(Andrew POV)
Sa kabila ng kakaiba kong pakiramdam ay
nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa clinic ni Dr. Luis. Nasa
tapat na ako ng pinto nang biglang bumukas ito.
"Oh iho. Anong ginagawa mo dito, may problema ba sa nanay mo?" ang kanyang tanong sa akin.
"Wala
naman pong problema kay nanay, pero gusto ko lang po kayong makausap
tungkol sa kanya." ang aking sagot sa kanya. Nais ko kasing personal na
magpasalamat ulit sa kanya at syempre mapag-usapan na rin kung paano ko
mababayaran ang lahat ng naging gastusin namin dito tulad ng sinasabi ko
kay Dina.
Sumilay ang ngiti sa mukha ng doctor. At sa
nakita kong iyon ay naisip ko ulit na pamilyar talaga ang kanyang mukha
sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko siya
nakita.
"Gusto man kitang pagbigyan na makausap ngunit
hindi pa pwede ngayon dahil may scheduled check-up ako ngayon. Siguro
bukas na lang?"
Doon ko napansin ang dala niyang bag. "Ah sige po doc makakapaghintay naman ako."
"O siya mauna na ako sayo, see you tomorrow."
Agad akong bumalik sa kwarto ni nanay.
"Oh Andrew, ang bilis mo naman yata, nakausap mo na ba si Dr. Luis?"
"Bukasna
lang daw may pupuntahan pa siyang pasyente ngayong araw." ang aking
sagot sabay upo sa isang upuan sa kaliwang bahagi ng kama kung saan
nakaratay si nanay. "Teka, paano mo nalaman na sa kanya ang punta ko?"
Napatingin sa akin si Dina na animoy nagulat. "Ah... ano... sinundan kita."
"Ha... bakit naman?"
"May sasabihin sana ako sayo."
"Ganoon ba? Narito na ako ngayon kaya pwede mo na sabihin kung ano man yan."
"Teka... ano ba yun nakalimutan ko na sandali lang."
"Alam
mo Dina, ang weird mo talaga nitong mga nakaraang araw. May problema ka
ba?" ang di ko naiwasang itanong dulot ng aking pagtataka sa kanyang
mga kinikilos.
"Wala ah. Marami lang gumugulo sa isip ko ngayon."
"Ano naman iyon? Tell me kaibigan mo ako."
"Ah eh... si Elmer... oo siya nga... Nagkatampuhan kasi kaming dalawa."
"Ayun.... sinasabi ko na nga ba, as expected na mangyayari yan. Hindi ka kasi nakikinig sa akin."
"Teka Andrew hindi ganoon yun."
"May
modus operandi na yang boyfriend mo, nambababae na yan. Ilang araw na
kayong hindi nagkikita di ba? Lalaki siya kaya hahanap talaga yan ng
babae."
"Di totoo yan, loyal si Elmer sa akin."
"Talagang pinagtatanggol mo pa siya ha. Sige bahala ka. Basta ako hindi nagkulang ng paalala sayo."
Hindi na siya umimik pa sa aking sinabi.
_________
Kinabukasan
bago ako bumalik ng ospital ay naisipan kong sumaglit muna sa lugar
kung saan ako ipinganak, nagkaisip at lumaki, ang Tondo.
Habang
nasa biyahe ay ginugunita ko sa aking isipan ang ilang mga alaala ko at
ng aking pamilya sa lugar na iyon. Doon kami nagsimulang bumangon at
magsumikap ni nanay mula sa pagkakawala ng aking ama.
Halos
hindi ko na nakilala pa ang lugar ng akoy makarating. Wala na ang bakas
ng nakaraan. Mula sa mga magkakatabing barungbarong na gawa lang sa
kahoy na matuturing na squatters area, Ngayon ay mga townhouses na ang
nakatayo ngayon. Halatang mga may kaya ang naninirahan ngayon sa lugar
na ito. Sa paligid naman nito ay mga mga puno at halaman na.
Naisip kong libutin saglit ang lugar, nagbabakasakali na may mga kakilala pa akong nakatira pa rito hanggang ngayon.
At
sa kasagsagan ng aking pag-iikot ay nakaramdam ako ng gutom. Sakto
namang may nakita akong bakery kaya bumalik ako doon upang bumili ng
makakaing tinapay at softdrinks bilang panulak. Naupo ako sa isang
mahabang upuan na gawa sa kahoy. Maaga pa sa mga oras na ito kaya
maraming tao ang bumibili sa bakery na iyon.
Abala pa
rin ako sa aking kinakain nang may isang lalaki ang tumabi ng upo sa
akin na may bola at umiinom din ng softdrinks. Naka jersey ito kaya
malamang na katatapos lang nitong maglaro ng basketball.
Abala
pa rin ako sa aking pagkain nang mapansin kong parang nakatingin sa
akin ang lalaking iyon. Nilingon ko siya at nakumpirma ang aking hinala.
Saglit kaming nagtitigan at nakita ko na pang kinikilatis niya ako.
"Ikaw ba si Andrew?" ang agad na tanong niya sa akin nang magsalubong ang aming tingin.
Nahiwagaan naman ako sa kanya kung bakit alam niya ang aking pangalan.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Sabi na eh. Ikaw nga yan." ang kaniyang sambit sabay palakpak ng isang beses na tila natuwa sa pagtama ng kanyang tanong.
Isang nagtatakang tingin ang pinukol ko sa kanya bagamat namumukhaan ko siya.
"Hindi mo ba ako matandaaan ako si Lui."
Doon ko na siya naalala.
"Lui!
Ikaw pala yan. Grabe ang laki ng pinagbago mo." ang pagpuna ko sa
kanyang itsura. Kung noong mga bata pa kami ay magsingpayat kami, ngayon
mas matangkad na siya at kita ang kanyang mga muscle sa katawan.
Si
Lui ang aking pinakaunang naging kaibigan at kababata nung mga
panahon na naninirahan kami dito. Magkapit-bahay lang ang aming mga
pamilya. Magkaklase kami mula kinder hanggang high school. Minsan ay
nakakasama ko siya sa aking pangangalakal.
"Ikaw rin naman ah." ang kanyang tugon sa akin. "Anong ginagawa mo pala dito?"
"Dumalaw
lang ako. Tinignan ang pagbabago ng ating lugar simula ng paalisin kami
dito. Ikaw, dito na ulit kayo nakatira?" ang tanong ko sa kanya.
Pagkagraduate niya kasi ay lumipat sila ng bahay dahil sa trabaho ng
kanyang tatay.
"Ah oo. Napagdesisyunan din kasi ni tatay na bumalik kami dito.
"So wala na palang trabaho si ninong?" Inaanak ako sa binyag ng kanyang ama.
"Oo. Kaya ako na ang nagtatrabaho sa aming pamilya. Ikaw, may trabaho ka na rin ba? Saan?"
"Wala pa. Nag-aaral pa rin ako hanggang ngayon."
"Talaga? Bakit ka naman huminto?"
"Actually,
isang taon na lang naman graduate na rin ako. Kaso parang hindi ako
makakapasok ngayong pasukan dahil sa kondisyon ni nanay.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Inatake siya sa puso. Pero awa ng Diyos maayos na siya ngayon."
"Mabuti naman kung ganoon."
Marami
pa kaming napag-usapan ni Lui. Kinuwento niya ang mga nangyari sa
kanya simula nang umalis silang pamilya. Doon ko nalaman na graduate
pala siya ng HRM na course at ang trabaho niya ngayon ay sa isang
restaurant. Pang gabi ang kanyang schedule at ang libangan niya sa araw
ay ang maglaro ng basketball. Malapit lang pala sa lugar na ito ang
kanilang tirahan.
Ako naman ay nilahad ko sa kanya ang
mga nangyari sa akin maliban sa aking lovelife. Kahit ako rin kasi ay
ayoko nang pag-usapan pa iyon.
Napasarap ang aming
kuwentuhan na inabot ng halos isang oras. Gustuhin ko mang magtagal pa
roon at samahan siya sa kanila para makita sina ninong at ninang ay
sinabi ko lang sa kanya na sa susunod na lang dahil sa sitwasyon ni
nanay.
Pero bago kami maghiwalay ay nagpalitan kami ng aming mga cellphone numbers upang magkaroon ng komunikasyong dalawa.
__________
Bago ako bumalik sa kwarto ni nanay ay sinadya ko ulit si Dr. Luis gaya ng napag-usapan namin kahapon.
Sinilip ko siya sa salamin ng pinto at nakita ko siya na abala sa pagsusulat.
"Magandang tanghali po doc" ang magalang na pagbati ko sa kanya na sinabayan ko ng pagkatok.
"Ikaw pala, come in"
Pinaupo niya ako sa isang silya katapat ng kanyang mesa.
"Anong sadya mo sa akin iho?"
"Narito po ulit ako upang personal na magpasalamat."
"Nasabi mo na sa akin yan nung isang araw."
"Hindi
rin iyon ang dahilan ng pinunta ko rito. Gusto ko po sanang malaman
kung paano ako makakabawi sa inyo. Sa totoo lang kahit pa na sabihin
niyo ng kaibigan kong si Dina na hindi ko na kayo babayaran ay nahihiya
pa rin ako."
"Sinabi na rin sa akin ni Dante ang tungkol diyan sa
nais mong mangyari kaya nagka idea na ako na yan nga ang pakay mo sa
akin ngayon."
"Pasensya na po kung nagiging makulit ako.
Pakiramdam ko po kasi sa aking sarili na wala akong silbi. Hindi ko
matanggap sa aking sarili na wala akong nagawa para sa aking ina na
siyang nag-aruga sa akin samantalang siya ay nagsisikap sa
paghahanap-buhay para sa akin."
"Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo iho."
"Kaya
po sana hayaan niyo akong mabayaran ko kayo kahit paunti-unti maibalik
ko lang ang kabutihan na ginawa niyo sa aming mag-ina."
"Bilib ako sa prinsipyo mo iho. So kung yan talaga ang gusto mo sige papayag na ako."
"Salamat po doc. Paggaling po ni nanay ay agad akong hahanap ng paraan para kumita. Maghahanap rin ako ng trabaho."
"Ok."
"Siya
nga po pala, kung meron po kayong kailangan sa akin, kung ma
maitutulong ako ay gagawin ko po. Lahat po ng gusto niyo ay aking
susundin na rin."
Nakangiting tumango sa aking ang doktor.
"Sandali pala... di ba nag-aaral ka pa?" ang bigla niyang itinanong sa akin.
Halos
dalawang linggo na lang pala ang natitira at magpapasukan na. At dahil
sa nangyari kay nanay ay malabo na akong makakahabol sa pagpasok.
"Opo
doc. Pero sa sitwasyon namin ngayon ay mahihinto na naman ako." hindi
ko maitago ang kalungkutan sa aking sinabi dahil sa totoo lang ay
nanghihinayang ako. Sayang naman dahil isang taon na lang ay magtatapos
na ako at tiyak na mas maganda sana ang aking kinabukasan.
"I see."
__________
Tatlong
araw ang lumipas, naroon pa rin ako sa ospital para magbantay kay
nanay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Bagamat walang
malay ay kinakausap ko siya.
"Nay, alam niyo po ba na napakasaya
ko ngayon, dahil magaling ka na at magsasama pa tayo ng matagal. Hindi
pa rin tayo pinababayaan ng Diyos. Ang laki talaga ng aking pasasalamat
sa kanya sa pagtupad ng aking panalangin. Excited na po ako sa inyongh
paggising nay!"
Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay.
"Tatanawin
ko talagang isang napakalaking utang na loob sa mga taong tumulong sa
atin nay. Pero hindi po ako mapalagay nang hindi ako nakakabawi sa
kanila. Kaya po gagawa ako ng paraan para maibalik kahit papaano ang
kanilang kabutihan sa atin. Sa ngayon po ang naiisip ko pa lang ay
bayaran sila ng paunti-unti. At kung sakaling kakailanganin nila ako ay
tutulong din ako sa kanila. Gagawin ko ang lahat ng kanilang gusto o
ipagagawa."
Naputol lang ang aking pagsasalita sa isang
tawag sa aking cellphone. At sa kauna-unahang pagkakataon simula ng
atakihin sa puso si nanay ay ngayon lang ulit siya tumawag.
"Hello
Troy, Anong nangyari sayo bakit ngayon ka lang tumawag?" ang agad kong
itinanong sa kanya. Hindi naman ako galit o nagtatampo sa kanya.
"Pasensya
ka na Andrew, busy lang kasi ako sa aming negosyo. Marami rin kaming
inaasikaso ni Maribel." ang kanyang tugon sa akin.
Naiintindihan
ko naman ang kanyang dahilan. Siya lang kasi sa kanilang pamilya ang
magmamana ng kanilang negosyo. At siyempre may iba na siyang priority
ngayon, ang kanyang asawa.
"Alam kong maayos na ang kalagayan niya kaya masaya ako para sa inyong dalawa." ang sunod niyang sinabi na ipinagtaka ko.
"Alam mo ang nangyari kay nanay? Paano mo nalaman?"
"Ah... Si Dante. Sinabi niya sa akin ang lahat."
"Talaga?
So may communication pala kayong dalawa." ang aking nasambit. Ang weird
naman na nagagawa ni Dina na macontact si Troy samantalang ako na halos
hindi ko siya matawagan nung sinubukan kong humingi ng tulong sa kanya.
"Bale... kahapon ko lang siya nakausap. Kinuwento niya sa akin lahat-lahat."
"Ah ok..."
"So pano Andrew, tatawagan na lang kita ulit. Kung magkaroon ako ng time ay dadalawin ko kayo diyan sa Manila."
"Sige Troy, ikamusta mo na lang ako kay Maribel. Sige ingat kayo diyan."
Isang oras ang lumipas nang makatanggap ulit ako ng tawag mula sa isa kong kaibigan sa probinsya.
"Andrew kamusta na kayo diyan? Pinuntahan ka namin sa inyo at ang sabi ng mga kapit-bahay niyo dito na lumuwas kayo ng Maynila."
"Pasensya na Arthur. kung di ko kayo naabisuhan. Biglaan kasi."
"Naiintindihan ka namin tol. Ano na pala ang nangyari kay Tita?"
"Ligtas na. Hinihintay ko na lang na magising siya."
"Mabuti naman kung ganoon."
Nahimigan ko sa kanyang boses na masaya siya para sa akin.
"Pinag-uusapan pala namin dito kung babalik pa ba kayo at kung mag-aaral ka pa dito sa darating na pasukan."
"Sa
totoo lang nalulungkot ako sa bagay na yan. Malabong diyan pa ako
mag-aral sa pasukan o baka mahinto na naman ako. Parang dito na kasi
ulit kami maninirahan sa Maynila."
"Ganoon ba. Talagang nakakalungkot nga yan. So totoo pala siguro yung binalita sa amin nina Bea at Andy."
"Ha? Anong balita?"
"May
nagsabi sa kanila, mga kaklase natin na nung nagpaenroll daw sila ay
may may isang lalaki daw silang nakita na nagpunta sa office sa school
para ayusin ang mga records mo."
"Talaga!" gulat na gulat talaga ako sa aking narinig.
"Hindi
mo ba alam? Sabi pa nga daw ng registrar na nakausap nila na kakilala
mo yung tao at siya na ang pinaasikaso mo ng iyong pag transfer sa
Manila dahil abala ka sa pag-aalaga kay Tita."
"Wala
akong alam sa bagay na yan. Teka, ano naman ang itsura ng taong
sinasabi niyo?" ang aking tanong sa kanila. Nagbabakasakali na makakuha
ako ng clue kung sinoman iyon.
"Hello friend si Rica ito!" Marahil ay naka loudspeaker ang phone ni Arthur at inagaw niya iyon sa kanya.
"Oh bakit Rica?"
"Kunwari
ka pa diyan friend. Nagpapaechos ka lang. Alam naman namin dito na
kilala mo siya ano. Kahapon bumalik siya dito, tinuro siya samin ni Bea
ng mga kaklase natin. At nakausap namin siya."
"Ano ba kayo, hindi ko talaga alam ang bagay na yan. Sa totoo lang nagulat din ako sa balita niyo." ang aking pahayag.
Halos mabingi naman ako sa biglaan nilang pagtili.
"Kakilala mo daw siya Andrew. Grabe! hindi mo sinabi na may friend ka palang... Ayiiii!!! Sobrang hot!"
"Sige tawagan ko na lang ulit kayo."ang sabi ko sa kanila. Pinutol ko na ang kanilang iba pang sasabihin.
Lubusang naguluhan ang aking isipan kaya minabuti kong tawagan si Dina kung may kinalaman siya tungkol sa bagay na ito.
Itutuloy...
Saturday, July 27, 2013
Monday, July 22, 2013
TRUE LOVE 3
(Andrew POV)
Hindi pa rin mapawi ang ngiti sa aking mukha habang nasa biyahe kami. Sa halos isang linggo kong paghanap ng solusyon sa aking problema ay lagi akong aborido, naiiyak at kinakabahan. Ngayon parang nabunutan na ako ng malaking tinik sa aking dibdib dahil sa wakas ay matatapos na ang napakalaki kong problema.
Isang pribadong helicopter pala na medyo may kalakihan ang aming sinakyan na sa tingin ko ay pag-aari ng isang pamilya. Nasa likod ako katabi ang aking ina kasama ng isang babaeng nars na tumitingin sa kanya. Nasa harap naman si Dina at ang piloto.
"Ang swerte ko talaga Dante at nakilala kita."ang masaya kong sambit sa kanya.
"Anong Dante, Im Dina!" ang agad na tugon nito.
Napansin ko naman ang pigil na tawa ng nars.
"Ang bait mo talaga, ikaw pa ang nagbayad ng bill ni nanay sa ospital. Pero babayaran ko sa iyo yun."
"Ayos lang kung di mo na bayaran."
"Hindi pwede iyon. Paano na lang kapag nalaman ito ng mga magulang mo? Ayaw kong isipan nila na oportunista kami."
"Mabait sila kaya huwag ka nang mag-alala diyan."
"Tapos itong helicopter. Alam kong mahal din ang renta mo dito. Nahihiya nga ako sa iyo eh kaya babayaran ko talaga ang mga ito kahit paunti-unti."
"Hindi naman ako nagbayad para dito sa helicopter."
"Talaga, wow sa inyo pala ito. Matagal na kitang kilala pero ngayon ko lang nalaman na ganito pala kayo kayaman." ang aking sambit.
Naghihintay ako ng pagtugon mula kay Dina. Ngunit hindi siya nagsasalita. Sa totoo lang ay nawiwirduhan ako sa mga kinikilos niya na di ko maintindihan.
Makalipas ng ilang oras ay nakarating na kami ng Maynila. Hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa akin noon sa siyudad na ito, mga malulungkot na karanasan tulad ng pagkamatay ni tatay.
Ngunit dito rin ako natutong magsumikap. High School pa lang nang magsimula akong dumiskarte para matustusan ang aking pag-aaral pati na rin ng mga gastusin sa bahay sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura.
Pagkalapag ng helicopter ay agad na nilabas ang stretcher kung saan nakahiga si nanay at dineretsong pinasok sa isang ambulansya.
Dinala si nanay sa isang pribadong ospital. Halos hindi ako makapaniwala na dito siya ooperahan dahil pangmayaman ito. Sobra na tuloy akong nahihiya kay Dina. Kung susumahin ang lahat ng ginastos niya nung nasa Bicol pa kami ay napakalaki na nito. Napagdesisyunan kong kausapin na lang siya tungkol dito kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Pagkapasok ng nasabing ospital ay pinasok siya agad sa emergency room upang masuri ng mga nars doon. Maya-maya lang ay may dumating na isang doktor.
Pinagmamasdan ko lang ang kanilang ginagawa habang sinusuri nila si nanay. Kung noong una ay kaba at takot ang nararamdam ko, ngayon ay saya na dahil may kasiguraduhan na ang kanyang kaligtasan.
Matapos ang kanilang ginagawa ay agad akong nilapitan ng doktor.
"Ikaw ba ang anak ng pasyente?" ang nakangiti niyang tanong sa akin.
Bago ko sagutin ang kanyang tanong ay may napansin ako sa kanyang itsura. Parang pamilyar kasi siya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Ah opo dok."
"Im Dr. Luis." ang kanyang pagpapakilala sabay abot ng kanyang kamay na aking tinugon.
"Ako naman po si Andrew. So doc, kamusta na po ang lagay ni nanay. Kailan po siya maooperahan?" ang agad kong tanong sa kanya.
"We will start the operation tomorrow."
"Naku dok, maraming-maraming salamat po talaga. Napakabait po ninyo ng kaibigan ko. Pero gaya po ng sinabi ko sa kanya, babayaran ko rin po kayo sa kahit anong paraan."
"Huwag muna nating isipin yan iho. Ang importante ay gumaling ang nanay mo." ang nakangiti niyang pahayag. "Sige mauna na muna ako at may iba pa akong pasyente."
Nang makaalis ang doctor ay siyang pagbalik ni Dina.
"Saan ka ba nanggaling?" ang tanong ko sa kanya. Agad kasi siyang nawala nang makarating kami dito sa ospital.
"Ah...diyan lang." ang kanyang sagot.
"Saan nga?"
"Sa labas... oo diyan sa labas nagpahangin lang."
"Hmmm.... ok... Oo nga pala sabi ng doctor bukas na ooperahan si nanay."
"So mabuti naman kung ganoon. Makakaligtas na rin sa kapahamakan si Tita."
"Oo nga. Pero Dina, maraming-maraming salamat talaga. Napakalaki ng naitulong mo sa amin. Pero babayaran ko ang lahat ng ginastos mo sa amin mula sa bill namin sa ospital sa probinsya hanggang sa gagawing operasyon dito."
"Huwag mo nang isipin ang mga iyon. Saka yung tungkol sa operasyon, wala ka nang babayaran pa."
"Ang ibig mong sabihin libre nga iyon. Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang yan para di na ako mag-alala pa dahil alam mong wala akong kakayahang magbayad. Basta, babayaran pa rin kita kahit paunti-unti."
"Sige bahala ka..."
Pansamantala muna naming iniwan si nanay para mananghalian. Napagpasiyahan naming kumain sa isang fastfood chain. Pagkatapos ay nagpatulong ako sa kanyang maghanap ng pansamantala naming matutuluyan.
"Andrew, pwede ka namang sa amin muna tumuloy hanggat nasa ospital pa si Tita. Saka mo na isipin yung tungkol sa titirahan niyo." ang suhestiyon ni Dina sa akin.
"Huwag na Dina, sobra-sobra na ang naitulong mo sa akin. May pera pa naman ako dito."
"Pero mauubos din yan Andrew. Paano na lang kung magaling na si Tita, e di mangungupahan kayo."
May punto nga si Dina sa bagay na yan. Kung sa pagkain lang ay aabot ito ng isang buwan. Pero kung isasama ang upa, magiging mabigat na ito para sa aming mag-ina.
"Tutal mahihinto na naman ako sa pag-aaral sa pasukan, maghahanap ako ng trabaho yung malaki-laki ang sweldo."
Paglingon ko sa kanya matapos sabihin iyon ay abala siya sa pagtext. Naisip ko naman na baka ang boyfriend niyang si Elmer iyon kaya hindi ko na binigyan pa ng pansin iyon.
Hapon na nang makahanap kami ng isang maliit na kwarto. Mabait naman ang may-ari sa presyong inalok ko sa kanya dahil hindi naman ako magtatagal. Agad ko namang dinala ang aming mga gamit doon. Pagkatapos ay bumalik na ako ng ospital upang magbantay kay nanay.
___________
Kinabukasan, maaga pa lang ay dinala siya sa kwarto kung saan gaganapin ang operasyon. Sa labas nito habang naghihintay ng resulta ay nananalangin ako na sana maging succesful ang operasyon. Kasama ko si Dina sa mga oras na iyon.
At makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si Dr. Luis kasama ang iba pang nars na katulong niya sa pag-opera.
"Successful ang operation. Your mother is safe now."
Sa wakas lubos na ang aking kasiyahan. Nalampasan na rin naming mag-ina ang isang napakatinding pagsubok sa aming buhay. Labis ang tuwang aking nararamdaman sa mga oras na iyon.
"Maraming salamat po talaga Dina at Dr. Luis. Napakabait po ninyo talaga."
Nagkatinginan naman sila ni Dina na parang may ibang iniisip. Pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil mas nangingibabaw sa akin ang aking nararamdamang emosyon.
Ilang saglit pa ay nilipat na sa isang ward ang aking nanay. Nagrequest ako na sana sa murang ward na lang siya ilagay. Ayos lang naman sa akin kung may kasama kaming iba. Ngunit wala na akong nagawa pa nang inilagay siya sa isang pribadong kwarto.
Matapos iyon ay saglit akong lumabas at nagpunta sa simbahan ng Quiapo kung saan nagsisimba noon asi nanay tuwing Biyernes. Nanalangin ako at nagpasalamat sa Diyos sa ibinigay niyang pangalawang buhay para sa aking pinakamamahal na ina. Siyempre pinagdasal ko rin ang aking mga kaibigan na sumuporta at tumulong sa akin lalo na kina Dina at Dr. Luis.
Pagkalabas ko ng simbahan ay saglit kong pinagmasdan ang paligid. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Naroon pa rin ang mga vendor ng mga sari-saring bagay tulad ng mga gamot at damit. At siyempre mawawala ba naman ang mga magkakatabing manghuhula.
Sa pagkakita ko sa kanila ay isang alaala ang nanumbalik sa aking isipan, ang araw na kung saan ay sama-sama kaming nagsimba ni nanay at ng taong sanhi ng pagkasawi ko sa pag-ibig.Naunang umuwi si nanay at naisipan kong ilibot siya sa lugar at doon niya nakita ang mga manghuhulang iyon.
"May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito sa akin.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang aking pagtanggi. Hindi kasi ako naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba? kaya tara na."
Hinatak niya ako patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang malugod niyang pagbati sa matanda.
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan kaming dalawa. "Ako na lang po muna." ang tila excited niyang pahayag.
"Sige ikaw muna, iho tutal gwapo ka naman." ang nakangiting sagot ng matanda.
"Kita mo Andrew pati si Manang naguwapuhan sa akin haha." ang tila pagyayabang naman niya.
Nginitian ko lang siya.
At sinimulan na ang panghuhula. Isa-isang nilapag ng matanda ang kanyang mga baraha sa mesa. Maya-maya lang ay tinignan na nito ang kasama kong hinuhulaan niya.
"May kasintahan ka na ba iho?" ang pambungad na tanong nito sa kanya.
Tinignan niya ako saglit bago sumagot. "Sa ngayon po ay wala pa Manang."
"Ganoon ba iho. Ayon kasi sa aking baraha ay magkakaroon ka ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ko na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Ang pag-ibig na ito ang siya pa ring mananaig sa huli. Iyan lang ang masasabi ko."
Halatang nabitin siya sa sinabing hula sa kanya.
"Mayroon lang ako kaunting paalala sayo iho." ang pagpapatuloy ng matanda.
Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."
Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kung ganoon." ang nakangiti na niyang pahayag. "Yung kasama ko naman po manang."
Muli ay isa-isang nipalag ng matanda ang baraha sa mesa.
"May minamahal ka na ba ngayon iho?" ang paunang tanong nito sa akin na hindi ko agad nasagot.
Samantalang napansin ko naman ang kasama kong naghihintay sa aking sasabihin na parang umaasa na siya ang sasabihin nitong iniibig ko.
"Wa...wala pa po Manang." ang simpleng kong sagot.
Halata ang pagkadismaya ng kasama ko sa aking sagot.
"Pero may nagugustuhan ka na ngayon di ba?" ang sunod na tanong ng manghuhula. "At hindi mo lang masabi sa kanya na mahal mo siya dahil may bumabagabag sayo."
Sapul sa akin ang sunod na sinabi ng manghuhula.
"Ayon sa aking baraha ang pag-ibig mo sa kanya ang makapagbabago ng buhay mo iho."
"Ganoon po ba? ang tanong ko.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."
Hindi ko nagustuhan ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."ang makahulugang pahayag pa nito.
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ko ulit.
"Iyon lang ang masasabi ko iho."
Naalala ko pa ang eksenang iyon na kung saan ay nagpahula kaming dalawa. Yung mga hula sa akin, sa palagay ko ay hindi lahat nagkatotoo. Siguro masasabi ko ang matinding kalungkutang tinutukoy niya ay ang nangyari kay nanay. Pero ang huli niyang hula na ang pag-ibig ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa akin ay hindi totoo bagkus kabaliktaran pa nga ang nangyari.
Nasa kasagsagan ako ng paggunita sa nakaraan nang mahagip ng aking mata ang isang matandang manghuhula. Agad ko siyang namukhaan at hindi ako maaring magkamali na siya ang humula sa aming dalawa.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang may nag-uudyok sa akin na lapitan siya para magpahula ulit. At sa pagtatalo ng mga bagay na ito sa aking isipan ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.
"Kanina ka pa nanatingin sa akin iho. Halika hulaan kita" ang paanyaya nito sa akin.
"Ah huwag na po manang, wala rin po akong pera ngayon." ang aking pagtanggi. Sa totoo lang ay may dala ako ngunit sapat lang ito sa aking pagkain at pamasahe pabalik ng ospital.
"Ayos lang iho, di mo na kailangang magbayad. Halika na."
Nabigla naman ako sa aking narinig kasabay ng pagtataka kung bakit sa kabila ng wala akong ibabayad ay gusto pa rin niya akong hulaan. Gayumpaman ay naisip ko na pagbigyan na lang siya tutal ay wala namang mawawala sa akin.
Pagbalik sa kanyang pwesto ay agad niyang inayos ang kanyang baraha at nilapag isa-isa sa maliit na mesa.
"Pag-ibig ang naging susi upang malampasan mo ang matinding pagsubok sa iyong buhay." ang pauna niyang sinabi.
Sa isip-isip ko, halos pareho lang iyon ng nauna niyang hula sa akin noon. Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.
"May magbabalik... ngunit mananaig pa rin ang unang pag-ibig dahil ito ang iyong tadhana at ang totoong pag-ibig."
Isang palaisipan bagamat hindi ko naman iyon gaano pinaniniwalaan na dahil sa prinsipyong binuo ko sa aking sarili.
Sa aking pagbibiyahe pabalik ng ospital ay iniisip ko ulit ang naging hula sa akin. Ang sabi niya na ang pag-ibig daw ang naging susi para malampasan ko ang matinding pagsubok sa buhay. Ibig sabihin na dahil dito ay nasolusyunan ang aking problema. Kung tungkol ito sa nangyari kay nanay, napakalabo nito dahil ang aking kaibigan naman ang tumulong sa akin. At ang tungkol naman sa may magbabalik daw... talagang naguluhan ako doon. Parang pinagsisihan ko pa tuloy na nagpahula ako dahil naguluhan talaga ang aking isipan.
Pagdating ko sa kwarto kung saan nakaconfine si nanay ay nadatnan ko si Dina.
"Andrew, dinalhan ko pala ng prutas si Tita."
"Nag-abala ka pa. Nakakahiya na talaga sayo."
"Iyan ka na naman. Pwede bang alisin mo na ang hiya na yan. Magkaibigan tayo."
"Hindi mo naman maiialis sa akin ang ganoon. Masyado kasing malaki ang utang na loob ko sayo. Kahit papaano ay gusto ko rin naman makabawi gaya ng pagbabayad ko sa naging gastusin dito."
"Andrew naman, hindi sa minamaliit ko ang kabuhayan niyo ni Tita, pero sana itigil mo na ang isipin na yan. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay kung ano at paano kayo magsisimula oras na magaming na si Tita."
"Ok." ang aking nasabi bagamat hindi pa rin nito tuluyang nabago ang aking isip sa di malamang kadahilanan.
Nagpaalam ako sa kanya saglit na lalabas muna upang kausapin ko ang doktor na nagopera sa aking ina. At sa aking paglalakad ay nagtanong ako sa nakakasalubong kong mga babaeng nars kung saan siya makikita.
"Ah nars, saan po ba dito yung room ni Dr. Luis.?"
"Dr. Luis????" ang patanong na tugon ng isa sabay tingin sa kanyang kasama na tila hindi alam ang aking tinutukoy.
"Dr. Luis po yung nag opera sa puso ng nanay ko." ang aking paglilinaw.
"Ah si Dr. Luis Sebastian po.. Doon po sa second floor tapos kaliwa kayo yung pangalawang pinto sa dulo malapit sa stairs Sir."
"Ganoon po ba, salamat.."
Nasa fifth floor ang ward ni nanay kaya gumamit na ako ng elevator pababa sa second floor. Sa pagbukas ng pinto nito ay kumaliwa ako gaya ng sinabi ng nars.
"Ayun yung pangalawang pinto." ang sabi ko sa aking sarili.
Habang papalapit ay saglit akong napatigil nang mapansin ko ang isang matangkad na lalaki na lumabas doon sa pintong iyon papuntang hagdan na tumatakbo na tila nagmamadali.
Sa puntong iyon ay bigla akong may naramdamang kakaiba na hindi ko mawari.
Itutuloy....

Saturday, July 20, 2013
TRUE LOVE 2
(Andrew POV)
Tulad ng aming palagi naming ginagawa, madaling araw pa lang ay tumungo na kami ni nanay sa dagat kasama sina Troy at ang asawa niyang si Maribel.
"Maganda talaga ang lugar na ito Tita." ang naibulalas ni Maribel habang pinagmamasdan ang paligid. Kasalukyan kaming naglalakad papunta sa dagat.
"Mabuti naman at nagustuhan mo dito sa aming lugar iha." ang tugon naman ni nanay.
"Oo nga po. Akala ko parang Maynila lang dito pero hindi pala. Malinis ang paligid at sariwa ang hangin. Nakakarelax! Kapag akoy nakapanganak, babalik kami dito."
"Tama yan iha. Makakabuti para sa inyong anak ang sariwang hangin dito."
Habang naglalakad kami ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Halata sa kanya ang kasiyahan habang nag-uusap sila ni nanay. Ang kanyang ngiti ang mas lalong nagpadagdag sa angkin niyang ganda. At sa tingin ko ay mabait siya. Masaya ako para kay Troy dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang babaeng kukumpleto sa kanyang pagkatao, ang makapagbibigay ng anak na bubuo ng kanyang sariling pamilya.
Sa ngayon alam kong maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Troy. Hindi na ako mag-aalala pa para sa kanya. Nandyan na si Maribel na aagapay, mag-aalaga at pagbibigay ng panibagong saya sa kanya.
Pagkarating kami sa dagat ay sinimulan na namin ang aming gawain. Habang abala sa pamimili ng isdang paninda ay naroon lang ang mag-asawa para kami ay panoorin. Siyempre may mga ilang katanungan sila na sinasagot naman namin ni nanay. At sa palengke naman ay tinutulungan nila kami ni nanay sa pagtitinda.
Marahil ay swerte sila dahil marami-rami ang naging benta namin sa umagang iyon. Wala pang tanghali ay kakaunti na lang ang aming paninda.
"Sino sila mare?" ang curious na tanong ng isa naming suki nang mapansin nito ang aming kasama.
"Mga kaibigan sila ni Andrew." ang tugon ni nanay habang abala sa pagtanggal ng bituka at hasang ng binibili nitong isda.
"Aba kay pogi at ganda naman nila at mukhang mayayaman ah!" ang sabi nito. Natawa lang sina Troy at Maribel.
"Taga Maynila kayo di ba?" ang sunod na tanong nito sa kanila.
"Ah opo." ang magiliw namang tugon ni Maribel.
"Ganoon ba, maligayang pagdating dito sa aming lugar."
"Salamat po."
Marami pang mga bumibili ang nakapansin sa kanilang dalawa isamana diya ang ibang taong dumadaan lang na napapatingin sa kanila. Hindi na rin ako nagtataka pa dahil sa itsura pa lang nila at pananamit ay nakakagaw- atensyon talaga. \
Nang magtanghali ay bumalik muna kami sa bahay upang kumain. Pagkatapos ay saglit na umiglip si Troy. Doon kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap at makilala ng kanyang asawa na si Maribel. Agad akong nagpasalamat sa kanya sa pagiging mabuting asawa niya kay Troy.
"Mabait si Troy, kaya hindi siya mahirap mahalin Andrew." ang kanyang tugon sa akin.
"Masaya ako, sa wakas ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Nung mga panahon kasi na umalis kami ni nanay sa kanila ay nag-aalala ako para sa kanya."
"Alam ko Andrew. Sinabi na ni Troy sa akin ang lahat pati ang naramdaman niya para sayo. I admit nung una ay hindi ako makapaniwala at hindi ko siya matanggap. Ngunit unti-unting nagbago iyon nang magpakita siya ng efforts sa akin lalo na nung magpropose siya sa akin sa harap ng aking mga magulang. Doon ko siya sinagot at hindi ko naman iyon pinagsisihan."
"Magiging maayos at matibay ang isang relasyon kung ang magkasintahan o mag-asawa ay tapat sa isat-isa, walang tinatagong sikreto. Iyon ang pananaw ni Troy kaya inamin na niya sa iyo ang lahat."
"Tama ka Andrew. Kaya magpapasalamat na rin ako. Malaki ang naitulong mo sa pagbabago ni Troy. Dahil sayo ay nakilala ko siya."
"Walang anuman Maribel. Goodluck pala sa magiging anak ninyo."
"Oo naman ninong."
Natawa naman ako sa sinagot niyang iyon. Pero agad na nawala iyon sa sunod niyang tanong na nagpabigla sa akin.
"Ikaw naman Andrew. Hindi mo pa ba nakikita ang iyong special someone. Para naman maging masaya ka?"
Ang tanong na iyon ay hindi nalalayo sa palaging sinasabi sa akin ng aking mga kaibigan at kaklase. Kung tutuusin ay tama sila at napatunayan ko naman iyon sa aking nakikita sa kanila kapag kasama nila ang kanilang kasintahan. Ngunit iba ang aking sitwasyon. Masyadong kumplikado at naiiba na hindi tanggap ng lipunan.
"Salamat. Concern ka rin sa akin gaya ng iba kong mga kaibigan. Pero alam mo naman siguro diba, naikwento na rin sayo ni Troy ang mga nangyari sa akin noon. Kaya wala na akong balak pang hanapin ang imposibleng makita. Tulad ng palagi kong sinasabi, walang patutunguhan ang ganoong relasyon." ang aking pagtugon sa kanya.
Hinawakan ni Maribel ang aking kamay.
"Bilib ako sayo Andrew dahil nagagawa mong magpakatatag sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa iyong buhay. Pero ang sa akin lang ha, lahat ng tao ay may karapatang sumaya. Darating ang panahon na matatagpuan mo ang taong nakalaan para sayo. Sana bigyan mo ng isa pang pagkakataon ang sarili mo na magmahal ulit."
Napangiti na lang ako sa kanyang ibinigay na payo sa akin. May punto siya doon at aaminin ko na may kaunting porsyento sa aking isip na gustong gawin iyon. Pero nangingibabaw pa rin ang aking naging desisyon.
_____________
Dalawang linggo ang lumipas mula ng bumalik sina Troy at ang kanyang asawa na si Maribel sa kanilang tirahan sa Canada ay naging maayos naman ang takbo ng pamumuhay namin ni nanay. Sa nakikita ko ay masaya na talaga si Troy sa kanyang buhay ngayon, kasama si Maribel.
Di tulad noon na nakikita ko siyang malungkot. Naalala ko, isang araw bago ang nakatakda naming pag-alis ni nanay sa kanilang bahay ay nag-usap kami. Deretsahan niyang inamin sa akin ang kanyang nararamdaman. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala dahil wala naman sa personalidad niya ang magkagusto sa isang tulad ko.
Kung natuturuan ko lang sana ang aking puso na siya na lang sana ang aking mahalin. He also got the looks tulad ng taong una kong minahal at higit sa lahat ay napakabait niya sa akin, pero hindi talaga maaari.
Pinasalamatan ko siya sa pag-ibig na ibinigay niya sa akin, sa mga naitulong nila sa amin ni nanay. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang pagmamahal ng tulad kay Bryan.
"Nadala na ako Troy. Sabi ko sa aking sarili na hindi na ako kailanman na magmamahal ulit. Sa tingin ko, walang mangyayari kung ako ang mamahalin mo. Kaya tulad din ng sinabi ko kay Bryan, na sa iba mo na lang ilaan ang pag-ibig mo, sa isang babae na kukumpleto sa iyong pagkatao, na makapagbibigay ng anak. Isang halimbawa na ang nangyari sa amin na ang ganitong klaseng relasyon ay imposible at kailanman ay hindi magtatagal. Ang lalaki ay para sa babae. Sa mata ng Diyos at tao ay ito ang tama Troy." ang sabi ko sa kanya noon.
"Tama ka at naiintidihan ko Andrew. Sa aking pag-alis ng bansa ay susubukan kong sundin ang iyong mga sinabi." ang kanyang malungkot na pagtugon.
Ngayon, kahit hindi man natuloy ang happy ending sa aming dalawa ay nananatili pa rin kaming matalik na magkaibigan.
__________
Naging madalas ang pag-uusap namin nina Dina at Troy sa pamamagitan ng cellphone. Nagagawa ko lang na sagutin sila kapag nasa bayan ako. Dahil dito ay alam ko ang mga nangyayari sa kanila kahit pa na magkakalayo kaming tatlo.
Nitong nakaraang linggo lang ay excited na binalita sa akin ni Dina na naging sila na ni Elmer, ang lalaking parati niyang binabanggit sa aming kamustahan.
"At talagang tinuloy mo pa rin ang pagsama sa kanya ha. Sino pala yung unang nanligaw sa inyong dalawa?" ang aking tanong sa kanya.
"Siyempre siya. Ewan ko ba talagang kinikilig ako kapag nagpapakita siya ng sweetness sa akin lalo na nung unang beses niya akong dalawin sa bahay nila at ipaalam kay mom na mahal niya ako at nanghihingi ng permiso na ligawan ako. Grabe!"
Sa sinabing iyon ni Dina ay may mga pangyayaring nagbalik sa aking isipan. Naalala ko nung mga panahon na binibisita ako ni Bryan sa dati naming tirahan at ang deretsahang pag-amin niya kay nanay ng kanyang pagmamahal sa akin. Halos magkapareho lang iyon ngunit ang ending... wala.
"Sa umpisa lang yan. Maniwala ka sa akin, sa bandang huli hihiwalayan ka rin niyan."
"Napaka negative mo naman Andrew."
"Im not. That is the reality."
"Tinutulad mo ako sayo eh. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ganoon."
"Wake up Dina. Narito tayo sa bansa na kung saan ay hindi tanggap ang ganyang klaseng relasyon. At walang lalaki na kailanman na papatol sa mga tulad natin. Kung meron man, iyon ay dahil sa may iba siyang motibo, sa huli tayo pa rin ang kawawa.
"May point ka diyan friend. Pero may karapatan naman ang mga tulad natin na maging masaya di ba at wala namang masamang sumubok?"
"Hay Bahala ka. Basta ako nagbibigay lang ng payo sayo bilang kaibigan."
"Anyway thanks for that advise friend, hindi ko naman binabalewala yung mga sinasabi mo sa akin ano. Siyanga pala mamaya padala ko sayo yung mga pictures namin ha."
Ilang segundo pa lang ang lumipas mula ng matapos ang usapan naming iyon ay paisa-isa akong nakatanggap ng mga picture messages mula sa kanya. Mahigit 15 ang lahat ng iyon na kung saan ay magkasama sila ni Elmer. May magkayakap, kiss sa pisngi, smack sa labi, magkahawak kamay at magkaakbay sa balikat na kinunan sa parke, mall at sa isang bahay. Napansin ko na may itsura rin pala ang taong ito at may kaya. Sweet sila kung titignan pero ewan ko ba parang wala akong nararamdamang kilig sa aking mga nakikita. Ni hindi ko nga makuhang ngumiti man lang.
Agad ko siyang tinawagan ulit pagkatapos kong makita ang lahat ng mga larawan.
"Hello Dina, anong gusto mong palabasin sa...."
"Ooopss... Cool ka lang friend. gusto ko kasi makita mo kung gaano kami ka sweet ni Elmer."
"Hay nako ito na naman tayo Dina, kakasabi ko lang kanina di ba na..."
"Sa umpisa lang yan, dahil babae rin ang hahanapin niyan, walang nagtatagal sa ganitong relasyon. Alam ko na yun Andrew."
"Ok. O siya...sige goodluck na lang sa inyong dalawa." ang nasabi ko na lang sa kanya.
Hindi naman lingid sa aking kaalaman na tulad ng mga sinabi ni Maribel, ginawa lang ito ni Dina para mabago ang aking pananaw sa buhay. Siguro gusto din niya ako makitang masaya tulad nila. Ngunit final na ang desisyon ko. Nakapag move-on na ako sa nakaraan at masaya ako ngayon.
___________
Ilang linggo bago magpasukan ay todo kayod na kami upang makapag-ipon para sa magiging gastusin sa aking pag-aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa iba pang nagtitinda sa palengke dahil nakakapag sideline ako sa kanila. Hindi sa pagyayabang pero ako na yata ang pinakamasipag doon ayon sa kanila. Halos lahat ng tao kasi doon ay kilala na ako.
Kung gaano ako kasigla na halos araw-araw kahit na maghapon akong nagtatrabaho ay malakas pa rin ako ay kabaliktaran naman ng nakikita ko kay nanay. Nitong mga nakaraang araw lang ay napapansin kong may kakaiba sa kanya. Kung ikukumpara ko sa dati ay parang nanghihina siya. Agad ko siyang kinausap tungkol dito.
"Nay magpahinga na po kayo sa bahay ako na ang bahala dito." ang sabi ko sa kanya. Nasa palengke na kami ng mga oras na iyon at nagtitinda.
"Ganoon ba. Mabuti naman anak para makapagpahinga rin ako. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, siguro dahil na rin sa pagod."
"Oo nga po nay. Sige po matulog na lang muna kayo para bukas ay may lakas ka na ulit."
Pagkaalis ni nanay ay nagpatuloy lang ako sa pagtitinda. Kahit papaano ay marami-rami naman ang bumibili.
Habang nasa kasagsagan ako ng pagtatanggal ng kaliskis ng isda nang marinig ko ang isang boses na tumatawag sa aking pangalan. Nagmamadali ito at papalapit sa aking kinaroroonan.
"Andrew! ang nanay mo nakitang walang malay sa loob ng bahay niyo!"
Singbilis ng kidlat akong umalis sa aming pwesto, wala nang pakialam pa sa aming mga paninda at sa bumibili. Nagtatakbo ako palabas ng palengke at agad na sumakay ng tricycle. Nang makarating sa amin ay sinabi ng aming kapitbahay na nasa ospital na ito.
Agad kong tinungo ang sinabi nilang ospital. Hindi ko maintindihan ang aking mararamdaman. Magkahalong pagkalito, takot, at lungkot. Mistulang nagbalik sa aking alaala ang mga panahon ng pagkamatay ni tatay. Hindi ko kakayanin kung mauulit pa ito sa aking ina.
Habang nakasilip ako sa salamin ng pinto ng emergency room para tignan ang aking walang malay na ina habang sinusuri siya ng nars at doktor ay naiiyak ako, humihiling na sana ay makaligtas siya sa kapahamakan.
Makalipas sampung minuto ay lumabas na ang doktor.
"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasente?" ang tanong niya sa akin.
"Ah opo dok. Kamusta na po ang nanay ko?"
"Based on our findings. Mataas ang kanyang blood pressure. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. Inatake siya sa puso."
Halos manlambot naman ako sa aking mga narinig Muli akong naiyak kasama ng matinding kaba at lungkot. "Ano na po ang mang...yayari dok...?"
"Tatapatin na kita iho. Hindi kaagad siya nasakloohan ng atakihin siya. Maybe ilang minuto na ang lumipas nang may makakita sa kanya kaya hindi kaagad naagapan. Kritikal ang kanyang lagay at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon."
Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Noon pa man nung naninirahan pa kami sa Maynila ay kapansin-pansin na ang minsanang pagkahilo, pag-ubo at hirap sa paghinga ni nanay kaya huminto siya sa paninilbihan sa isang maykayang pamilya doon. Nang mamatay ang itay ay ako na ang dumiskarte sa pamamagitan ng pangangalakal sa umaga mairaos lang ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral.
Nasundan pa ito. At mas napapadalas pa ng magsimula kaming magtinda sa palengke. Ang sabi naman niya kapag tinatanong ko siya ay ayos lang siya at nagpapatingin daw siya sa isang health center sa bayan. Kaya ikinabigla ko talaga ang nangyari sa kanya ngayon.
Sa mga sinabi ng doktor ay naisip ko kaagad ang mangyayari kung di maoperahan si nanay, maaaring lumala pa ang kalagayan niya at humantong sa kanyang pagkawala na ayoko pang mangyari. Agad kong naisip ang magiging gastusin sa sinasabing operasyon ng doktor. Kahit pa na medyo nakakaraos na kami sa buhay ay kulang pa ito. Habang nag-iisip ako ay nagsalita muli ang doktor.
"Iho, Dapat maoperahan agad sana ang iyong nanay. But unfortunately kulang ang mga facilities namin to do that. I will suggest to transfer her to another hospital."
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nalilito na ako. Parang nagpatung-patong na ang aking pasanin. Si nanay na lang ang pamilya ko, paano na lang kung mawala siya, hindi ko talaga kakayanin kung mangyari talaga iyon.
Iniisip ko kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong. At isang tao ang agad kong naisipang tawagan. Pero nang akmang pipindutin ko na ang kanyang numero nang maalala kong wala pala siya sa Pilipinas dahil abala sila ni Maribel sa kanilang negosyo doon. Syempre napakalaking halaga ang aking kailangan, na baka hindi siya makapagpahiram. Kung sakaling makapagbigay naman siya ay hindi ko naman kakayanin na mabayaran siya agad. Gayumpaman ay sinubukan ko pa rin. Gamit ang ibinigay niyang number ay tinawagan ko siya ngunit nabigo ako. Ewan ko ba parang nanandya ang tandhana dahil sa oras na kailangan mo ang tulong ng isang tao ay mahirap naman siyang kontakin.
Saglit akong nagtungo sa isang simbahan sa bayan. At doon ko inilabas ang lahat ng aking mga saloobin sa mga nangyayari sa aking buhay. Nanalangin ako para sa kaligtasan ni inay, na bigyan pa ako ng lakas ng loob na harapin ang pagsubok na ito sa aking buhay.
Pagbalik ko ng ospital ay sinalubong ako ng aking mga kaibigan at kaklase.
"Nanggaling kami sa inyo at nalaman namin sa mga kapitbahay niyo na nandito kayo sa ospital. Kamusta na si Tita?" ang agad na tanong sa akin ni Arthur.
Hindi ko na naman napigilan ang mapahagulgol. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Rica, ang kanyang kasintahan sa aking mga kamay.
"Hindi maganda ang lagay niya. Kailangan niyang maoperahan agad. Pero hindi ko alam ang aking gagawin. Ayoko pang mawala sa akin si nanay, siya na lang ang kasama ko sa buhay." ang aking malungkot na pahayag.
"Huwag kang mag-alala Andrew. Tibayan mo lang ang loob mo, may awa ang Diyos. Gagaling si Tita." ang sabi naman ni Bea, ang kasintahan ng isa ko pang kaibigan na si Roy.
Tinungo namin ang silid kung saan naka confine si nanay.
"Inatake siya sa puso. Sabi ng doktor na nasa kritikal siyang lakagayan ngayon." ang pagsabi ko sa kanila ng kondisyon ni inay ngayon.
"So, Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong sa akin ni Arthur.
"Ito nga nag-iisip pa ng paraan kung kanino ako lalapit upang humingi ng tulong. Di biro ang halagang kakailanganin para sa operasyon. Ito pa at kailangan niyang lumipat ng ibang mas malaking ospital na kumpleto sa mga kagamitan."
"Paano yan guys, lets contribute na para sa pang-opera ni Tita." si Rica.
"Huwag na, salamat na lang sa inyo guys. Sapat na nandito kayo upang sumuporta at samahan ako dito."
Hindi naman sa tinatanggihan ko sila ngunit alam ko rin naman ang mga katayuan nila sa buhay. Kahit pa pagsama-samahin nila ang lahat ng kanilang pera pati na rin ng iba pa naming mga kaklase kung saka-sakali ay kukulangin pa rin ito. Gayumpaman ay nagpasalamat pa rin ako. Sila ay talagang tunay na mga kaibigan.
Dahil sa kondisyon ni nanay ay doon na ako natutulog pa sa ospital. Pinagpaliban ko na rin muna ang iba pa naming mga pang-araw-araw na gawain upang mabantayan siya at makapanghagilap ng maaaring pagkautangan.
At sa paglipas ng mga araw ay mas lalong tumitindi ang aking pangamba at kaba. Habang tumatagal kasi ay mas lalong lumiliit ang chance niya na gumaling. Lahat ng naipon ko para sa aking pag-aaral sa darating na pasukan ay naubos na. Halos lahat ng maaaring lapitan ay pinuntahan ko na rin. Nakapagpautang naman sila sa akin ngunit malaki pa rin ang kulang. Dahil dito ay tinawagan ko na si Dina, nagbabakasakali na matulungan niya ako.
Tatlong araw lang simula ng kontakin ko siya ay agad siyang dumating.
Tulad ng ginawa ko sa iba ko pang kaibigan, hindi ko rin napigilan ang aking sarili na humagulgol. Inilabas ko ang lahat ng aking mga hinanakit at saloobin sa kanya.
Pagkatapos ay may sinabi sa akin si Dina na siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob at pag-asa.
"Huwag ka nang mag-emote diyan friend dahil may good news ako sayo. May espesyalista kaming relative na pinakiusapan ko. At pumayag siyang operahan si Tita."
Agad kong niyakap si Dina sa matinding tuwang aking nararamdaman. Malaki talaga ang maitutulong nito sa ikagagaling ni nanay.
"Ang sarap mong kayakap." ang naibulalas niya. Sa sinabi niyang iyon ay napatawa ako.
Nang kumalas ako sa kanya ay nagsalita siya ulit. "Hay ang saya ko at natupad na ang aking pangarap na mayakap ka Andrew!" ang medyo kinikilig niyang pahayag."
"Kaw talaga Dina, may boyfriend ka na ah!"
"Oo nga pero alam mo naman na bago ko pa siya makilala ay pinagpapantasyahan na kita ano"
"Ewan ko sayo, pero salamat Dina. Di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon."
Napansin ko naman ang biglang pananahimik niya na tila may iniisip.
"May problema ba Dina?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nahahabag lang siguro ako sa kondisyon ni Tita."
"Ah ok. So kailan ba maooperahan si nanay?" ang tila excited ko nang tanong.
"Bago mangyari yan Andrew, siyempre dadalhin natin siya sa Maynila ano?"
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Taga roon nga pala yung sinasabi niyang doktor. Bigla naman akong nakaramdam ng akung anong kaba sa mangyayari ngunit iniisip ko na lang na para sa kapakanan ni nanay ay iisantabi ko na lang muna ang pansariling pangamba.
Sa araw ring iyon ay inayos na ni Dina ang lahat ng mga bayarin namin sa ospital. Ako naman ay inasikaso ang ilang mga bagay gaya ng aming negosyo. Dahil hindi pa tiyak kung makakapaghanapbuhay pa si nanay ay napagdesisyunan kong ibigay na sa iba ang aming pwesto sa palengke. Saka ko na iisipin kung ano ang aking gagawin kapag magaling na siya. Nagpaalam na rin ako sa iba ko pang amo kung saan ako nag sideline. Pinagbilin ko naman ang bahay namin sa aming kapitbahay.
Sabi rin ni Dina na darating ang isang special plane papuntang Manila kinabukasan. Sa loob ko ay nagtataka ako na di ko mawari, na parang may mali. Ang bilis ng preparations na nagawa lang niya mag-isa tapos yung sinasabi niyang doktor, parang nahihiwagaan ako. Napakadali namang pumayag nito na operahan ng libre si nanay. Ngunit isinantabi ko na lang mga bagay na iyon. Agad na rin akong nag-empake ng aming mga gamit dahil alam kong matatagalan kami roon.
At dumating na ang araw ng aming pag-alis papuntang Maynila, baon ang pag-asang mabibigyan ng pangalawang buhay ang aking pinakamamahal na ina.

Subscribe to:
Posts (Atom)