Sunday, May 29, 2011

MAHAL KITA Part 14

"Akyat na muna ako sa taas" ang sabi ko sa kanilang dalawa para lang makaiwas sa kung anumang usapan na mangyayari sa aming tatlo. Nagmadali akong tumungo sa aking kwarto nang hindi nakatingin sa kanila.

Habang nakahiga sa aking kama, inaalala ko ang huling pahayag ni Tonton sa akin. "Ano kaya ang sasabihin niya na dapat kong malaman?"
Pilit akong nag-aanalyze sa kung anong maaaring sabihin niya sa akin. "Baka gusto niyang ipaalam na may iba siyang girlfriend na naiwan sa probinsya. Posible iyon kung ang pagbabasehan ko ay ang kwento sa akin ng nanay niya. Pero hindi eh, may sinabi siya sa aking ang manhid ko daw. Baka naman... ARHHHH!!!! mali iyon imposible hindi pwede, babaero siya at straight. Malabo pa sa sikat ng buwan." . Hinablot ko na ang sarili kong buhok ng dalawang kamay sa sobrang gulo ng aking kautakan. Parang tanga na akong kinakausap ang aking sarili.

Nagpasiya akong maligo, nagbabakasakaling maging fresh ulit itong isip ko. Pagkatapos ay nagbihis lang ng sando at boxer short at binuksan ang aking laptop para maglaro.

Pagkaraan ng ilang minuto "Josh, halika na handa na ang meryenda" si Tonton habang kumakatok sa pintuan.
"Busog pa ako" ang sagot ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay nakakaramdam na rin ako ng gutom. Ayaw ko muna kasi siyang kausapin.
"Alam kong nagugutom ka na, umiiwas ka lang sa akin eh, Josh wag ka naman ganyan sa akin" ang narinig ko pang sinabi niya. Aba ang galing naman niya manghula kung ano ang nasa isip ko.
"Inamin ko naman sa iyo ang lahat ah. Bakit galit ka pa rin sa akin?" ang dagdag niya.

Parang naawa naman ako sa kanya. Naririnig ko kasi ang pagsusumamo sa kanya base sa tono ng kanyang boses. Hindi ako sumagot.
"Josh, talaga bang hindi ka bababa, sige dadalhan na lang kita ng pagkain dito." ang sabi pa niya.
"Wag ka nang mag-abala pa. Busog pa talaga ako. Hindi na rin ako kakain hanggang mamaya." ang sagot ko sa kanya.
"Umiiwas ka lang talaga sa akin eh. Sige aalis muna ako" ang huli niyang pahayag.

Dahil sa nangyaring iyon ay mas lalong gumulo ang utak ko. "Bakit ganoon na lang siya kaapektado kapag iniiwasan ko siya?" ang tanong ko sa aking sarili.

Sumapit na ang gabi na naroroon pa rin ako sa aking kwarto. Hindi na ako makapagconcentrate sa aking nilalaro dahil sa pagkalam ng aking sipmura. Magkagayunpaman ay pinalipas ko muna ang oras ng hapunan para hindi ko makita ang mag-ina.. Hihintayin ko muna silang umuwi bago ako bumaba para kumain.

Alas-dose na nang madaling araw, halos pitong oras na akong nandito sa kwarto at nagtitiis ng gutom. Nagpasiya na akong puminta sa kusina para kumain tutal nakauwi na rin sila.

Pagbaba, ay agad kong binuksan ang ilaw ng dining area para tignan kung may mga nakatakip na pagkain doon. Ngunit wala akong nakita kaya dumeretso na ako sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at nakita kong may hotdog. Nagpasiya akong lutuin ito.

Abala ako sa pagbabaliktad ng hotdog sa kawali nang biglang...

"Hoy sino ka? Hoy! Hoy! alisin mo nga yang kamay mo ano ba wla akong makita?" ang galit at gulat kong sambit sa taong biglang nagtakip sa aking mga mata mula sa taong nasa likod ko. 
"Tama nga ang hinala ko, hindi ka makakatiis nang hindi kumakain."

Agad kong nabosesan kung sino iyon. "Ikaw pala Tonton, pwede bang alisin mo na yang mga kamay mo masusunog na itong niluluto ko!" ang sabi ko sa kanya. Inalis na rin niya ang mga kamay sa mga mata ko.

"Bakit nandito ka pa?" ang tanong ko sa kanya.
"Nagpaiwan ako dito nagbabakasakaling bumaba ka. Pinauna ko nang umuwi si nanay. Tama ako sa aking hinala. Sige ituloy mo muna yang pagluluto mo." ang nakangising sabi niya sa akin.
_______
 Medyo naiilang ako sa ginagawa niya. Habang kumakain kasi ako ay pinapanood niya ako. Nakaupo siya sa tapat ko.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" ang tanong ko.
"Wala lang. Ang cute mo kasi. Kaya hindi na nakakapagtaka kung kutyain ka ng mga kaklase natin."

Kikiligin na sana ako nang biglang magpanting ang tenga ko sa mga huling sinabi niya. "Ano ibig mong sabihin?"
"Unang pa lang kita nakita, alam mo ang gaan na ng pakiramdam ko sa iyo" ang sagot niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya, tila tinatantsa kung nagsasabi ba siya ng totoo. At base sa aking obserbasyon sa kanyang mukha ay gusto ko nang maniwala na seryoso siya sa kanyang pahayag.Ngunit hindi ko naman isinasantabi ang posibilidad na nagbibiro lang siya para mawala ang galit ko sa kanya.

"Magaling ka palang mang-uto ano, kung yan ang mga paraan mo para hindi na ako mainis sa iyo ay nagkakamali ka."

Aktong susubo na ako ng pagkain ng mapahinto ako sa pag-abot niya sa kaliwa kong kamay at hinawakan niya ito ng kanyang mga palad.
"Alam mo Josh sa maniwala ka man o sa hindi mula nang dumating kami sa pamilya niyo, pinag-aaralan ko na kung paano ako makikibagay at makikisalamuha sa inyo lalo na sa iyo. Sobrang napakabait ng mga magulang mo at nagpapasalamat ako  dahil itinuring nila kami ni nanay isang kapamilya. At sa tingin ko ay ganoon ka rin. Kaya kahit kailan ay hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ng tiwala o magdudulot ng kalungkutan sa inyong pamilya lalo na sa iyo Josh."

Ewan ko ba parang lumalambot na ang puso ko sa kanyang mga rebelasyon. Sa ilang buwan na naming magkakilala ay wala akong natatandaang gumawa siya ng bagay na ikinagalit o ikinalungkot ko. Yung nararamdaman ko ngayon ay dahil lang sa pakikisimpatya sa mga nangyari kay Trisha.

Napatuloy siya. "Nung unang araw na ipakilala ka sa akin ng mga magulang mo, alam ko na agad ang iyong totoong pagkatao kahit pa na tinatago mo ito. Kaya nga ang sungit mo as akin diba." bahagya siyang natawa. "Kasi sa itsura mo pa lang at pagkilos. Kahit na ganoon ka as akin eh pinipilit kong mapalapit sa iyo dahil aaminin ko na masaya ako kapag kasama kita. Kailanman ay hindi nag-iba ang pagtrato ko sa iyo, alam mo yan."

Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain sa mga sinabi niya. Lalo yatang umusbong ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa pinakita niyang kabaitan sa akin. Naramdaman kong lalo pang humigpit ang paghawak niya sa aking mga kamay.

"Kung anuman ang mga nagawa kong mali sa iyo ay sana patawarin mo na ako. At please itigil mo na ang kahibangan mong paglapitin kami ni Trisha, sinasaktan mo lang ang damdamin mo eh. Alam ko napipilitan ka lang."

Medyo naluluha na ako ng mga oras na iyon. "Gusto kong sabihin sa iyo na nagpapasalamat ako dahil hindi mo ako pinabayaan. Hindi mo pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Pinagtatanggol mo ako sa mga taong nangkukutya sa akin tulad ng mga kaklase natin. Pero wag mong isipin na hindi ko inaapreciate ang mga ginawa mong iyon. Kaya naisip kong paglapitin kayo ni Trisha para maging masaya ka pati na rin siya. Alam ko naman kung gaano na kayo kalapit sa isat-isa. May picture pa nga kayong magkasama eh, nung inimbitahan ka niya pinakita sa akin ni Lalaine" ang sabi ko sa kanya.

"Ganoon na lang ba iyon, basta-basta ka na lang gumagawa ng hakbang nang hindi mo inaalam kung gusto ko ba iyon o hindi. Parang sinabi mo na rin na wala kang pakialam sa nararamdaman ko." ang sabi niya.
"Parati naman kayo magkasama di ba, at bagay kayo. Natural lang sa mundo natin na magkagustuhan ang lalaki sa isang babae."
"Pero hindi ko siya gusto Josh. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Ganyan ba talaga ang pananaw mo, na kapag nakita mong magkasama ang isang lalaki at babae, iniisip mong magkakaroon na sila ng relasyon. Pano na lang halimbawa na nakita mo akong may kasamang babae na di mo alam eh pinsan ko pala, paglalapitin mo rin kami tulad ng ginawa mo sa amin ni Trisha." si Tonton.

May punto siya sa mga sinabi niyang iyon. Ngayon ko lang nabatid na naging selfish ako, ni hindi ko man lang inalam ang side niya, kung ano ang nararamdaman niya, kung gusto ba niya ang gagawin ko sa kanya.

Tuluyan na akong napahagulgol. Hindi ko na napigilan pa ang patuloy na pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata. Inilabas ko na lahat-lahat ang mga tinatago kong emosyon.
"Sige ilabas mo lang yan. Nandito lang ako." ang sabi niya sabay tayo at tumabi ng upo sa akin. Inakbayan niya ako at hinahaplos ang likuran.

"Tama na, naiintindihan naman kita eh. Tapos na iyon, balik na tayo sa dati." ang dagdag pa niya.

Friday, May 27, 2011

MAHAL KITA Part 13

Kapansin-pansin ang panay na pagngiti ni Tonton mula sa paghahanda namin sa pagpasok hanggang sa makarating sa school. Sa corridor ay sinalubong kami ni Trisha.
"Hi Tonton." ang masigla niyang bati. 
"Hello Trish" mamaya sabay tayong kumain may pag-uusapan tayo" ang sagot ni Tonton sa kanya.

Napatingin naman ako sa kanya at umandar ang aking curiosity sa kung anuman ang sasabihin ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan na baka ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa kanilang relasyon. Baka umamin na si Tonton sa kanya at maging officially sila na.

"Ok" ang tila excited na sagot ni Trisha.
"Congratulations Trisha, sana maging masaya kayong dalawa" ang bigla kong nasambit. Ewan ko ba kung bakit ako nakapagsalita ng ganoon. Marahil sa mga iniisip kong pangamba.

Tumingin sa akin si Tonton na may pailing-iling na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Sakto namang dumating si Lalaine kaya agad ko siyang nilapitan.
"Friend mabuti dumating ka na marami akong ikukuwento sa iyo."ang sabi ko sa kanya
______
Oras na ng recess habang naglalakad kami ni Lalaine palabas ng school ay sinimulan ko na ang pagkukuwento sa kanya ng lahat. Pero bago yan ay kinumpronta ko muna siya sa ginawa niya kagabi.

"Naku Josh wala akong ibig sabihin doon. Dapat ka pa nga matuwa dahil concern sa iyo ang tao." ang sagot niya sa akin patungkol kay Tonton.
"Alam mo naman di ba na ayoko nang magkaroon ng attachment sa kanya. Saka hindi naman totoo yung concern noon, pakitang-tao lang ba dahil sa mga parents ko"
"Sa tingin ko hindi. Pero di mo ba napapansin friend yung mga ginawa niya kagabi. Talagang sumunod pa siya sa iyo ha. At gusto niyang makasama ka. Tapos nakakakilig pa yung sinabi niya kagabi yung...." si Lalaine na nag-iisip.
"yung... di ko kayang mawala ka sa aking paningin. Naks naman Josh ang haba ng hair mo"
"Tumigil ka nga diyan. Wala sa kanya yun baka nga binobola lang niya ako."
"Ay naku friend bahala ka na nga diyan. Tara na gutom na ako"

Habang kumakain kami ay sinimulan ko na ikwento sa kanya ang mga nangyari sa aming dalawa sa bahay kagabi.
"Friend kailangan ko lang ng opinyon mo kasi may di inaasahang nangyari sa bahay kagabi."
"Ano yun kung tungkol ito kay Tonton sife go!" ang sagot niya.
"Excited ka talaga ha pag si Tonton ang topic. Oo siya nga"
"O ano start na dali!"
"Huwag kang mabibigla ah. Magkatabi kaming natulog kagabi"
"WHAT! OH MY GOSH!" ang napasigaw niyang reaksyon. Napatayo siya sa upuan. Nagtinginan ang ibang mga taong kumakain din.
"Kasasabi ko lang wag kang mabibigla."
"Sorry na friend di lang ako makapaniwala na gagawin niya ang bagay na iyon." si Lalaine. Umupo na ulit siya.
"Ako rin."
"May nangyari ba sa inyo?" ang sunod niyang tanong na agad kong sinagot.
"Wala ano. Pero friend nagtataka lang ako kasi parang inaakit niya ako."
"Paanong inaakit?"
"Hinubad niya ang lahat ng kanyang damit na tumabi sa akin. Yung underwear na lang ang natira."
"Ows talaga."Bahagya nyang nilapit ang mukha sa akin at bumulong. "Malaki ba?"

Biglang nagbalik mili sa aking alaala ang mga ginawa ko sa kanya kagabi. "Oo."
"Weeeeew! Ano natsansingan mo ba siya?"

Napayuko ako.
"Guilty! Confirmed. ginahasa mo siya"
"Hindi naman. hinawakan ko lang yung ano niya yung..." ang sagot kong hindi matuloy-tuloy ang sasabihin.
"Di ba siya pumalag man lang?"
"Tulog kaya siya. Pero napansin ko na ano eh na..."
"Alam ko na. Wag mo nang ituloy. I smell something fishy"
"Ano ibig mong sabihin?"
"Ayokong sabihin pero parang kalahi mo siya Josh"
"Grabe ka. Hindi naman siguro." ang sagot ko ngunit may kaunting pag-asa akong naramdaman na kung totoo man iyon, posibleng magkagusto siya sa akin.
"Bakit hindi. Sa panahon ngayon may mga lalaki nang tinatawag na discreet o ung paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero ang puso at isip ay babae."
"Malabo mangyari ang iniisip mo. Babaero kaya siya" ang nasabi ko sa pagkaalala sa mga kwento ng nanay niya sa akin.
"Siguro nga. Ganito na lang. Wala akong masasabi pang payo sa iyo. Kailangan natin siya obserbahan."
______
Pagkabalik namin sa room, laking-gulat ko sa aking nakita. Nagpalit na ulit ng upuan sina Tonton at Trisha. Nilingon ko si Trisha at napansin ko sa kanyang mukha na malungkot siya. Ngunit kabaliktaran nito si Tonton.Kinawayan niya ako na agad umupo na sa tabi niya nang nakangiti.

"Bakit kayo nagpalit?" ang agad kong tanong sa kanya nang makaupo. 
"Gusto ko at alam kong pabor naman sa iyo ito kaya wag kang magkunwaring hindi mo rin gusto" nakangisi niyang sagot. At naalala ko bigla ang tungkol sa sinabi niya kaniang umaga na pag-uusapan nila.
"Ano pala ang mga pinag-usapan niyo kanina?" ang tanong ko. Natutunugan ko na kasi na hindi maganda ang mga sinabi nya base sa nakita kong mukha ni Trisha. Ewan ko ba parang nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Sa bahay na lang natin pag-usapan."

Hindi na ako nagpumilit pa dahil alam kong hindi ko siya mapipilit na sumagot. Nagpasiya akong lapitan si Trisha.
"Trisha, ano problema? Bakit parang malungkot ka?" umupo ako sa tabi niya.Napansin kong naluha siya.
"Wala ito. Sige balik ka na sa pwesto mo baka dumating na si mam." ang sagot niya habang pinapahid ang kanyang luha ng panyo.
Dahil na rin sa pagkahabang para sa kanya ay hinaplos ko ang kanyang likuran. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman nga si Tonton. Gusto ko na ngang tumakbo ang oras para mag-uwian na at kausapin siya.
______
"Ano yung mga sinabi mo kay Trisha kanina?" ang tanong ko sa kanya pagkapasok namin ng bahay.
"Josh relax ka lang. Magmeryenda muna tayo naghanda si nanay ng ating kakainin." ang kampante niyang sagot.
"Hindi sagutin mo ang tanong ko. Alam mo bang malungkot at umiiyak siya. Alam kong may kinalaman ka."

Umupo siya sa sofa at nagbuntong-hininga. "Ok. inamin ko sa kanya na hindi ko kayang tumbasan ang nararamdaman niya sa akin"
"Nagulat ako at nagtaka. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Alam kong may gusto siya sa akin. Ramdam ko iyon. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya eh"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga ipinahayag niya. Masaya ako dahil hindi niya gusto si Trisha. Pero sa kabila noon ay nalulungkot ako para sa kanya dahil hindi pa man nagiging sila ay nabasted na siya.
"Mali ang ginawa mo Tonton." ang sabi ko.
"Bakit naman mali? Ngayon alam ko na kung bakit mo kami pinaglalapit dalawa. Inamin na niya sa akin kanina na kinausap ka nya para tulungan mo siya"
"Sinaktan mo ang damdamin niya Tonton"
"Mas masasaktan lang siya kung patatagalin ko pa. Ayokong umasa siya sa wala."
"Di to pwede. Punatahan mo siya ngayon at humingi ka ng tawad" ang utos ko sa kanya.
"Wala akong dapat ihingi ng sorry sa kanya dahil di ako gumawa ng masama sa kanya."
"Wala? Kita mo ngang sinaktan mo ang damdamin ng tao."

Bigla siyang tumayo at nilapitan ako. Hinawakan niya ako sa braso. "Napakamanhid mo naman Josh. Hindi mo ba nagugustuhan ang mga ginagawa ko sa iyo. Hindi ka ba natutuwa sa mga ginawa ko kanina."
"Bitiwan mo nga ako! At teka sa pagkakaalam ko ay si Trisha ang pinag-uusapan natin, bakit naman ako nasali sa usapan."

Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mga mapupungay niyang mata. Ayan na naman parang nahihipnotismo na naman ako sa mga titig niya. Parang naglalaho na yata ang mga galit ko sa kanya. 
"Dahil may dapat kang malaman Josh" ang sabgot niya sa akin.
"Ano iyon?" ang tila nanlalambot ko nang tanong.

"Na...." aktong sasagot na siya nang biglang maputol ito dahil sa pagsulpot ng kanyang nanay.
"Josh, Antonio dumating na pala kayo." ang sabi niya. Kita ko ang pagkabigla niya sa nakitang posisyon naming dalawa.

Itutuloy....

PANTASYA Part 27

Kasabay ng pagkagulat kong iyon ay ang sobrang kagalakan na makita ko siyang muli. Sa ilang buwang magkalayo kami ay walang nagbago sa kanyang itsura. Napakagwapo pa rin niya. Ewan ko ba marahil sa sobrang saya ay hindi na ako nakapagsalita at natulala na lang sa kanya.

"Happy birthday baby boy" ang bungad mong bati sa akin na talagang namiss ko. Pakiramdam ko ay nagbalik ako sa pagkabata. Naiyak muli ako pero sa mga oras na iyon ay tears of joy na.

Ngumiti ka sa akin ng pagkatamis-tamis na isa sa mga dahilan ng pagkahumaling ko sa iyo.
"Ganito na lang ba tayo magtititigan, hindi mo man lang ba ako papapasukin sa iyong silid?" ang tanong mo sa akin ngunit hindi kaagad ito rumehistro sa aking isip. Parang bumagal na rin ang pag-andar ng aking kautakan.

"Ok fine" ang sunod mong sinabi. Bigla naman akong nagbalik sa katinuan sa sunod mong ginawa. Pumasok ka sa aking kuwarto at nilock ang pinto.

Niyakap mo ako ng mahigpit at pagkatapos ay nagdikit ang ating mga labi. Wala akong magawa kundi ang magpaubaya. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na talagang namiss ko siya. Ramdam ko sa kanya ang magkahalong init at pagmamahal sa kanyang mga halik. Ilang segundo rin tumagal ito hanggang sa siya ang unang kumalas.

Tinitigan niya ako. Ako naman ay ganoon pa rin, hindi makapagsalita. Pagkatapos noon ay itinulak mo ako pahiga sa kama. Pumaibabaw ka sa akin. Muli ay naghinang ang aming mga labi.

Sa mga oras na iyon ay binalot na ng aking utak at puso ang matinding init at pagnanasa sa kanya. Habang naghahalikan ay tinatanggal namin ang aming mga suot na damit hanggang sa mahubo't hubad.

At tuluyan na naming inilabas ang nag-aalab naming mga damdamin.
______
"Kuya Carlo" tawag ko sa kanya matapos ang makamundo naming pagtatalik. Magkatabi pa rin kami sa kama na kapwa nakahubad. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib habang hinahaplos niya ng kanyang mga daliri ang aking buhok na tila nilalaro ito.
"Bakit baby boy?"
"Gusto ko lang sabihing masaya ako dahil nagkasama tayong muli. Sobra kitang namiss."
"Parehas lang tayo. Kung alam mo lang ang mga ginagawa ko nitong mga nagdaang buwan na wala ka."

Bigla na naman akong kinabahan sa pahayag niyang iyon. Naalala ko kasi yung kinuwento niya sa akin dati tungkol sa ginawa niya noong nasa ibang bansa siya. 
"Huwag mong sabihin na nambabae ka na naman. Baka may nadale ka na naman ah" ang sabi ko sa kanya.
"Alam mo Rico, noon pa man pinangako ko na sa sarili ko na pagbalik ko dito sa Pilipinas ay hindi ko na uulitin pa ang gawaing iyon. Kaya wag ka nang mag-isip ng ganoon tungkol sa akin ha" ang sagot niya.
"Mabuti naman kung ganoon kasi baka hindi ko na kayanin pa kung mauulit pang may sumulpot na babae na nabuntis mo at yayayain ka ng kasal tulad ng ginawa ni Marianne."

"Itinaas niya ng kanyang isang kamay na tila nanunumpa. "Promise cross my heart. Hindi na mauulit pa iyon. Kuntento na ako sa kung anong meron sa akin ngayon, si Angel."

"Ok so ano ba talaga yung ginawa mo habang wala ako?" ang tanong ko sa kanya.
"Simpe lang ang pagtiyagaan tignan ang iyong mga larawan. Halos lahat yata ng magazine na ikaw ang cover binili ko na. Sa laptop at phone ko ay ikaw ang wallpaper. At siyempre pinapanood kita sa mga event"

Nagulat naman ako sa mga sinabi niyang iyon. Lalo na sa huli niyang sinabi. "Ikaw talaga ah pinagpapantasyahan mo ako" ang biro ko sa kanya.
"Parehas lang tayo" ang sagot niya. Nagkarawanan kami saglit. Maya-maya pa ay naging seryoso muli ang usapan.

"Rico, patawarin mo sana ako sa mga ginawa kong kasalanan sa iyo"
"Hindi mo na kailangang sabihin pa iyan at saka pinatawad na kita. Kung tutuusin ay ako pa dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo. Naawa kasi ako sa mga nangyari sa iyo."
"Naawa?"
"Oo, alam ko na lahat kuya Carlo. Sinabi sa akin ng mga empleyado mo sa kompanya ang lahat."
"Ganoon ba, hayaan mo na iyon ang impotante ay magkasama na tayong muli. Tadhana na talaga nating magkatuluyan dahil sa mga nangyari sa akin."
"Salamat Kuya Carlo"
"Tama na nga muna ang drama. Tara lumabas na tayo at harapin ang mga bisita." ang sabi niya sa akin.
______
Sabay kaming nagtungo sa garden kung saan ginaganap ang aking party. At doon ay sinalubong kami ni Jerome.
"Congrats sa inyong dalawa sir" ang sabi ni Jerome kay Kuya Carlo.
"Salamat sa lahat ng tulong mo Jerome." sagot niya at nagkamayan silang dalawa.
"Anong ibig sabihin nito?" ang nagtataka kong tanong matapos marinig ang kaniyang mga sinabi.
"Mahabang kuwento. Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo." ang nakangiti niyang sagot sa akin.
"Oo nga tol, kaya mabuti pa at sulitin na natin ang kasiyahan ngayong gabi." ang sabi naman ni Jerome sa akin.

 Maya-maya nagsilapitan ang mga empleyado ni Kuya Carlo.
"Uy! nagkabalikan na sila"
"Tignan niyo naman mga kasama, bumalik na ulit ang mga ngiti sa mukha ni Sir Carlo"
"Mabuti naman, at least hindi na kami kakabahang lumapit  at kausapin siya sa trabaho"
"Si Rico lang pala ang gamot sa nagdurugong puso ni Sir Carlo"
Nagkatawanan lang kaming dalawa ni Kuya Carlo.

Matapos noon ay nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. Siyempre may kaunting inuman na rin. Naputol lang ito sa paglapit sa amin ni nanay at ng aking kapatid.

"Masaya ako para sa inyong dalawa." si nanay.
"Tol, wag na wag mo na ulit sasaktan ang kapatid ko kundi..." ang sabi naman ni kuya sabay patunog ng kanyang kamao na tila nagpapahiwatig na susuntukin siya. "makakatikim na nito. At kalimutan mo na kaibigan mo ako"
"Oo tol, pangako." ang sagot ni kuya Carlo.

Nagtapos ang aking party sa gabing iyon na masaya at maayos.
______
Kinabukasan, dumalaw ulit si Kuya Carlo sa aming bahay pero sa pgkakataong iyon ay kasama na niya si Angel.
"Hi Uncle Carlo." ang bati sa akin ni Angel.
"Hello Angel, halik ka nga kay Uncle, namiss kita ah. At ang laki mo na" ang sabi ko sa kanya na sinunod naman. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thank you uncle, masaya na ulit ang daddy ko"
"Wow Angel nakakapagtagalog ka na" ang gulat kong sambit.
"Tinuturuan na kasi siya ni Mama na magtagalog. Madali naman siya matuto" ang paliwanag ni Kuya Carlo.

Umupo ako sa sofa at kinandong ang bata. Hinaplos ko siya sa ulo. Maya-maya nagtanong siya sa akin na hindi ko inaasahan. "Uncle Carlo, Can I call you Dad?"
Napatingin ako kay Kuya Carlo at nakita kong nakangisi lang siya sa amin. Naisip kong tinuruan niya ang kanyang anak.
"Uncle is enough for me my dear" ang sagot ko sa bata.
"Sige na po Please." ang tila pagmamakaawa ng bata.
"Sige na pagbigyan mo na ang bata." si Kuya Carlo na kinukumbinsi ako.
"Wala na akong magagawa sige, you can call me Dad." ang pagpayag ko.

Kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Angel. "Yehey dalawa na ang daddy ko." Tumayo siya at nagtatatalon. Nagkatawanan lang kami ni Kuya Carlo sa inasta ng bata.

Itutuloy....

Monday, May 23, 2011

MAHAL KITA Part 12

"Uy natutulala ka na naman sa akin baka matunaw na ako niyan" ang nakangiti niyang sambit. Agad namang bumalik ang aking ulirat.
"Ako nakatingin sa iyo, hindi ano?" ang pagdedeny ko.
Pero ngumisi lang siya sa sagot ko. "Ikaw talaga kahit di ka umamin alam ko na pinagnanasaan mo ako"

Napapalunok na lang ako ng laway sa sinabi niyang iyon. Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib at ang mga mata ko ay nakatutok lang sa kisame.
"Kita mo hindi ka na makatingin sa akin dahil totoo ang sinasabi ko di ba?"
"Ah eh wa-wag ka ngang mag-isip ng ga-ganyan. Su-sumoso-sobra ka na Tonton ha" ang nauutal ko nang pahayag sa kanya

Hindi na siya sumagot. Sa halip ay nagtanggal siya ng damit. Ang akala ko ay uniporme lang ang kanyang huhubarin ngunit hindi pala. Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil ang suot niyang sando panloob ay hinubad niya din. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hoy, a-a-anooo ang ginagawa mo?" ang nauutal kong tanong sa kanyang ginagawa.
"Oh ito pagbibigyan na kita, naghubad na ako ng damit para mas lalo mong makita" ang pahayag niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Siraulo ka kahit ganito ako hindi naman ako mapagsamantalang tao gaya ng iniisip mo"
"Totoo, pero sa mga titig mo sa akin...Pero seryoso Josh kung gusto mo naman sabihin mo lang pagbibigyan kita."

Bigla akong nag-init sa sinabi niyang iyon na halos pagpawisan na. Hindi ko inaasahan na siya pa ang mag-aalok ng ganoong bagay sa akin. Parang gusto ko na nga sunggaban ang pagkakataon pero mas pinili kong labanan na lang ang kung anong nararamdaman ko dahil iniisip ko ang mga maaaring kahinatnan kung gagawin ko iyon.

"Hindi ko alam na may pagkamalibog ka pala Tonton" ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Masyado ka naman kung makapag-isip. Ok kung ayaw mo di wag." ang sagot niya.

Maya-maya ay hinubad na niya ang kanyang suot na pantalon. Natira na lang sa kanya ang suot niyang puting brief. At di lang yan humiga pa siya sa kama katabi ko. Napaupo ako bigla.
"Hoy kwarto ko to ah"
"Alam ko, hindi ko naman inaangkin ito. Makikitulog lang ako" ang sagot niya na nakapikit lang ang mata habang nakapatong ang kanyang ulo sa nakataas niyang kanang braso.
"Hindi ako papayag. Pwede ba wala akong panahon sa mga ganyang biro mo. Umuwi ka na Tonton"
"Tumigil ka na Josh, alam ko rin namang gusto mo akong makatabi eh. Humiga ka na nga" ang sagot niya.

Gamit ang kanyang kaliwang braso, tinulak niya ako para makahiga.
_______

Madaling-araw na ay hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil nakakaramdam pa rin ako ng di maipaliwanang na pag-iinit sa katawan. Naninigas na nga ang aking pagkalalaki. Paano ba naman, katabi ko ngayon ang taong mahal ko. Aaminin kong nasiyahan ako. Sa unang pagkakataon kasi ay nasilayan ko nang malapitan ang kayang matipunong pangangatawan. At di lang yan may bonus pa dahil nakita ko na rin ang hubog ng kanyang pagkalalaki. Sa pagkakaumbok nito sa kanyang brief masasabi kong may kalakihan ito.

Bumangon ako at umupo para pagmasdan ko kanyang kabuuan habang natutulog nang nakatihaya. Ganoon pa rin ang posisyon niya nakapatong parin ang kanyang ulo sa braso. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Perfect talaga ang taong ito. Nasa kanya na ang lahat, kakisigan, kagwapuhan at talino. Hindi kataka-taka ng magkagusto nga si Trisha sa kanya. Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Antonio Mendoza sa buhay?" ang nasabi ko sa kanyang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas, habang pinagmamasdan ko pa rin siya, tila tumitindi ang aking pagnanasa sa kanya. Sa katunayan nga ay natutukso na nga ako na hawakan ang kanyang pagkalalaki. Kaya nagpasiya akong gawin iyon. Inobserbahan ko siya ng ilang segundo kung mahimbing na ang kanyang tulog. At nang makumpirmang tulog na tulog na siya dahil sa may mahinang paghilik na maririnig ay pasimple kong nang dinampi ang aking mga palad sa kanyang  pagkalalaki.

Halos magdeliryo na ako at sobrang pinagpapawisan nang tuluyan kong masalat iyon. Ganito pala ang pakiramdam na makahawak ka ng ari ng ibant tao palibhasa lagi na lang ang sarili ko ang aking hinahawakan sa araw-araw.

Maya-maya pa ay nararamdaman ko na tila lumalaki pa ito. At nakumpirma ko na tinitigasan na pala siya. Bigla naman akong kinabahan dahil baka gising na siya. Pero hindi agad ako nakatayo dahil sa kagustuhang makita ang itsura nito. Di nagtagal ay tuluyang kumislot ito na parang gusto nang makawala sa kanyang suot na brief. Nakalabas na ang ulo nito sa bandang gilid.

Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi na ako nakapagpigil pa. Dali-dali akong tumayo at tumungo ng banyo para doon ilabas ang lahat.

Paglabas ko ng banyo, napansin ko na nag-iba na siya ng posisyon. Nakatagilid na siya sa kaliwa. Hindi pa rin nawawala ang aking kaba na baka naramdaman niya ang ginawa ko. Kaya ang ginawa ko ay humiga na lang ulit sa kanyang tabi at pinikit na lang ang aking mga mata para magpaantok. Naging epektibo naman ito dahil nakatulog na ako. 
______
Kinabukasan, naalimpungatan na lang ako dahil sa may mabigat na nakapaton sa aking dibdib at hita. Nang idilat ko ang aking mga mata, nakita kong nakapatong pala ang mga braso ni Tonton at nakadantay ang isa niyang hita sa akin. Nakayakap pala siya at mahimbing pa rin ang tulog. Napapangiti na lang ako. Gustuhin ko man na magtagal pa kami as ganoong posisyon ay hindi pwede dahil sa may pasok pa kami. Kaya agad kong inalis ang kanyang braso at hita at bumangon na para makapaghanda sa pagpasok. Hindi ko na siya ginising.

Pagkababa ay agad akong dumeretso sa hapag-kainan. Sakto namang nakahanda na ang almusal.
"Sir Josh, kain na po kayo, si Tonton gising na ba?" ang tanong niya sa akin. Alam pala niya na sa kuwarto ko natulog ang kanyang anak.
"Tulog pa po. Mauna na akong kumain sa kanya" ang sagot ko.

Habang kumakain ay sinabayan na ako ng kanyang ina.
"Kamusta na po ang tulog niyo Sir naging maayos ba?" ang tanong niya sa akin habang kumakain.

Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi mula sa aming pag-uusap hanggang sa aming pagtulog. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala na baka naramdaman niya ang mga ginawa ko sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya. "Opo" ang sagot ko.
"Mabuti naman po kung ganoon. Alam niyo po, hindi ako makapaniwala sa anak kong iyan na tumabi sa iyo sa pagtulog. Aba eh nung nasa probinsya pa kami kahit marami siyang mga babae ay wala ako nabalitaang may tinabihan siya sa isa sa kanila."

Nagtaka naman ako sa pahayag na iyon ng kanyang ina. Napakaimposible kasi na sa itsura niyang iyon ay walang babae na tumatabi sa kanya. Napakaimposible namang aayaw siya sa mga ganoon, kahit sino namang lalaki ay hindi tututol na tumabi sa isang babae lalo na kung karelasyon niya ito dahil pabor kasi sa kanila iyon. Ngunit may isang parte din ng aking utak ang di naniniwala sa sinabi niya. Malay ba niya baka wala lang naikukuwento sa kanya ang anak niya tungkol sa mga bagay na iyon.

Naputol ang pag-uusap naming iyon nang mapansin namin ang pagbaba ng hagdan ni Tonton. Nagulat na lang ako dahil suot na niya ang isa kong boxer short habang nanatiling nakahubad pa rin ang pang-itaas. Gusto ko sana siyang kumprontahin ngunit nabura na iyon sa akingisip nang makita ko ang umbok ng kanyang pagkalalaki. Halatang medyo matigas pa rin iyon. At naisip kong muli ang lahat ng mga nangyari kagabi.

Hihikab-hikab siyang lumapit sa amin.
"Good Morning nay" ang bati niya sa ina.
"Good Morning din Josh" ang baling niya sa akin. Nang tignan ko siya ay nakangiti lang ito na pilyo. Kahit magulo ang kanyang buhok ay guwapo pa rin siya. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

Umupo siya sa aking tabi. "Pahiram muna nitong boxer mo ha, wala kasi akong dalang damit" ang bulong niya sa akin.
"Suot mo na nga eh, makakatanggi pa ba ako" ang sagot kong hindi nakatingin sa kanya.
"Kaya nga sinuot ko na" sabi niya sabay hagikgik. "Siyangapala, salamat sa pagpayag mo na matulog sa kwarto mo." ang dagdag niya.
Sumagot ang kanyang ina. "Aba anak ngayon lang kita nakitang may tinabihan ah at mukhang masaya ka"
"Opo nay. Grabe ang sarap pala katabi nitong si Josh dahil may nayayakap ako."

Napatingin bigla kami ng nanay niya sa sinabi niyang iyon nang may pagkagulat.

Sunday, May 22, 2011

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 2

Isang bahagi ng isip ko ang nagdidikta sa akin na hindi tama ang mahalin ko siya. Siyempre, hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao. Isa pa, napaka imposible naman na pumatol ang isang lalaki sa kanyang kapwa lalo na sa isang kagaya kong hindi naman kagwapuhan. At kung maging kami man, baka masaktan lang ako kapag dumating na ang oras na bumalik ang kanyang alaala.

Kaya isang plano ang naisip ko upang hindi tuluyang mahulog ang aking loob sa kanya. Sisimulan ko na agad na magsaliksik tungkol sa totoo niyang katauhan. Aalamin ko kung sino ang mga taong nakakakilala sa kanya nang sa gayon ay makalayo na siya sa akin.

Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng isang pagkain. Pagkababa ko, nakita ko siya na naghahain na ng almusal sa lamesa.

"Gising ka na pala, hali ka kumain na po kayo Sir Victor" ang paanyaya niya sa akin. Ngunit parang nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makuha ng aking atensyon ang kanyang katawan. Nakahubad kasi siya ng mga oras na iyon. Grabe, ang ganda talaga ng pangangatawan niya, Halatang hinubog sa gym o di kaya'y sa mabibigat na gawain.
"Ok lang po kayo Sir" tanong niya na nagpabalik muli ng aking ulirat.
"Oo ayos lang ako, sige sumabay ka na rin sa akin." sagot ko sa kanya habang naglalakad patungo sa mesa. Sabay kaming umupo.
"Siya nga pala, wag ka nang mag po at opo sa akin. Huwag mo rin akong tatawaging Sir. Victor lang ayos na sa akin. Parang ginagawa mo akong matanda niyan e 25 pa lang ako." sabi ko sa kanya.
"Sige Victor kung yan ang gusto mo." ang nakangiting sagot niya sa akin.
"Yan na naman ang pamatay niyang ngiti, pwede bang itigil mo na yan" ang sabi ng isip ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Bigla ko namang naalala na hindi ko pa pala alam ang kanyang pangalan kaya sinubukan ko ulit siyang tanungin.
"Pasensya na, di ko talaga alam ang pangalan ko" sagot niya matapos ang ilang minutong pag-iisip.

Naisip ko na mahihirapan akong saliksikin ang tungkol sa pagkatao niya. Kahit pangalan man lang kasi ay hindi ko alam. Medyo matatagalan pa bago siya makaalis sa aking puder. Kaya kailangan kong tiisin at pigilan ang nararamdaman sa kanya.
"Paano yan ano ang itatawag ko sa iyo?" ang tanong ko. "Hindi naman pwede na wala kang pangalan"
"I-ikaw, bahala ka kung ano ang gusto mong ipangalan sa akin."
"Ahmm mahirap yan pero sige. Teka lang ah ano kaya...." ang sagot ko lang at nagsimulang mag-isip.

Makaraan ng halos isang minuto, "Alam ko na pwede na ba yung Adonis?"
"Bakit naman Adonis?"
"Wala lang, ang kisig mo kasi, malai ang katawan kaya naisip kong Adonis ang itawag sa iyo."

Napatakip naman ako bigla sa bibig ko sa aking nasabi. "Naku naman baka kung anong isipin niya sa akin." ang sabi ko sa aking sarili. Parang di kasi normal sa isang lalaki na purihin ang kanyang kapwa. Baka isipin nito na pinagnanasaan ko siya.

Tumingin ako sa kanya para malaman ang kanyang reaksyon at nakita kong nakangiti siya sa akin. "Ganun ba sige payag na ako" ang sabi niya.
"Ma-ma-mabuti naman kung ganoon..."ang nauutal kong sagot. Nakakaramdam pa kasi ako ng hiya.
"Sana naman hindi niya nahalata" ang bulong ko sa aking sarili.

Kinagabihan pag-uwi ko galing trabaho, nakita ko siyang nasa sala at nanonood ng NBA sa tv. Sa tingin ko ay mahilig ang taong ito magbasketball.
"Victor, nandito ka na pala, kain ka na muna, paghahain kita" sabi niya nang mapansin ang pagdating ko. Tumayo siya at pumunta sa mesa para ipaghain ako ng hapunan.
"Sige, kain ka na" ang alok niya.

Sobrang tuwa ang nararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon may taong nagsisilbi sa akin. Pakiramdam ko lalong nahulog ang loob ko sa pinapakita niyang kabaitan sa akin.

Habang kumakain ay umupo siya sa tapat ko. Medyo naiilang ako sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. Para bang pinagmamasdan niya akong kumain. Nagtaka na ako kaya tinanong ko siya.
"Adonis, Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" ang medyo nahihiya kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya sa akin."wala lang, nag-eenjoy lang ako."
Nakaramdam naman ako ng kilig sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. "Ano ibig mong sabihin at saka hindi ka naman dapat mag-enjoy sa akin, dahil sa itsura ko"
Sumagot siya na nakatitig pa rin sa akin. "Alam mo, hindi naman mahalaga sa akin ang panlabas na anyo ng tao, ang importante ay ang kalooban niya. Oo nga, hindi ka naman kasingwapo tulad ko pero nagustuhan ko ang ugali mo. Mabait ka kasi Victor. Kung hindi nga dahil sa iyo baka tuluyan na akong namatay. At saka utang na loob ko sa iyo ang pagkupkop mo sa akin. Pinatira mo ako dito sa bahay mo kahit hindi tayo magkakilala"

Halos manigas na ako sa kilig sa mga sinabi niya. Kita ko sa mga mata niya ang katotohanan sa mga sinasabi nito. "Ano ka ba, kung anu-ano naman ang sinasabi mo, binobola mo lang ako?" ang nasabi ko na lang.

"Totoo ang sinasabi ko Victor. Nasasaiyo na yan kung paniniwalaan mo" sagot niya sa akin.
"Sige naniniwala na ako." Nagkangitian kaming dalawa.

Sa kwarto habang nakahiga, iniisip ko ang mga sinabi ni Adonis kanina. Sa kauna-unahang pagkakataon, may pumuri sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam na sinasabihan ka ng maganda ng kapwa mo. Kahit alam kong totoo siya sa mga pinahayag niya, nagtataka pa rin ako kung bakit niya deretsahang nasabi ang mga bagay na iyon. Pumasok tuloy sa isip ko na baka may nararamdaman din siya para sa akin.

Kinabukasan, isang ingay ang nagpagising sa akin. Kaya lumabas ako sa terrace para alamin kung saan nanggagaling iyon.  Laking gulat ko nang makita ko si Adonis na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ko at pinalilibutan ng mga babaeng naghihiyawan sa sobrang kilig sa kanya. Sa totoo lang, talagang nakakaakit ang hubad niyang katawan na pinagpapawisan, marahil nagjogging siya o naglaro ng basketball.

Medyo nasaktan ang kalooban ko sa nakikita kong pagkaenjoy niya sa mga babaeng iyon. Meron nagpapapicture, nagtatanong ng cellphone numbers, yumayakap at nagkikiss sa pisngi niya. Parang hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko kaya dali-dali akong bumalik sa loob. Medyo naiiyak na ako ng mga oras na iyon.

Hindi muna ako lumabas ng kwarto. Pilit pinapakalma ang sarili. Ayoko kasing makita niya ako sa ganitong sitwasyon, mahirap na baka malaman pa niya ang dahilan, tutal tanghali pa naman ang pasok ko.

Pasado 9am na ng bumaba ako. Naroon na siya sa mesa na kumakain ng almusal. Nang makita ako, niyaya na niya akong saluhan siya. Kalmado lang akong sinabayan siya sa pagkain.

"Victor, marami palang mga magagandang babae dito sa lugar niyo, biruin mo sila pa ang lumalapit sa akin. Habang nagjojogging ako, sinusundan nila ako at yung iba kinikilig pa! Pero wala naman akong magagawa dahil ginawa ako ng Diyos na ganito." ang pagkukuwento niya sa akin sabay nag papogi sign.
Kung gaano siya kasaya nang sabihin niya yon ay siyang kabaliktaran naman ng nararamdaman ko. Ni hindi ko magawang sakyan ang mga sinasabi niyang papuri sa kanyang sarili. Sa palagay ko nagseselos na ako kahit alam kong di dapat kasi hindi alam kong wala namang namamagitan sa amin.
Napansin naman  niya ang pananahimik ko. "Victor, parang malungkot ka, may problema ba? Pwede mo sabihin sa akin." tanong niya nang may pag-aalala.
Ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanya ang lahat. Kahit papaano, natatakot akong malaman niya ang tunay kong pagkatao. Baka pandirihan, laitin o layuan niya ako tulad ng mga dati kong kaibigang lalaki. Ayokong masaktan.
"Ah wala naman, hindi lang gaano maganda ang pakiramdam ko ngayon" ang pag-aalibi ko na lang. Kita ko sa mga tingin niya na mas lalo pa siyang nag-alala.
"Sigurado ka? Alam mo dapat mong ilabas kung anuman ang nasa loob mo. Mahirap itago yan." sabi pa niya.
Pero pinanindigan ko sa aking na hindi sabihin sa kanya."Dont worry ayos lang ako." Wala na siyang nagawa. Hindi na siya nagpumilit pa.

Hindi ako makapagconcentrate sa pagtatrabaho nang araw na iyon. Naguguluhan ang isip ko dahil kay Adonis. Hindi pa nga kami pero nasasaktan na ako agad. Tama nga ang sabi ng iba diyan na hindi sa lahat ng pagkakataon na laging masaya ang pag-ibig.

Hindi kaagad ako umuwi sa bahay ng gabing iyon. Dumeretso ako sa isang bar para uminom, magkaroon man lang ng kaunting ligaya, ang panandaliang makalimot sa aking mga problema.

Medyo nahihilo na ako marahil sa tama ng nainom ko na sa tantsa ko ay anim na basong alak na. Nakita ko naman ang paglapit sa akin ng isang estranghero sa bar na iyon.
"Sir, kaya niyo pa ba, baka hindi na kayo makauwi niyan" ang narinig kong sabi niya.
"Ayos lang ako" naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Alam kong may problema ka kaya ka nag-iinom kasi ganyan din ako minsan. Hula ko pag-ibig yan"
Marahil sa kalasingan ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ilabas sa kanya ang nararamdaman ko. "Tama ka tol, alam mo ngayon lang ako nagmahal pero nasasaktan na agad. Yun bang abot-kamay mo na pero parang malayo pa rin. Nakikita ko kasi sa kanya na wala siyang nararamdaman sa akin." ang deretsahang paghahayag ko sa kanya.
"Mahirap nga yan tol, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Buti nga yan lang sa iyo, sa akin nga mas malala pa diyan. Yung girlfriend ko, nagpakasal na sa ibang lalaking gusto ng mga magulang niya." ang pag-open din niya sa akin.
Narinig ko naman ang lahat ng mga sinabi niya pero hindi na ako nakatugon pa dahil sa sobrang hilo ko na. Nang mapansin niya ito, inalok niya ako na ihatid niya ako pauwi. Pumayag na rin ako dahil sa kondisyon ko ay hindi na ako makakapagmaneho pauwi.

Siya ang nagmaneho ng kotse ko at ako ang nagtuturo ng daan sa kanya. Nang makarating, inakbayan niya ako papasok ng gate at kumatok.

"Victor" ang narinig kong sinabi ng nagbukas ng pinto.

Itutuloy..........

Saturday, May 21, 2011

MAHAL KITA Part 11

Nagtagal pa ang aming pag-uusap ni Lalaine hanggang sa inabot na ako ng gabi sa kanila. Doon na rin ako naghapunan sa kanila. Pagkatapos ay hinatid na niya ako pauwi sa aming bahay. Pasado alas 9 ng gabi na ako nakarating.

Pagkapasok ko ng pintuan, napansin ko si Tonton na nakaupo sa sofa. Naisip ko na kararating lang niya dahil sa hindi pa siya nakakapagpalit ng kanyang uniporme. Iniangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin at nagulat ako sa aking nakita. Malamlam ang kanyang mga mata, marahil ay may dinaramdam siya na di ko mawari kung ano. 

"Tonton, bakit nandito ka pa gabi na ah?" ang naitanong ko sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" ang sagot niyang patanong din na nakatitig pa rin sa akin.
"Ah eh napasarap lang kami ni Lalaine ng kuwentuhan sa kanila." ang sagot ko.
"Ganun ba. Kumain ka na ba, kanina ka pa namin hinihintay ni nanay"
"Oo, kina Lalaine na ako naghapunan."

 Kita ko ang kanyang pagbubuntung-hininga. Yumuko siya na nakapatong ang mga siko sa kanyang binti. Maya-maya nagtanong siya na ikinagulat ko. "Josh, iniiwasan mo ba ako?"

Naisip ko bigla na baka nakakahalata na siya sa mga ginagawa ko o kaya naman ay alam na niya.
"Ako iiwas sa iyo, hindi ah. Bakit ko naman gagawin sa iyo yun. At isa pa kung iniiwasan kita e di sana ay hindi kita kinakausap ngayon" ang sagot ko.

Tumingin siya ulit sa akin. Kita ko sa kanya na may gusto siyang itanong sa akin pero hindi niya masabi-sabi ito. Kaya agad na akong nagpaalam sa kanya. Baka kung saan pa mapunta itong usapan namin.
"Kung wala ka nang otatanong eh, aakyat na ako. Inaantok na ako. Umuwi ka na rin para makapaghinga. May pasok pa tayo bukas."

Tumango lang siya sa akin. Habang naglalakad ako paakyat, napapansin ko na sinusundan niya ako ng tingin. Binalewala ko na lang iyon.

Sa kuwarto ay tinawagan ako ni Trisha. 
"Hello Trisha napatawag ka"
"Pasensya na Josh kung nakakaistorbo ako. Gusto ko lang sana magpasalamat sa iyo"
"Naku wala iyon." ang sagot ko.
"Hindi lang yan ang dahilan ng pagtawag ko, meron pa kasi akong gustong ihingi ng pabor sa iyo kung ok lang" si Trisha na medyo nahihiya pa sa tono ng boses.
"Sige ok lang, sabihin mo para matulungan kita"
"Josh kung pwede sana ay magpalit tayo ng upuan bukas"

Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng lungkot sa pabor niyang iyon pero pumayag na rin ako.
"Oo naman walang problema. So kita-kits na lang tayo bukas" ang sagot ko sa kanya.
"Sige Josh thank you talaga ah, ang bait mo talaga"
Bahagya naman ako napangiti sa mga huling sinabi niya. "Ito naman nambobola ka pa sige bye na"
"Oki thanks talaga Josh ah bye!"
_______
Kinabukasan, habang nag-aagahan ay wala kaming kibuan dalawa. Ganoon din habang nasa biyahe kami papasok ng school.

Pagkapasok namin sa room nakita ko si Trisha na nakaupo na sa aking silya kaya dumako na rin ako sa dati niyang unuupuan. Nang tignan ko si Tonton ay kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Medyo nakasimangot rin siya. Kung anuman ang iniisip niya ay hindi ko na binigyang pansin iyon.

Habang nagkaklase ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Tonton. At laking gulat ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Ako na rin ang unang nag-iiwas ng tingin sa kanya. 

Oras na ng recess.Sabay kami ni Lalaine na lumabas ng room papuntang canteen.
Habang naglalakad. "Teka Josh sabay na ako sa inyo" si Tonton na humahabol sa amin. Kita naman namin sa likod niya si Trisha.
"Ha eh naku wag na lang, sa labas kami ng school kakain ni Lalaine eh medyo malayo yun" ang maagap kong pagsagot.
Agad na sumabat si Lalaine. "Oo nga Ton, nakakahiya naman kung paglalakarin ka namin, kasama mo pa naman si Trisha oh"
"Tama siya, kaya kayo na lang ang magsabay. Sige mauuna na kami sa inyo. Tara na friend" ang sagot ko sabay hila sa mga kamay ni Lalaine na tila kinakaladkad na para makalabas ng school. 

Nang dumating ang uwian, ganoon pa rin ang aking ginawa. Kay Lalaine pa ako sumabay. Bago kami magpunta sa kanila  namasyal muna kami sa mall, pampalipas oras kumbaga.

"Friend napapagod na ako sa kakaikot natin eh wala naman tayo nabili" si Lalaine.
"Pasensya ka na, sige doon muna tayo magpahinga sa foodcourt, magmeryenda na rin tayo doon" ang yaya ko sa kanya.

Nasa kasagsagan na kami ng aming pagkain nang mapatigil kami sa taong lumapit at umagaw amin ng pansin. Nang lingunin namin ay laking gulat ko, si Antonio na may dala ring tray ng pagkain. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lalaine ng may pagtataka.

"Pa share naman sa inyo" ang magiliw niyang pahayag. Wala na kaming nagawa kundi ang pumayag. Tumabi ng upo sa akin si Tonton.

Agad ko namang nilibot ang aking mga mata sa paligid, para alamin kung kasama niya si Trisha.
"Hindi ko siya kasama, nauna na siyang umuwi. Tinawagan ng mom niya kanina." si Tonton na marahil ay napansin ang aking ginagawa.
"Ano ka ba hindi naman siya ang hinahanap ko. Tumitingin lang ako ng ibang mabibilhan ng pagkain" ang agad kong palusot.
Pero sinuklian lang niya ito ng pilyong ngiti na may kasamang pag-iling. Alam kong hindi siya naniwala sa sinabi ko.
"Ah eh Lalaine, pagkatapos pala nito doon muna tayo sa inyo ah" ang sabi ko.
Akmang sasagot na sana si Lalaine nang biglang sumabat itong si Tonton. At umakbay sa akin. "Ui sama naman ako diyan"
Dahil doon ay wala na kaming nagawa ni Lalaine.

______
Ilang minutong namayani ang katahimikan sa bahay ni Lalaine buhat ng makarating kami. Marahil ay nakahalata si Tonton ay siya ang unang nagbukas ng aming usapan.
"Lalaine salamat pala at pumayag kang isama ako dito sa bahay niyo."
"Oo naman, lahat naman ng mga classmates natin ay welcome dito hehehe" ang sagot ni Lalaine.
"Talaga so pwede na pala ako pumunta dito araw-araw, sa wakas alam ko na rin kung saan ko pupuntahan itong si Josh" ang pahayag ni Antonio at umakbay sa akin. "Ayaw ko kasing mawala siya sa paningin ko" ang dagdag niya.

Dahil doon ay napalingon ako sa kanya. At nakita ko siyang nakangiti lang sa akin. Tila nakaramdam na naman akong pagkahumaling sa kanya pero agad kong pinigilan ang aking sarili.
"Ano ba yang pinagsasasabi mo Tonton?" ang tanong ko sa kanya.
"Bakit ka nagrereklamo, baka nakakalimutan mo na inihabilin ka sa akin ng mga magulang mo. Ako ang may responsibilidad sa iyo. Ako ang mananagot kapag may nangyari sa iyong di maganda."

"Naks naman Josh, concern pala sa iyo itong si Tonton eh."ang biglang pangangantsaw sa akin ni Trisha. Agad ko siyang pinandilatan ng mata.
Hindi pa rin inaalis ni Tonton ang pagkaakbay niyas sa akin. Parang mas humigpit pa ito na tila yumayakap na. "Tama ka Lalaine. Kaya nga kahit anong gawin niya eh di uubra sa akin."

Sa narinig kong iyon ay napaisip ako.Sigurado akong may laman ang pahayag niya. Pero wala na akong balak pang alamin kung ano iyon. Itong namang si Lalaine di ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niya. "Bukas ko na lang siya kokomprontahin" ang sabi ko sa aking sarili.

______
"Sige Lalaine uuwi na ako may pasok pa bukas" ang paalam ko sa kanya.
"O sige pero si..." ang sagot ni Lalaine nang biglang sumabat itong si Tonton.
"Sabay na kami."
"Oo sabay na kami hehehe" ang nasabi ko na lang at pilit na ngumiti.

Unang sumakay si Lalaine sa drivers seat. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto sa harapan katabi niya nang biglang akong hinila sa braso ni Tonton.
"Bakit diyan ka, dito na tayo sa likod"
Wala na akong magawa pa kundi ang sumunod sa kanya na parang tuta.

Nang makarating sa amin. "Sige Josh, Tonton see you tomorrow na lang sa school." ang paalam ni Lalaine sa amin.
"Ok ingat ka" si Tonton na ang sumagot at nginitian siya.
Pagkaalis ng kanyang kotse ay nagmadali akong pumasok sa loob. Samantalang nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makarating sa aking silid. Ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto ay agad siyang humarang doon.

"Pwede ba Tonton wala akong panahon makipagbiruan sa iyo. Kaya please umuwi ka na" ang sabi ko sa kanya.
"Hindi ako uuwi. Gusto kitang makausap."
"Ano naman pag-uusapan natin?"
"Alam mo na kung ano Josh. Sabihin mo nga sa akin bakit mo ba ginagawa ito?"
"Ang alin?"
"Nagmamaang-maangan ka pa. Alam ko na pinaglalapit mo kami ni Trisha. Hindi ako manhid para di malaman ang mga nangyayari sa aking paligid"
"Kung gayon alam mo na pala, sa tingin ko wala namang masama sa ginagawa ko. Kung tutuusin dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil tinutulungan ko kayong maging mas malapit pa sa isat-isa.

Napabuntung-hininga muna siya bago sumagot. "Ang hirap naman kasi sa iyo Josh, ginawa mong komplikado ang sitwasyon"
"Paano mo naman nasabi yan? At ano ang ibig mong sabihin na komplikado?" ang nagtataka ko nang tanong. 

Pero hindi siya sumagot at yumuko lang ito.
"Kita mo hindi ka makapagsalita. Kung wala ka nang sasabihin, siguro naman pwede ka nang umalis diyan para makapasok na kao sa kwarto ko. Inaantok na ako" ang sabi ko sa kanya.

"O sige" ang sagot lang niya. Siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pero nagulat na lang ako nang sumabay siya sa pagpasok ko. Bigla niyang ni-lock ang pintuan.

Pagkatapos noon ay tinulak niya akona dahilan para mapahiga ako sa kama. Natulala na lang ako sa ginawa niya.

Itutuloy....

Monday, May 16, 2011

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 1

Sa araw trabaho, sa gabi bahay, ito ang aking mga routine araw-araw. Sabi nga ng iba, napakasipag ko daw. Halos hindi ko na magawang makapagrelax tulad ng pamamasyal sa mga mall o makipag-bonding sa mga kaibigan dahil sa trabaho. Para sa akin kasi, mas mahalaga ang pera dahil dito lang ako nakakaangat.

Naalala ko 16 taong gulang ako pagkagraduate ng high school nang malaman ng aming angkan ang pagiging bakla ko dahil sa mga nakita nilang gay magazine sa aking kwarto. Itinakwil nila ako at pinalayas sa aming bahay. Nilalait at pinandidirihan na rin ako ng aking mga kaibigang lalaki, iniisip nila na baka kung anu-ano ang gawin ko sa kanila. Sobrang pinandidirihan nila ako. Salot lang daw ang mga kagaya ko sa lipunan. Sobrang masakit, dahil bumaba ng husto ang tingin nila sa akin. Agad nila akong hinusgahan. "Wala na bang karapatang mabuhay ang mga kagaya ko?" ang tanong ko sa aking sarili.

Dahil dito, nagsumikap ako. Gamit ang sarili kong mga naipon, lumuwas ako ng Maynila. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ng kolehiyo. Maswerte ako nang makapasa ako sa isang state university. Nangupahan ako sa isang dorm at nag working student sa fastfood chain, masuportahan lang ang aking pang araw-araw na gastusin. Nang makatapos ng kursong business management, agad akong nakahanap ng trabaho sa isang boutique. Dahil sa kasipagan, napromote ako bilang isang manager doon. Sunud-sunod na ang dumarating na swerte sa akin.

Ngayon, masasabi kong umasenso na ako sa buhay dahil sa tinatamasa kong kaginhawaan. Nakatira na ako sa isang exclusive na subdivision sa Makati. Lahat ng bagay na gustuhin ko ay nabibili ko na. Kahit papaano ay naipakita ko na kahit ganito ang aking pagkatao, may kakayahan naman akong iangat ang aking sarili. Pinatunayan ko na hindi hadlang na maging isang bakla para magtagumpay. Naging mapili na rin ako ng mga taong sasamahan ko marahil pagkatrauma sa mga nangyari sa akin.

Tungkol naman sa pag-ibig, deretsahan kong sasabihin na sa edad kong 25, hindi pa ako nakakaranas na makipagrelasyon. Dalawa lang naman ang dahilan, una, mas priority ko ang aking career at pangalawa, naisip kong imposible na may lalaking magmahal sa isang tulad ko.

Isang gabi habang nagmamaneho ako pauwi sa aking tirahan nang maramdaman ko ang tawag ng kalikasan, kaya ihininto ko muna ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada, lumabas at gumawi sa parteng damuhan para ilabas ito. Itinataas ko na ang suot kong slacks nang may maaninag ako malapit sa may malaking puno. Dahil sa kadiliman ng gabi at malalagong mga damo ay hindi ko agad natukoy kung ano ito kaya naisip kong lapitan ito.

Halos magulat ako sa aking nakita, isang lalaki na walang malay pala ito. Duguan ang kanyang ulo at katawan. Halos mataranta naman ako sa aking nakita kaya agad ko siyang binuhat at pinasok sa loob ng kotse para dalhin sa isang ospital. Pagkarating, agad ko siyang dinala sa emergency room, doon siya sinaklolohan at binigyan ng paunang lunas ng mga doktor.

Isang oras na akong nakaupo habang naghihintay nang lumabas ang doktor sa loob. Agad kong kinumusta ang kalagayan ng lalaki.

"May damage ang kanyang ulo, marahil ay malakas ang pagkabagok nito. Pero dont worry, ligtas na siya, hindi naman grabe ang naging pinsala sa kanyang ulo at wala na siyang ibang sugat sa katawan maliban sa mga pasa sa braso at mukha." ang sabi ng doktor sa akin nang tanungin ko ang kalagayan ng lalaki.

Ilang oras pa ang lumipas nang ilabas na ang lalaki at dinala sa isang kwarto. Agad ko siyang pinuntahan. Pagkapasok ko, una kong ang kanyang ulo na may bandage. Habang nagmamasid ako sa kanyang itsura, doon ko napansin na binata pala ito na nasa tantsa ko ay nasa 20 pataas ang edad. Kahit puro pasa ang mukha ay kita ang kanyang kagwapuhan. Napansin ko rin ang kagandahan ng kanyang pangangatawan, may maputing balat at matangkad ng kaunti sa akin.

Plano ko na sanang ireport ito sa mga pulis ngunit naisip ko na hintayin ko munang magkamalay siya, dahil siguradong alam niya ang buong nangyari sa kanya. Pero isang linggo na ang lumipas nang hindi siya pa siya nagkakamalay. Sabi ng doktor na natural lang daw ito sa taong may tama ang ulo. Gabi-gabi pagkatapos ng aking trabaho ay dinadalaw ko siya sa ospital.

Hanggang sa isang gabi saktong 15 araw mula nang makita ko siya sa daan, naalimpungatan ako mula sa pagkakaiglip sa gilid ng kamang pinaghihigaan niya. Nang iangat ko ang aking ulo, nakita ko siya na nakadilat.

"Mabuti naman at nagkamalay ka na" ang medyo natutuwa kong sabi sa kanya.
"Nasaan ako at sino ka?" ang agad niyang tanong sa akin.
"Ah, eh ako nga pala si Victor, nandito ka ngayon sa ospital, ako ang nagdala sa iyo dito" ang pagsagot ko sa kanyang katanungan. Ngunit napansin ko na parang naguguluhan siya kaya nagtanong pa ako sa kanya.
"Nakita kasi kitang walang malay sa daan. May natatandaan ka ba sa mga nangyari sa iyo?"
"W..wa...wala ako matandaan." ang sagot niyang pailing-iling.
"Sigurado ka?" at tumango lang siya bilang pagsagot.
"Ganun ba e, ikaw ano naman ang pangalan mo?" ang sunod kong tanong sa kanya. Magagamit kasi iyon kapag nagreport na ako sa mga pulis.
Natagalan siya bago makasagot na waring naguguluhan o nag-iisip. Makalipas ang ilang saglit sumagot na siya na ikinabigla ko. "Pangalan ko, hindi ko maalala"

Doon na ako nabahala sa kanyang kalagayan kaya agad kong tinawag ang doktor para suriin siya. Pagkatapos noon ay pinaliwanag niya sa akin ang totoong kondisyon ng binata. Nalaman ko na nagka-amnesia pala siya dahil sa nangyari sa kanyang ulo. Ayon pa sa doktor, depende na lang sa pasyente ang bilis ng pagbabalik ng kanyang alaala.

No choice na ako. Sa pagkakataong ito responsibilidad ko ang alagaan siya. Wala na siyang makakasama dahil, hindi niya naaalala ang kanyang mga kamag-anak. Makalipas ang isang buwan ay iniuwi ko siya sa aking tirahan.

Sa ilang araw na pagtira niya sa aking bahay, napapansin ko ang pagkailang at pagkatulala niya. Kahit dalawa lang kami sa bahay ay hindi kami gaano nagpapansinan maliban na na lang kapag kakain kami. Nagpakaformal ako sa harap niya, tinatago ko ang aking totoong pagkatao, iniisip kong baka lalo siyang mailang sa akin. Dahil sa trabaho ko, kumuha ako ng personal nurse na mag-aalaga sa kanya sa araw. Binilihan ko rin siya ng kanyang mga personal na pangangailangan tulad ng damit.

Ganito ang naging set-up namin sa halos dalawang linggo pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin isang gabi. Habang busy sa pag- iinternet sa aking laptop sa kwarto ko ay kumatok siya. Pinagbuksan ko naman siya at pinatuloy.

"Ahm, pasensiya na, baka naistorbo kita mukhang busy ka kasi e" ang medyo nahihiya niyang sabi nang makaupo siya sa kama.
"Ok lang, natutuwa pa nga ako dahil sa wakas e kinausap mo na rin ako. Teka bakit ka nga pala nandito, may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Maya-maya tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ko.
"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo sa akin kahit alam mong hindi mo ako kaanu-ano."
"Humarap ako sa kanya at sumagot." Wala yun, sa ngayon ako muna ang may responsibilidad na mag-alaga sa iyo. Pangako ko na tutulungan kitang maibalik ang alaala mo."

Halos matulala ako sa naging reaksyon niya. Parang nahipnotismo ako sa kanyang pagngiti. Mas lalo siyang nagiging gwapo, makinis na mukha, mapupungay na mata, pantay-pantay na ngipin at mapupulang labi. "Napakaswerte naman ng girlfriend o asawa nito kung meron man" ang nasabi ko sa sarili.

"Hello, may problema ba sa mukha ko" sabi niya na nakapagbalik ng ulirat ko sabay tingin niya sa salamin malapit sa amin.
"Ah eh wala naman, may naalala lang ako" ang pagpapalusot ko. "Baka may kailangan ka pa, sabihin mo lang"
"Yun lang ang pakay ko dito. Sige lalabas na ako para makapagpahinga" sagot niya.

Hinatid ko siya hanggang makalabas ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa kanyang kwarto na katabi lang ng sa akin. Bago siya pumasok tumingin ulit siya at ngumiti ng ubod ng tamis.

Sa kwarto, agad akong humiga sa kama. Nag-iisip kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Hanggang sa mapagtanto ko sa aking sarili na gusto ko siya.

Sunday, May 15, 2011

MAHAL KITA Part 10

"Biglaan naman ang pagdalaw ninyong dalawa, may problema ba?" ang casual kong tanong sa kanila. 
"Josh sinamahan ko lang itong si Trisha, mayroon kasi siyang hihingiing pabor sa iyo." ang sagot ni Lalaine.
"Pabor?" ang natanong ko bigla. Kahit sino ba naman ay magugulat na humihingi ng pabor sa iyo ang taong bihira mo makausap.
"Ah eh Josh, alam kong hindi tayo ganoon ka close pero wag mo sanang isipin na katulad ko rin sina Tom na nangkukutya sa iyo. Maaari naman tayo maging magkaibigan di ba?" ang pagsasalita ni Trisha.
"O-oo naman" ang nasagot ko sa kanya. Hindi naman agad ako kumbinsido sa sinabi niyang iyon. Parang ang bilis naman niyang maging mabait sa akin."
"Mabuti pa at sabihin mo na sa kanya ang pakay mo. Ako naman ay lalabas muna at magpapahangin para na rin makapg-usap kayong dalawa ng maayos ok" si Lalaine sabay labas ng bahay.

Sinimulan na ni Trisha na sabihin ang tunay niyang pakay sa akin. "Josh tungkol kasi ito kay Antonio. May gusto sana akong itanong sa iyo kasi alam kong ikaw lang ang kaclose niya eh kaya kilala mo na siya"
"Medyo" ang alanganin kong sagot. Parang nakukutuban ko na ang ibig niyang ipahiwatig.
"Gusto ko kasi itanong kung may girlfriend na ba siya ngayon?" ang tanong niya.

"Sabi ko na nga ba gusto ng babaeng ito na makatiyak para naman kung maging sila ay walang magiging hadlang" ang nasabi ko sa aking sarili.
"Alam mo Trisha, ayon sa nanay niya na may pagkababaero siya nung nasa probinsya pa sila nakatira. Yung nanay pala niya ang nakausap ninyo kanina" ang sagot ko.
"So ibig sabihin marami na siyang naging girlfriends?" ang sunod niyang tanong
"Siguro oo, di malayong mangyari iyon kasi may itsura naman siya" ang sagot ko.
"Kung sa bagay, pero sa tingin mo ba eh may pag-asa kayang... hmmmm.... alam mo na.... yung maging kami.... na sagutin niya ako?" ang medyo nahihiya pa niyang tanong.

Nasaktan ang aking damdamin sa tanong niyang iyon. Kumpirmado ngang may gusto siya kay Tonton. Pero hindi ako nagpahalata. "Pwede, kasi maganda ka naman...hehehe" ang nasabi ko na lang sabay ngiting pilit.

Todo naman ang pagkakangiti niya sa sagot kong iyon. At ang sunod niyang sinabi ang nagpagimbal sa akin.
"Sana nga kasi alam mo una ko pa lang siya makita eh crush ko na siya tapos tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa kabaitang pinapakita niya sa akin. Kaya Josh may hihilingin sana akong pabor sa iyo kung ok lang?"
"S...si....sigeee basta kaya kooo" ang nauutal ko nang sagot.
"Kung maaari sana ay tulungan mo naman akong mapalapit pa sa kanya."
"Yun lang ba eh walang problema" ang sagot ko. Pianapakita kong ok lang ako na kaya ko siyang tulungan sa harap niya ngunit sa kaloob-looban ay sobra na ang aking kalungkutan.
"Salamat Josh, maraming salamat. Hayaan mo at tutulungan din kita sa mga problema mo sa abot ng aking makakaya pangako"

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol kay Tonton. Nilahad ko sa kanya ang mga hobbies niya mga paboritong pagkain, yung mga bagay at ugali na ayaw niya sa ibang tao. Hindi sila nagtagal pa at umalis na rin matapos ang aming usapan.

Sa kwarto ay tuluyan na akong humagulgol. Papano na kaya ang damdamin ko para kay Tonton gayong nakapangako na ako kay Trisha. Panahon na siguro na ibaon na lang sa hukay ang anumang nararamdaman ko para sa kanya at simulang gawin ang mga bagay na hiniling ni Trisha. Dahil mahal ko siya ay handa na akong ipagkaloob ang kanyang kaligayahan sa piling ni Trisha.

Nasa kasagsagan ako ng aking pag-iiyak nang marinig ko ang boses ni Tonton habang kumakatok sa pinto. Agad ko namang inayos ang aking sarili sa pagharap sa kanya. Ayoko niyang makitang umiiyak ako.

"Tonton, ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay, ito oh pinalevel ko na muna yung character mo" ang salubong ko sa kanya.

Ngunit parang hindi niya ako narinig dahil nakatingin lang siya sa akin na tila nangingilatis.
"Josh umiiyak ka na naman ano. Kinakabahan na naman ako sa iyo eh" ang sabi niya sa akin. Bilib talaga ako sa kanya dahil alam niya ang nararamdaman ng isang tao base lang sa obserbasyon sa mukha nito.
"Wala ito, namiss ko lang kasi mga magulang ko" ang palusot ko na lang sa kanya.
"Sigurado ka, tumingin ka nga sa akin ng deretso" sabi niya sabay hawak sa aking baba para tumingin sa kanya. Pero nahuli niya agad ako dahil talagang di ako makatingin sa kanya.
"Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling ka. Sabi ni nanay kanina may nagpunta dito kanina si Lalaine na may kasamang babae. Sa pagkakalarawan niya ay naisip kong si Trisha iyon."

Maya-maya ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Umamin ka nga sa akin Josh, may kinalaman ba sa pag-iyak mo ang pagdalaw ni Trisha dito?" ang deretshan niyang tanong sa akin.
Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maiyak muli. Siyempre hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang napag-usapan naming dalawa Kaya nagdeny na lang ako. "Hindi ah, namiss ko lang talaga mga magulang ko."
"Ayan na naman tayong dalawa eh, alam mo naman di ba na ayaw kong makikita kitang nalulungkot kasi nahahabag ako sa iyo. Kaya nga palagi akong nandito sa tabi mo para bantayan ka at pasayahin. Ginagawa ko ang role ko sa iyo bilang kaibigan kaya sana man lang ay maappreciate mo iyon. Kung may problema ka ay huwag mong isarili. Sabihin mo sa akin, at pipilitin kong tumulong lalo na kung ako nga ang dahilan ng mga paghihinagpis mo" ang mahaba niyang pahayag sa akin.
"Tama magkaibigan nga tayo at nagpapasalamat ako na dumating kayo sa buhay namin. Huwag kang mag-alala kaya ko ito at magsasabi naman ako sa iyo ng problema ko kapag hindi ko na kaya at handa na ako. Tara na oh pa level mo na yung character mo." ang sagot ko sa kanya sabay lihis ng usapan.

Matapos maglevel ng kanyang character ay nagpasiya kaming manood ng mga funny videos sa youtube. Tawa kami ng tawang dalawa habang nanonood. Tila nabura pansamantala sa aking isipan ang lungkot na aking nadarama. Napapahiga na lang kaming dalawa sa sobrang tawa. Hindi ko namamalayan na nakahiga na pala ang ulo ko sa kanyang dibdib habang hawak ang tiyan sa katatawa." Nagbalik lang ako sa katinuan ng matapos ang video.

Nahiya naman ako sa aking ginawa kaya agad akong bumangon. "Sorry, di ko namalayan" ang paghingi ko ng paumanhin.
Tumitig siya sa akin. Ewan ko pero tila may malalim siyang iniisip. Bigla siyang nagsalita. "Bakit ka humihingi ng tawad? Wala namang masama sa ginagawa mo. At saka lumalamig ka na naman yata sa akin niyan. ayoko ng ganoon Josh"
"Hindi ah, pwede bang wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Mabuti pa siguro at magmeryenda na tayong dalawa. Gutom lang yan eh" ang pag-iiba ko na lang ng usapan.

Nagpatuloy pa ang pag-uusap naming dalawa at paglilibang sa aking kwarto matapos magkuwentuhan hanggang sa umabot ito ng gabi.
______
Araw iyon ng Lunes, simula ng bago kong misyon ang paglapitin sina Tonton at Trisha. Pagkarating naming dalawa sa room ay binati kaagad ako ni Trisha. Tumayo siya at lumapit sa aming dalawa.

"Good morning Josh."
"Good morning din" ang nakangiti kong pagbati sa kanya. Kita ko naman sa reaksyon ng aming mga kaklase ang pagtataka sa biglaang pagpapansinan naming dalawa pero hindi ko na lang pinansin pa iyon.
"Hi Antonio" ang pakikay na bati naman ni Trisha sa kanya.
"Binabati ka ni Trisha oh sagutin mo naman" ang bigla kong pagsingit.
"Hello Trish" ang nakatawa niyang bati.
"Antonio mamaya sabay ulit tayo magrecess ah, may surprise ako sa iyo" ang sunod na sinabi ni Trisha.
"Oo nga Tonton, sigurado akong magugustuhan mo iyon" ang pagsingit kong muli.
Hindi kaagad sumagot si Tonton sa halip at tumingin sa akin. Nahalata ko naman na nagtataka siya sa mga nangyayari kaya gumawa agad ako ng paraan.
"Mamaya na siguro tayo mag-usap baka dumating na si mam" ang sabi ko na lang.

"Nag-uusap na pala kayo ni Trisha" ang sabi niya sa akin habang nakaupo at naghihintay na dumating ang aming guro.
"Oo naman nakipagkaibigan kasi siya sa akin nung dumalaw sila ni Lalaine noong Sabado. Mabait naman siyang tao kaya kinaibigan ko na rin siya." ang sagot ko.
"Iyon ba talaga ang dahilan, sana lang ay totoo yan." ang may pagdududa niyang sabi.
"Ano ka ba naman, huwag mo na ngang isipin yan."
Magsasalita pa sana siya nang maputol ito sa pagdating ng unang naming teacher sa araw na iyon.

Ang akala ko ay makakaligtas na ako sa topic na iyon pero hindi pala. Dahil magkatabi lang kaming dalawa ay nagtatanong pa rin siya sa akin tungkol doon.
"Josh, may nararamdaman akong may mali eh. Alam kong may pinaplano ka." ang bulong niya sa akin.
"Pinaplano, wala ano. Dapat nga maging masaya ka para sa akin dahil nadagdagan ako ng mga kaibigan." ang sagot ko sa kanya.
"Sige kung ayaw mong magsalita fine. Alam kong may tinatago ka. Pero ito lang ang masasabi ko sa iyo. Huwag mong ipilit na gawin ang isang bagay na  alam mong makakasakit sa iyo."

Tinamaan ako sa sinabi niyang iyon kaya hindi na ako nakaimik pa. Alam na kaya niya ang mga ginagawa ko? Kung oo, talagang bilib na ako sa kanya.
______
"Tonton, uuwi ka na ba?" ang tanong ni Trisha sa kanya habang inaayos ang kanyang mga gamit.
"Tonton, tinatanong ka ni Trisha oh" ang  pagsingit ko dahil hindi kaagad sumasagot si Tonton sa kanya.
"Ano yun ulit?" ang tanong niya. Napaisip ako bigla. Parang wala siya sa kanyang sarili at may malalim na iniisip.
"Tonton, tinatanong ka niya kung uuwi ka na?" ang sabi ko sa kanya.
"Oo naman" ang sagot niya. "Teka nga pala Josh, anong ibig mong sabihin na uuwi na AKO, di ba dapat ang sabihin mo ay uuwi na TAYO?" ang dugtong niyang tanong sa akin na binibigyang diin ang salitang ako at tayo.
"Hehehe, ikaw naman alam na niya iyon di ba Trisha?" Tumango lang siya bilang sagot.
"Tamang-tama Tonton, ihatid mo na si Trisha pauwi. Gamitin niyo na ang motor. Hindi kasi ako makakasabay sa iyo dahil may lakad kami ngayon ni Lalaine."

Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Tonton sa sinabi kong iyon. Pero hindi ko ito pinansin.
"Hindi ba close na kayo. Kaya pagkakataon niyo na ito para mas maging malapit sa isat-isa." ang dagdag ko pa. Tinignan ko si Trisha at nginitian bilang pagpapahiwatig na ginagawa ko ang mga pinangako ko sa kanya.

Alam kong maraming gustong ikompronta sa akin si Tonton sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ko. Kaya agad akong nagpaalam na umalis. "Sige mauna na ako sa inyo. Naghihintay na sa akin si Lalaine sa labas"

Nagtatakbo ako palabas ng school. Hindi ko na naman maiwasang maluha habang nag-iisip kung hanggang kailan ko kakayanin ang magsinungaling at ginagawa ko kay Tonton. Tutal naman ay binanggit kong dahilan si Lalaine sa kanila kaya agad ko siyang tinawagan para makisabay sa kanya kahit pa malayo ang bahay nila sa amin.
______
"Josh magmeryenda ka muna" ang alok sa akin ni Lalaine nang makarating sa kanila.
"Salamat."
"Alam mo friend naguguluhan na ako sa iyo. Hindi ko mawari kung bakit mo tinutulungan si Trisha kay Tonton."
"Ewan ko ba. Kahit ako rin ay naguguluhan na sa sarili ko. Basta ang alam ko, gusto ko lang maging masaya si Tonton, at sa isang babaeng tulad ni Trisha niya makakamit iyon. Alam naman nating masaya sila kapag magkasama di ba. Kaya naisip ko na lalo pa silang paglapitin."
"Eh paano na ka na. Sa ginagawa mong iyan parang inaalipin mo na ang sarili mo sa kalungkutan."
"Tama ka, sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa ako handa sa maaaring maging resulta nitong mga ginagawa ko. Dapat siguro ay sanayin ko na ang sarili ko na tanggapin ang anumang magaganap sa kanilang dalawa"
"Ok. Kung sakali man na mangyari na magkatuluyan na silang dalawa ano na ang gagawin mo?"
Napabuntung hininga muna ako bago sumagot. "Ako, sa totoo lang di ko pa alam. Pero naisip ko na dumistansya sa kanya. Iiwasan ko nang lumapit sa kanya."
"Ganoon? Eh paano? Halos magkalapit lang kayo ng bahay. Isa pa ay inihabilin ka ng mga magulang mo sa kanya."
"Hindi ko pa alam friend. Pero balak ko na rin kausapin sina Mama at Papa tungkol sa bagay na ito"
"Talaga!" ang tila nagulat na sagot ni Lalaine. "Aamin ka na sa kanila friend?"
"Oo" ang medyo alangan kong sagot.

Itutuloy...

Saturday, May 14, 2011

MAHAL KITA Part 9

Kinabukasan, naalimpungatan na lang ako sa amoy ng isang pagkain. Pagdilat ko ng aking mga mata, nasilayan ko sa aking tabi ang isang lalaking ngayo'y laman ng aking puso. Nakangiti siya na tila nakadagdag sa kanyang kagwapuhan. Isang napakaagandang umaga ito para sa akin.

"Breakfast in bed!" ang masigla niyang bati sa akin.
Bumangon ako at umupo. "Nakakahiya naman nag-abala ka pa ng pagkain."
"Bakit ka naman mahihiya, kung tutuusin dapat ako ang makaramdam niyan eh, ako ang nagyaya sa iyo na mamasyal tapos ako pa itong nilibre mo. Kaya naisip ko na kahit sa ganitong paraan ay masuklian mo ang ginawa mong iyon sa akin."
"Ganun ba sige salamat ha" ang sagot ko sabay kuha ng pagkain sa kanya.Tinabihan niya ako sa kama.

Habang kinakain ko ang binigay niyang sinangag na may bacon at hotdog ay napapansin ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang sa kanya.
"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? Di tuloy ako makakain ng maayos niyan." ang biro kong tanong sa kanya.
Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Hmm, masaya lang ako Josh, sige kumain ka lang. Hayaan mo na lang ako na tignan ka" ang sagot niya sa akin.
"Ewan ko sa iyo" ang nasabi ko na lang sa kanya. Sa totoo lang nagugustuhan ko naman ang pagtitig niya lalo na ang pamatay niyang ngiti.
______
Sobrang gaan ng aking pakiramdam nang pumasok ako kinabukasan. At base sa aking obserbasyon ay ganoon din si Tonton. Kakaiba kasi ang nakikita kong saya sa kanya. Kung anuman ang dahilan niyon ay hindi ko na lang binigyang pansin pa.

Makalipas ng halos dalawang buwan ay ganoon pa rin ang set-up naming dalawa. Sa palagay ko nga ay mas lalo pang lumalalim ang aming samahang dalawa bilang magkaibigan. At kasabay noon ay ang lalong pag-usbong ng nararamdaman kong pag-ibig sa kanya.

Hindi na rin ako gaano kinukutya ng aming mga kaklase dahil na rin sa pagtatanggol sa akin ni Tonton. Sa nakikita ko ay talagang nagmamalasakit siya sa akin. Masaya ako dahil pinaninindigan niya ang pangako sa akin.

Pero may mga bagay pa ring bumabagabag sa aking puso, at tungkol ito kay Trisha. Minsan kasi ay nakikita ko silang magkasama ni Tonton. Sabay na kumakain sa canteen, sa pagresearch sa library at pati sa ilang class activities. Inaamin kong nagseselos ako sa kanilang dalawa. Pero wala akong magawa, hindi ko naman mapigilan si Tonton na lapitan siya dahil una, nasa iisang klase lang sila at pangalawa, baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Pinipilit ko naman ang aking sarili na isangtabi ang nararamdaman kong ito. Nakikita ko naman kasi kay Tonton ang kanyang effort na bigyan ako ng atensyon.

Isang araw ay napag-usapan namin ito ni Lalaine. Tapos na kaming magrecess at sabay na naglalakad pabalik ng room.
"Josh, napapansin mo ba na napapadalas na ang pagsasama ni Trisha pati ni Tonton mo. Tignan mo, minsanan na lang siya sumabay sa iyo kumain"
"Oo nga eh, pero hayaan mo na lang friend. Kasi lagi naman kaming magkasabay umuwi. Madalas din naman siyang naroon sa bahay namin." ang sagot ko sa kanya.
"Pero hindi mo ba naisip na baka magkadevelopan na silang dalawa. Ikaw rin baka isang araw ay magising ka na lang sa balitang may relasyon na silang dalawa"

Nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi niyang iyon. "Sa totoo lang matagal ko nang naisip ang bagay na yan. Pero wala naman akong magagawa kung maging sila naman. Normal lang na magkagusto siya sa babae kasi lalaki siya at normal lang ito. Sino ba ako para pigilan siya di ba?" ang malungkot kong pahayag.

"Ok, mabuti naman. Natutuwa ako sa lawak ng pang-unawa mo kaya panahon na siguro para ipakita ko sa iyo ito." ang sabi niya sa akin. Bigla naman akong nagkaroon ng interes kaya hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
Gamit ang kanyang cellphone ay binuksan niya ang kanyang facebook account at pinakita niya sa akin ang profile ng isang niyang friend doon na si Trisha. 

"Tignan mo tong isang picture" ang sabi niya sabay pakita nito. Gulat, lungkot at inis ang aking naging reaksyon nang makita ito.Si Tonton at Trisha na magkatabi sa isang upuan na parehong nakangiti. Nakaakbay si Tonton sa kanya.

Ito yung picture nung niyaya siya ni Trisha sa salosalo ng kanilang pamilya, yung araw mismo na nagpunta kayo ng Luneta" ang sabi ni Lalaine sa akin.
Halos maiyak na ako sa mga sunod kong nakita. May mga larawan din silang kuha sa canteen at library na masaya at nakangiti.
"Alam mo ba Josh, tinatanong ko si Trisha tungkol dito, kung sila na ba ni Tonton. Pero sinasabi  niya na ibabalita na lang niya sa lahat kung mangyayari iyon. Sa ngayon daw ay may mutual understanding na silang dalawa. Napakasweet daw kasi ni Tonton sa kanya." ang sunod na pahayag ni Lalaine.

"Hayaan mo na sila" ang nasagot ko lang sa kanya. Pilit kong tinatago ang sakit at lungkot na aking nararamdaman. "Bilisan na lang natin baka dumating na si mam" ang dugtong ko pa.
______
Habang bumibyahe kaming dalawa ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pinakita sa akin ni Lalaine kanina. Dahil doon ay hindi ko magawang pansinin si Tonton. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay wala kaming imikang dalawa.

Mabilis akong bumaba ng motor at inabot sa kanya ang helmet. Akmang papasok na sana ako ng gate ng bigla niya akong hinawakan sa aking braso. "Josh, saglit lang"
Tumingin naman ako sa kanya. "B-bakit?" ang casual kong tanong.
"May problema ka ba, kanina ko pa kasi napapansin ang di mo pag-imik sa akin eh. Hindi ka naman ganyan nitong mga nakaraang araw. Bumabalik ka na naman yata sa dati eh" ang sabi niya sa akin.
"W-wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko, dala na rin siguro ito sa sobrang pagod" ang alibi kong sagot. Nang tignan ko siya ay bakas sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala sa kanyang narinig.
"Josh, ayaw ko ng ganyan ah, na magbalik ka sa dati mong pag-uugali sa akin. Tapos nagsisinungaling ka pa. Di ba magkaibigan na tayo. Kaya kung anuman yang problema mo, maaari mong sabihin sa akin at pipilitin kong matulungan ka sa abot ng aking makakaya"
Napaisip akong bigla sa sinabi niyang iyon. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang totoo pero pinangunahan na ako ng takot sa maaari niyang isagot at hiya na baka magbago ang tingin niya sa akin. Pumasok din sa aking isipan na napakaimposibleng iwanan at iwasan niya si Trisha bilang tulong sa akin.

"Ahm wag kang mag-alala ayos lang ako siguro kailangan ko lang ng tulog. Ilang gabi na rin ako puyat sa kalalaro ko sa laptop." ang sabi ko na lang sa kanya.
"Ok sige magpahinga ka na muna. Pero ito lang ang sasabihin ko, nandito lang ako para sa iyo" ang sabi niya.
"Sige" ang huli kong sagot at naglakad na ako papaok ng bahay.

Hanggang sa aking silid ay iniisip ko pa rin ito. Kaya habang tinitignan ko ang mga larawan ni Tonton sa kanyang facebook account na ginawa niya sa tulong ko ay kinakausap ko ang aking sarili. 
"Habang tumatagal pakiramdam ko ay mas lalo akong nasasaktan dahil sa pag-ibig ko sa iyo. Ano nga  naman ang laban ko sa isang babae di ba? At saka napakaimposible naman na maging tayo na mahalin mo rin ako ng higit sa isang kaibigan. Kahit papaano ay nakukuntento na ako sa pagiging magkaibigan natin, sa pag-aalaga, pagbabantay at pagiging maaalahanin mo sa akin pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito paninindigan. Sa tuwing magkasama kayo ni Trisha ay sibat ito na tumutusok sa aking puso."

At tuluyan ko nang nilabas ang aking emosyon sa pamamagitan ng pag-iyak. "Dapat siguro ay maka-isip na ako ng mas magandang paraan. Hindi pwedeng maging malungkot na lang ako habang buhay."
______
Ilang araw pa ang lumipas na ganoon pa rin ang nararamdaman ko ngunit kahit papaano ay nakakayanan ko nang itago ito. Pilit akong nagpapakita ng saya sa mga tao sa aking paligid lalo na kay Tonton. Sa kabila kasi ng problema ko ay napapatawa niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga jokes na ang ilan sa mga ito ay mag pagkacorny. May mga pagkakataon din namang namamasyal pa rin kaming dalawa sa mall. Sa bahay naman ay lagi lang kaming nasa kwarto ko. Magkatabi kaming nanonood ng mga videos sa aking laptop. Mayroon na rin siyang account sa facebook pati na rin sa mga nilalaro kong online games. Habang nagpapalevel ay tinuturo ko sa kanya ang mga dapat gawin. Mabilis naman siyang matuto.

At dahil sa angking talino nitong si Tonton ay tinuturuan naman niya ako sa mga lessons namin sa school. Kakatuwa lang dahil sa pagpupursige niyang matuto ako. Matyaga siya at mapagpasensiyang tao. Hindi ko mang lang siya nakitang naiinis sa akin kahit paulit-ulit siyang nagpapaliwanang sa mga lesson na nahihirapan ako at hindi ko agad natututunan.

Minsan nga naisip ko na sana ganito na lang palagi ang aming set-up dahil ito lang ang nagpapasaya sa akin. Pero gaya nga ng payo sa akin ni Lalaine noon pati na rin sa mga nagaganap sa paligid sa ngayon ay malabo itong mangyari.
______
Sadya talagang mapagbiro ang tadhana o ewan ko lang baka sinusubukan nito ang aking katatagan. Isang pangyayari ang biglang dumating sa akin.

Araw iyon ng sabado, abala ako sa paglalaro sa aking laptop. Habang hinihintay ko ang pagdating ni Tonton ay pinapalevel ko ang kanyang character. Kumatok sa aking kwarto ang nanay ni Tonton at sinabing may naghahanap sa akin sa labas.

Naputol ang aking ginagawa sa isang bisitang di ko inaasahan. Unang pagkakataon kasing pumunta siya sa bahay namin dahil hindi naman kami ganun ka close sa school. Kasama niya si Lalaine.

"Ah Lalaine, ikaw pala biglaan naman ang pagdalaw mo" ang salubong ko sa kanya. Agad ko rin namang binati ang kasama niyang babae. "Nandito ka rin pala Trisha, halika pasok muna kayo"

Magiliw ko silang tinanggap bilang bisita ngunit kasabay noon ang pagtataka sa biglaang pagpunta ni Trisha.

Itutuloy.....