Sunday, April 8, 2012

CAMPUS TRIO Part 22

Kinabukasan habang nag-aagahan ay kinausap ni Andrew si Troy tungkol sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.
"Teddy bear!" ang gulat na sambit ni Troy.
"Bakit pwede naman iyon ah. At saka wala naman akong maisip na maaaring ibigay sa kanya. Ayaw ko naman ng pagkain dahil mauubos agad. Mas mainam na siguro ito para remembrance." ang pangangatwiran ni Andrew.
"Oo pwede naman iyon. Naisip ko lang na hindi iyon babagay sa isang tulad ni Bryan, babae lang kasi ang binibigyan ng ganoon."
"Ah. ok." ang medyo malungkot na tugon ni Andrew. "Hindi na lang siguro ako magbibigay ng regalo sa kanya.
"Ito naman. Sige pwede na iyon. Matutuwa naman siya sa kahit anong bagay na ibibigay sa kanya lalo na kung galing as iyo."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Ako pa, kilala ko na ang buong pagkatao ng kaibigan kong iyon."
_______
"Kamusta naman sa bago niyong tirahan?" tanong ni Dina kay Andrew habang naghihintay ng susunod nilang propesor sa araw na iyon.
"Ok lang. Wala naman kaming naging problema ni nanay. Mabait naman ang lola ni Troy."
"Ang swerte mo talaga friend. Napaka "special" ng turing sa iyo ng Campus Trio." si Dina ulit na binibigyang-diin ang salitang special.
"Ano, nakita mo na rin ba ang katawan ni Troy?" ang paghirit nito.
"Ikaw talaga Dina. Magkaiba naman kami ng kwarto doon." ang natatawang sagot ni Andrew.
"At tungkol sa sinabi mong special na pagtrato nila sa akin, ewan ko ba parang hindi ko naman nararamdaman e. Sa palagay ko mas naging miserable pa yata ang buhay ko simula nang makilala ko sila."
"Ano ka ba friend yan pa ang iniisip mo. Alam mo ba na halos buong campus ang naiinggit sa iyo."
"Iyon na nga eh .Naging masama pa nga ako sa kanila."
"Pero aminin mo na malaki ang naitulong nila sa iyo lalo na si Papa Troy. Kung hindi niya kayo tinulungan baka sa tabi-tabi lang kayo nakatira ngayon. At hindi lang yan, siya ang nagcomfort sa iyo nung mga panahon na malungkot ka dahil sa mga nangyari sa inyo ni Papa Bryan."
"Oo na sige na." Totoo naman kasi ang sinabi ni Dina. Simula ng huminto siya sa pagtutor, si Troy ang palagi niyang kasama.
______
Sinamahan ni Troy si Andrew sa mall upang bumili ng teddy bear na ibibigay kay Bryan sa nalalapit nitong kaarawan. Pumasok sila sa isang shop na puro pang regalo ang tinda.

"Ito ang bibilhin ko!" ang masayang sambit sambit ni Andrew nang makita niya ang isang di kalakihang brown na teddy bear.
"Maganda nga yan. Pero sapat ba ang pera mo para diyan. Kung hindi, dadagdagan ko na lang."
"Huwag na. Kasya ang pera ko. Marami-rami yata akong naipong pera mula sa pangangalakal ko bago kami lumipat sa inyo. Mas maganda di ba kung galing mismo sa aking pinaghirapan ang perang ipangbibili ko dito."
"Sige. Sabi mo eh." ang nakangiting sagot ni Troy senyales na napabilib siya ni Andrew sa mga sinabi nito. "Ganito na lang. Ililibre na lang kita ng pagkain. Ooops! huwag ka nang tumanggi, treat ko na yun sa iyo."
Nakangiting tumango si Andrew sa paanyaya ni Troy.
_______
"Ano na ang balita kay Andrew tol?" ang agad na tanong ni Bryan sa kararating na si Michael sa gym.
"Nag text sa akin si Troy nasa mall daw sila ngayon." ang tugon ni Michael.
"Anong ginagawa nila doon?"
"Common sense naman. E di siyempre namamasyal. Anong klaseng tanong yan tsk?"

Naalala naman ni Bryan yung araw na pamamasyal rin nila ni Andrew matapos ang pagsimba na kung saan ay binilihan niya ito ng mga bagong damit. Isa rin ito sa pinakamasayang araw niya dahil dito niya napasagot si Andrew. At muli siyang nakaramdam ng kung ano na hindi niya maintindihan.

"Upakan kaya kita diyan. Alam ko iyon!" ang nasabi na lang niya.
"Easy lang tol. Huwag mo namang ibuntong sa akin yang inis mo."
"Hindi ako naiinis."
"Talaga lang ah."
"Hay ewan ko sa iyo."
"O sige maiba tayo. Paano yan malapit na pala ang birthday mo"
"Hindi ko nga iniisip ang bagay na yan."
"Talaga. Balita ko, may surprise daw sa iyo si Tita ah."
"Wala akong pakialam sa kanya."
"It seems na galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon."
"Pwede ba huwag na natin siyang pag-usapan." ang naiinis pa ring si Bryan.
"Ok sabi mo e."
_______
"Pakibigay na lang sa kanya ito Troy ah." ang pakiusap ni Andrew nang makauwi sila galing sa pamamasyal. Alam naman niyang hindi siya maiimbita sa okasyong iyon.
"Sure."

Agad na tumungo si Andrew sa kanyang silid upang sumulat ng isang maikling note na isasama niya sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.

"Happy Brithday Bryan! Pagpasensyahan mo na kung ito lang ang kaya kong mabigay sayo. Lagot ka sakin kapag tinawanan mo yan."
 _______
Dalawang araw bago ang nalalapit na kaarawan ni Bryan, naging usap-usapan sa buong campus ang nasabing okasyon. Halos lahat ng dako ng mga building ay may mga nakapaskil na pabati sa kanya. At ang mas inaabangan ng mga estudyante ay ang nakatakdang sorpresa sa kanya ng kanyang ina.

"Narinig mo na ba yung balita Andrew tungkol sa big surprise ni Mam Sebastian kay Bryan." ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa hallway ng school.
"Wala naman akong balak alamin pa kung anuman iyon. Hindi naman ako makakapunta doon."
"Sa bagay. Mga babaeng estudyante lang naman ang inimbita except kina Michael at Troy."
"Oo nga kaya pinabigay ko na lang kay Troy yung regalo ko sa kanya. Sabi ko nga na pasimple lang niya itong iabot."
"Wow, ano naman yang regalo mo?"
"Teddy bear."
"How sweet! Ang tanong ay kung magugustuhan kaya niya iyon."
"Bahala na siya sa buhay niya kung tatanggapin niya iyon o hindi. Ang importante lang naman ay nakapagbigay ako."
"Sa bagay."
_______
"How's your stay in this house?" ang tanong ni Michael kay Andrew nang dumalaw siya sa bahay ni Troy dalawang araw bago ang kaarawan ni Bryan.
"Ayos lang." ang kanyang tugon. "Naninibago lang ako. Alam mo na nasanay na kami ni nanay sa maliit na tirahan."
"Mabuti naman kung ganoon. At least nasa mabuti kang kalagayan, kayo ng nanay mo."
"Oo nga. Talagang napakabuting tao ni Troy sa akin pati na rin ng kanyang lola. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo niya sa akin. Sabi ko sa aking sarili na babawi ako sa kanya balang araw."
"Tama na ang drama. Oh tara meryenda na tayo. Naku masarap itong ginataan. Luto ito ni Tita" ang biglang pagsingit ni Troy sa kanilang pag-uusap."

Habang kumakain ay pasimpleng pinagmamasdan ni Michael ang dalawa. Napapansin niya ang kasiyahan nila habang nag-uusap lalo na si Troy. Sa tagal niyang pagkakakilala dito ay ngayon lang niya nakita na sumaya siya ng ganoon sa kabila ng pagiging seryoso nito.

"Uy Tol" ang paggulat ni Troy kay Michael nang mapansing nakatingin ito sa kanila. "Ang tahimik mo yata"
"Ah wala naman hehehe" ang natatawa niyang tugon.
"Siya pala, I heard na may big surprise daw si Tita sa birthday ni Bryan." si Troy.
"Oo nga. Pero alam mo ba ang sinabi ni Bryan na wala daw siyang interes dito."
"I see. Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob niya kay Tita. So ano na ang plano niya?"
"Wala naman siyang nababanggit sa akin."
"Baka hindi siya sisipot sa kanyang party. Sayang naman yung regalo ni Andrew sa kanya." ang pahayag ni Troy na nagpabigla kay Michael. Si Andrew naman ay pasimpleng siniko si Troy dahil sa hiya.
"Really, so ano naman yang regalo mo sa kanya Andrew?" ang interesadong tanong ni Michael.
Inunahan siya ni Troy sa pagsagot. "Isang teddy bear."

"Teddy bear!" ang sagot niya sabay halakhak.
"Eh yun lang ang naisip ko. Bahala na."
"Pero ito lang masasabi ko. Kahit ano pa yan tatanggapin niya basta galing sayo... naging baduy na kasi siya."

Nagkatawanan lang silang tatlo.
_________
Isang gabi bago ang kaarawan ni Bryan kinabukasan ay nakatanggap si Andrew ng isang imbitasyon nang hindi niya inaasahan.
"Bakit Andrew?" ang tanong ni Troy sa kanya nang mapansin ang kakaibang reaksyon nito nang basahin ang paanyaya. "Ayaw mo ba nun, mabibigay mo mismo ng personal kay Bryan ang regalo mo sa kanya"
"Nabigla lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na aanyayahan ako ni Maam Sebastian. Di ba galit nga siya sa akin."

Tinabihan ni Troy si Andrew na nakaupo sa kama. "Huwag kang mag-alala Andrew, kasama mo ako. Ako ang bahala sa iyo." ang kanyang pahayag.
"Salamat Troy."
Nginitian lang siya nito.

Buong magdamag nag-isip si Andrew. Naguguluhan siya. Pakiramdam niya ay may mali. Nagkaroon siya ng pangamba sa mangyayari bukas. Imposibleng kasing padalhan siya ni Mam Sebastian ng imbitasyon sa kaarawan ni Bryan.
"Dadalo kaya ako?" ang tanong niya sa kanmyang sarili na tila nagdadalawang-isip sa kabila ng assurance na sinabi ni Troy sa kanya.
________
Maaga pa lang ay inaayos na ang auditorium ng school kung san gaganapin ang selebrasyon ng kaarawan ni Bryan kinabukasan. Karamihan sa mga estudyante lalo na ang mga babaeng imbitado ay naroon upang pagmasdan ang ginagawang paghahanda.

"Buti ka pa binigyan ng imbitasyon." ang may pagkainggit na pahayag ni Dina nang ipaalam ni Andrew dito ang paanyaya sa kanya. Napadaan din sila doon para alamin para makita ang ginagawang preparasyon. "Magkikita na rin kayo sa wakas ni Papa Bryan, tapos kasama mo pa sina Papa Michael at Troy."
"Parang ayaw ko ngang pumunta. Hindi ko alam pero pakiramdam mo may mali."
"Ano ka ba? Iyan pa ang iniisip mo ngayon ha. Dapat pa nga na matuwa ka dahil hindi lahat ng estudyante sa campus ay inimbitahan."
"Ewan ko ba. Pero ano pa ba ang magagawa ko kundi ang dumalo na lang. Siguro ibibigay ko lang ang regalo sa kanya tapos aalis na ko agad."
"Hays sayang naman. Pero dont forget na balitaan ako tomorrow ah"
Tumango si Andrew bilang pagsang-ayon.
________
"Ready ka na ba anak?" ang tanong ng mama ni Bryan nang pumasok ito sa silid niya na nakabihis na.
"Oo" ang medyo matamlay nitong sagot. Bukod kasi sa inis niya sa ina ay wala rin siyang gana na dumalo sa kanyang kaarawan.
"Bryan anak alam kong may sama ka pa rin ng loob sa akin pero mamaya sisiguraduhin kong magiging masaya ka na sa aking gagawin."

Saglit na natigilan si Bryan sa kanyang narinig pahiwatig ng pagkakaroon niya ng interes dito.
"Ill make sure na magiging memorable ang gabi ito para sa iyo anak." ang dugtong pa ng ina.

Naisip agad ni Bryan si Andrew, na baka padadaluhin din niya ito upang magkasama sila. Napangiti siya ngunit hindi niya ipinahalata.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay sabay na umalis ang mag-ina patungo sa pagdadausan ng okasyon.

Itutuloy...

9 comments:

  1. hay salamat, katagal mo mag update.. ang site mo lagi ang una kong binibisita pag nagnenet ako.. pls naman paki bilisan ang updates, thanks.. ^_^

    ReplyDelete
  2. Kung parang BOF ang format neto, tyak yan may big announcement yan bout s kasal tsutsu. ewan!

    sana author dalasan mu pa update. nakakalimutan ko n kasi ung mga parts kpg sobrang tagal. e ang ganda pa naman neto. :)

    ReplyDelete
  3. Finally may update na :-) galing mo parin daredevil :-)

    ReplyDelete
  4. Baka si Andrew ang malaking surpresa.. ayiiiee! :D

    ReplyDelete
  5. salamat sa update :) next na :)

    ReplyDelete
  6. wow may update na!!!!!!!!!! salamat!
    -jam

    ReplyDelete
  7. Very happy much kc sinipag na si Mr. Author...
    Sana tuloy tuloy na to dahil sobrang nakaka excite mag abang
    ng continuation... lalo na sa tulad kong huwarang OFW na ginagawang
    libangan ang magbasa ng mga blogs after office works...
    well done Mr. Daredevil!!!

    Your No 1 reader from Abu Dhabi, UAE

    ReplyDelete
  8. nice1 author...............next na plssssssssss

    ReplyDelete