"Kamusta na ang aking pinakamamahal na apo?" ang malambing na pambungad na tanong ng lola ni Troy nang mag-usap sila sa pamamagitan ng skype sa gabing iyon.
"Ayos lang po ako." ang kanyang tugon. "Eh kayo po lola."
"Mabuti naman ako rito apo. Maganda naman ang takbo ng business natin dito, at may good news ako sa iyo, Makakapag export na rin tayo sa Europe."
"Talaga Wow, ang galing talaga ng lola ko." ang masaya niyang reaksyon sa balita.
"Oo. Siya nga pala apo, malapit nang matapos ang school year, baka gusto mong sumunod dito para naman makatulong ka sa akin dito. Isama mo na sina Andrew dito para makapagbakasyon na rin sila."
Napansin naman ng matanda ang biglang pag-iba ng mood ng kanyang apo.
"Troy apo, may problema ba?" ang nag-aalala niyang tanong. "Nagkaaway ba kayo ni Andrew?"
"Hindi po lola." Napabuntung hininga siya bago magpatuloy. "Aalis na sila ni Tita dito sa bahay at lilipat na rin ng school si Andrew sa darating na pasukan." ang malungkot niyang pagpapatuloy.
"Teka, bakit biglaan naman yata?" ang nagtatakang tanong ng matanda.
Malungkot na nilahad ni Troy ang lahat ng mga nangyari na naging dahilan sa desisyon na iyon ni Andrew. At habang nakikinig ang matanda sa kanya ay nakaramdam siya ng awa para rito. Mistulang naulit muli ang pagiging malungkutin nito nung mga panahon na yumao ang kanyang mga magulang.
Hindi muna siya nagsalita bagkus ay hinayaan niya lang ito na ilabas ang lahat ng kanyang saloobin.
"Nangako po ako sa kanila na tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya kapag umalis na sila dito." ang pagpapatuloy ni Troy. "Kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko na mahalaga siya sa akin, na mahal ko siya."
At sa puntong iyon ay nagsalita na rin ang kanyang lola. "Wala ka bang balak na sabihin man lang sa kanya ang nararamdaman mo? Malaman lang niya bago sila umalis ng kanyang ina."
"Kung pwede nga lang noon ko pa ginawa ang bagay na iyan lola. Alam ko kasing kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Si Bryan talaga ang mahal niya. Kaya nga nagdesisyon akong magparaya sa aking kaibigan dahil alam kong mahal din nito si Andrew. Gusto kong mapalapit pa sila sa isat-isa."
"Ngunit hindi nangyari iyon apo."
"Opo lola. Alam niyo po kung hindi ko lang kilala at matalik na kaibigan si Bryan at wala akong nalalaman, malamang ay nagalit na ako sa kanya dahil sa pananakit niya kay Andrew. Hindi rin po niya kagustuhan ang nangyari at alam kong nahihirapan din siya sa kanyang sitwasyon ngayon."
"Naiintindihan kita apo. Sayang lang at wala ako diyan upang yakapin at damayan ka. So ano na ang balak mo ngayon?"
"Tulad nga ng nabanggit ko kanina lola, tutulong po ako sa kanila. Ngunit naisip ko na kayo muna ang uunahin ko. Susunod po ako diyan sa bakasyon upang makatulong ako sa ating negosyo."
"Teka sigurado ka ba diyan apo, paano na sina Andrew?"
"Alam ko po iyon. Ilang linggo lang naman tatagal iyon." ang naisagot lang ni Troy. Ngunit sa kanyang isip ay may iba pa siyang layunin sa kanyang desisyon na ito.
"Huwag ka nang mag-alala sakin apo. Kaya ko naman ito. Narito naman ang mga tauhan natin."
"Mahal na mahal ko rin po kayo lola kaya gusto kong tumulong sa inyo."
"Sige apo. Salamat naman at kahit papaano ay may makakasama ako dito. Ngunit kung magbago man ang pasya mo ay ipaalam mo agad ito sa akin. Hindi ako tututol."
"Salamat po lola."
_________
"Anak, may tawag ka." ang paggising ng ina sa natutulong pang si Andrew. Pupungas-pungas pa siyang bumangong upang sagutin ang tawag.
"Hello Dante? Ang aga mo naman mang-istorbo"
"Dante ka diyan? Dina pangalan ko ano."
"Sige Dina na eh bakit ang aga mo naman tumawag?"
"May problema kasi ako friend. Hindi tayo matutuloy ngayon. Nasa ospital kasi ngayon si Mama, inatake ng highblood. Nandoon lang ako maghapon para bantayan siya."
"Ganoon ba? Kamusta na siya ngayon." ang tanong ni Andrew. Kahit papaano ay nag-aalala rin siya para sa ina ng kanyang matalik na kaibigan.
"Ok na siya ngayon. Pero kailangan pa niyang magpahinga."
"Mabuti naman kung ganoon. Pero matutuloy pa rin ako ngayon Dina, kasama si Troy."
"Talaga friend. Sayang naman di ako makakasama kakainis."
Natawa lang si Andrew sa naging reaksyon ni Dina. Alam naman niya kasi ang pagkahumaling nito sa campus trio.
"Huwag ka nang manghinayang diyan."
"Hays sayang talaga kasi pero wala na akong magagawa. Sa ngayon kasi mas importante si Mama."
"Tama yun."
"O siya sige friend bye bye na. Dont forget to tell me ang mangyayari sa date niyo ha"
Natawa naman si Andrew. "Oo na bye."
_________
"Mabuti naman at naisipan mo nang i-date si Sarah." ang natutuwang pahayag ng mama ni Bryan na kasalukuyang nagsusuot ng gagamting sapatos.
"Oo. Yan naman ang gusto mo diba?" ang kanyang tugon na wala man lang emosyon.
"Ofcourse son. Noon pa man mga bata pa kayo, siya na ang gusto ko para sa iyo."
"Alis na ako Ma." ang pagputol ni Bryan. Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod pang sasabihin ng mama niya, na para sa kanya ay walang kabuluhan.
Sinundo muna ni Bryan si Sarah sa bagong bahay nito. Nang makarating doon ay nakita niya agad ito papasok ng kotse.
"Sarah" ang pagtawag ni Bryan sa dalaga. Nilingon naman agad ito ng huli.
"Babe! ang sambit ni Sarah at agad niyang pinagbuksan ito ng gate. "Ang saya-saya ko naman at sinundo mo pa ako dito."
"Ganoon naman talaga iyon di ba? Lalaki ang susundo sa kanyang ka date."
"Weee! kinikilig ako." Di na nakapagpigil ng emosyon si Sarah. Napayakap na siya kay Bryan.
"Ang swerte ko naman sayo babe. Gwapo na sweet pa."
Napangiti lang ng bahagya si Bryan.
Ang kotse na ni Bryan ang kanilang ginamit papunta sa isang malaking mall kung saan ang date nila.
_________
"Kung hindi na natin makakasama ang kaibigan mo, saan mo na gusto pumunta?" ang tanong ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho papunta sa kanilang destinasyon.
"Hmmm... Sa totoo lang kung si Dina ang kasama ko ay hindi ko rin alam ang pupuntahan namin eh." ang pag-amin ni Andrew.
Natawa si troy. "Kung ganoon ako na ang bahala. Gusto mo ba manood muna tayo ng sine."
"Talaga. Wow, makakapanood na rin ako ng sine sa wakas. Alam mo naman ang buhay namin ni nanay. Madalang kaya ako makapunta sa mga mall."
Sa halip na matawa ay naging cute siya kay Troy nang lingunin niya ito. Ang nakakahumaling nitong mukha lalo na ng nagniningning na mata sa tuwa ang kanyang napansin sa kausap.
"Ok. Mamaya pagdating natin ikaw na ang mamili ng papanoorin natin ha."
Makalipas ng ilang minuto ay narating na nila ang isang malaking mall. Pagkababa nila ng kotse ay agad napansin ni Andrew ang isang kotse na nakapark din katabi ng kay Troy.
"Parang nakita ko na rin itong kotse na to ah. Hindi ko lang alam kung saan." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili. Hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.
Tulad kanina ay nakikita pa rin ni Troy ang kislap sa magandang mata ni Andrew nang mapasok na nila ang mall dahilan upang mapangiti siya.
"Nood na ba tayo ng sine o mag-ikot muna tayo dito."
"Ikaw ang bahala." ang sagot lang ni Andrew habang pinagmamasdan niya ang paligid. "Pasensya ka na. Ngayon lang ulit ako nakapamasyal sa mall eh. Nung huling punta ko dito ay yung kasama ko si..." hindi na natuloy ni Andrew ang kanyang sasabihin. Naalala kasi niya yung araw na ipinasyal siya ni Bryan. Ang araw din iyon ang siyang pinakamemorable sa kanya dahil dito sila nagkaaminan ng kanilang mga feeling sa isat-isa.
Napansin naman ni Troy ang biglang paglungkot ni Andrew. Inakbayan niya ito.
"Nandito tayo para mag-enjoy Andrew kaya itigil mo na yang kaka-emote mo."
"Oo nga. Pasensya ka na Troy."
Nagpasya si Troy na libutin muna nila ang buong mall.
_________
"Bagay ba sa akin babe?" ang tanong ni Sarah pagkabukas ng pinto ng fitting room. Nasa isang boutique sila ngayon ng isang mall. Bago sila magdate ay naisip ni Bryan na bilhan muna si Sarah ng bagong damit.
"Oo naman." ang simpleng sagot ni Troy. Lahat naman kasi ng damit na isuot nito ay bagay sa kanya. Sa totoo lang dahil sa angking kagandahan ay maaari siyang maging isang modelo o isali sa mga beauty pageant.
Matapos ang pagsusukat ay pumunta na ang dalawa sa counter upang bayaran ang damit. At sa kasagsagan ng pagpila rito ay nahagip ng mga mata ni Bryan na naka shades ang dalawang tao na masayang nag-uusap habang naglalakad. Nakaakbay ang isa sa kanyang kasama.
_________
"May isang oras pa tayo. Tara punta muna tayo sa taas Andrew." si Troy matapos makuha ang biniling ticket para sa papanoorin nilang palabas.
"Sige." ang simpleng tugon ni Andrew. At lingid sa kanyang kaalaman na may surpresang bibilhin sa kanya si Troy.
Habang naglalakad ay napapansin ni Andrew na papalapit sila sa mga tindahan ng gadgets. At pumasok sila sa bilihan ng mga cellphone.
"Good Afternoon Sir." ang nakangiting bati sa kanila ng saleslady.
Inilibot ni Troy ang mga mata nito sa mga nakadisplay na unit sa glass shelf.
"Ito Miss." ang turo niya sa isang touchscreen na cellphone.
"Ok po Sir wait lang."
"Nagustuhan mo ba yung pinili ko Andrew?" ang tanong ni Troy sa kanya nang pumasok ang saleslady para kunin ang stock ng unit na bibilhin niya.
"Bakit ka sa akin nagtatanong, ako ba gagamit niyan?"
At ikinagulat niya ang sinagot nito.
"Oo naman. Dahil bibilhin ko yun para sayo. Para naman kahit nasa ibang bansa na ako at kayo naman ay nakalipat na ay makakapag-usap pa rin tayo."
Lubos ang naging kasiyahan ni Andrew sa pinakitang kabaitan ni Troy sa kanya.
"Maraming salamat talaga Troy."
"Basta ikaw." ang nakangiting sagot nito sabay kindat.
Napakaswerte talaga ng taong mamahalin mo, dahil sobrang bait mo." ang pagpuri ni Andrew kay Troy matapos bayaran ang biniling phone.
"Ikaw ang mahal ko Andrew, kung alam mo lang." ang sabi ni Troy sa kanyang sarili habang nakatingin sa kausap.
"Halika na baka kung saan pa mapunta ang usapan na yan." ang nasabi na lang ni Troy.
_________"Almost one hour pa ang hihintayin natin Babe." ang sabi ni Sarah nang basahin niya ang oras ng susunod na palabas. "What if na maglibot muna tayo?"
"Uy babe, nakikinig ka ba sa akin?" ang tanong ulit nito nang mapansin si Bryan na tila malayo ang iniisip.
"Ha... hmm... sure" ang simpleng tugon nito.
Habang naglalakad ay magkahawak sila ng kamay. Gayumpaman ay hindi na nakuha pang magsaya ni Bryan simula nang makita niya ang dalawang tao na kilalang-kilala niya kanina.
Sa kabilang banda ay hindi nakaligtas kay Sarah ang pag-iiba ng mood ni Bryan.
"May problema ba babe?" ang nag-aalala at nagtatakang tanong nito.
"Wala naman may naisip lang ako." ang sagot nito sabay ngiting pilit.
"Were here to enjoy. Kaya kalimutan mo na muna yang problema mo." si Sarah ulit sabay pulupot sa malalaking braso ni Bryan.
Limang minuto bago ang oras ng pagsisimula ng susunod na palabas ay bumalik na silang dalawa papunta sa sinehan ng mall.
_________
"Bago bumalik sina Andrew sa sinahan ay bumili muna sila ng kanilang kakainin tulad ng popcorn at canned softdrinks.
Napalaki na yata ng nagastos mo" ang nahihiyang sambit ni Andrew kay Troy
"Its ok Andrew." ang simpleng tugon ni Troy.
"Oo nga pala mayaman ka pala hehehe."
"Tsk... ikaw talaga so..." si Troy sabay tingin sa kanyang relo. "tara na."
________
Nakapwesto sina Bryan at Sarah sa bandang gilid kaya kita nila ang mga taong naglalakad papasok at palabas.
Habang naghihintay ay patuloy lang sa pagsasalita si Sarah na hindi na naintidihan pa ni Bryan dahil sa iniisip nito.
At ang mga taong nasa isip niya ngayon ay muling nagpakita sa kanya. Nahagip ng kanyang mga mata ang dalawa na umupo sa upuan sa bandang harapan nila. Pakiramdam niya ay para siyang naging tuod sa mga oras na iyon. Hindi makagalaw dahil sa pagkalito. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang marinig ang boses ni Andrew na humahalakhak at kasabay na iyon ay ang selos sa pagiging sweet ng dalawa.
Halos hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan ng marinig niya ang mahinang pagtatawanan ng dalawa.
Nagtaka si Sarah sa nakikita niyang mga action ni Bryan.
"Whats the problem babe?"
Nilingkis muli ni Sarah ang kanyang mga kamay sa matipunong braso nito. Napakalma naman niya ito ngunit
halata pa rin ang pagkairita sa mukha.
Habang hindi pa
nagsisimula ang palabas ay inoobserbahan ni Sarah ang dalawang taong
nasa harapan niya. Sa isip-isip niya, kung hindi kilala ang dalawang
taong ito ay masasabi niyang magjowa ang mga ito. Hindi niya tuloy
maiwasan na maalaala ang isa sa mga ito na si Troy. Ibang Troy ang
nakikikita niya ngayon kumpara noon. Tatawa lang kapag kinakausap at
higit sa lahat ang kapansin-pansin na pagpapahalaga nito sa isang tao na
wala sa personalidad nito dati.
At base sa kanyang nakita at naisip ay nakabuo siya ng isang conclusion na magagamit niya sa kanyang nais mangyari.
Samantalang
halos sumabog ang utak ni Bryan sa kanyang naririnig na pagbibiruan ng
dalawa. At ang lalong nagpainit ng kanyang ulo ay ang ginagawang
pag-akbay ni Troy kay Andrew. Ni hindi man lang nagresist si Andrew sa
ginagawa ni Troy sa kanya bagkus ay parang gusto rin naman nito.
Nabigla naman siya sa mga sumunod na nangyari.
"Hey guys!" ang pagbati ng kanyang katabi sa mga taong nasa harapan nila.
Halos sabay na lumingon sa likuran ang mga taong kanyang binati. Tulad niya ay nabigla rin ang mga ito sa kanilang nakita.
Sa
kabila ng medyo my kadilimang sinehan ay naaninag pa rin ni Andrew ang
gwapong mukha ni Bryan. Parang ang lahat ng sama ng loob niya para dito
ay naglaho at napalitan nito ng matinding pagkasabik.
"Sabi ko na nga ba kay Bryan nga ang nakita kong kotse." sa agad na naisip ni Andrew.
"Oh Sarah, what a coincidence nandito pala kayo ni Bryan." si Troy.
"Yes, actually niyaya ako ni Bryan dito." ang nakangiting sagot ni Sarah.
"So you two are in a date?" tanong muli ni Troy.
"Yes!" "No" halos sabay na naging tugon nina Sarah at Troy.
"Ikaw talaga babe. deny ka pa diyan." ang pagpapatuloy si Sarah.
Naputol lang ang kanilang pag-uusap nang magsimula ang ang kanilang papanooring palabas.
Sa
halip na magconcentrate sa ganda ng palabas ay nakafocus na ang
atensyon ni Bryan ginagawa nina Andrew at Troy.Pasimple siyang umaangat
ng upo para tignan kung nakaakbay pa rin si Troy kay Andrew o magkahawak
sila ng kamay.
Tulad ni Bryan ay ganoon din si Andrew.
"Fiancee
niya si Sarah kaya natural lang na idate niya ito. Talagang bagay
silang dalawa." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili. "Mali itong
nararamdaman ko. Dapat mag move-on."
_________
"Are you
going home now?" ang tanong ni Sarah kina Troy at Andrew habang
naglalakad sila palabas ng sinehan matapos ang palabas. Nakalingkis pa
rin ito sa matipunong braso ni Bryan.
"Hindi pa. Kakain muna kami."
"Ow tamang-tama sabay na kayo sa amin di ba babe?"
"Ah...oo, para naman magkakwentuhan tayo." ang pagsang-ayon naman ni Bryan sabay ngiti ulit ng pilit.
Pinili
nilang kainan ang isang mamahaling restaurant sa loob ng mall na iyon.
Dumako silang apat sa table na pang-apatan ang upuan. Magkatabi sina
Bryan at Sarah na katapat nito ay sina Andrew at Troy. Nilapitan naman
sila ng waiter. Nang masabi na nila ang kanilang mga order at pagkaalis
ng waiter saka nila itinuloy ang pag-uusap.
Habang
hinihintay ang kanilang order ay pinagmamasdan ni Sarah si Andrew na
halatang umiiwas ng tingin sa katabi niyang si Bryan.
Niisa na kanilang tatlo ay walang nagsasalita kaya siya ang nagbukas ng usapan.
"Ang tahimik naman yata ng kasama mo Troy." si Sarah.
"Ah oo, ganyan talaga siya medyo mahiyain." ang sagot naman ni Troy.
"Hmmm... Parang familiar ka sa akin. Nakita na kita sa birthday ng aking fiancee."
"Ah oo. Pero sandali lang ako doon." ang simpleng tugon ni Andrew.
At
syempre alam ni Sarah ang dahilan nito. Nasabi na rin ito sa kanya ng
mama ni Bryan, kaya hindi na siya magtataka sa isinagot nito sa tanong
niya.
"Ok. By the way Im Sarah, the future wife of Bryan Luis
Sebastian." ang kanyang pagpapakilala kay Andrew sabay ngiti sa kanyang
katabi.
Sa ilalim ng mesa ay inabot ni Troy ang kamay
ni Andrew at pinisil iyon. Hindi man pinapakita ng kasama ay alam niya
ang nararamdaman nito.
"Ako naman si Andrew." ang pagpapakilala ni Andrew sa sarili sabay lahad ng isa pa niyang kamay. Tinanggap naman ito ng dalaga.
"Nice
to meet you Andrew. Alam mo ba we are bestfriends simula mga bata pa
lang kami. Magkakaibigan ang aming mga families. Walang araw na hindi
kami nagbobonding."
Nanatili lang si Andrew sa pakikinig.
"Kapag
may umaaway sa akin, siya ang aking tagapagtanggol. I remember na
sinabi pa niya na walang sinuman ang pwedeng mang-api sa akin. Hay, noon
pa lang talagang love ko na siya and I know na ganoon din siya sa akin
di ba babe?" ang pagpapatuloy nito sabay lingon sa kanyang katabi na
hindi na mapakali sa mga oras na iyon.
Tinignan ni Bryan si Andrew.
"Ah Oo." ang kanyang naisagot. Dala na rin siguro ng selos para sa kanila ni Troy ay iyon na nasabi niya.
"See.
Kaya nung sinabi ko sa kanya na mag magmirate kami sa US, ay talagang
umiyak yan to the point na sinundan pa nila kami ni Tita sa airport. At
dahil hanggang ngayon ay love ko pa rin siya kaya bumalik ako."
Sa
mga pahayag na iyon ng dalaga ay unti-unti nang lumilinaw kay Andrew
ang gustong iparating sa kanya ni Sarah. At ang sumunod na sinbi nito
ang nagpatotoo sa kanyang iniisip.
"Mabuti na lang at
napaaga ang aking pagbabalik kundi... tsk tuluyang na siyang nawala sa
akin at naligaw ng landas. By the way after pala ng graduation ng aking
babe ay magpapakasal na kami. At walang sinuman ang maaaring pumigil
nito."
"Tama nga ang desisyon ko. Kailangan na
talaga." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili matapos marinig ang mga
pahayag ni Sarah. Kahit malungkot ay pipilitin niyang mag move-on.
At dumating na ang kanilang order.
Habang
kumakain, Si Bryan ay pasimpleng sumusulyap kay Andrew. Napapansin niya
ang hindi nito ganado sa pagkain tanda ng may malalim itong iniisip. Sa
mga oras na iyon ay gustung-gusto na niyang lapitan nito upang aluhin
kausapin at magpaliwanag. Alam niya kasi na nasaktan ito sa mga sinabi
ni Sarah.
Maya-maya lang ay laking gulat niya sa ginawa ng kanyang katabi. Hinalikan siya nito sa pisngi sabay sabi ng "I love you babe."
Agad
siyang natigilan at hindi alam ang gagawin. Tinignan niyang muli si
Andrew na ngayon ay nakayuko habang pasimpleng hinihimas ng katabi
niyang si Troy.
"Babe" ang pagtawag sa kaniyang pansin muli ni Sarah.
"I love you too." ang wala sa sarili niyang naibulalas.
Sa
loob ni Andrew ay labis siyang nasaktan sa kanyang nakita. Ngunit imbes
na umiyak ay ipapakita niya sa kanila na hindi siya apektado tulad ng
ginawa niyang pag-iwas kay Bryan ng ilang linggo.
"Sweet niyo
naman tol." ang pagpuri ni Andrew sa kanilang ginawa habang nakatingin
kay Bryan. "Ang swerte mo kay Sarah. Nasa kanya na ang lahat ng
katangian ng hinahanap ng lalaki sa isang babae. Bagay na bagay kayo
promise. I hope na maging masaya kayo.
Nakatitig lang sa kanya si Bryan na hanggang sa mga oras na iyon ay parang tuod na sa bilis ng mga pangyayari.
Samantalang si Sarah naman ang kinausap ni Andrew.
"Sa
palagay ko hmmm..."saglit siyang tumigil a nilagay ang hintuturo sa
sentido na tila nag-iisip. "Hindi naman naligaw ng landas si Bryan.
Walang nagbago sa kanya, sa nararamdaman niya sa iyo."
Pagkatapos
ay si Troy naman ang kanyang tinanong. "Ikaw Troy, di ba matagal mo na
rin silang kilala? Kaya sasang-ayon ka sa akin na nagustuhan ni Bryan
ang kiss ni Sarah."
Bahagyang natigilan si Troy sa
tanong na iyon ni Andrew. Hindi niya inaasahan na makakapagsalita siya
ng ganoon. "Ah... eh.... oo naman."
"Sa tingin ko ay wala nang makakapagpahiwalay o hahadlang sa kanilang pagsasama, dahil wagas ang pagmamahalan nila, di ba Troy?"
Napatango na lang ulit si Troy.
Sa
mga oras na iyon ay may biglang pumasok sa isip ni Andrew. Ito ang
kayang magiging basehan para sa magiging closure ng relasyon nila ni Bryan
at magsimula ulit.
"May request sana ako kay Bryan" ang phayag ni Andrew. Tila nawala na ang kanyang hiya naglakas na siya ng loob.
"Ano yun Andrew?" ang tanong agad nito.
"Tutal mahal ka ni Sarah at mahal mo rin siya bilang fiancee. Gusto kong halikan mo siya ulit."
Sobrang nagulat si Bryan at di inaasahan na ipapagawa sa kanya ang bagay na iyon.
hala nag seselos si bryan.... naku baka dito na rin mag lahad ng damdamin si troy kay andrew.... wehhhh so exciting talaga ang tagpo nila....
ReplyDeletera
Grabeh naman ung last part. For sure, Bryan is dying inside dahil masaya si Andrew kay Troy. But ganun talaga, he couldn't have it all. CHOS! :))
ReplyDeleteSooo looking forward for the next chapter .:)
Thanks Author!
hay sa wakas author..after 25 years..galing pero bakit naging maikli na?
ReplyDeletenaku naku jelly fish! ayiiiee!
ReplyDeletei've been waiting for almost 5months for the update of your story. Weyyyy ang tagal talaga. but anyway your story is kinda great, cool and awesome. please update everyday so that i wont forget the story. kinikilig pa naman ako.
ReplyDeletebuti nman nakapag update na c author......ang saya nito....hehehehclos na c byan wawa nmn....... go troy baka skaling mahalin ka ni andrew....
ReplyDelete