Nakatulog si Andrew habang nasa biyahe sila ni Bryan papuntang Baguio. Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap si Bryan sa kanya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam ng kasiyahan si Bryan sa tuwing titignan niya ang himbing na himbing si Andrew na nagpapangiti sa kanya.
"Cute pala nito! ang kanyang naibulalas sa sarili.
At makalipas ang halos apat na oras ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
"Uy gising na. Nandito na tayo." ang panggising ni Bryan kay Andrew. Marahan niyang kinakalabit ito.
Dahan-dahang minulat ni Andrew ang kanyang mga mata. At nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makitang malapit ang mukha sa kanya ni Bryan.
"Ano ginagawa mo?" ang tanong ni Andrew sabay tulak sa kanya.
"Ginigising kita. Nandito na kaya tayo sa aking resthouse." ang sagot sa kanya ni Bryan. "Kung makapagtanong ka naman..."
"Ano?"
"Wala tsk..."
"Mabuti naman kung ganoon. Teka nga bakit mo ba ako dinala dito?"
"Mamaya ka na nga magtanong tara na pasok na tayo sa loob."
Hindi maitatago ni Andrew ang kanyang pagkamangha sa bahay. Napakaaliwalas ng lugar. Bukod sa malamig na klima ay may mga tanawing maganda sa paningin.
"Nagustuhan mo ba?" si Bryan nang mapansin si Andrew na pinagmamasdan ang lugar.
"Oo. Maganda pala dito." ang nasabi ni Andrew na tila nakalimutan niya ang kanyang inis sa kausap.
"Mabuti naman. Tara na, naghihintay na ang hapunan natin."
Nang makapasok ay agad silang tumuloy sa hapag kainan.
"Magandang gabi po Senyorito." ang bati sa kanya ng isang babaeng may edad na. "May kasama po pala kayo."
"Siya si Andrew, bisita ko." ang pagpapakilala ni Bryan kay Andrew sa babae. "Pakihanda na po yung hapunan Manang.
"Sige po senyorito."
Habang hinihintay nila ang hapunan, "Bilisan nating kumain ha para makauwi na tayo." si Andrew na sa mga oras na iyon ay hindi na naitago ang pag-aalala.
"At balak mo pa talagang umuwi sa ganitong oras ha. Sabi ko naman sa iyo di ba na overnight tayo dito." ang sagot ni Bryan sa kanya.
"Oo nga pala. Iniisip ko lang kasi si nanay. Baka nag-aalala na iyon sa akin. Wala siyang kasama at isa pa may sakit siya."
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo bukas. Magtiwala ka lang sa akin. Sige akyat muna ako sa taas para makapagpalit. Mauna ka na kapag naserve na yung hapunan."
Tumango na lang si Andrew sa kanya bilang pag-sang-ayon. Makalipas ang limang minuto ay dumating na ang babaeng bumati kay Bryan kasama ang tatlo pang katulong at inihanda na ang mga plato, kubyertos at ang kanilang pagkain. Nang matapos sa paghahanda ay kinausap ng babae si Andrew.
"Magandang gabi po sa inyo Sir Andrew."
"Andrew na lang po tawag niyo sa akin." ang tugon naman ni Andrew sabay ngiti.
"Ganun po ba. Ako po pala si Susan, ang tagapamahala dito sa resthouse ng mga Sebastian, silang tatlo naman ang mga kasambahay dito." ang pagpapakilala pa ng babae. Sabay-sabay na yumuko ang mga ito sa kanya.
"Sige kain na po kayo Andrew." ang pagpapatuloy ni Susan.
Agad sinimulan ni Andrew ang pagkain. Sinamantala na niya ang pagkakataon na makakain ng masasarap at pangmayamang pagkaing nakahain sa kanya ngayon.
Napansin naman niya na naroon pa rin at nakatayo sina Susan at talong kasambahay na nakatingin lang sa kanya.
"Kain na rin po kayo Aling Susan." ang alok ni Andrew habang may hawak pang isang hita ng manok.
"Naku, hindi po kami pwede sumabay sa inyo. Patakaran po yan ng mga amo namin." ang pagtanggi ni Susan.
"Bakit po dahil kay Bryan? Huwag kayong mag-alala ako ang bahala sa kanya."
"Ok lang po kami Sir Andrew huwag niyo na kami alalahanin."
Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain. At naroon pa rin ang mga katulong na nakatingin sa kanya.
"Mabuti naman po at nakapunta kayo dito sa lugar na ito." ang pagbubukas ni Aling Susan ng usapan.
Nilunok muna ni andrew ang kanyang nginunguya bago tumugon."Napilitan lang po akong sumama kay Bryan."
"Kakatuwa talaga ang batang iyon. Alam niyo po na sa halos 20 taon kong paninilbihan sa kanilang pamilya ikaw lang ang kauna-unahang bisita dinala ni Sir Bryan dito bukod kina Sir Michael At Troy. Halos nasubaybayan ko ang kanilang paglaki."
"Ah." Napaisip bigla si Andrew sa kanyang narinig. "Ako daw ang una. Nakapagtataka naman eh sikat siya sa school." ang sabi niya sa kanyang sarili.
"Sa tingin ko po special kayo sa kanya." ang pagpapatuloy nito.
"Talaga po kahit... girlfriend niya?"ang kanyang naitanong.
"Saglit na napaisip si Susan sa narinig nito kay Andrew.
"Sa tingin ko wala pa siyang girlfriend."
Hindi mawari ni Andrew kung nagsasabi ba ng totoo si Aling Susan. Parang may kung anong tinatago ito base sa naging pagsagot nito sa kanyang tanong. Gayumpaman ay hindi na niya binigyan pa ng pansin iyon.
"Paano po pala kayo nagkakilala ni Senyorito?" ang sunod na tanong nito sa kanya.
"Actually po hindi ko rin alam..." ang tugon nito. Naisip niya kasi na hindi naman talaga sila magkakilala ng lubusan nitong si Bryan.
"Basta po sinabihan ko lang siya sa mga mali niyang ginagawa sa mga estudyante. Sa totoo lang po naiinis ako sa mga taong mayayabang eh. Tapos yun na lapit na siya ng lapit sa akin."
Natawa naman ang mga katulong sa kanilang narinig na ipinagtaka ni Andrew.
"Bakit po kayo natatawa?"
"Ah wala po Sir. May naisip lang kami." ang sagot ni Susan. Nagkatinginan sila na parang iisa lang ang kanilang iniisip. Hindi na iyon inalam pa ni Andrew.
"Sana po Andrew, maging magkaibigan kayo ni Senyorito. Nakikita kong magiging mabuti kang kaibigan sa kanya." si Aling Susan.
"Parang malabo po mangyari iyon kasi hindi kami magkakasundo." ang sagot niya. Sa ugali kasi ay talagang magkasalungat sila ni Bryan.
"Kaya po dapat ka nyang maging kaibigan. Ikaw lang ang makakapagpabago sa kanya. Sige po babalik na kami sa trabaho." ang paalam sa kanya ng mga katulong.
"Salamat po sa pagkain." ang nakangiting tugon ni Andrew.
Isang minuto pagkaalis ng mga katulong ay napansin ni Andrew ang pagbaba ng isang tao sa hagdan. Biglang natigil ang kanyang pagkain nang lingunin niya ito. Natulala at nahipnotismo ang kanyang utak sa lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Mistulang isang modelo na nagpopose sa beach ang kanyang nakikita. Wala itong suot na damit pang- itaas kaya kitang kita niya ang kagandahan ng katawan nito lalo na ang bukol sa kanyang suot na boxer shorts na may pagkahapit sa kanya. Marahil ay bago itong paligo. Hindi na bago sa kanya ang makakita nito sa telebisyon at magazine ngunit iba pala kapag personal na ito makikita.
"Uy ayos ka lang?" si Bryan na nagpagising sa ulirat ni Andrew. Umupo siya sa bandang kaliwa ni Andrew.
"Oo, ok lang ako." ang kanyang tugon. Agad niyang inayos ang sarili at nagpatuloy sa pagkain.
Maya-maya lang habang kumakain ay napapansin ni Andrew ang mahinang pagtawa ng kanyang katabi.
"Bakit ka natatawa?" ang tanong ni Andrew kahit alam na niya ang dahilan nito. Nakaramdam siya ng hiya sa mga oras na iyon ngunit hindi siya nagpahalata.
"Wala. Natutuwa lang ako sa reaksyon mo kanina nang bumaba ako."
"Anong reaksyon?"
"Nagkukunwari ka pa. Huli na kita. Alam kong naaakit ka sa akin."
"Ako? Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin yan."
"Nagdedeny ka pa. Umamin ka na kasi. Ok lang naman sa akin yun."
"Ano ka ba hindi nga!" medyo tumaas na ang boses ni Andrew sa kausap.
"Tignan mo nga ang sarili mo oh. Ang taba taba mo tapos ang pangit pa ng balat mo." ang nasabi na lang niya pero ang totoo ay kabaliktaran lahat ito ng nakita niya ngayon.
"Ako mataba. Take a look kung may makikita kang fats." Si Bryan sabay chest in at pag flex ng muscle sa braso. Alaga to sa gym oh"
Napansin naman ni Bryan na hindi na lumilingon sa kanya si Andrew. "Nahihiya ka pa. Kung gusto mong ma touch ang aking gifted body, Sige lang I will not be mad."
"Iba pala talaga ang ugali nito kay Troy." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
"Ewan ko sayo Bryan. Tumigil ka na nga. Never akong maakit sayo!"
"Ok sabi mo eh." ang nasabi na lang ni Bryan. Nahalata naman ni Andrew na hindi ito kumbinsido sa kanyang pagtanggi.
Matapos kumain ay saglit silang nagpahinga sa sala.
"Hindi pa ba tayo matutulog. Kailangan pa nating umalis nang maaga bukas."
"Hindi tayo papasok bukas."
"Ano? Ikaw ha. Sumosobra ka na. Nagdedesisyon ka agad nang wala akong pahintulot."
"Easy lang. Nagagalit ka na naman sa akin eh. Ako ang bahala."
Tumahimik na lang si Andrew. Wala rin naman siyang magagawa pa.
"Tara akyat na tayo sa taas." si Bryan na may kasamang paghihikab. "Inaantok na ako."
"Dito na lang ako sa sofa matutulog."
"No No No..." si Bryan na may pagkumpas pa ng kanyang daliri. "Special visitor kita kaya doon ka sa kwarto ko matutulog.
Naisip naman agad ni Andrew ang mga posibilidad na mangyayari. "Hindi dito na lang ako."
"Huwag nang matigas ang ulo tsk. Bahala ka pag di mo ko sinunod lalo tayong tatagal dito." ang tila pananakot nito.
Napilitang na ring sumunod si Andrew sa kanya sa pag-akyat.
Pinagmasdan naman ni Andrew ang buong silid. Apat na beses ang laki nito kung ikukumpara sa kanilang tinitirahan. At nang mapansin niya na isa lang ang kama ay agad siyang tumanggi.
"Doon na lang talaga ako sa sala matutulog."
"Hindi pwede. See malaki naman ang kama ko, kasya tayo ditong dalawa." ang sagot ni Bryan.
"Ibig sabihin magtatabi tayo matulog. Ay ayoko nga." si Andrew.
Akmang lalabas na siya ng silid nang kaladkarin siya ni Bryan at inihiga sa kama.
"Ang tigas naman ng ulo mo! Bakit ka ba laging tumatanggi sa akin? Wala namang masama kung magtabi tayo di ba. Parehas naman tayong lalaki."
"Hindi ako basta-basta tumatabi sa taong hindi ko lubusang kilala."
Umupo si Bryan sa kanyang tabi. At bahagyang inilapit ang kanyang mukha kay Andrew. At sa pagsasalita nito ay naamoy niya ang mabangong hininga ito.
"Ganoon ba? Sige ngayon pa lang simulan mo na akong kilalanin pa dahil araw-araw na tayong magsasama."
"Ha! Sa tingin mo ba sasama ako sa mga taong masasama ang ugali na tulad mo."
Umiling-iling sa Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. "Hay naku kalimutan mo na nga iyon. Pangako hindi ko na uulitin pa. Ok na, galit ka pa ba sa akin?"
Hindi kaagad sumagot si Andrew sa halip ay napaisip siya. Sobrang nagtataka na siya kung ano ang totoong motibo ni Bryan sa kanya. Kung bakit siya nagpapakita ng kabaitan sa kanya.
"Huwag ka lang puro salita ipakita mo sa gawa. At isa pa huwag ka sa akin magsorry, doon dapat sa mga estudyanteng nagawan mo ng kasalanan."
"Para sa iyo gagawin ko, mawala lang ang galit mo sa akin." Sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha ni Bryan.
"As if na kaya mo yung gawin."
"Oo naman. Ako pa lahat ng bagay nagagawa ko."
"Ok. Pero isang tanong lang ah. Sana sagutin mo ako ng maayos."
Hindi sumagot si Bryan tanda ng kahandaan nito na pakinggan aty sagutin ang magiging tanong ni Andrew sa kanya.
Umupo muna si Andrew sa kama. "Natanong ko na rin kay Troy ito noon. Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit...? Hindi na naituloy pa ni Andrew ang kanyang sasabihin sa pagsingit ni Bryan.
"ko ginagawa sa iyo ang mga ganitong bagay, yun ba?"
Tumango si Andrew.
"Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Siguro dahil sa inis mo kaya uulitin ko na lang. Kasalanan mo ito Andrew. Simula nang unang encounter natin sa court hindi ka na maalis sa isipan ko. I admit nung una ay balak ko talagang gumanti sa yo sa pagpapahiya mo sa akin. Pero ewan ko ba, parang hindi ko na kayang gawin iyon sayo eh. Mas gusto ko nang makuha ang atensyon mo at mapalapit sayo.
Para kay Andrew, mahirap paniwalaan ang mga pahayag na iyon ni Bryan sa kanya sa kabila ng pagiging seryoso ng mukha nito.
"Alam ko namang hindi madaling paniwalaan ang mga sinabi ko sa iyo. Kaya hayaan mo akong patunayan ito sa pamamagitan ng gawa."
"Bryan, aaminin ko, hanggang ngayon may mga pagtataka pa rin ako. May mga katanungan pa rin kasing gumugulo sa aking isipan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi pa natin lubusang kilala ang isat-isa. at di pa lubusang nawawala ang inis ko sa iyo. Kaya sa ngayon hahayaan muna kita." ang kanyang nasabi. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang pahayag niya na tila binibigyan ng pag-asa ang kanyang kausap na magkalapit sila.
Mula sa pagiging seryoso ay ngumiti ito ng ubod tamis. Muli ay nahipnotismo siya sa kanyang nakita. Kung ikukumpara kay Troy, mas malakas ang dating ni Bryan sa kanya sa hindi malamang dahilan.
"Thank you tol." ang tugon ni Bryan sa kanyang sinabi. Nagkangitian silang dalawa.
Itutuloy...
1st comment.
ReplyDeleteHehehe
Ang tagal naman ng part 8
Nang-aakit si Bryan. Ano kaya ang balak niya? Hehehe..Abangan ko next update.
ReplyDeletehala kawawa naman si troy... huhuhu
ReplyDeletesana andrew+troy pa rin hehehe
nako mahal na ba ni Bryan si Andrew???? kakakilig naman...
ReplyDeleteKILIGNESSSSSS..!!!!!
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
Da best! Walang katulad. :))
ReplyDeleteang tagal namn po ng kasunod nito :)
ReplyDeletekailan po ba ang kasunod? ang tagala na po nitong di na uupdate
ReplyDelete