andrew.
Tumingin sa kanya si Andrew. "Youre Welcome basta ikaw." ang kanyang tugon.
"Alam mo ba ngayon lang ako sumaya ng ganito."
"Talaga?"
"Oo, at dahil sa iyo yun Andrew."

Napatigil sa pagsubo si Andrew. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na nasiyahan din siya sa lahat ng mga sinabi nito ngunit may pag-aalinlangan pa rin siya. Malay ba niya na kinukuha lang nito ang kanyang loob para sa kanyang kaibigan na si Bryan.
 "Ikaw naman, mahilig ka palang magbiro heheheh"ang kanyang sagot.

At sa pagkakataong iyon, mula sa masayahing mukha ni Troy ay naging seryoso ito.
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"

Hindi agad nakasagot si Andrew. Maya-maya lang ay inilapit ni Troy ng kaunti ang kanyang mukha kay Andrew.
"Im trying to be nice sa iyo pero parang hindi ka pa rin naniniwala sa akin"

Wala nang nagawa si Andrew kundi ang umamin at sabihin ang kanyang mga totoong iniisip tungkol kay Troy.
"Honestly, kahit ilang beses na tayong magkasama, may mga doubts pa rin ako hanggang ngayon tungkol sa mga intentions mo sa paglapit sa akin, siguro...dahil na rin kay Bryan."

Napailing ng ulo si Troy kasabay ang isang buntung-hininga. Ayan ka na naman hays... Ok I understand. Siguro yung galit pa rin sa kanya ang dahilan ng iyong mga pagdududa sa akin. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo, seryoso talaga ako sa mga ginagawa ko sa iyo."

Ngumiti lang si Andrew sa kanya. At habang pinagmamasdan niya ang kausap ay doon niya narealize ang itsura nito. Talaga palang pinagpala siya dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang makisig at gwapong lalaki. Halos matulala na siya sa kanyang mga nakikita.

"Uy! may problema ba sa mukha ko" ang pambasag niya na nagpabalik sa ulirat ni Andrew.
"Ah... eh wala naman." ang nasabi lang ni Andrew sabay lagok ng kanyang iniinom.
"Ok. Siguro naman Andrew papayag ka na sa hihingiin ko sa iyo."
"Ah oo, basta kaya ko bakit hindi." ang pambawi niyang sagot marahil sa pagkapahiya sa pagkatulala niya.
"Actually sa maniwala kat sa hindi, nung unang araw pa lang na nakita ko yung ginawa mo kay Bryan sa court, nagkaroon na ako ng interes sa iyo. Kaya ginagawa ko ito dahil gusto kitang maging kaibigan.

Tulad nung unang araw ng paghatid nito sa kanya sa kanilang tirahan ay ganoon pa rin ang pagkabigla ni Andrew sa kanyang narinig.

"Kakahiya naman yun." ang sagot ni Andrew sa kanya.
"Bakit naman? dahil ba sa estado ng buhay natin? Dahil ba kay Bryan? O inaalala mo ang magiging reaksyon ng ibang mga estudyante sa campus?" ang tanong ni Troy.
"Alam mo Andrew, sincere ako sa pakikipagkaibigan sa iyo. Sa maniwala ka sa hindi, sa iyo ko lang ginawa ito dahil nga kakaiba ka sa lahat ng mga estudyante. Kaya sana pagbigyan mo na ako. Sana huwag mo na akong isama sa galit mo kay Bryan."

Kita ni Andrew sa mga mata ni Troy na talagang tapat siya sa kanyang mga ipinahayag. At dahil dito ay pumayag na rin siya sa inaalok nito.
"Wala naman mawawala sa akin kung papayag ako di ba? Sige."

"Yes!" ang masaya nitong sambit sabay taas ng hawak nitong baso.
"So this is the official day na magiging friends na tayo. Cheers!"
______
"Mam Good afternoon po. Nasaan po si Andrew del Rosario?" ang tanong agad ni Bryan sa librarian pagkapasok nito. 
"Hindi mo ba alam iho, ipinaalam siya kanina ni Troy sa akin. Magkasama silang lumabas."
"Ha! saan daw po sila pupunta?" medyo napataas na tonong tanong ni Bryan.
"Wala akong alam iho kung saan ang punta nila. Hindi ba kaibigan mo si Troy, siguro tawagan mo na lang siya."
"Ah salamat po Mam. Sige tatawagan ko na lang siya." ang huling sinabi niya sa librarian. Medyo nakaramdam na siya ng inis sa mga oras na iyon.
_______
Madaling nakapagpalagayang-loob sina Troy at Andrew. Kaya sa mga oras na iyon ay masaya pa silang nagkuwentuhan.
"Nakakahawa ka talaga Andrew, napakamasayahin mo kasing tao. Kahit papaano maiibsan ang problema ng isang tao kapag kasama ka niya." si Troy habang patuloy pa rin silang kumakain.
"Ayoko lang magpaalipin sa kalungkutan Troy dahil wala namang mangyayari. Ito ang ipinangako sa aking sarili simula nang mamatay si tatay."
"Mabuti ka pa nga kahit papaano ay nandyan pa ang nanay mo, na nag-aalaga sa iyo samantalang ako..."
"Bakit? Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wala na silang pareho. Namatay sa isang car accident. Kaya ang grandmother ko na lang ang nag-aalaga sa akin."
"Im sorry to hear that."

Nahabag naman si Andrew sa mga narinig niya kay Troy. Mayroon din pala siyang tinatagong kalungkutan.
"Alam mo Troy. Mas maswerte ka nga sa akin eh. Oo nga buhay pa ang nanay ko, ngunit sa kabila noon ay nag-aalala ako sa kanyang kalusugan. Hindi na siya tulad ng dati na nakakapagtrabaho ng dere-deretso dahil sa kanyang karamdaman. Wala nga akong ideya kung ano na ang kanyang sakit. Hindi ko naman siya maipagamot dahil sa wala kaming pera. Samantalang ikaw, kahit papaano ay nakakaangat sa buhay, nagagawa at nabibili mo ang lahat ng naisin mo." ang mahabang pahayag ni Andrew na lubusang pumukaw ng damdamin ni Troy.

"Kaya nga nagsisikap ako. Bago ako pumasok ay nangangalakal ako para lang may pambaon. Kung hindi nga lang ako nakuha sa scholarship malamang hindi ako nag-aaral ngayon eh. Kapag nakatapos ako una kong gagawin ay ang ipagamot si nanay at bigyan siya ng maginhawang buhay," ang kanyang pagpapatuloy. Naluluha na siya sa mga oras na iyon.

"Naiintindihan ko. Talagang pinabibilib mo ako Andrew. Ang mga ugali mo ang nagustuhan ko sa iyo." si Troy.

Nagpunas na ng mga luha si Andrew. "Kung anu-ano na ang nasasabi ko. Masyado na tayong madrama" ang pag-iiba ni Andrew sa usapan.

Hindi na nagsalita pa si Troy. Sa loob niya ay lubusan ang kanyang paghanga para kay Andrew dahil sa mga katangian nito. "Nandito lang ako para sa iyo Andrew." ang bulong niya sa kanyang sarili.
______
"Oh bakit bumalik ka, at teka ano nangyari bakit ganyan ang mukha mo?" ang nagtatakang tanong ni Michael nang mapansin ang hindi maipintang mukha ni Bryan nang pumasok ito ng kanilang tambayan.
Hayan, magkasama na naman silang dalawa. Alam mo talagang nagdududa na ako sa mga ginagawa ni Troy."
"So ibig sabihin, totoo nga yung balita sa labas na kasama niya si Andrew na umalis ng school? Aha, mukhang may iba siyang pinaplano ah. Interesting to!"

Sumalampak si Bryan sa sofa. "Nung una wala akong pakialam sa mga ginagawa ni Troy, pero ngayon parang hindi ko na to mapapalagpas pa. Kailangang linawin ko sa kanya ang mga pinaplano niya. Kung magiging sagabal ito sa mga gagawin ko ay pipigilan ko siya."

"Tol magkakaibigan tayong tatlo ah. dapat ngayon pa lang pag-usapan niyo na ni Troy ang lahat. Ayokong mag-away kayong dalawa na magiging sanhi ng pagkakawatak natin."

"Ayaw ko ring mangyari na mangyari yan. Ok susubukan ko muna ayusin ang lahat." ang naging tugon ni Bryan.
______
"Ako na ang bahala kay Mam magpaliwanag." ang sabi ni Troy kay Andrew matapos ihinto ang kanyang sasakyan sa kanto malapit sa tirahan niya. Inabot na sila ng dilim sa restaurant dahil sa dami ng kanilang pinag-usapan kaya hindi na siya nakabalik sa library upang tapusin ang kanyang mga gawain doon.
"Salamat Troy. Sige baba na ako. Bukas na lang ulit." ang nakangiting paalam ni Andrew sa kanya.

Akmang bubuksan na ni Andrew ang pinto ay saglit siyang pinigilan ni Troy.
"Wait lang Andrew."

"Bakit may sasabihin ka pa?
"Salamat ulit sa pagpayag mong maging friend ko. Alam mo Im very ver happy. Kaya I promise na magiging mabuting kaibigan ako sa iyo. Kung anuman ang magiging problema mo, nandito lang ako, handang tumulong sa iyo. Sana hindi ka mahiyang lumapit sa akin ah." si Troy na nakatingin ng deretso kay Andrew habang nakangiti.
"Ok. Wala ka na bang sasabihin?"
"Meron pa. Ask ko lang kung ano number mo para naman may communication kahit hindi tayo magkasama?"
"Ibig mo bang sabihin cellphone number? Sorry wala kasi ang cellphone" ang nahihiyang tugon ni Andrew.
Bahagyang nagulat si Troy sa sinagot sa kanya ni Andrew.  "Ah so incase palang magkaproblema at wala ka hindi kita matatawagan."
"Pasensya ka na, alam mo naman ang kalagayan ng buhay namin di ba?"
"Huwag kang mag-alala. Sige pwede ka nang lumabas. See you tomorrow na lang sa school."

Bago isara ni Andrew ang pinto ng kotse ay nagngitian at nagkawayan muna silang dalawa bilang senyas ng pamamaalam.
______
"Kasama mo daw si Andrew kanina?" ang agad na salubong na pananalita ni Bryan pagkabalik ni Troy sa kanilang tambayan.

Umupo si Troy sa tapat ng kinauupuan ni Bryan. "Niyaya ko lang siyang magmeryenda."

"Siguro may ibang plano si Troy sa kanya Bryan." si Michael.
"Tulad ng plano ni Bryan sa kanya. I dont think so." ang sagot naman ni Troy.
"Bakit mo pala siya niyayang kumain?" si Bryan.
"Gusto ko lang makipagkaibigan sa kanya thats it." ang sagot ni Troy. "At alam niyo ba mga tol na ang saya talaga niya kasama."

Medyo nabigla si Bryan sa pahayag na iyon ni Troy.
"Troy siguro naman hindi ka seryoso sa ginawa mong yan. Alam mo naman na tayong tatlo lang ang..." ang kanyang sasabihin nang biglang sumingit si Troy.
"Magkakaibigan? Alam ko naman yun tol. Tungkol naman kay Andrew. Seryoso ako sa pakikipagkaibigan sa kanya. Mabait siyang tao at wala akong ibang intesyon sa kanya."

Naging palaisipan naman para kay Michael lalo na kay Bryan ang sagot na iyon ni Troy.

"Si...si...sige ipagpatuloy mo lang yan nang sa gayon makakuha pa tayo ng impormasyon tungkol sa kanya di ba Michael?" ang nasabi na lang ni Bryan. Pero sa loob niya ay may nararamdaman siyang di niya mawari.

Itutuloy....

5 comments:

  1. Mukhang totoong mabait si Troy. Sana magigng matatag xa sa mga plano ni bryan kay andrew. To friendship and beyond...

    ReplyDelete
  2. Ay buti naman at may update na.Hehehehe..

    Seryoso talaga si Troy? Nagdududa pa rin ako. May intensyon talaga yung tao yun kung bakit siya nakikipagkaibigan. Sana maging matatag si Andrew. Go with the flow lang muna pero dapat manmanan pa rin niya yung kilos bago pa lang kasi. We never know.

    Naeexcite tuloy ako sa susunod na episode. Sana maaga..hehehehe.

    ReplyDelete
  3. this is getting more and more exciting..

    Troy or Bryan.. ah ewan.. hehehe

    nice..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  4. daredevil tagal naman ng next part???dapat nga 2 chapter ka na each week nakakabitin na sobra

    ReplyDelete
  5. kelan po kasinod na chapter nito :)

    ReplyDelete