Wednesday, November 30, 2011

CAMPUS TRIO Part 18

Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.

"Kamusta na ang papaparaos?" ang deretsahang tanong nito na nagpabigla kay Andrew.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Naghugas lang ako ng kamay." ang pagdeny naman nito.

Napansin ni Bryan ang pag-iwas ng tingin niya kay Andrew. Nahalata naman niya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Pero hindi na niya kinompronta pa ito.

Sa totoo lang ay umasa siya na may mangyari na sa kanila sa gabing iyon. Kahit may pagkadismaya ay inunawa na lang niya si Andrew. Siguro ay hindi pa talaga ito handa na gawin ang bagay na nais niyang mangyari sa kanilang dalawa. Maghihintay na lang siya ng tamang panahon.

Inilingkis na lang niya ang kanyang mga braso sa nakatagilid na nakahigang si Andrew.
"I love you Andrew." ang mahinang bulong niya sa tenga na nakapagpangiti dito.
_________
Pagkababa pa lang ni Andrew ng jeep na sinakyan kinabukasan ay napansin na niya ang mga estudyante sa may gate na nakatingin sa kanya, hanggang sa makapasok na siya sa campus. At nang makarating siya sa lobby ay nakita niya ang kumpulan ng mga ito na nakatingin sa malaking bulletin board.

"Mga schoolmates nandito na siya!" ang pagsigaw ng isang babae. Clueless pa siya sa mga oras na iyon kaya wala siyang gaanong reaksyon.

At nalaman na lang niya na siya pala ang tinutukoy ng sumigaw nang magtinginan sa kanya ang mga estudyante.
"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Bryan." ang banat ng isang babaeng may katabaan ang itsura.

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nila kaya tinignan niya ang board. At tumambad sa kanya ang mga larawang magkasama sila ni Bryan sa mall. Sa isip niya, isang espiya ang kumuha ng mga ito dahil detalyado talaga ang pagkakakuha. At ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang litrato na kung saan ay nagkiss silang dalawa habang nakayakap ito sa kaniya. Ginuhitan siya ng sungay sa ulo gamit ang marker.

"User ka! Bakla!" ang patutsada pa ng isa pang babae.
At nagsimula nang magsigawan ang mga estudyante. Sa sobrang pagkagulat ni Andrew sa hindi inaasahang ginawa ng mga ito ay napaluha na lang siya. Sobrang masakit sa kanya ang mga salitang panlalait na lumalabas sa bibig ng mga ito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang isang braso na humahaplos sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon, nalaman niyang si Dina pala.
"Tama na Andrew, tara na sa room." ang bulong nito sa kanya.

"Aba kaya naman pala, tignan mo ang kaibigan niya isa ring bakla." ang biglang pagsingit ng isa pang babae.
"Ang sasama ninyo." ang sagot ni Dina sa kanila.
"Huwag mo na silang patulan. Tara na" ang sabi ni Andrew.

Akmang lalakad na sila papunta sa kanilang classroom nang harangan sila ng mga babaeng estudyante. "Ano ba ang gusto niyong mangyari ha?" ang medyo napapataas na boses na ni Dina.
"Huwag kang makialam dito bakla, yung kaibigan mo lang ang kailangan namin." sagot ulit ng matabang babae.
"Nakita niyo namang umiiyak na, please lang tigilan niyo na siya." si Dina ulit.
"Ayos lang ako Dina." si Andrew.
"Freshman ka pa lang ganyan na asal mo. Ang galing mo namang mang gayuma." ang patutsada pa ng isa sa kanila.
"Inggit lang kayo." ang nang-iinsultong sambit ni Dina.
"Sumasabat ka pang bakla ka ha, sige boys alam niyo na ang gagawin niyo."

Nakita na lang ni Dina ang papalapit na mga matatangkad na lalaki sa kanila. Si Andrew naman ay natulala na lang sa sumunod na eksena.
Kinuwelyuhan ng isa sa kanila si Dina at tinulak papalayo kay Andrew. Sa lakas nito ay tumilapon siya sa halamanan. Ang isa naman ay lumapit sa kanya.
"Ikaw bata dapat kang bigyan ng leksyon." ang galit na sabi nito.

Akmang susuntukin  na siya nito nang biglang matigil sa pagkarinig ng isang boses.
"Anong gagawin mo sa kanya?" ang tanong ng isang lalaki. Agad nabosesan ni Andrew iyon. Nagtinginan ang lahat ng mga estudyanteng naroroon sa kaniya. Ang campus trio.

Tumigil naman sila at nang makalapit ay agad silang nagsalita.
"Dapat silang bigyan ng leksyon, masyado niyang sinaktan ang damdamin ng mga babae dito sa campus." ang pangangatwiran ng isa sa mga lalaking bubuhat sana kay Andrew.
"Bakit naman?" ang tanong ni Bryan.

Tinuro ng mga ito ang mga larawan na nakapaskil sa board. Hindi na rin siya nagtaka pa na kunan siya ng larawan nang palihim.

Napatakip na lang ng bibig at natameme ang mga babaeng estudyante sa sumunod na ginawa ni Bryan. Kinuwelyuhan niya ang lalaking nagsalita tulad ng ginawa ng kasama niya kay Dina.
"Anong sinaktan? Wala akong ginagawa sa kanila. At saka wala akong pakialam sa nararamdaman nila!" ang pagalit niyang pahayag sabay bitaw patulak.
"Binago ko na ang sarili dahil na rin sa kagustuhan ni Andrew.  At huwag niyo akong pilitin na ibalik ako sa dati."
"Lahat kayo, simula sa araw na ito, ang sinumang manakit kay Andrew ay malalagot sa akin, naiintidihan niyo ba?" ang dagdag niyang pagbabanta sa kanila.

Tinulungan ni Troy si Dina na makatayo at si Bryan ay binaling ang atensyon kay Andrew.
"Ayos ka lang ba, walang masakit sa iyo?" ang may pag-aalalang tanong nito sa kanya.
Tumango lang ito bilang pagsagot.
"Sige na deretso na kayo sa room niyo late na kayo." si Michael.

Bago umalis ang dalawa ay may pahabol na sinabi si Bryan kay Andrew.
"Doon ka na sa tambayan namin maghintay mamaya sa akin." ang sabi nito.
______
Gaya ng pinag-usapan ay doon agad dumeretso si Andrew sa tambayan nung oras ng uwian. Sinama na rin niya si Dina. Habang hinihintay sina Bryan at Troy ay nagkaroon ng maikling pag-uusap silang tatlo ni Michael.

"Anong gusto niyong meryenda?" ang tanong ni Michael sa kanila.
"Huwag ka nang mag-abala, busog pa kami." ang sagot naman ni Andrew.
"Drinks?"
"Ayos lang kami."
"Ok. Maiba ako, nasabi sa akin ni Bryan na kayo na raw dalawa. At alam niyo ba na t uwang-tuwa ang loko. Honestly ngayon ko lang namin siya naita ni Troy na ganoong kasaya. Hindi lang ako makapaniwala sa napili niyang landas." ang medyo natatawang pahayag ni Michael. "Sa bagay noon pa man kapag nagpupunta kami sa club, napansin na namin ang lamig ng pakikitungo niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Akala nga nmin nung una dahil lang ito kay..."

Agad napatigil si Michael sa kanyang pananalita na ikinataka ni Andrew.

"Ah talagang bumigay ka sa pang-aakit niya sa iyo ha." agad din nitong sinabi na tila bumabawi.
Bahagyang natawa si Dina sa sinabing iyon ni Michael.
"Hindi ko nga alam kung tama itong naging desisyon kong makipagrelasyon sa kanya. Parang naging miserable na kasi ang buhay ko simula nang makilala ko siya eh. Tulad na nga lang ng nangyari kanina." ang sabi naman ni Andrew.
"So nagsisisi ka ba?" si Michael. "Alam mo Andrew, hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa iyo ni Troy. Simula nang dumating ka sa buhay niya, naging masaya na yan, bumait sa kapwa, at natutong tumulong sa iba. Naglaho na nga ang pagkamaangas niyan. Kaya nang malaman namin na gusto ka niya, hindi kami makapaniwala ni Troy. Pero napagdesisyunan namin na kahit ano pa ang kanyang sexual preference ay kaibigan pa rin namin siya kaya susuportahan namin siya."
"Alam mo Andrew, naiinggit nga ako sa iyo eh. Isipin mo na lang na bihira sa buhay ng mga tulad natin ang magkaroon ng true love. Ang swerte mo nga dahil isang tulad ni Papa Bryan ang nainlove sa iyo" ang pagsingit naman ni Dina. "At napatunayan niya iyon sa pagtatanggol sa iyo kanina. How sweet!"
"Tama ang kaibigan mo Andrew." ang pagsang-ayon ni Michael. "Siyanga pala ikwento mo naman sa amin yung mga nasa picture."

"Ah yun ba? Pinasyal lang naman niya ako." ang tugon ni Andrew.
"Hindi iyon, yung naghalikan kayo."
"Smack lang iyon. Wala pa ba siyang nasasabi sa iyo?" ang balik tanong ni Andrew kay Michael.
"Oo."
"Ganoon ba. Yung halik na iyon ay nangyari ng sabihin kong mahal ko siya."
"Friend inggit na talaga ako. Pero ano yung naramdaman mo matapos ka niyang halikan."si Dina. "Alam mo naman na yun ang pinapangarap ng lahat ng mga babaeng estudyante dito sa campus."
"Masaya ako, masarap yun. First kiss ko kasi iyon." ang pag-amin ni Andrew.
"Parehas lang kayo ni Bryan." si Michael.
"Ha! ibig bang saibihin na wala pa siyang naging past relationships?" si Dina.
"Hmmm... Ah...wa... wala pa. Marami nang nagpahiwatig sa kanya ngunit hindi niya pinatulan ang mga iyon."

Muli ay nagtaka si Andrew sa paraan ng pagsagot ni Michael. Tila nag-isip muna ito ng sasabihin. Naisip tuloy niya na may tinatago ito."
"Paano ka naman niya napasagot? " ang kinikilig nang tanong ni |Dina sa kanya.
"No choice na ako, nagsisigaw na kaya siya sa harap ng maraming tao."
Natawa si Michael. "Desperado na talaga siya sa iyo. I cant believe na gagawin niya talaga ang suggestion namin Troy. Palagi na lang namin siya nakikitang nag-iisip na parang nasisiraan ng ulo at minsan naman dumadaing sa amin kung paano ka niya mapapaamin."

Hindi niya lubos maisip na ganoon na pala katindi ang nararamdaman ni Bryan sa kanya.
"Ok" ang naisagot na lang ni Andrew sa mga nalaman kay Michael.
______
Pagsapit ng weekend ay niyaya ulit ni Bryan si Andrew na bumalik ng Baguio.

"Isang araw lang tayo dito Bryan. Kailangan ko pang magreview sa exam namin bukas."
"Ayos lang sa akin..." teka wala pa pala tayong tawagang dalawa. Ano ba pwede?"
"Kahit wag na"
"Kailangan yun. Parang wala lang kasi tayo kapag nagtatawgan tayo sa mga pangalan natin. Aha kung honey kaya"
"Ang baduy mo naman."
"O sige pwede bang cutie pie, boyfie sweety pie, sweetheart..."
"Tae ka Bryan."

Nagkatawanan silang dalawa.
"Yung sinabi mo pala kanina... Ok sa akin iyon I understand. Ayoko namang bumaba ang grades mo. I dont want na mawala ka sa scholarship ni mommy dahil lang sa akin. Mamamasyal lang tayo doon tapos bibilihan ng pasalubong si nanay then babalik na tayo ng Maynila sa gabi."
"Salamat Bryan."
"Basta ikaw."

Nang marating ang resthouse ay buong pagmamalaking pinakilala ni Bryan si Andrew bilang kanyang kasintahan kina Aling Susan at sa ibang mga kasambahay.

"Sabi ko nga anak. Noon pa lang may kutob na ako sa inyong dalawa eh. Kami dito ay sumusuporta sa inyong dalawa. Payo ko lang sa inyong dalawa, hindi mawawala sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at mga pagsubok na titibay sa kanilang pagmamahalan. Sana ay hindi ito maging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Nakikita ko kasi na masaya kayo sa isat-isa." ang mahabang pahayag ni Aling Susan sa kanila.

Inakbayan ni Bryan si Andrew." Thank you po sa payo niyo. Kahit anuman po ang mangyari ay hindi ko bibitiwan si Andrew."

Nakakataba naman ng puso ni Andrew ang narinig nito kay Bryan kaya hindi niya maiwasan ang mapangiti.
__________
Lumipas ang ilang araw na umabot ng isang buwan ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Sa mga panahong iyon ay mas napalapit sila sa isat-isa. May mga araw na nagpupunta pa sila sa ibat-ibang lugar para mag date.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na alam na ng ina ni Bryan ang namamagitan sa kanila. Nagduda na kasi siya sa mga umuugong na balita sa school at napapansin rin nito ang sobrang pagiging close ng dalawa kaya nang magpa-imbestiga siya ay nalaman niya ang lahat. Hindi niya matatanggap na maging ganito ang magiging duture life ng kanyang panganay na anak. Dahil dito. isang desisyon ang kanyang gagawin.

Isang araw ay pinatawag si Andrew sa opisina ng administrators ng university. Pagkapasok ay nakita niya ang nanay ni Bryan.
"Good Afternoon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa kanya.
"Good Afternoon, please take your sit." ang sagot nito. "Pinatawag kita ngayon dahil may importante tayong pag-uusapan."
"Ano po iyon Mam?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iho. Simula ngayon ay hihinto ka na sa pagtuturo mo kay Billy."
"Mam?" ang tanong niya na may pagkabigla.
"Basta...and one more thing, I want you to stay away from my son."
"B...bakit naman po?" ang nauutal nang tanong ni Andrew.
"Alam ko na ang relasyon niyo ng anak ko at bilang ina niya at administrator ng school ay hindi ko mapapayagan iyon. Ngayon pa lang ay usapan na kayo dito sa school and I dont want na masira ang image niya dito at reputasyon namin dito."
"Alam na po ba ito ni Bryan?"
"No need. Kilala ko ang anak ko at hindi iyon papayag dahil may katigasan ang kanyang ulo. alam ko namang maiintindihan mo kaya kita kinausap para ikaw na ang gumawa ng hakbang. So ano nagkakaintidihan ba tayo?"

Hindi agad makasagot si Andrew.
"Sana maintindihan mo iho, gusto ko lang na maging tuwid ang buhay ng anak ko, na magkaroon ng normal na buhay, ng asawa at anak na magdadala ng apleyido ng aming pamilya."
"Naiintindihan ko po mam." ang medyo naiiyak na niyang tugon.
"Alam ko ang nararamdaman mo iho, kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat na maging tama ang landas na kanyang tatahakin di ba?"
"Sige po Mam, gagawin ko po." ang malungkot na tugon ni Andrew.
"Huwag kang mag-alala, pag-iisipan ko ang aking gagawin bilang kapalit sa paghinto mo sa pagtutor."

Hindi na inintindi pa ni Andrew ang huli nitong sinabi dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan.
Pagkalabas ni Andrew ng opisina ay nakita niya si Bryan na nakatayo na nag-aabang sa kanya.

Itutuloy...

CAMPUS TRIO Part 17

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong ni Bryan kay Andrew nang marating nila ang lugar.
"Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
"Sige ako na bahala. Hanap ka na ng mauupuan natin." ang utos nito sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Bryan dala ang isang tray ng pagkain.
"Here's the food." ang sabi nito pagkalapag sa mesa. "Kain na tayo!" ang yaya pa nito.

"Salamat sayo Bryan, ang totoo niyan ngayon lang ulit ako nakakain sa ganitong lugar. At unang pagkakataon kong mabilhan ng mga bagong damit." ang pahayag ni Andrew habang kumakain sila. Hindi na niya naitago pa ang kasiyahang nadarama sa kabaitang pinapakita sa kanya ni Bryan.
"Ang gusto ko lang naman ay sumaya ka Andrew dahil special ka sa akin." ang sagot nito.
"Sa totoo lang, naisip kong ikaw na ang hulog ng langit sa akin. Simula nang magkakilala tayo, kahit hindi naging maganda ang unang pagtatagpo ng landas natin ay dumating na sa amin ni nanay ang swerte."
"Talaga. E di parang guardian angel niyo na pala ako." ang may biro nitong sagot.

Natawa si Andrew sa narinig na sagot. "Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang pagtataka na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, ilang buwan pa lang tayo nagkakakilala pero tinatrato mo na ako ng tulad sa isang matagal mo nang kaibigan."
"Hmmm... nagkakamali ka diyan."
"Bakit?"
Alam mo naman ang dahilan di ba?" ang tanong nito sa kanya.
"Na interesado ka sa akin ganun ba? Kay Troy ko kasi unang nalaman iyon."
"Oo pero noon iyon. Ngayon gusto na kita." ang deretsahang at seryosong sagot nito.

Napatingin si Andrew sa paligid dahil sa malakas ang boses ni Bryan nang sabihin iyon.
"Nakakahiya naman Bryan."
"Bakit naman? Sinasabi ko lang ang totoong nararamdaman ko." mas lalong lumakas ang boses nito. Napapansin na ni Andrew na pinagtitinginan sila ng mga taong kumakain din sa lugar na iyon.

"Hindi naman sa ganoon, siyempre ang weird naman na isang tulad mo ang nagsasabi niyan sa isang tulad ko na kaparehas mo ng kasarian."
"I dont care kung anuman ang sabihin ng iba sa akin."

Nabigla si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan na nakaagaw-pansin sa mga taong naroroon.
"Sa mga naririto ngayon gusto ko pong sabihin sa inyo na ang taong kasama ko ngayon ay mahal ko." ang kanyang pagsigaw sabay tingin kay Andrew.

"Bryan naman tumigil ka na para kang tanga." ang nahihiyang reaksyon ni Andrew.
"Gusto mong tumigil ako, pero sa isang kondisyon." ang malakas pa ring boses ni Bryan.
"Sige na kahit ano pa yan gagawin ko."
"Sabihin mo na mahal mo rin ako."
"Bryan naman, ano kuwan..." Nalilito na si Andrew sa kaba at hiya. 
Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagsigaw ko dito ng nararamdaman ko sa iyo para aminin mo na rin ang totoong feelings mo sa akin?"

Hindi inaasahan ni Andrew na magiging ganun kadesperado si Bryan sa kanya. Habang nag-iisip ng kanyang gagawin ay naririnig niya ang mga sinasabi ng ibang tao na naroroon.
"Ang swerte mo boy, ang gwapo ng jowa mo!"
"Kung ako sa iyo di ko na siya papakawalan pa."
"Wag ka nang mag-isip, sagutin mo na siya!"
"Kakainggit naman kayo!"

Tumingin siya kay Bryan na naghihintay sa kanyang isasagot. Lumingon din siya sa paligid at nakita niya na sa kanila nakapokus ang mga tao na naroroon na naghihintay rin sa mangyayari sa kanilang dalawa. Mistulang isang shooting ng pelikula ang eksena nilang dalawa.
"Sige sasabihin ko na." Bununtong-hininga si Andrew bago magpatuloy. "Gu... gusto rin kita."
"Hindi yan ang gusto kong marinig!"
"A...ano ba gusto mong sabihin ko?
Nilapit naman ng kaunti ni Bryan ang mukha niya kay Andrew."
"Na mahal mo rin ako."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa pinapagawa sa kanya ni Bryan. Ipit na siya sa sitwasyon sa mga oras na iyon kaya wala na siyang ibang choice kundi sabihin ang totoo niyang nararamdaman.

"Sige na, mahal din kita Bryan"
"Lakasan mo naman Andrew" si Bryan na nakangiti. Gusto kong marinig ng lahat ang sagot mo."
"Kailangan pa ba nun?"
"Oo."

Sa pagkakataong iyon ay tumayo na rin si Andrew. "I love you Bryan!" ang kanyang pagsigaw.

"Yahooo!!!!!"ang naging reaksyon ni Bryan.
Natawa naman si Andrew sa ginawang pagtatalon ni Bryan sa tuwa. Para siyang nanalo sa lotto sa kanyang ginawa.
"Yes!!! Narinig niyo iyon, sinagot na niya ako." ang sabi niya sa mga tao sa paligid.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito sa kanya. Niyakap siya nito at binigyan ng isang mabilisang halik sa labi.

Nagpalakpakan ang mga taong naroroon. Kita ni Andrew sa kanila ang kilig at saya para sa kanila. At mayrooon ding napapataas ang kilay. Pero hindi na niya pinansin pa ang mga iyon. Dahil ang nasa isip niya ay ang ginawang paghalik sa kanya ni Bryan. Iyon ang kanyang first kiss. Masaya siya dahil nanggaling pa iyon sa taong gusto niya. Hindi lang niya inaasahan na gagawin nito ang paghalik sa harap ng maraming tao.

"Ang saya ko ngayon Andrew. Sa wakas! Ang tagal kong hinintay ang oras na ito." ang masaya pa ring pahayag ni Bryan.
"Oo na, teka hindi na ako makahinga." ang sabi ni Andrew sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Bryan.

Sa nangyaring iyon ay mas lalong napabilib si Andrew. Dito niya napatunayan na seryoso talaga si Bryan sa kanya. Hindi siya nahiya bagkus ay pinagmalaki pa nito ang kanyang nararamdaman at walang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao.
______
"Nandito na po kami nay." ang bati ni Andrew pagkarating nila ng bahay.
"Aba ang dami naman ng mga binili niyo." ang namamanghang tugon ng kanyang ina. "Naku nakakahiya naman sayo Bryan."
"Ok lang po sa akin nay. Sa susunod po kayo naman ang bibilhan ko ng mga bagong damit." ang sagot ni Bryan.
"Ganoon ba e ngayon pa lang magpapasalamat na ako sa iyo."
"Opo. Siyanga po pala nay may maganda kaming balita sa inyo ni Andrew."
"Sige, ano ba iyon anak?" ang tanong nito kay Andrew.
"Ano po nay, ahm.... kami na po...." ang pagsagot sana ni Andrew na agad dinugtungan ni Bryan.
"Napaamin ko na po ang anak niyo nay. At sinagot na niya ako."ang masayang-masaya sambit nito sabay akbay kay Andrew.
"Talaga paano iho?"

Agad namang sumagot si Andrew. "Napilitan lang akong gawin iyon dahil nahihiya ako eh nagmumukha na kaya siyang tanga sa mall kanina."
"Wala naman akong pagsisisi sa ginawa ko. Masaya pa nga ako dahil effective di ba?"
"Kasalanan mo naman yan eh.  Matagal na akong nagpapahiwatig, nagpapakabait at nang-aakit pero nagdedeny ka pa rin. Kung noon mo pa sinabing love mo ko eh hindi na hahantong sa ganoon."
"Aba at ako pa ang sinisi mo. Ngayon ko lang kaya nalaman ang feelings mo sa akin."
"Pero matagal nang sinabi ni Troy sa iyo na interesado ako sa iyo. Commonsense naman Andrew."
"Ikaw kaya ang lumagay sa katayuan ko. Siyempre mahihiya ka ring umamin ng nararamdaman mo sa taong lalaking-lalaki kumilos at pantasya ng buong campus lalo na kung hindi pa kayo matagal na magkakilala."

"O siya tama na yan mga iho." ang pagputol ng nanay sa sagutan nila ni Bryan.
"Ito lang ang masasabi ko. Bryan, yung usapan natin kanina huwag mong kalilimutan lalo na yung mga pinangako mo. Sa iyo naman Andrew anak, hindi ako tutol sa relasyon ninyong dalawa dahil ang importante sa akin ay ang maging masaya ka."

Tumango ang dalawa sa mensahe ng ina.
______
Sa araw na iyon ay hindi na muna nagtutor si Andrew. Gusto ni Bryan na masulit nila ang unang araw nilang dalawa bilang magkarelasyon. Nagpalipas na lang sila maghapon sa kwarto.

"Andrew pikit ka." ang utos ni Bryan kay Andrew. Kasalukuyan silang nakahiga magkatabi sa matigas na kama kinagabihan.
"Bakit?"
"May surprise ako sa iyo."
"Ano naman iyon?"
"Kapag sinabi ko hindi na surprise. Bilis pikit na."
"Sige na nga." Pinikit na ni Andrew ang kanyang mga mata.
"Upo ka." ang dagdag pang utos ni Bryan. Sumunod ulit si Andrew sa kanya.

Maya-maya lang ay naramdaman ni Andrew na may sinusuot si Bryan sa kanyang leeg.
"Pwede ka nang dumilat."
At nang tignan ni Andrew ang bagay na iyon ay lubos ang kanyang pagkamangha.

"Sinadya ko talaga yang bilhin para sa iyo. Ang "A" sa pendant ay ang unang letra ng iyong pangalan."ang pahayag ni Bryan. Maya-maya lang ay may dinukot pa siya sa kanyang bulsa na isa pang kwintas.
"Ito naman ang para sa akin." ang dagdag nito habang sinusuot ang kaparehong kwintas na letrang B naman ang pendant.

Naalala ni Andrew na ito yung mga  kwintas na binili ni Bryan nung araw na nagpunta sila ng Baguio. Hindi niya akalain na para sa kanya pala ang isa nito.
"Hindi ka ba masaya?" ang tanong nito sa sinabi ni Andrew.
"Masaya pero hindi naman kailangan na ng mga ganitong bagay e."
"Sabi ko sa aking sarili na kapag naging tayo na saka ko ibibigay ang kwintas na ito. Para sa akin kailangan yan dahil ang mga ito ang sumisimbolo ng pagmamahalan nating dalawa kaya palagi mo dapat isuot yan ha. Lagot ka sa akin kapag hindi ko nakita sa iyo o mawala mo yan."
"Oo na iingatan ko ito." ang masaya pa ring sambit ni Andrew. "Salamat..."
"Good!"

"Maiba naman ako Bryan. Ano pala yung pinag-usapan niyo ni nanay kanina?"ang sunod na tanong ni Andrew nang maalala ang usapan nilang dalawa ng kanyang ina.
"Yun ba, maaga kasi akong nagising kanina kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni nanay na makapagkwentuhan. Nagpasalamat siya ulit sa akin sa mga naitulong ko sa iyo, nagtataka nga siya kung bakit ganoon ako kabait. Kaya pinagtapat ko na ang totoo kong feelings sa iyo. Nangako ako sa kanya na aalagaan kita. Kinuwento niya sa akin ang tungkol sa pagkamatay ng iyong tatay. At  nalaman ko na may lahi pala kayong Amerikano."

"Ah yung tatay ko. Half-American lang naman siya eh."
"Kaya pala medyo maputi ka, tapos may dimples ka pa at kulay blue ang mata. In short, ang cute mo. Kaya nga gustong-gusto kita makita palagi. Kulang na lang gawin kitang baby ko." si Bryan sabay kurot sa pisngi ni Andrew.
"Aray! Bolero ka talaga."
"Sensya na nanggigigil lang kasi ako sa iyo." si Bryan sabay pisil ulit sa magkabilang pisngi ni Andrew. "Kung hindi nga lang kita gaano kilala iisipin kong foreigner ka. Tapos nangangalakal ka pa. Hindi yun bagay sa itsura mo kaya gumawa ako ng paraan para tumigil ka na sa ganoong trabaho.
"Aray naman!" ang sambit niya dahil sa sobrang pagpisil ni Bryan.
"Sensya na ulit di ko kasi mapigilan, sobrang gigil ko lang sa iyo. Pero may tanong ako sa iyo. Nagtataka lang ako kung bakit kayo mahirap samantalang may ibang lahi ang iyong tatay."
"Ano yung itatanong mo?"
"Kung paano naging ganito ang buhay niyo. Hindi ko na kasi pinatuloy si nanay na magkwento dahil nakikita kong maiiyak na siya.  Naiintindihan ko naman siya sa kanyang nararamdaman."
"Kahit ako rin Bryan. Namimiss ko na rin si tatay. Sobrang bait niya at mapagmahal. Pinaglaban niya kami sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga magulang. Siyempre mahirap lang si nanay. Pitong taong gulang ako nang ipakilala kami ni nanay sa kanyang pamilya ngunit hindi nila kami tinanggap. At nang papiliin siya kung ang mana o kami ni nanay, mas pinili niya kami.  Dahil doon ay naghirap siya at tinaggalan ng mana. Kaya nagpursige siya sa pagtatrabaho para buhayin kami. Hanggang sa namatay siya dahil sa stroke." ang mahabang salaysay ni Andrew.

"So may mga kamag-anak pa pala kayo na mayaman."
"Oo pero hindi na namin alam kung nasaan sila.  At wala kaming balak na hanapin sila."
"Ah ok. Hayaan mo Andrew, isipin mo na lang na ako ang pumalit sa tatay mo. Handa ko kayong suportahan at tulungan ni nanay sa abot ng aking makakaya."
"Salamat Bryan." ang sambit ni Andrew. Nag-uumpisa na siyang maiyak dahil sa magkahalong kalungkutan sa kanyang ama at kasiyahan sa pinapakita ni Bryan sa kanya.
______
Kinagabihan, nagpasya si Bryan na doon ulit siya matutulog sa silid ni Andrew.

Habang nakahiga si Andrew ay napansin niya ang paghuhubad ni Bryan ng suot nitong shorts at underwear na lang ang tinira.

"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto. 

 Itutuloy...

Sunday, November 13, 2011

CAMPUS TRIO Part 16

Kinaumagahan, naramdaman na lang ni Andrew ang pagkawala ng katabi sa kama kaya agad siyang bumangon.

Pupungas-punas at naghihikab siyang naglakad palabas ng kanyang silid. At sa pagbukas niya ng pinto ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kanyang ina at si Bryan. Nagtago muna siya sa gilid para alamin kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ako tututol kung anuman ang gusto mong gawin. Alam ko naman na mabait kang tao."
"Salamat po nay, hayaan niyo po na hindi ko kayo bibiguin." si Bryan.
"O sige iho, maiwan ko na muna kayo ni Andrew at pupunta lang ako ng Quiapo."
"Magsisimba po ba kayo?"
"Oo iho, isasama ko sana si Andrew, pero hindi na muna ngayon kasi nandito ka."
"Ganoon po ba? Sasama na rin po kami sa inyo ni Andrew."
"Aba e mas maganda kung ganoon. Sige iho gisingin mo na si Andrew."

Nacurious naman si Andrew kung ano yung pinagsasabi ni Bryan na agarang sinang-ayunan ng kanyang ina. Minabuti niyang tanungin na lang ito mamaya.

Agad siyang nagpakita sa kanilang dalawa. "Gising na ako. Tama ba yung narinig kong sasama ka sa amin ni nanay na magsimba?" ang tanong ni Andrew. 
"Oo naman."
"Talaga lang, baka masunog ka pagpasok mo ng simbahan."
"Grabe ka naman Andrew, parang sinasabi mong masama akong tao."
"Ikaw ang nagsabi niyan ha."
"Itigil niyo na yan, mabuti pa at bilisan niyo na para hindi tayo tanghaliin." ang pagputol ng nanay ni Andrew sa usapan ng dalawa.
______
"Doon ka na sa likod bahay maligo, ako sa banyo para mabilis." ang sabi ni Andrew matapos ibigay ang twalyang gagamitin ni Bryan.
"Ako pa talaga ang maliligo sa labas?" si Bryan.
"Oo. Punta-punta dito tapos aangal ka jan."
"Hindi naman. Nag-aalala lang kasi ako."
"Ano yung inaalala mo?"
"Na may ibang taong manilip sa akin.Mabuti sana kung ikaw boboso ok lang, hihilain pa kita papasok sa loob." ang sagot nito sabay hagikgik.
"Siraulo ka talaga Bryan. Hindi naman ako bastos tulad mo."
"E di sabay na lang tayo maligo."

Sa sinabing iyon ni Bryan ay may naramdaman bigla si Andrew na kakaibang init. Aminado naman siyang pabor sa kanya iyon dahil makikita na rin niya ang kabuuan ng katawan nito na nagpapatuliro ng kanyang isipan.Ngunit pinili pa rin niyang magpigil.
"Ayoko. Hindi ako sanay maligo nang may kasama." ang pagtanggi niya para hindi mahalata na naapektuhan siya sa sinabi nito.
"Sayang naman. Sige na doon na lang ako sa likod-bahay."

Matapos maligo ay nagbihis na si Andrew.
"Iyan lang ang suot mo?" ang tanong ni Bryan nang mapansin nito ang bihis ni Andrew na medyo nangingitim nang puting t-shirt, maong na short at tsinelas.
"Ito talaga ang ginagamit ko pag nagsisimba."
"Ganoon ba e sobrang luma na niyan. Tapos hindi ka pa nakasapatos."
"Wala akong sapatos pang-alis. Sige lalabas na ako para makapagbihis ka na doon muna ako sa sala."
"Hintayin mo na ako dito." ang pagpigil ni Bryan sa kanya habang kinukuha ang kanyang damit na susuotin sa dala niyang bag kagabi. Nang makuha ay lumingon siya kay Andrew. Napansin naman niya ang pag-iwas ng tingin nito sa kanya. Tumalikod kasi ito at tumayo na tinungo ang bintana ng silid.
"Ikaw naman Andrew, ano pa bang ikinahihiya mo, pareho naman tayong lalaki."

Bumalik na si Andrew sa kama at umupo. Nang makita niyang nagtatanggal ng tapis si Bryan para suotin ang brief ay napatakip siya ng kanyang mukha. Pagkakataon na niya ito para makatsansing ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sabihin ni Bryan na tapos na siyang isuot ang damit. Hindi na naiwasan pang pagmasdan ni Andrew ang bihis nito na nag-aayos ng kanyang buhok. Naka puting polo shirt ito na hapit sa kanyang katawan at maong na pantalon.
"Kahit ano yatang ipasuot sa taong ito bagay sa kanya." sa isip ni Andrew.

At mas lalo siyang namangha sa nakita nang matapos ito sa pagbibihis. Mistulang isang modelo ang nasa harapan niya dahil sa tindig at porma nito. Mula sa out of bed style ng buhok hanggang sa suot na sapatos. Nakadagdag as kanyang kagwapuhan ang suot nitong shades. Amoy din niya ang mamahalin nitong pabango.

"Uy gising ka pa ba?" ang tanong ni Bryan na nagpabalik sa kanyang ulirat. Nasiyahan naman siya, dahil nakadagdag na naman siya ng pogi points kay Andrew.
"Obvious ba tignan mo dilat ang mata ko."
"Oo nga naman dilat na nakatitig sa akin.  Ayaw mo pa kasing umamin na pinagpapantasyahan mo ako eh."
"Kapal mo talaga." ang nasabi na lang ni Andrew. Pilit pa rin ang pagtanggi niya kahit huli na sa akto.
Natawa na lang si Bryan sa kanya.
______
Matapos ang misa ay naunang umuwi ang ina ni Andrew. Si Bryan naman ay niyaya si Andrew na mamasyal sa mall.  Pagkakataon na iyon para sa kanya na makapag "date" silang dalawa.
"Saang mall mo gusto pumunta?" ang tanong ni Bryan sa kanya habang naglalakad papunta sa sakayan.
"Hindi ko alam. Bahala ka na" ang sagot ni Andrew.
"Bakit hindi ka pa ba nakakapunta ng mall?"
"Sa tingin mo ba may oras pa akong gawin ang mamasyal sa ganoong lugar, sa estado ng buhay namin? Para sa aming mahihirap mas priority namin kung paano mapupunan ang kumakalam naming sikmura."
"Wow ang lalim yata nun ah. But I agree with you." Ang may pagkabilib na tugon ni Bryan sa pahayag ng kausap.
."At ngayon maswerte ka dahil mararanasan mo na ulit ang maglibang lalo na at kasama mo ako."
"Oo na. Salamat sayo ha." ang may ngiting sagot ni Andrew. 

"Buti naman at ngumiti ka na ulit sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na nginingitian ka rin ng taong gusto mo."
"Ganoon sige sisimangot na lang ako ulit." ang pagbibiro naman ni Andrew.
"Wag naman. Ang sakit sa damdamin nun."
"Biro lang." ang natatawa nang tugon ni Andrew. 

Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad.
"Maiba ako, matao pala ang lugar na ito ano."
"Oo naman, dahil maraming mga tindahan at bangketa dito at siyempre malapit sa simbahan. Gusto mo bago tayo pumunta ng mall, libutin muna natin ang buong lugar?"
"Mainit na Andrew oh, pero sige para sa iyo magpapaaraw ako."
"Tama yan para umitim ka naman."
"Ok lang sayo? Baka ma turn-off ka na sa akin niyan pag nangitim na ako."
"Ewan ko sayo Bryan."

Habang naglalakad ay panay ang tanong ni Bryan sa mga nakikita niya doon na sinasagot naman ni Andrew. Nagtagal sila ng halos kalahating oras.
"Nakakapagod pala. Gutom ka na ba Andrew." si Bryan.
"Medyo."
"Sige tara alis na tayo. Ay teka."ang sambit ni Bryan nang mapansin niya ang mga matatandang nakaupo sa gilid ng simbahan. Tinanong niya si Andrew kung ano ang ginagawa nila.
"Mga manghuhula ang mga yan. Sila ang mga taong nagsasabi ng kapalaran ng isang tao sa hinaharap."

Bigla namang ngumiti si Bryan na tila may pumasok na ideya sa kanyang utak. "May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang kanyang pagtanggi. Hindi kasi siya naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba?  kaya tara na."

Hinatak siya ni Bryan patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang malugod na pagbati ni Bryansa matanda. 
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan silang dalawa. "Ako na lang po muna." ang tila excited na pahayag ni Bryan.
"Sige ikaw muna, iho tutal gwapo ka naman." ang nakangiting sagot ng matanda.
"Kita mo Andrew pati si Manang naguwapuhan sa akin haha." ang tila pagyayabang naman niya.
Nginitian lang siya ni Andrew.

At sinimulan na ang panghuhula. Isa-isang nilapag ng matanda ang kanyang mga baraha sa mesa. Maya-maya lang ay tinignan na nito ang kanyang hinuhulaan na si Bryan.

"May kasintahan ka na ba iho?" ang pambungad na tanong nito sa kanya.
Tinignan saglit ni Bryan ang katabi niyang si Andrew bago sumagot. "Sa ngayon po ay wala pa Manang."
"Ganoon ba iho. Ayon kasi sa aking baraha ay magkakaroon ka ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ni Andrew na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Ang pag-ibig na ito ang siya pa ring mananaig sa huli. Iyan lang ang masasabi ko."

Nabitin naman si Bryan sa sinabing hula sa kanya.
"Mayroon lang ako kaunting paalala sayo iho." ang pagpapatuloy ng matanda.
Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."

Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kung ganoon." si Bryan na nakangiti nang muli. "Yung kasama ko naman po manang."

Muli ay isa-isang nipalag ng matanda ang baraha sa mesa.
"May minamahal ka na ba ngayon iho?" ang paunang tanong naman nito kay Andrew na sa mga oras na iyon ay hindi agad nakasagot.

Samantalang si Bryan naman ay naghihintay lang sa sasabihin ni Andrew. Sa totoo lang ay umaasa siya na sana umamin si Andrew ng nararamdaman nito para sa kanya. 

"Wa...wala pa po Manang." ang simpleng sagot ni Andrew.

Nadismaya naman si Bryan sa kanyang narinig dito.

"Pero may nagugustuhan ka na ngayon di ba?" ang sunod na tanong ng manghuhula. "At hindi mo lang masabi sa kanya na mahal mo siya dahil may bumabagabag sayo."

Sapul kay Andrew ang sunod na sinabi sa kanya ng manghuhula.

"Ayon sa aking baraha ang pag-ibig mo sa kanya ang  makapagbabago ng buhay mo iho."
"Ganoon po ba?  ang tanong ulit ni Andrew. Ngunit sa isip niya ay marami siyang katanungan sa hula.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."

Hindi nagustuhan ni Andrew ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."ang makahulugang pahayag pa nito.
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ni Andrew.
"Iyon lang ang masasabi ko iho."
______
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng manghuhula?" ang tanong ni Andrew kay Bryan habang nag-aabang sila ng masasakyan.
"Wala namang mawawala kung papaniwalaan natin di ba. At least magiging guide natin iyon."
"Sa bagay tama ka. Pero nacurious ako sa hula sa iyo ha. Magiging kakaiba daw ang pag-ibig mo. Siguro iibig ka sa babaeng ubod ng pangit."
"Hindi yun ang nasa isip ko Andrew." ang sagot ni Bryan.

Napansin na lang ni Andrew na nakatingin sa kanya si Bryan sa mata. Lingid sa kaalaman ni Andrew na iniisip na ni Bryan na siya ang kakaiba niyang pag-ibig na di pangkaraniwan sa lipunan.
"Bakit ka nakatingin diyan?" ang tanong ni Andrew sa kanya.
"Wala. Yung hula naman sa iyo. May gusto ka na palang tao eh. Nililihim mo pa sa akin."
"Hula lang iyon Bryan."
"Alam kong totoo iyon. Bakit hindi mo na kasi sabihin sa kanya ang nararamdaman mo kung nakikita mo naman na gusto ka rin niya?" ang tanong ni Bryan. Nagpapahiwatig na siya sa mga oras na iyon.

"Sineryoso mo naman yung hula. Huwag na nating bigyan pa ng pansin yun." ang pag-aalibi na sagot ni Andrew.
"Pero yun daw ang makapagbabago ng buhay mo."
"Hindi naman ako naniniwala doon. Kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero sa totoo lang naisip ko yung isa pa niyang sinabi, na dadanas ako ng matinding kalungkutan. Sana hindi naman mangyari iyon ano."
"Kita mo e di naniwala ka rin." ang paghuli sa kanya ni Bryan.  "Para sa akin lang ha, lahat naman ng tao ay darating sa punto na magiging malungkot sila. Siguro mga challenges iyon tungkol sa buhay pag-ibig mo"
"hmmm... Ewan ko ba."
"Pero bumawi naman ang manghuhula sa huli, magiging masaya ka ulit, siguro pag na overcome nyio ng mahal mo ang lahat ng challenges na iyon."

Nilapit naman ni Bryan ang kanyang bibig sa tenga ni Andrew.  "Isipin mo na lang na ang pagmamahal mo sa akin ang magiging susi sa tunay na kaligayahan mo."

Natawa si Andrew sa narinig. "Assuming ka na naman diyan. Ikaw talaga."
"Pero hindi mo ba naisip na ako iyon? Eksaktong-eksakto kasi haha."
"Hay ewan ko sa iyo, tara na nga, oh ito na jeep."
"Taxi tayo ano?"
"Jeep na lang, mahihiluhin ako sa taxi eh."
"Bili muna tayo ng candy bago sumakay."
______
Nagdesisyon si Bryan na sa isang mall sa San Lazaro sila magpunta. Habang naglilibot sila ay napapansin ni Andrew ang mga taong nakatingin kay Bryan na ang karamihan ay mga estudyante na nakauniporme din marahil ay nag-aaral sa isang unibersidad din na malapit doon. Hindi na siya nagtaka pa, talaga namang agaw atensyon ito dahil sa itsura nitong artistahin.

Pumasok sila sa isang department store.
"Mamili ka na nang mga damit at pantalon na gusto mo." ang sabi ni Bryan sa kanila.
"Bibilihan mo ba ako, nakakahiya naman sa iyo."
"Oo naman, gusto ko kasing maging kaaya-aya ang itsura mo lalo na kapag kasama mo ako. At saka tigilan mo na nga yang hiya-hiya hindi bagay sa iyo."
"Hindi na kailangan Bryan." ang pagtanggi pa rin niya. Ayaw kasi niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabaitan na pinbapakita nito sa kanya.
"Kusang loob kong gagawin ito sa iyo. Please lang malulungkot ako kapag tumanggi ka pa. Sasakit na naman ang damdamin ko niyan." si Bryan sabay hawak sa dibdib na animoy nasaktan.

Napangiti naman si Andrew sa pag-arte nito. Ang cute kasi nitong tignan para sa kanya.

"Sige na nga. Salamat Bryan."

Si Bryan na pumili ng mga damit ni Andrew. Isa-isa niyang pinasukat sa kanya ang mga ito para alimin kung ano ang nababagay dito.
"Hindi ka naman mahirap pilian ng damit Andrew. May itsura ka rin naman kasi. Kung mag-aayos ka lang at magdagdag ng laman sa katawan mo tiyak magiging gwapo ka rin."

Lubos naman ikinatuwa ni Andrew ang pagpuri na ito ni Bryan sa kanya. Bukod kay Dina may ibang tao pa pala ang magsasabi sa kanya ng ganoon.

"At kapag nangyari iyon, tiyak mas magiging bagay tayong dalawa." ang paghirit pa ni Bryan.

Natawa si Andrew sa huli nitong sinabi. "Ikaw talaga Bryan."

Makalipas ang halos isang oras ay natapos na sila sa pamimili ng mga damit. 
"Malaki na yata babayan mo niyan, pwede namang bawasan natin ito."si Andrew habang nakapila sila sa counter para magbayad.
"No, parang hindi mo naman ako kilala." ang pagtanggi ni Bryan. "Hindi naman mauubos pera ko nito dahil lang dito."
"Ay oo nga pala mayaman ka kasi."
"Kaya nga dapat umamin ka na gusto mo ako. Ano pa ba ang hahanapin mo, na sa akin na ang lahat. Gwapo, Macho, Mabait, Sweet at Mayaman."

"Aba lumakas yata ang aircon dito. Lumamig bigla. Tara bilisan na nga natin" ang pagbibiro naman ni Andrew sa kanya. Sa isip niya kasi ay may katotohanan naman talaga ang mga sinabi niya. Kumbaga may karapatan naman talaga siyang ipagyabang ang sarili nito.
"Andrew naman..." ang nasabi na lang ni Bryan na medyo natatawa. 

Matapos bayaran ang lahat ay dumeretso ang dalawa sa foodcourt sa ibaba para kumain.

Itutuloy...

Friday, November 11, 2011

CAMPUS TRIO Part 15

"Hindi ah!" ang nasambit ni Andrew sa kabila ng nararamdaman niyang kaba base sa nakita niyang seryoso ni Bryan.
"Umamin ka na. Tayo lang naman dalawa ang makakaalam."
"Sabi nang hindi..." ang pagtanggi pa rin ni Andrew. Iniwas na niya ang kanyang tingin sa kausap.
 
 Ilang minutong niyang hindi narinig na nagsalita si Bryan. Dahil sa iniiwas niya ang tingin dito ay wala siyang ideya kung ano na itsura ng mukha nito. Medyo pinagpapawisan na siya sa mga oras na iyon dahil sa kaba.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito.
"Relax lang nagagalit ka kaagad nagtatanong lang naman ako." ang pahayag nito sabay tawa ng malakas.
"Tignan mo sarili mo Andrew, para kang basang sisiw diyan. Ganyan ka pala kapag kinakabahan ka."ang pagpapatuloy nito.

Wala pa ring tugon si Andrew dahil sa pagtataka.
"Effective! ang natatawa pa rin nitong sambit. "Sorry Andrew kung natakot ka. Pero sa totoo lang wala namang problema sa akin kung sino ka pa o anuman ang sexual preference mo."

Tila naman nabunutan ng tinik si Andrew sa kanyang narinig. At sa mga oras din iyon ay mas lalo pa siyang humanga ka Bryan dahil sa pagiging maunawain nito sa mga tulad niya.

"Oh magsalita ka naman diyan." si Bryan nang mapansin ang pananahimik pa rin ni Andrew.

"Eh.... pano yan nalaman mo na, kaya  maiilang at maasiwa ka na talaga niyan sa akin. Maiintindihan naman kita kung ganoon ang mararamdaman mo."

"Noon pa lang nung nasa Baguio tayo nahalata na agad kita dahil sa paraan ng pagtitig mo sa akin.At ngayong confirmed na, sobrang tuwa ko dahil may chance na talaga ako sayo."
Napaisip naman si Andrew sa huling sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin? Anong chance ang pinagsasabi mo?" ang sunud-sunod nitong tanong.
"Na maging tayo. I know naman na attracted ka sa akin di ba. At gusto mo rin ako."

Hindi makapaniwala si Andrew sa naging pahayag nito. Wala kasi sa personalidad ng isang tulad ni Bryan ang magsabi ng mga ganoong bagay.
"Naglolokohan lang yata tayo dito." ang nasabi na lang ni Andrew.  "Umayos ka nga sa daan ang tingin baka madisgrasya tayo."

Agad namang binalik ni Bryan ang atensyon niya sa pagmamaneho. Pero nakuha pa rin nitong humirit.
"Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo Andrew. Kaya ngayon umamin ka na rin kung may feelings ka sa akin."
"Wala akong gusto sayo." ang agarang sagot ni Andrew.
"Puro ka na lang deny." si Bryan sabay buntung hininga. "Kailan mo pa kaya aaminin sa akin na gusto mo rin ako?"

Napansin naman niya ang mukha ni Andrew nang sulyapan niya ito. "Oh namumula ka na."

Agad namang inayos ni Andrew ang sarili. Nagpahalatang hindi naapektuhan sa mga tanong ni Bryan sa kanya.
"Oh sagot na. May gusto ka sa akin di ba?" ang tanong ulit ni Bryan sa kanya.
"Wala ano. Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."
"Talaga lang ah. Kaya pala hindi agad nakasagot sa tanong ko."
"Hindi ko lang inaasahan na magtatanong ka ng ganyan."
"Ganoon ba, pasensiya na kung nabigla ka. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong magtanong."

"Ano daw, napigilan?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. "Ibig bang sabihin nito na naghihinala na siya sa akin. Naku dapat siguro na mag-ingat na ako."

"Oh anong iniisip mo diyan?" si Bryan nang mapansin ang pananahimik ni Andrew.
"Wala."
Napapailing na ngumiti si Bryan sa kanya.
______
"Ilang buwan na kayong magkasama, hindi mo pa rin siya napaamin?" ang tanong ni Michael matapos ikwento ni Bryan ang naging usapan nila ni Andrew kagabi.
"Mga tol, Kahit hindi niya sabihin ang totoo, alam ko naman na may gusto siya sa akin. But I cant understand kung bakit hindi niya iyon masabi-sabi sa akin eh." ang medyo naiinis na tugon ni Bryan. "Lahat na ginawa ko para sa kanya. Sinabi ko na rin na wala akong problema sa kanyang sexuality."

"Sa tingin ko tol, kailangan mo pang dagdagan ang efforts mo." si Troy.
"Ewan ko ba pero tama ka tol. Sa tingin niyo, ano pa ba ang mga dapat kong gawin?"
"Tol ikaw ba yan? Unbelievable, isang Bryan Luis Sebastian ang nagtatanong ng ganyan." ang natatawang kantyaw ni Michael sa kanya."
"Upakan kaya kita diyan. Seryoso na kaya ako." ang nakasimangot na tugon ni Bryan.
"Tol naman kasi, hindi bagay sa grupo natin ang magtanong ng ganun. Di ba nga expert tayo pagdating sa mga ganyang bagay." si Michael.
"Alam ko iyon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakasalalay na dito ang future ko."
"Oh Sige na nga. Troy ano kaya ang pwede nating itulong sa kaibigan natin?" 
"Iyan ang dapat nating pag-isipan." ang tugon naman ni Troy.
______
"Perfect!" si Andrew matapos icheck ang pinagawa niyang exercises kay Billy. Magkatabi silang nakadapa sa kama nito. "Ang galing mo na talaga Billy." ang pagpuri naman niya dito.

"Siyempre po magaling ang tutor ko." ang tugon ng bata.
Napangiti naman si Andrew. "Ikaw ha binobola mo ako."

"Totoo kayang magaling ka at matalino pa." si Bryan na pumasok sa kwarto. "Meryenda muna kayo."
"Wow, hamburger weeee!" ang masayang sambit ng bata matapos makita ang dala nitong pagkain. Napapangiti na lang si Andrew sa kainosentehan ng bata.
"Nakakatuwa talaga yang kapatid mo Bryan. Ni isang beses hindi ako binigyan ng kunsumisyon. At ang daling matuto." si Andrew habang pinapanood niyang kumain si Billy.
"Siyempre naman kanino pa ba magmamana yan. Alam mo na." ang sagot ni Bryan sabay turo sa kanyang sarili.
"Oo na lang. Sige ikaw na." ang nasabi na lang ni Andrew na medyo natatawa.
"Siya nga pala Andrew, sa inyo ulit ako matutulog ngayong gabi ah." ang pagpapaalam ni Bryan sa na ikinataka ni Andrew.
"Ha bakit na naman?"
"Basta."
"Hindi pwede kung wala kang sasabihing dahilan." ang pagtanggi niya.
"Andrew naman." ang tila pagmamaktol nito. "Sige na nga aaminin ko na. Gusto ko lang kasi na makasama ka."
"Aba di ka pa nakuntento? Halos araw-araw na nga tayo nagkikita."
"Hindi iyon. Gusto ko kasi na makatabi ka ulit." 

Natigilan naman si Andrew sa kanyang narinig.
"Bahala ka." ang nasabi na lang niya. Sa loob niya ay may kilig siyang nararamdaman.
_______
Gaya nang napag-usapan ay sinabayan ni Bryan si Andrew pauwi. Nagdala naman siya ng isang bag na naglalaman ng ilang damit na kanyang gagamitin. Nagcommute na lang silang dalawa.
"Nandito na po ako nay, kasama ko po si Bryan." si Andrew pagkapasok ng bahay.
"Oh halina kayo at sumabay nang kumain." ang alok ng kanyang ina sa kanila.

"Good evening po nanay." ang magalang na bati ni Bryan sabay mano. "Tamang-tama po gutom na ako."
"Gutom ka na naman, kakakain lang natin kanina sa inyo ah."
"Eh, kumalam ulit ang tiyan ko eh, kainan na." si Bryan na umupo agad sa mesa at nagsandok ng kanin at ulam.

Napapangiti si Andrew sa mga pinapakitang asal ni Bryan.
"Ang sarap po ng sinigang niyo ah, the best to!" ang sambit nito na may kanin pa sa loob ng bibig. "Mas masarap pa sa luto ng mga maids namin sa bahay. Parang gusto ko nang dito tumira."
"Mabuti naman iho at nagustuhan mo sige, kain ka pa."
"Waaahhh.... ang takaw mo talaga Bryan." ang sambit ni Andrew. "At ikaw isang mayamang nilalang, gugustuhing tumira sa lugar na ito, unbelievable.
"Pwede naman ah. Tao rin naman ako gaya niyo."
"Ewan ko sa iyo. Hays ang takaw mo talaga!"
"Kung matakaw ako, dapat gayahin mo para tumaba ka naman. "
"Napagtripan na naman ang katawan ko." ang napapailing na si Andrew.
"Tama siya anak dapat magpataba ka naman, tignan mo si Bryan malusog na macho pa." ang nanay ni Andrew.
"Tama po kayo nay. Ang katawan kong ito ang aking asset na pang-akit ko sa iba kaya maraming nagkakagusto sa akin lalo na sa school." ang pagmamalaki nitong pahayag.
"Ayaw nga lang umamin ng iba jan." ang kanyang pagpapatuloy sabay tingin kay Andrew.

Hindi nakapagsalita si Andrew sa pagparinig na ginawa ni Bryan sa kanya.

"Grabe busog na busog ako." si Bryan habang hinihimas ang kanyang tiyan. Nasa sala sila at ang nanay na ni Andrew ang nagligpit ng kanilang kinainan.
"Ayan mawawala na yang mga abs mo magiging tabs na." si pangangantsaw ni Andrew sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon. Alaga yata ng work-out sa gym tong katawan ko kaya never akong tataba. Mahirap na baka hindi mo na ako magustuhan niyan."
"Ano sabi mo? Hoy Mr. Bryan Luis Sebastian wag ka ngang masyadong assuming jan."
"Sus. Pakipot ka lang sabihin mo."
"Ewan ko sa iyo, tara matulog na nga tayo."
______
"Talagang nakaready ka ha." si Andrew nang mapansin ang suot na boxer ni Bryan nang hubarin ang short nito.
"Siyempre naman." si Bryan sabay hubad ng t-shirt.
"Kailangan pa ba talagang magtanggal ng t-shirt" si Andrew na agad umiwas ng tingin sa hubad katawan ng kausap.
"Siyempre naman. This is my asset nga di ba kaya dapat lang na ipakita ko ito."

"Ano ba ang pinaggagawa ng taong ito?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. Natutukso na kasi siya sa mga pinapakita nito.

"Ok, tulog na tayo." si Bryan at humiga na sa kama ni Andrew. "Higa na dito." ang utos niya kay Andrew.
"Tabi na naman tayo? Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"No, dito ka kaya nga ako nakitulog para makatabi kita." ang sagot nito.

Natawa ng hilaw si Andrew. "Sige na nga, basta huwag mo lang ako dantayan ha."
"O sige yayakapin na lang kita."
"Lalong di pwede."
"Andrew naman, sa ilang buwan nating magkakilala ganyan ka pa rin kailap sa akin."
"Iyon na nga eh. Buwan pa lang wala pang taon. Siyempre di mo ko masisisi kung ganoon pa rin ako sa iyo."
"Hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko sa iyo. Sinusunod ko naman ang gusto mo. Nagpapakabait na ako at nakikisama sa inyo ni nanay, at kilala ka na rin ng pamilya ko."
"Basta Bryan, mahirap ipaliwanag."
"Kasi pilit mong tinatago ang nararamdaman mo."
"Ano namang alam mo sa nararamdaman ko?"
"Na gusto mo ako."
"Ikaw talaga Bryan. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga."
"As always tatanggi pa rin siya. Halika na tulog na tayo." si Bryan na hinila ang braso ni Andrew.

Halos kalahating oras nang nakahiga ang dalawa sa madilim na kwarto ni Andrew. Nakatalikod si Andrew kay Bryan. Hindi naman siya makatulog sa mga oras na iyon.

"Sa ilang buwang magkasama tayo, talagang nagustuhan na kita Bryan. Pasensya ka na siguro kung hindi ko pa masabi sayo. Hanggang ngayon kasi may mga pag-aalinlangan pa ako." ang pagtatapat niya sa kanyang sarili.

Nasa kasagsagan siya ng pag-iisip nang biglang magsalita ang kanyang katabi.
"Gising ka pa ba Andrew?" ang tanong nito sa mahinang boses. Hindi siya sumagot sa halip ay pinakiramdaman lang niya ang susunod na gagawin nito.
"Tulog na yata." ang sabi nito nang wala itong narinig na pagtugon. 

Naramdaman na lang ni Andrew ang malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.
"Payakap na lang ha." ang bulong nito sa kanyang tainga. Hindi pa rin siya gumalaw. Pinakinggan lang niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Alam mo Andrew, ang saya-saya ko talaga dahil nakatabi ulit kita. Gusto kong maulit lagi ito. Kung pwede nga lang ay habambuhay na."
Hinigpitan pa niya ang yakap kay Andrew at dinantay na ang kanyang mga binti.

Muli ay napangiti si Andrew sa kanyang narinig. Hinayaan na lang niya ang pagyakap ni Bryan sa kanya.

Itutuloy...

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 5

"Aha! ang saya mo yata ngayon" ang pagpuna sa akin ni Marie nang dalhin niya ang isang dokumento sa opisina.
"Halata ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan kasaya eh. So pwede ko bang malaman kung ano iyon?"
"Ikaw talaga Marie, umandar na naman yang pagkatsismosa mo"
"Grabe ka naman, curious lang ako ano."
"Sige na nga kuwento ko na." 

Inilahad ko sa kanya ang mga nangyari nung umagang iyon.
"Weee." ang kanyang reaksyon sabay tusok sa aking tagiliran. Halatang kinilig siya sa aking kwento.
"Ano ba Marie?" ang sabi kong nakikiliti na sa ginagawa niya.
At huminto na siya sa kanyang ginagawa. "Tama nga ang hinala ko Victor."
"Na ano?"
"Basta, hindi ko sasabihin. Ikaw ang kasama niya sa bahay kaya dapat ikaw rin ang unang makaalam nun."
"Ewan ko sa iyo, bahala ka nga kung ayaw mo."
______
Pag-uwi ko kinagabihan ay nakita ko si Adonis na abalang nanonood ng TV. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit. Agad naman akong sumalampak ng upo sa sofa.
"Kamusta ang work?" ang tanong niya sa akin. Sa hindi ko inaasahan ay tumabi siya ng upo sa akin.
"Ayos lang. Medyo napagod lang sa dami ng inasikasong papeles." ang sagot ko sa kanya habang hinihimas ko ang aking sentido.
"Masyado ka kasing masipag eh.Tara kain na tayo." ang alok niya sa akin.

Habang kumakain, "Mamaya bago matulog mag-inuman tayo Victor."
Tumingin ako sa kanya. "Ano naman ang naisipan mo at bakit mo ko niyaya?"
"Just for fun lang para makapagbonding naman tayo. Ilang beses ka na umiinom sa labas eh. Gusto ko tayong dalawa naman."
"Ganoon? Sige pagbibigyan kita." ang pagpayag ko.

Nang matapos ay siya na ang nagboluntaryong lumabas para bumili ng aming iinumin. Pag-uwi niya ay may dala siyang isang case ng beer.
"Bakit ang dami naman? Mauubos ba natin yan?" ang tanong ko sa kanya.
"Basta. Minsan lang naman ito kung may matira man eh di bukas ubusin."
"Saan ka pala kumuha ng pambili nito?"
"Nanalo ang team na sinalihan ko kanina. Pustahan kasi iyon."
"Ganoon ba. Ang galing mo naman kasi maglaro."
"Hindi naman."
"Nung minsang pinanood kita, talagang napabilib ako sa mga moves mo at ang galing mo sa pagshoot ng bola. Kaya halos maluwa ang mga mata ng mga babaeng tagahanga mo doon."ang aking pahayag. Naalala ko naman ang mga nangyari sa huli kong pahayag.

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang tig-isang bote at inabot sa akin yun isa. Nakakadalawang bote na kami nang magsimula ang kakaiba naming usapan.
"Kaya mo pa ba Adonis?" ang tanong ko sa kanya.
"Kung ikaw nga nakakailang bote eh ako pa kaya."
"Minsan naisip ko na isa kang chef, varsity player ng basketball, at ngayon lasenggo." ang natatawa kong sambit.
"Ewan ko Victor. Pero sa ngayon hindi ko muna binibigyang pansin ang aking nakaraan." ang pahayag niyang kumuha ng aking atensyon.
"Bakit mo naman nasabi yan? Ayaw mo bang magbalik ang alaala mo?:
"Hindi naman sa ayaw, pero nag-eenjoy kasi ako sa buhay ko ngayon e. Pakiramdam ko ay payapa ang isip ko at walang pinoproblema."
"Sa sinabi mong yan parang gusto mo nang mamalagi sa akin habang buhay." ang biro ko. At hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sagot.
"Oo Victor. Masaya kasi ako dito sa mga ginagawa kong pagsisilbi sa iyo."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa pahayag niyang iyon. Lubos talaga akong nabigla.
"Pero hindi mo ba iniisip ang mga taong matahil ay naghahanap na sa iyo. Sigurado akong namimiss ka na nila."
"Isinantabi ko muna ang bagay na iyan. Sa totoo lang may takot din akong nararamdaman na baka nasa peligro ang buhay ko. Samantalang dito ay safe ako."

Nakuha ko namnan ang kanyang punto. Siguro nga dahil sa nangyari sa kanyang buhay ay nagkaroon siya ng trauma.
"Ikaw naman Victor, magkwento ka naman ng tungkol sa iyo." ang sabi niya sa akin.
"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sa akin?" ang tanong ko sabay lagok sa bote.
"Ang tungkol sa buhay mo, sa pamilya mo."

Pamilya, isang salita na pilit ko nang inaalis sa aking isipan dulot ng masasakit na alaala na nangyari sa akin. Hindi ko napigilang maluha sa mga oras na iyon.

At naramdaman ko na lang ang pagtabi ni Adonis sa aking kinauupuan at hinahagod ang aking likuran.
"Alam mo Adonis minsan nga naisip ko rin na magka-amnesia tulad mo para makalimutan ko ang aking nakaraan. Sa tuwing maalaala ko kasi ay bumabalik sa akin ang lahat ng sakit."

Hindi siya sumagot. At nagpatuloy siya sa paghaplos ng aking ulo na tila nakikisimpatya sa aking nararamdaman.
"Ang tinatamasa kong kaginhawaan ngayon ay dahil sa aking pagpupursige at determinasyong iangat ang sarili mula sa pagmamaliit sa akin ng pamilya ko. Itinakwil ako ng aking mga magulang bilang anak."

Nagsimula na akong humagulgol. Marahil dahil sa tama ng beer ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na mag-open sa kanya ng aking mga tinatago.
"Patawarin mo ako Victor sa pagtatanong ko. Masyado na yata akong namersonal sa iyo."
"Ok lang Adonis. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko."
"Mabuti naman kung ganoon. Pero may itatanong lang sana ako kung mamarapatin mo."

Pinahid ko ang aking mga luha. "Sige ano ba yun?"
"Sa sinabi mo kanina, na pagtatakwil sa iyo ng pamilya mo. Gusto ko lang malaman ang dahilan nito. Naisip ko kasi na hindi basta itatakwil ng magulang ang kanilang mga anak nang ganoon lang."

Tila nahimasmasan ako bigla sa tanong niyang iyon sa akin. Kung sasagutin ko siya ay mabubuko na ang totoo kong pagkatao. Baka magbago bilga ang turing niya sa akin at lumayo. Kahit papaano ay masasaktan ako dahil sa nararamdaman ko sa kanya.
"Hindi ko alam Victor kung kakayanin mo at matatanggap ang isasagot ko sa iyo."
"Bakit naman? Hindi ka pa nga nagkukuwento ay ganoon na agad ang iniisip mo sa akin."
"Medyo komplikado kasi eh."
"Kaya nag-aalinlangan kang sabihin sa akin. Bakit hindi mo kaya subukan?"

Nakikita ko sa kanya ang kagustuhang alamin ang sagot. Bagamat nagdadalawang-isip ay mas pinilit ko na ang sariling sabihin sa kanya ang lahat. Bahala na sa magiging reaksyon niya kung nauman iyon. Ang tanging magagawa ko na lang ay tanggapin ang mangyayari pagkatapos nito.

"Gaya nga ng nabanggit ko kanina, na itinakwil ako ng aming angkan. Halos lahat sila ay pinagtabuyan nila ako dahilsa pagiging kakaiba ko. Bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko na isa akong..." ang aking pagsisimula. Tinignan ko muna si Adonis at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Bakla ako Adonis. Bata pa lang ako nang maramdaman ang pagiging iba sa mga pinsan kong lalaki. Dahil sa takot sa kanila lalo na sa mga magulang ko ay pilit ko itong pinigilan. Kung sinu-sinong babae sa aming lugar ay nirereto sa akin ng aking ama ngunit ni isa sa kanila ay wala akong gusto. Simula noon ay naging mabigat na ang loob niya sa akin. At isang araw pag-uwi ko galing eskwelahan ay sinalubong niya ako ng bugbog. Nakita pala niya ang mga tinatagong kong gay magazines sa aking kwarto. Nahilig kasi akong mangolekta nito dahil sa atraksyon ko sa mga larawan ng lalaking naroon. Ilang araw ko ring tiniis ang kanyang pagbugbog sa akin pati ang aking ina na sana magiging kakampi ko ay galit rin sa akin. Bilang nag-iisang anak kasi ay ako lang ang magdadala ng apleyido ng pamilya at magbibigay ng apo sa kanila. Hanggang sa pinalayas na ako sa amin. Doon pinangako ko sa aking sarili na kahit ganito ako ay kakayanin kong bumangon."
 
Nang matapos ako ay tinakpan ko ang aking mukha ng mga palad at tuluyang humagulgol. At sa kasagsagan ng aking pag-iyak ay naramdaman ko ang pagbalot ng kanyang malatrosong mga braso sa aking katawan. Hindi ko alam ang iniisip niya sa aking inilahad.

"Sige iiyak mo lang yan." ang sabi niya sa akin.
"Ngayong alam mo na ang lahat, nasa iyo na ang desisyon kung aalis ka."
"Masyadong mababaw ang dahilan na iyon para maisip ko ang ganyang bagay Victor."

Napatingin ako sa kanya pagkabigla sa aking narinig. Nagkatitigan kami.
"Victor, wala akong pakialam kung isa kang bakla. Sa totoo lang ay saludo ako sa mga pinakita mo dahil nakayanan mo at nalampasan ang mga pagsubok sa iyong buhay. Isa pa ay hindi ka naman gumawa ng bagay na maaaring maging kahihiyan mo dahil sa iyong pagkatao."

At doon mas lalo akong umiyak. Kahit papaano ay nakagaan sa aking pakiramdam ang aking paglalahad at siyempre naging masaya ako sa pagtanggap niya sa akin.
"Salamat Adonis." ang aking nasabi sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin din siya.

Ilang minuto ring nagtagal ang  aming pagkakayakapan hanggang sa ako ang unang kumalas.
"Tulog na tayo, maaga pa ang pasok ko bukas." ang nakangiti kong pahayag.
"Sigurado ka bang ok ka na." ang tanong niyang medyo nag-aalala sa akin.
"Oo naman, sobrang gaan na ng kalooban ko at masaya na rin dahil sa pagtanggap mo sa akin."
"Sige, umakyat ka na sa kwarto mo at ako na ang balahang magligpit nitong mga pinag-inuman natin."
"Salamat."
______
Napapangiti akong nakahiga sa aking kama habang iniisip ko ang naging usapan namin ni Adonis. Sobrang naging maganda ang naging resulta nito sa akin. Ngunit agad napawi nito nang maalala ang isa ko pang problema.
"Ngayong alam na niya ang totoo kong pagkatao, bagamat sinabi niyang hindi siya lalayo sa akin ay iniisip ko ang posibilidad na baka makaramdam na siya ng pagkailang sa akin sa mga susunod na araw. Pwede rin namang idistansiya niya ang kanyang sarili sa akin. Wala naman akong magagawa kung mangyari iyon." ang sabi ko sa aking sarili.

Hanggang sa makaramdam ako ng antok at makatulog.

Itutuloy...

Sunday, November 6, 2011

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 4

Habang nag-aalmusal ay inoobserbahan ko si Adonis. Seryoso ang kanyang mukha at minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin na tila may iniisip o nais sabihin. Ako naman kahit gusto ko na siyang tanungin ay hindi ko itinuloy. Hanggang sa paghahanda ko sa pagpasok ng trabaho ay wala kaming imikan.

Paalis na ako ng bahay nang kausapin niya ako.
"Goodluck sa work" ang nakangiti niyang sambit habang nakatayo sa pintuan.

May dulot na kilig sa akin ang sinabi niyang iyon. Sa buong buhay ko ngayon lang may nagsabi sa akin nang ganoon. Pakiramdam ko ay buong maghapon gaganda ang aking mood.

"Thanks. Aalis na ako." ang aking tugon sa kanyang sinabi. "Uuwi ako nang maaga mamaya kaya dapat magluto ka ng masarap na hapunan." ang aking dagdag na siya namang lalong nagpangiti sa kanya.
"Oo ba." ang kanyang masiglang pagsagot.
_______
"Nasabi ko na si Dad ang tungkol sa kilala niyang detective na kukunin natin. Next week na natin siya makakausap." ang pahayag ni Marie. 
"Sige." ang wala ko sa sariling pagsagot sa kanya. Sa mga oras na iyon kahit pa abala ako sa pagbabasa ng mga files ay nakatuon pa rin ang aking isip sa mga nangyari kaninang umaga.
"Ano na naman yang iniisip mo ha?" ang tanong niya nang mapansin ang aking itsura.
Tumingin  ako sa kanya at tinanggal saglit ang suot kong salamin. "As usual, magulo na naman ang isip ko. Masaya malungkot na naiinis, ewan ko ba." ang sagot ko sa kanya.
"Ewan ko sa iyo Victor. Simula talaga nang dumating yang Adonis na yan naging problemado ka na palagi."
"Huwag mo naman sana siyang sisihin?" 
"Kung sabagay tama ka. Wala naman siyang ginagawang bagay na hindi mo gusto."
"Para sa kanya oo. Sa akin hindi."
"What do you mean?

At doon ko sinimulang ikwento sa kanya ang mga nangyari nang umagang iyon.
"Selos na nga yan, Victor." ang komento ni Marie sa aking sinalaysay. "Pero nagtataka lang ako sa huli mong binanggit. I think may something na kakaiba sa kanya na hindi mo pa alam."
"Talaga, sa tingin mo, ano ba yung something sa kanya na sinasabi mo?"
"Sa ngayon mahirap hulaan kaya ang dapat mong gawin  ay obserbahan pa siya habang inaasikaso ng detective ang paghahanap sa kanyang identity."
"Ok." ang sagot ko lang sa kanya. Hindi na rin ako nagpumilit pang alamin kung anuman ang kanyang tinutukoy.
______
Hapon na iyon habang naglalakad ako sa lobby palabas ng opisina para umuwi nang lapitan ako ng aking mga tauhan. Niyaya nila akong sumama sa birthday ng isa nilang kasamahan.
"Ganoon ba? Happy Birthday sa iyo Eric.Pasensya na nakalimutan ko alam mo na sa dami ng trabaho." ang
pagbati ko sa kanya.
"Ayos lang sa akin iyon Sir. Sana po makasama kayo, may maliit na salo-salo at inuman sa bahay namin." ang sagot ni Eric sa akin.

Nag-isip ako saglit kung pauunlakan ba ang kanyang paanyaya o hindi. Nagdadalawang-isip ako dahil naalala ko si Adonis.
"Hindi yata ako makakasama Eric, may importante kasi akong pupuntahan."
"Ang KJ mo naman sir, minsan lang ito bonding kumabaga. Sige na." ang sabi naman nang kasama niyang si Bong. Siguro nga dahil sa mabait ako sa aking mga empleyado ay nagiging casual na lang ang pakikipag-usap nila sa akin.

Hindi ko na rin nagawang tumanggi pa. Minsan lang naman ito kaya pumayag na ako. Naisip kong pagkakataon na ito para maranasan kong makipagbonding. Isa pa ay para makalimutan ko rin kahit sandali ang personal kong problema. Dahil sa wala silang sasakyan ay pinasakay ko na lang sila sa aking kotse. Nasa harapan si Eric na nagtuturo sa akin ng direksyon ng kanyang bahay sasamantalang ang apat pang kasama naming lalaki ay nasa likuran. Habang bumibiyahe ay di maiwasang magkaroon ng katuwaan. Pakiramdam ko nga ay out of this world ako dahil sa usapan nila na puro babae. Pinili ko na lang ang manahimik.

Hanggang sa mismong party habang nag-iinuman ay ganoon pa rin ang kanilang usapan. Maya-maya namay napupunta na ito sa trabaho kaya nagagawa ko nang makisali sa kanila. Hindi ko na namamalayan ang oras dahil sa ganda ng aming usapan.

Madaling araw na nang tumigil kami sa pag-inom. Nagsiuwian na ang ibang mga bisita at ang dalawang kasama namin.
"Kaya mo pa ba magmaneho sir? Pwede naman kayong dito muna matulog."
"Dont worry Eric, kaya ko." ang pagtanggi ko sa kanya. Hindi pa naman kasi ako ganoon kalasing. "Salamat sa iyo Eric kahit papaano nakapag-enjoy ako."
"Ayos lang yun Sir, Tama lang naman na magbreak tayo sa ating trabaho di ba para makapagrelax di ba."
"Baka naman hindi kayo makapasok niyang bukas dahilsa hang-over niyo. Sisisantihin ko kayo niyan agad." ang biro ko.
"Kami pa takot lang namin sa iyo." Nagkatawanan lang kami.

At nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na. Habang nagmamaneho ay bumalik na naman sa aking isip si Adonis, alam kong naghanda siya ng hapunan para sa akin. Medyo nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya dahil pinaghintay ko siya.

Nang makarating sa bahay ay ipinarada ko sa isang tabi ang aking kotse para buksan ang gate sa pag-aakalang tulog na si Adonis tutal my sariling susi naman ako ng gate. At nang maipasok ko na ang kotse sa garahe napansin kong bukas pa ang ilaw sa loob.

At nang makapasok ako ay bumulaga sa akin ang nakatulog na si Adonis nang nakaupo sa mesa. Naroon pa rin ang mga nakahanda niyang pagkain. Sa di ko malamangdahilan ay nakaramdam ako ng awa at nakonsensya sa kanya.

Umupo ako sa kanyang tabi at kinalabit siya upang magising.
"Dumating ka na pala Victor, kain na tayo." ang sabi niya sa akin. "Lasing ka ah"
"Nayaya lang ako sa isang birthdayh party ng employee ko. Dapat hindi mo na ako hinintay pa at naunang matulog."
Tumingin siya sa akin. "Ganoon ba, sayang naman itong hinanda ko masarap pa naman ito."

Pakiramdam ko ay lalo akong nakonsensya sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong akbayan siya marahil sa aking kalasingan ay nagkalakas na ako ng loob. "Ilagay mo lahat yan sa ref at bukas ng umaga kakain ko lahat yan promise. Salamat."

Mula sa seryosong mukha ay nasilayan ko ang kanyang ngiti. Ang ngiting tila isang gayuma sa akin para haplusin ang kanyang mukha at halikan pero syempre hindi ko naman magagawa iyon.

"Baka matunaw ako niyan Victor."
Naalimpungatan na lang ako at bumalik ang aking ulirat sa kanyang sinabi. "Pasensya na inaantok lang ako."
"Sige itatabi ko na ito. Ihahatid na kita sa kwarto mo."

Matapos niyang itabi ang mga pagkain ay boluntaryo siyang akayin ako papunta sa kwarto na pinayagan ko naman.
"Salamat Adonis, pwede mo na akong iwan.  Matulog ka na." ang sabi ko sa kanya habang naghuhubad ng aking mga suot.
"Wala ka na bang kailangan pa?" ang tanong niya sa akin.
"Salamat pero huwag kang mag-alala kaya ko na. Hindi naman ako ganoon kalasing."
"Sige Victor tulog na ako. Bukas ha, ah hindi pala mamaya gigisigin kita jogging ulit tayo."
Tumango lang ako bilang pagsagot.
______
Maaga ulit akong ginising ni Adonis. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbabalik sigla sa kanyang kilos mula sa pagiging kakaiba niya kahapon. Hindi ko na iyon inusisa pa. Agad naman akong bumangon para maghanda.

Alam ko naman na magiging abala siya sa pakikipagbonding sa kanyang mga tagahanga sa lugar namin kaya napag-isipan kong dalhin ang aking ipod para magsoundtrip habang nagjojogging kami.

Nasa gate na kami nang mapansin niya ang paglalagay ko ng earphone sa aking tainga. 
"Bakit mo pa kailangang makinig ng music?" ang tanong niya sa akin.
"Libangan ko. Para naman hindi ako maboring" ang sagot ko sa kanya. Nakatuon na ang aking atensyon sa pagset ng music sa ipod kaya hindi ko nakita ang kanyang reaksyon.

Kahit papaano ay nalilibang na ako sa pakikinig habang nagjojogging. Dahil sa lakas ng music sa aking earphone ay hindi ko na alam kung may tinatanong sa akin si Adonis.

Tapos na kaming ikutin ang buong lugar at nasa tapat na kami ng bahay. Tinanggal ko na ang earphones sa aking tainga.
"Hindi ka ba pupunta sa court?" ang tanong ko sa kanya. Nakapagtatakang hindi man lang kami dumaan doon.
"Hindi na Victor, baka iwanan mo na naman ako dun." ang seryoso niyang sagot na aking ikinabigla.
"Ah hindi ko na gagawin iyon, kaya nga nagdala ako ng sounds eh."
"Yun na nga eh. Kaya ka nagdala niyang para malibang mo ang sarili mo. Kahit papaano ay hindi mo matuon sa akin ang iyong pansin."
"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi siya sumagot sa aking tanong bagkus ay iniba niya ang usapan. "Tara na magbreakfast na tayo. Nangako ka na kakainin natin ang mga hinanda ko kagabi."
"Oo ba. Hindi ko nakakalimutan iyon. Nagugutom na rin ako eh."

"Ok lets go! ang sagot niya. Sa hindi inaasahan ay hinila niya ako papasok sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking kamay.  Dahil doon ay napangiti ako.
______
"Ang sarap nito ah! ang aking sambit habang kumakain. Sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil sa paghawak ni Adonis sa aking kamay. Aaminin ko na binigyan ko nag malisya iyon dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Sa parte naman niya siguro ay casual lang iyon at hindi sinasadya.
"Salamat. Oh ito pa." ang pag-aalok niya sa akin sabay sandok sa akin ng ulam. "Ubusin mo yan para may lakas ka sa maghapon."
"Ikaw talaga. Alam mo naisip ko na baka isa kang chef. Ang galing mo magluto eh."
"Ewan ko ba, siguro ganoon nga." ang sagot niya sa akin.

Naalala ko naman ang naging pahayag niya kanina kaya sinubukan kong itanong iyon.
"Adonis yung sinabi mo kanina, ano ba ang ibig mong sabihin medyo naguguluhan ako?"
 Tumingin siya sa akin, ilang segundong nanahimik na tila nag-iisip ng kanyang isasagot.
"Iyon ba? Huwag mo nang isipin iyon."

Bagamat alam kong may iba siyang dahilan na ayaw niyang sabihin sa akin ay hindi na ako nagpumilit pa.

Itutuloy...

Thursday, November 3, 2011

ANG AKING UNANG PAG-IBIG Part 3

Ang huli kong naalala nang gabing iyon ay ang pag-akay sa akin ni Adonis papunta sa aking kwarto. Matapos noon ay tuluyan na akong nakatulog.

Isang liwanag ang nagpasilaw sa akin pagmulat ko ng mga mata kinabukasan. Medyo nakakaramdam pa ako ng pagkahilo dulot ng aking paglalasing kagabi. Nang akmang patayo na ako mula sa pagkakahiga ay napansin ko na may katabi pala ako sa kama.
"Tinabihan pala ako ni Adonis." ang nasabi ko sa aking sarili. Medyo ikinatuwa ko naman ang ginawa niyang iyon ngunit hindi pa rin maalis sa aking isipan ang kinakaharap kong problema sa kanya.

Ilang saglit pa at nagising na rin si Adonis dahil sa aking paggalaw.
"Good Morning Victor, ayos ka na ba?" ang agad na tanong niya sa akin habang nagkukusot ng kanyang mga mata.
"Medyo masakit pa ang ulo ko pero ok na ako."
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umayos ng upo sa kama katabi ko. "Sobra kasi ang nainom mo kagabi. Ahm. Victor, may itatanong lang sana ako sa iyo kung mamarapatin mo?"
"Sige lang tungkol saan ba?"
"Sa iyo. Nakausap ko kasi yung taong naghatid sa iyo dito kagabi."

Napatingin ako sa kanya. Natatandaan ko naman na may lalaki nga na nakipag-usap sa akin kagabi, ang hindi ko lang maalala ay kung may naikwento ako sa kanya na magbubuko sa akin.
"Ano ang sinabi niya sa iyo?" ang agad kong tanong sa kanya.
"Nabanggit niya na may problema ka daw sa pag-ibig. Gusto ko lang sana malaman ang totoong dahilan ng paglalasing mo kagabi?"
 "Ah yun ba, wag mo nang intindihin iyon. Sa ngayon hindi na mahalaga kung ano pa ang nararamdaman ko."
"Ganoon ba? Sana huwag mong masamain ang pagtatanong ko sa iyo, gusto ko lang naman makatulong."
"Pasensya ka na kung di ko masabi sa iyo, masyado kasing komplikado eh. Pero nagpapasalamat ako sa kahandaan mong tumulong sa akin." ang sagot ko kay Adonis na nakatingin sa akin.
______
Matapos naming mag-almusal ay nag-umpisa na akong gumayak sa pagpasok sa trabaho.

"Magpahinga ka kaya muna." ang nag-aalalang pahayag ni Adonis sa akin habang inaayos ko ang aking mga dalahin sa isang bag.
"Salamat sa pag-aalala pero hindi ako pwede lumibang ngayon. Mayroon kasi akong dadaluhang importanteng meeting." ang sagot ko sa kanya.
"Sige, mamaya ipagluluto na lang kita ng hapunan. Sigurado ako na gutom ka niyan dahil sa pagod."
Isang ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.
______
Oras ng breaktime at kasalukuyang nagkakape ako sa Starbucks na malapit sa pinapasukan ko nang lapitan ako ng isa kong katrabaho na si Marie. Parehas kami ng posisyon sa magkaibang department. Magandang siyang babae at sexy dahil sa maalaga ito sakanyang katawan. Kung straight lang ako ay pinagpantasyahan ko na siya at baka nakatuluyan ko pa.

"Daydreaming once again." ang pambungad na bati nito sa akin. Umupo siya sa silyang katapat ng sa akin.
"Lumilipad na naman yang isip mo." ang kanyang pagpapatuloy.
"Ewan ko Marie, naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko." ang sagot ko sa kanya.

Kahit papaano ay nakakapag-open ako sa kanya ng aking mga problema. Sa lahat kasi ng katrabaho ko ay siya ang pinakaclose ko sa lahat. Matagal na ang aming pinagsamahan simula nang matanggap kami hanggang sa mapromte ng posisyon.

"Tungkol ba ito sa binatang nakatira sa inyo right?" ang tanong niya sa akin. Napabuntung-hininga ako.
"Sabi na, kung bakit kasi hindi mo pa paalisin yan sa inyo."
"Hindi ganoon kadali Marie. Maraming dapat isaalang-alang."
"Kasama ba doon ang nararamdaman mo sa kanya?"
"Parang ganoon na nga siguro."
"I understand kasi unang pag-ibig mo siya ngunit problema yan eh."
"Isa pa, hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Hanggang ngayon wala pa akong ideya sa pagkatao niya."
"Yung pangalawa mong sinabi ay madaling gawan ng paraan, ngunit sa una ewan ko lang."

Hindi ako sumagot. Sang-ayon ako sa pahayag niya. Siguro nga dahil sa nararamdaman ko sa kanya ay naiisip kong hindi na siya paalisin na alam kong hindi tama.
"May naisip ka ba? ang tanong ko sa kanya na patungkol sa kanyang unang sinabi.
"Yes. I suggest na kuha ka ng private detective para na rin di maabala ang trabaho mo."
"Oo nga, bakit di ko naisip yun agad."
"and about that, may kakilala ang father ko. Sabi niya mahusay daw yun dahil nalalaman niya ang lahat kahit na tagong-tago ito. Ano kakausapin ko na ba."
"Pag-isipan ko muna." ang nasabi ko na lang. Ewan ko pero nagdalawang isip ako bigla sa alok niya sa akin.
"Victor naman, sana hindi mo na patagalin pa ano. Ikaw din ang mahihirapan niyan. At isa lang ang patutunguhan ng lahat."

Sa isip ko ay tama si Marie. Malaki ang posibilidad na maging talo ako sa huli. Babalik din ang alaala niya na magiging dahilan ng pag-alis niya sa puder ko.
"Sige papayag na ako. Tawagan mo na ang tanong sinasabi mo." ang aking napagdesisyunan.
______
"Mukhang masarap ah!" ang naibulalas ko nang makita ang mga nakahain pagkauwi ng bahay.
"Nandiyan ka na pala Victor. Siyempre naman ako ang nagluto eh. Tara kain na tayo." ang masaya niyang tugon.

Halos mag-umapaw ang galak sa aking puso sa mga nangyayari sa amin ni Adonis. Ang sarap sa pakiramdam ng may nag-aasikaso sa iyo. Tulad na lang ng pagluluto niya ng pagkain para sa akin. Nakakatanggal talaga ng pagod ang kanyang ginagawa.
"Salamat Adonis." ang sabi ko sa kanya habang kumakain kami.
Tinignan niya ako. "salamat saan?"
"Itong ginagawa mo. Alam mo bang naiba na ang aking panlasa. Nasanay na kasi ako sa mga instant na pagkain."
"Ganoon ba. Mabuti na lang dumating ako sa buhay mo." ang nakangiti niyang pagsagot na medyo ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating at nasabi niya ang ganoon sa akin.
"Hulog ka ng langit sa akin Adonis." ang nasabi ko na lang na dinaan sa biro.

Sa gabing iyon ay hindi na naman ako nakatulog nang maayos. Isa-isa kong inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Mula sa usapan namin ni Marie hanggang sa hapunan namin ni Adonis. 
"Ang galing niya magluto. I guess na malaki ang kaugnayan sa katauhan niya ang talento sa pagluluto. Mukhang masasanay na ako nito sa kanya. Binigyan niya ng kulay ang aking buhay. Pero paano na kaya ako kapag dumating na ang araw na umalis siya, babalik na ulit sa normal ang aking buhay, mag-isa at malungkot." ang sabi ko sa aking sarili.
______
"Victor." ang paggising sa akin ni Adonis kinabukasan na may kasamang pagkalabit."
"Bakit ang aga naman yata?" ang nagtataka kong tanong habang kinukusot ko ang aking mga mata at naghihikab.
"Gusto ko kasing samahan mo ako na magjogging at mag-exercise"
"Ha! bakit naman?" ang tanong ko ulit.
"Boring kasi ang mag-isa. Saka mabuti rin iyon sa katawan."
"Ikaw na lang. Wala ako sa kondisyon ngayon."
"Sige na please."
Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil sa nakita kong pagsusumamo na mukha ni Adonis.

Sabay kaming lumabas ng bahay. Nag-unat muna ng mga braso at binti pagkatapos ay unumpisahan na ang pagjogging.
"Enjoy ba?" ang tanong niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya. "Ok lang."
"Mabuti naman. Simula ngayon palagi na tayong magsasabay. Gagawin na nating routine ito tuwing umaga."
"Hindi ako mangangako pero susubukan ko. Alam mo naman ang trabaho ko."
"Gawin mo. Mas makakatulong kaya sa iyo ito para mas lalo kang lumakas. Kahit papaano ay mababawasan ang stress mo."
Napangiti ako sa sinabi niya at pumayag na din.
"Good!" ang sabi niya.

"Daan tayo sa court ha, ipapakilala ko sa iyo ang mga bago kong kaibigan doon." ang sabi niya sa akin habang patuloy kami sa pagjogging.
Napahinto ako sa aking narinig. Ewan ko ba kung matutuwa ako na nagkaroon na siya ng kaibigan sa aming lugar o maiinis dahil mahahati na ang kanyang atensyon sa akin. Wala na akong nagawa. Hindi naman pwedeng pigilan ko o pagbawalan na makisalamuha sa iba, baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.

Papalapit pa lang kami sa court nang maaninag ko na ang ilang mga girls at pa-girls na tila hinihintay ang pagdaan ni Adonis doon. At nang makarating na ay agad naglapitan ang mga ito sa kanya. Ang ilan ay may dalang twalya at tubig.
"Sandali lang po mga kaibigan, ipapakilala ko sa inyo si Victor." ang sabi niya sa kanila.
"Matagal na namin siyang nakikita dito pero ngayon lang namin nalaman ang pangalan niya. Nice to meet you Victor." ang tugon naman ng isang babae doon. Kahit papaano ay namumukhaan ko siya marahil ay magkalapit lang ang aming mga tirahan. Sinukilan ko sila ng isang ngiti.

Maya-maya lang ay lumapit na din sa amin ang mga lalaking nakajersey na damit.
"Ano Adonis game na?" ang nanghahamong pahayag ng isa sa kanila. Alam kong basketball ang lalaruin nila dahil sa hawak nitong bola.
"Oo naman. Ah Victor sali ka" ang yaya niya sa akin.
"Sige kayo na lang." ang sagot ko sa kanila. Sa totoo lang kasi ay wala akong masyadong alam sa paglalaro ng basketball.

Habang naglalaro ay walang patid ang pagtili ng mga taong nanonood. Naiinis na ako sa aking katabi na para bang wala nang bukas kung makacheer. Halos mabasag na ang aking eardrums sa kanyang pagsigaw. Tinatakpan ko na lang ang aking tainga.

At sa aking panonood ay nakita ko ang galing niya sa paglalaro ng basketball. Sobra ang aking pagkamangha sa galing niya sa pagbuslo at pagdadala ng bola. Isama pa jan ang mga moves na nakikita ko sa kanya na napapanood ko sa TV.

Hindi ko naman maiwasang kiligin sa tuwing nililingon niya ako kapag nakakashoot ng bola na may kasamang pagkindat. Kaya napapatingin sa gawi ko ang mga taong naroroon. Agaw-eksena naman sa pagsigaw ng I Love You ang babaeng katabi ko sa pag-aakalang siya ang tinitignan ni Adonis.

Nang matapos ang laro ay sabay-sabay na naglapitan ang mga manonood sa kanya. At nag-umpisa ulit ang pagbabago ng aking mood nang makita ang pagyakap ng mga babae at paghalik sa kanyang pisngi na tila balewala lang sa kanya at sa tingin ko pa ay nagugustuhan din niya.

Dahil dito ay hindi ko na siya hinintay pa at naunang umuwi ng bahay. Nang makarating ay nagpahinga ako sa sofa. Hinubad ko ang suot na sando at pinunasan ang pawis dulot ng aking pagtakbo. 
"Selos na ba itong nararamdaman ko?" ang tanong ko sa aking sarili. "Mali ito, hindi pwede. Natural lang na pumayag siya na yakapin at halikan ng babae. Straight siya. Wala akong karapatan na mainis." ang pagkukumbinse ko pa ulit sa aking sarili.

Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng gate tanda ng pagdating ni Adonis. Agad ko nang inayos ang aking sarili, para maitago ang aking nararamdaman.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" ang agad niyang tanong sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinubad ang kanyang pawisang suot.
"Ah eh medyo mainit na kasi, dahil magtatanghali na." ang alibi ko sa kanya.
"Talaga, hindi pa naman ganoon katindi ang sikat ng araw." ang kanyang tugon. Nahalata ko naman na parang hindi siya kumbinsido sa aking sagot.
"Ayoko kasing naarawan ako." ang dagdag kong palusot sa kanya.

Saglit siyang natahimik habang nagpupunas ng kanyang pawis. Ilang saglit pa ay tumayo na siya.
"Tara breakfast na tayo, baka malate ka na sa trabaho mo." ang sabi niya na di man lang lumingon sa akin at deretsong tinumbok ang kusina.

Itutuloy...