Dumaan pa ang mga buwan, tuloy-tuloy pa rin ang aking buhay bilang isang modelo. Dahil sa trabaho kong ito ay nakabili na ako ng bagong kotse at house and lot sa isang subdivision dito sa Manila. Nagsimula na rin akong magtabi ng pera para sa plano kong pagpapatuloy ng aking pag-aaral.
Si Jerome naman ay panay ang pagdalaw sa akin. Napapansin ko nga na halos linggu-linggo na siya nandito sa amin. Dahil sa pagtataka kong ito ay tinanong ko na siya isang araw habang kumakain kami ng tanghalian.
"Jerome, mukhang napapadalas ka na dito ah, baka matanggal ka na sa trabaho mo" sabi ko sa kanya.
"Dont worry, ako ang bahala" ang kampante niyang sagot.
"Ayaw mo ba nun anak, may kaibigang dumadalaw sa iyo dito." ang pagsabat ni nanay.
Hindi na ako sumagot pa kahit puno ng pagtataka ang aking utak. Parang may tinatago si Jerome sa akin. Gayunpaman ay wala naman akong nakikitang masama kaya hindi ko na ito binigyang pansin pa.
Lumipas pa ang mga buwan ay sumapit na ang pagtatapos ng aking kontrata. Dahil sa magandang performance ko ay inalok pa nila akong magrenew ng kontrata ngunit tinanggihan ko na ito dahil sa balak kong mag-aral muli.
Isang linggo pa ang dumaan at sumapit ang isang espesyal na araw sa buhay ko, ang aking kaarawan. Kaya samut-saring pagbati ang aking natanggap mula sa aking mga taga-hanga.
Sa aking ginawang fanpage sa isang networking site, binasa kong pahapyaw ang kanilang mga mensahe sa akin. May mga bumabati, pumupuri at nagtatanong kung tuluyan ko na nga bang iiwan ang pagmomodelo. Nagpost na lang ako ng isang mensahe na naglalaman ng aking pasasalamat sa kanila.
Sa araw ring iyon ay napagdesisyunan naming maghanda ng isang malaking salusalo bilang pagdiriwang sa aking kaarawan. Ginanap ito sa garden ng aming bahay. Inimbitahan namin ang lahat ng mga kakilala kabilang ang mga kasamahan ko sa trabaho.
Bago mag-umipsa ang selebrasyon ay isang mensahe ang aking inabot sa kanila.
"Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo at nakikisalo ngayong gabi. Ang selebrasyong ito ay hindi lang po para sa aking kaarawan kundi bilang pasasalamat na rin sa naging pagsuporta ninyo sa akin. Kaya enjoy the night!"
Matapos noon ay sabay-sabay naming tinaas ang aming mga basong may wine at nagcheers sa bawat isa.
Nag-umpisa na ako sa pag-entertain ng aking mga bisita. Kahit tapos na ang aking kontrata, hindi pa rin nawala ang mga nagpapaautograph at nagpapapicture, siguro para lang may remembrance sila.
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Jerome kasama ang ilang mga kasamahan niya sa kompanya na naging katrabaho ko rin noon.
"Jerome, buti naman at nakarating ka na." pagsalubong ko sa kanya.
"Oo at gaya ng bilin mo, sinama ko ang ilan sa mga nakatrabaho mo noon." sagot niya.
"Rico, nice to meet you" ang sabi nila sabay nakipagbeso sa akin.
"Halina kayo at ksabay-sabay na tayong kumain" ang sabi ko sa kanila.
Nagsimula na silang mag-usap habang kumakain. Isa-isang nagsalita ang mga kasama ni Jerome samantalang ako ay nakikinig lang sa kanila.
"Rico, ang layo na ng narating mo, mahirap nang mareach."
"Oo nga, hindi ko akalain, na magiging modelo ang isang dating empleyado ng kompanya."
"Hindi na nakakapagtaka, eh ang gwapo naman talaga nitong si Rico"
"Tama, saka yung katawan niya hayyyyy"
Ngumiti na lang ako sa kanila. At nagpatuloy sila.
"Uy! mahiya ka naman baka isipin ni Rico eh pinangnanasaan mo siya"
"Parang ganun na nga" at nagtawanan kaming lahat.
Maya-maya'y napansin ko si Jerome na parang di mapakali at panay ang tingin sa kanyang cellphone. "Jerome may problema ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Ah eh wala naman." sagot niya sa akin sabay ngiti.
"Sigurado ka, kasi napapansin ko kanina ka pa text ng text at patingin-tingin sa cellphone mo."
"Ahm, salamat sa pag-aalala pero wala ito. Teka pala may pupuntahan lang ako saglit. Babalik ako agad."
"Ok" ang sagot ko pero nananatili pa rin ang pagtataka sa isip ko sa nakikita sa kanya.
"Ha! kakarating mo lang ah."
"Importante lang sige mga kasama alis muna ako saglit." paalam din niya sa kanila.
Tumungo sila bilang pagsang-ayon.
"Sige Rico, see you later"
Napansin ko ang tila pagmamadali niya.
"Ok." ang naisagot ko na lang. Mabilis siyang naglakad palabas.
Sinamahan ko sa pagkain ang mga naiwang kasamahan ni Jerome. Nagpatuloy pa ang masayang kuwentuhan. Kung anu-anong topic ang aming napag-usapan kabilang ang mga di malilimutang karanasan at lovelife. May mga kantyawan din sa isat-isa at ako man ay hindi nakaligtas sa kanila.
"Ikaw naman magkuwento Rico tungkol sa lovelife mo"
"Tol, sure akong masaya ang love life niyan, sa gandang lalaki niyang yan imposibleng wala siyang karelasyon."
"Tama, kaya magkwento ka naman."
Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila kung magsisinungaling ba ako o aamin na lang ng totoo kong estado sa buhay pag-ibig. Napakaunfair ko naman kung wala akong masasabi eh halos lahat sila ay naglahad ng kani-kanilang kuwento. Kaya napagdesisyunan kong ilahad na lang ang totoo. Bago nagsalita ay tinignan ko muna silang lahat at kita sa kanila ang paghihintay sa aking kasagutan.
"Honestly guys, wala pa sa isip ko ang mga gayang bagay sa ngayon. Priority ko kasing tapusin na muna ang aking pag-aaral."
"Totoo, napakaimposible naman niyan tol" ang sagot ng isa sa kanila na halatang hindi kumbinsido sa aking sagot.
"Huwag ka nang magtaka eh kung si Sir Carlo nga, wala ring lovelife ngayon. Sa kabila ng kanyang kagwapuhan ay malas sa pag-ibig. Napakatanga naman ng mga taong umiwan sa kanya. Kaya hindi rin kataka-takang ganoon din si Rico." sagot naman ng kanyang katabi.
Lubos kong ikinagulat ang pahayag niyang iyon and at the same time ay may pagtataka. Si Kuya Carlo, walang karelasyon ngayon. Maraming katanungan agad ang pumasok sa aking isip. Hindi ko pinahalata sa kanila ang aking naging reaksyon sa halip ay hinayaan lang silang ipagpatuloy ang usapan. Kaya sila na rin ang naging daan para mabigyang kasagutan ang mga katanungan na iyon.
"Ay oo nga. Napapansin niyo naman diba ang pagiging seryoso niya at malungkutin nitong mga nagdaang araw. Matagal-tagal na rin ngang hindi ko siya nakikitang ngumingiti."
"Hindi lang yan may pagkakataong hindi na yan umuuwi pa at inuumaga sa opisina. Paano ay sinusubsob ang sarili sa trabaho."
"Ginagawa lang niyang abala siguro ang kanyang sarili para kahit papaano ay makalimot sa kanyang problema."
"Ganoon talaga kapag heartbroken."
"Oo, yung ginawa ni Mam Marianne sa kanya. Naku kung alam niyo lang ang ginawa niya kay Sir Carlo."
"Ah yung mataray na babaeng iyon na nagreyna-reynahan sa kompanya na akala mo kung sino."
"Siya nga. Aba pera lang pala ang habol niya kay Sir. May pamilya na pala ang babaeng iyon sa ibang bansa. Sorpresang sumugod ang asawa niya sa simbahan sa araw mismo ng kanilang kasal kasama yung mga magulang niya."
"Kawawa naman si Sir ano."
Halos mawalan ako ng lakas sa mga rebelasyong aking nalaman sa mga oras na iyon. Halu-halong emosyon na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako kung ano ang aking gagawin.
Naalala ko bigla si Jerome, yung pagpipigil ko sa kanyang sabihin ang tungkol kay Kuya Carlo. Malamang na tungkol doon ang nais niyang banggitin sa akin.
"Rico, ayos ka lang ba?" sabi ng isa sa kanila na marahil ay napansin ang kakaiba kong kinikilos.
"Ah o...o..oo, teka lang ha CR lang ako saglit. Just enjoy the night." sagot ko sa kanila. Dali-dali akong naglakad papasok ng bahay.
Sa pinto, "Anak, bakit ganyan ang mukha mo may problema ba?" si nanay na may hawak na isang tray ng pagkain na ilalabas para sa mga bisita.
"Wala po nay, akyat lang po muna ako sa kwarto ko. Kayo na lang po muna ang bahala ni Kuya sa mga bisita. Medyo sumakit lang ang ulo ko" ang sagot ko sa kanya.
"Sige anak" ang pagtugon niya na may tonong pag-aalala sa boses.
Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad akong nahiga at nagsimulang ilabas ang aking kinikimkim na emosyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Naisip ko na sa kabila ng tinatamasa kong swerte at kasiyahan ay may isang taong nangungulila, nalulungkot at ito ang taong hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin. Nakakakunsensya dahil wala ako ngayon sa tabi niya para magbigay ng lakas ng loob sa kanya. Parang gusto ko na siyang puntahan para damayan sa mga problema niya.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang magring ang aking cellphone.Si Jerome ito. Nago ko ito sinagot ay inayos ko muna ang aking sarili. Ayokong mahalata niya ang aking paghikbi.
"Hello Jerome"
"Rico, nakabalik na ako nasaan ka?" ang sagot niya sa akin.
"Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako saglit medyo masakit kasi ang ulo ko. Nandyan naman si kuya at nanay para umasikaso sa inyo."
"Ah ganoon ba sige pupuntahan kita diyan" huling sinabi niya at nag end call.
Dahil sa sagot niyang iyon ay nagpasiya akong hintayin na lang siya. Gusto ko kasing kausapin siya ng personal sa mga nalaman ko tungkol kay Kuya Carlo.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay may narinig akong pagkatok mula sa pintuan ng aking kwarto.
"Saglit lang Jerome." agad kong pinunasan ang aking mga matang may luha. Tumayo ako sa aking kama at tinungo ang pintuan.
At nang buksan ko ito laking gulat ko sa taong lumitaw sa aking harapan. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan at natulala sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa biglaan niyang pagpapakita sa akin sa araw mismo ng aking kaarawan.
Itutuloy....
thanks at may karugtong na rin ang kwentong ito. looking forward din sa continuation ng "mahal kita" :-)
ReplyDeletenice work here. Keep it up!!!
R3b3L^+ion
awwww omg mag kikita nasila next chapter na wag munang patagalin plzs.
ReplyDeleteahaha.. sweet naman..
ReplyDeletenice kwento... avid reader here... tnx 4 inspiring :)
ReplyDeleteahh!!! e2 na!!! nagkita na ulit sila ni Carlo!!!!!
ReplyDeletenext chapter na!!! hahaha..nakaka excite!!
mahal kita rin!!
c kuya carlo? o c jason? khit di cnabi n may ksama c jerome pero mrmi ng iisip n may ksma sya. cno kya? nkakaexcite - mhei
ReplyDeletekelan po nxt chapter?
ReplyDeletepki labas na po nxt chapter.. nakakainip na po.. :)
ReplyDeletewala pa po ba yung next chapter nito nakakamis na c carlo cka c rico ...
ReplyDelete