Wednesday, August 21, 2013

TRUE LOVE 7

(Bryan POV)

"Hello Bryan, sasabihin ko na sayo kung nasaan si Andrew."

Ito ang bungad na tawag sa akin ni Dante, kaibigan ng isang taong matagal ko nang hinahanap. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, sa kabila ng lahat ng magandang pagbabago sa aking buhay ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Ako si Bryan Luis Sebastian, isang engineer, nagtatrabaho ngayon sa isang telecommunications company. Hindi naman sa nagyayabang ako pero, masasabi ko sa aking sarili na nasa akin na ang lahat gaya ng good looks at sex-appeal. Certified independent na rin ako mula sa aking pamilya dahil sa aking trabaho. Mayroon akong sariling bahay at sasakyan na patuloy ko pa ring hinuhulugan hanggang ngayon mula sa aking sweldo. 

Ang lahat ng ito ay pinagsikapan ko dahil sa isang pangako sa taong hanggang ngayon ay special pa rin sa aking puso, si Andrew. Sinabi ko sa kanya noon na kapag nakatapos na ako at nagkaroon ng magandang trabaho, ay ako na ang tutulong at susuporta sa kanila ng kanyang ina.

Biglaan man ang tawag na iyon sa akin ni Dante pero lubos kong ikinatuwa iyon dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Andrew. Matagal na akong nangungulit sa kanya na sabihin ang kanyang kinaroroonan.

"Talaga, dali sabihin mo na!" ang excited kong naibulalas sa kanya.
"Sa totoo lang napilitan lang talaga ako pero wala na akong maisip pang tao na hihingian ng tulong." ang kanyang sagot na ipinagtaka ko.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" napatayo ako sa aking kinauupuan sa aking narinig.
"Hindi siya yung nanay niya. Nasa ospital siya ngayon dahil inatake sa puso."
"Ha! Teka, kamusta na ang lagay niya." ang kaba kong nararamdaman ay napalitan na ng pag-aalala sa kanyang ina kahit na alam ko na may sama ng loob sa akin sa nangyari kay Andrew noon.
"Iyon na nga. Kaya nga kita tinawagan para matulungan mo sila. Kailangan nang maoperahan ng nanay niya sa lalong madaling panahon.
"Oh sige ganito, punta ka dito ngayon at pag-usapan natin ito."

Sa puntong ito ay hindi na ako nagdalawang-isip pa, gaya ng pinangako ko sa kanya noon na tutulong ako sa kanila sa abot ng aking makakaya.

At sa pagdating ni Dante ay pinag-usapan namin ang lahat ng gagawin. Napagdesisyunan ko na siya na lang ang papuntahin ko ng kanilang probinsya imbes na ako para sunduin sila papunta dito sa Maynila kung saan gaganapin ang operasyon. Naisip ko kasi ang magiging reaksyon niya kung malalaman niya agad na ako ang magbibigay ng tulong sa kanya.

Mula sa aking sariling pera ay pinabayaran ko sa kanya ang lahat ng naging gastusin nila sa ospital doon. Siyempre hindi ko naman kakayanin ang magiging operasyon ng kanyang ina dito sa Maynila kaya agad kong kinausap si Dad na isa ring specialista sa puso.

Matagal nang hiwalay ang aking mga magulang, dahil sa isang seryosong issue. Kaya doon kami nanatili ng aking kapatid na si Billy sa side ng aming ina. Kung paghahambingin ang relasyon sa pagitan namin, mas close ako kay Dad. Magkasundo kami sa lahat ng bagay, mabait, maunawain at higit sa lahat, tanggap niya ang aking nararamdaman para kay Andrew.

Hindi naman ako nabigo sa paghingi ng tulong sa kanya na operahan ng libre ang ina ni Andrew. Masaya pa nga siya para sa akin dahil sa pamamagitan daw nito para sa kanya, ay magkakalapit ulit kaming dalawa gaya ng matagal ko nang inaasam na mangyari.

Nang makarating na silang mag-ina dito sa Maynila ay panay ang pagpunta ko ng ospital para kamustahin ang kalagayan ng kanyang ina. At laking tuwa ko nang malaman kong succesful ang naging operasyon sa kanya.

Akala ko nung unang makausap ni Andrew ang doktor ay agad niyang malalaman na ako ang tumulong sa kanya sa pangalan ni Dad na kaparehas ko. Pero naisip ko na tama sigurong gawing surprise na lang ito sa kanya.

At sa pagdating ng araw na aking pinakahihintay, ay magkakaharap na ulit kami ng taong matagal ko nang na miss.

May kaunting pinag-usapan kami ni Dad ng maputol iyon sa isang katok sa pinto. At sa pagbukas nito ay bumungad sa aking harapan ang espsyal na taong matagal ko nang gustong makita.

Doon ko nga napansin ang ilang pagbabago sa kanyang pisikal na itsura. Tama ang ginawang paglalarawan sa kanya ni Dante. Medyo umitim ang kanyang balat marahil sa naging trabaho nila sa probinsta. Tumangkad at nagkaroon na ng korte ang kanyang katawan at braso. Bagamat nagmature ng kaunti ang kanyang mukha ay naroon pa rin ang kanyang cute na mukha, ang mata, dimples at mapulang labi.

Batid ko rin sa kanya na kinikilatis din niya ako ngayon base sa kanyang mga tingin sa akin. Alam kong nabibighani pa rin siya sa aking kakisigan, dagdagan pa ng pagbabago sa aking itsura at buhay.

Sa puntong iyon ay napatunayan at naipakita ko sa kanya na nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Bryan na kilala niya bilang siga sa campus at mayabang sa ibang mga estudyante. Laking pasalamat ko talaga na nakilala ko siya dahil sa kanya ko natuto na magseryoso sa buhay.

Pero sa kabila ng kanyang tingin sa akin at pinapakitang ngiti dala ng kasiyahan sa paggaling ng kanyang ina ay may nakikita ko pa rin akong lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko na may dinaramdam siyang pagkainggit sa akin. Noon pa man kasi ay pangarap na rin talaga niyang makatapos ng pag-aaral at maging isang engineer ding tulad ko. Kaya nang sabihin sa akin ni Dad na maaaring mahinto na naman sa pag-aaral si Andrew ay agad akong gumawa ng paraan para hindi iyon mangyari. Personal akong tumungo sa kanilang probinsya sa tulong ni Dante para lakarin ang kanyang mga dokumento sa pagtransfer.

Sa aking pananatili doon ay nakilala ko ang ilang mga naging kaibigan ni Andrew na sa tingin ko ay mababait at mabuting impluwensya naman sila sa kanya.  Nung huling araw nga ng pagpunta ko roon ay kinausap nila ako. Habang naglalakad papunta sa registrar ay tinawag ako ng isang babae na Bea ang pangalan.

"Hello handsome." ang kanyang pambungad na pagbati sa akin habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. "Sabi sa office na ikaw yung naglalakad ng papers ng aming kaibigan. Hindi man lang siya nagkwento sa amin tungkol sayo."

Nginitian ko sila. "Ah yes, doon na kasi siya mag-aaral sa Manila. By the way Im Bryan." ang pagpapakilala ko sabay abot ng pakikipagkamay kosa kanila. Sinabi naman nila ang kanilang pangalan.
"Magkwento ka naman tol kung ano na ang nangyari sa kaibigan namin. Masyado kasi kaming nag-alala sa kanya mula nang maospital ang nanay niya." ang pahayag naman ng nagngangalang Arthur.
"Her mother is ok now. Maybe pwede na siyang idischarge in the next few days. About your friend, masaya na siya ngayon."
"Mabuti naman kung ganoon. Laking pasasalamat talaga namin sa taong tumulong sa kanya."
"Wait, tell us naman kung paano kayo nagkakilala ng friend namin." ang tila kinilig pa rin na si Bea. 

Napangiti ulit ako sa kanyang sinabi sa akin. Hindi pa man ako nagsasalita ay inaalala ko na ang memorable moments naming dalawa ni Andrew.
"Actually hindi naging maganda ang first encounter namin. May pagkamasungit kasi si Andrew ng mga panahong iyon."
"Talaga? Nung unang nagkakilala kami ay hindi naman siya masungit sa amin tol. Mabait naman siya at masayahin. I guess, may something sayo na hindi niya nagustuhan." ang deretsong sabi nung Andy.
"Hmmm... Yes. Hindi kasi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya noon, I admit na siga ako noon ay mayabang sa aming university. Pero dahil sa kanya ay nagbago na ako."

Nagkatinginan lang silang lahat sa aking sinabi na tila may ibang iniisip.

Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap ay marami pa akong nalaman sa kanila. Noon pa man bago niya naging kaibigan ang mga ito ay pinagtapat na niya ang kanyang sexuality sa kanila at buong puso nila siyang tinanggap. Doon sumagi sa aking isip na itanong ang tungkol sa kanyang lovelife.

"Sa totoo lang tol, nalulungkot kami para kay Andrew, dahil sa aming lahat, siya na lang ang wala pang naging karelasyon, kapag tinatanong namin siya, sinasabi niyang wala sa isip niya ang ganoong bagay, dahil imposible naman ang seryosong relasyon sa mga gaya niya. Sa huli ay siya pa rin daw ang tao dahil babae pa rin ang hahanapin ng magiging partner niya." si Arthur.

Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabing niyang iyon. Doon ko narealize na malaki pala ang naging epekto kay Andrew ng aking mga nagawa sa kanya noon. Masyado siyang nadala at natakot na masaktan ulit kaya umiiwas na siyang magmahal ulit. Marahil ay naging bato na ang kanyang puso.

Sa puntong iyon ay sinabi ko sa kanila ang lahat para na rin makahingi ng kaunting advice sa kanila.
"Im the reason kung bakit nagkaganoon siya." ang deretsahan kong pag-amin. "Nagkaroon kami ng relasyon noon at dahil sa nagawa ko sa kanya nagbago siya."

Pagkagulat ang nakita kong naging reaksyon nila.
"What, you mean ikaw ang unang boyfriend niya? Wow, he's lucky to have a hot boyfriend like you."
ang naibulalas naman ng isa pang babaeng nagngangalang Rica.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Hindi ko sinasadya na masaktan ang damdamin niya. Nadagdagan pa ng pagtutol ng Mom ko sa aming relasyon."





Natahimik silang lahat, marahil ay hindi makapaniwala sa kanilang nalaman sa akin.
"Kaya siya nagdesisyon na manirahan sa probinsya para mag move-on."

"Hula ko, maliban sa iyong Mom, babae ang naging away niyong dalawa." si Bea.
"Yes. Yung childhood friend ko special din sa akin. Na misinterpret ni Andrew yung nakita niyang reaksyon ko nang magkita kaming dalawa. Napakasaya ko kasi na makita ulit ang babaeng iyon."

"So you mean na may feelings ka talaga sa sinasabi mong girl, kasi sabi mo masaya ka at special siya sayo."
"I love her as a friend. Hindi na mawawala iyon dahil bata pa lang ay magkasama na kami."
"How about kay Andrew?"
"Noon pa man ay mahal ko na siya. Pero nung time na dumating yung girl ay medyo naconfuse ako to the point na hindi ko na siya inalala pa."

"Kaya pala nakapag-isip ng ganoon si Andrew at sinasabing hindi na siya mamamahal ulit. Para sa kanya, wala na talaga siyang laban kapag babae na ang karibal sa isang relasyon." si Arthur.

"But guys, now I realized kung ano talaga siya sa akin. Ito, tignan niyo." ang aking sabi sabay labas ng isang bagay na suot ko sa aking leeg. "Binigyan ko siya ng kwintas na gaya nito, na may pendant na initials ng aming pangalan at nangako kami sa isat-isa na susuotin namin iyon."

Ang tinutukoy kong kwintas ay suot ko pa rin hanggang sa araw ng aming muling pagkikita. Sa mismong araw ring iyon ay pinuntahan ko na rin ang ina ni Andrew para kamustahin. At base sa kanyang pakikipag-usap sa akin ay makikita ang kanyang kasiyahan. Alam kong hindi na siya galit sa akin. Masaya ako dahil nabawasan na rin ang aking problema at sana ay makatulong din siya sa akin para mapalapit ulit sa kanyang anak. 

Matapos ang naging pag-uusap namin ay ipinaalam ko sa kanya si Andrew na ilabas para kumain. Pagkakataon ko na rin iyon para makamusta pa siya ng mabuti at makausap. Agad naman itong pumayag, pero si Andrew ay parang nag-aalangan pa. Ngunit sa pangangantsaw ni Dante ay pumayag na rin ito.

Dinala ko siya sa aking paboritong restaurant na madalas kong pinupuntahan na malapit lang sa aking pinapasukan. Tulad ko ay nagustuhan rin niya ang ambiance ng lugar. Habang naghihintay ang aming mga order ay tinanong ko siya sa nagung buhay nila sa probinsya. Ganoon rin siya sa akin pero nang tanungin niya ako tungkol sa pinag-usapan namin ng kanyang mga kaibigan ay naisip kong hindi na sabihin pa.

At sa aming pag-uusap hanggang sa kami ay kumakain ay nappapangiti ako. Pakiramdam ko na nagbalik na ang dating Andrew, na masayang kausap, malayo sa pinakita nito sa akin nung huling pag-uusap namin dalawang taon ang nakalipas.

Abala pa rin kami sa pagkain at pag-uusap nang mapatayo sa malamig na tubig na bumuhos sa aking damit. Bagamat nagulat at pinagtinginan ng ibang mga taong kumakain din doon ay hindi ko magawang magalit lalo nang makita ko ang reaksyon ng waiter na humihingi ng tawad sa akin.

Dumating din ang kanyang manager. At sa tingin ko ay pagagalitan niya ito. Doon ko nalaman na trainee pa lang siya kaya naintindihan ko naman agad ang kanyang kalagayan. Kaya ako na ang nakiusap sa waiter na wag na itong pagalitan o tanggalin dahil lang sa simpleng pagkakamali na hindi ko naman ikinapahamak.

Hindi ko akalain na sa simpleng bagay na ginawa ko ay ikinatuwa ni Andrew. Marahil ay bago sa kanyang paningin ang aking ginawa, hindi makapaniwala na gagawin ko ang ganoong bagay gaya ng pagkakilala niya sa akin noon na kapag may ginawa sa aking mali ay pinagtitiripaan o sinusungitan ko. Nagkunwari lang akong hindi alam kaya tinanong ko siya.

At dahil hindi ako komportable sa damit kong nabasa ay hinubad ko ito. At nakita kong nagulat siya. Alam ko, nakita at natatandaan pa rin niya ang suot kong kwintas.

Itutuloy...








13 comments:

  1. Wow! luckily I checked your blog for the update...and here it goes haha...basa mode muna! thanks Daredevil ahaha

    Edwin Paloma

    ReplyDelete
  2. Welcome back!!! Next please!!!!

    ReplyDelete
  3. ayos naman daredevil ang pagkalahad ng pov ni bryan. at least nabigyan ng justice sa side ng mga friends ni andrew kung bakit ayaw na nya magkarelasyon. kilig much nga haha.

    go bryan! start courting now or else maunahan ka ni lui...joke!

    thanks for the update.

    ReplyDelete
  4. I hate you, Bryan. You did not tell them that you were engaged to Sarah and became your wife. Papogi points ka lang.

    Mr. DJ

    ReplyDelete
  5. anong nangyari kay Sarah at sa anak nito?
    Next na daredevil. ^^

    ReplyDelete
  6. Same question din from previous readers who have posted their comments... sooo paano ung wife nia at ung anak nia -according kay troy... pero meron nga ba?

    hahaha. thanks sa update daredevil! :]

    ReplyDelete
  7. Nice chapter. But I guess the delima of Andtew will start again dahil mahuhuli sila ni Sarah na nagdate at kasama pa ang anak. Oh my G! walkout na naman si Andtew with teary eyes. Sana palaban na ngayon si Andrew...Ehek!

    ReplyDelete
  8. By the way, dito na ako magbabasa at magkokoment Kuya Daredevil. Ayoko nalang doon sa MSOB to avoid redundancy. Ayaw kasi ni mommy Silvs mapagod ako..Ehek! When kaya ang bubblegum session nina Andrew at Brayan tsalap, tsalap!

    ReplyDelete
  9. Kuya nahihirapan po ako sa kaptsa. Try and try ako kakapagod! Alam mo na baby pa ako...Ehek!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I mean CAPTCHA (Completely Automated Public Turing test to tell Computers and Humans Apart).

      This is required upon publishing our comment. Nahihirapan ako kasi hehe pero ok lang it's challenging naman...Ehek!

      Delete
  10. ito na talaga ang simula ng second love affair ng aking katukayo. as the maxim goes, love is sweeter the second time around. looking forward for cheesy moments lol

    Andrew

    ReplyDelete
  11. actually naisahan tayo ng author.wala kasing movement ang story kasi ito rin yong ending ng chapter 6. sana may usad naman sana. demanding ang peg hahs

    ReplyDelete