Monday, February 6, 2012

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 6

Tulad pa rin ng inaasahan, ganoon pa rin ang ginawa ni Adonis pagkagising ko kinabukasan. Naghanda pa rin siya ng agahan para sa aming dalawa. Ngunit sa mga nangyari kagabi, alam ko nang may magbabago sa aming set-up.

Pinagmasdan ko ang mga inihain niyang pagkain habang pababa ako ng hagdan hanggang sa makaupo ako. Maya-maya lang ay dumating na si Adonis dala ang isang platong may pritong hotdog galing kusina.
"Mabuti naman at gising ka na. Pupuntahan na sana kita sa kwarto mo upang gisingin ka" ang masigla niyang pagbati sa akin.

Imbes na sagutin ko siya ay napako ang aking pansin sa kanyang katawan. Wala siyang pang-itaas na damit at suot ang binili kong boxer shorts. Ewan ko ba, madalas naman ganito pero hindi ko pa rin maiwasang  makaramdam ng pagnanasa sa kanya.

"Kailangan pa bang maghubad habang nagluluto?" ang tanong ko sa kanya.
Napangiti siya sa aking pahayag. "Kagagaling ko lang kasi sa pag-eehersisyo. At bakit masama bang maghubad? Palagi naman akong naghuhubad. Parang hindi ka na nasanay."
Naguluhan naman ako sa mga narinig ko sa kanya. "Hindi naman. Pero alam mo naman na bakla ako di ba? Siguro naman makakaramdam ka na ng pagkailang lalo nat dalawa lang tayo dito sa bahay."
"Iyon lang ba? Wala naman akong pakialam kung may pagnanasa ka sa akin." ang kanyang sagot.

Pinagmamasdan ko siya habang kumakain habang iniisip ang kanyang mga pahayag. Nakakapagtaka kasi na tila wala lang sa kanya ang mga rebelasyong sinabi ko sa kanya kagabi.

"Uy! Natulala ka na naman sa akin. Kumain ka na" ang pagputol niya sa aking pagmumuni-muni. Base sa tono ng kanyang boses ay hindi naman siya naiinis sa aking ginawa.
"Baka matunaw na ako niyan sa pagtitig mo, mawawalan ka na ng pagpapantasyahan." ang kanyang pagpapatuloy.
"Siraulo ka" ang nasabi ko na lang. At nagkatawanan kaming dalawa.
"Ikaw ha nakuha mo pang magbiro, sige ka baka pag hindi ako makapagpigil baka halayin kita dyan." ang dagdag kong biro sa kanya.

At nabigla ako sa hindi inaasahang sinagot niya sa akin. "Sige game ako. Kung iyon ang magpapasaya sa iyo."

Naging palaisipan ulit sa akin ang kanyang sagot na iyon. Parang gusto ko nang gawin ang bagay na iyon sa kanya ngunit naisip ko rin na baka sinusubukan lang niya ako. Pinigilan ko na lang ang aking sarili upang hindi maging kumplikado ang sitwasyon.
"Joke ko lang iyon ha. Alam ko namang sinasakyan mo lang ako." ang aking sumunod na sinabi sabay subo ng kanin.

Napansin ko ang bigla niyang pananahimik. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagseryoso ng kanyang mukha.
"Adonis, may nasabi ba akong hindi maganda?" ang agad kong tanong sa kanya.
"Wala. Ok lang ako. Sige bilisan mo na baka ma late ka sa work mo." ang sagot niya sa akin.
______
"Ikaw na muna ang bahala dito ha. Kung naiinip ka pwede ka namang lumabas at mamasyal o kaya naman ay maglaro ng basketball. Im sure inaabangan ka na naman ng mga fans mo dun sa court." ang sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa aking kotse.
"Dito na lang ako sa bahay."
"Sigurado ka, huwag kang mag-alala hindi naman ako magagalit. Malaya ka namang gawin ang gusto mo."
"Ok lang ako dito. Sige na baka mahuli ka na niyan." ang sgot niya sabay ngiti. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti rin.
______
"Hindi daw papasok si Rhoda ngayon." ang agad na sabi ni Marie sa akin pagdating ko sa boutique. Isa si Rhoda sa aking mga empleyado. Pareho kami ng sekswalidad ang kaibahan nga lang ay lantad siya at cross-dresser.
"Bakit na naman?" ang aking tanong sa kanya habang inaayos ang aking mesa. 
"Ayun nag-away na naman sila ng kanyang jowa." ang kanyang sagot sabay lapit sa aking tainga at bumulong. "Nakita daw niya ang kanyang boylet na may kasamang girl."
"Ganoon ba." ang nasabi ko na lang. 

 Para sa akin, expected na ang ganitong mga senaryo sa relasyon ng dalawang lalaki. At isa rin ito sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ko ang pakikipagrelasyon. 
"Kamusta naman kayo ng Adonis mo?" ang sunod na tanong ni Marie sa akin.

Isinalaysay ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari simula kagabi.
"Really, hindi man lang siya naapektuhan sa pag-amin mo sa kanya?" ang tanong niyang hindi makapaniwala matapos kong maglahad.
"Ewan ko ba. Parang bumaliktad pa nga ang sitwasyon. Parang gusto ko na ngang patulan ang mga panunukso niya sa akin kanina. Pero siyempre nagpigil ako, mahirap na."
"Ayieeeee!!!!" ang kinikilig niyang reaksyon. "Naku baka siya na ang iyong magiging unang pag-ibig."
"Tunigil ka nga. Hindi maaaring mangyari iyon. Unang-una misteryo pa nga sa akin ang pagkatao niya. May amnesia siya. Anytime maaaring bumalik ang alaala niya. Siyempre babalewalain na niya ang lahat ng ginagawa niya ngayon."
"May point ka diyan."
"Sa ngayon kasi  lumalabas na ako lang ang kilala niya kaya siguro ganoon na lang siya kabait sa akin."
"May point ka na naman diyan."
"So habang hinihintay ko yung detective ay titiisin ko muna ang lahat. Pakikisamahan ko na lang siya."
______
Sa paglipas ng mga araw ay lalong tumitindi ang aking pagkalito sa mga nangyayari. Kasabay nito ay ang pagyabong ng aking nararamdaman sa kanya. Siguro nga ito na ang sinasabi ni Marie na aking unang pag-ibig. Paano ba naman, napakabait niya sa akin. Halos lahat na yata ng katangian ay nasa kanya na.

Tuwing uuwi ako ng bahay ay palagi nang may nakahandang hapunan. Ganoon din sa paggising ko sa umaga na may nakahandang almusal. Di lang yan, siya na rin ang naglalaba ng aming mga damit at naglilinis ng bahay. Parang houseboy na nga ang papel niya. Hindi ko rin maiwasang isipin na para na kaming mag-asawa sa aming set-up. Siya ang nasa bahay at ako ang naghahanap-buhay.

Isang gabi, habang abala ako sa pag-edit ng mga files sa aking laptop,
"Victor, pinagtimpla kita ng kape. Alam kong aabutin ka na naman ng madaling araw sa ginagawa mo." si Adonis na pumasok sa aking kwarto dala ang isang tasa.
"Salamat ipatong mo na lang diyan sa tabi." ang sagot ko sa kanya na ang mga mata ay nakapokus sa aking ginawa. "Ikaw matulog ka na" ang pahabol ko.
"Hindi pa ako inaantok e." ang sagot niya sabay lapit sa aking likuran. Tinignan niya sa screen ang aking ginagawa. Maya-maya lang ay naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nagmamasahe sa aking balikat.
"Oh ito pamparelax." ang sabi niya sa akin.

Madalas na niyang gawin ang bagay na iyon sa akin. At obvious naman na pabor sa akin iyon. Ang sarap sa pakiramdam na hinahaplos ang iyong katawan ng taong mahal mo.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Habang nagmamasahe siya sa akin ay naramdaman ko na lang ang isang laman na dumikit sa aking likuran. Wala sa sariling napapikit ako, pakiramdam ko ay nagising ang aking katawang lupa kahit pa gabi iyon.

Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Nagkunwari kong deadma lang pero ang totoo, nawala na ang focus ko sa aking ginagawa. At halos mawala na ako sa aking sarili dulot ng pagnanasa nang mapansin ko na mas lumalaki at humahaba ang laman na iyon.

Ilang oras din tumagal ang pagmamasahe niya sa akin. Siya na rin mismo ang tumapos nito.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" ang tanong niya sa akin.

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kanyang harapan. Palibhasang nakatayo siya at ako nakaupo, natapat ang mukha ko dito. Halatang-halata ang pagkabakat na mas lumaki kaysa sa normal.
"Victor?"
"Ah ano, oo. Sige pwede ka nang umalis. Matulog ka na." Dahil sa kaba, halos mautal ako sa pagsagot sa kanya.

"Hindi ako aalis. Sa katunayan nga, hihingi sana ako ng permiso sa iyo na dito ako matulog."
Nabigla ako sa kanyang sinabi. "Dito? Ba...bakit naman?"
"Wala lang. Bored na kasi ako nang walang katabi. Ano payag ka na sige salamat." ang sagot niya sabay higa sa kama.

Tinignan ko siya habang nakahiga. Muli ay naguluhan na naman ang aking isip. Sa puso ko sinasabi na gusto ko ito at pabor sa akin dahil makakatabi ko sa unang pagkakataon ang taong aking lihim na minamahal at pinagpapantasyahan. Ngunit iba naman ang dinidikta ng aking utak na mali ito.

"Hay ang sarap naman sa kama mo." ang sabi niya. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
"Ano ka ba? Parehas lang naman tayo ng kama." ang sagot ko sa kanya.
"Hindi, mas masarap dito kasi may kasama na ako na mayayakap ko."
"Yakap ka diyan. Naku Adonis alam mo naman di ba? Baka mamaya niyan hindi ko mapigilan ang sarili ko na tsansingan kita." ang sagot kong hinaluan ng biro.
"Hmmm... Pwede. Malaya ka namang gawin ang gusto mo."

"Ito na naman tayo Adonis." ang nasabi ko sa aking sarili sa kakaiba niyang pagsagot sa akin. "Ano ba talaga ang nasa isip mo?"
"Ano nagdadalawang-isip ka pa diyan?" ang sunod niyang tanong sa akin. "Ikaw talaga.Kung ako sa iyo susunggaban ko na ang pagkakataon."

"Ha...ah...eh... ano?" Halos mautal-utal na ako dahil sa wala akong maisagot. Parang nag malfunction na ang aking utak sa mga narinig ko sa kanya.
"Sige na tapusin mo na yang ginagawa mo. Matutulog na ako." ang sabi pa niya sabay hagikgik.
 ______
Dahil sa nangyari ay tuluyan nang nawala ako sa konsentrasyon sa aking ginagawa. Ni hindi ko na nga nagawa pang inumin ang kanyang tinimplang kape sa akin kaya lumamig na ito. Pasimple kong nililingon si Adonis na nakadapang natutulog. Parang may magnet na naghihila sa akin na lapitan siya at haplusin ang kanyang matipunong pangangatawan.

Ngunit pinilit ko pa ring tapusin iyon. At makalipas ang halos tatlong oras ay natapos na ako. Nakakaramdam na ako ng antok kaya agad na akong humiga sa aking kama. Tumagilid ako saglit paharap kay Adonis at sinulyapan.

"Ikaw talaga Adonis, talagang nahulog na ang damdamin ko sa iyo. Kasalanan mo naman kasi eh. Pinakitaan mo ako ng mga katangian ng isang gentleman. Noon, pinagnanasaan ko lang ang itsura mo. Ngayon, minamahal na kita. Napakaswerte naman ng girlfriend o asawa mo sa iyo. Kahit wala pa akong alam tungkol sa tunay na pagkatao, sigurado ako na hinahanap ka na nila" ang sabi ko sa aking sarili habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti na akong napapapikit dala ng antok at tumagilid na ako patalikod sa kanya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na lang ang hangin na dumadampi sa balat ng aking batok. At nabigla pa ako sa pagdantay niya sa akin.

Itutuloy...

10 comments:

  1. maraming salamat po sa pag update! :)

    ayan na... sunggaban mo na ang pagkakataon. :D

    ReplyDelete
  2. naku victor..... palay na ang pumunta sa manok.....sya na ang nag pakita ng motibo.... he he he ....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  3. ayiiiiiiiiii ang sweet naman..author pwde update ka agad..pls

    ReplyDelete
  4. sana author meron na agad update, araw-araw ako nagtse-chek kung me kasunod na, ganda at exciting ng story mo! congrats!

    ReplyDelete
  5. happy easter mr. author. wala pa bang update, nakaka-excite na ang susunod na mangyayari, alam ko nasa lenten vacation ka pero pag me time ka na please update na agad sa story. ganda kasi eh he he hehe!

    edric

    ReplyDelete
  6. nakakakilig ah. thanks.

    jp

    ReplyDelete
  7. wala pa ba yung update?

    jp

    ReplyDelete
  8. bakit ang tagal ng updates




    ReplyDelete
  9. This is the only story that I read and reread....Daredevil, yoiu are a genious....keep it up....I like your style...

    ReplyDelete
  10. kailan po ang update?

    jp

    ReplyDelete