Friday, August 26, 2011

CAMPUS TRIO Part 6

Lumipas pa ang mga araw na naging maganda ang samahan nina Andrew at Troy. Mas lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Tuluyang nawala ang agam-agam ni Andrew sa totoong intensyon ni Troy sa pakikipagkaibigan ng binata sa kanya.
 
Dahil dito, naging usap-usapan na sila sa buong unibersidad. May mga naiinggit, kinikilig, nagseselos at ang isang punang gumugulo sa isipan ni Andrew ngayon ay ang pangungutya sa kanyang pagkatao. Alam naman niya sa kanyang sarili na siya ay isang alanganin. Kahit papaano ay napaghandaan na niya ang mga punang ito ng ibang tao sa kanya.

Isa pa sa gumugulo sa isipan ni Andrew ay ang malantad ang lihim niyang ito sa kanyang pagkatao kay Troy. Naririnig naman ng binata ang mga pangungutya sa kanya ng ibang tao ngunit palaging isa lang ang sinasabi nito, na huwag na lang silang pansinin. Hindi tuloy mawari ni Andrew ang totoong nasa isipan ni Troy tungkol sa kanya.
______
"Saan naman lakad niyo ni Troy tonight?" ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa hallway papasok ng kanilang classroom.
"Wala eh. Sabi niya kasi na may importante silang aasikasuhin ng lola niya tungkol sa kanilang negosyo."
"Ganun ba. Pero friend, hindi ka ba nag-aalala sa mga nangyayari. Talagang sikat ka na dito sa campus, alam mo naman siguro ang mga negative comments sa iyo ng mga estudyante dito lalo na sina Papa Bryan at Michael."
"Hindi ko naman sila binibigyang pansin pa tulad ng palaging sinasabi sa akin ni Troy. Kahit hindi siya nagtatanong kung may katotohanan ang mga iyon, pilit akong nagdedeny sa kanya. Kaya hindi ako nagpapakita ng kahit anong motibo sa kanya."

Napansin na lang ni Andrew ang pagngiti ni Dina matapos marinig ang kanyang mga sinabi.
"Ok. So ibig sabihin, natatakot ka na lumayo si Troy sa iyo kapag nalaman niya na ikaw ay member din ng aming pederasyon.Umamin ka nga may gusto ka na sa kanya ano?"

Todo namang tanggi si Andrew sa tanong na iyon ni Dina.
"Hindi ah. Mabait siya, matalino at may itsura pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

Sa ilang linggong pagsama ni Andrew kay Troy ay halos lahat ng magagandang katangian nito ay nakita na niya. Ang pagiging sweet, mabait at ang sense of humor nito ang dahilan upang ang sinuman ay mahulog ang loob sa kanya. Pero sa kaso ni Andrew ay hindi pa niya ito maramdaman.

"Talaga, madalas na nga kayong magkasama tapos yan pa ang iniisip mo. Samantalang maraming estudyante dito ang sobrang nahuhumaling at nagkakagusto sa kanya." ang hindi makapaniwalang sagot niya sa sinabi ni Andrew.
"Oo. Teka nga bilisan na nating maglakad mahuhuli na tayo." ang pag-iiba na lang ni Andrew ng usapan.
______
"Nasaan si Troy?" ang tanong ni Bryan kay Michael pagkapasok nito sa kanilang tambayan.
"Ayun. Kaalis lang. May pupuntahan daw sila ni lola." ang tugon naman ni Michael. "Siyanga pala tol, hindi ka ba naaalarma sa mga usap-usapan sa buong school tungkol kina Troy at Andrew."
"Hindi naman."
"Talaga."
"Eh yung tungkol naman sa sexuality ni Andrew."
"Hindi naman dapat binibigyan ng issue iyon.

Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ni Michael sa sagot na ito ng kaibigan. Sadyang naiiba o nababaliktad talaga ang mga sinasabi nito pagdating kay Andrew. "Tinamaan na siya sa taong iyon ah." ang bigla niyang naisip.

"Alam mo tol, kung anuman ang meron sa kanilang dalawa ay sa umpisa lang yan. Makikita mo, sa mga susunod na araw mag-iiba ang lahat." si Bryan sabay pakita ng isang makahulugang ngiti sa kausap.
"Hay nako..." ang nasabi na lang ni Michael.
______
"Good afternoon Mam. Si Andrew po?" ang agarang tanong ng lalaki sa librarian pagkapasok nito.
"Inutusan ko saglit iho. Pinakuha ko sa kanya ang mga hiniram na libro sa history department." ang tugon ng librarian sa kanya."
"Ok po hintayin ko na lang siya." ang sagot ng lalaki sabay upo sa pinakamalapit na silya.

Napupuna naman ng lalaki ang panay na pagsulyap sa kanya ng mga taong naroroon sa loob ng library. Hindi na siya nagtataka roon bagkus hinahayaan na lang niya sila sa kanilang ginagawa tutal ay sanay naman siya rito. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang kanyang hinihintay.

"Mam ito na po ang mga libro." ang sabi ni Andrew sa librarian. Pinatong niya ang limang librong dala niya sa mesa.
"Sige iho, may naghahanap sa iyo. Mabuti pang kausapin mo muna siya."

Napangiti si Andrew sa sinabing iyon ng guro sa pag-aakalang si Troy ang kanyang tinutukoy. Ngunit nang ilibot niya ang kanyang mga mata sa buong library ay napansin niya ang isang lalaki. Ibang-iba kasi ang personalidad ng taong iyon kaysa sa mga taong naroroon. Napuna rin niya na pinagtitinginan nito. Agad naman siyang napangiwi mula sa pagkakangiti.

"Kamusta na Andrew." ang sabi ng lalaki sa kanya. Tumayo na ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo, kanina nakangiti ka. Dahil ba hindi si Troy ang kaharap mo ngayon?" ang dagdag pa ng lalaki.

Tila napahiya si Andrew sa tanong na iyon. "Hin-hindi ano? Nakakita lang kasi ako ng isang kasuklam-suklam na tao." ang pagtanggi ni Andrew.
"Talaga lang ah. At teka bakit ka naman nasusuklam sa akin. Wala pa naman akong ginagawa sa iyo?"
"Malay ko ba kung tumetyempo ka lang o talagang pinaghahandaan mo pa." ang sabi ni Andrew.

"At wala akong ganang makipag-usap sa iyo." ang kanyang dugtong sabay kuha ng mga aklat. Nang akmang tutungo na siya sa mga shelves para ibalik ang mga ito nang bigla siyang hinawakan ng lalaki sa braso.
"Bitiwan mo nga ako. Mahiya ka naman sa mga taong nakatingin sa atin." ang naiiritang pahayag ni Andrew. Pilit siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

"Naiinis ka sa ginagawa ko sa iyo samantalang kapag si Troy ang kasama mo ok lang sa iyo." ang seryosong sabi ng lalaki.
"Mabait naman si Troy kung ikukumpara sa iyo." ang sagot ni Andrew. Medyo napaisip naman siya sa sinabi nito.
"Huwag mo muna ako agad husgahan. Its my turn naman." ang maikli ngunit makahulugang pahayag ng lalaki.

Naalimpungatan na lang si Andrew sa sunod na ginawa ng lalaki sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ay wala na siyang nagawa. Mahigpit siya nitong kinaladkad palabas ng library.

"Mam, ipapaalam ko po sa inyo si Andrew. May importante lang po kaming gagawin.
"Hay naku  talaga kayong mga bata oh. Parehas kayo ni Troy. Sige iho." ang pagpayag ng librarian.

"Hoy ano ka ba, bitiwan mo nga ako!" ang pasigaw na pahayag ni Andrew. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang mga makahulugang tingin ng ng mga estudyante.
"Btiwan mo nga ako sabi nakakahiya!" si Andrew habang pilit na nagpupumiglas at halatang inis na

Pwersahang tinulak at pinasok si Andrew ng lalaki sa loob ng isang magarang sasakyan. Nagmadali namang pumasok din ang lalaki sa drivers seat. Agad niyang inistart ang sasakyan at pinaharurot ito.

"Ano ba gagawin mo sa akin ha?" ang pasigaw na tanong ni Andrew sa lalaking nagmamaneho.
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Gusto lang naman kitang isama." ang sagot nito.
"Ako, eh sa dami-dami ng tao diyan ako pa ang napili mo."
"Oo ikaw ang gusto ko."

Sa sagot na iyon ng lalaki ay bahagyang napatigil si Andrew. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang sagot na iyon ng kausap.
"Itigil mo ang kotse kundi tatalon ako dito!"
"Bakit ganyan ka sa akin ha? Kapag si Troy ang kasama mo ang bait mo sa kanya."

Sa halip na ihinto ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Uy, teka bagalan mo naman baka mabunggo tayo. Ayoko pang mamatay!" ang pahayag ni Andrew na medyo kinakabahan na.
"Huwag kang mag-alala, basta ako ang kasama mo walang mangyayari sa iyo." ang tugon sa kanya ng lalaki.

Binagalan na ito ang takbo ng kanyang kotse. Maya-maya pa ay nilingon siya nito at ngumiti.
"Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nagawa ko sa iyo. Hayaan mong gawin ko ito sa iyo bilang paghingi ko ng tawad. Sana naman pagbigyan mo rin ako tulad ni Troy." ang malumanay na nitong pahayag.

Wala nang nagawa si Andrew. Medyo lumambot naman ang puso niya sa mga pahayag na iyon ng lalaki. Pinagmasdan niya ito at doon niya napansin ang itsura nito. Mapupungay ang mga mata nito. Gwapo rin siya at maganda ang pangangatawan tulad ni Troy ngunit ang pinagkaiba nga lang ay mas maputi at matangkad ito sa kanya. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay parang ang lakas ng dating nito sa kanya.

"Sige pagbibigyan kita pero sana ngayon lang ito." ang nasabi na lang ni Andrew sa lalaki.
"Salamat. But I cant promise na hindi na mauulit pa ang pagsasama ko sa iyo."
"Ano ibig mong sabihin?"
"Gusto kong patunayan sa iyo na hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo."
"Kung ganoon dapat sa ibang mga estudyante mo gawin yan lalo na sa mga inaway mo."
"Ayoko, gusto ko sa iyo lang."
"Bakit ako?"
"Kung alam mo lang Andrew ang ginawa mo sa akin nitong mga nakaraang araw."
"Ganoon, eh ngayon lang naman tayo nag-usap."
"Hindi Andrew. Simula nung unang araw na magsagutan tayo sa court, di ka na maalis sa isipan ko."

Mistulang natameme si Andrew sa mga narinig niya sa lalaking kausap. Kung ikukumpara kay Troy, mas prangka ito sa kanyang nararamdaman.
"Teka, nagbobolahan na yata tayo dito. Saan mo ba talaga ako dadalhin?" ang pag-iiba ni Andrew ng usapan.

"Gusto ko lang ipakita sa iyo ang pinakapaborito kong puntahan na lugar."
"Saan naman iyon?"
"Basta malalaman mo rin."

Pinili ni Andrew na pansamantalang manahimik. Maya-maya napansin niya na nasa NLEX na siya palabas ng Metro Manila.
"Sandali nga, saan mo ba talaga ako dadalhin?" ang nagpapanic nang tanong nito.

"Easy lang. Mag-overnight tayo sa Baguio."
"Baguio!" ang pasigaw na reaksyon ni Andrew sa sobrang pagkabigla. "Ang layo naman nun, baka hanapin ako ni inay. Isa pa may pasok bukas."
"Relax lang Andrew." ang nakangisi niyang tugon.
"Paano ko makakapagrelax nito, unang-una kasama kita, baka kung ano ang gawin mo sa akin. Pangalawa baka mag-alala sa akin si inay."
"Ako ang bahala. Sabi ko naman sa iyo kanina, na hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo. I will make sure na safe ka sa piling ko."

Wala nang nagawa pa si Andrew. "Ikaw talaga Bryan!" ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili.

Itutuloy...





Thursday, August 18, 2011

CAMPUS TRIO Part 5

Nakakaramdam ng pagkailang si Andrew habang kumakain sila ni Troy. Pakiramdam niya kasi na pinag-uusapan siya ng mga tao sa kanilang paligid. Karamihan kasi ng magkakasabay na kumakaing customer doon ay pawang lalaki at babae.

"Hindi ba masarap ang pagkain Andrew?" ang tanong sa kanya ni Troy nang mapansin ang kakaibang kilos ng kasama.
"Sa tingin mo ba hindi ko kakainin to kung hindi masarap? ang tugon naman ni Andrew na medyo natatawa.
"Galing ng sagot mo tol!" ang naibulalas ni Troy na natawa na rin."Napansin ko lang naman na parang may iba kang iniisip."
""Alam mo kasi medyo naiilang ako. Tignan mo naman yung ibang kumakain dito." ang mahinang pahayag ni Andrew.

Agad namang nakuha ni Troy ang ibig ipakahulugan nito. "Yun lang pala. Inggit lang sila kasi ka date mo ngayon ay isang gwapo." ang natatawa pa rin nitong pahayag.

"Date?" ang pag-uulit ni Andrew sa kanyang sarili. "Ano kaya ang ibig nitong sabihin?"

"Oh bigla kang naging seryoso ulit. Sige na nga ubusin na natin ito." ang pag-iba agad ng usapan ni Troy.
"By the way Andrew, Thanks ulit sa pagpayag mo na sumama sa aking kumain." ang nakangiting pahayag ni Troy habang nakatingin kay Andrew.
Tumingin sa kanya si Andrew. "Youre Welcome basta ikaw." ang kanyang tugon.
"Alam mo ba ngayon lang ako sumaya ng ganito."
"Talaga?"
"Oo, at dahil sa iyo yun Andrew."

Napatigil sa pagsubo si Andrew. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na nasiyahan din siya sa lahat ng mga sinabi nito ngunit may pag-aalinlangan pa rin siya. Malay ba niya na kinukuha lang nito ang kanyang loob para sa kanyang kaibigan na si Bryan.
 "Ikaw naman, mahilig ka palang magbiro heheheh"ang kanyang sagot.

At sa pagkakataong iyon, mula sa masayahing mukha ni Troy ay naging seryoso ito.
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"

Hindi agad nakasagot si Andrew. Maya-maya lang ay inilapit ni Troy ng kaunti ang kanyang mukha kay Andrew.
"Im trying to be nice sa iyo pero parang hindi ka pa rin naniniwala sa akin"

Wala nang nagawa si Andrew kundi ang umamin at sabihin ang kanyang mga totoong iniisip tungkol kay Troy.
"Honestly, kahit ilang beses na tayong magkasama, may mga doubts pa rin ako hanggang ngayon tungkol sa mga intentions mo sa paglapit sa akin, siguro...dahil na rin kay Bryan."

Napailing ng ulo si Troy kasabay ang isang buntung-hininga. Ayan ka na naman hays... Ok I understand. Siguro yung galit pa rin sa kanya ang dahilan ng iyong mga pagdududa sa akin. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo, seryoso talaga ako sa mga ginagawa ko sa iyo."

Ngumiti lang si Andrew sa kanya. At habang pinagmamasdan niya ang kausap ay doon niya narealize ang itsura nito. Talaga palang pinagpala siya dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang makisig at gwapong lalaki. Halos matulala na siya sa kanyang mga nakikita.

"Uy! may problema ba sa mukha ko" ang pambasag niya na nagpabalik sa ulirat ni Andrew.
"Ah... eh wala naman." ang nasabi lang ni Andrew sabay lagok ng kanyang iniinom.
"Ok. Siguro naman Andrew papayag ka na sa hihingiin ko sa iyo."
"Ah oo, basta kaya ko bakit hindi." ang pambawi niyang sagot marahil sa pagkapahiya sa pagkatulala niya.
"Actually sa maniwala kat sa hindi, nung unang araw pa lang na nakita ko yung ginawa mo kay Bryan sa court, nagkaroon na ako ng interes sa iyo. Kaya ginagawa ko ito dahil gusto kitang maging kaibigan.

Tulad nung unang araw ng paghatid nito sa kanya sa kanilang tirahan ay ganoon pa rin ang pagkabigla ni Andrew sa kanyang narinig.

"Kakahiya naman yun." ang sagot ni Andrew sa kanya.
"Bakit naman? dahil ba sa estado ng buhay natin? Dahil ba kay Bryan? O inaalala mo ang magiging reaksyon ng ibang mga estudyante sa campus?" ang tanong ni Troy.
"Alam mo Andrew, sincere ako sa pakikipagkaibigan sa iyo. Sa maniwala ka sa hindi, sa iyo ko lang ginawa ito dahil nga kakaiba ka sa lahat ng mga estudyante. Kaya sana pagbigyan mo na ako. Sana huwag mo na akong isama sa galit mo kay Bryan."

Kita ni Andrew sa mga mata ni Troy na talagang tapat siya sa kanyang mga ipinahayag. At dahil dito ay pumayag na rin siya sa inaalok nito.
"Wala naman mawawala sa akin kung papayag ako di ba? Sige."

"Yes!" ang masaya nitong sambit sabay taas ng hawak nitong baso.
"So this is the official day na magiging friends na tayo. Cheers!"
______
"Mam Good afternoon po. Nasaan po si Andrew del Rosario?" ang tanong agad ni Bryan sa librarian pagkapasok nito. 
"Hindi mo ba alam iho, ipinaalam siya kanina ni Troy sa akin. Magkasama silang lumabas."
"Ha! saan daw po sila pupunta?" medyo napataas na tonong tanong ni Bryan.
"Wala akong alam iho kung saan ang punta nila. Hindi ba kaibigan mo si Troy, siguro tawagan mo na lang siya."
"Ah salamat po Mam. Sige tatawagan ko na lang siya." ang huling sinabi niya sa librarian. Medyo nakaramdam na siya ng inis sa mga oras na iyon.
_______
Madaling nakapagpalagayang-loob sina Troy at Andrew. Kaya sa mga oras na iyon ay masaya pa silang nagkuwentuhan.
"Nakakahawa ka talaga Andrew, napakamasayahin mo kasing tao. Kahit papaano maiibsan ang problema ng isang tao kapag kasama ka niya." si Troy habang patuloy pa rin silang kumakain.
"Ayoko lang magpaalipin sa kalungkutan Troy dahil wala namang mangyayari. Ito ang ipinangako sa aking sarili simula nang mamatay si tatay."
"Mabuti ka pa nga kahit papaano ay nandyan pa ang nanay mo, na nag-aalaga sa iyo samantalang ako..."
"Bakit? Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wala na silang pareho. Namatay sa isang car accident. Kaya ang grandmother ko na lang ang nag-aalaga sa akin."
"Im sorry to hear that."

Nahabag naman si Andrew sa mga narinig niya kay Troy. Mayroon din pala siyang tinatagong kalungkutan.
"Alam mo Troy. Mas maswerte ka nga sa akin eh. Oo nga buhay pa ang nanay ko, ngunit sa kabila noon ay nag-aalala ako sa kanyang kalusugan. Hindi na siya tulad ng dati na nakakapagtrabaho ng dere-deretso dahil sa kanyang karamdaman. Wala nga akong ideya kung ano na ang kanyang sakit. Hindi ko naman siya maipagamot dahil sa wala kaming pera. Samantalang ikaw, kahit papaano ay nakakaangat sa buhay, nagagawa at nabibili mo ang lahat ng naisin mo." ang mahabang pahayag ni Andrew na lubusang pumukaw ng damdamin ni Troy.

"Kaya nga nagsisikap ako. Bago ako pumasok ay nangangalakal ako para lang may pambaon. Kung hindi nga lang ako nakuha sa scholarship malamang hindi ako nag-aaral ngayon eh. Kapag nakatapos ako una kong gagawin ay ang ipagamot si nanay at bigyan siya ng maginhawang buhay," ang kanyang pagpapatuloy. Naluluha na siya sa mga oras na iyon.

"Naiintindihan ko. Talagang pinabibilib mo ako Andrew. Ang mga ugali mo ang nagustuhan ko sa iyo." si Troy.

Nagpunas na ng mga luha si Andrew. "Kung anu-ano na ang nasasabi ko. Masyado na tayong madrama" ang pag-iiba ni Andrew sa usapan.

Hindi na nagsalita pa si Troy. Sa loob niya ay lubusan ang kanyang paghanga para kay Andrew dahil sa mga katangian nito. "Nandito lang ako para sa iyo Andrew." ang bulong niya sa kanyang sarili.
______
"Oh bakit bumalik ka, at teka ano nangyari bakit ganyan ang mukha mo?" ang nagtatakang tanong ni Michael nang mapansin ang hindi maipintang mukha ni Bryan nang pumasok ito ng kanilang tambayan.
Hayan, magkasama na naman silang dalawa. Alam mo talagang nagdududa na ako sa mga ginagawa ni Troy."
"So ibig sabihin, totoo nga yung balita sa labas na kasama niya si Andrew na umalis ng school? Aha, mukhang may iba siyang pinaplano ah. Interesting to!"

Sumalampak si Bryan sa sofa. "Nung una wala akong pakialam sa mga ginagawa ni Troy, pero ngayon parang hindi ko na to mapapalagpas pa. Kailangang linawin ko sa kanya ang mga pinaplano niya. Kung magiging sagabal ito sa mga gagawin ko ay pipigilan ko siya."

"Tol magkakaibigan tayong tatlo ah. dapat ngayon pa lang pag-usapan niyo na ni Troy ang lahat. Ayokong mag-away kayong dalawa na magiging sanhi ng pagkakawatak natin."

"Ayaw ko ring mangyari na mangyari yan. Ok susubukan ko muna ayusin ang lahat." ang naging tugon ni Bryan.
______
"Ako na ang bahala kay Mam magpaliwanag." ang sabi ni Troy kay Andrew matapos ihinto ang kanyang sasakyan sa kanto malapit sa tirahan niya. Inabot na sila ng dilim sa restaurant dahil sa dami ng kanilang pinag-usapan kaya hindi na siya nakabalik sa library upang tapusin ang kanyang mga gawain doon.
"Salamat Troy. Sige baba na ako. Bukas na lang ulit." ang nakangiting paalam ni Andrew sa kanya.

Akmang bubuksan na ni Andrew ang pinto ay saglit siyang pinigilan ni Troy.
"Wait lang Andrew."

"Bakit may sasabihin ka pa?
"Salamat ulit sa pagpayag mong maging friend ko. Alam mo Im very ver happy. Kaya I promise na magiging mabuting kaibigan ako sa iyo. Kung anuman ang magiging problema mo, nandito lang ako, handang tumulong sa iyo. Sana hindi ka mahiyang lumapit sa akin ah." si Troy na nakatingin ng deretso kay Andrew habang nakangiti.
"Ok. Wala ka na bang sasabihin?"
"Meron pa. Ask ko lang kung ano number mo para naman may communication kahit hindi tayo magkasama?"
"Ibig mo bang sabihin cellphone number? Sorry wala kasi ang cellphone" ang nahihiyang tugon ni Andrew.
Bahagyang nagulat si Troy sa sinagot sa kanya ni Andrew.  "Ah so incase palang magkaproblema at wala ka hindi kita matatawagan."
"Pasensya ka na, alam mo naman ang kalagayan ng buhay namin di ba?"
"Huwag kang mag-alala. Sige pwede ka nang lumabas. See you tomorrow na lang sa school."

Bago isara ni Andrew ang pinto ng kotse ay nagngitian at nagkawayan muna silang dalawa bilang senyas ng pamamaalam.
______
"Kasama mo daw si Andrew kanina?" ang agad na salubong na pananalita ni Bryan pagkabalik ni Troy sa kanilang tambayan.

Umupo si Troy sa tapat ng kinauupuan ni Bryan. "Niyaya ko lang siyang magmeryenda."

"Siguro may ibang plano si Troy sa kanya Bryan." si Michael.
"Tulad ng plano ni Bryan sa kanya. I dont think so." ang sagot naman ni Troy.
"Bakit mo pala siya niyayang kumain?" si Bryan.
"Gusto ko lang makipagkaibigan sa kanya thats it." ang sagot ni Troy. "At alam niyo ba mga tol na ang saya talaga niya kasama."

Medyo nabigla si Bryan sa pahayag na iyon ni Troy.
"Troy siguro naman hindi ka seryoso sa ginawa mong yan. Alam mo naman na tayong tatlo lang ang..." ang kanyang sasabihin nang biglang sumingit si Troy.
"Magkakaibigan? Alam ko naman yun tol. Tungkol naman kay Andrew. Seryoso ako sa pakikipagkaibigan sa kanya. Mabait siyang tao at wala akong ibang intesyon sa kanya."

Naging palaisipan naman para kay Michael lalo na kay Bryan ang sagot na iyon ni Troy.

"Si...si...sige ipagpatuloy mo lang yan nang sa gayon makakuha pa tayo ng impormasyon tungkol sa kanya di ba Michael?" ang nasabi na lang ni Bryan. Pero sa loob niya ay may nararamdaman siyang di niya mawari.

Itutuloy....

Friday, August 12, 2011

CAMPUS TRIO Part 4

"Andrew ikaw ha balita ko sumama ka daw kay Troy kagabi" si Dina nang makita si Andrew na pumasok sa kanilang classroom kinabukasan.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?" ang patanong niyang sagot habang nilalapag ang kanyang bag sa kanyang silya at naglalabas ng mga libro.
"Parang hindi mo naman alam kung gaano kasikat ang campus trio dito sa school. Syempre alam lahat ng mga estudyante dito ang kanilang mga ginagawa. Sinusubaybayan kaya nila ang lahat ng kilos ng tatlo."
"Ah..."
"So totoo nga iyon?"
"Oo, pero hindi ako ang sumama sa kanya, siya ang unang nakipag-usap at lumapit sa akin."
"Talaga, ginawa niya iyon?" ang tanong ni Dina na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?"
"Hindi naman sa ganoon. Napakaimposible kasi  eh. Wala sa personalidad ng trio ang makisalamuha o maunang makipag-usap sa ibang tao."
"Ganoon. Sige nga magkwento ka naman sa akin ng mga nalalaman mo tungkol sa kanila." si Andrew nang mapaisip ito sa mga sinabi ni Dina.

"Bukod sa pagiging sikat ay talagang mayayaman ang campus trio. Sa ugali naman hmm...." si Dina na saglit na nag-isip ng susunod na sasabihin.
"...alam ko namang disagree ka kung sasabihin kong mababait sila di ba. Pero para sa akin si Troy ang pinakamabait sa kanila. Tahimik, seryoso pero matalino at magaling sa sports. Si Michael naman ang pinaka chickboy sa lahat. Balita ko lang ha na madalas siya sa mga bar pag gabi kasama si Troy. Tapos kung sinu-sinong babae ang ka date niya. At siyempre ang pinakamahal ko sa kanila si Papa Bryan!...." ang kanyang pagpapatuloy na may kasamang kilig.
"Siya ang tumatayong leader ng trio. Pinakamayaman at para sa akin pinakagwapo! hays. Sabi nila na talagang likas siyang masungit at mukhang di nagseseryoso sa buhay. Sa mga kaibigan niya nga lang siya nagagawang ngumiti eh. At ito pa sabi ng kapatid ko na kapag nandyan siya lumayo ka na o di kayay wag kang magtatangkang gumawa ng hindi maganda sa paningin niya dahil tiyak na ma di magandang mangyayari sayo."

Walang naging pagtutol si Andrew sa paglalarawan ni Dina kay Troy dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Pero kay Bryan ay nakukulangan siya at parang may mali.
"Ah idagdag mo pa ang salitang mayabang at sadista. Doon pa lang sa ginawa niya sa court alam ko na natutuwa pa siya kahit na lugmok na sa kahihiyan yung mga babae. Peo sa huling sinabi mo hmm... parang baliktad. Sabi mong wag mo siyang kakausapin o lalapitan, pero kahapon siya pa ang unang lumapit sa akin para inisin ako."

"Really Andrew." ang naibulalas ni Dina. Kasama mo rin si Papa Bryan kagabi?"
"Hindi sumulpot lang siya na parang kabute sa library."

Nahihiwagaan man pero hindi na muna binigyan pa ni Dina ng pansin ang bagay na iyon.

"Isa pa pala, kwento ng kapatid ko, marami nang mga estudyante ang nagtangkang kunin ang kanilang atensyon at makipagkaibigan pero ni isa sa kanila hindi pinalad."
"Hindi na nakakapagtaka doon pa lang sa leader nilang ungas eh." komento ni andrew na may pagtango-tango pa.
"Siguro pero kahit ganoon sila, marami pa ring nahuhumaling sa kanila. Kaya hanggang tingin na lang ang ginagawa ng mga estudyante rito."
"Ganoon pala, naisip ko nga kagabi pa na baka may plano talaga si Troy sa akin. Sige salamat sa mga sinabi mo."

"Kung wala silang kinakaibigan dito sa campus eh bakit si Troy gustong makipagkaibigan sa akin?" ang naitanong ni Andrew sa kanyang sarili. Di niya tuloy maiwasang isipin na baka talagang may hidden agenda ito sa kanya.
______
"Saan ka nagpunta kagabi? Tinatawagan ka ni Bryan hindi ka sumasagot." ang tanong ni Michael kay Troy. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan.
"May pinuntahan lang" ang matipid na tugon ni Troy.
"Saan, kina Andrew?"

Hindi sumagot si Troy.
"Tama nga ang balita. Sabihin mo sa akin, ano ba ang plano mo sa kanya? Balak mo rin ba syang pagtripan tulad ng gagawin ni Bryan?"
Tumingin siya kay Michael bago sumagot. "Hindi, at saka wala akong plano sa kanya. Kinuha ko lang ang atensyon niya para malaman ko pa ang lahat-lahat tungkol sa kanya."
"Ano ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ni Michael. Naguguluhan kasi siya sa mga marinig niya sa kausap.
"Honestly, nung makita ko siya at pag-aralan ang  pagkakakilanlan niya, nagkaroon ako ng interes sa kanya. Kaya ayun, kinausap ko siya."
"Troy, huwag mong sabihing..." si Michael na tila nahuhulaan na ang ibig ipahiwatig ni Troy na agad namang naputol sa pagdating ng isa pa nilang kasama na si Bryan.
"Mga tol!" ang bati ni Bryan sa kanila sabay akbay sa kanilang dalawa gamit ang mga kamay nito."Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah"
"Hindi naman, may tinanong lang ako kay Troy." ang sagot ni Michael.
"Ah ok. Siyanga pala mga tol, nakaisip na ako ng napakagandang plano para sa taong iyon."
"You mean si Andrew?"
"Yup. Nakausap ko na nga si Mama tungkol dito."
"Nice naman talagang kursunada mo na ang taong yan ah" si Michael nang mapansin ang pagngiti ni Bryan.

"Sa puntong iyon ay may pumasok agad sa isipan ni Troy ukol sa gagawing ito ni Bryan na nagbigay ng dahilan sa kanya upang mag-alala para kay Andrew.
______
Masayang kumakain at nag-uusap sa canteen sina Andrew at Dina kasama ang dalawa pa nilang kaklaseng babae. Maya-maya ay nahinto sila gawa ng biglaang paghiyaw ng ibang mga estudyanteng naroroon at ang dahilan nito ay ang pagdating ng trio.

Sabay-sabay silang naglalakad mula sa entrance ng canteen. Ang mga estudyanteng may dala-dalang pagkain ay tumatabi upang bigyan sila ng daan. Pagkapasok ay tumigil silang tatlo at lumingon-lingon sa paligid. Agad napansin iyon ng grupo nina Andrew.

"Parang may hinahanap sila oh" ang puna ni Dina.
"Hayaan mo na sila." ang walang interes na sagot ni Andrew at itinuloy lang kanyang pagkain.
"Teka Andrew, parang dito na sila nakatingin sa direksyon natin" ang sabi ulit ni Dina habang niyuyugyog si Andrew.

Agad naman siyang sumulyap upang alamin kung totoo ang sinasabi ni Dina. At laking gulat niya nang makitang naglalakad na sila papalapit sa kanila.
"Pwede bang makisabay?" si Bryan na nasa gilid na ng inuupuan ni Andrew.

Tumingin naman si Andrew sa paligid para tignan kung may mga bakante pang upuan at nakita niya na halos lahat ay okupado na ng mga estudyanteng nakatingin pala sa kanila.
"Sorry wala nang bakante. Doon na lang kayo sa labas." ang sagot ni Andrew.
"Pwedeng makisabay kumain." si Bryan na inulit lang ang sinabi nito.
"Bulag ka ba kita mo nang apat na kami dito oh."
"E di paalisin mo sila. Commonsense lang" si Bryan ulit.
"Anong sabi mo paaalisin ko sila?"ang tanong ni Andrew na nagsisimula nang uminit ang ulo. "Inuutusan mo ba ako.?"
"Oo. Alam mo maswerte ka nga eh dahil sa lahat ng mga students dito ikaw lang ang binibigyan ko ng special attention."
Tumayo na si Andrew sa kanyang kinauupuan at hinarap si Bryan. "Talaga palang nakapayabang mong hambog ka at napakasama ng ugali mo ano. Tama ba yun, paalisin ko ang mga kaklase ko para sa inyo. Bakit sino ba kayo, hindi porket sikat na kayo at maimpluwensya ay pwede niyo nang gawin ang kahit na ano. Isa pa pala hindi ko kailangan ng special attention na sinasabi mo." ang mahabang pahayag ng galit na galit na si Andrew.
"Natatawa lang siya sa iyo" ang sabi naman ni michael nang mapuna ang reaksyon ni Bryan sa narinig.
"Ano nakakatawa sa sinabi ko?" ang tanong ni Andrew.
"Wala lang." si Bryan na tumatawa pa rin.
"Natatawa ka nang walang dahilan, baliw ka pala kung ganoon."
"Maybe, dahil sayo kung bakit ako nagkakaganito."

Nabigla naman si Andrew sa kanyang narinig. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ah eh nevermind. Sige guys doon na lang tayo sa tambayan kumain. Andrew, be ready" ang sabi ni Bryan bago silang naglakad palabas ng canteen.

Naiinis man ay naibsan naman ito nang mapatingin si Andrew sa kasama nitong si Troy na pasimpleng ngumiti sa kanya at kinawayan ito bilang pagbati. Gayunpaman ay naintriga naman si ya  sa mga huling kataga ng sinabi ng kasama nitong si Bryan. "Be ready daw. Lagi akong handa sa iyo" ang bulong ni Andrew sa kanyang sarili.

Pagkalabas ng tatlo ay narinig niya ang palakpakan ng mga estudyanteng naroroon.
"Nice ang tapang mo naman Andrew!"
"Ikaw na Andrew da best ka!"
"Natatawa lang si Bryan pero napipikon na iyon sa iyo!"
 Ito ang mga sigawang kanyang naririnig na nagbigay sa kanya ng inspirason na lalong labanan ang tanong para sa kanya ay napakayabang.

"Talagang bilib na sila sa iyo" ang sabi ni Dina.
"Sus yun lang! Tara bilisan na lang nating kumain baka lalo pang uminit ang ulo ko" si Andrew.
"Pero teka lang friend. Napansin mo ba ang reaksyon ni Troy kanina?"
"Ha, paano ko naman mapapansin eh si Bryan lang ang kausap ko. Bakit anong nakita mo?"
"Iba kasi ang kinikilos niya kung ikukumpara kina Bryan at Michael."
"Paano mo naman nasabi?"
"Andrew, nginitian ka niya tapos nabilib pa siya sa mga ginawa mo, kasi nakita namin yung mahina niyang pagpalakpak" ang pagsasalita naman ng isa pa niyang kaklase.
"Talaga" ang nasabi lang niya. Hindi naman niya kasi narinig ito o nakita man lang.

Sa puntong iyon ay may bagay ulit na pumasok sa isip ng kaklase niyang si Dina.
______
"Baliw ka na daw" ang patuloy na pangungutya ni Michael na natatawa pa rin sa mga nangyari kanina. "Naiinis ka na sa kanya ano?"
"Hindi eh. Ewan ko ba pero ni katiting na galit ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Natutuwa pa nga ako sa kanya sa tuwing naiinis siya sa akin."
"What! First time kong marinig sa iyo yan tol."
"Oo nga eh."
"Talagang naiiba siya sa lahat ng estudyante dito" si Troy.
"Exactly. Iyon ang dahilan ng pagkakaron ko ng interes sa kanya. Kaya dapat madaliin ko na ang lahat. I will make sure na makukuha ko ang kanyang loob." si Bryan na nakangiti pa rin sabay sandal ng kanyang ulo sa sofa at tumingin sa kisame na tila nag-iisip. "Hays."
______
Lumipas ang maghapon hanggang sa matapos ang klase ni Andrew ay puro papuri lang ang kanyang narinig sa mga tao sa paligid. Hindi na niya pinansin pa ang mga ito at nagtungo na lang sa library para sa kanyang duty.

Pagkapasok ay nagulat siya nang mapansin ang isang lalaking nakaupo.
"Hi" ang kanyang bati na nakangiti na may kasamang pagkaway.
"Troy"

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Andrew.
"Kakaunti pa lang naman ang mga estudyante dito at pinagpaalam na kita sa librarian. Tara meryenda muna tayo."
"Sige." ang naisagot na lang ni Andrew sa kanya. Kahit siya mismo ay nagtataka sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang kadali sa kanya ang pagpayag. Marahil ito sa gaan ng kanyang loob sa taong ito.

Sabay silang naglakad dalawa.
"Teka saan tayo pupunta?" ang tanong niya nang mapansing papunta sila sa parking lot.
"Kakain tayo sa labas."

Maya-maya lang ay narating na nila ang lugar kung saan nakapark ang kotse ni Troy.
"Oh sakay na" ang sabi ni Troy matapos buksan ang pinto nito. Naging sunud-sunuran lang si Andrew sa kanya na tila nahipnotismo na.
_______
Kita sa mga mata ni Andrew ang pagkamangha sa kanilang pinuntahan. Kahit first time, alam niyang pang mayaman ang restaurant na ito dahil sa mga ibang kumakain doon.
"Dito tayo kakain?" ang nahihiyang tanong ni Andrew.

Hindi sumagot si Troy bagkus ay inakbayan siya nito papunta sa kanilang magiging mesa. Umupo silang dalawa. Maya-maya lang ay inabot ng waiter ang menu sa kanila. Tinuro na ni Troy ang kanyang order samantalang si Andrew ay nananatiling nakatingin pa rin sa kanyang hawak.
"May nagustuhan ka ba? kung wala pwede tayong lumipat ng restaurant" ang sabi ni Troy sa kanya.
"Ah eh hindi naman sa ganoon. di lang ako sanay sa ganitong lugar."
"Ganoon ba dapat siguro dalasan natin ang pagpunta sa mga ganitong lugar para masanay ka." ang nakangiting pahayg ni Troy sa kanya.

At makalipas ng ilang segundo ay nakapili na siya ng kanyang kakainin.

Nagsimula na silang kumain nang maserve na ang kanilang inorder. Sa isip naman ni Andrew ay mistulang date na ang ginagawa nila pero hindi na lang muna niya binigyan pa ng pansin iyon.

Napansin naman ni Troy ang hindi sanay na paggamit ni Andrew ng mga kubyertos. Sa halip na magalit ay natawa pa siya.
"Ang sarap pala nito!" ang komento ni Andrew habang kumakain. "Alam mo puro pagkain sa carinderia o luto ni nanay lang ang kinakain ko eh"
Nahinto sa pagtawa si Troy. "Carinderia?"
"Oo, yung mga lutong ulam na pagkain na tinitinda."
"Ah I see."
Natawa si Andrew. "So di mo pala alam iyon. Kung sa bagay mayaman ka kasi"
"Hindi naman. Ah Andrew, kaya kita niyaya pala dito dahil gusto kong makapag-usap tayo"

Saglit na napahinto si Andrew sa kanyang pagkain."Tungkol saan?"
Hindi kaagad sumagot si Troy. Nakatingin lang siya sa kanya na tila iniisip pa ang kanyang mga sasabihin.

Itutuloy....


















Thursday, August 4, 2011

CAMPUS TRIO Part 3

"Pinuntahan mo daw ung Andrew kanina sa library?" tanong ni Michael kay Bryan. Tapos na ang klase ng tatlo at naroon sila sa kanilang silid-tambayan na matatagpuan sa basement ng school building.
"Oo, kung makikita niyo lang yung mukha niya kanina." ang natatawang tugon ni Bryan habang inaalala niya ang naging usapan nila. 
"Dont tell me na may replay na namang mangyayari? I guess you will use your old tactic."

Walang sagot na narinig si Michael sa kausap sa halip ay kinuha lang nito ang kanyang ipod at nagsuot ng headset.  Napaisip tuloy siya kung ano ba talaga ang nasa isip nito.
"What do you think tol?" ang baling niya kay Troy.
"Bakit naman ako yung tinatanong mo dyan tsk.?" ang sagot sa kanya ni Troy na nahihiwagaan na rin sa kinikilos ng kaibigang si Bryan.
"First time..." ang may diin na pahayag ni Michael. "First time na makita natin si Bryan na ganito."

Sa sinabing ito ni Michael ay saglit na nagtanggal si Bryan ng headset.
"Pwede ba easy lang kayo." ang kampanteng sinabi nito.
"Sige bahala ka na." ang nasabi na lang ni Troy.
"Basta mga tol, trust me wla nang replay na mangyayari." ang tila paniniguradong pahayag ni Bryan sa dalawa at itinuloy na ang kanyang soundtrip.

Isang nagtatakang tingin ang binigay ng dalawa kay Bryan. Unang pagkakataon nilang marinig  si Bryan na magsalita ng ganoon. Sa tagal nilang pagkakilala dito kasi ay hindi na ito madalas na nagsasalita pa dahil ginagawa na agad nito ang anumang naisin niya.

"I hope na walang mangyari masama." ang nasabi na lang sa sarili ng isa sa mga kasama ni Bryan.
___________
"Ayos na ba ang lahat iho?" ang tanong ng librarian kay Andrew na kasalukuyan naghahanda na ng kanyang mga gamit sa pag-uwi. Pagabi na iyon at oras na ng pagsasara ng library.
"Opo mam." ang magalang niyang pagtugon.
"Sige mauna ka nang lumabas. Dadaan pa ako sa faculty room" ang sunod na pahayag ng librarian.

Madilim na nang lisanin ni Andrew ang library. Habang naglalakad sa may hallway palabas ng gate ay pinagmamasdan niya ang paligid. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng naroon at halos lahat  ay may evening classes. Bigla naman niyang naalala ang sinabi ni Bryan sa kanya na makikipagkita siya sa kanya kaya agad siyang nagmadali palabas. Siyempre ayaw niya nang makita ang isang taong para sa kanya ay napakayabang at arogante.  Kaya halos patakbo na siyang maglakad palabas. At dahil sa kanyang pagmamadali ay isang bagay ang nalaglag mula sa kanyang bulsa nang di niya namamalayan.

Nasa labas na siya ng campus at papuntang sakayan ng jeep, nang mapansin niya ang pagsunod ng isang kotse sa kanyang likuran. Nagkibit balikat lang siya at binilisan ang paglalakad.

At tuluyan siyang napatigil nang marinig niya ang isang boses. Iba sa boses ni Bryan kaya tinignan niya ito.
"Hey you're Andrew del Rosario right" ang sabi ng lalaki nang matapat na ang kanyang sasakyan kay Andrew.
"Oo ako nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko?". Habang naghihintay ng sagot si Andrew ay pilit niyang kinikilala ang lalaking kumakausap sa kanya. Hindi kasi gaanong kita ang mukha nito dahil sa may kadiliman na ang paligid pati na rin sa loob ng kotse nito.
"Bago ko sagutin ang tanong mo, baka gusto mong ihatid na kita pauwi sa inyo."

Nagtaka naman si Andrew sa pahayag na iyon ng lalaki.
"Ayoko nga, hindi ako basta-basta sumasama sa taong hindi ko kilala."
"Maybe tama ka, hindi mo ako kilala Pero ako alam ko na ang lahat ng tungkol sa iyo."
"Ano sabi mo?"

Hindi na sumagot pa ang lalaki sa halip ay bumaba ito ng kanyang sasakyan, binuksan ang kabilang pinto ng kotse at hinatak ang isa niyang braso papasok sa loob nito. Wala na siyang nagawa dahil sa bilis ng mga nangyari. Pagkabalik ng lalaki sa drivers seat ay agad niyang pinaandar ito. 

Habang nasa loob ay doon na niya namukhaan ang naturang lalaki na naka uniporme. Hindi siya maaring magkamali na kasama ito ni Bryan nang maalala ang eksena sa court.  Kaya agad siyang nakaramdam ng inis at tinanong ito
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" ang tanong ni Andrew sa lalaki.
"Wala naman, gusto lang kitang makilala ng personal." ang tugon nito sabay lingon sa kanya.
"Para saan. Ah alam ko siguro espiya ka nung hambog ba yun ano. Inutusan ka niya siguro na sundan ako."
 "You're wrong Andrew." ang sagot nito na nakatingin sa daan.
 "Sinungaling. Ihinto mo nga." ang medyo inis na utos ni Andrew sa kanya.
"Bakit?"
"Basta ihinto mo!" ang pabulyaw niyang pag-uulit.

Inihinto na ng lalaki sa isang tabi ang kotse. Nang akmang bubuksan na ni Andrew ang pinto nito ay agad siyang pinigilan ng lalaki. Hinawakan siya ulit nito sa braso.
"Alam ko ang nararamdaman mo pero sana huwag mo akong itulad kay Bryan." ang sabi nitong nakatitig sa kanya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na masama ang kanyang imahe sa isip ni Andre.
"Hindi ba kaibigan mo siya at miyembro ka rin ng... campus trio ba yun? May ganong pangalan pang nalalaman diyan puro yabang lang naman kayo."
"Tama ka. Bestfriend ko si Bryan kababata, pero hindi ibig sabihin nito ay sang-ayon ako sa lahat ng kanyang mga ginagawa."
"Ah, so ang gusto mong palabasin ay mabait ka ganun? Sige pagpalagay na natin na totoo yan eh bakit wala ka man lang ginawang aksyon sa pambabastos ni Bryan sa mga babaeng lumapit sa kanya sa court?" ang sunod na tanong ni Andrew. Mistula namang natameme ang kanyang kausap sa narinig.
"Ok. I admit na mali ako doon. Pero wala naman akong ginawa sa kanila at hindi ko naman ginatungan si Bryan.Nakita mo naman siguro." ang naisagot na lang niya makalipas ng ilang segundo.

Napaisip si Andrew sa sinagot ng kanyang kausap.
"Noon pa man ay hindi ako nakikialam sa mga ginagawa ni Bryan kasi alam kong mali iyon at ayoko namang isama ang aking sarili sa mga ganoong bagay."

Nagbuntung-hininga muna ito bago magpatuloy.
"Andrew, hindi ko sinasabing mabait ako pero I want na ikaw ang makahanap ng kasagutan sa tanong mo na yan. Kaya ang dapat mong gawin sa ngayon ay kilalanin mo muna ako." ang nakangiti na nitong pahayag.

Siguro ay naging judgmental agad si Andrew sa kanyang kausap. Mali nga naman na paratangan niya agad ito gayong unang beses pa lang sila nakapag-usap.

Kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang unti-unting nalulusaw ang inis ni Andrew sa lalaking kanyang kausap habang pinagmamasdan ang itsura nito at pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. Bukod sa gwapo ay mas maamo ang mukha nito kung ikukumpara kay Bryan at sa tingin niya ay mabait nga ang taong ito.
"Hey, natutulala ka na dyan." ang sabi niyang nagpabalik ng ulirat ni Andrew.
"Ah ano, sige bababa na ako. Pasensya na sa mga nasabi ko." ang nasabi na lang ni Andrew habang inaayos ang sarili.
"Hindi pa pwede. Sabi ko naman sa iyo na ihahatid kita sa bahay niyo di ba?" ang sabi ulit ng lalaki.

Pero nagpumilit pa rin si Andrew sa kanyang gusto. Naisip niya kasi na baka ang dahilan ng lalaking ito sa paghatid sa kanya sa kanila ay para alamin kung saan siya nakatira. Siyempre may posibilidad na malaman iyon ni Bryan dahil sa kaibigan niya ito.

Ngunit tila alam ng lalaking kausap niya ang kanyang iniisip dahil sa sunod na ipinahayag nito.
"Huwag kang mag-alala, ililihim ko ang tirahan mo. Gusto ko lang kasi malaman ito nang sa gayon ay mabisita naman kita."
"Ikaw bibisita sa akin, tsk. Ang bilis naman yata, close ba tayo?"
"Hindi kaya nga gumagawa ako ng paraan para maging malapit tayo e. Alam ko namang mabait kang tao."

Isang nagtatakang tingin ang pinukol ni Andrew sa kausap. "Bakit sa dami ng mga estudyante dyan ako pa ang napili mong lapitan?" ang di niya naiwasang itanong.

"Hindi ko rin alam sa sarili ko e." ang nakangiti nitong sagot. "Basta unang kita ko pa lang ay magaan na ang loob ko sayo."
"Talaga lang ah." ang di kumbinsidong tugon ni Andrew.
"Ayon sa aking source, na napakabait mo nung high school."

Nabigla naman si 'Andrew sa kanyang narinig.
"Matulungin ka sa mga kaklase mo tulad ng pagtuturo mo sa kanila sa ilang mga subjects. At ikaw ang palaging nangunguna sa inyong klase kaya palagi kang naboboto bilang class president. Active ka pa sa mga school activities."

Nagtataka man siya kung paano nito nakuha ang mga impormasyon na iyon ay mas nangibabaw sa kanya ang saya dahil sa appreciation nito sa kanyang mga ginawa.
Sa puntong iyon ay hindi niya maiwasang magsisi. Puro kabutihan ang mga sinabi nito samantalang puro paratang ang ipinukol niya dito sa pag-uusap nila kanina.

"Sige na nga." ang sumusukong pahayag ni Andrew ukol sa pakiusap nito na ihatid siya sa kanilang tirahan.
"Salamat naman at pumayag ka na" ang nakangiting sagot ng lalaki saka pinaandar ulit ang sasakyan.

Nang marating nila ang Tondo ay saka tinuro ni Andrew ang direksyon ng kanilang bahay. 
"Hindi pa ako dito nakatira, papasok ka pa sa makitid na eskinitang iyan" ang sabi ni Andrew nang makarating na sila.
"Baka naman hindi ka komportable dito eh pwede ka nang umalis" ang kanyang dagdag nang mapansin niya ang balak nitong pagsabay sa kanya papunta sa bahay nito. 

"No! tara na ituro mo na yung bahay niyo." ang sabi ng lalaki na lubos na nagpabigla kay Andrew. Hindi niya akalain na ang isang mayamang tulad niya ay pupunta sa ganoong lugar na para lang sa mga dukha.

Habang naglalakad ay sinusulyapan ni Andrew ang kanyang kasama. Wala siyang nakikitang bakas na pagkailang dito. Natural pa rin ang itsura ng mukha nito.  Napansin din niya na pinagtitinginan ng mga tao ang kasama niyang lalaki. Lalo na ng mga babae at bading na naroroon. Naririnig pa niya ang kanilang pagtili marahil sa kagandahang lalaki nito.

At nang makarating sila "Ito na ang bahay namin. Kaming dalawa lang ni nanay ang nakatira dito. Yan alam mo na, maaari ka na sigurong umalis niyan"
"Hindi mo muna ba ako papatuluyin sa loob." ang pag-iwas na sagot niya sa kanyang sinabi.
"Naku di mo magugustuhan ang makikita mo sa loob."
"Ayos lang sakin."
"Mapilit ka talaga hays." ang sabi ni Andrew sabay bukas ng pinto ng kanilang bahay.
______
"Bakit ganyan ang mukha mo?" ang tanong ni Michael kay Bryan na kasalukyang nakaupo nakayuko na ang mga siko ay nakatukod sa may tuhod at seryoso ang mukha. Nasa kanilang tambayan pa rin ang dalawa.
"Naiinis lang ako dahil natakasan niya ako." ang kanyang tugon.
"Sino si Andrew? Tol naman ano ba ang gusto mong mangyari, ang hintayin ka niya? Malabo mangyari yun tol eh may galit nga siya sa iyo."
"Nagkasalisi lang siguro kami. Di bale may bukas pa naman."
"Teka lang tol bakit parang masyado kang apektado sa hindi niya pagpakita sayo."

Ganoon din ang naiisip ni Bryan kanina pa. First time sa buhay niya na makaramdam siya ng kung anong bagay na di niya mapaliwanag.
"Ewan ko ba tol." ang nasabi na lang nito sabay ngiti sa kanyang kasama.
______
"Nandito na po ako nay" ang bati ni Andrew sa kanyang ina na nakahiga sa kanilang kama.
Bumangon ang matanda at tinungo ang kinarooronan ng anak.

"Ah nay may kasama pala ako. siya ay si..." ang hindi natuloy na pagpapakilala ni Andrew sa lalaki. Naisip niya na sa ilang oras na magkausap sila ay hindi pa pala siya nagpapakilala dito.

Nagmano ang lalaki sa kanyang ina bago magpakilala. "Good evening po nay. Ako po si Troy"
Kahit may kalabuan ang paningin ay pinagmasdan ng ina ni Andrew ang kabuuan ng kasama ng anak.
"Aba ay kagwapong bata nito at ang tangkad ah. Magkaklase ba kayong dalawa?"
"Hindi po nay. Schoolmate ko lang siya" ang sagot ni Andrew.
"Ah. Naku iho nakakahiya naman sayo. Pasensya na kung ganito ang itsura ng bahay namin. Dahan- dahan lang ah baka mauntog ka." ang pahayag ulit ng ina nito dahil sa babaw ng kisame ay halos masayad na ang ulo ni Troy dito.
"Actually po nay, ako ang nagprisintang sumama kay Andrew dito. Gusto ko lang po siyang makilala. Alam niyo po na madali naman po siyang kaibiganin. Maswerte po kayo na nagkaroon kayo ng anak na tulad niya."
"Ganoon ba iho. Oo nga kasi napakabait ng anak kong iyan at napakasipag pa kaya mahal na mahal ko iyan." ang pagmamalaki naman nito.
Napapangiti na lang si Andrew sa kanyang mga naririnig.

Maya-maya ay tumingin muna siya kay Andrew at ngumiti. "Alam ko po yun nay kaya ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagtaka pa nga po siya sa biglaan at mabilisan kong pag-approach sa kanya."
"Mabuti naman iho at may kaibigan na agad si Andrew sa ilang araw pa lang niyang pagpasok. Siya nga pala sumabay ka na rin sa amin maghapunan."
"Salamat na lang po Tita. Pauwi na rin kasi ako. Sa ibang araw na lang po siguro. Promise po nay na dadalawin ko po ulit kayo dito."
"Naku salamat naman kung ganoon. Hayaan mo paghahandaan ko yan.Sige Andrew anak ihatid mo na siya sa kanto." 
______
"Salamat pala Andrew." ang sabi ni Troy nang makabalik na sila sa kanto kung saan nakapark ang kotse nito.
"Bakit ka nagpapasalamat? Ang totoo nga niyan nahihiya ako sa iyo eh, sa yaman mong yan hindi kita nakitaan man lang ng pagkailang sa ganitong klaseng lugar. Kung alam mo lang na bihira ang mga sumusulpot na mayayaman dito."
"Hindi naman ako ganoon Andrew Para sakin pantay ang lahat ng tao anuman ang estado nila sa buhay. Kung alam mo lang ang sobrang sayang nararamdaman ko ngayon."
"Talaga lang ah"
"Oo naman, una dahil hindi ka na galit, maayos na ang pakikupag-usap mo sa akin at pangalawa, ay mas nakilala pa kita bukod sa mga nalaman kong impormasyon sa iyo."
"Sa totoo lang Troy, hindi ko alam kung bakit mo ako binibigyan ng atensyon ngunit nagpapasalamat ako sa pag-aalok mo sa akin bilang kaibigan. Kahit papaano ay nabago ang aking pananaw sa buhay na ang mayaman ay para sa mayaman lang.
"Mabuti naman kung ganoon."
"Isa pa talagang nabigla ako sa mabilisang pag approach mo sa akin. Nung araw kasi na nagkasagutan kami ni Bryan at nakita ko na parang wala kang pakialam ay nadamay ka na sa nararamdaman kong inis. Tapos ngayon hindi ako makapaniwala sa mga pinapakita mo sa akin."
"Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, huwag mo akong itulad kay Bryan. Kaibigan ko siya pero hindi ibig sabihin nito ay papaboran ko na ang lahat ng kanyang mga ginagawa. May sarili rin akong mga pananaw. Kung alam mo lang ang aking pag-aalala sa iyo kapag pinag-uusapan ka ng aking mga kaibigan."
"Sige mauna na ako, salamat ulit. Kita-kits na lang sa school bukas."

Bago pumasok si Troy sa kanyang kotse ay sinulyapan muna niya si Andrew at nginitian ito. Hinintay muna niya na umandar ito bago siya bumalik sa kanila.

Habang naglalakad ay iniisip niya ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Pakiramdam niya na magaan na rin ang kanyang loob kay Troy.

"Hindi naman pala sila lahat masasama ang ugali at mayabang" ang komento ni Andrew sa kanyang sarili patungkol sa campus trio.

Itutuloy....