Thursday, April 28, 2011

MAHAL KITA Part 8

Magdamag akong hindi makatulog gawa ng pag-iisip. Sobra akong naguguluhan. Ang hirap pala magpretend na ok lang ang lahat na nilalabanan ang totoong nilalaman ng puso at isipan. Pinipilit ko ang aking sarili na ayos lang sa akin ang paglalapit nina Trisha at Tonton pero sa totoo lang ay nasasaktan na ako.

Sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang magmahal. Inaamin kong, mahal ko na si Tonton, nahulog ang loob ko sa kanya sa halos isang buwan naming pagkakilala. Hindi ko na maitago pa ito. Kaya ganoon na lang ang aking pagseselos sa tuwing magkasama nila ni Trisha. Pero tulad nga ng payo sa akin ni Lalaine,  wala akong magagawa kundi tanggapin ito at makuntento na lang sa kung anong meron sa amin ni Tonton ngayon.

"Mabilis niyang pinaunlakan ang paanyaya ni Trisha, nakalimutan na niya  ang lakad namin kinabukasan." ang malungkot kong pahayag sa aking sarili. "Hindi ko alam ang mangyayari doon bukas. Kaya ngayon pa lang dapat turuan ko na ang aking sarili na lawakan ang pang-unawa at tanggapin ang magaganap."

Kinaumagahan, pilit akong bumangon mula sa magdamag na pagmukmok para mag-agahan. Pagkababa ko ay nakita ko ang mag-inang kumakain na ng almusal.

"Magandang umaga po, halina po sabay ka na sa amin" ang paanyaya ng kanyang ina nang makita ako. Sinabayan ko na rin sila.

Habang kumakain napansin ko naman na nakatingin sa akin si Tonton na dahilan upang makaramdam ako ng pagkabalisa. Kaya binilisan ko na lang ang aking pagkain.

Nang matapos, "Aling Myrna, babalik na ako sa taas" ang paalam ko at hindi ko na sinulyapan ang kanyang anak.
"Sige po" ang sagot lang niya.
______
As usual, matapos kong maligo ay agad kong binuksan ang aking laptop para maglaro. Sa pamamagitan man lang nito ay panandaliang malibang ang isip ko sa aking mga problema.

Nakakailang minuto pa lang ako sa aking ginagawa nang may kumatok sa aking pinto. Nang buksan ko ito ay tumambad sa aking harapan ang bihis na bihis na Tonton. Halatang pinaghandaan ang pagpunta sa bahay ni Trisha. Napakaguwapo talaga ng taong ito sa suot niyang fitted na long sleeves na polong tinupi hanggang siko, faded na pantalon at rubber shoes. Ang maikli niyang buhok ay inayos niya at pinorma sa pamamagitan ng wax. Amoy ko rin ang kayang gamit na pabango. Kung hindi mo siya lubusang kilala, aakalain talagang hindi siya isang probinsyano. Pilit kong pinigilan ang aking sariling mahumaling sa kanya.

"Bakit ka pa nandito? Baka naghihintay na sila sa iyo sa school maiwanan ka nila niyan" ang bungad ko sa kanya.
"Nandito lang ako para magpaalam."ang pormal niyang sagot na nakatitig lang sa akin.
"Sige makakaalis ka na" ang sagot ko sa kanya sabay hawak sa doorknob ng pinto para isara ito.
"Sandali Josh" ang pagpigil niya sa aking gagawin sabay hawak ng kanyang mga kamay sa pinto.
"Ano pa ba ang kailangan mo?" ang medyo naiinis ko nang sagot. "Pwede bang sabihin mo na kasi inaabala mo ang paglalaro ko"
"Josh, hindi ako manhid para di malaman ang iniisip mo. Alam kong nadismaya ka sa pagpayag ko sa paanyaya ni Trisha. Pero sana maintindihan mo, nahihiya kasi akong tumanggi sa kanya na nagpakita ng kabaitan sa akin."
"Oo na naiintindihan ko, wala ka namang narinig sa aking pagtutol. Kaya makakaalis ka na"
"Pero nagagalit ka. Nararamdaman ko naman iyon eh. Saka gusto kong sabihin sa iyo na hindi ko naman nakalimutan ang lakad natin lalo nat ikaw ang nagset sa akin na ngayong araw na ito iyon mangyayari."

Tila nasiyahan ako ng bahagya sa pahayag niyang iyon. Ngunit hindi pa rin ako nagpahalata sa kanya.
"Talaga lang ha, at FYI lang po, hindi ako galit sa katunayan pa nga na masaya ako na nagkakamabutihan kayong dalawa. Goodluck na lang sa iyo doon."

Huminga lang siya ng malalim sa sagot kong iyon at kita sa kanyang mukha na hindi siya kumbinsido sa aking sagot.
"Sige wala naman ako magagawa kung yan ang gusto mong sabihin. Pero tatandaan mo na isang napakalaking bagay sa akin ang pagpayag mong samahan ako sa pamamasyal. Kaya gagawin ko ang lahat para matuloy ito. Pangako ko na pipilitin kong makauwi nang maaga. Sige aalis na ako"

At nadagdagan ang saya na aking nararamdaman sa huling pahayag niyang iyon. Pero napaisip naman ako sa isang bahagi ng kanyang sinabi na napakalaking bagay daw sa kanya ang pagpayag ko. Isinantabi ko na lang iyon.

Matapos ang tatlong oras na paglalaro, ay naghanda na ako para sa lakad namin ni Tonton. Hindi ko maitago ang aking excitement habang nagbibihis. Simpleng porma lang ang ginawa ko. Isang fitted t-shirt na light blue ang sinuot ko, walking shorts at sapatos. Naglagay ako ng gel sa aking buhok at nagpabango rin. Gusto ko na maging kaaya-aya ako sa paningin ni Tonton.

Isang oras pa ako naghintay sa kanya. Pasado alas kwatro ng hapon siya  nakarating.
"Josh tara na" ang bungad niya sa akin nang makarating. Pinalitan na niya ang kanyang polo ng isang t-shirt. 

Habang nasa motor ay kapansin-pansin ang masaya niyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mabalisa. Naisip kong may kinalaman si Trisha dito. "Hindi!" ang bigla kong pagsambit na ikinagulat ni Tonton kaya inihinto niya ang motor.

"Josh, ano iyon?" ang tanong niya sa akin.
"Ah wala, may naalala lang ako" ang sagot ko sa kanya.
"Ok. Hayaan mo pipilitin kong pasayahin kita ngayong araw na ito" ang sabi niya sa akin at pinaandar na ulit ang motor.

Binaybay namin ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Kaya nagkaidea na ako kung saan kami talaga pupunta. Maya-maya lang ay inihinto na niya ang motor. Narito kami ngayon sa Luneta. Ang sikat na parke dito sa Maynila. Malaki na rin ang pinagbago dito dahil sa pagpapaganda ng lokal na pamahalaan.

Naupo kami sa isang bahagi ng damuhan.
"Bata pa lang ako, gusto ko nang makapunta sa lugar na ito. Lagi ko kasi itong nababasa sa mga aklat ng kasaysayan at nababanggit ng aking mga guro nung nasa elementarya pa lang ako. Sa katunayan nga nung dumating kami ni nanay dito sa Maynila ay agad kong pinag-aralan ang papunta dito mula sa inyo."
"Ah ganoon ba?" ang tugon ko sa kanya. Naiintindihan ko naman siya. First time niya makapunta dito dahil sa lumaki siya sa probinsya. Kaya isinantabi ko na muna ang pagkasawa ko sa lugar na ito para sa kanya.
"Siguro naman masaya ka na dahil natupad mo na ang gusto mo" ang dugtong ko.
"Oo doble ang saya ko ngayon." ang nakangiti niyang sagot sa akin. Nakalabas ang kanyang magagandang mga ngipin.
"Anong doble?" ang nagtataka kong tanong.
"Ahmmm, ito, yung pagpunta ko dito at pangalawa ay..." ang sabi niya. Tumingin siya sa akin bigla na nakangiti pa rin. "ang makasama ka" ang dugtong niya.


Sobrang masaya ako at todong kinilig sa mga narinig ko sa kanya. Kaya nginitian ko rin siya.
"Wow naman, ngumiti na siya ulit sa akin, triple na ang saya ko. Kung alam mo lang na gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga ngiti mong iyan." si Tonton.

Nilapit niya ang mukha sa akin at nagsalita ulit. "Hinding-hindi ko ito malilimutan Josh, maraming salamat talaga." Kinurot niya ako sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon lalo na at nasa open place kami baka kung anong isipin ng mga makakakita ngunit mas nangingibabaw ngayon ang kasiyahan kong nararamdaman.

Nagtagal pa kami roon. Habang naglilibot kami ay nagkukuwento naman siya ng masasaya niyang mga karanasan at alaala nung bata pa siya. Dahil doon ay lubos ko pa siyang nakilala.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang makita ko ang nagtitinda ng icecream. Bigla namang may pumasok na ideya sa aking utak.
"Ton, gusto mo ng icecream tara bili tayo" ang alok ko sa kanya. Kita ko naman ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Kaya agad ko siyang hinila sa braso. "Huwag kang mag-alala, treat ko."

"Ang sarap pala nito" ang sambit niya habang dinidilaan ang icecream. Natawa ako bigla.
"Kakatuwa ka naman, alam mo ba na mahilig ako dito, kapag nagpapasyal kami ni Mom at Dad dito, palagi akong nagpapabili nito" sagot ko.
Tuloy pa rin kami sa pagkukuwentuhan habang kumakain.

Madilim na nang lisanin namin ang lugar.
"Ton, punta tayo sa mall. Nakakagutom kasi itong ginawa natin kaya kumain muna tayo" sabi ko sa kanya.
"Ha ah eh, sa bahay na lang nakapagluto na naman yata si nanay" ang nahihiya niyang sagot sa akin.
"Dont worry ako ang bahala treat ko na rin ito sayo" napilitan na rin siyang pumayag.

Ako na ang nagmaneho ng motor at dumeretso kami sa SM Manila.
"Saan mo gusto kumain?" ang tanong ko sa kanya.
"I...i..kaaawww ang bahala." ang sagot niya na nahihiya pa rin.
"Sige sa Jollibee na lang tayo." ang desisyon ko. 
______
"Ang dami naman nito, kakahiya naman sayo" ang sabi niya sa akin.
"Kulit mo naman, sinabi ko nang treat ko ito sa iyo kaya huwag ka nang mahiya. Kumain ka na lang." ang magiliw kong sagot sa kanya.

Habang kumakain ay napapansin ko pa rin ang pagtitig ni Tonton sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya.
"Bakit ka ba ganyan kung makatingin sa akin? Kanina ka pang umaga ganyan."
"Wala lang, cute ka kasi." nakangiti niyang tugon.
"Ha, ako cute. Ikaw naman nambobola ka pa."
"Totoo Josh. Kaya nga kapag tintignan kita lalo na kapag nakangiti ka, masaya ako."
"Sus, tama na nga yan bilisan na natin kumain" ang sabi ko na lang. Pero sa loob ko ay sobrang kinikilig ako.

Matapos niyon ay umuwi na kami. Habang nagmamaneho ay iniisip ko ang mga nangyari sa buong araw. Isa na yata ito sa mga karanasan kong hindi malilimutan dahil nagdulot ito sa akin ng sobrang kasiyahan. Ngunit sa kabilang banda ay nahihiwagaan ako sa mga pinakita at pahayag ni Tonton sa akin kung ano ba ang kahulugan ng mga iyon.

Kaya ang nasabi ko na lang sa aking sarili ay "Mahal kita Tonton, sana ganoon din ang nararamdaman mo sa akin"

Monday, April 25, 2011

MAHAL KITA Part 7

Nasa room na kami ni Lalaine na nakaupo habang naghihintay ng susunod na subject nang magsidatingan ang mga kaklase namin lalaki. Naisip kong pagtitripan na naman nila ako kaya hinanda ko na ang aking sarili.

Tama nga ang naging hinala ko. Lumapit sa tapat ko si Tom. Tumingala ako para tignan siya habang nag-iisip ng mga sasabihing salita kung sakaling kukutyain na naman niya ako. Ngunit di ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa. Kinuha niya ang kamay ko, nilagay sa kanyang harapan at pinahimas ang kanyang ari. Agad ko namang inalis ang aking kamay.


"Malaki ba, ito yung tipo mo di ba bakla?" ang sabi niya sa akin.


Halong pagkabigla at pagkahiya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. At lalong itong tumindi nang magsitawanan ang iba na naming kaklase doon.
"Nagustuhan niya yan tol, tignan mo naman ang tahimik niya" si Richard naman na lumapit na rin sa amin.


"Hoy sumosobra na kayo tigilan niyo na nga siya mga wala kayong magawa!" ang biglang pagsabat ni Lalaine. Tinabihan niya ako.
"Oh bakit ikaw ang nagtatanggol sa kanya nasaan ba ang syota niya ha" tanong ni Tom.
Inakbayan siya ni Richard. "Ano ka ba pare e di kasama ang nag-iisang dyosa ng ating section?"
"Tignan mo nga naman ang pagkakataon, sigurado akong heartbroken ngayon ang bakla dito" si Tom ulit. Nilapit niya ang mukha sa akin. "Ayos pala ang jowa mo may pagkachickboy."

Bigla naman siyang tinulak ni Lalaine. Ano ba Tom, nananahimik na yung tao eh?"
"Aba oo nga pero kanina kung makasagot parang kaya na niya kami"

Sasagot pa sana si Lalaine nang biglang pumasok ang aming guro. Agad din silang nagbalikan sa kani-kanilang mga upuan. Napansin ko namang wala pa sina Trisha at Tonton.

Isang minuto pa ang nakakalipas habang nagsusulat ng lecture sa history ang aming guro, biglang dating ang grupo ng mga kababaihan kasama na si Tonton.
"Good afternoon mam, sorry were late" ang may paggalang na pagbati ni Trisha.
"Ok, you may now take your sits." ang sagot ng aming guro.


Pagkaupo ni Tonton, "Josh bakit di ka nagrereply sa mga text ko." Binilhan din kasi siya ng mga magulang ko ng isang basic nokia phone.
Agad ko namang tinignan ang mga text niya. Naka apat text siya sa akin. Pero hindi ko pa ito binasa dahil oras ng klase.
"Huwag ka munang magsalita baka makita tayo ni mam" ang sagot ko na lang sa kanya. Pero sa loob ko, gusto kong sabihin sa kanya na bakit mo pa ako inaalala eh kasama mo naman si Trisha"
______
Makalipas ang halos tatlong oras ay natapos na ang klase. Nauna nang lumabas ang grupo nina Tom, alam ko namang nagmamadali ang mga iyon na maglaro ng DOTA. Pasalamat na lang ako at hindi na nila ako pinagtripan. Lumabas na rin si Lalaine dahil may bibilhin pa raw siya sa mall. Ngunit si Trisha ay naroon pa rin sa loob, hinihintay siguro si Tonton. At di nga ako nagkamali, nilapitan siya nito na kasalukuyang naghihintay sa akin.


"Ton, saan ka ba umuuwi?" ang tanong niya sa kanya. Katulad kanina ay parang wala na naman siyang nakikitang kasama niya. Alam ko na sinasadya niya ito.
"Actually, nakatira kami ng nanay sa isang paupahang bahay ng pamilya ni Josh."
"Ah good. Pwede pala tayong magsabay sa pag-uwi." ang medyo masaya niyang pahayag.

"Naku sorry Trisha, sabay kami ni Josh umuwi. Nakamotor kasi kami"


Napansin ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Trisha na medyo ikinatuwa ko naman ng kaunti.
______
"Ano na Josh sagutin mo na yung tanong ko. Bakit di ka nagrereply sa mga text ko sa iyo?" ang tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Hanggang ngayon pala ay hindi pa niya nalilimutan iyon.
"Hindi ko lang alam na may nagtext sa akin. Naka silent mode kasi phone ko"
"Talaga?" ang sabi niya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Oo."
Pero sa isip-isip ko "Nakukuha mo pang mag-alala sa akin ha kahit pa busy kayo sa paglalabingan ni Trisha."

Wala na siyang sunod na tinanong sa akin hanggang sa makarating kami sa amin. Pagkahinto ng motor ay dali-daling kong binigay sa kanya ang helmet at pumasok ng bahay.


Matapos kong magbihis ng pambahay ay saka ko naalalang basahin ang mga text sa akin ni Tonton.

"Josh san ka?"
"Ui reply ka naman oh"
"Yaw mo reply, geh ganito na lang pag inasar ka ulit ng mga classm8 ntin text mo na lang me"
"Ingatz ka" ang huli niyang text na may smiley face.



Medyo nakaramdam naman ako ng kilig sa mga text niyang iyon dahil mayroon pala siyang pagmamalasakit sa akin. Ngunit sa kabilang banda ay naisip kong hanggang doon na lang talaga ang turing niya sa akin. Isang kaibigang tagabantay at tagagabay. Masakit man pero gaya nga ng payo ni Lalaine, dapat tanggapin ko ito. 


Matapos kong magmeryenda ay nagpasiya akong buksan na ang aking laptop at maglaro ng paborito kong online game tutal ay wala naman kaming assignment sa araw na iyon.  


Halos isang oras na akong busy sa paglalaro nang may narinig akong pagkatok sa pintuan. Sinabi ko na lang na pumasok siya sa pag-aakalang si Aling Myrna ang taong iyon ngunit si Tonton pala.

"Ano ginagawa mo dito may problema ka ba?" ang tanong kong hindi nakatingin sa kanya. Nakapokus pa rin ako sa aking ginagawa. 
"Gusto sana kitang yayaing mamasyal tutal wala naman tayong assignment ngayon saka gusto ko rin makapaglibang" si Tonton.

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahang magyayaya siya ng ganoon.
"Busy ako eh saka may pasok pa bukas. Sa weekend na lang" ang sagot ko sa kanya. 

Biglang naman siyang natuwa, marahil sa sagot ko. "Sure yan Josh ah, promise mo yan sa akin tatandaan ko yan" si Tonton na may tonong pagtitiyak.
Tumango na lang ako at nginitian siya. Pumayag na rin ako, parang sukli ko na rin ito sa pagmamalasakit sa kanyang mga text sa akin.

Lumipas pa ang tatlong araw, ganoon pa rin kami ni Tonton. Ganoon pa rin ang mga kaklase ko sa akin pero sa pagkakataong iyon ay medyo napagtatanggol ko na ang aking sarili. Ngunit sa mga panahong iyon, napapansin namin ang madalas na pag-uusap ng dalawa lalo na kapag wala ang teacher o breaktime.

Pakiramdam ko sa aking sarili na habang nagtatagal ay tumitindi ang sakit ng aking damdamin. Sa nakikita ko na lalong silang nagiging close sa isat-isa. Nahahalata naman ito ni Lalaine kaya paulit-ilit niyang pinaaalala sa akin ang kanyang mga pinayo.

Biyernes na nang hapon, naglalakad na kami ni Tonton papuntang parking lot nang biglang habulin siya ni Trisha.
"Ton wait!" ang narinig kong sigaw niya sa di kalayuan. Huminto kami sa paglalakad.
Nang makalapit siya, "Ton I just want to invite you sa aming bahay bukas para makapaglunch kasama ng iba pa nating classmates. Kakarating lang kasi ni Dad galing US so naghanda si Mom ng kaunting salu-salo. Gusto ka rin nila makilala"


Sa imbitasyon na iyon ni Trisha, naalala kong din . nakaplano pala kaming mamasyal ni Tonton bukas. Kaya hinintay ko ang magiging sagot niya.


Tumingin muna siya sa akin at pagkatapos kay Trisha. "Sige no problem." ang sagot niya na nakangiti.
"Ok thanks so dito ka na lang sa school mag-abang. Sabay-sabay tayo ng friends kong pupunta doon"


Kung gaano kasaya si Trisha ay siyang kabaliktaran ng nararamdaman ko. Sobrang malungkot at dismayado ako. Marahil ay nakalimutan na niya ang aming usapan. Nagsisi nga ako dapat hindi na lang ako pumayag sa pagimbita niya kung di pala niya ito tutuparin.
"Sige kita-kits na lang bukas" ang magiliw na sagot ni Tonton. 

Matapos noon ay nagpatuloy kami sa paglalakad.
Sa motor habang nakasakay, namamayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ayaw kong magsalita dahil nga sa nararamdaman ko. Ewan ko lang sa kanya kung ano ang iniisip niya.

Ilang minuto pa ito tumagal hanggang sa siya na ang bumasag nito marahil hindi na nakatiis. "Josh ang tahimik mo diyan naninibago naman ako sa iyo"
"Ayos lang ako, pwede ba magconcentrate ka na lang sa pagmamaneho."
"Akala ko ba ok na tayong dalawa, bakit parang nagsusungit ka na naman sa akin?"
"Di ba ganito naman talaga ako buhat pa ng dumating kayo sa pamilya namin."
"Ok" napansin ko na may lungkot sa kanyang pagsagot. Ewan ko baka ako lang ang nag-iisip nun.

Itutuloy...

Saturday, April 23, 2011

MAHAL KITA Part 6

Sumampa na kami sa maliit niyang kama at simulan ang paggawa ng assignment. Pinaliwanag niyang muli sa akin ang mga tinuro ng aming guro kanina. Nabilib naman ako sa kanya. Talaga ngang matalino siya. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maikumpara siya kay Trisha.
"Bagay talaga silang dalawa." ang nasabi kong muli sa aking sarili.

Kahit papaano naman ay pinilit ng utak kong iabsorb ang mga paliwanag niya sa akin kaya nasagutan ko naman ang aming assignment. Makalipas ang isang oras ay natapos na ito. Dahil nga sa hindi na maganda ang aking mood ay nagpaalam na agad ako para umuwi. 

"Sige uwi na ako salamat" ang sabi ko sa kanya.
Tumayo na ako sa kanyang kama, kinuha ang aking notebook at naglakad palabas ng kanyang kwarto. Aktong papalabas na ako ng pintuan nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko na naging dahilan para huminto ako saglit. "Josh"

Hindi na ako humarap pa sa kanya. "Uuwi na ako maaga pa tayo bukas." At tuluy-tuloy ko ng binuksan ang pinto at deretsong bumaba.

Mabilis akong naglakad pabalik ng aming bahay. Nang makarating sa aking kwarto ay agad akong humiga, iniisip ang mga nangyari sa buong maghapon.
"Kanina lang ang gaan na ng loob ko sa kanya pero biglaan na lang ako nainis muli sa kanya. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko." sabi ko sa aking sarili.

Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon dahil sa gulo ng aking pag-iisip. Dahil dito ay naisipan kong tawagan si Lalaine. Nakalimang ring ang kanyang phone bago sinagot.

"Hello Josh, napatawag ka gabi na ah!"
"Ah eh pasensya ka na, hindi kasi ako makatulog, kung pwede sana kita puntahan diyan sa inyo kung ok lang"
"Sa ganitong oras! bakit ano na naman ang problema mo?"
"Basta, kaya nga pupunta ako diyanpara pag-usapan natin. Please wala lang kasi akong ibang masasabihan eh"
"Sige na hihintayin kita. Bilisan mo ha" ang kanyang pagpayag. Ganyan kabait si Lalaine sa akin kaya isa siya sa naging bestfriend ko sa school.
______

Nang makarating sa kanilang bahay ay agad kaming dumeretso sa kanyang kwarto. 

"Oh umpisahan mo nang ikwento yang ineemote mo"
"Bago yan eh may nais muna akong itanong sa iyo."
"Ano iyon?
"Kung nagkausap kayo ni Trisha kanina. Kung mayroon siyang nabanggit sa iyo"
"Bakit mo naman biglang naitanong ang mga bagay na yan?" ang nagtatakang tanong ni Lalaine.
"Ano kasi ahm paano ko ba to sasabihin?" ang nalilito kong sagot kaya napapakamot na lang ako ng ulo.
"Oh ano na sagot!" ang tila naiirita niyang pahayag sa hindi ko pagsasalita.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang deretsuhin siya. "Yung tungkol sa sulat na inabot niya kay Tonton kanina"

Tiningnan ko ang reaksyon ni Lalaine sa pahayg kong iyon. Nahalata ko sa kanya na nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig.
"Ah yun pala. Alam ko na curious ka sa nilalaman ng sulat na iyon."
Tinignan niya ng malapitan ang aking mukha." Siguro nagseselos ka ano"
"Hindi ah! Grabe ka naman makapag-isip diyan" ang may pagdepensa sa sarili kong sagot.
"Nagsisinungaling ka! Ni hindi ka nga makatingin sa akin ng deretso oh."

Nanatili ako sa pagkakayuko ng mga oras na iyon dala ng hiya sa mga sinabi niya.
"Naku ikaw talaga. Pilit ng pilit magtago ayan gulung-gulo na sa sarili. Alam mo, ikaw lang ang nagbibigay ng problema sa sarili mo"
"Tama ka friend kaya hindi ako makatulog dahil sa dami ng aking iniisip."
"Oh siya ikwento mo muna sa akin ang dahilan kung bakit mo naitanong ang tungkol sa sulat na iyon."

At ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari kanina sa bahay ni Antonio.
"Yun pala, eh bakit di mo siya tinanong"
"Ano ka ba nakakahiya yun at baka kung ano pa isipin nun sa akin"
"Ok. wala namang nasabi sa akin si Trisha at hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon. Basta ang narinig ko lang kanina sa pag-uusap nina Trisha kanina na may ibibigay siyang sulat sa kay Tonton. Base sa kanilang usapan, gusto nitong si Trisha na makipagkaibigan kay Tonton kaso nahihiya siya dahil may pagkasuplado daw ito. Mukhang may crush na yata siya sa kanya."

Sa sagot na iyon ni Lalaine ay nagkaroon agad ako ng hinuha na tungkol nga doon ang nilalaman ng sulat. Muli ko na namang naalala ang binanggit sa akin ng kanyang ina. Siguradong tatanggapin ni Tonton ang inaalok na pakikipagkaibigan ni Trisha at di malayong magkagustuhan silang dalawa.

"Friend kung makapag-isip ka naman eh parang apektado ka" si Lalaine na inoobserbahan pala ako.
"Hindi naman may naalala lang ako" ang sagot ko sa kanya. 
"Ano na naman ba iyon ha?"
"Naisip ko bigla na baka iyon nga ang laman nun. Sigurado akong tatanggapin niya iyon at di malayong magkadebelopan silang dalawa. Ayon kasi sa nanay niya na may pagkababaero siya" ang tila nanlalambot kong pahayag.
"Eh ano naman, walang masama kung maging sila. Lalaki siya kaya natural lang na magkagusto siya sa babae lalo na kay Trisha na pang pageant ang ganda at matalino pa."

Tila may tumamang sibat sa aking puso sa sinabi niyang iyon dahil tama siya. Wala naman akong magagawa kung mangyari iyon.
"Kaya huwag ka nang malungkot diyan. Sige ganito na lang bibigyan kita ng payo makinig kang mabuti" sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya bilang pagpapakita ng interes sa kanyang ipapayo.

"Una sa lahat sasabihin ko na masaya ako dahil sa nakikita ko sa iyo ay tanggap mo na ang iyong pagkatao at alam mo na ang gusto mo sa iyong sarili. At base sa aking observation ay may lihim kang pagtingin kay Tonton."
"Hindi ah!" ang bigla kong pagsingit bilang pagdeny sa kanyang sinabi.
"Kung yan ang gusto mong sabihin fine. Pero alam kong hindi yang ang gustong sabihin ng iyong puso."
Napayuko na lang ako ng mga oras na iyon.
"Natatakot ka kasi. Huwag mong kasing isipin ang sasabihin o panghuhusga ng iba. Sa halip ipakita mo na hindi ka apektado. Lumaban ka. Tandaan mo na kapag natuto kang tanggapin ang sarili mo, maniwala ka naku walang hanggang kasiyahan ang mararamdaman mo. Isa pa Josh yung tungkol naman kay Tonton, para sa akin lang ha, kung maging kayo man in the future ay mabuti iyon pero sa ngayon ay malabo itong mangyari. Kaya dapat maging matatag ka. Wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang set-up ninyong dalawa bilang magkaibigan. Pasalamat ka na lang na nandiyan siya para samahan, gabayan at bantayan ka." ang mahabang payo niya na nakatulong kahit papaano sa akin.
_____

Habang nasa taxi pabalik sa bahay ay lubos kong pinag-isipan ang lahat ng sinabi sa akin ni Lalaine. Wala akong naging pagtutol sa mga payo niya sa akin bagkus nakatulong pa ito sa aking sarili. Kaya napagdesisyuan ko ang ilang mga bagay. Dapat ko nang baguhin ang aking saril. Pipilitin kong burahin sa isipan ng mga tao sa aking paligid ang imahe ng Josh na nakita nila noon.

Kinabukasan ganoon pa rin ang naging set-up namin ni Antonio, sabay pa rin kaming pumasok sa school. Pero sa pagkakataong ito ay medyo dumidistansya na ako sa kanya. Ayaw kong mapalapit ng husto sa kanya mahirap na baka ako lang ang masaktan sa huli. Kapag nagtatanong siya ay sinasagot ko naman ng maayos ngunit pormal lang. Kahit papaano, pinapakita ko sa kanya na hindi ako nagagalit o naiinis.

Pagkarating namin sa room agad na naman sumalubong sa akin ang pangangantsaw ng mga kaklase naming lalaki.
"Nandito na si Josh pati ng syota niya." sigaw ni Tom sa mga kaklase na dahilan upang tumingin sila sa amin.
"Mang-aasar ka na naman ba? Sige  ipagpatuloy mo lang kung yan ang magpapasaya sa iyo. Pero ito lang ang masasabi ko, ano ngayon kung bakla ako wala kayong pakialam ganito ako. Dito ako masaya." ang lakas ng loob kong pahayag sa kanila. Halos wala silang nasabi sa akin marahil ay sa pagkabigla sa pinakita ko.Si Lalaine naman ay nag thumbs-up sign sa akin.

Ngunit iba ang naging reaksyon ni Tonton. Nakita kong nakangiti siya sa akin. Pagkatapos ay inakbayan niya ako na para bang masaya. Hindi ko na ito pinansin pa.

Nakakailang segundo pa lang kami sa pagkakaup habang naghihintay ng aming guro nang tumayo si Tonton at pumunta sa unahang row at nilapitan si Trisha. Nakita kong binalik sa kanya ang sulat na ibinigay sa kanya kahapon. Pero gaya nga ng aking desisyon ay hindi ako nagpaapekto sa simpleng bagay na iyon.
______

Oras na ng recess, naglalakad ako kasama sina Tonton at Lalaine papuntang canteen nang salubungin kami ng mga grupo ng kababaihan kasama si Trisha.
"Hi Antonio, kakain ka na rin ba, tara sabay ka na sa amin" sabi ni Trisha sa kanya na para bang wala siyang nakikitang kasama niya.
"Thanks for the offer. Sama na rin natin sina Josh." ang nakangiting sagot ni Tonton. "Ano Josh, Lalaine sabay-sabay na tayong lahat?" ang dugtong niyang taong.

Tumingin ako kay Lalaine pagkatapos kay Trisha. Napansin ko ang kakaiba niyang pagtitig sa akin. Nakangiti siya pero mahahalata mong hindi totoo iyon. Parang ang taray pa rin tingnan. Marahil ay tutol siya sa mungkahi ni Tonton.
"Ah eh salamat na lang. Sige sabay ka na sa kanila. Kami na lang ni Lalaine ang magsasama. Tamang-tama lalabas kasi kami ng school para doon kumain at para narin bumili ng desert." ang sagot ko na lang sa kanya. Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Lalaine para sumang-ayon.
"Oo. Madalas kasi naming ginagawa yan ni Josh. Tamang-tama kasi mainit ang panahon." si Lalaine.
"Ah eh ganun ba sige Josh kita na lang tayo mamaya sa room" ang sagot ni Antonio. Sa loob ko medyo nadismaya ako sa sagot niya. Inaasahan ko kasing tatanggihan na lang niya si Trisha at magpupumilit na sa amin sumama ngunit kabaliktaran ang nangyari.
"Ok good so lets go" ang nakangiting sabi ni Trisha. Alam ko na naging masaya siya sa sinabi ko.
______

Pinanindigan namin ni Lalaine ang sinabi namin kanina sa kanila. Kumain kami sa isang karinderya doon at pagkatapos ay bumili  ng tig-isang cornetto sa isang convenience store malapit sa school.

"Bilisan natin Lalaine puntahan natin sila sa canteen." ang sabi ko sa kanya.
"Oo alam ko hindi ka makatiis at gusto mo silang tignan doon" ang sagot niya sa akin.
"Hindi sa ganun may bibilhin rin kasi ako doon"
"Ewan ko sa iyo palusot ka pa. Pero naiintindihan kita"
"Huwag ka nang magsalita dyan tara dalian mo"

Binilisan na namin ang paglalakad hanggang sa makarating doon. Minungkahi niyang silipin muna sila mula sa labas. Kata tinignan namin sila mula sa bintana. Maswerte namang nakita agad namin sila. Lima silang lahat doon at masayang nagkukuwentuhan habang kumakain. Magkatabi silang dalawa ni Trisha. Inaamin kong hindi ko nagugustuhan ang nakikita at medyo nasasaktan ako.

"Hayaan mo na sila" ang sabi ni Lalaine.
"Oo, tignan mo bagay sila palibhasa may mga itsura at matalino" seryoso at may lungkot kong sagot.
"Nag-eemote ka na naman diyan. Tara na nga balik na tayo sa room." Hinatak niya ang kamay ko na dahilan upang mapilitan akong sumunod sa kanya.

Itutuloy...

Friday, April 22, 2011

PANTASYA Part 26

Dumaan pa ang mga buwan, tuloy-tuloy pa rin ang aking buhay bilang isang modelo. Dahil sa trabaho kong ito ay nakabili na ako ng bagong kotse at house and lot sa isang subdivision dito sa Manila. Nagsimula na rin akong magtabi ng pera para sa plano kong pagpapatuloy ng aking pag-aaral.

Si Jerome naman ay panay ang pagdalaw sa akin. Napapansin ko nga na halos linggu-linggo na siya nandito sa amin. Dahil sa pagtataka kong ito ay tinanong ko na siya isang araw habang kumakain kami ng tanghalian.

"Jerome, mukhang napapadalas ka na dito ah, baka matanggal ka na sa trabaho mo" sabi ko sa kanya.
"Dont worry, ako ang bahala" ang kampante niyang sagot.
"Ayaw mo ba nun anak, may kaibigang dumadalaw sa iyo dito." ang pagsabat ni nanay.

Hindi na ako sumagot pa kahit puno ng pagtataka ang aking utak. Parang may tinatago si Jerome sa akin. Gayunpaman ay wala naman akong nakikitang masama kaya hindi ko na ito binigyang pansin pa.

Lumipas pa ang mga buwan ay sumapit na ang pagtatapos ng aking kontrata. Dahil sa magandang performance ko ay inalok pa nila akong magrenew ng kontrata ngunit tinanggihan ko na ito dahil sa balak kong mag-aral muli.


Isang linggo pa ang dumaan at sumapit ang isang espesyal na araw sa buhay ko, ang aking kaarawan. Kaya samut-saring pagbati ang aking natanggap mula sa aking mga taga-hanga.

Sa aking ginawang fanpage sa isang networking site, binasa kong pahapyaw ang kanilang mga mensahe sa akin. May mga bumabati, pumupuri at nagtatanong kung tuluyan ko na nga bang iiwan ang pagmomodelo. Nagpost na lang ako ng isang mensahe na naglalaman ng aking pasasalamat sa kanila.

Sa araw ring iyon ay napagdesisyunan naming maghanda ng isang malaking salusalo bilang pagdiriwang sa aking kaarawan. Ginanap ito sa garden ng aming bahay. Inimbitahan namin ang lahat ng mga kakilala kabilang ang mga kasamahan ko sa trabaho.

Bago mag-umipsa ang selebrasyon ay isang mensahe ang aking inabot sa kanila.

"Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo at nakikisalo ngayong gabi. Ang selebrasyong ito ay hindi lang po para sa aking kaarawan kundi bilang pasasalamat na rin sa naging pagsuporta ninyo sa akin. Kaya enjoy the night!"

Matapos noon ay sabay-sabay naming tinaas ang aming mga basong may wine at nagcheers sa bawat isa.

Nag-umpisa na ako sa pag-entertain ng aking mga bisita. Kahit tapos na ang aking kontrata, hindi pa rin nawala ang mga nagpapaautograph at nagpapapicture, siguro para lang may remembrance sila.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Jerome kasama ang ilang mga kasamahan niya sa kompanya na naging katrabaho ko rin noon.

"Jerome, buti naman at nakarating ka na." pagsalubong ko sa kanya.
"Oo at gaya ng bilin mo, sinama ko ang ilan sa mga nakatrabaho mo noon." sagot niya.
"Rico, nice to meet you" ang sabi nila sabay nakipagbeso sa akin.
"Halina kayo at ksabay-sabay na tayong kumain" ang sabi ko sa kanila.

Nagsimula na silang mag-usap habang kumakain. Isa-isang nagsalita ang mga kasama ni Jerome samantalang ako ay nakikinig lang sa kanila.

"Rico, ang layo na ng narating mo, mahirap nang mareach."
"Oo nga, hindi ko akalain, na magiging modelo ang isang dating empleyado ng kompanya."
"Hindi na nakakapagtaka, eh ang gwapo naman talaga nitong si Rico"
"Tama, saka yung katawan niya hayyyyy"

Ngumiti na lang ako sa kanila. At nagpatuloy sila.

"Uy! mahiya ka naman baka isipin ni Rico eh pinangnanasaan mo siya"
"Parang ganun na nga" at nagtawanan kaming lahat.

Maya-maya'y napansin ko si Jerome na parang di mapakali at panay ang tingin sa kanyang cellphone. "Jerome may problema ba?" ang tanong ko sa kanya. 
"Ah eh wala naman." sagot niya sa akin sabay ngiti.
"Sigurado ka, kasi napapansin ko kanina ka pa text ng text at patingin-tingin sa cellphone mo."
"Ahm, salamat sa pag-aalala pero wala ito. Teka pala may pupuntahan lang ako saglit. Babalik ako agad."
"Ok" ang sagot ko pero nananatili pa rin ang pagtataka sa isip ko sa nakikita sa kanya.
"Ha! kakarating mo lang ah."
"Importante lang sige mga kasama alis muna ako saglit." paalam din niya sa kanila.
Tumungo sila bilang pagsang-ayon.
"Sige Rico, see you later" 
Napansin ko ang tila pagmamadali niya. 
"Ok." ang naisagot ko na lang. Mabilis siyang naglakad palabas.

Sinamahan ko sa pagkain ang mga naiwang kasamahan ni Jerome. Nagpatuloy pa ang masayang kuwentuhan. Kung anu-anong topic ang aming napag-usapan kabilang ang mga di malilimutang karanasan at lovelife. May mga kantyawan din sa isat-isa at ako man ay hindi nakaligtas sa kanila.

"Ikaw naman magkuwento Rico tungkol sa lovelife mo"
"Tol, sure akong masaya ang love life niyan, sa gandang lalaki niyang yan imposibleng wala siyang karelasyon."
"Tama, kaya magkwento ka naman."

Sa oras na iyon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila kung magsisinungaling ba ako o aamin na lang ng totoo kong estado sa buhay pag-ibig. Napakaunfair ko naman kung wala akong masasabi eh halos lahat sila ay naglahad ng kani-kanilang kuwento. Kaya napagdesisyunan kong ilahad na lang ang totoo. Bago nagsalita ay tinignan ko muna silang lahat at kita sa kanila ang paghihintay sa aking kasagutan.

"Honestly guys, wala pa sa isip ko ang mga gayang bagay sa ngayon. Priority ko kasing tapusin na  muna ang aking pag-aaral."
"Totoo, napakaimposible naman niyan tol" ang sagot ng isa sa kanila na halatang hindi kumbinsido sa aking sagot.
"Huwag ka nang magtaka eh kung si Sir Carlo nga, wala ring lovelife ngayon. Sa kabila ng kanyang kagwapuhan ay malas sa pag-ibig. Napakatanga naman ng mga taong umiwan sa kanya. Kaya hindi rin kataka-takang ganoon din si Rico." sagot naman ng kanyang katabi.

Lubos kong ikinagulat ang pahayag niyang iyon and at the same time ay may pagtataka. Si Kuya Carlo, walang karelasyon ngayon. Maraming katanungan agad ang pumasok sa aking isip. Hindi ko pinahalata sa kanila ang aking naging reaksyon sa halip ay hinayaan lang silang ipagpatuloy ang usapan. Kaya sila na rin ang naging daan para mabigyang kasagutan ang mga katanungan na iyon.

"Ay oo nga. Napapansin niyo naman diba ang pagiging seryoso niya at malungkutin nitong mga nagdaang araw. Matagal-tagal na rin ngang hindi ko siya nakikitang ngumingiti."

"Hindi lang yan may pagkakataong hindi na yan umuuwi pa at inuumaga sa opisina. Paano ay sinusubsob ang sarili sa trabaho."
"Ginagawa lang niyang abala siguro ang kanyang sarili para kahit papaano ay makalimot sa kanyang problema."
"Ganoon talaga kapag heartbroken."
"Oo, yung ginawa ni Mam Marianne sa kanya. Naku kung alam niyo lang ang ginawa niya kay Sir Carlo."
"Ah yung mataray na babaeng iyon na nagreyna-reynahan sa kompanya na akala mo kung sino."
"Siya nga. Aba pera lang pala ang habol niya kay Sir. May pamilya na pala ang babaeng iyon sa ibang bansa. Sorpresang sumugod ang asawa niya sa simbahan sa araw mismo ng kanilang kasal kasama yung mga magulang niya."
"Kawawa naman si Sir ano."

Halos mawalan ako ng lakas sa mga rebelasyong aking nalaman sa mga oras na iyon. Halu-halong emosyon na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako kung ano ang aking gagawin.

Naalala ko bigla si Jerome, yung pagpipigil ko sa kanyang sabihin ang tungkol kay Kuya Carlo. Malamang na tungkol doon ang nais niyang banggitin sa akin.

"Rico, ayos ka lang ba?" sabi ng isa sa kanila na marahil ay napansin ang kakaiba kong kinikilos.
"Ah o...o..oo, teka lang ha CR lang ako saglit. Just enjoy the night." sagot ko sa kanila. Dali-dali akong naglakad papasok ng bahay.

Sa pinto, "Anak, bakit ganyan ang mukha mo may problema ba?" si nanay na may hawak na isang tray ng pagkain na ilalabas para sa mga bisita.
"Wala po nay, akyat lang po muna ako sa kwarto ko. Kayo na lang po muna ang bahala ni Kuya sa mga bisita. Medyo sumakit lang ang ulo ko" ang sagot ko sa kanya.
"Sige anak" ang pagtugon niya na may tonong pag-aalala sa boses.

Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad akong nahiga at nagsimulang ilabas ang aking kinikimkim na emosyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Naisip ko na sa kabila ng tinatamasa kong swerte at kasiyahan ay may isang taong nangungulila, nalulungkot at ito ang taong hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin. Nakakakunsensya dahil wala ako ngayon sa tabi niya para magbigay ng lakas ng loob sa kanya.  Parang gusto ko na siyang puntahan para damayan sa mga problema niya.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang magring ang aking cellphone.Si Jerome ito. Nago ko ito sinagot ay inayos ko muna ang aking sarili. Ayokong mahalata niya ang aking paghikbi.
"Hello Jerome"
"Rico, nakabalik na ako nasaan ka?" ang sagot niya sa akin.
"Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako saglit medyo masakit kasi ang ulo ko. Nandyan naman si kuya at nanay para umasikaso sa inyo."
"Ah ganoon ba sige pupuntahan kita diyan" huling sinabi niya at nag end call.

Dahil sa sagot niyang iyon ay nagpasiya akong hintayin na lang siya. Gusto ko kasing kausapin siya ng personal sa mga nalaman ko tungkol kay Kuya Carlo.

Makalipas ang halos labinlimang minuto ay may narinig akong pagkatok mula sa pintuan ng aking kwarto.

"Saglit lang Jerome." agad kong pinunasan ang aking mga matang may luha. Tumayo ako sa aking kama at tinungo ang pintuan.

At nang buksan ko ito laking gulat ko sa taong lumitaw sa aking harapan. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan at natulala sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa biglaan niyang pagpapakita sa akin sa araw mismo ng aking kaarawan.

Itutuloy....

Sunday, April 10, 2011

MAHAL KITA Part 5

Naroon na ang lahat ng aming mga kaklase pagkabalik namin sa room. Habang pumapasok kami, napapansin ko ang mga tinginan ng mga kaklase naming babae kat Antonio. May mga kumakaway, ngumingiti at bumabati ng hi. Tinugon naman ito ni Antonio ng isang ngiti din.

Nang makaupo na kaming dalawa sa likod ay may lumapit kay Antonio na isang kaklase naming babae.
"Hi, Im Trisha, the class president" pagpapakilala niya kay Antonio sabay lahad ng kanyang mga kamay.
Nakipagkamay naman sa kanya si Antonio. "Antonio, you can call me Tonton for short." nakangiti niyang tugon.

"Ahm, may sulat pala ako for you. Kung maaari sana ay basahin mo na lang ito after class"ang medyo nahihiya niyang pahayag habang nakangiti pa rin.
"Ok thanks for this." sagot naman ni Antonio. Bumalik na si Trisha sa kanyang upuan. Sakto namang dumating na ang guro namin para sa susunod na subject.

Ganoon pa rin ang ginawa namin, orientation ng subject, pag-introduce sa mga sarili maliban na lang sa isang guro namin sa Math na nagsimula agad mag lecture at magbigay ng assignment.  Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian. Nagsilabasan na ang halos lahat naming kaklase. Kami ni Antonio ang naiwan sa loob.

"Josh, mauna na ako sa parking lot. Para maihanda ko na ang motor." Si Antonio matapos maligpit ang kanyang mga gamit. Siya na kasi ang magmamaneho ng motor pag-uwian. Tumango lang ako bilang sagot. Lumabas na siya ng room. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag-aayos ng mga notebooks ko.

Aktong papalabas na ako ng room ng may humarang sa pinto. "Woi, Josh uuwi ka na agad tara laro muna tayo ng DOTA, kailangan ka namin kasi pustahan iyon." si Tom.
"Next time na lang" sagot ko naman. Naaalala ko kasi si Antonio na naghihintay na sa akin.
"Aba tumatanggi na tol oh." sagot ni Tom.
"Bakit ha bakla?" si Richard.
"Baka may date sila ngayon ng kasama niya" si Tom ulit. Nagtawanan sila.
"Hindi ah!" medyo napikon na ako sa sinabi ni Tom.
"Sama ka na kasi, sige na" si Vic.
"Kung ayaw niya sumama, di wag. Tatanggalin na natin siya sa tropa. Isa pa baka mahawa kami sa kabaklaan niyan." si Richard. Nagkatawanan ulit sila.

Binalewala ko na lang ang huling pahayag ni Richard kahit may sakit na dulot sa aking kalooban. Kaya iniwasan ko na lang sila. Pinilit kong maglakad palabas ng pintuan ngunit nabigo akong makadaan dahil sa dami nilang nakaharang sa pinto.

"May balak ka pang umiwas bakla" si Tom.
"Padaanin niyo na ako please" pagmamakaawa ko nang nakayuko. Medyo naiiyak na kasi ako ng mga oras na iyon.
"Simple lang naman ang gusto namin. Pumayag ka na kasing sumama magdota."

Maya-maya'y isang boses ang nakaagaw ng aming pansin kaya tinignan namin ito.
"Pwede bang padaanin niyo na siya!"si Antonio na naglalakad palapit sa amin. Ngunit hindi pa rin natinag ang aming mga kaklase.
"Nandito na ang prince charming mo bakla" ang kantyaw pa ni Tom. Hindi na ito pinatulan pa ni Antonio sa halip ay pwersahang pumasok sa loob ng room at hinila ang aking braso para makalabas.
"Tara na Josh hayaan mo na sila" si Antonio habang hawak pa rin ako sa braso. 

Habang naglalakad kami papuntang parking lot ay sinulyapan ko ang seryosong mukha ni Antonio na nakatingin lang sa dinadaanan namin. Biglang bumalik naman sa isip ko ang lahat ng mga nangyari buong araw. Naalala ko rin ang mga binitawang salita niya kay Lalaine sa canteen. Alam kong totoo iyon dahil binilinan rin siya ng mga magulang ko ng ganoon. At nasisiyahan naman ako, kahit papaano ay sinisimulan na niyang tuparin iyon sa ginawa niya kanina. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita na nagpaputol sa aking pag-iisip.

"Iwasan mo na sila. Hindi magandang impluwensiya sa iyo ang mga ganoong klaseng tao" ang sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung magagalit ako sa sinabi niya o matutuwa. Kung makautos kasi siya ay parang magulang ko, e hindi ko naman siya kaanu-ano. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na pagmamalasakit lang niya iyon.

Nang makarating sa parking lot ay inabot niya sa akin ang helmet. Dahil siya na ang magmamaneho ng motor, sumakay ako sa likod niya. Humawak ako sa likurang bahagi nito.

"Pwede kang kumapit sa balikat ko kung gusto mo."
"Ha!" ang nasambit ko. Medyo ikinabigla ko kasi ang sinabi niya.
"Mabilis kasi ako magpatakbo"
"Sige ok na ako dito." ang nasabi ko na lang. Ngunit sa loob-loob ko ay gusto kong gawin ang gusto niya. Ewan ko pero nahihiya kasi ako.
"Bahala ka" sabi niya ulit saka sinimulang paandarin ang makina.

Halos lumipad na kami sa tulin ng kanyang pagpapatakbo. Medyo kinabahan na ako ng mga oras na iyon baka kasi maaksidente kami.

"Dahan-dahan naman baka maaksidente tayo! sabi ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala."
"Ano ka ba, sobrang kinakabahan na nga ako dito baka mahulog tayo nito dahil sa iyo"
"Ganoon ba, kasi ganito talaga ako magpatakbo ng motor sa amin."
"Sa inyo, sa probinsya niyo?"
"Oo, yung mga kaibigan ko doon may mga motor sila. Hindi nga lang kasing ganda nito"
"Ah"
"Kaya nga sabi ko sa iyo humawak ka sa balikat ko, kung nahihiya ka sige yumakap ka na lang"
"Hindi na kailangan" ang nasabi ko na lang. Nahihiya na nga akong hawakan siya sa balikat, yakapin pa kaya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa amin. Laking pasalamat ko na lang at walang nangyaring masama sa amin. Bumaba na ako ng motor at inabot sa kanya ang helmet.

Aktong papaandarin na niya ulit ang motor ng maisip kong biglang magpasalamat sa kanya. Ewan ko nga kung anong nagtulak sa akin para gawin iyon. Dahil siguro sa appreciation ko sa ginawa niya kanina.

"Sandali lang"
Lumingon naman siya sa akin. "Bakit?"
"Ano, ahm... s...sa....salamat pala kanina" medyo nahihiya kong pahayag.
Nang tignan ko siya para malaman ko ang reaksyon niya, medyo nabigla ako dahil nakangiti siya sa akin.
"Himala at hindi ka nagsungit ngayon sa akin. Kakatuwa naman."
"Ha!"
"Sabi ko natutuwa ako dahil hindi mo ako sinungitan ngayon. Sana magtuloy-tuloy na yan."

Napangiti na lang ako. Parang nakaramdam naman ako ng kakaiba sa kanya. Sa sinabi niya, tila nalusaw ang lahat ng inis ko sa kanya noon.

Pagkatapos ay nilapit niya ng bahagya ang mukha sa akin at kinurot ako sa pisngi. "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Responsibilidad ko iyon sa iyo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Oh ano may sasabihin ka pa?"
"Ah wala na sige pasok na ako"
"Ok alis na ako" at pinaandar na niya ang motor.
______

"Sir Josh ito na po ang meryenda niyo"
"Salamat po Aling Myrna." sagot ko naman. Ipinatong niya ang mga sandwiches at juice sa mesa at sinimulan kong kainin ito.
"Ahm Sir pwede po ba kayong makausap saglit"
Tumingin naman ako sa kanya. "Sige po. Upo muna kayo"
"Salamat po." tugon niya. Umupo siya sa silya na nasa tapat ko.

"Sir, magpapasalamat lang sana ako"
"Salamat saan?" ang nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman kasi akong natatandaan na ginawa ko sa kanya maliban na lang sa pinapakita kong pagkairita sa kanilang mag-ina.
"Nasa hardin kasi ako kanina nang marinig ko ang pag-uusap ninyo ng anak ko. Alam ko pong ayaw mo sa amin dahil sa mahirap lang kami at naiinis ka dahil hindi ka sanay makisama sa mga taong tulad namin.  Kaya nga natutuwa po ako ng makita kong nagkakasundo na kayo."
"Ganoon po ba, mabait naman po kasi si Antonio." ang naisagot ko sa kanya.
"Ay mabait po talaga yang anak ko. Kahit kailan ay hindi siya nagbigay ng sakit ng ulo sa amin ng tatay niya nung nabubuhay pa siya. Masipag, matalino at palakaibigan pa."

Parang nakunsensya naman ako sa pahayag na iyon ni Aling Myrna. Naisip ko kasi ang aking sarili. Nagbalik sa akin ang lahat ng mga pinaggagawa ko noon sa mga magulang ko. Talagang kabaliktaran ako ni Antonio sa pag-uugali.


"Marami rin siyang tagahanga sa amin sa probinsya. Dahil sa mabuting ugali niya dagdagan pa ng kagandahang lalaki ay marami siyang naging mga babaeng kaibigan. Kilala na nga siya bilang babaero sa lugar namin."

"Oo nga naman. Talaga namang gwapo kasi itong si Antonio kaya di nakakapagtakang magkaroon siya ng maraming tagahanga" ang nasabi ko sa aking sarili.

"Ah siyanga pala po Aling Myrna, pasensya na rin po sa naging pakikitungo ko sa inyo" ang paghingi ko ng paumanhin. Medyo naliwanagan na rin kasi ang isip ko sa kanilang mag-ina.
"Naku po Sir, ok lang po. Pero may isa lang po akong mahihiling sa iyo."
"Sige po basta kaya ko"
"Alam ko pong masaya ngayon ang anak ko dahil sa pagbabagong pinapakita mo sa kanila kaya sana palagi na kayong magkasundo at maging magkaibigan."
"Ah yun lang po pala, sige. Sa tingin ko po ay madali lang siyang kaibiganin. Nasa akin lang po ang problema"
"Salamat po Sir, sige balik na ako sa kusina."
"Ok salamat po"
______

Kinagabihan sa kwarto habang nakahiga ay naisip kong muli si Antonio pati na ang mga sinabi ng kanyang ina sa akin.
May pagkababaero pala siya, hindi ko alam kung makikipagkaibigan siya sa isang katulad ko na isang alanganin. Sa ngayon kasi ang obligasyon lang niya sa akin ang tanging dahilan ng pag-uugnayan naming dalawa.

Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko na ipinagtaka ko. Hinawakan ko ito. "Bakit ganito kaya ang nararamdaman ko?" ang naitanong ko sa aking sarili. "Teka hindi ito pwede. Mali ito."

Kaya para mawala na sa utak ko ang kung anumang nararamdaman ko ay  nag-isip ako ng pagkakaabalahan kong gawin. Napagdesisyunan kong maglaro na ulit ng paborito kong online game. Ngunit bubuksan ko pa lang ang laptop ko nang maalala ko ang binigay sa aming assignment sa math.Kaya inuna ko munang gawin

Medyo nahirapan naman ako sa ilang mga tanong kaya nagpasiya akong puntahan si Antonio para magpatulong. Pagkababa ko sakto naman nakita ko si Aling Myrna na naghahanda na sa pag-uwi.

"Sir Josh, kung kakain po kayo ng hapunan nasa ref lang yung pagkain. Sige po alis na ko" si Aling Myrna.
"Saglit lang po sasabay na ako sa iyo, pupuntahan ko kasi si Antonio, medyo nahihirapan kasi ako sa assignment namin magpapatulong lang."
Napangiti naman siya sa akin. "Sige po sir"

Pagkarating namin sa kanilang inuupahang bahay ay nakita ko siyang busy na nagbabasa ng isang papel. Malamang na natapos na siya sa aming assigment.

"Anak kasama ko si Sir Josh may kailangan daw siya sa iyo."
"Talaga nay." sabi niya. Napansin ko naman ang excitement  sa tono ng pagsagot niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Agad siyang tumayo, lumapit sa akin at inakbayan niya ako. Samantalang dumeretso ang kanyang nanay sa kusina.

"Oh Josh anong problema?" tanong niya sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay umulit na naman ang naramdaman ko kanina. "Ito na naman, ano ba ito?"

Tumingin ako sa kanya. At nahumaling na naman ako sa kanya. Iba talaga ang appeal niya sa akin. Nakasandong puti siya na nakabakat ang magandang pangangatawan nito at ang maamong mukha. Hay grabe.
"Oh yan nakatulala ka na naman sa akin tsk. tsk. tsk!" sabi niya sa akin. Kinurot niya ulit ako sa pisngi.
Agad ko namang sinabi sa kanya ang pakay ko.

"Iyon lang pala. Madali lang naman yung mga tanong ni mam. Sige tuturuan kita. Tara doon na tayo sa kwarto ko.
Umakyat kami sa kanyang maliit na kwarto sa taas.

"Josh pasensiya ka na sa kwarto ko" sabi niya sa akin.  Napansin ko naman ang papel na hawak niya habang nag-aayos siya ng mga unan. Naalala kong iyon ang inabot sa kanya ni Trisha kanina. Binasa pala niya iyon.

Nang matapos sa pag-aayos, Kinuha na niya ang kanyang notebook at naglabas ng isang papel.
"Halika na mag-umpisa na tayo" sabi niya sa akin.

Ngunit sa mga oras na iyon ay nagkaroon ako bigla ng interes sa nilalaman ng sulat na iyon.

"Ah Tonton, parang ang saya mo ngayon ah"
"Oo naman" ang sagot niyang nakangiti pa rin. Hawak pa rin niya ang papel.

"Siguro dahil sa nilalaman ng sulat na iyon akaya siya naging masaya. Baka sinabi ni Trisha doon na may crush siya sa kanya. Kaya di malabong magkagustuhan silang dalawa. Ayon na rin sa nanay niya na maraming babaeng  nakikipagkaibigan sa kanya at may pagkababaero. Kung tutuusin naman eh bagay silang dalawa kasi may mga itsura sila at matalino pa." ang nasabi ko sa aking sarili.

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng hindi maganda. Nagbago ang aking mood. Ang inis ko sa kanya ay parang nanumbalik. Pero hindi ko iyon pinakita sa kanya.

Itutuloy....