Monday, September 9, 2013

PLEASE READ :D

Malapit ko na pong matapos ang back to back (parts 9 and 10) ng True Love. Pero nagdadalawang isip ako kung ipopost ko ito o babaguhin ko dahil baka ma disappoint ko na naman ang ibang readers gaya ng isang anonymous reader na naka ilang negative comments sa mga finished stories ko dito.  Salamat sa kanyang mga pagpuna sa lahat ng mga mali ko, ang lahat ng kanyang mga binigay ay makakatulong sa akin na pagbutihan ko pa sa susunod ang paggawa ko ng mga story. Ang mali ko kasi sa mga naunang story ay kung ano ang naiisip ko ay sinusulat ko kaagad na hindi man lang nag-iisip muna.

At ngayon narealize ko na bagamat tapos na ang ibang mga story dito sa blog ay puro namang epic fail ang lahat ng mga ito. Dahil nga sa amateur lang ako ay hindi ko nagawang iperfect ang mga ito. Two years akong nawala sa pagsusulat at dahil sa ilang mga pag-uudyok sa akinng ilang mga friends ko sa facebook ay nagpatuloy ako. Pero ngayon hindi ko na alam, naisip ko na tapusin na lang ang True Love at huminto na lang. Isama na rin diyan ang bagal ko sa pag-update gaya ng mga naunang komento ng iba na isa pa sa dahilan. Parang hindi na talaga ako nararapat pa sa ganitong larangan. Kung sa bagay, nagkusa naman akong sumubok magsulat at magpost sa mga blog kaya hindi naman kawalan sa inyo kung hihinto na ako.

I admit, malaki ang naging impact sa akin ng mga comments niya, tama naman kasi ang lahat ng sinabi niya.

Isipin niyo na po ang gusto niyong isipin. Kung nag-iinarte, nagdadrama, overacting ako o humihingi ng awa at simpatya sa iba, nasa sa inyo na yun. Sinasabi ko lang po ang saloobin ko bilang author.

Sa mga readers na napasaya ko, maraming salamat po sa inyo at sa mga hindi naman katulad ni anonymous reader, humihingi po ako ng isang malaking paumanhin.

Gayunpaman, gaya nga ng una kong sinabi, ipopost ko pa rin ang ang susunod na parts ng True love. Open pa din po ako for negative comments.




28 comments:

  1. Sana po ipagpatuloy niyo yung stories niyo. Hindi naman kailangang perfect agad agad, basta nag-iimprove overtime. Nakakapanghinayang kasi, maganda pa naman yung concept. If you want to be as realistic as you can be, there's always Google. Tsaka dahil fictional naman yung stuff, it's not bad to break some rules ;D (wag lang palagi)

    Sa totoo lang po kasi, nabasa ko na lahat ng gawa niyo, at nagustuhan ko po talaga iyon. No exaggerations and shit. If ever na talagang hihinto name kayo, ma-mimiss ko po ang mga works niyo. C:

    ReplyDelete
  2. sana ipagpatuloy nyo... madali lang naman mag comments nang negative sa iba..for me..your desire and effort to share ay mas mahalaga...magandang obra itong true love...I am always looking forward to read your updates...:)

    ReplyDelete
  3. Daredevil,

    Ikaw na ang nagsabi na bagito ka lang sa pagsusulat. Wala naman sigurong tao na nagsimula sa kahit anong bagay at nagawa nya ito perfectly. Lahat may isa o maraming pagkakamali. Pero kung gusto mo talaga ang ginagawa mo eh pagsisikapin mong umunlad sa larangan na pinili mo. Nabasa ko yung mga kwento mo dito, ang masasabi ko lang ay may talento ka talaga sa pagsusulat. Maaaring may mga pagkakamali ka minsan... -M

    ReplyDelete
  4. ...pero di ka pa naman propesyunal di ba? Kaya matuto ka sa mga mali mo before at pagbutihin ang mga susunod. Tanggapin mo lang lahat ng komento (masama man o mabuti) at iaaalang-alang sa mga susunod ma storya mo. Pero di ibig sabihin nito ay di mo na gagawin ang sarili mong style at susundin na lang lahat ng gusto mg iba. Marunong ka rin dapat na magsala ng komento at iayon ito sa way ng pagsulat mo. Magaling ka kaya ipagpatuloy mo ang pagsulat. At sana lumabas na yung susunod na update ng True Love. Hehe. -M

    ReplyDelete
  5. wala nmn masama kung makabasa k ng negative comments. lahat nman ng mga bumabasa may puna at paghanga. hindi mo nmn kailangang magmadali para magpost agad ng kasunod n kabanata. kahit abutin p ito ng buwan, ang mahalaga nagawa mong pasayahin ang mga readers. nasa s inyo nmn yun kung gusto nyo tumigil s pagsusulat. pero marami k ng tagasubaybay diba? Gud luck.

    rhon

    ReplyDelete
  6. WAG MO PO SILANG PANSININ BOSS... ANDITO KAMI SUMUSUPORTA SAYO... MAGALING KA MAG SULAT PARA SA AMIN... KC KMI DI KAMI MARUNONG MG SULAT NA KAHIT SHORT STORY LANG KAYA SALUDO KMI SAYO ... UNG NEGATIVE COMMENT NG IBA,, TAKE AS CHALLENGE PO PARA SAYO.. WAG KA PONG MAWALAN NG SA PAG SUSULAT.... KC ANDITO PA PO AKONG DI MAG SASAWANG MG BASA NG MGA STORY MO... ^.^

    ReplyDelete
  7. This my first time na magcomment pero lahat ng story na nagawa mo ay nabasa ko lahat at ang masasabi ko ay lahat sila maganda. Kung mabagal nman yung update mo ay problema na nmin hintayin ang next episode kasi hindi madaling gumawa ng story at kung hindi magandang comment na ayaan mo sila inggit lang yun kasi di nila magawa ang kaya mo. Marami salamat kasi libre ang pagbabasa ng mga story na ginagawa mo. Ituloy mo lang pagsusulat mo. God Bless and More power

    ReplyDelete
  8. As a new writer ok nman mga gawa mo. May puso at nkakarelate kaming mga readers nevermind those critics. Thanks sa ambag mong talento.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  9. Hi Author!

    okay naman yung flow ng story eh, lalo na yung book 1(campus trio) medyo lumaylay at bumagal lang yung story dito sa book 2. bukod sa bagal ng update bagal din ng takbo.

    kung medyo short ka na ng Idea or insperation concentrate ka ng lang sa POV ng main character. or maybe gawin mong parang story telling anf format na wala ng POV para mas mabilis takbo ng story at matapos na sha agad.

    yun lang

    ReplyDelete
  10. As a new writer you are very good. Take those negative comment as a challege to improve your talent. Don't be dissapointed with few negative comment.there is some who believe in your work. You have a lot of potential to be a good writer, continue your writing until you succeed.

    ReplyDelete
  11. wala akong nkikitang mali sa style at nagugustuhan ko tlaga sng kwento mo.
    ipagpatuloy mo lng ang pagsusulat kahit mabagal ang update worth it nman ang paghhihintay

    ReplyDelete
  12. ur a good writer daredevil ituloy mo lng ang pagsusulat at nkakainspire mga kwento mo

    ReplyDelete
  13. malapit na matapos ang september, wala pa ring update. ano ba to?

    ReplyDelete
  14. wag ka namang ganyan daredevil -_-

    matagala na kitang hinintay na bumalik sa pagsusulat... sana ipagpatuloy mo pa rin ang paggawa ng stories... from a writer's point of view, yes you may have flaws... several pit holes sa mga stories mo, however these are only minor in nature and in time and with experience you can eventually master your craft. Every artist starts as a novice, i myself who have been writing ever since still have many things to learn pero as time passes one can be better. As i can see in your works these are not works of a mere beginner but a work of an artist who have cultivated his craft for so long that it's only now that you have shown in to the world. And indeed I, as one of your readers have seen so much potential in you :]

    As a reader, who have been reading literary pieces ever since, I commend on how you write. there are only few writers who can bring out such emotion from his characters and play with words to highlight every scenario when deemed needed as well as you let words carry readers in a world where the characters of the story lives- and you are one of those.

    Many artist from from history haven't always earn praises for every art they create since some people cannot see possibilities on everything but did that stopped them from creating master pieces? -no.

    I hope you still continue to write and create stories.

    ReplyDelete
  15. maganda para sakin ang mga story mo, its just that ang problema ko lang author ay kung kelan mo ipopost ung update. ANONG PETSA NA! Joke lng author di kita minamadali pero please ilabas mo na tuliro na utak ko kahihintay eh. LOVE YOU AUTHOR!

    ReplyDelete
  16. You are a good writer.take those negative comment as a chalenge to improve your work. You have all the potential. Please continue working and more power.

    ReplyDelete
  17. you are a good writer, been reading your stories matagal na. at magaling ka. sana gamitin mo yung negative comments to enhance your skills, gamitin mo sya para patunayan na may ibubuga ka, hindi lagi na makakatanggap ka ng magagandang salita.

    ganyan ka ba sa totoong buhay? dapat baguhin mo, dapat matuto ka na tumanggap ng mga negatibong puna sayo. fight lng ng fight kasi wala ka mararating kung ikaw mismo ang nauuna na mgdown sa sarili mo.

    wag ka paapekto dun sa comment na yun, sino ba sya sa inaakala nya hindi ba? nakikibasa lang sya. kaya ba nyang makasulat ng isang kwento tulad mo or hanggang kwentong barbero lang sya.

    kung titigil ka at mgpapatalo sa comment ng tao na yun, then pinalaki mo lang ulo nya, ang mas dapat na ginawa mo ay pinatunayan mo na kaya mo at supalpalan mo sya. cheer up na.

    ReplyDelete
  18. hi dude,

    any update for true love, i've been waiting for that, thx

    jeddah ksa

    ReplyDelete
  19. Bakit ang tagal po ng update?

    ReplyDelete
  20. Bakit Wala paring update??? Hehe pacensya na ha..excited lang

    ReplyDelete
  21. Loser ka pagganun..... paano mi maiimprove ang sarili mo kung padadala k dun kung sino mang poncio pilatong yun..... di nga rin marunong magsulat yun eh. at duwag yon kasi kahit pangalan ay ayaw ilagay. ngayon, sa sinabi mong bahala na kaming isipin na nagiinarte ka lang, binibigyan mo lang siya ng butas para isipin ang ganun... opo, siya ang magiisip ng ganun. at kaya ka niya binabatikos ng ganun kasi inggit yon sa yo.... at nagdidiwang yon kasi napatigil ka niya sa pagsusulat. eh ang ganda pa naman ng story mo. kaya ka nga nagbablog para maexpress mo ang sarili mo at madevelop mo ang talent mo sa pagsusulat. ngayon kung titigil dahil lang sa walang kwentang critic mo na yun, eh wala na. in the first place, libre po ang pagbasa ng mga gawa mo kaya wala kang dapat katakutan. wag mong pakinggan ang sira ulong anonymous na yun. negative ang utak noon. kaya makitid. nagmamarunong lang kasi nga di marunong.

    ReplyDelete
  22. Madami na akong nabasang mga akda, ang ilan sa mga ito may mga typo maling grammar at spelling pero wala akong paki as long as maganda yung story at naeentertain ako. Nais ko po sabihin sa inyo kuya author na isa po yung mga stories niyo like true love at campus trio na sinusubaybayan ko. Most likely kasi pag di ako nagandahan sa simula di ko talaga pinagpapatuloy... Pero sa true love hangang ngayon naghihintay ako ng update. Tama ka na kailangan din minsan ng constructive critism para maimprove ang ating sarili, but please don't let it consume you, rather make the most out of it! Kaya mo yan! At one thing ang pinakamahalaga sa isang manunulat ay mailahad niya ang damdamin at kaluluwa niya sa kaniyang akda kaya keep up the good work! :) smile ka na :)

    -cj

    ReplyDelete
  23. PA POST NA PO... ANG GANDA NA KC

    ReplyDelete
  24. sana ituloy niyo po ang true love.. wag pong maging down sa negative comments ng iba
    dba nga po sbi na dapat ang mga negative comments ay maging inspiration para itama ang gawa at ipagpatuloy ito hindi para itigil ito..
    sana po isulat niyo po ang kasunod ng true love :) salamat po!

    ReplyDelete
  25. Hello! Magaganda mga gawa mo kaya, your one of my favorite author! Kudos!!!

    ReplyDelete
  26. Thank you, Lord! Author salamat at bumalik ka na!! Huehue. Alam mo po bang ikaw po ang isa sa mga tpaborito kong author. I'm a writer too though mostly technical writings but like people say there's always room for improvement at kung wala na edi talo ka. Sa mundo ngayon kailangan laging nag iimprove kapag tumigil ka na kaunting sandali ay nako mahuhuli ka. Kaya author, lahat typ kailangan mag improve. Hindi tyong perkpektong tao even Paulo Coelho has his share too you know. Wag ng ma down, maganda ang mga sulat mo.

    Kung sabi nila ay di ito good enough then prove them wrong. ;)


    UNDERESTIMATION = MOTIVATION

    - Cry

    ReplyDelete
  27. Daredevil, please huwag kang hihinto sa pagsusulat. Dito nakasalalay ang desisyon ko sa lovelife ko.

    ReplyDelete