Tuesday, March 29, 2011

MAHAL KITA Part 4

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Pagbaba ko ay nakita ko ang mag-inang kumakain ng almusal.

"Good Morning Josh. Halika sabay ka na sa amin" si Antonio na nakangiti.
Hindi ko na siya sinagot pa sa halip ay umupo na rin ako para kumain. No choice ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

Matapos mag-almusal ay nagkani-kaniyang paghahanda kami sa pagpasok.

Nang makabihis ay agad akong dumako sa bahay ng mag-ina kung saan nakaparada ang motor. Wala pa siya roon pagkarating ko marahil ay nagbibihis pa rin ako kaya hinintay ko na lang siya. Makalipas ang sampung minuto nakita ko siyang palabas ng bahay. Agad ko namang napansin ang kanyang itsura. Ewan ko pero sa tingin ko ay mas lalo siyang gumwapo sa kanyang suot na uniporme. Parang hindi siya probinsyano sa kanyang porma at tindig. Dagdagan mo pa ang halimuyak ng kanyang gamit na pabango.

Bumalik ang aking ulirat sa pagkaway ng kanyang mga kamay sa aking mukha. Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti siya sa akin sabay sabing "Josh,  natutulala ka na sa akin ha. Tara na baka la mate na tayo"

Sa halip na sumagot ay natahimik ako bigla. Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa pahayag niyang iyon. "Ang yabang naman nito!" ang nasabi ko sa aking sarili.

"Wala ka bang balak sumakay, ikaw ang magmamaneho ngayon di ba?" si Antonio na nakangiti pa rin.
"Alam ko, teka bakit may pangiti-ngiti ka diyan" ang nagtataka kong tanong.
"Wala lang, masaya ako yun lang. Tara alis na tayo" sagot niya sabay hagis sa akin ng helmet at susi.

Nang makasakay ako sa motor ay agad na pumuwesto si Antonio sa aking likuran. Nakahawak siya sa bandang likod na motor. Inumpisahan ko na paandarin ang motor.

Walang kaming imikan habang nasa daan hanggang sa makarating ng school.

Dahil sa bago lang si Antonio roon ay nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.

Pagkarating pa lang namin sa corridor ay sinalubong agad ako ng aking mga kaklase.

"Joshua, long time no see, hindi ka nagparamdam nung bakasyon ah!" sabi ng kanyang kaklaseng si Tom.
"Ah eh medyo busy lang" ang naisagot ko lang.
"Busy daw oh, narinig niyo ba yun mga classmates" si Tom na pumasok sa loob ng room. Agad namang naglabasan sa pinto ang iba pa naming mga kaklase. Lumapit sila sa akin.
"Alam mo bang ilang beses na kami natatalo sa DOTA, dahil wala ka." sabi naman sa akin ng isa pa naming kaklase na si Vic. Hindi naman sa pagyayabang isa ako sa mga magagaling magdota sa aming section. Sa halos lahat ng pustahan na sinasalihan namin ay laging panalo dahil sa akin.
"P...P...Pasensya na kayo" ang paghingi ko na lang ng paumanhin.

"Josh pasok na tayo" ang pagsabat bigla ni Antonio. Nalimutan ko palang kasama ko siya.
"Oh sino yang kasama mo, wag mong sabihin na siya ang pinagkaabalahan mo nung bakasyon kaya hindi ka na sumasama sa amin" si Tom ulit.
"Tol lalaki yan, pero malay niyo mga classmates tuluyan nang bumigay itong si Josh" sabi naman ni Richard na nagpatawa sa iba pa naming mga kaklase.

Wala akong nagawa ng mga oras na iyon kundi ang manahimik na lang. Mahirap na baka  lumaki ang issue lalo na at tungkol ito sa aking tunay na pagkatao. Sa totoo lang  matagal ko nang tinatago ito, ang tunay na ako.

Kaya ganoon na lang ang pangkakantyaw ng mga kaklase ko sa akin. First year pa lang ako, napapansin na nila ang aking mga kilos na di raw normal para sa isang tunay na lalaki, in short may pagkamahinhin. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. Nasasaktan ang aking damdamin sa halos araw-araw nilang pangungutya. Minsan ay naisumbong ko na sila sa aming guro pero hanggang pangaral lang sila kaya useless lang. Dahil dito ay nagpasiya akong baguhin ang aking image. Sinikap kong makisama sa kanila, sumali sa tropa at makiayon sa anumang gagawin nila. Sa kanila ko natutunan magcutting classes, umuwi ng gabi at maglaro ng online games at DOTA. Aaminin ko na nasisiyahan naman ako sa pagsama sa kanila lalo na kapag may gimik.

"Tignan mo tol, hindi sumasagot, confirmed na. Miyembro ka na ng federasyon." sabi ni Tom na ang actions ay parang ginagaya ang isang bading. 

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay ni Antonio sa akin. "Halika na pasok na tayo hayaan mo na lang sila" ang sabi niya sa akin.

Dumeretso kaming pumasok sa loob at umupo sa mga bakanteng upuan sa likuran. Habang nakaupo ay nanatili lang akong nakayuko, pakiramdam ko kasi na nakatingin sa akin ang mga kaklase namin lalo na ng mga lalaki. Hindi ko kasi maatim na tignan nila ako na may kasamang panghuhusga. Naririnig ko kasi ang mga mahinang pagtawa nila.

Dahil sa katabi ko si Antonio ay hindi nakaligtas sa kanya ang kakaiba kong kinikilos. Marahil ay nalaman na niya ang dahilan noon base sa mga nasaksihan niyang mga eksena kanina.

"Josh" sabi niya na ang  tono ng boses ay may pag-aalala. 
"Ok lang ako" ang sagot ko sa kanya.
"Matagal na ba nilang ginagawa sa iyo ito?" ang sunod niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. hanggang sa dumating ang guro namin para sa unang subject.

Puro orientation lang ng subject at pagpapakilala sa sarili ang ginawa namin. Ganoon din sa mga sumunod naming guro hanggang sa sumapit ang oras ng recess.Nauna nang lumabas ang aming mga kaklase.

Habang pinapasok ko ang aking mga gamit sa bag," Josh sabay na tayong kumain" ang yaya ni Antonio at pumayag ako. Sabay kaming nagtungo sa canteen.

Nanbg makabili na ng aming kakainin ay naghanap kami ng mauupuan. Pero natagalan kaming makahanap ng bakante dahil sa sobrang dami ng estudyante. Marahil ay sabay-sabay ang oras ng aming mga breaktime.  Hanggang sa may mapansin akong kumakaway sa amin na nagsasabing doon kami umupo. Nakilala ko naman kung sino iyon kaya niyaya ko si Antonio na doon kami pumwesto.

"Halika dito na kayo sakto kakaalis lang ng mga kasama ko." ang alok ng isa kong kaklaseng na si Lalaine. Siya ang pinakaclose friend ko na babae sa aming magkakaklase at masasabi kong napakabait dahil kailanman ay hindi ko nakitang sumama sa mga nangkukutya sa akin.
"Salamat" sagot ko. Umupo kami sa tapat ng inuupuan niya.

"Hi Im Lalaine and youre Antonio right?" si Lalaine habang sabay-sabay kaming kumakain. Inabot niya ang kanyang kamay bilang pagpapakilala.Ako naman ay patuloy lang sa pagkain.
"Yes" sagot naman ni Antonio at nagkamayan silang dalawa.
"Ahm, may nickname ka ba para iyon na lang ang itawag ko sa iyo, no offense ha pero hindi kasi bagay kasi ang name mo kung pagbabasehan ang looks mo. Gwapo ka kasi eh" ang napapangiting pahayag ni Lalaine na halatang di napigilang ang paghanga.
"Its ok, hindi lang naman ikaw ang nagsasabi ng ganyan. You can call me tonton"
"Ok. By the way kaanu-ano mo pala itong si Josh? ang sunod niyang tanong.

Pinakinggan ko ang mga sinagot niya sa tanong na iyon.Bago sumagot ay saglit siyang tumingin sa akin.
"Ah, hindi naman kami magkamag-anak ni Josh. Kami yung bagong nakatira sa kanilang paupahang bahay. Galing kaming probinsya. Nakapasok ako dito dahil sa tulong ng mga magulang niya."

"Ganoon, laking probinsya ka, pero hindi ko agad nahalata ah kasi sa itsura, tindig at porma mo parang dito ka lang nakatira sa siyudad. At isa pa napakaswerte mo, sobrang mabait talaga ang mga magulang ni Josh lalo na yung Papa niya sa pagkakakilala ko sa kanila." si Lalaine. "At isa pa maganda na rin iyong nandito ka para may makasama siya and at the same time ay may magbantay sa kanya."

"Ano ba yang mga sinasabi mo Lalaine?" ang naging reaksyon ko.Naalala ko kasing ganoon din ang mga sinabi sa akin ni Mama at Papa.
"Bakit Josh, may nasabi ba akong mali? Kung tutuusin masaya ako at may makakasama ka na baka sakaling bumalik na ang dating Josh na nakilala ko."
Napatingin naman sa akin si Antonio. Napansin siguro ni Lalaine na nagtataka ito kaya nagsalita siyang muli.
"Ah Tonton, alam mo matalinong bata yan si Josh. Salutatorian nga iyan noong elementary eh sabi ng mama niya at laging nasasama sa top nung first year kami. Naging kaibigan ko siya dahil mabait siya, tahimik lang sa klase at palaaral. Tapos nung second year kami bigla na lang nagbago yan. Hindi na niya na maintain ang mga grades, nagbabaan sa lahat ng subjects. Minsan hindi na yan pumapasok after recess at may pagkakataong nag-aabsent talaga. Impluwensya kasi ng mga kaklase naming lalaki."

Puro tango lang ang naging reaksyon niya sa pahayag ni Lalaine, na nagpapahiwatig na malinaw sa kanya ang lahat. Tumingin siya sa akin, ngumiti at nagsalita. "Kung ganoon, marami pala akong dapat gawin sa iyo."

Tila nahipnotismo na naman ako sa pagtingin niya sa akin. Sa ilang sentimetro na pagitan ng aming mga mukha ay kapansin-pansin ang mala-anghel niyang ngiti. Doon ko lang napansin ang ganda ng kanyang mga ngipin at mata."

"Uy Josh, baka matunaw na si Tonton sa pagtitig mo sa kanya." si Lalaine na nagpabalik ng aking ulirat.
"Nahuhumaling lang siya sa akin sa akin" si Antonio na medyo natatawa. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang sinisipsip ang softdrinks na may pag iling-iling.
"Ah baka may gusto sa iyo" ang banat ni Lalaine. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ako magkakagusto sa kanya, isang probinsyano"
"Eh ano naman kung probinsyano. At siya na siguro ang nakatadhana sa iyo upang malaman mo na at ilabas ang tunay mong pagkatao"
"Lalaki ako Lalaine!"
"Naks naman kung makasagot ka parang may paninindigan ah. Totoo ba yan?" sagot niya na halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "Alam ko, sinasabi mo lang yan dahil sa pagkutya sa iyo ng mga kaklase natin"

Sobrang nasapul ako sa sinabing niya. Kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya kay Antonio dahil alam na niya na hindi ako ganap na lalaki. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Pwede ring magbago ang pakikutungo niya sa akin tapos sasama siya sa mga kaklase naming lalaki at dadagdag sa mga manunukso sa akin. At ang mas kinakatakot ko pa ay ang posibilidad na makarating ito sa aking mga magulang. Baka itakwil nila ako.

"Oh bakit ganyang ang itsura mo" si Antonio na napansin yata ang reaksyon ko. "Kung anuman yang mga bumabagabag sa iyo, huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa iyo."

Tila lumuwag ang dibdib ko sa mga katagang binitawan niya. Ibig bang sabihin nito ay tanggap niya kung ano ako oh sinabi lang niya ito dahil sa bilin sa kanya ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala ulit.

"Narinig mo ba yun Josh, may tagapagtanggol ka na, hindi ka na ulit pagkakaisahan ng mga kaklase nating lalaki. Tonton, aasahan ko ang mga sinabi mo ha mangako ka" si Lalaine.
"I promise" nakangiting niyang tugon na tinaas pa ang kanyang kamay.

"Ok so tara 15 minutes na lang next subject na natin." si Lalaine sabay tingin sa kanyang relos. "Bilisan na natin ang pagkain"
Nang matapos ay sabay-sabay na kaming lumabas ng canteen at naglakad pabalik sa room.

Itutuloy......

5 comments:

  1. wow! ang galing mo tlaga daredevil! :) sa part n ito masasabing kong nkarelate tlga ako ng bongga! parang ako lng si Josh nung highschool pa ako.. hehe :)) sna ilabas n ung iba pang chapters! keep up the good work! :)

    ReplyDelete
  2. "Kung anuman yang mga bumabagabag sa iyo, huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa iyo."
    eyyyyyyyyyyyyyy kilig to the bones!

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete