(Andrew POV)
Bigla naman akong natauhan sa aking nagawa sa kanya kaya agad akong kumalas.
"Pasensya na Bryan, nadala lang ako." ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Naisip ko kasi na hindi tama ang ginawa ko sa kanya lalot na at kasama rin namin ang kanyang ama.
Sa sinabi kong iyon ay napansin ko na parang nag-iba ang kanyang reaksyon ngunit hindi ko na lang binigyan pa ng kahulugan iyon.
"By the way Andrew, kanina lang bago ka dumating ay napag-usapan ka namin. Were just wondering kung bakit hindi ka pa nagkaroon ng hint sa taong tumulong talaga sa inyo." ang pagsingit naman ng kanyang ama.
"Actually Doc, naisip ko na pamilyar po ang mukha niyo sa akin nung una ko pa lang kayo nakita. Pero hindi ko po talaga natandaan. Siguro dahil nakapokus lang ang isip ko kay nanay."
"Pero nung malaman mo ang buo kong pangalan wala ka bang naisip man lang?" ang pagtatanong ulit ng doktor.
"Ewan ko po ba." ang natatawa kong sagot. Naiisip ko kasi ang aking katangahan. "Marami naman taong parehas ang pangalan at apleyido di po ba?" ang dagdag kong biro.
"You have a point there." ang nangiti rin niyang pahayag. "So maiwan ko muna kayo diyan at may appointment akong pupuntahan. Ikaw na ang bahala sa kanya son."
"Sure Dad. I will take care of him." ang naging sagot nito.
Simula nang umalis si Dr. Luis ay wala kaming naging imikan ni Bryan. Wala akong masabi dahil sa hindi naman siya nagtatanong. Tumagal iyon ng halos tatlong munuto hanggang sa tignan ko siya ulit.
Doon ko napansin na nakatingin lang pala siya sa akin habang nakangiti.
"Bakit ka nakangiti diyan?" ang tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Nakaramdam ako bigla ng pagkailang sa mga oras na iyon.
"Nakakatuwa ka kasing pagmasdan....Hanggang ngayon kasi Andrew ang cute mo pa rin" ang tuwiran niyang isinagot ka ikinabigla ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" ang naitanong ko sa kanya. Mas lalo na akong nailang sa kanya.
Bigla naman niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Youre blushing!" ang naisambit niya.
Sa pagkakataong iyon ay nablangko ang aking utak at walang nasabi.
Bumalik na siya sa kanyang kinauupuan.
"Nakakapanibago ka ha. Ngayon ka pa nahihiya sa akin. Matagal naman na tayo magkakilala."
Sa isip-isip ko, na nahiya talaga ako sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na siya pa talaga ang makakagawa ng ganoon kalaking tulong sa amin.
"Pasensya na Bryan. Hindi na kasi ako sanay, na tinitignan ng ganyan ng ibang tao. "
"Ganoon ba pero hindi ko lang kasi maiwasan Andrew. Marami na kasing nagbago sayo. Look halos maaabutan mo na ako sa tangkad tapos lumaki na rin ng kaunti ang muscle mo. Pero ang dahilan talaga ng pagngiti ko ay ang iyong mukha na hanggang ngayon ay cute pa rin para sa akin tulad nang nasabi ko kanina."
"Tama na nga yang pambobola mo." ang nasabi ko na lang. "Ang mabuti pa ay balikan ko na si nanay. Pwede ka nang sumama para makausap ka rin niya.
_______________
Kasama ko si Bryan sa aking pagbalik sa kwarto ni nanay.
"Good Afternoon po, Kamusta na po kayo Tita?." ang magalang na pagbati ni Bryan na sinabayan ng pagmano.
"Mabuti na ako iho. Sabi ni Dante na ikaw ang tumulong sa amin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo, sa inyo ng iyong ama."
"Wala pong anuman iyon Tita. Masaya po ako at magaling na kayo. Sabi pala ni Dad na pwede na kayong ilabas sa susunod na linggo."
"Oo nga iho."
"Ah Andrew, ano naman ang magiging plano mo kapag lumabas na si Tita?" ang baling niya sa akin.
Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga alam ang aking gagawin sa pagsapit ng araw na iyon. Biglaan kasi ang pagluwas namin dito dahil sa naging karamdaman ni nanay kaya hindi kami naging handa.
"Anak nasabi pala sa akin nitong si Dante kanina na may tinutuluyan ka ngayon."
"Opo nay pero pansamantala lang iyon hanggat narito pa kayo sa ospital. At ngayong malapit na kayo ma discharge ay magsisimula na akong maghanap ng matitirahan natin."
"Ganoon ba anak. Pero, paano naman ang pag-aaral mo, isang linggo na lang at magpapasukan na."
"Dont worry about that Tita. Inayos ko na ang lahat tungkol diyan. Matutuloy pa rin si Andrew sa pasukan at doon ulit siya mag-aaral sa unibersidad na pinasukan namin noon. Tungkol naman sa mga bayarin, ako na ang bahala." ang pagsingit naman ni Bryan.
"Narinig mo yun anak, makakapag-aral ka pa ulit." ang masayang sambit ni nanay.
"Hay... friend. Ang bait pa rin sayo ni Papa Bryan... Youre very lucky na may prince charming ka na katulad niya," ang kinikilig na bulalas naman ni Dina.
Tinignan ko si Bryan at nakita ko na nakangiti siya sa akin at sinabayan muli ng pagkindat. Parang lumaki yata ang ulo niya sa sinabi ni Dina.
"Magtigil ka nga diyan Dina." ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Totoo naman friend. Nariyan siya to the rescue kapag kailangan mo. Tulad na lang sa nangyari kay Tita. Tapos handa pa siyang sumuporta sa iyo gaya na lang sa pag-aaral mo."
"Tama! Ang galing mo talaga Dina." ang masaya sambit ni Bryan.
"Tsk...Talagang magkasundo na kayo ngayon ha. Unbelievable." ang sabi kong may pagtataka. Naalala ko kasi yung mga panahon na magkaklase kami ni Dina.
"Siyempre naman. Dahil sa kanya ay nagkita na tayo ulit. Malaki ang utang na loob ko sa kaibigan mong ito." ang sagot ni Bryan.
"Alam mo ba friend, matagal na niya akong kinukulit tungkol sayo. Hindi ko naman talaga sinasabi.. Pero nung tumawag ka at humingi ng tulong ay doon ko na naisip na sabihin sa kanya ang lahat. Gaya nga ng sabi ko kanina, siya lang ang taong may kakahayan na tumulong sa inyo."
"Tama ka na naman diyan!" ang pagsingit ulit ni Bryan. "In face naging maganda naman ang resulta ng aming ginawa. Parehas kaming nakinabang. Sa panig ni Andrew, napagaling ni Dad si Tita. At sa panig ko naman ay masaya ako dahil nakita ko na siya ulit.
"Napakabait mo talaga sa aking anak Bryan." ang sabi ni nanay sa kanya.
"Andrew anak, tama si Dante. Mapalad ka na magkaroon ng isang mabuting kaibigan tulad ni Bryan."
"Tama po kayo nay." ang aking tugon.
"Bryan, nagpapasalamat ulit ako sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit magkasama pa rin kami ng aking
anak hanggang ngayon. Tatanawin naming isang malaking utang na loob ito sa inyo ng iyong ama."
Hinawakan ni Bryan ang mga kamay ni nanay.
"Mahalaga po sa akin ang inyong anak Tita kaya ko po ginawa ang lahat ng ito nang walang pagdadalawang-isip. Basta po para sa kanya ay gagawin ko ang lahat."
Sa aking narinig ay naisip ko na hindi na lang bigyan pa ng kahulugan ang kanyang sinabi. Ayaw kong masira ang aking mood sa mga oras na iyon.
"Hayaan mo Bryan, paglabas ko dito ay babawi kami sayo ng aking anak di ba Andrew."
"Ah... opo nay." ang aking tugon.
"Sige po Tita." ang nakangiting sagot naman ni Bryan.
Matapos niyang sabihin iyon ay nagkatinginan kami. Ayaw ko namang mag-assume sana pero parang napansin kong may iniisip siyang iba. Kung anuman iyon ay wala na akong pakialam.
"Siyanga po pala Tita, hihingi po sana ako ng permiso sa inyo na isama si Andrew saglit na lumabas." ang kanyang pagpaalam na nagpagulat sa akin.
"Sige lang. Para makapag-usap pa kayo at magkamustahan. Matagal din kayong hindi nagkita. ang agarang pagpayag ni nanay."
"Ayieeeee.... Nagyaya na si Papa Bryan ng date sayo. Ako na muna ang bahala dito kay Tita. Kaya go ka na friend."
"Kaw talaga Dina." ang nasabi ko na lang na napapailing.
Pumayag na rin ako sa gustong mangyari nitong si Bryan tutal ay wala namang magbabago. Pakunswelo ko na lang ito sa ginawa niya sa amin.
_____________
"Ano ba ang binabalak mo ngayon Bryan at sinama mo pa ako?" ang tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.
"Gusto ko lang kumain kasama ka... at para narin makapag-usap pa tayo."
Hindi na muna ako kumibo, hinayaan na lang sya kung saan niya ako dadalhin.
At makalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa gusto niyang puntahan. Narito kami ngayon sa isang first class at mamahaling restaurant .
Pagkaupo namin ay nilapitan kami ng isang waiter at inabot ang listahan ng kanilang mga pagkain.
"Just choose what you want, Ako ang bahala." ang sabi niya sa akin.
Bagamat hindi ako gaanong nagugutom sa mga oras na iyon ay tinuro ko pa rin sa waiter ang pagkain na aking gusto.
Habang naghihintay sa aming order ay tahimik lang ako. Wala naman kasi akong maisip na pwedeng itanong sa kanya. Marahil ay napansin niya ito kaya siya na rin ang bumasag ng aming katahimikan.
"Kamusta naman ang naging buhay niyo sa province Andrew?" ang kanyang panimulang tanong sa akin.
"Maayos naman."
"Balita ko na nagkaroon daw kayo ng sariling business doon and mayroon na kayong sariling bahay, right?
"Ah oo. Mas naging abala kami sa paghahanap-buhay doon kung ikukumpara nung nakatira pa kami dito sa Manila. Alam mo naman na kailangang magbanat ng buto roon para mabuhay."
"Yeah, tama ka. Siyanga pala Andrew, nung pumunta pala ako sa unibersidad na pinasukan mo roon para asikasuhin ang mga dokumento mo sa pagtransfer ay nakausap ko ang mga naging kaibigan mo doon."
"Nasabi nga nila sa akin yan nang tinawagan ko sila nung nakaraan.
"Sa tingin ko ay naman mababait sila at naging mabuting impluwensiya sayo. May pagkakwela rin pala sila lalo na yung dalawang babae."
Alam ko naman kung sino yung mga babaeng kanyang tinutukoy.
"Ganoon lang talaga sila."
"Actually marami kaming napag-usapan eh pero.... hindi ko na siguro ikukuwento pa sayo."
"Bakit?
"Basta. Kung gusto mong malaman, sila na lang ang tanungin mo."
"Sige. Ikaw naman Bryan, kamusta na ang buhay engineer?" ang tanong ko naman sa kanya. "Sa totoo lang naninibago rin Iako sa ayos mo ngayon, professional ka na talaga tignan ah."
"Ano naman ang palagay mo sa akin, katulad pa rin noon?" ang nakangisi niyang pagtugon.
"Medyo..."
Napangiti lang siya sa narinig sa akin.
"Ok lang naman ako, medyo nakakaadjust na rin kahit papaano sa dami ng trabaho." ang sagot naman niya sa aking itinanong kanina. "Pero alam mo Andrew, nitong mga nakalipas na buwan ko lang narealize na masarap pala sa pakiramdam na humawak ng pera galing sa pinaghirapan mo."
Nagulat naman ako sa mga pahayag niyang iyon. Parang ibang Bryan ang kaharap ko ngayon.
"Hindi ako makapaniwala na nakakapagsalita ka ng ganyan."
Natawa lang siya sa aking sinabi.
"I already have stable job at sariling income. Lahat ng gusto kong gawin ay magagawa ko na. Ang ilang mga ginastos ko sa inyo tulad ng pagbayad sa ospital na pinagdalhan mo kay Tita sa probinsya hanggang sa pagluwas niyo dito ay galing sa sarili kong pera."
"Im happy for you, at natuto ka nang maging independent." ang pagpuri ko sa kanya.
"Thanks. Pero hindi naman mangyayari ang lahat ng ito sa aking buhay kundi dahil sayo."
"Talaga?"
"Oo naman."
Naputol saglit ang aming pag-uusap sa pagbalik ng waiter dala ang aming mga inorder. At nagsimula na kaming kumain.
"How's the food?" ang tanong niya habang abala sa pagkain.
"Masarap."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo bang ito ang paborito kong restaurant. Madalas ako dito lalo na kapag gabi."
"Sa bagay hindi na ako magtataka pa sa ganda ba naman ng ambiance dito kaya marami rin taong kumakain dito. Pero paano mo naman nalaman ang lugar na ito?"
"Nung mga araw na nagsisimula pa lang ako sa trabaho ay naghahanap ako ng lugar na pwede kong kainan. Ayon, nakita ko ito."
"Ibig mong sabihin na malapit na dito ang pinapasukan mo?"
"Medyo, mga kalahating kilometro mula dito."
Abala pa rin kami sa pag-uusap nang biglang mapatayo si Bryan sa kanyang kinauupuan na nakakuha rin ng atensyon ng iba pang taong kumakain doon.
"Sorry po boss." ang agad na paghingi ng paumanhin sa kanya ng waiter. Natapon pala ang tubig na kanyang dala at sakto namang bumuhos ito sa suot na polo ni Bryan.
"Ah ok lang next time mag-iingat ka." ang kanyang sagot. Hindi ko naman nahimigan ng pagkainis ang kanyang boses.
Gayunpaman ay nakikita ko pa rin sa waiter na iyon ang pagkataranta. Ilan saglit lang ay may dumating pang isang lalaki na sa tingin ko ay manager ng restaurant.
"Im very sorry Sir sa ginawa ng trainee namin." ang paghingi rin niya ng paumanhin.
Napansin ko naman ang matalim na titig ng manager sa sinasabi niyang trainee na napayuko na lang marahil sa kahihiyan. Parang nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya.
"Its ok Sir dont worry. Tubig lang naman ito. I understand na trainee pa lang siya kaya nakakagawa pa ng pagkakamali tulad nito. Ako na ang makikiusap sana kung maaari ay huwag niyo na lang muna siya paalisin at bigyan pa ng chance."
Lubusan naman akong nabilib sa sinabing niyang iyon sa manager. Napansin din pala niya ang kalagayan ng waiter.
"Sige po Sir." ang simpleng tugon ng manager. Umalis na silang dalawa.
"This is unbelievable! ang di ko napigilang sabihin kay Bryan matapos makita ang kanyang ginawa.
"Bakit naman?"
"Yung sinabi mo kanina."
"Parang iyon lang. Hindi naman sinasadya yun ng waiter. At sinabi naman nung manager na trainee pa lang siya kaya nag-aadjust pa yun. Nakakaawa naman kung tatanggalin siya agad dahil lang sa simpleng pagkakamali."
Sa puntong iyon ay masasabi ko sa aking sarili na sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay malaki na talaga ang ipinagbago sa pag-uugali nitong si Bryan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapangiti.
"Pangiti-ngiti ka diyan ha. Tama yan para mas lalong lumabas ang pagka cute mo!" ang sabi niya.
Dahil sa basa ang kanyang suot na polo ay hinubad niya muna ito.
At sa ginawa niyang iyon ay agad na nabura ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng hindi maipaliwanag na emosyon nang makita ko ang suot niya sa leeg na isang bagay.
Itutuloy....
wala pa po bang kasunod?
ReplyDeletehay welcome back..galing..
ReplyDeletewow :] open na ulit ang blog ni daredevil!!!!!!!!!!!!!!! :]
ReplyDeletethanks daredevil that it's now officialy open. halik ng pag-ibig brought me here.
ReplyDeleteYon oh na share ko na sa google haha
ReplyDeleteThe flow is getting more awesome 😀
ReplyDeleteGreat story
ReplyDeleteThe flow is getting more awesome 😀
ReplyDelete