Monday, February 10, 2014

TRUE LOVE 12

Halong kaba at pangamba ang nararamdaman ni Bryan habang nasa biyahe papunta sa tinitirahan ng kaibigan ni Andrew na si Lui. Habang nakahawak sa manibela ay pasimple siyang sumusulyap kay Andrew na nakatingin lang sa daan.

Makalipas ang halos isang oras ay narating na nila ang lugar. Saglit niyang pinagmasdan ang paligid at masasabi niyang malaki na ang pinagbago nito.

Samantalang tinawagan naman ni Andrew si Lui para sunduin sila dahil hindi niya alam ang eksaktong bahay nito. Sinabi niya na naroon sila ngayon sa tindahan kung saan sila nagkita ulit. Habang naghihintay ay umupo muna silang dalawa. Napansin naman niya ang pananahimik ni Bryan.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ah!" ang pagpuna nito sa kanya.

Ngiti lang ang tinugon ni Bryan sa kanya. Hindi tuloy maiwasan mag-isip ni Andrew na may dinadala itong problema.

Maya-maya lang ay may lumapit sa kanilang dalawang lalaki.

"Pasensya na kung medyo natagalan kami."
"Ayos lang iyon Lui." ang tugon naman ni Andrew. "Ah siyanga pala papakilala ko lang sa inyo si Bryan."

"Bryan mga pare." ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili habang nakikipag shake hands.
"Ako si Lui, kababata ni Andrew."
"Ako naman si Henry..." kaklase ni Andrew.

Nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay ni Lui.
"Alam mo ba Andrew, excited na sina nanay at tatay na makita ka ulit. Miss na miss ka na daw nila." ang masayang sambit ni Lui. "Nung malaman nila na bibisita ka dito, nagluto si nanay ng mga paborito mong pagkain."
"Talaga, ako rin miss ko na sina ninong at ninang." ang nakangiting tugon ni Andrew.

Kung masaya ang pag-uusap nilang dalawa ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Bryan. At ang sumunod na eksena ay mas lalong nakadagdag ng  kanyang inis at pangamba.

"Ako rin Andrew na miss din kita..." ang pagsingit ni Henry sa usapan ng dalawa sabay akbay kay Andrew.
    
Walang magawa si Bryan sa mga oras na iyon kundi ang magpigil hanggang sa marating na nila ang bahay.

"Andrew anak, ikaw ba yan? Aba ang laki mo na at ang gwapo mo pa." ang masayang sambit ng ina ni Lui sabay yakap sa kausap.
"Mana ka talaga iho sa tatay mo." ang pagsegunda naman ng ama nito.
"Na miss ko po kayo ninong ninang. Ilang taon din po akong di nakatanggap ng pamasko sa inyo." ang may halong biro namang pahayag ni Andrew na ikinatawa ng mag-asawa.
 "Ikaw talaga anak. O siya nakalimutan mo na yatang ipakilala sa amin ang kasama mo."
"Ay oo nga pala pasensya na po ninong. Si Bryan po pala."

"Magandang gabi po." ang magalang na pagbati ni Bryan sa kanila sabay mano.
"Ka guwapong lalaki naman nitong kasama mo." ang pagpuri ulit ng ina ni Lui. "Matangkad at maganda ang pangangatawan. Sigurado akong maraming babae ang naghahabol sayo tama ba?"

Sa unang pagkakataon simula ng magbiyahe sila ay nakita ni Andrew ang pagtawa ni Bryan sa narinig.
"Tama po kayo nay. Pero hindi po ako nagkaroon ng interes sa kanila."
"Talaga? Ibig sabihin hanggang ngayon wala ka pang girlfriend o asawa?" ang di makapaniwalang tanong ulit ng ina ni Andrew.
"Sa totoo lang po meron na akong anak pero hindi kami kasal ng babae."
"Ok. Hindi na kataka-taka."
"Pwede naman sigurong sa loob na natin ituloy to." ang pagsingit naman ni Lui.
"Oo nga. Tara na mga iho, maraming hinanda ang ninang ni Andrew. Sabay-sabay na tayong kumain."

Marami pa silang napag-usapan habang kumakain. Nilahad ni Andrew sa mag-asawa ang mga nangyari sa kanyang ina mula nang maospital ito hanggang sa pagtulong sa kanila ni Bryan.

"Maswerte ka anak at nakatagpo ka ng isang mabuting kaibigan sa katauhan nitong si Bryan." ang komento naman ng ama ni Lui matapos mapakinggan ang mga nilahad ni Andrew.
"Tama po kayo ninong. Sa katunayan nga po siya rin ang tumutustos ng aking pag-aaral."
"Talaga?"
"Totoo po iyon. Ginagawa ko po iyon dahil espesyal sa akin si Andrew."

Natahimik ang lahat sa narinig. Sumagi sa isip ni Andrew na may iba silang naging interpretasyon sa pagsingit na iyon ni Bryan.
"Kayo naman po magkwento ninang sa mga nangyari sa inyo mula nag umalis kayo." ang pag-iiba  ng usapan ni Andrew.
______________
Matapos kumain ay nagpunta silang apat sa terrace habang abala ang mag-asawa sa kusina. "Umiinom ba kayong dalawa?" ang tanong ni Lui kina Andrew at Bryan.
"Si Bryan lang..." ang simpleng tugon ni Andrew.
"Kung ganoon para saming tatlo lang pala ang bibilhin kong alak. Sige lalabas muna ako."
"Teka Lui samahan na kita." ang pagpresinta naman ni Andrew.
"Hmmm.... Ok para naman makabili ka na rin ng gusto mo at para matulungan mo na rin ako sa pagdala. Teka ayos lang ba sa kasama mo ang maiwan?"
"Ok lang ako pare." ang pagsagot bigla ni Bryan.

Sa puntong iyon ay nakaisip si Bryan ng pagkakataon para makausap si Henry kaya agad siyang pumayag na magpaiwan. Pagkaalis ng dalawa ay naunang nagsalita si Henry.
"Alam ko pare kung bakit ka nagpaiwan dito kasama ko. Gusto mo akong kausapin tungkol kay Andrew. Right?"
"Tama ka."
"Maraming naikwento si Lui sa akin tungkol kay Andrew nung mga bata pa lang sila. Noon pa man ay nakita na ni Lui sa kanya ang pagiging masipag at matalino. Dahil doon mas lalo ko siyang nagustuhan. Una ko palang siya makita na kausap ni Lui ay nagkainteres na ako sa kanya. Luckily, naging magkaklase pa kami."

Ang kanyang itatanong sana kay Henry ay agad na nasagot sa mga narinig niyang sinabi nito.

"Alam ko na ang mga ginagawa mo ngayong pagtulong kay Andrew ay dahil sa nararamdaman mo para sa kanya. Wala pa akong alam sa naging nakaraan niyo pero sa tingin ko ay hindi ka pa rin niya sinasagot kaya may chance pa ako."

"I see. Tama nga ang hinala ko na may gusto ka rin sa kanya. Pero sorry na lang tol, hindi ko hahayaang mapunta siya sayo."
"At kanino mo siya gustong mapunta? Sa isang tulad mo na may sabit?" ang nakangisi nitong pahayag.

Napatayo naman si Bryan sa kinauupuan. Pilit pa rin niyang pinipigilan ang ngayong lumalalang galit niya sa taong kaharap.

"Ikaw na rin mismo ang nagsabi, may anak ka na at di pa kasal. Maatim mo bang gawing kabit si Andrew at maging kahihiyan sa ibang tao? Kung ako sayo ipaubaya mo na lang siya sa taong karapat-dapat sa kanya."

Muling umupo si Bryan na mistulang nanghina. Sa isip niya ay may punto si Henry sa kanyang mga sinabi. Noon pa man ay naisip na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang sarili dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang ginagawang aksyon para mabigyan ng solusyon ang kanyang problema.

"Kung mahal mo talaga si Andrew, gagawin mo ang lahat ng makakabuti sa kanya. Hindi mo siya ilalagay sa isang alanganing sitwasyon na mahihirapan siya." ang pagpapatuloy ni Henry.

Sapul sa kanya ang pahayag na iyon. Muli niyang naalala ang lahat ng mga nangyari noon. Ang pagbabalik ulit ni Sarah na siyang nagpahirap sa kalooban ni Andrew idagdag na ang hindi magandang pagtrato sa kanya ng kanyang mama. Ang mga ito ang nagdulot ng kanilang paghihiwalay.

Ilang minuto pa ang lumipas nang bumalik na sina Andrew at Lui dala ang ilang mga alak at pagkain.

"Ako na ang kukuha ng mga baso at plato." ang pagpresinta ni Henry sa dalawa na abala sa pag-aayos ng mga binili sa isang maliit na mesa.
"Sige salamat." ang nakangiting tugon dito ni Andrew na walang kaalam-alam sa nangyaring usapan nila ni Bryan.
___________
Hindi magawang makisali ni Bryan sa masayang pag-uusap ng tatlo sa halip at tuloy-tuloy lang siya sa pag-inom. Halos siya na ang umubos ng isang bote ng alak.

Pinagmamasdan niya si Andrew. Kita niya ang saya nito habang tumatawa kaharap si Henry. Nasasaktan ang kanyang kalooban sa nakikita sa kadahilanang hindi ganoon ang pagtrato nito kapag kausap siya. Masasabi niyang talagang malapit na talaga sila sa isat isa.

Parang nanghina ang kanyang loob. Ang determinasyon at confidence niya noon na ipaglaban ang kanyang minamahal ay tila naglaho lahat. Mistulang nagbalik ulit ang sakit na naramdaman niya noon nang makipaghiwalay si Andrew sa kanya sa isang iglap.

Halos dalawang oras ang nakalipas, sa kanilang tatlo ay si Bryan ang talagang nalasing. Dahil sa kanyang nakikita dito ay napatunayan niya ang kanyang hinala na may dinadala nga itong problema.
"Lasing na lasing na yang kasama mo Andrew." ang pagpuna ng ama ni Lui na kararating lang.
"Oo nga po kaya uuwi na kami." ang tugon ni Andrew.
"Di ba may sasakyan siya, sa tingin ko hindi na niya kakayanin pang magmaneho."
"Magtataxi na lang po muna kami. Ahm Lui, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kotse, kukunin na lang niya ito bukas."
"Sure tol. Basta ikaw."
"Ako na ang papara ng taxi para sa inyo." ang pagpresinta naman ni Henry.
"Salamat tol."

Nang makakuha ng taxi ay pinagtulungan nilang tatlo na akayin si Bryan hanggang sa maipasok ito ng taxi.  Sa likod sila umupo. Inihilig ni Andrew ang ulo nito sa kanyang balikat.

Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan lang niya ang katabi na natutulog. Simula nang tumira sila sa bahay nito ay ngayon lang niya ito nakitang ganoon. Ibang-iba ito ngayon sa Bryan na puno ng confidence sa sarili.

Nang makauwi ay hindi agad niya nailabas si Bryan dahil sa kabigatan nito. Napakiusapan naman niya ang driver na tulungan siyang dalhin ito sa kwarto.

"Ikaw na ang bahala sa kanya anak." ang sabi ng kanyang ina na nag-aalala rin kay Bryan. "Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, sa tingin ko may mabigat siyang problema."
"Yan rin po ang iniisip ko nay. Kaya nga po susubukan ko siyang kausapin bukas. Kung anuman ang maitutulong ko ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya."
"Tama ka anak, kahit man lang diyan ay makabawi tayo sa mga ginawa niya para sa atin."

Pagkalabas ng kwarto ng nanay niya ay sinimulan na ni Andrew ang pag-asikaso kay Bryan. Tinanggal niya ang suot nitong pantalon at t-shirt. Tumambad sa kanya ang isang adonis na matagal nang nagpapawala sa kanya sa sarili. Sa tuwing nakikita niya ito ay natutulala lang siya ngunit ngayon ay iba na. Malaya na niyang mahahaplos ang katawan nito.

Napatingin naman siya sa harapan nito na halata sa suot nitong boxershorts. Muling sumariwa sa kanyang isip ang isang alaala, ang araw ng unang pagtulog ni Bryan sa kanilang dating bahay.

Habang nakahiga si Andrew ay napansin niya ang paghuhubad ni Bryan ng suot nitong shorts at underwear na lang ang tinira.

"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto.  

Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.

Sa nangyaring iyon ay talagang nakaramdam siya ng hiya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makahawak siya ng pag-aari ng iba maliban sa kanyang sarili. Dahil doon ay medyo nakakaramdam siya ng kung anong pagnanasa na agad naman niyang pinigilan.

Binihisan lang niya ito ng sando. Matapos nito ay nagpasiya siyang lumabas na para matulog. Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang marinig niya ang boses nito. Napalingon siya dito at nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakapikit. Nilapitan niya ito at nabigla nang makita ang mga mata nito na basa na ng luha. Maya-maya lang ay nagsalita ito.

"Mahal kita Andrew. Huwag mo akong iwan. Parang awa mo na huhuhu..."

Hindi na nagulat pa si Andrew sa sinabing mahal siya nito at baka na nananaginip lang ito. Pero sa kabilang banda ay may sumagi sa kanyang  isipan ang posibilidad na may kaugnayan ito sa kung anuman ang dinadala nito ngayon.

"Maawa ka Andrew. Maawa ka sa akin. Nahihirapan na ako..." ang pagpapatuloy nito.
____________
Madaling araw nang maalimpungatan si Bryan. Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama habang nakahawak sa kanyang ulo. Kahit may hang-over ay inalala niya ang mga nangyari. Hindi na niya inisip pa kung paano sila nakauwi ni Andrew kundi ang kanyang problema at ang mga rebelasyon ni Henry.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
"Gising ka na pala Bryan, gusto mo ipagtimpla kita ng kape para mabawasan ang kalasingan mo." ang sabi ng kapapasok lang na si Andrew.
"Salamat." ang simpleng tugon nito.

Hindi nakaligtas kay Andrew ang paraan ng pagsagot nito at dama niya ang lungkot base sa tono nito. Nahahalata rin niya iyon sa mukha. Saglit siyang bumaba para magtimpla ng kape at nang bumalik ay umupo siya sa tabi nito.
"Pwede ka nang magpahinga Andrew."
"Dito muna ako... baka gusto mo ng makakausap." ang pagpahiwatig sa kanya ni Andrew. Tulad nga ng naisip  kanina ay kakausapin na niya ito.
"Ayos lang ako. At saka may pasok ka pa mamaya di ba? Kaya dapat matulog ka na. Huwag kang mag-alala kaya ko na."
"Sigurado ka ha? Sige balik na ako sa aming kwarto." ang pagpaalam ni Andrew na tinanguan lang ni Bryan.

Nakahiga na si Andrew katabi ang kanyang ina ngunit hindi siya dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip kay Bryan. Aminin man niya sa hindi na pati siya ay naaapektuhan na siya kanyang mga nakikita kay Bryan.

Alam niyang malungkot ito. Minsan na rin niyang nakita ito nung araw na nakipaghiwalay siya sa kanya. Kung noon ay wala lang sa kanya ito dahil sa nasaktan siya pero ngayon ay iba na. Parang may kung anong kirot sa kanyang puso kapag nakikita niya ito sa ganoong kalagayan.

At isang bagay ang narealize niya sa kanyang sarili. "Mahal pa nga talaga kita..." ang nasabi niya sa kanyang sarili.

Nagpasiya siyang kausapin na ito mamaya. Tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya di dahil sa utang na loob sa mga naibigay nito sa kanilang mag-ina kundi sa kanyang nararamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.

Itutuloy...
























Thursday, November 21, 2013

TRUE LOVE 11

(Andrew POV)

"Talaga?" ang agad kong tanong sa kanya.
"Yes. Actually marami nang naikwento ang isa kong friend sayo."
"Ha! Eh sinong friend naman iyon?"
"You dont remember your bestfriend Lui?"
"Si Lui?"

Susundan ko pa sana ng tanong iyon nang biglang dumating ang aming professor.

Pagkatapos ng unang klase ay sabay kaming lumabas ng taong nagpakilalang si Henry.
"Saan ang susunod mong klase?" ang tanong niya sa akin.

"Doon sa taas." ang tugon ko sa kanya. "Pero mamaya pa yun mga 11am." Bigla ko namang naalala ang sinabi niya sa akin kanina. "Teka nga tatanong ko lang ulit kung paano mo ako nakilala?"
"Si Lui. Natatandaan mo ba nung minsang pumunta ka sa Tondo noon, nasa tindahan ka pa nga habang kumakain nang biglang tumabi sayo si Lui, Natatanaw kita mula sa kabilang kanto. Nandoon kami noon nagpapahinga dahil katatapos lang naming magbasketball. Nung umalis ka saka ko siya tinanong tungkol sayo."

Kahit papaano ay naging malinaw sa akin ang lahat. Naalala ko si Lui. Nagpalitan pala kami ng mga numero ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap.

"Kinuha ko na rin pala ang number mo sa kanya. Kung may magtext man sayo na unknown number, ako na iyon."

Nahiwagaan ako sa taong kasama ko ngayon dahil sa ibinibigay niyang atensyon sa akin.

"Siyanga pala Andrew, ilan pala ang mga subjects mo sa araw na ito?"
"Anim lang, graduating na kasi ako next year."
"Really? Nice. Ako kasi mga 2 years pa."
"Ah... ok"
"Tara upo muna tayo para makapag-usap." ang yaya niya sa akin.

Umupo kami sa may batuhan malapit sa isang puno. At doon ay nagsimula na siyang magkwento tungkol sa kanyang sarili. Nalaman kong nakatira pala sila malapit lang doon sa tinitirahan nila Lui, isa  sa mga bagong nakatayong bahay nakita ko noon. Mas matanda ako sa kanya ng 1 taon at pareho ang kinukuha naming kurso ngunit magkaklase lang kami sa dalawang subjects.

"Paano kayo nagkakilala ni Lui?" ang sunod kong tanong sa kanya.
"Actually nagkakilala lang kami nung minsang sumali siya ng laro namin ng basketball. Kaunting usap-usap ayun naging magkaibigan na."
"Ah..."
"Ikaw naman ang magkwento..."
"Ano naman ang gusto mong malaman?"
"Marami nang naikwento sakin si Lui tungkol sayo. Magkababata daw kayo at base sa kanyang mga sinabi na mabait ka. At ngayon masasabi kong totoo pala iyon."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba maaga pa para sabihin mo yan, ngayon pa lang kaya tayo nagkakilala."
"Ano ba ang ginagawa mo ngayon? Hindi ba nakikipag-usap ka na sa akin. Kahit pa na kakakilala pa lang natin ay naging maayos na ang pakikitungo mo. Kung hindi ka mabait, hindi mo ako papansinin."

Sa isip-isip ko ay may punto siya.
"Sige na Andrew, magkuwento ka pa tungkol sayo."
"Interesado ka talaga ha?"
"Siyempre naman, di ba friends na tayo?"
"Friends agad!"
Oo naman, ayaw mo ba nun, sa unang pasok mo may bago kang kaibigan."

Sa loob ko ay masaya ako dahil sa bago kong kakilala sa aking pagbabalik. Kahit papaano ay may makakausap na ako habang narito sa campus.

"Alam mo bang nag-aral na ako dito dati. Ngunit nagkaroon ng problema kaya lumipat kami sa probinsya ng aking ina." Sa pagsasabi ko nito ay muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari sa akin noon.
"Ah... So ano ang nagtulak sayo para bumalik ulit dito?"
"Una akong nakapasok dito dahil sa scholarship. At gaya nga ng nasabi ko kanina, dahil sa isang problema ay natanggal ako. At ngayon ay may taong nagpapaaral ulit sa akin. Doon kami nakatira ngayon ni nanay sa kanya." Hanggang doon na lang ang sinabi ko baka malaman pa niya ang tungkol sa ugnayan namin ng taong tinutukoy ko.

"Kung ganoon ay maswerte ka. At least nabigyan ka ulit ng chance na makapag-aral. Ang bait din pala sayo ng taong ito ha dahil pinatira pa kayo sa bahay niya right?"

"Tama ka mabait nga siya sa aking pamilya."
"Thats good. Kaya dapat ipakita mo sa kanya na nagpupursige ka at makatapos. Para naman sulit ang pagpapaaral niya sayo."
"Oo nga, at yan rin ang pangako ko kay nanay."

Inabot ng halos dalawang oras ang aming pag-uusap. Bago kami maghiwalay ay sinabi niyang magpapadala na lang siya ng text sa akin.

"Sasabihin ko rin kay Lui na nagkausap na tayo. Im sure matutuwa yang kababata mo. I hope makapagbonding tayong tatlo next time."
"Sure. Basta available ako. Sige Punta na ako sa next class ko."
"Ok. Kita-kits na lang next time tol."
_____________
"Hows your first day?" ang tanong niya sa akin habang nagmamaneho.
"Ayos lang. Medyo naninibago lang ako dahil mga block sections ang napapasukan ko."
"Talaga."
"Oo. Hindi ko nga naiwasang pagkumparahin yung unang pasok ko noon saka ngayon. Alam mo ba napansin kong mas naging maayos na ngayon ang campus di tulad noon na.... na meron mga taong nagsisiga-sigaan at nambubully."
"Grabe ka talaga Andrew, ako na naman.... Good boy na nga ako di ba hmmmpppp!"

Natawa naman ako nang makita ang reaksyon sa kanyang mukha. Para siyang batang nagtatampo.

"Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang tingin mo sa akin...." ang kanyang pagpapatuloy.

"Oh sorry na...wala naman akong ibig sabihin doon eh." ang nasabi ko na lang sabay patong ng kamay ko sa kanyang balikat. Sa puntong iyon ay napatingin siya sa akin at nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha sabay lingon sa aking kamay.

Ako man ay nagulat sa aking nagawa. Unang pagkakataon ko kasing gawin ulit ang bagay na iyon simula nang magkita kami. Agad kong tinanggal ang kamay kong iyon sa kanyang balikat.

Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay sobra ang kanyang pagkakangiti. Hanggang sa aming pag-uwi ng bahay ay ganoon pa rin ang kanyang itsura.

Nahalata rin iyon ni nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Mukhang maganda ang naging araw mo ngayon Bryan ha..." ang pagpuna ni nanay sa kanya.
"Opo nay...dahil naramdaman ko po ulit ang haplos ng mga kamay ni Andrew. Grabe po para akong nakuryente. Mababaw man pero malaking bagay iyon sa akin. Hinahawakan ko rin naman siya minsan sa kanyang braso pero iba ang naging dating sa akin ng ginawa niya kanina..."
"Talaga. Ayos yan ah..." ang nakangiting pahayag ni nanay."
___________
Habang nakahiga ay nagbabalik-tanaw ako sa mga nangyari sa buong araw na ito pati na rin sa mga nakaraan. Noon ko lang napansin sa aking sarili na napapalapit na pala ako kay Brya, parang nagsisimula nang gumaan ang loob ko sa kanya. Nung una kasi kahit na tinulungan niya si nanay ay medyo mailap pa rin ako sa kanya dahil sa mga nangyari noon.

Habang nag-iisip ay kinuha ko sa aking cabinet ang isang bagay na may mahalagang kaugnayan sa aking buhay pag-ibig... ang kwintas.

Doon ko rin napagtanto kung bakit nasa akin pa rin ito hanggang ngayon sa kabila ng mga masasakit na alaala sa taong nagbigay nito sa akin. Dahil siguro na may nararamdaman pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Habang nakatitig dito ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Dina na bigyan ko ulit ng pagkakataon si Bryan nang sa gayon ay lubos na akong magiging masaya tulad ng sa kanila ni Elmer. Sa ngayon parang gusto ko na nga gawin iyon pero may pumipigil pa rin sa akin, ang masaktan ulit pati na rin ang mga taong may kaugnayan sa kanila tulad nina Sarah at kanilang anak.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone at nang tignan ko ang screen nakita ko ang pangalan ni Lui.

"Hey tol! Whats up?!"
"Ito ayos lang."
"Sorry dude kung ngayon lang ako tumawag ha."
"Ayos lang yun."
"By the way kaya pala ako tumawag dahil makikibalita lang ako. What a coincidence ha na magka schoolmate pala kayo ng katropa kong si Henry."
"Oo nga. Nasabi na rin niya sa akin na magkaibigan daw kayo."
"Ah. Alam mo bang sobrang saya nitong kaibigan ko. Simula nang makita niya tayong nag-usap noon sa tindahan dito, halos araw-araw ka na niyang tinatanong sa akin."
"Talaga... Nakakapagtaka naman siya kung bakit ganoon siya sa akin."

Sa pagkakataong iyon ay natahimik siya saglit.
"Lui... Hello..."
"Yes tol nandito pa ako."
"Bakit natahimik ka yata?"
Ah wala... Mas maganda siguro kung siya na ang magsasabi sayo. Diba twice a week naman kayo magkikita."
"Ok." ang nasabi ko na lang bagamat nag-iisip pa rin ako.

"Sabi pala niya sa akin na pumayag ka daw na magbonding tayong tatlo minsan."
"Ah oo kapag may available akong oras."
"Good. So kailan ka ulit dadalaw dito?"
"Hmmmm.... Titignan ko baka mga next week. Tatawagan ko na lang kayo tol."
"Ok tol. Im sure na matutuwa nito si Henry. Oh siya baka may ginagawa ka pa see you next time."
"Salamat tol goodnight."

Matapos ang aming pag-uusap ay binalik ko na sa cabinet ang kwintas at humiga.

(Bryan POV)

Ang magandang pakiramdam na nararamdaman ko ay biglang naglaho sa aking narinig. Pupuntahan ko sana si Andrew sa kanilang silid nang marinig kong may kausap siya sa kanyang cellphone. Kahit wala akong idea sa sinasabi ng taong kanyang kausap, ay nararamdaman kong may kakaiba.

Lui... Ito ang pangalang nakita ko sa cellphone ni Andrew nang minsang palihim kong kinuha ang kanyang number. Sa mga oras na iyon ay parang kinakabahan akong di ko maintindihan. At ngayon base sa takbo ng kanilang pag-uusap ay may isa pang taong involved. Ngayon pa lang na nagsisimula nang maging malapit ulit si Andrew sa kanya saka naman papasok sa eksena ang mga taong iyon.

Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Ayaw kong mawala na sa akin ulit ang taong mahal ko. Dapat ayusin ko na ang mga bagay-bagay.

Isa na riyan ang tungkol kay Sarah at sa aming anak. Hanggat maaari ay hindi ako nagbabanggit sa kanya tungkol dito dahil alam kong makakaapekto iyon sa kanya. Pero alam ko namang hindi mababago ang katotohanan na may asawa at anak na ako.

Nitong nakaraan lang ay dumalo ako sa birthday ng aking anak lingid sa kaalaman nina Andrew at kanyang ina. Kahit papaano kasi ay hindi ko rin naman matitiis na wala ako sa tabi ng aking anak. Ngunit hindi ibig sabihin nito na mahal ko si Sarah. Kahit pa na kasal kami ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Naroon lang ako para sa bata. Nung mga panahong iyon ay wala pa silang alam sa pagtira nina Andrew sa aking bahay. At inaasahan ko namang malalaman rin nila iyon.

Sa puntong iyon habang naglalakad pabalik sa aking kwarto ay tuliro ang aking isip. Sinisisi ko ang aking sarili sa lahat. Ginawa kong kumplikado ang sitwasyon. Naguguluhan ako. Ayaw kong mawala sa akin si Andrew, pero alam kong hindi niya matatanggap ang aking pagiging ama at asawa ng ibang babae.

Gaya nga ng naisip ko kanina na gagawa ako ng paraan Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. At the same time ay natatakot ako sa magiging resulta, isa na riyan ang mangyari ulit na iwan niya ako.
____________
Isang linggo ang nakalipas, wala naman akong napapansing kakaiba kay Andrew. Magiliw pa rin ang pakikitungo niya sa akin. May mga banat siyang biro sa akin na sa halip ay ikagalit ay kinatutuwa ko pa dahil napapalagay na ang loob niya sa akin.

Sa mga nagdaang araw ay hindi ako nagtanong sa kanya tungkol  Sa taong nagngangalang Lui pati na rin sa isa pang pinag-uusapan nila. Hinhintay ko siyang mag-open tungkol sa bagay na iyon. 

At dahil sa kanya ako nakapokus maliban sa aking trabaho ay hindi ko na nabigyan pa ng pansin sina Sarah at aking anak. Biglaan akong pinuntahan ni Mama sa aking pinagtatrabahuan.

"Ano na namang kabaliwang ginagawa mo Bryan! Pinatira mo ang Andrew na iyon sa bahay mo. Mas pinili mo pa sila kaysa sa iyong mag-ina. Mahiya ka naman sa pamilya ni Sarah." ang agad na bungad niya sa akin.

Inaasahan ko namang malalaman rin niya iyon.
"Sabi ko naman sayo Ma na mahal ko si Andrew at hindi na iyon magbabago."

"Alam na ito ni Sarah. Anytime ay pupuntahan ka niya."
"At ano naman ang gagawin niya. Ang kausapin ako na hiwalayan siya. Hindi iyan mangyayari. At pwede ba Ma na tigilan mo na ako. May sarili na akong buhay. Hindi na ako nakadepende sa inyo. Ako na ang magdedesisyon sa aking sarili!"

"Talagang nagmana ka nga sa baklita mong ama! Nalason na niya ang iyong isipan. I dont know kung bakit dumadami ang mga tulad niya gayong wala silang kakayahang mag-anak."

Sa puntong iyon ay nag-init na ang ulo ko dahil sa paglapastangan niya sa taong kakampi ko at sumusuporta sa akin. Hindi ko napigilang kalampagin ang mesa.
"Huwag mong idadamay si Papa dito."

"Aba! Wala ka nang respeto! Iyan ba ang tinuro niya sayo. at bakit totoo naman di ba. Kaya ko hiniwalayan ang ama mo dahil sa pagiging bakla niya. Nakakahiya sa ating pamilya."

Hindi na ako nakatiis. "Pwede ba Ma umalis na kayo. Sige na please lang!" ang pagpipigil kong pahayag.

"Sige aalis ako pero hindi pa rin ako titgil. Itatama ko ang lahat. Gagawin ko ang nararapat."

Ang pagbabantang iyon ng Mama ang nagpadagdag pa ng aking problema. Hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam ko na malaki ang magiging epekto nito sa amin ni Andrew. Napatakip na lang ako ng mukha at nagbuntung-hininga sa pagtuliro ng aking isip.

 Kahit may problema ako ay hindi ko iyon pinahalata kay Andrew, bagkus ay mas lalo pa akong nagpapasweet sa kanya. At sa nakikita ko ay masaya naman siya.

Hanggang sa isang araw. Habang nasa biyahe ay may pinaalam si Andrew sa akin.
"Baka gabihin ako ng uwi Bryan mamaya. May dadalawin lang akong kaibigan sa dati naming tinarahan.Nagpaalam na rin ako kay nanay."

"Yung Lui ba ang tinutukoy mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Kilala mo siya?"
"Ah hindi... Nabanggit lang siya ni nanay sa akin."
"Ok. Matagal din kaming hindi nagkita kaya magbonding lang kami."

"Sige lang." ang malungkot kong tugon na hindi ko pinahalata. Ayaw kong isipin niya na pinipigilan ko siya sa gusto niyang gawin kaya pumayag ako. Hangad kong maging malaya ang taong mahal ko.

"Kung gusto mo pwede kang sumama."ang sunod niyang sinabi sa akin.

Medyo kinagulat ko naman ang kanyang alok.
"Okay lang ba sa inyo na sumama ako?"
"Sus... oo naman. Nabanggit ko rin kasi kay Henry na may taong tumutulong sa amin ni nanay at gusto kitang ipakilala sa kanila."

Ang pagyaya niyang iyon ay pabor sa akin. Kaya pumayag na rin akong sumama sa kanya, para na rin makita ko ang isa pang taong tinutukoy niya na nagngangalang Henry."

Itutuloy....