Isang bahagi ng isip ko ang nagdidikta sa akin na hindi tama ang mahalin ko siya. Siyempre, hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao. Isa pa, napaka imposible naman na pumatol ang isang lalaki sa kanyang kapwa lalo na sa isang kagaya kong hindi naman kagwapuhan. At kung maging kami man, baka masaktan lang ako kapag dumating na ang oras na bumalik ang kanyang alaala.
Kaya isang plano ang naisip ko upang hindi tuluyang mahulog ang aking loob sa kanya. Sisimulan ko na agad na magsaliksik tungkol sa totoo niyang katauhan. Aalamin ko kung sino ang mga taong nakakakilala sa kanya nang sa gayon ay makalayo na siya sa akin.
Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng isang pagkain. Pagkababa ko, nakita ko siya na naghahain na ng almusal sa lamesa.
"Gising ka na pala, hali ka kumain na po kayo Sir Victor" ang paanyaya niya sa akin. Ngunit parang nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makuha ng aking atensyon ang kanyang katawan. Nakahubad kasi siya ng mga oras na iyon. Grabe, ang ganda talaga ng pangangatawan niya, Halatang hinubog sa gym o di kaya'y sa mabibigat na gawain.
"Ok lang po kayo Sir" tanong niya na nagpabalik muli ng aking ulirat.
"Oo ayos lang ako, sige sumabay ka na rin sa akin." sagot ko sa kanya habang naglalakad patungo sa mesa. Sabay kaming umupo.
"Siya nga pala, wag ka nang mag po at opo sa akin. Huwag mo rin akong tatawaging Sir. Victor lang ayos na sa akin. Parang ginagawa mo akong matanda niyan e 25 pa lang ako." sabi ko sa kanya.
"Sige Victor kung yan ang gusto mo." ang nakangiting sagot niya sa akin.
"Yan na naman ang pamatay niyang ngiti, pwede bang itigil mo na yan" ang sabi ng isip ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Bigla ko namang naalala na hindi ko pa pala alam ang kanyang pangalan kaya sinubukan ko ulit siyang tanungin.
"Pasensya na, di ko talaga alam ang pangalan ko" sagot niya matapos ang ilang minutong pag-iisip.
Naisip ko na mahihirapan akong saliksikin ang tungkol sa pagkatao niya. Kahit pangalan man lang kasi ay hindi ko alam. Medyo matatagalan pa bago siya makaalis sa aking puder. Kaya kailangan kong tiisin at pigilan ang nararamdaman sa kanya.
"Paano yan ano ang itatawag ko sa iyo?" ang tanong ko. "Hindi naman pwede na wala kang pangalan"
"I-ikaw, bahala ka kung ano ang gusto mong ipangalan sa akin."
"Ahmm mahirap yan pero sige. Teka lang ah ano kaya...." ang sagot ko lang at nagsimulang mag-isip.
Makaraan ng halos isang minuto, "Alam ko na pwede na ba yung Adonis?"
"Bakit naman Adonis?"
"Wala lang, ang kisig mo kasi, malai ang katawan kaya naisip kong Adonis ang itawag sa iyo."
Napatakip naman ako bigla sa bibig ko sa aking nasabi. "Naku naman baka kung anong isipin niya sa akin." ang sabi ko sa aking sarili. Parang di kasi normal sa isang lalaki na purihin ang kanyang kapwa. Baka isipin nito na pinagnanasaan ko siya.
Tumingin ako sa kanya para malaman ang kanyang reaksyon at nakita kong nakangiti siya sa akin. "Ganun ba sige payag na ako" ang sabi niya.
"Ma-ma-mabuti naman kung ganoon..."ang nauutal kong sagot. Nakakaramdam pa kasi ako ng hiya.
"Sana naman hindi niya nahalata" ang bulong ko sa aking sarili.
Kinagabihan pag-uwi ko galing trabaho, nakita ko siyang nasa sala at nanonood ng NBA sa tv. Sa tingin ko ay mahilig ang taong ito magbasketball.
"Victor, nandito ka na pala, kain ka na muna, paghahain kita" sabi niya nang mapansin ang pagdating ko. Tumayo siya at pumunta sa mesa para ipaghain ako ng hapunan.
"Sige, kain ka na" ang alok niya.
Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon may taong nagsisilbi sa akin. Pakiramdam ko lalong nahulog ang loob ko sa pinapakita niyang kabaitan sa akin.
Habang kumakain ay umupo siya sa tapat ko. Medyo naiilang ako sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. Para bang pinagmamasdan niya akong kumain. Nagtaka na ako kaya tinanong ko siya.
"Adonis, Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" ang medyo nahihiya kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya sa akin."wala lang, nag-eenjoy lang ako."
Nakaramdam naman ako ng kilig sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. "Ano ibig mong sabihin at saka hindi ka naman dapat mag-enjoy sa akin, dahil sa itsura ko"
Sumagot siya na nakatitig pa rin sa akin. "Alam mo, hindi naman mahalaga sa akin ang panlabas na anyo ng tao, ang importante ay ang kalooban niya. Oo nga, hindi ka naman kasingwapo tulad ko pero nagustuhan ko ang ugali mo. Mabait ka kasi Victor. Kung hindi nga dahil sa iyo baka tuluyan na akong namatay. At saka utang na loob ko sa iyo ang pagkupkop mo sa akin. Pinatira mo ako dito sa bahay mo kahit hindi tayo magkakilala"
Halos manigas na ako sa kilig sa mga sinabi niya. Kita ko sa mga mata niya ang katotohanan sa mga sinasabi nito. "Ano ka ba, kung anu-ano naman ang sinasabi mo, binobola mo lang ako?" ang nasabi ko na lang.
"Totoo ang sinasabi ko Victor. Nasasaiyo na yan kung paniniwalaan mo" sagot niya sa akin.
"Sige naniniwala na ako." Nagkangitian kaming dalawa.
Sa kwarto habang nakahiga, iniisip ko ang mga sinabi ni Adonis kanina. Sa kauna-unahang pagkakataon, may pumuri sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam na sinasabihan ka ng maganda ng kapwa mo. Kahit alam kong totoo siya sa mga pinahayag niya, nagtataka pa rin ako kung bakit niya deretsahang nasabi ang mga bagay na iyon. Pumasok tuloy sa isip ko na baka may nararamdaman din siya para sa akin.
Kinabukasan, isang ingay ang nagpagising sa akin. Kaya lumabas ako sa terrace para alamin kung saan nanggagaling iyon. Laking gulat ko nang makita ko si Adonis na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ko at pinalilibutan ng mga babaeng naghihiyawan sa sobrang kilig sa kanya. Sa totoo lang, talagang nakakaakit ang hubad niyang katawan na pinagpapawisan, marahil nagjogging siya o naglaro ng basketball.
Medyo nasaktan ang kalooban ko sa nakikita kong pagkaenjoy niya sa mga babaeng iyon. Meron nagpapapicture, nagtatanong ng cellphone numbers, yumayakap at nagkikiss sa pisngi niya. Parang hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko kaya dali-dali akong bumalik sa loob. Medyo naiiyak na ako ng mga oras na iyon.
Hindi muna ako lumabas ng kwarto. Pilit pinapakalma ang sarili. Ayoko kasing makita niya ako sa ganitong sitwasyon, mahirap na baka malaman pa niya ang dahilan, tutal tanghali pa naman ang pasok ko.
Pasado 9am na ng bumaba ako. Naroon na siya sa mesa na kumakain ng almusal. Nang makita ako, niyaya na niya akong saluhan siya. Kalmado lang akong sinabayan siya sa pagkain.
"Victor, marami palang mga magagandang babae dito sa lugar niyo, biruin mo sila pa ang lumalapit sa akin. Habang nagjojogging ako, sinusundan nila ako at yung iba kinikilig pa! Pero wala naman akong magagawa dahil ginawa ako ng Diyos na ganito." ang pagkukuwento niya sa akin sabay nag papogi sign.
Kung gaano siya kasaya nang sabihin niya yon ay siyang kabaliktaran naman ng nararamdaman ko. Ni hindi ko magawang sakyan ang mga sinasabi niyang papuri sa kanyang sarili. Sa palagay ko nagseselos na ako kahit alam kong di dapat kasi hindi alam kong wala namang namamagitan sa amin.
Napansin naman niya ang pananahimik ko. "Victor, parang malungkot ka, may problema ba? Pwede mo sabihin sa akin." tanong niya nang may pag-aalala.
Ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanya ang lahat. Kahit papaano, natatakot akong malaman niya ang tunay kong pagkatao. Baka pandirihan, laitin o layuan niya ako tulad ng mga dati kong kaibigang lalaki. Ayokong masaktan.
"Ah wala naman, hindi lang gaano maganda ang pakiramdam ko ngayon" ang pag-aalibi ko na lang. Kita ko sa mga tingin niya na mas lalo pa siyang nag-alala.
"Sigurado ka? Alam mo dapat mong ilabas kung anuman ang nasa loob mo. Mahirap itago yan." sabi pa niya.
Pero pinanindigan ko sa aking na hindi sabihin sa kanya."Dont worry ayos lang ako." Wala na siyang nagawa. Hindi na siya nagpumilit pa.
Hindi ako makapagconcentrate sa pagtatrabaho nang araw na iyon. Naguguluhan ang isip ko dahil kay Adonis. Hindi pa nga kami pero nasasaktan na ako agad. Tama nga ang sabi ng iba diyan na hindi sa lahat ng pagkakataon na laging masaya ang pag-ibig.
Hindi kaagad ako umuwi sa bahay ng gabing iyon. Dumeretso ako sa isang bar para uminom, magkaroon man lang ng kaunting ligaya, ang panandaliang makalimot sa aking mga problema.
Medyo nahihilo na ako marahil sa tama ng nainom ko na sa tantsa ko ay anim na basong alak na. Nakita ko naman ang paglapit sa akin ng isang estranghero sa bar na iyon.
"Sir, kaya niyo pa ba, baka hindi na kayo makauwi niyan" ang narinig kong sabi niya.
"Ayos lang ako" naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Alam kong may problema ka kaya ka nag-iinom kasi ganyan din ako minsan. Hula ko pag-ibig yan"
Marahil sa kalasingan ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ilabas sa kanya ang nararamdaman ko. "Tama ka tol, alam mo ngayon lang ako nagmahal pero nasasaktan na agad. Yun bang abot-kamay mo na pero parang malayo pa rin. Nakikita ko kasi sa kanya na wala siyang nararamdaman sa akin." ang deretsahang paghahayag ko sa kanya.
"Mahirap nga yan tol, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Buti nga yan lang sa iyo, sa akin nga mas malala pa diyan. Yung girlfriend ko, nagpakasal na sa ibang lalaking gusto ng mga magulang niya." ang pag-open din niya sa akin.
Narinig ko naman ang lahat ng mga sinabi niya pero hindi na ako nakatugon pa dahil sa sobrang hilo ko na. Nang mapansin niya ito, inalok niya ako na ihatid niya ako pauwi. Pumayag na rin ako dahil sa kondisyon ko ay hindi na ako makakapagmaneho pauwi.
Siya ang nagmaneho ng kotse ko at ako ang nagtuturo ng daan sa kanya. Nang makarating, inakbayan niya ako papasok ng gate at kumatok.
"Victor" ang narinig kong sinabi ng nagbukas ng pinto.
Itutuloy..........
ito b ung kwento n nakabuntis c adonis at papakasalan sna nya ung girl kso namatay ito kc may cancer sya.. tapus nakatuloyan ni adonis ay c victor ... ito b ung kwento n2..tagal q n kc nabasa un hahah
ReplyDeleteSaan mo nabasa tol, may link ka?
ReplyDeletes bioutloud q lng nabasa un matagal n un ..baka wla n dun un.. d q lng lam qng ito nga un ah..
ReplyDeletenaku ang hirap naman ng situation ni victor. silently in love sa adonis niya na straight naman. sana makaalis na si adonis sa puder niya para mabuhay na xa ng matiwasay. update na po agad boss daredevil. =)
ReplyDeletepls huwag patayin ang kilig......bayaan na lang mag-unfold ang estorya...sarap kasi...
ReplyDelete