Tuesday, October 25, 2011

CAMPUS TRIO Part 14

"Oh bakit ka umiiyak?" ang tanong ni Bryan nang mapansin ang reaksyon ni Andrew.
"Naku wala ito. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari."
"Like what?"
"Yung ngayon. Hindi ko kasi akalain na mama mo pala ang nagpapaaral sa akin. Tapos kung anu-ano pa ang mga pinaggagawa ko sa iyo. May mga sinabi ako sayo na hindi maganda at sinusungitan pa kita. Nakakahiya tuloy lalo na sa Mom mo. Tapos kayo rin pala ang nag-alok sa akin ng trabaho kaya mas lalo akong nahiya."
"Billy laro ka muna sa taas ha, mag-uusap lang kami ni Kuya Andrew mo." ang utos niya sa bata.

Bago umakyat ang bata ay sinulyapan nito si Andrew at nginitian. Napangiti na rin siya dito.
"Ang cute talaga ng batang ito at kamukha talaga ni Bryan." ang naisip ni Andrew.

Nang makaalis ang bata ay nagpatuloy na ang kanilang pag-uusap.
"Pwede ba Andrew huwag mo nang isipin iyon. Kalimutan na natin ang nakaraan."ang pahayag ni Bryan. Inakbayan niya si Andrew.

Naramdaman naman niya na halos yakapin na siya ng pagkaaakbay nito.
 
"I cant believe na ang kilala kong Andrew na matapang, determinado at may positibong pananaw sa buhay ay maiiyak sa mga simpleng bagay na tulad nito. At take note may kahihiyan ka rin palang taglay ha."

Natawa si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan habang nagpupunas ng kanyang mga luha.
"Siyempre naman tao ako ano?"
"Namimilosopo ka pa dyan." ang natatawa na ring si Bryan.
"Pero Bryan, pasensya ka na sa naging pagtrato ko sa iyo noon."
"No. I cant accept your apology nang ganoon lang Andrew."

Napatingin naman si Andrew sa sagot na iyon ng kausap.
"Ahm I mean dapat may kapalit iyon."
"Yun ba sige ok lang kahit ano gagawin ko."
"Dalawang bagay lang, una, pag-igihan mo ang trabaho mo dapat matulungan mo talaga ang kapatid ko sa pag-aaral at pangalawa dapat maging mabait ka na sa akin. Huwag mo na akong susungitan pa. Kasi ang sakit ng puso ko kapag inaaway mo ako eh. Nakit mo naman lahat ng efforts ko kaya sa tingin ko wla nang dahilan para mainis ka ulit sa akin."

Natawa naman si Andrew.
"Ikaw ha tinatawanan mo ba ako?"
"Hindi. Masaya lang ako."
"Good. So ngayon babaguhin na natin ang lahat at magsisimula ito sa pagpapakilala ko sa aking sarili."

Tumayo si Bryan sa tapat ni Andrew at nagpakilala.
"I'm Bryan Luis Sebastian, eldest son of Dr. Florentina Sebastian and the most handsome guy in our university. The most adorable hunk of Campus Trio. Nice to meet you." ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili sabay ngiti at nagpose ng papogi sign na sinabayan pa ng pagkindat.

"Cute!" ang di maiwasang masabi ni Andrew sa kanyang sarili sa nakita niyang paraan ng pagpapakilala ni Bryan. Nadala kasi siya ng magandang ngiti nito at mapupungay na mata na kahit sinuman ang makakita ay maaakit dito. 
"Ako si Andrew Tecson." ang pagpapakilala naman niya rito sabay ngiti rin. At nagkamayan silang dalawa.
"Ok, since formal na tayong magkakilala, I hope na sana maging maayos ang ating ugnayan."

Tumango lang si Andrew.
"Halika magmeryenda muna tayo habang hinihintay mo si mommy."

Masayang nagkuwentuhan ang dalawa habang kumakain. Sa mga oras na iyon narealize ni Andrew ang pagiging kwela ni Bryan. Hindi niya tuloy maiwasang maikumpara siya sa kanyang kaibigan na si Troy na madalas ay seryoso lang.

Maya-maya lang ay narinig ng dalawa ang  tinig ng isang babae at lumapit sa kanilang kinaroroonan.
"Magandang hapon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa dumating.
"Sa iyo rin iho." ang sagot nito.
"Maraming salamat po sa ibinigay niyong trabaho sa akin. Napakalaking tulong nito para sa aming pamilya."
"Ay naku iho huwag ka sa akin magpasalamat, dito sa anak kong si Luis. Siya ang nagrekomenda sa akin na kunin ka."
Sinulyapan ni Andrew si Bryan at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

"Iho, saan ka pala nakatira?" ang tanong ng ginang kay Andrew.
"Sa Tondo po mam."
"Ah malayo pala dito. Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta dito?"
"Medyo po. Hindi ko kasi akalain na malayo nga. Nagpatulong po ako kay Troy na pumunta dito. Tinawagan ko siya sa isang phone booth nung nasa Cubao ako tutal naibigay naman niya sa akin ang kanyang contact number. Mabuti na lang at may sapat akong perang dala."
"Ah ok."
"Mom what if kung ako na ang maghatid-sundo sa kanya para hindi na rin siya gaano magastusan at mahirapan sa pagpunta dito." ang biglang pagsingit ni Bryan sa usapan nila.
"Good idea. Sige anak. So Andrew iho by next semester magsisimula ka na. Basta pag-igihan mo lang ang pagtuturo sa anak ko wala tayong magiging problema."
"Opo Mam."
"Everything clear so I have to go na. Mayroon pa akong pupuntahan na isa pang meeting. Luis ikaw na ang bahala sa bisita natin."
"Yes Mom. Sige po ingat kayo."
"Yung kapatid mo ipakilala mo na kay Andrew."
"Ok na po, nag meeet na sila kanina."
"Sige alis na ako."

Nagpatuloy ang dalawa sa pagmemeryenda pagkaalis ng ginang.
"Masyado talagang busy ang mommy mo" ang pagpuna ni Andrew.
"Oo, halos araw-araw umaalis yan. Maliban kasi sa pagiging admin ng school, inaasikaso din niya ang family business namin. Pero naiintindihan namin siya ni Billy. Kahit hectic ang schedule niya hindi naman kami niya pinapabayaan."
"Ah. Yung daddy mo naman nasaan?"

Napansin ni Andrew ang pagbabago ng mood ni Bryan sa kanyang tanong. Hindi agad ito nakasagot sa kanya.
"Sorry ha. Feeling close na tayo kung makapagtanong ako." ang paghingi niya ng paumanhin.
"4 years ago pa nang iwan kami ni Dad at nangibang bansa." ang biglang paglalahad nito. "Nung mga panahong iyon ay madalas na silang mag-away ni Mom. Lagi nilang pinagtatalunan ang pambababae ni Dad.  At nitong nakaraang taon lang nabalitaan namin na may iba na siyang pamilya."

"Naku sorry ulit dapat talaga hindi ko na tinanong iyon. Nakakahiya naman, masyado na yata akong namersonal sa iyo." ang pahayag ni Andrew na mapansin ang biglaang pagseryoso ng mukha ni Bryan.
"Ok lang ako Andrew. Dont worry. Your presence is enough para makamove-on na ako." ang nakangiti na nitong tugon.
"Talaga. Ikaw ha ang hilig mo namang mambola." si Andrew. Pero sa isip niya ay nakaramdam siya ng kilig sa sinabing iyon ng kausap.
"Ewan ko sa iyo. Kung ayaw mong maniwala di wag. Sige na tapusin na natin ito para maihatid na kita pauwi."
______
Lingid sa kaalaman ni Andrew ang lubos na kasiyahan ni Bryan sa mga nangyari. Naging pabor sa kanya ang resulta ng kanyang ginawang hakbang. Ito lang kasi ang paraan niya para makasama pa ng mas madalas si Andrew. Kaya sa gabing iyon matapos niyang maihatid si Andrew sa tirahan nito ay tinawagan niya sina Michael at Troy para sa celebration ng kanyang tagumpay.

"Congrats pare." ang sabi ni Michael nang dumating sila ni Troy sa napag-usapan nilang bar.
"Oo, sige order lang kayo. Treat ko lahat."
"Galante ka na ngayon ha. Sige sasamantalahin na namin ni Troy. ang pagkakataon."
"Bahala kayo."

Kahit papaano ay naging masaya na rin si Troy para sa kaibigan. Sa tagal nilang pagsasama ay ngayon lang niya nakita ito na ganoong kasaya. Masasabi niyang binago na ni Andrew ang pagkatao nito. Base sa takbo ng mga nangyayari, naisip niyang tama ang desisyong magpaubaya.
______
"Mabait pala yung kapatid mo." ang komento ni Andrew sa ipinakita ng bata sa unang araw ng tutorial nila.
"Siyempre naman mana sa kapatid." si Bryan na ikinatawa ni Andrew.
"Oo mga 1%."
"Grabe ka naman. Parang sinasabi mo na masama akong tao ah." ang medyo nagtatampo nitong pahayag. "Ano pa kaya ang dapat kong gawin para maappreciate mo ang kabaitan ko?"

Tumingin si Andrew sa kanya at napansin na nakababay face ito. Muli ay hindi niya maiwasang masabi ulit sa sarili ang salitang "cute"
"Wala na. Ito pa lang pagtulong mo sa akin ay sobra na. Malaki talaga ang naitulong nito sa pinansyal na pangangailangan namin ni nanay."
"Im very happy sa sobrang pag-appreciate mo sa ginawa ko. Hayaan mo this will not be the end. Basta nandito ako na tutulong sayo."
 
"Yan, Sige na tapusin mo na yang meryenda mo para maihatid na kita sa inyo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin"ang pag-iba ng usapan ni Bryan nang mapansin si Andrew na medyo maluluha na ulit.
______
Makalipas ang dalawang buwan ay naging maayos ang takbo ng lahat para kay Andrew. Bukod sa matataas na grado na nakuha niya ng first semester ay wala rin siyang naging problema sa kanyang bagong trabaho sa pamilya Sebastian.

Sa mga panahon ding iyon ay mas lumalim pa ang samahan nila ni Bryan. Dahil sa kanyang trabaho ay halos araw-araw na silang magkasama. At doon nagsimulang umusbong ang kakaibang nararamdaman niya para dito.

Dalawang linggo ang lumipas at nagsimula ang second semester.

Sa panahong iyon sa school ay mas lalong sumikat si Andrew. Naging usap-usapan sila ni Bryan ng lahat ng estudyante roon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Andrew mula kay Dina ang hindi magagandang komento sa kanya na nakapaskil sa bulletin board sa lobby.

Kimumpirma niya ang naturang impormasyon pagkatapos ng kanyang klase. At nang makita niya ito ay halos maluha siya sa inis sa mga negatibo at di makatotohanang nakasulat doon gaya ng oportunista na dumidikit sa mayaman para magkapera at di matanggal ang scholarship, manggagamit at higit sa lahat ang di maiwasang pangangantyaw sa kanyang sekswalidad base sa mga larawang kuha nilang dalawa na magkasama sila.
 "Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong ni Dina sa kanya.
"Hindi ko alam Dina. Sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko sa kanila. Halos araw-araw na lang e."
"Magpakatatag ka Andrew." ang biglang pagsingit ng isang boses na papalapit sa kanila na dahilan upang maglingunan ang lahat ng naroroon.
"Troy." ang nasambit ni Andrew.
"Kayong lahat, alisin na ito. Masyado na kayong nakakasakit ng tao." ang medyo pabulyaw niyang utos sa mga taong naroroon. At mabilis pa sa kidlat nila pinagtatanggal ang mga nakadikit doon.

"Sobrang hiya ko na sa sarili Troy. Kahit saan ako magpunta lagi ko na lang naririnig na pinag-uusapan ako."ang naibulalas na sama ng loob niya. Nakatambay sila ngayon sa likod ng campus.
Hinaplos ni Troy ang ulo ni Andrew. "Sa pagkakataong ito dapat ipakita mo na ang tunay na ikaw. Nasaan na ang nakilala kong Andrew na matapang, may paninindigan at di nagpapaapekto sa mga paninira ng iba?"
Lumingon si Andrew sa kanyang kausap. "Ewan ko ba, masyado na akong nadadala ng sitwasyon at saka nahihiya na ako kay Bryan. Dahil sa akin baka kung ano na rin ang iniisip nila tungkol sa kanya."
"I understand. Huwag kang mag-alala sa kanya, dahil hindi naman niya binibigyan na ng pansin ang mga iyon, di tulad ng dati na siya mismo ang rumeresbak sa sinumang bumubunggo sa kanya. Alam mo ba kung gaano siya kasaya nitong mga huling araw? Natutuwa kami ni Michael na makita siyang masaya di tulad noon na palaging seryoso at masungit. Natututo na siyang makitungo ng maayos sa mga taong nasa paligid niya. At sa mga routine niya sa araw-araw, kung dati pagkatapos ng klase ay nasa tambayan siya, ngayon ay nauuna na siyang umuwi, at dahil sayo yun. Thnaks Andrew na dumating ka para baguhin siya." ang mahabang pahayag ni Troy.

Lubos ang tuwa ni Andrew sa mga narinig niya kay Troy. Kahit siya rin mismo ay napapansin na niya ang mga pagbabagong ito ng kanyang kaibigan. Hindi man niya direktang sinabi ang mga ugaling dapat niyang itama ay kusa na itong ginawa  ni Bryan. Dahil dito ay mas tumindi pa ang nararamdaman ni Andrew para sa kanya.

"So halika Andrew isama kita sa aming tambayan para kung saka-sakaling maunang matapos ang klase mo ay doon mo na lang abangan si Bryan." ang yaya ni Troy sa kaniya.

"Welcome Andrew sa aming tambayan." ang pagbati sa kanya ni Michael na kasalukuyang nanonood ng TV. "Halika maupo ka muna at manood habang hinihintay mo si Bryan."
"Ano ang gusto mong kainin Andrew?" ang pag-entertain naman nito sa kanya.
"Sige kahit ano na lang."

Lumabas si Troy para bumili ng makakain nila. Si Andrew naman ay pinagmamasdan ang paligid ng tambayan. Masasabi niya na espesyal talaga ang campus trio sa university. Halos lahat ng bagay na makakapaglibang sa isang tao ay naroon na.

Ilang saglit pa at dumating na si Troy dala ang hamburger at softdrinks. "Kain muna tayo."
"Oo nga tara Andrew sabay ka na sa amin. Matatagalan pa siguro si Bryan dahil naglalaro pa ng basketball." si Michael.
"Salamat. Kayong dalawa bakit wala kayo doon?" ang naitanong ni Andrew. Kadalasan kasing magkakasama ang tatlo sa paglalaro nito na pinanonood ng karamihan sa mga estudyanteng nahuhumaling sa kanila.
"Simple lang. Wala kami sa mood maglaro. Ikaw kamusta naman ang mga araw mo na kasama ang kaibigan namin. Mabuti naman at nagkakasundo na kayo."
"Ayos lang. Madali lang naman makasundo ang kaibigan niyo."
"Ok, talagang tinamaan na siya sa iyo. Honestly nagtatampo din kami sa kanya minsan dahil nagiging madalang na ang pagsama na niya sa trip namin. Off-limits na rin siya sa mga girls sa pinupuntahan namin. Pero wala naman kaming magagawa, kung ano ang magpapasaya sa kanya ay susuportahan na lang namin." si Michael ulit.

Ilang minuto rin tumagal ang pag-uusap ng tatlo. Doon niya nalaman na mabait din pala si Michael. At makalipas ang isang oras ay dumating na ang hinihintay ni Andrew. Nakasuot pa ito ng jersey kita ang malatrosong braso nito at malalaking binti. Pawisan ang buo niting na hindi nakaapekto sa taglay nitong kakisigan.

"Oh Andrew kanina ka pa ba naghihintay?"
"Hindi naman." Ang nasa isip ni Andrew ngayon ay ang itsura ni Bryan.
"Salamat mga tol at inentertain niyo siya. Sige shower muna ako saglit para makaalis na tayo. Naghihintay na si Billy sa bahay." ang sabi nito sa kanya.
______
"Siguro nga makakabuti sa iyo kung doon ka na sa tambayan namin maghihintay sa akin. Anytime welcome ka doon." ang sabi ni Bryan habang bumibiyahe sila pauwi.
"Dinala ako ni Troy doon."
"Oo. Nabanggit niya rin sa akin ang nangyari kanina. Sabi niya na dinamdam mo ang mga panunukso nila sa iyo."
Napayuko na lang si Andrew.

"Huwag mo na lang sila pansinin pa. Ipakita mo na hindi ka nagpapaapekto. Im sure na magsasawa rin sila sa iyo. Inggit lang sila sa iyo dahil kasama mo ang pinakaguwapong hunk ng campus." ang dagdag nito sabay kindat sa kanya.
"Alam mo naman siguro kung ano yung mga pinipintas nila sa akin di ba? I...ikaw hindi ka ba naapektuhan sa sinasabi nila sayo. Idol ka nila sa campus, at ayaw ko naman na madamay ka sa mga pinagsasabi nila tungkol sa akin."

Sinulyapan siya ni Bryan habang nagmamaneho. "I dont care kung anuman ang sabihin nila tungkol sa akin.Wala namang mawawala sa akin di ba kaya hinahayaan ko sila. ang mahalaga ngayon ay ang aking kaligayahan, at iyon ay ang makasama kita."

Napangiti si Andrew sa narinig niya. At hindi rin niya napigilang kiligin sa mga narinig na ito sa kausap.
"Tama ka. Sige susubukan ko." ang sagot niya. "Ikaw, wala ka bang nararamdaman na kahit kaunting pagkainis sa kanila?"
"Kung noon oo pero iba na ngayon. Naalala mo naman yung ginawa ko noon di ba." ang sagot nito.

Nakuha naman agad niya ang ibig nitong sabihin. Naalala niya ang ginawa nitong pagpapakumbaba noon sa canteen sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin sa mga estudyanteng nasaktan niya at ang pagbibigay ng pangako na hindi na iyon mauulit pa.

Gayumpaman, may mga pangamba pa rin sa isip niya kaya naglakas-loob na siyang itanong iyon kay Bryan.
"Tutal alam mo namang lahat ang mga panunukso sa akin, gusto ko lang malaman ngayon kung ano ang mga iniisip mo sa akin, lalo na ang tungkol sa... ano" ang di matuloy-tuloy niyang pagtatanong.
"Teka paano ko ba ito sasabihin. Ah... ikaw hindi ka ba naiilang na mabigyan ng malisya ang pagsasama natin, tulad ng sinasabi ng iba"

Lumingon sa kanya si Bryan at naging seryoso ang mukha nito. "alam ko na ang ibig mong sabihin Andrew. Hindi naman maiiwasan yun eh na para tayong magsyota dahil sa madalas na pagsasama natin kaya tinutukso ka nilang "gay". Totoo ba talaga iyon Andrew ha?"

Nakaramdam na siya ng kaba sa mga oras na iyon.

Itutuloy...

Saturday, October 15, 2011

CAMPUS TRIO Part 13

"Doon ko na lang sasabihin sa inyo kaya bilisan na natin." ang sagot ni Bryan sa tanong ni Andrew.

Sa isip ni Andrew ay balewala lang sa kanya kung malaman ni Bryan ang tungkol sa bagay na iyon. Siyempre popular siya sa campus kaya imposibleng wala siyang hindi malalaman. Maari rin namang nabanggit na rin ito ni Troy sa kanya na una niyang pinagsabihan. Kaya hindi na niya ulit tatanungin pa ito.

Kasalukuyang nag-aagahan ang ina ni Andrew nang dumating sila.
"Kamusta naman ang kita anak?" ang tanong nito matapos makapagmano ang dalawa.
"Ayos lang po, ito po yung pera para makabili na agad kayo ng tanghalian natin."
"Sige anak, Bryan, mag-almusal na kayo at ako'y sasaglit lang sa palengke."
"Opo nay, sige po ingat kayo."

Umupo na sa hapag ang dalawa upang mag-agahan.
"Are you kidding? Ano naman ang mabibili sa halagang 65 pesos?" ang tanong ni Bryan pagkaupo nila ng hapag.
"Meron, naman kahit papaano, pero hindi masarap gaya ng kinakain niyong mga mayayaman."
"Talaga? Eh bakit niyo kinakain kung hindi naman pala masarap?"
"Ayos lang naman kung ano ang kakainin namin. Basta ang mahalaga ay mapunan ang kumakalam na sikmura. Laking pasalamat namin ni nanay na kahit papaano ay may grasya pang dumarating sa amin."

Sa di sinasadyang pagkakataon, nang sipatin ni Andrew ang kasama ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Hindi niya mawari ang kahulugan ng mga titig na iyon mula sa maganda nitong mata.
Sa parte naman ni Bryan ay nanaig sa kanya ang concern at awa para kay Andrew and at the same time ay sobra ang pagkabilib nito sa kanyang mga positibong pananaw sa buhay. Nakaramdam din siya ng saya dahil kahit papaano ay kinausap na siya nito ng malumanay.

Nag-umpisa nang mag-agahan ang dalawa.
"Ito lang ang almusal niyo, tinapay at kape?" ang tanong ni Bryan nang mapansin na masyadong kaunti ang nakahain para sa dalawang tao.
"Naghahanap ka pa eh ito lang ang kaya namin. Pasensya na po ha kasi pumunta ka pa dito tapos magrereklamo ka."
"O yan ka na naman nagsusungit ka ulit sa akin. Ang bilis mag change ang mood mo ha."
"Hindi naman sa ganoon Andrew. Naisip ko lang na baka kulang yan sa atin."
"Almusal lang naman kasi ito, kung kulangin man eh pwede namang bawiin sa tanghali. Saka bihira lang naman kami mag-agahan. Ngayon nga lang ulit bumili nito si nanay dahil nandito ka."

"Ganoon ba?" ang naging tugon ni Bryan. Hindi siya makapaniwala sa pahayag ni Andrew na minsanan lang sila mag-agahan. Naisip niya na madalas palang pumapasok si Andrew nang hindi man lang nag-aalmusal. Mas nadagdagan pa ang awa na nararamdaman niya para dito.
"Alam mo ba Andrew ang kasabihan na ang Breakfast is the most important meal of the day, kasi dito nakukuha ng isang tao ang lakas sa buong araw."
"Alam ko at hindi ako tanga."
"Ang sungit mo talaga. Sinasabi ko lang naman ito dahil concern ako sa inyo."
"Ok. Salamat sa pagpapaalala. Pero anong magagawa ko, kapos talaga kami ni inay eh."
"Oh. Sige saan ba ang pinakamalapit na grocery dito para dagdagan natin ito."
"Wala, tindahan lang."
"Awts."

Dinukot ni Bryan sa kanyang bulsa ang leather wallet nito at tinigian kung mayroon siyang dalang pera.
"Paano na to puro credit card lang dala ko eh."
"Salamat na lang sa pag-abala mo, sige sa iyo na ito tutal namalengke na rin si nanay." si Andrew sabay bigay ng kanyang tinapay dito.
"No, ikaw na ang kumain, huwag ka nang mag-alala sa akin tutal pauwi na rin ako maya-maya. Sige na kainin mo na yan."
"Ok."

Bago magtanghalian ay agad na umalis si Bryan upang umuwi sa kanila. Nalaman niya kay Troy na pupuntahan ni Andrew ang bahay nila kaya pinaghahandaan na niya ang pagpunta nito sa kanila lingid sa kaalaman ni Andrew.
______
"Wow May kalayuan pala ang bahay nila" ang komento ni Andrew as kanyang sarili nang malaman niya mula sa mga pinagtanungan niya na sa Quezon City ang address na pupuntahan niya.

Pagkababa niya sa Cubao ay muli siyang nagtanung-tanong kung saan ang address na binigay niya. At nalaman niya ulit na sa bandang Tandang Sora pala ito. Naisip niyang tawagan si Troy para magpatulong na makapunta doon. Pumayag naman ito at sinabing hintayin ang pagdating niya sa tapat ng isang supermarket doon.

"Ang bilis mo ah" si Andrew nang mapansin ang agarang pagdating ni Troy sa lugar na pinaghihintayan niya.
"Tiyempuhan lang, sakto naman na may pinuntahan lang ako na malapit dito, tara sakay na."

"Sana sinabihan mo agad ako kanina para hindi ka na napadpad sa Cubao." si Troy habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Akala ko kasi malapit lang iyon, saka sa totoo lang ayaw ko rin makaabala ng ibang tao. kaya pasensiya ka na Troy."
"Dont worry Andrew, ayos lang sa akin. Anytime na kailangan mo ng tulong, Im always here to help." ang tugon nito. Nagkangitian ang dalawa.
"Ah Troy may gusto sana akong malaman, tungkol sa pamilya ni Mam Sebastian kung mababait ba sila?" ang kanyang tanong para ngayon pa lang ay makagawa na siya ng paraan kung paano pakikisamahan ang kanilang pamilya.
"Sa tingin mo ba kukunin ka nilang tutor kung di sila mabait."
"Oo nga naman.Yung bunso niyang anak na tuturuan ko, makulit ba siya? Spoiled? Mahina ba talaga ang ulo niya?"
"Si Billy? Oo may pagkamakulit ang batang iyon. Tungkol naman sa utak niya, hindi naman siya ganoon kahina, gusto lang naman ng mom niya na masubaybayan ang pag-aaral niya."
"Ok. Eh kilala mo rin ba yung kapatid niya na nag-aaral din daw sa school natin?"

Natigilan saglit si Troy. "Ah... hmm... Oo naman."
"Mabait ba siya?
Nag-isip ulit si Troy bago magsalita. "Ahm, mayabang, maangas, masungit."
"Ganoon ba. Parang si Bryan lang ano."
Natawa si Troy. "Si Bryan talaga ang agad mong naisip ha."
"Oo naman, siya pa lang kaya ang kilala kong may ganoong mga ugali."
"Pero Andrew, noon yun. Sa ngayon nagbabago na siya dahil sa isang tao."
"Ha?" ang nagtatakang si Andrew."
"Todo effort siya ngayon sa pagbabago ng kanyang image at  pinipilit niya nang baguhin ang kanyang mga ugali na ayaw ng taong iyon."
:Ah, siguro girlfriend niya iyon."
"Hindi eh pero talagang gusto niya iyon. Basta Andrew, sa mga susunod na araw malalaman mo rin at mas makikilala mo pa siya."
"Hmmm...Ok."
"Andrew ako naman ang may itatanong sa iyo?"
"Sige ano ba yun?"
"Kung sakaling makita mo na sila at makilala ang isa sa kanila na hindi mo gusto, May chance bang tanggihan mo ang offer."
"Alam mo Troy, hindi ako namimili ng trabaho. Basta makakatulong sa amin ni nanay, tatanggapin ko. Sa ngayon babalewalain ko muna ang pansarili kong nararamdaman."
"I like your answer Andrew."
Nagkangitian ulit silang dalawa.
______
"Were here." si Troy matapos ihinto ang kanyang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.
Binuksan ni Andrew ang pinto. "Wow ang yaman pala talaga ni Mam."
"Oo, so goodluck."
"Hindi ka na ba sasama sa loob?"
"No need. Ikaw lang naman ang may pakay sa kanila. At meron pa akong importanteng bagay na gagawin."
"Ganoon ba."
Tinapik ni Troy ang balikat ni Andrew. "Dont worry, everything will be allright. Sinabihan ko na sila na darating ka ngayong araw. Hinihintay ka na nila ngayon sa loob."
"Sige. Salamat talaga sa tulong mo Troy ha."
"Wala iyon basta ikaw Andrew."
"Sige Labas na ako."
Tangong may kasamang ngiti ang tugon ni Troy sa kanya.

Hinintay muna ni Andrew na umalis ang kotse ni Troy bago siya lumapit sa malaking gate. Nagbuzzer siya. Makalipas ang ilang saglit, isang babae ang lumabas mula sa pinto. Agad niyang nakilatis na katulong ito dahil sa pananamit nito.
"Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Mam Sebastian."
"Kakaalis lang po eh may emergency kasi na meeting siya na pinuntahan. Sino po ba sila?"
"Ah ako po si Andrew yung kinuha po ni Mam na part time tutor."
"Ah ikaw pala. Sayang di mo naabutan si Mam. Pero nandito po si Senyorito Luis para kumausap sa inyo. Halika pasok ka na po."

Habang naglalakad papasok ay nililibot ni Andrew ang kanyang mga mata sa paligid. Manghang-mangha siya sa kanyang nakikita. Tila isang palasyo ito sa kanyang paningin.
"Upo po muna kayo diyan. Tatawagin ko lang si Senyorito Luis."
"Sige po salamat."

Pagkaalis ng katulong ay muli niyang nilibot ang kanyang mga mata at napansin niya ang mga larawan na nakapatong sa ibabaw ng isang shelf. Nilapitan niya ito. At sa mga nakita niya isang larawan ang nakatawag-pansin sa kanya. Mag-asawa ito kasama ang dalawang anak. Yung isa ay katabi ng tatay at ang isa ay karga ng nanay. Medyo luma na ito at kuha sa isang parke.
"Siya siguro si Mam Sebastian, ang ganda pala niya. May itsura din ang asawa niya. Pero teka yung anak nila parang pamilyar sa akin ito, parang nakita ko na siya kung saan." ang nasa isip ni Andrew."Ah ewan!"

Agad siyang bumalik sa kinauupuan nang marinig niya ang tinig ng batang lalaki. Sinilip niya ang hagdan at nakita niya na pababa ito. Napahinto ito roon nang makita niya si Andrew na nakaupo. Tila nahiya ito dahil sa bago sa paningin niya ang taong nakita.

Maya-maya pa ay narinig naman ni Andrew ang tinig ng isang lalaki at naisip niya agad na siya yung panganay.
"Billy, please tell him to wait for a while." ang sabi nito. Ngunit ang bata ay hindi pa rin nagsasalita at nananatiling nakatingin lang kay Andrew.

Sa ilang saglit ay nakita niya ang pagbaba ng isang lalaki doon.
"Oh bakit nandito ka pa, lapitan mo na at batiin ang bisita natin." ang sabi pa nito sa bata.

Kinarga nito ang kanyang kapatid papunta sa kinaroroonan ni Andrew.

At nanlaki ang mga mata ni Andrew sa pagkabigla sa taong kasama ng bata na nasa harapan niya ngayon. Nakasando ito ng puti at boxer shorts.
"Billy, siya si Kuya Andrew your new tutor. Please say hello to him." ang sabi pa nito habang nakangiti sa kanya.
"Hello po kuya Andrew, ako si Billy Joe. Nice to meet you." ang bati ng bata.
"Me too. Ang cute mo palang bata." ang tugon naman ni Andrew. Nginitian niya ito kahit pa na nagulat siya sa nangyari.

"Si Bryan pala yung anak niyang panganay. Ibig sabihin yung mama pala niya ang nagpapa-aral sa akin. Tapos hindi ko pa siya pinakikitunguhan ng maayos. Kaya pala pamilyar yung mukha sa picture, siya pala iyon." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sabay lingon ulit sa larawan. Sa mga oras na iyon, ang nasa isip ni Andrew ay ang hiya sa ina ni Bryan.

"Welcome to our home Andrew." ang nakangiting pahayag ni Bryan. Tumabi siya dito habang kandong ang kapatid nito.
"Huwag kang mag-alala Andrew. Mabait siya at tiyak magkakasundo kayo nitong younger brother ko. Aba mana yata ito sa akin!" ang sabi nito.

Napansin naman ni Bryan na hindi agad nakasagot si Andrew. "May problema ba Andrew? Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko sa iyo?"

Sa oras na iyonay hindi sinasadyang mapaluha ni Andrew.

Itutuloy...

Wednesday, October 12, 2011

CAMPUS TRIO Part 12

Patuloy pa rin sa pagbibihis si Bryan at si Andrew ay nananatiling nakamasid sa kanya. Lingid sa kaalaman nito na nahalata ni Bryan ang pagtitig nito sa kanya at sinadya talaga niyang gawin iyon sa harap niya.

"Ayos to ah, fitted talaga sa akin." ang sabi nito matapos isuot ang pinahiram na damit ni Andrew.

Kitang kita naman ni Andrew na tila puputok na ang suot nitong lumang t-shirt na puti dahil sa kaliitan. Bakat na bakat talaga ang laki ng pangangatawan nito. Nang mapadako ang tingin nito sa ibaba ay napansin niya na nakaumbok pa rin ng pagkalalaki nito.

"Ui! tulala ka na jan may problema ba?" ang tanong ni Bryan kay Andrew na nagkunwaring walang kaalam-alam sa ginagawa nito."
"Wa..wa..wala. Inaantok na kasi ako." ang alibi ni Andrew sabay hikab ngunit nang tignan niya ang kausap ay bigla itong natawa sa kanya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" ang naitanong ni Andrew sa kanya.
"Hindi ikaw kundi yang pagsisinungaling mo. Gawain mo rin pala yan eh. Nagagalit ka pa sa mga sinabi ko sa nanay mo ah."

Natauhan na si Andrew sa sagot nito at nagsisimula na naman siyang mainis kay Bryan.
"Ako sinungaling? Tsk. tsk.tsk."
"Oo, ayaw mo kasing umamin."
"Anong ibig mong sabihin ha?"
"Na pinagpapantasyahan mo ako. Halata ko naman sa mga nagnanasa mong mata. Hindi na bago sa akin yan."

Hindi agad nakapagsalita si Andrew dahil sa totoo naman ang sinabi nito. "Kung bakit ka kasi nagpahalata Andrew. Oo nga naman, madali nga niyang makilatis ang mga taong may pagnanasa sa kanya dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya sa school." ang nasabi niya sa kanyang sarili.

Bigla namang nilapit ni Bryan ang mukha niya sa nakaupong si Andrew. "Kita mo namumula ka na oh. Sabi ko na nga ba aminin mo na kasing may gusto ka sa akin."

Hinawakan naman ni Andrew ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ah, at saka ang kapal naman ng mukha mo. Ano naman palagay mo sa akin?"

Umupo na si Bryan sa tabi ni Andrew at inakbayan ito. "Natural lang na itago mo sa akin yan. Pero I will assure you one thing. Wala akong pakialam sa kung anuman ang sexual preference ng isang tao. So kung anuman ang kinakatakot mong malaman ko ay ngayon pa lang tanggalin mo na yan dahil ayos lang sa akin."

Kahit maganda ang sinabi ni Bryan ay hindi nito mapaniwalaan ng buo ni Andrew. Napakaimposible talaga kasi sa tulad ni Bryan ang magbitaw ng ganoong mga salita. Kaya may mga pagdududa pa rin siya sa kabila ng pagkahumaling niya sa kanya.

"Teka nga ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" ang naitanong na lang ni Andrew sa kanya. Medyo ginalaw na niya ang katawan kay Bryan upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Bryan ang kanyang akbay na halos nakayakap na ang braso nito sa katawan ni Andrew. "Ulyanin ka na ba Andrew. Siyempre sasama ako sa trabaho mo di ba?"

Nagulat naman si Andrew sa sagot nito. Wala naman siyang nakakalimutan na sinabi niya iyon ngunit di niya akalain na seseryosohin talaga nito iyon.
"Hindi bagay sayo yun."
"Dahil ba sa estado ng buhay ko. Pwede naman siguro na alisin mo na yan sa utak mo Isipin mo na lang na pantay-pantay ang lahat. Walang mayaman o mahirap. 
"Bahala ka tignan lang natin kung makakatagal ka." ang tugon nito.
"Ako pa Andrew. Kahit anong bagay hindi ko inaatrasan. Kanina nga lang diba yung ginawa ko sa school. Para sayo binaba ko yung pride ko mapatunayan lang na karapat-dapat ako sayo."
"Ows. Pero sa totoo lang hindi ko inaasahan na gagawin mo yun. At talagang napabilib mo ako dun. Siguro mga 80%.
"Wew bakit may rate pa. At saka ano naman yung 20%?
"Yung pagdududa ko. Malay ko ba kung palabas mo lang yun o pakitang tao lang."
"Grabe ka talaga Andrew. Di ka pa rin talaga lubusang nagtitiwala sa akin. Lahat naman ginagawa ko na eh. Nagpapakabait na ako tapos nakikibagay pa ako sa buhay niyo tulad na lang ng pagkain ko ng ulam niyo nung hapunan."
"Siyempre napilitan ka lang dahil nahihiya ka kay nanay."
"Hindi ganoon yun Andrew. Ginawa ko lang iyon dahil may nais akong patunayan. Isa pa nasarapan din naman ako sa luto niya eh."

Napaisip si Andrew sa una nitong sinabi. " Ano naman yung dapat mong patunayan?"

"Alam mo na dapat yun Andrew. Tara na matulog na nga tayo." ang sabi na lang nito sa kanya.

Humiga na si Bryan sa plywood na kama ni Andrew na nilatagan ng banig. Napansin naman ni Bryan na nakaupo pa rin si Andrew.

"Higa ka na." ang sabi nito habang nakataas na nakaunan ang ulo sa nakataas niyang braso.
"Dali, dito ka na sa dibdib ko umunan. Pwede mo na rin akong gawing tandayan."

Ngunit hindi pa rin humihiga si Andrew kaya si Bryan na ang naghatak sa braso nito para humiga.
"Yan Good."

Ilang minuto ang nakalipas nang makatulog na si Andrew sa kanyang posisyon. Samantalang si Bryan naman ay gising pa, dinadama ang taong nasa tabi niya ngayon at nakayakap sa kanya. Napapangiti siya at nagugustuhan niya ito.
"Sana  palagi tayong ganito Andrew." ang sabi niya sa kanyang sarili habang hinahaplos ang buhok nito.
"Ang sarap sa pakiramdam na makatabi kita." ang sab iniya sa kanyang sarili.
______
Alas kwatro ng umaga nang magising si Andrew kinabukasan.  Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang mapansin niya na nakayakap pala siya at nakadantay sa katabi niyang si Bryan.
"Naku napasarap ang tulog ko nakakahiya sa kanya." sa isip-isip ni Andrew. At nang makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog ay nakahinga siya ng maluwag.

Sa halip na gisingin ay sinamantala na niya ang pagkakataon upang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Nahuhumaling na naman siya sa mukha nitong natutulog na mistulang isang anghel. Ang bed look nitong buhok ang lalong nagpagwapo sa kanya. Marahan niyang pinisil ang maskulado at matigas nitong braso. At higit sa lahat ang pagkalalaki nito na mas lalong lumaki ang umbok marahil ay tumigas ito. Parang gusto na niyang salatin iyon ngunit minabuti na lang niyang pigilan ang sarili sa tukso na iyon. Mahirap na baka mabisto na siya nito tungkol sa kanyang sexuality. Minabuti niyang gisingin na lang ito.

"Bryan gising na." ang malakas na pagyugyong niya dito.
"Andrew maaga pa ah." Umupo na ito mula sa pagkakahiga at nag-unat ng braso at nagkusot ng mata. "Madilim pa." ang dagdag nito sumulyap ito sa bintana.

"Kailangang ganitong oras ako gumising, at saka may importanteng lakad ako mamaya. Tara na tumayo ka na dyan."

Lumabas na si Andrew ng silid. Samantalang si Bryan ay nanatiling nakaupo. "Ganito pala ang ginagawa niya araw-araw. Kulang na sa oras ang tulog niya kaya siguro ganoon ang pangangatawan niya." sa isip ni Bryan. "Kahanga-hanga siya."
______
"Medyo malayo ang lalakarin natin papuntang subdivision. Alam ko namang kaya mo, isipin mo na lang na exercise ito." ang pahayag ni Andrew habang naglalakad sila sa kalsada. Tumango ito sa kanya.
"Teka nga pala, nasaan pala yung kotse mo."
"Hindi ko na dinala, nagpahatid na lang ako kay Michael dito."
"Ah ok."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa subdivision.
"Magandang umaga po Manong guard." ang masiglang pagbati ni Andrew sa gwardya ng lugar.
"Magandang umaga din. May kasama ka pala."
"Ah si..." ang pagpapakilala sana ni Andrew nang putulin ito ni Bryan.
"Ako si Bryan, bestfriend po ni Andrew."
"Ah. Sa tingin ko hindi ka mangangalakal, parang mayaman ka kasi." ang puna ng gwardya sa itsura ni Bryan.
"Sige po Manong mangongolekta na kami baka malate ako sa pagpasok." ang pag-iiba na lang ng usapan ni Andrew.

Isa-isang hinalungkat ni Andrew ang mga basurang nakalagay sa mga trash can sa bawat kabahayan doon.
"Ano ba ang mga kinukuha mo dyan?" ang tanong ni Bryan na nag-oobserba sa ginagawa ni Andrew.
"Mga bagay na maibebenta sa junk shop."
"Meron pa ba nun jan eh puro naitapon na yan dahil useless na."
"Oo, tulad ng mga lata, papel, dyaryo at bote. Binibili ng junkshop ang mga iyon dahil narerecycle."
"Ah. hindi ka ba nandidiri jan."
"Alam kong itatanong mo iyan sa akin. Sanay na ako dito, sa panahon ngayon dapat hindi ka na mamili sa trabaho mo, ang importante marangal ito. Nakapalaking tulong sa akin ang perang kinikita ko dito dahil nagagamit ko bilang baon sa pagpasok. Sa estado ng buhay namin ni nanay, kailangan talagang kumayod." ang seryosong tugon ni Andrew.

Lubos na humanga si Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. Hindi pala biro ang routine nito sa umaga bukod sa kanyang pag-aaral. Sa kabilang banda ay naaawa siya dito kaya naisip niya na tama lang ang ginawa niyang kunin ito bilang tutor ng kanyang kapatid nang sa gayon ay matigil na ito sa ganitong kahirap na trabaho.
 
Tumulong na rin sa paghahanap si Bryan.

Habang nilalagay ni Andrew ang mga kalakal sa kariton ay sumusulyap siya sa kanyang kasama. Natatawa siya sa paraan ng paghawak nito ng mga lata at ang pag-amoy sa kanyang mga kamay na tila nandidiri.

Sa panig naman ni Bryan, kahit nandidiri sya sa kanyang mga hinahawakan ay tiniis niya ito para matulungan lang si Andrew.
Maliwanag na nang matapos sila sa pangongolekta. Bago sila pumunta ay isa-isa nilang inapakan para mapipi ang mga bote at lata. Natatawa pa rin si Andrew sa tuwing dumadaplis sa paa ni Bryan ang mga tin cans na pinipipi nila kaya tumatalsik ang mga ito.
"Ako na nga ang gagawa niyan."
Ako na kaya ko to." ang pagtutol ni Bryan  "Teka kailangan pa bang gawin ito?" ang tanong ni Bryan sa kanya. 
"Siyempre naman para mabigat sa timbang.  Depende kasi sa bigat ang ibabayad ng junkshop.
"Ganoon pala ibig sabihin mababa lang ang kita kapag magaan?"
"Oo naman."

Nang matapos ay naglakad na sila papuntang junk shop.
"Ako na ang magtutulak Andrew." ang alok ni Bryan nang mapansin na medyo nabibigatan si Andrew sa  laman ng kariton na malaking itim na plastik na naglalaman ng kanilang nakolekta.
"Ang gaan pa nito ah. Mas mabigat pa yung mga weights na binubuhat ko sa gym." ang sabi nito

"65 pesos lahat." ang sabi ng may-ari ng junkshop matapos kwentahin ang lahat ng kalakal. Binigay na nito kay Andrew ang bayad.

"Halos tatlong oras ka nagtrabaho ganyan kaliit lang ang kinita mo?" ang komento ni Bryan habang naglalakad na sila.
"Ganoon talaga at least meron di ba. pangbili na rin ito ng bigas." ang nakangiting tugon ni Andrew.
"Dapat talaga tumigil ka na sa trabaho mong ito ngayon pa at magkakaroon ka na ng part-time job na pagtutor."
Napatingin si Andrew sa kanya. "Teka paano mo nalaman?"

Itutuloy...

Saturday, October 8, 2011

CAMPUS TRIO Part 11

"Naks naman tol, talagang gumawa ka ng paraan para makasama mo na siya ah?" ang pagpuri ni Michael kay Bryan. Kasalukuyang kumakain ng meryenda ang campus trio sa kanilang tambayan.
"Siyempre naman kailangan kon gawin yun. Tignan mo naman kung gaano tayo ka-busy sa mga activities dito sa school. Hindi ako makatiis na puro bati lang sa kanya sa tuwing magkikita kami dito sa school gaya ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw." ang sagot ni Bryan.
"At least sa paraan mong iyon natulungan mo si Andrew at iyon ang nagustuhan ko sa iyo." si Troy.
"Salamat tol. Pero hindi pa ito sapat. Based on my observation sa kanya eh mailap pa rin siya sa akin at may pagkakataong sinusungitan pa niya ako which I dont like."
"Ito lang ang masasabi ko sa iyo tol, payo ko na rin bilang bestfriend. Iwasan mo ang mga bagay na maaring ikainis ni Andrew sa iyo. Baguhin mo na rin yung mga nakasanayan mo na ayaw niya."
"Grabe ka naman Troy kung makapagsalita ka parang hindi ka rin ganoon ah. Aaminin kong hindi ganoon kadaling magpakumbaba sa mga students kasi mababawasan ang pagiging astig ng campus trio sa university pero I will try to change para na rin kay Andrew."
"Talagang tinamaan ka na sa kanya tol. Pero hindi mo ba naisip ang magiging pagtingin ng mga students sa grupo natin kapag nalaman nila na ikaw ay nagkagusto sa kapwa lalaki."
"I think sa bagay na iyan wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Future life ko ang nakasalalay dito. Of course gusto kong maging masaya at yun ay ang makasama ko si Andrew."


"I agree." ang naging kumento ni Troy sa mga pahayag na iyon ni Bryan. Lingid sa kaalaman niya na noon pa man simula nang magkagusto siya kay Andrew ay ganito na rin ang naging pananaw niya. Ngunit sa sitwasyon ngayon napagdesisyunan niyang magpaubaya na lang sa kanyang bestfriend.

Teka pala Troy, ano nga pala yung reaksyon ni Andrew nang malaman niya ang offer?" ang tanong ni Bryan.
"Sobrang masaya at tinanggap na daw niya ito. Yun lang."
"Sa ngayon lang yan, what if kapag malaman niya na ikaw ang may pakana lahat nito." si Michael.
"Hindi ko naman sinabi sa kanya iyon. Ang alam lang niya na ang kapatid ng tuturuan niya ay student din ng university. Si Bryan na ang bahala sa kanya kapag nalaman niya,"
______
Oras na ng breaktime ng klase nina Andrew. Sabay-sabay silang magkaklase na naglalakad papunta sa canteen. Sa malayo pa lang ay kapansin-pansin na ang umpukan ng mga tao doon.

"Bilisan natin may sinasabi si Bryan sa loob!" ang pagsigaw ng isang estudyane na nakakuha ng atensyon ni Andrew.
"Narinig mo yun Andrew tara!" si Dina sabay hila sa kanya papasok sa loob.

At nang makarating ay nakita agad nila si Bryan na may kausap na dalawang babae. Kinilatis niya ang mga ito at napagtanto niya na ito rin ang mga babaeng pinahiya niya sa court nung nakaraan.
"I just want to apologize sa mga nagawa ko sa inyo nung nakaraan. I know that youre still mad at me at nakahanda ako sa anuman ang magiging consequence na papagawa niyo sa akin."

Halos lahat ng mga naroon ay nabigla sa naging aksyon na iyon ni Bryan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakia nila ito na humingi ng paumanhin sa mga taong nagawa niya ng hindi maganda. 

"Its already past Bryan. Hayaan mo na yun." ang sagot naman ng isang babae na medyo namumula na ang pisngi.
"Are you sure?"
"Oo naman. Sapat na yung ginawa mo ngayon para mapatawad ka namin."
"Salamat. I promise na I will never do that again."

Nagkangitian silang tatlo.

Napangiti si Andrew sa kanyang nakita. At mas naging todo pa ito sa sumunod na eksena.
"Listen schoolmates." ang malakas na boses ni Bryan. "Taos puso akong humihingi ng sorry kung hindi ako naging mabuti sa inyo lalo na sa mga taong napagtripan ko. Hayaan niyo po na hindi ko na ulit iyon uulitin pa."

Halos lahat ng estudyante doon ay napalakpak at napasigaw ng pangalan nito dahil sa pagkabilib sa ginawa niyang iyon. Ganoon na rin ang naging reaksyon ni Andrew.

Maya-maya lang ay lumapit na ito sa kinaroroonan niya at binulungan. "Hayan. Para sayo ginawa ko ito. Siguro naman mababago na ang tingin mo sa akin."

Kahit pabulong ay naramdaman ni Andrew ang sinseridad at pagiging seryoso sa boses nito. Pero may agam-agam pa rin siya kahit papaano na baka palabas lang niya ito.
_________
Pagkauwi ni Andrew kinagabihan ay masaya niyang binalita sa ina ang alok sa kanya. "Mano po. Nay may balita po ako sa inyo."
"Anak mukhang maganda yan  kasi ang saya mo eh. Sige ano ba yan?"
"Magkakaroon po ako ng part time na trabaho, alok sa akin ng isa sa admin ng university."
"Talaga mabuti naman kahit papaano ay mababawasan na ang problema natin sa pera anak."
"Oo nga po nay kaya nung kinausap ako ni dean kanina ay tinanggap ko na agad."
"Ano ba yang sinasabi mong trabaho?"
"Tutor ng isa niyang anak."
"Kung gayon maswerte ka anak." ang masayang sambit ng ina ni Andrew. "May awa pa rin ang Panginoong Diyos sa atin."
"Opo nay. Bukas pala pagkatapos kong mangalakal pupuntahan ko yung address na ibinigay sa akin para makilala ko na rin yung tuturuan ko at malaman ang iba pang detalye."
"Sige anak. Halika na at maghapunan na tayo." ang huling pahayag ng ina matapos makapaghain.

Abala sa pagkain ang mag-ina nang may marinig silang pagkatok mula sa pintuan.Si Andrew na ang nagkusang magbukas nito. At laking gulat niya sa taong bumungad sa kanyang harapan.

"Good evening Andrew." ang nakangiting nito sa kanya. Halatang dito ito dumeretso dahil nakasuot pa ito ng uniporme ng kanilang school.
"Anong good sa evening, naging bad na sa pagsulpot mo dito. Teka nga ano ba ang ginagawa mo dito." ang tugon ni Andrew sa taong bumati.
"Binibisita ka."
"Bakit naman?"
"Siyempre namiss kita. Ilang araw din tayong hindi nagkasama tapos sa school kapag bumabati ako sa iyo hindi mo naman ako pinapansin."
"Ows di nga. O yan nakita mo na ako nabisita kaya pwede ka nang umalis."
"Pinagtatabuyan mo na naman ba ako. Sana man lang maappreciate mo ang effort ko na puntahan ka dito. Halos maligaw na nga ako eh at kung sinu-sino pa ang pinagtatanungan ko. Hinabol pa ako ng aso."
"Kasalanan mo na yan, hindi ko naman sinabi sa iyo na puntahan mo pa ako dito. Buti nga sa iyo hinabol ka sana nakagat ka na rin."
"Ouch naman ang sakit nun ah." ang umaarteng sagot nito na tila nasaktan talaga. Gusto mo pala akong mapahamak. Grabe ka talaga Andrew."
"Ewan ko sa iyo. Sige umuwi ka na masyado nang gabi."
"Talagang pinapaalis mo na ako. Nandiyan ba si nanay?"
"Oo nandito siya. Teka nga bakit nanay ang tawag mo sa kanya."
"Dahil magiging nanay ko na siya in the future."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala, so hindi mo ba talaga ako papasukin.
"Hindi, wala ka naman mahalagang pakay dito."

Nabigla na lang si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan.
"Magandang gabi po nanay, ayaw akong papasukin ng anak niyo oh." ang pagsigaw nito na nasusumbong.

"Andrew sino yan?" ang tanong ng ina nito. Tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak. "Oh Bryan napadalaw ka. Ikaw naman anak bakit ayaw mo siyang papasukin, ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita."
"Hindi naman bisita yan bwisita." ang bulong sa sarili ni Andrew.
"Oo nga po nay, pinagtatabuyan niya ako eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Parang hindi namn lang niya na appreciate yung ginawa ko kanina sa school."
"Naku iho pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. Hayaan mo at sasabihan ko siya. Halika pasok ka na."

Wala nang nagawa si Andrew sa mga oras na iyon kundi ang tignan ang nakangising mukha ni Bryan habang naglalakad papasok ng bahay.
"Kumain ka na ba iho, halika sumabay ka na sa amin."

Dumako si Bryan sa kinakainan ng mag-ina. Maya-maya lang napansin nila na nakatingin lang siya sa kanilang kinakain. Sa tingin ni Andrew ay hindi nito gusto ang kanilang ulam.
"Bakit iho busog ka pa ba?" ang tanong ng ina ni Andrew.
"Hindi niya gusto ang ulam natin nay. Puro masasarap kasi ang kinakain ng anak mayaman na yan." si Andrew.

Sinulyapan saglit ni Bryan si Andrew at umupo sa katabing silya nito.
"Ano po ito nay?" ang tanong niya sa ina ni Andrew.
"Adobong kangkong iho."
"Ah ito po"
"Sardinas na ginisa."
"Ganoon po ba"
Agad namang sumabat si Andrew. "Tignan niyo nay hindi niya talaga gusto yan, kaya hanggang tanong na lang siya."
"Anong hindi ko gusto? Masarap kaya ito."
"Talaga lang ha."
"Oo naman Andrew. Kahit ano kinakain ko."

At nagulat na lang si Andrew sa sunod na ginawa nito. Nagsandok na ito ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.
Pinagmamasdan naman siya ni Andrew habang kumakain. Hindi niya inaasahan na gaganahan ito sa ganoong klaseng mga pagkain.
"Mabuti naman at nagustuhan mo iho kahit alam kong malayo ito sa mga kinakain ng mga tulad niyong mayayaman."
"Opo nay masarap pala."
"Salamat iho.
______
"Sarap pala ng pagkain niyo Andrew." ang sabi ni Bryan matapos nilang kumain.
"Bolero. Alam kong pinagtyagaan mo lang kainin yan sus." ang pahayag ni Andrew.
"Totoo sinasabi ko."
"Oo na lang."
"Hehe... Siyanga po pala nay magpapaalam po sana ako kung pwede makitulog dito." Si Bryan na nanghihingi ng permiso sa ina ni Andrew.
"Oo naman . Welcome ka sa pamilya namin di ba anak?" ang sagot ng ina sabay baling ng tingin kay Andrew.

Napansin naman ni Bryan ang alanganing pagtungo ni Andrew.
"I think nanay na ayaw ni Andrew. Kung alam niyo lang po kung gaano ako nasasaktan kapag sinusungitan niya ako. Lahat naman ng mabuting bagay ginagawa ko sa kanya."

"Anak naman bakit ka ganyan sa kanya. Mapalad ka na nga at may ganitong  kaibigan ka."
"Hindi naman ako galit sa kanya nay." ang katwiran ni Andrew.
"Tignan niyo po nay nakasimangot pa rin oh." ang sumbong ulit ni Bryan. 
"Ito lang ang mapapakiusap ko sa iyo anak. Nakikita ko naman kay Bryan na mabuti siyang tao kaya sana suklian mo naman ito ng kabutihan din. Pakitunguhan mo naman siya ng maayos." ang pangaral naman ng nanay nito.

Wala nang nagawa pa si Andrew kundi ang tumungo. Tumingin naman siya kay Bryan na nakangiti sa kanya ng nakakaloko. Napabuntung-hininga na lang siya.
"Si nanay naman kung makapagsalita naman eh kakakilala lang niya sa tao." sa isip ni Andrew.

"O siya ngapala iho doon ka na sa silid ni Andrew matulog ayos lang ba sayo?"
Nabigla si Andrew sa narinig. "Hindi pwede nay."
"Ah ok po nay doon na lang ako sa silid niya, wala namang problema sa akin."
"Sige. anak asikasuhin mo ang bisita mo ha. Ako na ang bahalang maghugas ng pinagkainan natin."
_________
"Wow, I cant believe this. Kasing laki lang pala ng bathroom ko ang kwarto mo sa bahay namin dito." ang natatawang pahayag ni Bryan pagkapasok sa kwarto ni Andrew.

"Sabi ko na nga ba kaya ayaw kitang patuluyin dito. Sige ikaw na ang may magandang kwarto."

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy si Bryan sa pagmamasid sa silid.
"I think this is your father right?" ang sabi nito nang mapansin ang picture frame sa ibabaw ng maliit niyang study table.
"Oo at matagal na siyang patay."
"Ah ok. Im sorry to hear that. Ahm, ang talino mo talaga ano." ang puna pa nito sa mga trophy, medal at awards na nakasabit sa pader.

"Dito ka na lang sa kama matulog. Pagtiyagaan mo na lang kung matigas ito. At huwag mo akong sisisihin kapag sumakit yang likod mo kinabukasan." ang pag-iiba ng usapan ni Andrew. Naalala niya kasi ang itsura ng kama ni Bryan sa kanyang  resthouse sa Baguio.
"Ok lang sa akin Andrew kahit saan ako matulog basta magkatabi tayo."
"Hindi pwede. Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"Oooopsss. Remember yung sinabi ko sayo di ba nung nasa resthouse tayo." ang pagpapaalala sa kanya ni Bryan.
"Dapat pagbigyan mo na ako ngayon."
"Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. May parte ng utak niya ang nagsasabi na pumayag sa gusto niya.
"Basta tatabi ka sa akin sa ayaw mo't sa gusto ok. Teka shower muna ako. Pahiram muna ng damit at twalya Andrew."
"Ano, pupunta ka dito at makikitulog tapos wala kang dalang damit? Hindi magkakasya ang mga damit ko sa iyo."
"Ok lang sige na."
"Oo na." Wala nang nagawa si Andrew kundi pahiramin siya."Doon ang banyo sa may bakuran."

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ulit ng silid si Bryan na nakatapis lang ng twalya. Napapalunok na lang siya ng laway sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Muli ay nakita niya ang hubad nitong katawan na mamasa-masa pa. At ang mas lalong nagpatulala sa kanya ay ang nakaumbok nitong harapan na nakakubli sa tapis nitong twalya.

"Teka bakit walang brief?" ang tanong nito nang mapansin nito na short lang at lumang t-shirt ang ibinigay sa kanya.
"Ha ah eh ano... Teka nga nag-iisip ka ba hindi naman hinihiram ang underwear."
"Ang damot mo naman. Sige na, malinis naman ito wala akong sakit. Hindi lang ako sanay matulog ng walang suot eh.
"Oh ito sana magkasya sa iyo yan."

Sinuot na ni Bryan ang pinahiram  ni Andrew. At doon na nagsimulang makaramdam ng kung anong init at pagnanasa sa sunod niyang nakita. Nakapamewang si Bryan habang nakalantad sa kanya ang mas bumakat nitong pagkalalaki dahil sa liit ng size ng brief na suot nito na halos halata na ang hubog nito at ang mga buhok na umaawang na sa bandang itaas ng garter.
"Medyo maliit nga. Pero hindi pa naman nasasakal si junior ko." ang sabi pa nito.

"Andrew ayan ka na naman. Mali yang ginagawa mo." ang nasabi na lang niya sa di maipaliwanag na nararamdaman sa tuksong nasa harapan niya ngayon. Ayaw din kasi niyang malaman ng kasama niya ang tunay nitong pagkatao.

Itutuloy...

Thursday, October 6, 2011

CAMPUS TRIO Part 10

Maagang pumasok si Andrew kinabukasan upang makopya niya ang mga notes na namiss niya sa tatlong araw na pag absent kay Dina. Hindi muna nangalakal si Andrew nang umagang iyon.

Nagmamadaling niyang tinungo ang kanto ng kanilang bahay upang mag-abang ng tricycle patungo sa sakayan ng jeep papunta ng kanilang school. Habang papalapit siya ay naaaninag niya ang isang pamilyar na sasakyan na naka park doon. At nang makarating ay nakumpirma niya kung sino ang nagmamay-ari nito.

"Good Morning Andrew. Tara sabay na tayo hatid na kita." ang nakangiting pagbati sa kanya ng taong nasa loob ng kotse matapos buksan ang bintana nito.
"Ikaw pala Troy. Good Morning din. Sige sasabay na ako sa iyo." ang pagpayag ni Andrew sa alok. Pabor din sa kanya ito lalo na't naghahabol siya ng oras at isa pa ay para makatipid na rin ng pamasahe.

"Kamusta naman ang naging bakasyon niyo ni Bryan?" ang unang tanong ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho ito.
"Ok lang. Kahit papaano nag-enjoy ako."
"Ah. Mabuti naman at nagkakasundo na kayong dalawa."
"Hindi ah! Naiinis pa rin kaya ako sa kanya. Marami siyang atraso sa akin. Ito na nga lang paghahabol ko sa lessons dahil sa absences ko, kasalanan niya ito."
"But I think hindi na ganoon katindi ang galit mo sa kanya, tama ba.?"
"Ah eh. paano mo naman nasabi yun?"
"Nakikita ko sa mukha mo."
"Talaga?" ang nasabi na lang ni Andrew. Sa isip niya ay tama si Troy. Kahit hindi niya kasi gusto ang mga ginagawa ni Bryan ay hindi na siya nakakaramdam ng matinding inis sa kanya.
"Nabanggit ko na rin sa iyo noon ang mga ugali ni Bryan di ba."
"Oo, na kayo lang ang tinuturing niya na kaibigan, na di gaano nakikisalamuha sa ibang tao lalo na sa mga hindi niya kalevel kaya nasasabihang masungit. Alam mo Troy may idadagdag pa ako dun eh. Siya ay isa ring arogante, mayabang, at higit sa lahat sinungaling."
Napatawa si Troy sa pahayag na iyon ng kausap. "Sinungaling?"
"Oo. Akalain mo ba namang bolahin niya nanay ko. Sinabi niya na magbestfriend kami, na hindi niya ako pababayaan, na siya ang mag-aalaga sa akin sa school. Halong pagtataka at pagdududa ang naisip ko nang marinig ko iyon sa kanya."
"I understand Andrew kung bakit niya nagawa iyon."
"Bakit?"
"Dahil gusto niyang mapalapit sa iyo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay."
"Teka, bakit naman niya gagawin iyon at sa dinami-daming estudyante eh ako pa ang napili niya?"
"Isa lang ang masasabi kong sagot. Interesado siya sa iyo."

Nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na isang tulad ni Bryan ang magkakainteres sa isang tulad niya. Kumbaga langit at lupa kung ipagkukumpara sila. Ngunit hindi niya maipagkakaila na nakaramdamm siya ng kaunting kasiyahan. Sa lahat ng estudyante sa campus na nagkakandarapa sa kanya ay maswerte na siya ang binibigyan ng atensyon ng isa sa campus trio. Dalawa na pala dahil kasama na dito ang kausap niya ngayon na si Troy.

Makalipas ang ilang minuto nang makarating sila sa school. Agad na nagmadali si Andrew papunta sa kaniyang classroom.
"Kamusta na ang honeymoon niyo ni Papa Bryan?" ang agad na salubong ng kinikilig na si Dina pagkapasok ni Andrew.
"Honeymoon ka diyan. Pinilit lang niya akong sinama sa Baguio."
"Pero aminin mo friend, nag-enjoy ka naman. Aba, para kang nakajackpot sa lotto dahil nasama mo na ang pinakasikat na tao dito sa campus."
"Youre lucky... First time in the history na may pinagbigyan si Papa Bryan ng kanyang atensyon na hinihiling ng halos lahat ng estudyante dito sa campus. At ikaw yun... 

"Tsk.Tama na nga yan. Pahiramin mo na lang ako ng mga notes mo." ang napapangiting si Andrew.
_______
Kasalukuyang nagbibilyar sa tambayan sina Troy at Bryan ng hapong iyon nang mapansin nila ang kakaibang kinikilos ni Bryan na nakaupo at nakasandal lang nag ulo sa sofa, nakatingala sa kisame habang pasipol-sipol at nakangiti.
"Ano kayang gayuma ang ginawa ni Andrew sa kanya? Aba kanina pang umaga habang nagkaklase pa siya ganyan. " ang tanong ni Michael kay Troy. "Parang nasisiraan na ng ulo."
"I think masaya lang siya" ang sagot ni Troy sa kanya. Hindi na rin siya nagtataka na maging ganito ang makita niya kay Bryan dahil alam din niya sa kanyang sarili na masaya talagang kasama si Andrew. Ganoon din kasi ang kanyang nararamdaman.

Nilapitan ni Michael ang taong kanilang pinag-uusapan.
"Daydreaming?"
"Ahm hindi naman." ang natatawang sagot ni Bryan.
"Hindi daw, e parang siraulo ka na dyan. Curious tuloy kaming malaman kung ano ang nangyari sa inyo sa Baguio."
"Wala naman masyadong nangyari sa amin dun. Pinakita ko lang sa kanya ang bahay ko dun at namasyal kami."
"Ah, at napapayag mo talaga siyang sumama sa iyo."
"Oo naman. At hindi lang yan..." Lalo pa siyang napangiti ng magpatuloy. "Nakita ko kung paano niya ako pagpantasyahan."
Nagtaka naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Huwag mong sabihing... naghubad ka sa harap niya."
"Upper body lang tol. Kung nagrequest nga siya na tanggalin ko lahat gagawin ko."
"Baliw!" ang natatawang reaksyon ni Michael.  "Talagang nakuha mo ang atensyon niya.
"Ako pa, parang di mo naman ako kilala tol. Para-paraan lang yan."
"Ewan ko sa iyo. Ako sa totoo lang naguguluhan na ako sa inyo ni Troy kung bakit niyo pinag-aaksayahan ng oras ang taong iyon."
"Basta ako may sariling dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito."si Bryan sabay tingin kay Troy.

Sa halip na sumagot ay nakatawag ng pansin ni Michael ang suot na kwintas ng kausap.
"Teka tol, nagsusuot ka na pala ng kwintas."
"Ah oo, at meron pang isa." Nilabas ni Bryan ang isa pang kwintas sa kanyang bulsa.
"A at B. Andrew at Bryan ang ibig sabihin ng mga pendant na yan, mga initials ng pangalan niyo. Balak mong ibigay sa kanya yung isa di ba?"
"Oo naman. Naisip ko kasi na dapat magkaroon kaming dalawa ng isang bagay na parehas kami, kumbaga remembrance."
"Ewan ko sa iyo tol, ang baduy mo na ah." ang natatawang pa ring komento ni Michael.
______
Lumipas ang ilang araw, naging normal naman ang lahat para kay Andrew. Nagagawa naman niya ng maayos ang mga regular niyang gawain tulad ng pangangalakal sa umaga at pagduty sa library tuwing hapon. May mga pagkakataon din na nagsasama sila ni Troy. Minsan nagyayaya itong magmeryenda, sumasabay sa kanya pag recess at sa paghatid sundo. Dahil dito ay mas naging close pa ang dalawa.

Nagtataka man ngunit nagpasalamat na rin si Andrew sa hindi pag-iistorbo ni Bryan sa kanya sa mga araw na iyon. Bagamat araw-araw siyang binabati nito sa tuwing magkrus ang landas nila sa campus ay hindi ito sumasama sa kanya.

Hanggang sa isang araw, Biyernes ng hapon, kakapasok pa lang ng library ni Andrew nang ipatawag siya ng dean ng kanilang college.
"Mr. Andrew, alam kong masyado kang abala nitong nga nakaraang araw. Pagkatapos ng klase mo ay tumutulong ka sa library. Lately nakarating ang isang impormasyon sa akin na nagtatrabaho ka pa pala sa umaga."
"Opo mam. Medyo kapos po talaga kami ng nanay ko. Hindi rin po sapat ang allowance na natatanggap ko."
"I understand. Actually I really appreciated your efforts. Napakasipag mong tao. Kahit marami kang ibang pingkakaabalahan ay hindi mo napapabayaan ang pag-aaral mo. In fact magaganda ang mga freedback ng mga professors sa iyo."
"Thank you po mam."
Ngumiti sa kanya ang dean. "So lets proceed to the main topic. Kaya kita pinatawag dahil mayroon akong isang bagay na iaalok na alam kong makakatulong sa iyo."
"Ano po iyon mam?" ang interesadong tanong ni Andrew.
"One of the administrators dito sa university na siya ring sumusuporta sa mga scholar na katulad mo at nagbibigay ng allowance sa inyo ay may ibibigay na trabaho sa iyo. Part-time lang naman ito para na rin makatulong sa pamilya mo."
"Talaga po mam. Ano po ba iyon?"
"Yung tinutukoy kong isa sa admin ay may dalawang anak. Yung panganay na lalaki ay nasa fourth year na dito rin nag-aaral sa university at ang bunso naman ay grade1. Bale kukunin ka niya bilang tutor ng bunso. Sabi niya medyo mahina daw ang ulo nito. I think magandang opportunity nito dahil sa salary na makukuha mo."

Natuwa naman si Andrew sa narinig. Swerte dahil siya pa ang napiling kunin bilang tutor sa kabila ng dami nilang mga scholar. Isa pa ay makakatulong iyon ng malaki para sa kabuhayan ng pamilya niya. Makakapagpahinga na rin ang kanyang ina mula sa pagtatrabaho.

"Maraming salamat po mam."
"So tatanggapin mo na ba iho."
"Opo mam."
"Ok. Tungkol naman sa details kakausapin ka na lang niya this weekend. Ito yung address ng bahay nila. Pumunta ka na lang diyan para makilala mo na rin yung tuturuan mo. Dr. Florentina Sebastian. ang pangalan niya."
 "Salamat po talaga mam."

Masaya si Andrew nang lumabas siya ng office habang naglalakad pabalik sa library ay napapangiti siya. Isang opportunity na agad niyang tinaggap ay nakapagpasaya sa kanya.

Nang makarating ay agad niyang napansin si Troy na nakaupo at nagbabasa ng libro. Napansin niya ang pagpasok ni Andrew kaya tumayo siya at nilapitan ito.
"Ang saya natin ngayon ah. Mukhang maganda ang naging usapan niyo ni dean."
"Talaga Troy, masayang-masaya ako. May inalok kasi sa akin na trabaho, bilang isang tutor."
"Really, maganda nga yan, dagdag income sa inyo ng nanay mo."
"Yun nga din naisip ko kaya ko tinanggap ito. Mahirap na baka ibigay ito sa iba."
"Im happy for you Andrew. Mabait kang tao kaya maraming blessings ang dumarating sa iyo."
"Hindi naman siguro."
"Ganoon kaya iyon. By the way sino ba yung tuturuan mo?"
"Ah ito pala yung papel na binigay ni dean."

Kinuha ni Troy ang papel. Napatingin na lang ito kay Andrew nang mabasa niya ang nakasulat.

Itutuloy....