Naroon na ang lahat ng aming mga kaklase pagkabalik namin sa room. Habang pumapasok kami, napapansin ko ang mga tinginan ng mga kaklase naming babae kat Antonio. May mga kumakaway, ngumingiti at bumabati ng hi. Tinugon naman ito ni Antonio ng isang ngiti din.
Nang makaupo na kaming dalawa sa likod ay may lumapit kay Antonio na isang kaklase naming babae.
"Hi, Im Trisha, the class president" pagpapakilala niya kay Antonio sabay lahad ng kanyang mga kamay.
Nakipagkamay naman sa kanya si Antonio. "Antonio, you can call me Tonton for short." nakangiti niyang tugon.
"Ahm, may sulat pala ako for you. Kung maaari sana ay basahin mo na lang ito after class"ang medyo nahihiya niyang pahayag habang nakangiti pa rin.
"Ok thanks for this." sagot naman ni Antonio. Bumalik na si Trisha sa kanyang upuan. Sakto namang dumating na ang guro namin para sa susunod na subject.
Ganoon pa rin ang ginawa namin, orientation ng subject, pag-introduce sa mga sarili maliban na lang sa isang guro namin sa Math na nagsimula agad mag lecture at magbigay ng assignment. Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian. Nagsilabasan na ang halos lahat naming kaklase. Kami ni Antonio ang naiwan sa loob.
"Josh, mauna na ako sa parking lot. Para maihanda ko na ang motor." Si Antonio matapos maligpit ang kanyang mga gamit. Siya na kasi ang magmamaneho ng motor pag-uwian. Tumango lang ako bilang sagot. Lumabas na siya ng room. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag-aayos ng mga notebooks ko.
Aktong papalabas na ako ng room ng may humarang sa pinto. "Woi, Josh uuwi ka na agad tara laro muna tayo ng DOTA, kailangan ka namin kasi pustahan iyon." si Tom.
"Next time na lang" sagot ko naman. Naaalala ko kasi si Antonio na naghihintay na sa akin.
"Aba tumatanggi na tol oh." sagot ni Tom.
"Bakit ha bakla?" si Richard.
"Baka may date sila ngayon ng kasama niya" si Tom ulit. Nagtawanan sila.
"Hindi ah!" medyo napikon na ako sa sinabi ni Tom.
"Sama ka na kasi, sige na" si Vic.
"Kung ayaw niya sumama, di wag. Tatanggalin na natin siya sa tropa. Isa pa baka mahawa kami sa kabaklaan niyan." si Richard. Nagkatawanan ulit sila.
Binalewala ko na lang ang huling pahayag ni Richard kahit may sakit na dulot sa aking kalooban. Kaya iniwasan ko na lang sila. Pinilit kong maglakad palabas ng pintuan ngunit nabigo akong makadaan dahil sa dami nilang nakaharang sa pinto.
"May balak ka pang umiwas bakla" si Tom.
"Padaanin niyo na ako please" pagmamakaawa ko nang nakayuko. Medyo naiiyak na kasi ako ng mga oras na iyon.
"Simple lang naman ang gusto namin. Pumayag ka na kasing sumama magdota."
Maya-maya'y isang boses ang nakaagaw ng aming pansin kaya tinignan namin ito.
"Pwede bang padaanin niyo na siya!"si Antonio na naglalakad palapit sa amin. Ngunit hindi pa rin natinag ang aming mga kaklase.
"Nandito na ang prince charming mo bakla" ang kantyaw pa ni Tom. Hindi na ito pinatulan pa ni Antonio sa halip ay pwersahang pumasok sa loob ng room at hinila ang aking braso para makalabas.
"Tara na Josh hayaan mo na sila" si Antonio habang hawak pa rin ako sa braso.
Habang naglalakad kami papuntang parking lot ay sinulyapan ko ang seryosong mukha ni Antonio na nakatingin lang sa dinadaanan namin. Biglang bumalik naman sa isip ko ang lahat ng mga nangyari buong araw. Naalala ko rin ang mga binitawang salita niya kay Lalaine sa canteen. Alam kong totoo iyon dahil binilinan rin siya ng mga magulang ko ng ganoon. At nasisiyahan naman ako, kahit papaano ay sinisimulan na niyang tuparin iyon sa ginawa niya kanina. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita na nagpaputol sa aking pag-iisip.
"Iwasan mo na sila. Hindi magandang impluwensiya sa iyo ang mga ganoong klaseng tao" ang sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung magagalit ako sa sinabi niya o matutuwa. Kung makautos kasi siya ay parang magulang ko, e hindi ko naman siya kaanu-ano. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na pagmamalasakit lang niya iyon.
Nang makarating sa parking lot ay inabot niya sa akin ang helmet. Dahil siya na ang magmamaneho ng motor, sumakay ako sa likod niya. Humawak ako sa likurang bahagi nito.
"Pwede kang kumapit sa balikat ko kung gusto mo."
"Ha!" ang nasambit ko. Medyo ikinabigla ko kasi ang sinabi niya.
"Mabilis kasi ako magpatakbo"
"Sige ok na ako dito." ang nasabi ko na lang. Ngunit sa loob-loob ko ay gusto kong gawin ang gusto niya. Ewan ko pero nahihiya kasi ako.
"Bahala ka" sabi niya ulit saka sinimulang paandarin ang makina.
Halos lumipad na kami sa tulin ng kanyang pagpapatakbo. Medyo kinabahan na ako ng mga oras na iyon baka kasi maaksidente kami.
"Dahan-dahan naman baka maaksidente tayo! sabi ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala."
"Ano ka ba, sobrang kinakabahan na nga ako dito baka mahulog tayo nito dahil sa iyo"
"Ganoon ba, kasi ganito talaga ako magpatakbo ng motor sa amin."
"Sa inyo, sa probinsya niyo?"
"Oo, yung mga kaibigan ko doon may mga motor sila. Hindi nga lang kasing ganda nito"
"Ah"
"Kaya nga sabi ko sa iyo humawak ka sa balikat ko, kung nahihiya ka sige yumakap ka na lang"
"Hindi na kailangan" ang nasabi ko na lang. Nahihiya na nga akong hawakan siya sa balikat, yakapin pa kaya.
Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa amin. Laking pasalamat ko na lang at walang nangyaring masama sa amin. Bumaba na ako ng motor at inabot sa kanya ang helmet.
Aktong papaandarin na niya ulit ang motor ng maisip kong biglang magpasalamat sa kanya. Ewan ko nga kung anong nagtulak sa akin para gawin iyon. Dahil siguro sa appreciation ko sa ginawa niya kanina.
"Sandali lang"
Lumingon naman siya sa akin. "Bakit?"
"Ano, ahm... s...sa....salamat pala kanina" medyo nahihiya kong pahayag.
Nang tignan ko siya para malaman ko ang reaksyon niya, medyo nabigla ako dahil nakangiti siya sa akin.
"Himala at hindi ka nagsungit ngayon sa akin. Kakatuwa naman."
"Ha!"
"Sabi ko natutuwa ako dahil hindi mo ako sinungitan ngayon. Sana magtuloy-tuloy na yan."
Napangiti na lang ako. Parang nakaramdam naman ako ng kakaiba sa kanya. Sa sinabi niya, tila nalusaw ang lahat ng inis ko sa kanya noon.
Pagkatapos ay nilapit niya ng bahagya ang mukha sa akin at kinurot ako sa pisngi. "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Responsibilidad ko iyon sa iyo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Oh ano may sasabihin ka pa?"
"Ah wala na sige pasok na ako"
"Ok alis na ako" at pinaandar na niya ang motor.
______
"Sir Josh ito na po ang meryenda niyo"
"Salamat po Aling Myrna." sagot ko naman. Ipinatong niya ang mga sandwiches at juice sa mesa at sinimulan kong kainin ito.
"Ahm Sir pwede po ba kayong makausap saglit"
Tumingin naman ako sa kanya. "Sige po. Upo muna kayo"
"Salamat po." tugon niya. Umupo siya sa silya na nasa tapat ko.
"Sir, magpapasalamat lang sana ako"
"Salamat saan?" ang nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong natatandaan na ginawa ko sa kanya maliban na lang sa pinapakita kong pagkairita sa kanilang mag-ina.
"Nasa hardin kasi ako kanina nang marinig ko ang pag-uusap ninyo ng anak ko. Alam ko pong ayaw mo sa amin dahil sa mahirap lang kami at naiinis ka dahil hindi ka sanay makisama sa mga taong tulad namin. Kaya nga natutuwa po ako ng makita kong nagkakasundo na kayo."
"Ganoon po ba, mabait naman po kasi si Antonio." ang naisagot ko sa kanya.
"Ay mabait po talaga yang anak ko. Kahit kailan ay hindi siya nagbigay ng sakit ng ulo sa amin ng tatay niya nung nabubuhay pa siya. Masipag, matalino at palakaibigan pa."
Parang nakunsensya naman ako sa pahayag na iyon ni Aling Myrna. Naisip ko kasi ang aking sarili. Nagbalik sa akin ang lahat ng mga pinaggagawa ko noon sa mga magulang ko. Talagang kabaliktaran ako ni Antonio sa pag-uugali.
"Marami rin siyang tagahanga sa amin sa probinsya. Dahil sa mabuting ugali niya dagdagan pa ng kagandahang lalaki ay marami siyang naging mga babaeng kaibigan. Kilala na nga siya bilang babaero sa lugar namin."
"Oo nga naman. Talaga namang gwapo kasi itong si Antonio kaya di nakakapagtakang magkaroon siya ng maraming tagahanga" ang nasabi ko sa aking sarili.
"Ah siyanga pala po Aling Myrna, pasensya na rin po sa naging pakikitungo ko sa inyo" ang paghingi ko ng paumanhin. Medyo naliwanagan na rin kasi ang isip ko sa kanilang mag-ina.
"Naku po Sir, ok lang po. Pero may isa lang po akong mahihiling sa iyo."
"Sige po basta kaya ko"
"Alam ko pong masaya ngayon ang anak ko dahil sa pagbabagong pinapakita mo sa kanila kaya sana palagi na kayong magkasundo at maging magkaibigan."
"Ah yun lang po pala, sige. Sa tingin ko po ay madali lang siyang kaibiganin. Nasa akin lang po ang problema"
"Salamat po Sir, sige balik na ako sa kusina."
"Ok salamat po"
______
Kinagabihan sa kwarto habang nakahiga ay naisip kong muli si Antonio pati na ang mga sinabi ng kanyang ina sa akin.
May pagkababaero pala siya, hindi ko alam kung makikipagkaibigan siya sa isang katulad ko na isang alanganin. Sa ngayon kasi ang obligasyon lang niya sa akin ang tanging dahilan ng pag-uugnayan naming dalawa.
Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko na ipinagtaka ko. Hinawakan ko ito. "Bakit ganito kaya ang nararamdaman ko?" ang naitanong ko sa aking sarili. "Teka hindi ito pwede. Mali ito."
Kaya para mawala na sa utak ko ang kung anumang nararamdaman ko ay nag-isip ako ng pagkakaabalahan kong gawin. Napagdesisyunan kong maglaro na ulit ng paborito kong online game. Ngunit bubuksan ko pa lang ang laptop ko nang maalala ko ang binigay sa aming assignment sa math.Kaya inuna ko munang gawin
Medyo nahirapan naman ako sa ilang mga tanong kaya nagpasiya akong puntahan si Antonio para magpatulong. Pagkababa ko sakto naman nakita ko si Aling Myrna na naghahanda na sa pag-uwi.
"Sir Josh, kung kakain po kayo ng hapunan nasa ref lang yung pagkain. Sige po alis na ko" si Aling Myrna.
"Saglit lang po sasabay na ako sa iyo, pupuntahan ko kasi si Antonio, medyo nahihirapan kasi ako sa assignment namin magpapatulong lang."
Napangiti naman siya sa akin. "Sige po sir"
Pagkarating namin sa kanilang inuupahang bahay ay nakita ko siyang busy na nagbabasa ng isang papel. Malamang na natapos na siya sa aming assigment.
"Anak kasama ko si Sir Josh may kailangan daw siya sa iyo."
"Talaga nay." sabi niya. Napansin ko naman ang excitement sa tono ng pagsagot niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Agad siyang tumayo, lumapit sa akin at inakbayan niya ako. Samantalang dumeretso ang kanyang nanay sa kusina.
"Oh Josh anong problema?" tanong niya sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay umulit na naman ang naramdaman ko kanina. "Ito na naman, ano ba ito?"
Tumingin ako sa kanya. At nahumaling na naman ako sa kanya. Iba talaga ang appeal niya sa akin. Nakasandong puti siya na nakabakat ang magandang pangangatawan nito at ang maamong mukha. Hay grabe.
"Oh yan nakatulala ka na naman sa akin tsk. tsk. tsk!" sabi niya sa akin. Kinurot niya ulit ako sa pisngi.
Agad ko namang sinabi sa kanya ang pakay ko.
"Iyon lang pala. Madali lang naman yung mga tanong ni mam. Sige tuturuan kita. Tara doon na tayo sa kwarto ko.
Umakyat kami sa kanyang maliit na kwarto sa taas.
"Josh pasensiya ka na sa kwarto ko" sabi niya sa akin. Napansin ko naman ang papel na hawak niya habang nag-aayos siya ng mga unan. Naalala kong iyon ang inabot sa kanya ni Trisha kanina. Binasa pala niya iyon.
Nang matapos sa pag-aayos, Kinuha na niya ang kanyang notebook at naglabas ng isang papel.
"Halika na mag-umpisa na tayo" sabi niya sa akin.
Ngunit sa mga oras na iyon ay nagkaroon ako bigla ng interes sa nilalaman ng sulat na iyon.
"Ah Tonton, parang ang saya mo ngayon ah"
"Oo naman" ang sagot niyang nakangiti pa rin. Hawak pa rin niya ang papel.
"Siguro dahil sa nilalaman ng sulat na iyon akaya siya naging masaya. Baka sinabi ni Trisha doon na may crush siya sa kanya. Kaya di malabong magkagustuhan silang dalawa. Ayon na rin sa nanay niya na maraming babaeng nakikipagkaibigan sa kanya at may pagkababaero. Kung tutuusin naman eh bagay silang dalawa kasi may mga itsura sila at matalino pa." ang nasabi ko sa aking sarili.
Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng hindi maganda. Nagbago ang aking mood. Ang inis ko sa kanya ay parang nanumbalik. Pero hindi ko iyon pinakita sa kanya.
Itutuloy....
buti at nasundan na rin ito...
ReplyDeletenice nice nice... pagpatuloy myo pls ang pagsulat nito..inaabangan ko pa ito...
thanks
R3b3L^+ion
AY AQ MAN CNUSUBAYBAYAN Q DIN ITO.......
ReplyDeleteaa rin sinusubaybyan ku rin to..... sna po kng pwedng bilisbilisan... hehehe! tnxs alex from iloilo 09196709120
ReplyDeleteShocks! More of this one please!
ReplyDeletenice story sana bilas nang konte ang pag uupdate...
ReplyDeleteNakakabitin lagi. Pero lagi ko tong inaabangan.
ReplyDeletenakakabitin yong kwento. sana po araw araw nyo ituloy yong kwento
ReplyDeletekilig :"""""""""""">
ReplyDeletesana i-post ninyo rinang MULI (THE AFFAIR) movies.
ReplyDelete