"May gusto sa iyo si Josh." ang sunod na sinabi ni Lalaine na hindi ko napigilan.
Parang sasabog na ang dibdib ko sa mga oras na iyon dala ng matinding kahihiyan. Nanatili na lang ako sa pagkakayuko dahil hindi ako makatingin sa kanila lalo na kay Tonton.
"Josh, ok ka lang? Totoo naman yun di ba? Halata na sa mga kinikilos mo" ang pagpapatuloy ni Lalaine.
Kahit nakatitig ako sa sahig ay iniisip ko ang naging reaksyon ni Tonton. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig dahil sa hindi niya pag-imik. Kaya agad akong nag-isip ng mga sasabihin.
"Grabe ka naman kung makapagsalita. Kahit ganito ako, hindi naman madaling mahulog ang loob ko sa isang tao. Wala akong gusto kay Tonton ano, never mangyari iyon dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya" ang aking pagdedeny. Dinugtungan ko rin ito ng isang biro para mawala na ang namumuong tensyon sa amin. "At kung magmamahal ako, doon na sa isang taong perpekto, yung gwapo, matalino, mayaman, malambing, yung kayang pasayahin at ipaglaban ako at higit sa lahat ay tapat sa akin."
"Hmmm... talagang bumigay na si Josh, masaya ako dahil alam mo na ang gusto mo sa buhay. Pero hindi mo ba nakita ang mga sinabi mong qualities kay Tonton." si Lalaine ulit.
"Puro ka naman Tonton, sabi ko nga di ba na hindi ko siya gusto. So commonsense na lang yan friend" ang sagot ko sa kanya.
"Ah Lalaine mauna na ako bumalik sa room, ang biglang pagsasalita ni Tonton. Sa puntong iyon ay tumingin na ako sa kanya. Hindi ko naman nakita ang kanyang mukha dahil sa mabilis niyang pagtayo at pagtalikod. Dere-deretsong lumabas lang siya ng canteen nang hindi man lang pinakinggan ang saglot ni Lalaine at magpaalam sa amin,"
"Ano nangyari doon Trisha?" ang patanong na reaksyon ni Lalaine nang makalabas na si Tonton.
"Aba, I dont know. Dapat nga ikaw ang tanungin ko diya dahil sa mga pinagsasasabi mo" ang sagot naman ni Trisha.
"Ikaw kasi friend sinabi mo pa yan sa kanya. Ito na yung pinangangambahan ko eh, na magbago na ang turing niya sa akin at magkaroon na ng malisya dahil diyan"
At least nalaman niya di ba. Pero teka bilib din naman ako sa iyo friend, nakuha mo pang magdeny. Parang wala kang alam sa society natin. Mahirap maghanap ng karelasyon lalo na kung itoy kapwa mong lalaki. Alam mo naman siguro ang kasabihan na ang lalaki ay para sa babae." si Lalaine.
"Nasabi ko lang naman yun para hindi siya maniwala. Ngunit sa tingin ko hindi naging effective eh, dahil bigla na lang siyang umalis. Ano na ang gagawin ko friend, wala na akong mukhang ihahahrap sa kanya. Tapos baka malaman pa ng mga magulang ko ang bagay na ito, tiyak na magagalit sila sa akin."
"Alam mo Josh, sa tingin ko lang ha, tama rin yung ginawa ni Lalaine dahil doon masusukat ang inyong pagkakaibigan. Kung talagang tunay ka niyang kaibigan ay mauunawaan niya ang sitwasyon mo" si Trisha.
"Tama" ang pag-sang-ayon ni Lalaine. "Wala ka naman kasalanan kung tumibok ang puso mo sa kanya. Naiintindihan namin ang nararamdaman mo. At saka hindi kataka-takang kung may magkagusto sa kanya eh sa itsura pa nga lang."
Hindi ko naman tinutulan ang mga ipinahayag ng dalawa bagkus ay lubos kong sinang-ayunan ito. At kahit papaano ay pinasalamatan ko pa rin si Lalaine. Sa ginawa niya kasi nalaman ko kung ano talagang klaseng kaibigan si Tonton.
"Paano ko kaya babawiin yung mga sinabi ko sa kanya?" ang tanong ko sa dalawa. "Kinakabahan kasi ako sa mangyayari eh"
"Ang magagawa mo na lang sa ngayon ay tanggapin kung anuman ang mga mangyayari sa inyong dalawa." si Trisha. "Dapat maging handa ka na sa magiging kahihinatnan ng inyong pagkakaibigan."
______
Matapos kumain ay bumalik na kami sa room. Pagkapasok ay nakita namin si Tonton na abala sa pagbabasa ng isang aklat. Umupo na ako sa tabi niya. Pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa kanyang binabasa parang hindi niya napansin ang aking presensya.
Sa ilang minutong paghihintay namin sa pagdating ng aming guro ay namayani ang katahimikan sa amin. Ewan ko ba pero nararamdaman ko na may mamumuong tensyon sa aming dalawa. Hindi naman ako makapagsalita o kausapin siya. Sa tingin ko kasi ay galit siya sa akin base sa kanyang seryosong mukha.
Ganoon pa rin siya sa akin hanggang sa umuwi kami ng bahay.
"Dumating na pala kayo mga iho, magmeryenda muna kayo" ang salubong na bati sa amin ng kanyang nanay.
"Busog pa po ako nay, sige nay uuwi muna ako sa atin" ang sabi ni Tonton.
"Bakit naman? Kumain ka kahit kaunti lang"
"Hindi na po, gusto ko rin kasi magpahinga, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko"
"Sige anak umuwi ka muna baka lumala pa yan" ang may pag-aalalang sagot ng kanyang nanay.
Habang kumakain ako ng meryenda ay iniisip ko ang ginawa niyang pag-uwi sa kanila. Unang pagkakataon niya kasi gawin ang ganoong bagay. Parati kasi na sinasabayan niya ako pagkatapos ay masaya kaming nagkukuwentuhang dalawa.
Kinagabihan, sinimulan ko nang gawin ang aming mga assignments. Nasagutan ko naman ang iba dahil may reference naman sa internet. Ngunit nagkaproblema ako sa math. Sinubukan kong magsolve ngunit talagang hindi ko makuha ang sagot.
"Kung nandito lang sana si Tonton ay matuturuan niya ako kaso wala. Hindi rin siya sumabay sa amin ng hapunan.Siguro ay iniiwasan na niya ako, baka malisya na sa kanya ang aming pagkakaibigan." ang nasabi ko sa aking sarili. Nakaramdam naman ako ng lungkot.
Kaya nagdesisyon na lang akong tawagan si Trisha. Buko kasi kay Tonton ay isa rin siyang matalino at nangunguna sa aming klase.
"Bakit ka napatawag Josh?"
"Gusto ko lang sana magpatulong sa assignment natin sa math. Wala kasi si Tonton eh, nadoon sa kanila kanina pang hindi pumupunta dito"
"Ganoon ba, bakit di mo puntahan?"
"Parang ayoko friend baka kung ano lang ang sasabihin nun sa akin masaktan lang ako"
"Ok, sige tutulungan kita."
Nang matapos kami ay humiga na ako para matulog. Ngunit mag-iisang oras na hindi ako dalawin ng antok. Sumasagi kasi sa aking isip si Tonton. Ewan ko ba parang nanibago ako. Nasanay na kasi akong katabi ko siya sa kama. At doon ko nakumpirma na hinahanap-hanap ko siya.
"Paano kaya ito, kasalanan ko kasi eh, pesteng puso ito sa kanya pa tumibok. Ayan, lumayo na sa akin." ang sabi ko ulit sa aking sarili.
______
Nagising ako kinabukasan sa isang kalabit sa aking braso. At nang idilat ko ang aking mga mata ay nanibago ako dahil ang nanay na niya ang gumising sa akin. Medyo nadismaya ako dahil hindi si Tonton ang gumawa ng bagay na iyon sa akin.
"Nasaan po si Tonton" ang tanong ko sa kanyang nanay. Napansin ko kasing pang-isahang tao lang ang inihanda niyang almusal.
"Nauna na pumasok Sir Josh. Hindi nga kumain ng alusal yun tapos nagmamadaling umalis. Hindi nga niya ginamit ang motor."
"Ok po." ang sagot ko.
"Galit na talaga siya sa akin. Nakakalungkot naman. Ano kaya ang gagawin ko?" ang nasabi ko sa aking sarili. "Parang di ko kaya yung mga ginagawa niyang pag-iiwas sa akin"
Ngunit sa kabilang banda, tulad ng pinayo sa akin ni Lalaine na dapat kong tanggapin ang mangyayari sa aming pagkakaibigan dahil lang sa nararamdaman ko sa kanya. Kahit alam niya ang aking tunay na pagkatao hindi niya siguro inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. Siyempre hindi naman niya kayang tapatan ang nararamdaman ko dahil straight siya at naghahanap ng isang babae. Expected ko na rin na kahit magkaibigan pa rin kami ay magiging mailap na siya sa akin dahil ayaw niyang magkaroon ng issue ang kanyang pagkatao.
Dapat sanayin ko na ang aking sarili sa mga pagbabagong ito sa aking buhay.
______
Kahit magkatabi kami sa upuan ni Tonton, habang abala sa pagkukuwentuhan ang iba naming mga kaklase ay kapansin-pansin ang kanyang pananahimik. Seryoso ang kanyang mukha at tila may malalim na iniisip. Hindi ko naman siya makakausap kaya dumako muna ako sa kinauupuan ni Lalaine at Trisha.
"Kahapon pa siya ganyan, hindi na nga siya nagpupunta sa bahay namin eh. Hindi ko talaga siya magawang kausapin" ang sabi ko sa kanilang dalawa.
"Siguro nga masyado siyang naapektuhan sa mga nalaman niya kahapon." si Trisha.
"Ano kaya ang nasa isip niya ngayon?" ang naitanong ko sa kanilang dalawa.
"Madali lang naman yan." si Lalaine.
"Paano naman?" tanong ko ulit.
"Yung facebook." ang sagot niya. Tama nga naman,pwede niyang ichat si Tonton.
"At Josh doon ka sa bahay para makita mo yung mga sasabihin niya" ang dagdag pa ni Lalaine.
"Pero paano naman natin gagawin iyon, eh sa laptop ko lang siya nagbubukas ng FB account niya, eh hindi naman siya pupunta nga ng bahay namin?" ang sabi ko ulit.
"Ano ba ang ginagawa ng cellphone niya? Siguro naman makakapagload siya para makapag-open dahil nga sa hindi siya pumupunta sa inyo. Magpopost ako sa kanyang wall na gusto ko ulit siyang makachat, at kapag nakita na niya ito sure ako na magrerenta siya sa computer shop para makipagchat sa akin."
"Posibleng mangyari iyon pero mukhang matagal. Sana nga mangyari yang sinasabi mo at sana rin may maganda itong resulta." ang nasabi ko na lang.
"Tama, mamaya magpopost na ako sa wall niya. Ang magagawa na lang natin pagkatapos noon ay maghintay." si Lalaine.
Itutuloy...
wawa naman si Tonton. kasi naman Josh eh. kasalanan mo yan.
ReplyDeleteNaiinis na ba kayo sa paikot-ikot na daloy ng story? Pasensiya na po kayo. Hayaan niyo na sa susunod na part babawi ako. Revelations will be revealed!
ReplyDeletehmm.....sna mgkaayos cla.....k bitin nman =))
ReplyDelete-reggie-
di naman po daredevil. si Josh kasi ay takot na mareject. takot siyang ireject ni Tonton kaya kahit na kaibigan ay ok na sa kanya. kaya para makeep ang friendship nila, nagging tactless siya at nahihiya na siyang bawiin yon. pero dahil din sa ayaw niyang mawala kahit friendship lang nila ni Tonton, siguro yon ang magiging dahilan para siya na mismo ang gagawa ng paraan para kausapin ito at yon na... heavygat na drama sa kanilang paguusap hanggang magkaaminan na.
ReplyDeleteyehey!!! ganun ba yon? hahahaha.... hula lang po.
pero salamat na rin kina Lalaine at Trisha kasi sila ang nagboboost ng confidence nitong si Josh. ang bibig ng puso ni Josh. hahaha.
ok pa rin author. pero hinihintay ko talaga na matulog ulit si Tonton sa kuwarto ni Josh at yon na. kahit kiss lang. please. hehehe
sina Trisha at Lalaine ang bibig ni Josh.
ReplyDeleteat sana sa next chapter may kiss sa lips. Please po. Please. Maghalikan naman sila para masaya na.
daredevil..... u really deleted my comment!
ReplyDeleteyes.. nakakainis na kasi dami na paikot ikot ang story kahit d na kailangan... parang nawawala na nang gana!
bwt.. wala me magawa aabangan ko pa din. i am hooked na kasi!
publish is soon... this weekend 2 chapter na agad!
ok lng po ung mdaming paligoy pligoy.. mas nkakaexcite ang revelation kpag mtagal ang paikot.. :)
ReplyDeletekeep it up po!
sna mabilis din po ang paguupdate.. :)
Hala ka. Feeling ni tonton nabasted xa. Maghahanap na yan ng babae. Kawawang josh. Kung maka deny parang walang sinasaktang tao eh.
ReplyDeletewow ah ngaun lng lumabas halos araw2x q ito inaabangan hayxx..kailan kya lit lalabas ang next chap
ReplyDeletecedric
sobrang demanding naman ang iba jan... parang pagsusulat lang ang ginagawa ng author ah. libre nga eto eh. hahaha
ReplyDeletehey..
ReplyDeletewe need to demand for us naman to ah... kakabagot naman kasi maghintay ryt?
maganda sana pero it hangs to some part of the story.. but i understand about the updates.. ksi for sure hindi lang naman toh ang ginagawa ni darevil so we have to wait.. besides this is not a paid site noh.. magdemand if we are paying for this.. Good luck daredevil..
ReplyDeleteok fine! we will wait!
ReplyDeleteIt's good. Actually sa pagbasa ko ng part na to, di ko naisip na kaya ganun si Tonton dahil nasaktan siya but dahil umiiwas siya until nabasa ko mga comments ng iba.. ayan.. okay naman ung paikot ikot.. lols, mara clara nga ang tagal tagal bago natapos.. lols
ReplyDelete