(Andrew POV)
"Talaga?" ang agad kong tanong sa kanya.
"Yes. Actually marami nang naikwento ang isa kong friend sayo."
"Ha! Eh sinong friend naman iyon?"
"You dont remember your bestfriend Lui?"
"Si Lui?"
Susundan ko pa sana ng tanong iyon nang biglang dumating ang aming professor.
Pagkatapos ng unang klase ay sabay kaming lumabas ng taong nagpakilalang si Henry.
"Saan ang susunod mong klase?" ang tanong niya sa akin.
"Doon sa taas." ang tugon ko sa kanya. "Pero mamaya pa yun mga 11am." Bigla ko namang naalala ang sinabi niya sa akin kanina. "Teka nga tatanong ko lang ulit kung paano mo ako nakilala?"
"Si Lui. Natatandaan mo ba nung minsang pumunta ka sa Tondo noon, nasa tindahan ka pa nga habang kumakain nang biglang tumabi sayo si Lui, Natatanaw kita mula sa kabilang kanto. Nandoon kami noon nagpapahinga dahil katatapos lang naming magbasketball. Nung umalis ka saka ko siya tinanong tungkol sayo."
Kahit papaano ay naging malinaw sa akin ang lahat. Naalala ko si Lui. Nagpalitan pala kami ng mga numero ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap.
"Kinuha ko na rin pala ang number mo sa kanya. Kung may magtext man sayo na unknown number, ako na iyon."
Nahiwagaan ako sa taong kasama ko ngayon dahil sa ibinibigay niyang atensyon sa akin.
"Siyanga pala Andrew, ilan pala ang mga subjects mo sa araw na ito?"
"Anim lang, graduating na kasi ako next year."
"Really? Nice. Ako kasi mga 2 years pa."
"Ah... ok"
"Tara upo muna tayo para makapag-usap." ang yaya niya sa akin.
Umupo kami sa may batuhan malapit sa isang puno. At doon ay nagsimula na siyang magkwento tungkol sa kanyang sarili. Nalaman kong nakatira pala sila malapit lang doon sa tinitirahan nila Lui, isa sa mga bagong nakatayong bahay nakita ko noon. Mas matanda ako sa kanya ng 1 taon at pareho ang kinukuha naming kurso ngunit magkaklase lang kami sa dalawang subjects.
"Paano kayo nagkakilala ni Lui?" ang sunod kong tanong sa kanya.
"Actually nagkakilala lang kami nung minsang sumali siya ng laro namin ng basketball. Kaunting usap-usap ayun naging magkaibigan na."
"Ah..."
"Ikaw naman ang magkwento..."
"Ano naman ang gusto mong malaman?"
"Marami nang naikwento sakin si Lui tungkol sayo. Magkababata daw kayo at base sa kanyang mga sinabi na mabait ka. At ngayon masasabi kong totoo pala iyon."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba maaga pa para sabihin mo yan, ngayon pa lang kaya tayo nagkakilala."
"Ano ba ang ginagawa mo ngayon? Hindi ba nakikipag-usap ka na sa akin. Kahit pa na kakakilala pa lang natin ay naging maayos na ang pakikitungo mo. Kung hindi ka mabait, hindi mo ako papansinin."
Sa isip-isip ko ay may punto siya.
"Sige na Andrew, magkuwento ka pa tungkol sayo."
"Interesado ka talaga ha?"
"Siyempre naman, di ba friends na tayo?"
"Friends agad!"
Oo naman, ayaw mo ba nun, sa unang pasok mo may bago kang kaibigan."
Sa loob ko ay masaya ako dahil sa bago kong kakilala sa aking pagbabalik. Kahit papaano ay may makakausap na ako habang narito sa campus.
"Alam mo bang nag-aral na ako dito dati. Ngunit nagkaroon ng problema kaya lumipat kami sa probinsya ng aking ina." Sa pagsasabi ko nito ay muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari sa akin noon.
"Ah... So ano ang nagtulak sayo para bumalik ulit dito?"
"Una akong nakapasok dito dahil sa scholarship. At gaya nga ng nasabi ko kanina, dahil sa isang problema ay natanggal ako. At ngayon ay may taong nagpapaaral ulit sa akin. Doon kami nakatira ngayon ni nanay sa kanya." Hanggang doon na lang ang sinabi ko baka malaman pa niya ang tungkol sa ugnayan namin ng taong tinutukoy ko.
"Kung ganoon ay maswerte ka. At least nabigyan ka ulit ng chance na makapag-aral. Ang bait din pala sayo ng taong ito ha dahil pinatira pa kayo sa bahay niya right?"
"Tama ka mabait nga siya sa aking pamilya."
"Thats good. Kaya dapat ipakita mo sa kanya na nagpupursige ka at makatapos. Para naman sulit ang pagpapaaral niya sayo."
"Oo nga, at yan rin ang pangako ko kay nanay."
Inabot ng halos dalawang oras ang aming pag-uusap. Bago kami maghiwalay ay sinabi niyang magpapadala na lang siya ng text sa akin.
"Sasabihin ko rin kay Lui na nagkausap na tayo. Im sure matutuwa yang kababata mo. I hope makapagbonding tayong tatlo next time."
"Sure. Basta available ako. Sige Punta na ako sa next class ko."
"Ok. Kita-kits na lang next time tol."
_____________
"Hows your first day?" ang tanong niya sa akin habang nagmamaneho.
"Ayos lang. Medyo naninibago lang ako dahil mga block sections ang napapasukan ko."
"Talaga."
"Oo. Hindi ko nga naiwasang pagkumparahin yung unang pasok ko noon saka ngayon. Alam mo ba napansin kong mas naging maayos na ngayon ang campus di tulad noon na.... na meron mga taong nagsisiga-sigaan at nambubully."
"Grabe ka talaga Andrew, ako na naman.... Good boy na nga ako di ba hmmmpppp!"
Natawa naman ako nang makita ang reaksyon sa kanyang mukha. Para siyang batang nagtatampo.
"Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang tingin mo sa akin...." ang kanyang pagpapatuloy.
"Oh sorry na...wala naman akong ibig sabihin doon eh." ang nasabi ko na lang sabay patong ng kamay ko sa kanyang balikat. Sa puntong iyon ay napatingin siya sa akin at nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha sabay lingon sa aking kamay.
Ako man ay nagulat sa aking nagawa. Unang pagkakataon ko kasing gawin ulit ang bagay na iyon simula nang magkita kami. Agad kong tinanggal ang kamay kong iyon sa kanyang balikat.
Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay sobra ang kanyang pagkakangiti. Hanggang sa aming pag-uwi ng bahay ay ganoon pa rin ang kanyang itsura.
Nahalata rin iyon ni nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Mukhang maganda ang naging araw mo ngayon Bryan ha..." ang pagpuna ni nanay sa kanya.
"Opo nay...dahil naramdaman ko po ulit ang haplos ng mga kamay ni Andrew. Grabe po para akong nakuryente. Mababaw man pero malaking bagay iyon sa akin. Hinahawakan ko rin naman siya minsan sa kanyang braso pero iba ang naging dating sa akin ng ginawa niya kanina..."
"Talaga. Ayos yan ah..." ang nakangiting pahayag ni nanay."
___________
Habang nakahiga ay nagbabalik-tanaw ako sa mga nangyari sa buong araw na ito pati na rin sa mga nakaraan. Noon ko lang napansin sa aking sarili na napapalapit na pala ako kay Brya, parang nagsisimula nang gumaan ang loob ko sa kanya. Nung una kasi kahit na tinulungan niya si nanay ay medyo mailap pa rin ako sa kanya dahil sa mga nangyari noon.
Habang nag-iisip ay kinuha ko sa aking cabinet ang isang bagay na may mahalagang kaugnayan sa aking buhay pag-ibig... ang kwintas.
Doon ko rin napagtanto kung bakit nasa akin pa rin ito hanggang ngayon sa kabila ng mga masasakit na alaala sa taong nagbigay nito sa akin. Dahil siguro na may nararamdaman pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
Habang nakatitig dito ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Dina na bigyan ko ulit ng pagkakataon si Bryan nang sa gayon ay lubos na akong magiging masaya tulad ng sa kanila ni Elmer. Sa ngayon parang gusto ko na nga gawin iyon pero may pumipigil pa rin sa akin, ang masaktan ulit pati na rin ang mga taong may kaugnayan sa kanila tulad nina Sarah at kanilang anak.
Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone at nang tignan ko ang screen nakita ko ang pangalan ni Lui.
"Hey tol! Whats up?!"
"Ito ayos lang."
"Sorry dude kung ngayon lang ako tumawag ha."
"Ayos lang yun."
"By the way kaya pala ako tumawag dahil makikibalita lang ako. What a coincidence ha na magka schoolmate pala kayo ng katropa kong si Henry."
"Oo nga. Nasabi na rin niya sa akin na magkaibigan daw kayo."
"Ah. Alam mo bang sobrang saya nitong kaibigan ko. Simula nang makita niya tayong nag-usap noon sa tindahan dito, halos araw-araw ka na niyang tinatanong sa akin."
"Talaga... Nakakapagtaka naman siya kung bakit ganoon siya sa akin."
Sa pagkakataong iyon ay natahimik siya saglit.
"Lui... Hello..."
"Yes tol nandito pa ako."
"Bakit natahimik ka yata?"
Ah wala... Mas maganda siguro kung siya na ang magsasabi sayo. Diba twice a week naman kayo magkikita."
"Ok." ang nasabi ko na lang bagamat nag-iisip pa rin ako.
"Sabi pala niya sa akin na pumayag ka daw na magbonding tayong tatlo minsan."
"Ah oo kapag may available akong oras."
"Good. So kailan ka ulit dadalaw dito?"
"Hmmmm.... Titignan ko baka mga next week. Tatawagan ko na lang kayo tol."
"Ok tol. Im sure na matutuwa nito si Henry. Oh siya baka may ginagawa ka pa see you next time."
"Salamat tol goodnight."
Matapos ang aming pag-uusap ay binalik ko na sa cabinet ang kwintas at humiga.
(Bryan POV)
Ang magandang pakiramdam na nararamdaman ko ay biglang naglaho sa aking narinig. Pupuntahan ko sana si Andrew sa kanilang silid nang marinig kong may kausap siya sa kanyang cellphone. Kahit wala akong idea sa sinasabi ng taong kanyang kausap, ay nararamdaman kong may kakaiba.
Lui... Ito ang pangalang nakita ko sa cellphone ni Andrew nang minsang palihim kong kinuha ang kanyang number. Sa mga oras na iyon ay parang kinakabahan akong di ko maintindihan. At ngayon base sa takbo ng kanilang pag-uusap ay may isa pang taong involved. Ngayon pa lang na nagsisimula nang maging malapit ulit si Andrew sa kanya saka naman papasok sa eksena ang mga taong iyon.
Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Ayaw kong mawala na sa akin ulit ang taong mahal ko. Dapat ayusin ko na ang mga bagay-bagay.
Isa na riyan ang tungkol kay Sarah at sa aming anak. Hanggat maaari ay hindi ako nagbabanggit sa kanya tungkol dito dahil alam kong makakaapekto iyon sa kanya. Pero alam ko namang hindi mababago ang katotohanan na may asawa at anak na ako.
Nitong nakaraan lang ay dumalo ako sa birthday ng aking anak lingid sa kaalaman nina Andrew at kanyang ina. Kahit papaano kasi ay hindi ko rin naman matitiis na wala ako sa tabi ng aking anak. Ngunit hindi ibig sabihin nito na mahal ko si Sarah. Kahit pa na kasal kami ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Naroon lang ako para sa bata. Nung mga panahong iyon ay wala pa silang alam sa pagtira nina Andrew sa aking bahay. At inaasahan ko namang malalaman rin nila iyon.
Sa puntong iyon habang naglalakad pabalik sa aking kwarto ay tuliro ang aking isip. Sinisisi ko ang aking sarili sa lahat. Ginawa kong kumplikado ang sitwasyon. Naguguluhan ako. Ayaw kong mawala sa akin si Andrew, pero alam kong hindi niya matatanggap ang aking pagiging ama at asawa ng ibang babae.
Gaya nga ng naisip ko kanina na gagawa ako ng paraan Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. At the same time ay natatakot ako sa magiging resulta, isa na riyan ang mangyari ulit na iwan niya ako.
____________
Isang linggo ang nakalipas, wala naman akong napapansing kakaiba kay Andrew. Magiliw pa rin ang pakikitungo niya sa akin. May mga banat siyang biro sa akin na sa halip ay ikagalit ay kinatutuwa ko pa dahil napapalagay na ang loob niya sa akin.
Sa mga nagdaang araw ay hindi ako nagtanong sa kanya tungkol Sa taong nagngangalang Lui pati na rin sa isa pang pinag-uusapan nila. Hinhintay ko siyang mag-open tungkol sa bagay na iyon.
At dahil sa kanya ako nakapokus maliban sa aking trabaho ay hindi ko na nabigyan pa ng pansin sina Sarah at aking anak. Biglaan akong pinuntahan ni Mama sa aking pinagtatrabahuan.
"Ano na namang kabaliwang ginagawa mo Bryan! Pinatira mo ang Andrew na iyon sa bahay mo. Mas pinili mo pa sila kaysa sa iyong mag-ina. Mahiya ka naman sa pamilya ni Sarah." ang agad na bungad niya sa akin.
Inaasahan ko namang malalaman rin niya iyon.
"Sabi ko naman sayo Ma na mahal ko si Andrew at hindi na iyon magbabago."
"Alam na ito ni Sarah. Anytime ay pupuntahan ka niya."
"At ano naman ang gagawin niya. Ang kausapin ako na hiwalayan siya. Hindi iyan mangyayari. At pwede ba Ma na tigilan mo na ako. May sarili na akong buhay. Hindi na ako nakadepende sa inyo. Ako na ang magdedesisyon sa aking sarili!"
"Talagang nagmana ka nga sa baklita mong ama! Nalason na niya ang iyong isipan. I dont know kung bakit dumadami ang mga tulad niya gayong wala silang kakayahang mag-anak."
Sa puntong iyon ay nag-init na ang ulo ko dahil sa paglapastangan niya sa taong kakampi ko at sumusuporta sa akin. Hindi ko napigilang kalampagin ang mesa.
"Huwag mong idadamay si Papa dito."
"Aba! Wala ka nang respeto! Iyan ba ang tinuro niya sayo. at bakit totoo naman di ba. Kaya ko hiniwalayan ang ama mo dahil sa pagiging bakla niya. Nakakahiya sa ating pamilya."
Hindi na ako nakatiis. "Pwede ba Ma umalis na kayo. Sige na please lang!" ang pagpipigil kong pahayag.
"Sige aalis ako pero hindi pa rin ako titgil. Itatama ko ang lahat. Gagawin ko ang nararapat."
Ang pagbabantang iyon ng Mama ang nagpadagdag pa ng aking problema. Hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam ko na malaki ang magiging epekto nito sa amin ni Andrew. Napatakip na lang ako ng mukha at nagbuntung-hininga sa pagtuliro ng aking isip.
Kahit may problema ako ay hindi ko iyon pinahalata kay Andrew, bagkus ay mas lalo pa akong nagpapasweet sa kanya. At sa nakikita ko ay masaya naman siya.
Hanggang sa isang araw. Habang nasa biyahe ay may pinaalam si Andrew sa akin.
"Baka gabihin ako ng uwi Bryan mamaya. May dadalawin lang akong kaibigan sa dati naming tinarahan.Nagpaalam na rin ako kay nanay."
"Yung Lui ba ang tinutukoy mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Kilala mo siya?"
"Ah hindi... Nabanggit lang siya ni nanay sa akin."
"Ok. Matagal din kaming hindi nagkita kaya magbonding lang kami."
"Sige lang." ang malungkot kong tugon na hindi ko pinahalata. Ayaw kong isipin niya na pinipigilan ko siya sa gusto niyang gawin kaya pumayag ako. Hangad kong maging malaya ang taong mahal ko.
"Kung gusto mo pwede kang sumama."ang sunod niyang sinabi sa akin.
Medyo kinagulat ko naman ang kanyang alok.
"Okay lang ba sa inyo na sumama ako?"
"Sus... oo naman. Nabanggit ko rin kasi kay Henry na may taong tumutulong sa amin ni nanay at gusto kitang ipakilala sa kanila."
Ang pagyaya niyang iyon ay pabor sa akin. Kaya pumayag na rin akong sumama sa kanya, para na rin makita ko ang isa pang taong tinutukoy niya na nagngangalang Henry."
Itutuloy....
naka-access din... excited na ako sa next chap medyo na ka-carried away ako sa story ni bryan at andrew last year ko pa inaabangan eh... keep it up! :)
ReplyDeletego bryan wag mong hayaan na maagawan ka ng iba....
ReplyDeleteHehe.. Selos lng?
ReplyDeleteGanda!! Keep it up author. Level up n ang istorya. Pano kaya ang laban n ito. Hehe.
ReplyDelete-Cry
matagal na ito author. update ka always please
ReplyDeletehala.. to the max ang selos ni Bryan.. kalurks..!!
ReplyDeleteay eksena rin naman tong si Mrs. Sebastian.. another kalurks..!!
sorry ngayon lang po nag-comment.. hehe
God bless.. -- Roan ^^,
UD PO :)
ReplyDeletepa update po :D
ReplyDeletepa update po :D
ReplyDeleteUD PO PLSS.............. :D <3
ReplyDeleteWala pa po bang update.
ReplyDeletehappy new year po... ask ko lang po kung kelan ung nxt update? thank you mr author
ReplyDeletehappy new year dear author, update ka na please....
ReplyDeletesugar214brunei
Kelan na kaya ang susunod na UD ?♥
ReplyDeleteHope maka UD na si author ..
Awwwwwwwww...
Update na please...huhu exciting grabe. Pls pls update na. - @akosiedan of twitter
ReplyDeletewala pa rin po ba ang next chapter?
ReplyDeleteplease po author miss ko na ang pagseselos ni Bryan...
wala pa rin bang update author?
ReplyDeleteplease tapusin naman po ninyo tong kwento kasi nabibitin na kami.
Wala na po bang update? Huhuhu
ReplyDelete