Tuesday, March 29, 2011

PANTASYA Part 25

"Hello Jerome"
"Rico tol, nice naman sikat ka na ah"
"Ano ka ba nagsisimula pa lang ako"
"Ikaw naman pa humble ka pa, kung alam mo lang na nagkakaubusan na ng magazine dito, ikaw ba naman ang nasa cover eh"
"Talaga"
"Oo, hindi lang yan, usap-usapan ka na nga dito sa kompanya pati na rin sa dating tinitirhan niyo."

Sobrang saya ko sa ibinalita ni Jerome sa akin. Kahit papaano ay nagbunga ang aking mga paghihirap. Sa loob ng halos dalawang buwan na pagrampa, pagpose at mga pictorial ay nakaipon agad ako ng pera. Kaya medyo nakakaluwag na ang aking pamilya.

Sa ngayon ay sanay na ako sa mga pinapagawa sa akin. Nandyan ang paglalakarin ako sa isang entablado suot ang mga damit o underwear ng boutique na aking pinagtatrabauhan. Siyempre hindi mawawala ang hiyawan ng madla sa akin kabilang ang mga nagpapantasyang kababaihan at bading. Dito napatunayan ko sa aking sarili na mayroon pala akong ibubuga.

Dahil sa pagmomodelo ay mas binigyang pansin ko ang pangangalaga sa aking sarili. Binalik ko na ang aking dating routine. Regular akong nagpupunta sa gym at siyempre ang tamang pagdadiet. Magkagayumpaman ay hindi ko pa rin napapabayaan ang aking responsibilidad sa pamilya tulad ng pag-aalaga kay nanay.

Ilang araw pa ang lumipas sunud-sunod na ang natatanggap kong mga offers. May ibang mga fashion company ang nag-aalok sa akin na lumipat sa kanila kapalit ng ibibigay nilang mataas na halaga. Pero tinatanggihan ko lang ang mga ito dahil hindi pa tapos ang aking kontrata sa kompanya aking pinagtatrabauhan.
______
"Anak, may bisita ka, si Jerome" si nanay na pumasok sa aking kwarto.
"Sige papasukin mo na lang po, pakisabi na lang na maghintay siya saglit." ang sagot ko sa kanya.
Pagkababa ko ay nakita ko si Jerome na nakaupo sa sofa. "Jerome, napadalaw ka gabi na ah" sabi ko sa kanya.
"Wala lang gusto ko lang kamustahin ang isang sikat na modelo."
"Ikaw talaga napakabolero mo"
"Teka biyernes pa lang ngayon ah" ang nagtataka kong pahayag. Ang alam ko kasi ay tuwing linggo lang ang kanyang day-off base sa policy ng kanilang kompanya.
"On-leave ako ngayon, pero huwag kang mag-alala dahil pinayagan naman ako ni Sir Carlo. Alam mo ang laki ng pinagbago niya simula nang umalis ka"

Bigla namang nagbago ang mood ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Nakaramdam naman ako ng pagkamiss sa kanya. Napansin naman ni Jerome ang aking reaksyon.

"Sorry Rico"
"Ok lang ako Jerome" ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sigurado ka, alam mo kung pagbabasehan kasi ang naging reaksyon mo sa sinabi ko ay masasabi kong may nararamdaman ka pa rin sa kanya."

Halos wala akong naisagot sa sinabi niyang iyon. Marahil ay tama siya, hindi pa ako tuluyang nakakapag move-on sa kabila kasi ng pagiging busy ko sa trabaho.

"Sinasabi ko na nga ba at tama ako, mahal mo pa talaga si Sir Carlo"
Wala akong nagawa ng mga sandaling iyon kundi yumuko.
"Tulad mo ay nangungulila pa rin siya. Alam mo bang halos araw-araw niya akong pinapatawag sa kanyang opisina para tanungin lang kung nasaan ka. Siyempre hindi ko sinasabi kahit anong pilit niya. Natatandaan ko nga nung huling pag-uusap naming dalawa halos lumuhod talaga siya sa harap ko at nagmamakaawa, pakiramdam ko nga nagkapalit na kami parang ako na yung boss"

Sa sinabing niyang iyon ay mas tumindi ang pagkamiss ko kay Kuya Carlo. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kaya hindi ko naiwasang maluha muli. 

"Ngunit wala nang saysay ang pagmamahal kong ito para sa kanya, dahil wala nang chance na maibalik pa ang dating relasyon namin"
"Alam ko na iniisip mo lang ang kanyang anak pati si Marianne. Rico may dapat kang malaman tungkol sa bagay na yan"

"Kung anuman iyon ay hindi na ako interesado pa. Please huwag mo nang ituloy yan" ang pakiusap ko sa kanya. Baka may marinig na naman akong hindi maganda mula sa kanya.
"Sige kung yan ang gusto mo" ang naisagot na lang niya.

Dahil gabi na nagpasiya akong patulugin na lang si Jerome sa aking kwarto, ako sa aking kama at siya sa isang banig na nilatag ko sa sahig.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Sinimulan kong gawin ang aking daily routines. Nakijoin naman sa akin si Jerome.
"Rico, naks naman sikat ka na talaga, di mo ba napapansin ang malagkit na tingin sa iyo ng mga tao." si Jerome habang nagjojogging kami.
"Sanay na ako. Alam ko namang natural lang ito dahil sa aking trabaho ngayon."

Maya-maya'y biglang nagtatakbo papalapit sa akin ang mga babaeng naroroon.
"Hi Rico, pa autograph naman" sabi ng ilan habang inaabot sa akin ang mga magazine na  ako nasa cover.
"Rico, ang gwapo mo talaga! pwedeng papicture"
"Rico, pakiss naman kahit sa cheeks lang"

Dahil dito ay nagkatinginan kami ni Jerome.
"Wait mga girls isa-isa lang po" ang nakangiti kong tugon. Sanay na rin ako sa ganito sa halos araw-araw kong pagjojogging.
"Idol talaga! nice" si Jerome.
"Saglit lang Jerome ha pagbibigyan ko lang sila" sabi ko sa kanya. Narinig ko ang kanilang paghiyaw at pagtili. May ilang pang lumalapit sa akin.
"Teka mga girls, para po maging maayos tayo ay maaari po sana tayong pumila. Lahat naman po tayo ay pagbibigyan ng ating idol" si Jerome. Marahil nakikita niya na naiipit na ako sa mga taong nakapalibot sa akin.

At ganoon nga ang nangyari. Isa-isa ko silang pinagbigyan. Pinirmahan ko ang mga dala nilang magazine. Nagpapicture naman ang iba gamit ang kanilang cellphones. At yung mga humalik sa aking pisngi, halos mahimatay na at magdeliryo na ikinatutuwa ko naman. Naging maayos naman ito hanggang sa matapos. Salamat sa tulong ng aking kasama. Nagpatuloy kami sa pagjogging pabalik ng bahay.

"Rico buti naman at puro babae ang lumalapit sa iyo" si Jerome.
Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi niyang iyon. "Akala mo lang iyon. Sa mall, sa gym meron. Kung sasama ka mamaya makikita mo"
"Talaga, eh pinagbibigyan mo naman ba sila, mataong lugar iyon hindi ka man lang ba nahihiya?"
"Ok lang naman sa akin. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman nila. Tandaan mo na minsan ko na rin pinagpantasyahan ang kapwa ko lalaki."
"Tama ka tol, pero teka ha, Uy sino yang tinutukoy mo"
"Si Kuya Car...." hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin. Napahawak naman ako sa bibig ko.
"Aha! akala ko ba ayaw mo na marinig ang pangalan niya pero muntik ka nang madulas. I know now Rico na hanggang ngayon ay nasa isipan mo pa rin siya.
Sa halip na sumagot ay iniba ko na lang ang usapan. "Tara na nga nagugutom na ako. Umuwi na tayo"
Naririnig ko pa lang ang mahinang pagtawa ni Jerome. Pero hindi ko na pinansin pa iyon.
______
Masaya kaming nagkuwentuhang tatlo ni nanay habang kumakain ng almusal. Maya-maya ay biglang dumating si kuya.
"Arthur anak kumain ka na ba? halika sabay ka na sa amin" ang alok ni nanay sa kanya.
"Sige po nay nakapag-almusal na ako dumaan lang ako dito para kamustahin kayo. May bisita pala tayo" si kuya kuya sabay tingin kay Jerome.
"Ah oo kuya kilala mo na rin siya diba si Jerome" sagot ko naman.
"Oo Rico kilala ko na siya, salamat sa pagdalaw." si Kuya. Nagshake hands silang dalawa. "Sige po nay mauna na ako pupunta ako sa school may seminar kasi ngayon ang faculty"
"Ganoon ba iho sige" si nanay.
"Alis na ako Rico,Jerome" paalam ni kuya sa amin. At dumeretso na siya palabas.

Matapos ang almusal ay nagsimula naghanda na kami ni Jerome sa pagpunta sa gym.

Pagkalabas naming dalawa ay pumara kami ng taxi.

Kakabukas pa lang ng mall na iyon kaya hindi ganoon kadami ang mga taong lumapit sa akin. Gaya kanina ay pinagbigyan ko ang kanilang mga request. Matapos noon ay dumako na kami sa gym.

Swerte namang ako ang unang customer na dumating doon. Kaya nakapag-exercise ako ng maayos. Si Jerome naman ay nakaupo lang habang nagbabasa ng dyaryo. Habang tumatakbo ang oras ay isa-isang dumarating ang mga regular na customers doon. Hanggang sa dumami na sila.

At yun na nga, hindi naiwasan ng mga paminta roon na lapitan ako at kamustahin. Siyempre kinausap ko naman sila ng maayos. Kahit papaano ay nagiging kaibigan ko na sila.

Pagkatapos noon ay inayos ko ang aking sarili para umuwi.

"Rico tama ka nga,  naku sa mga titig pa lang nila sa iyo eh parang pinagnanasaan ka nila. Hindi talaga kayo talo" si Jerome habang naglalakad kami palabas ng gym.
"Sira ka talaga. Tara tutal nandito na rin naman ay kumain tayo ng tanghalian."
"Sige medyo nagutom ako eh."
"Oo nahihiya kasi ako sa iyo kasi pinaghintay kita."
"Buti naman at meron ka nun"
Nagkatawanan lang kaming dalawa.

Dumeretso kami agad sa isang restaurant na naroroon. Umupo sa isang bakanteng pwesto at nilapitan kami ng isang waiter.

Habang naghihintay sa aming inorder, panay turo ni Jerome  sa akin sa mga taong naninilip sa salamin sa labas. Ang iba sa kanila ay kinukunan ako ng picture.

"Hayaan mo sila" sagot ko sa kanya.
"Ahm, ganito pala ang sitwasyon mo dito ano, pero hindi ka ba nahihirapan niyan at saka paano na lang kung dumating ang araw na mas tumaas ang level ng kasikatan mo"
"Naisip ko na rin ang bagay na yan. Ngunit sa palagay ko, kung matapos ang kontrata ko sa kompanya ay hihinto muna ako."
"Bakit naman?" agad na tanong ni Jerome.
"Nais kong tapusin na ang pag-aaral ko. Nasabi ko na rin ito noon sa aking pamilya."
"Ok yan. So may balak ka palang magpatuloy sa pagiging guro."
"Saka ko na pag-iisipan yan. Sa ngayon gagawin ko ito para may maipagmalaki naman ako sa aking sarili, na nakatapos ako ng pag-aaral."
"Sige" si Jerome na may patangu-tango ng ulo.

Makalipas ng dalawang minuto ay dumatin na ang aming inorder. Habang kumakain ay masaya pa rin kaming nagkuwentuhan.

Nang matapos ay nagpasiya na kaming umuwi. Pero hindi kaagad kami nakaalis ng mall dahil sa dami ng taong lumalapit sa akin. Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang pagbigyan sila.

Kahit papaano ay natutuwa naman ako sa mga naririnig kong sinasabi nila.
"Ang bait niya ano ineentertain niya ang mga fans di tulad ng ibang artista na akala mo kung sino. hindi ka mang lang makalapit sa kanila. Eh hindi naman kagandahan at kagwapuhan."sabi ng isang babae.
"Oo nga, siguro napakaswerte ng girlfriend niya." sagot ng kasama niya.

Hapon na ngunit hindi parin nauubos ang mga tao kaya umeksena na si Jerome pati ang ilang security ng mall.

"Pagod na si idol. Sa susunod na lang ulit" sigaw ni Jerome sa mga tao.
Nakaalis na kami ni Jerome dahil sa pagharang ng mga guard sa mga lumalapit pang tao.Naririnig ko pang ang sigawan ng iba.
"Sayang naman sa susunod aagahan ko na."
"Ano ba yan kanina pa ako dito pero nauna pa yung mga nahuli"
"Ilove you Rico woooooo!"
______
Linggo ng umaga, matapos kaming magsimba ay nagpaalam na para umuwi. Inihatid namin siya sa bus terminal.

Nagpasalamat ako sa kanya at nangakong siyang dadalaw ulit kapag may pagkakataon.

Itutuloy.....

MAHAL KITA Part 4

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Pagbaba ko ay nakita ko ang mag-inang kumakain ng almusal.

"Good Morning Josh. Halika sabay ka na sa amin" si Antonio na nakangiti.
Hindi ko na siya sinagot pa sa halip ay umupo na rin ako para kumain. No choice ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

Matapos mag-almusal ay nagkani-kaniyang paghahanda kami sa pagpasok.

Nang makabihis ay agad akong dumako sa bahay ng mag-ina kung saan nakaparada ang motor. Wala pa siya roon pagkarating ko marahil ay nagbibihis pa rin ako kaya hinintay ko na lang siya. Makalipas ang sampung minuto nakita ko siyang palabas ng bahay. Agad ko namang napansin ang kanyang itsura. Ewan ko pero sa tingin ko ay mas lalo siyang gumwapo sa kanyang suot na uniporme. Parang hindi siya probinsyano sa kanyang porma at tindig. Dagdagan mo pa ang halimuyak ng kanyang gamit na pabango.

Bumalik ang aking ulirat sa pagkaway ng kanyang mga kamay sa aking mukha. Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti siya sa akin sabay sabing "Josh,  natutulala ka na sa akin ha. Tara na baka la mate na tayo"

Sa halip na sumagot ay natahimik ako bigla. Pakiramdam ko ay tinamaan ako sa pahayag niyang iyon. "Ang yabang naman nito!" ang nasabi ko sa aking sarili.

"Wala ka bang balak sumakay, ikaw ang magmamaneho ngayon di ba?" si Antonio na nakangiti pa rin.
"Alam ko, teka bakit may pangiti-ngiti ka diyan" ang nagtataka kong tanong.
"Wala lang, masaya ako yun lang. Tara alis na tayo" sagot niya sabay hagis sa akin ng helmet at susi.

Nang makasakay ako sa motor ay agad na pumuwesto si Antonio sa aking likuran. Nakahawak siya sa bandang likod na motor. Inumpisahan ko na paandarin ang motor.

Walang kaming imikan habang nasa daan hanggang sa makarating ng school.

Dahil sa bago lang si Antonio roon ay nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.

Pagkarating pa lang namin sa corridor ay sinalubong agad ako ng aking mga kaklase.

"Joshua, long time no see, hindi ka nagparamdam nung bakasyon ah!" sabi ng kanyang kaklaseng si Tom.
"Ah eh medyo busy lang" ang naisagot ko lang.
"Busy daw oh, narinig niyo ba yun mga classmates" si Tom na pumasok sa loob ng room. Agad namang naglabasan sa pinto ang iba pa naming mga kaklase. Lumapit sila sa akin.
"Alam mo bang ilang beses na kami natatalo sa DOTA, dahil wala ka." sabi naman sa akin ng isa pa naming kaklase na si Vic. Hindi naman sa pagyayabang isa ako sa mga magagaling magdota sa aming section. Sa halos lahat ng pustahan na sinasalihan namin ay laging panalo dahil sa akin.
"P...P...Pasensya na kayo" ang paghingi ko na lang ng paumanhin.

"Josh pasok na tayo" ang pagsabat bigla ni Antonio. Nalimutan ko palang kasama ko siya.
"Oh sino yang kasama mo, wag mong sabihin na siya ang pinagkaabalahan mo nung bakasyon kaya hindi ka na sumasama sa amin" si Tom ulit.
"Tol lalaki yan, pero malay niyo mga classmates tuluyan nang bumigay itong si Josh" sabi naman ni Richard na nagpatawa sa iba pa naming mga kaklase.

Wala akong nagawa ng mga oras na iyon kundi ang manahimik na lang. Mahirap na baka  lumaki ang issue lalo na at tungkol ito sa aking tunay na pagkatao. Sa totoo lang  matagal ko nang tinatago ito, ang tunay na ako.

Kaya ganoon na lang ang pangkakantyaw ng mga kaklase ko sa akin. First year pa lang ako, napapansin na nila ang aking mga kilos na di raw normal para sa isang tunay na lalaki, in short may pagkamahinhin. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. Nasasaktan ang aking damdamin sa halos araw-araw nilang pangungutya. Minsan ay naisumbong ko na sila sa aming guro pero hanggang pangaral lang sila kaya useless lang. Dahil dito ay nagpasiya akong baguhin ang aking image. Sinikap kong makisama sa kanila, sumali sa tropa at makiayon sa anumang gagawin nila. Sa kanila ko natutunan magcutting classes, umuwi ng gabi at maglaro ng online games at DOTA. Aaminin ko na nasisiyahan naman ako sa pagsama sa kanila lalo na kapag may gimik.

"Tignan mo tol, hindi sumasagot, confirmed na. Miyembro ka na ng federasyon." sabi ni Tom na ang actions ay parang ginagaya ang isang bading. 

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay ni Antonio sa akin. "Halika na pasok na tayo hayaan mo na lang sila" ang sabi niya sa akin.

Dumeretso kaming pumasok sa loob at umupo sa mga bakanteng upuan sa likuran. Habang nakaupo ay nanatili lang akong nakayuko, pakiramdam ko kasi na nakatingin sa akin ang mga kaklase namin lalo na ng mga lalaki. Hindi ko kasi maatim na tignan nila ako na may kasamang panghuhusga. Naririnig ko kasi ang mga mahinang pagtawa nila.

Dahil sa katabi ko si Antonio ay hindi nakaligtas sa kanya ang kakaiba kong kinikilos. Marahil ay nalaman na niya ang dahilan noon base sa mga nasaksihan niyang mga eksena kanina.

"Josh" sabi niya na ang  tono ng boses ay may pag-aalala. 
"Ok lang ako" ang sagot ko sa kanya.
"Matagal na ba nilang ginagawa sa iyo ito?" ang sunod niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. hanggang sa dumating ang guro namin para sa unang subject.

Puro orientation lang ng subject at pagpapakilala sa sarili ang ginawa namin. Ganoon din sa mga sumunod naming guro hanggang sa sumapit ang oras ng recess.Nauna nang lumabas ang aming mga kaklase.

Habang pinapasok ko ang aking mga gamit sa bag," Josh sabay na tayong kumain" ang yaya ni Antonio at pumayag ako. Sabay kaming nagtungo sa canteen.

Nanbg makabili na ng aming kakainin ay naghanap kami ng mauupuan. Pero natagalan kaming makahanap ng bakante dahil sa sobrang dami ng estudyante. Marahil ay sabay-sabay ang oras ng aming mga breaktime.  Hanggang sa may mapansin akong kumakaway sa amin na nagsasabing doon kami umupo. Nakilala ko naman kung sino iyon kaya niyaya ko si Antonio na doon kami pumwesto.

"Halika dito na kayo sakto kakaalis lang ng mga kasama ko." ang alok ng isa kong kaklaseng na si Lalaine. Siya ang pinakaclose friend ko na babae sa aming magkakaklase at masasabi kong napakabait dahil kailanman ay hindi ko nakitang sumama sa mga nangkukutya sa akin.
"Salamat" sagot ko. Umupo kami sa tapat ng inuupuan niya.

"Hi Im Lalaine and youre Antonio right?" si Lalaine habang sabay-sabay kaming kumakain. Inabot niya ang kanyang kamay bilang pagpapakilala.Ako naman ay patuloy lang sa pagkain.
"Yes" sagot naman ni Antonio at nagkamayan silang dalawa.
"Ahm, may nickname ka ba para iyon na lang ang itawag ko sa iyo, no offense ha pero hindi kasi bagay kasi ang name mo kung pagbabasehan ang looks mo. Gwapo ka kasi eh" ang napapangiting pahayag ni Lalaine na halatang di napigilang ang paghanga.
"Its ok, hindi lang naman ikaw ang nagsasabi ng ganyan. You can call me tonton"
"Ok. By the way kaanu-ano mo pala itong si Josh? ang sunod niyang tanong.

Pinakinggan ko ang mga sinagot niya sa tanong na iyon.Bago sumagot ay saglit siyang tumingin sa akin.
"Ah, hindi naman kami magkamag-anak ni Josh. Kami yung bagong nakatira sa kanilang paupahang bahay. Galing kaming probinsya. Nakapasok ako dito dahil sa tulong ng mga magulang niya."

"Ganoon, laking probinsya ka, pero hindi ko agad nahalata ah kasi sa itsura, tindig at porma mo parang dito ka lang nakatira sa siyudad. At isa pa napakaswerte mo, sobrang mabait talaga ang mga magulang ni Josh lalo na yung Papa niya sa pagkakakilala ko sa kanila." si Lalaine. "At isa pa maganda na rin iyong nandito ka para may makasama siya and at the same time ay may magbantay sa kanya."

"Ano ba yang mga sinasabi mo Lalaine?" ang naging reaksyon ko.Naalala ko kasing ganoon din ang mga sinabi sa akin ni Mama at Papa.
"Bakit Josh, may nasabi ba akong mali? Kung tutuusin masaya ako at may makakasama ka na baka sakaling bumalik na ang dating Josh na nakilala ko."
Napatingin naman sa akin si Antonio. Napansin siguro ni Lalaine na nagtataka ito kaya nagsalita siyang muli.
"Ah Tonton, alam mo matalinong bata yan si Josh. Salutatorian nga iyan noong elementary eh sabi ng mama niya at laging nasasama sa top nung first year kami. Naging kaibigan ko siya dahil mabait siya, tahimik lang sa klase at palaaral. Tapos nung second year kami bigla na lang nagbago yan. Hindi na niya na maintain ang mga grades, nagbabaan sa lahat ng subjects. Minsan hindi na yan pumapasok after recess at may pagkakataong nag-aabsent talaga. Impluwensya kasi ng mga kaklase naming lalaki."

Puro tango lang ang naging reaksyon niya sa pahayag ni Lalaine, na nagpapahiwatig na malinaw sa kanya ang lahat. Tumingin siya sa akin, ngumiti at nagsalita. "Kung ganoon, marami pala akong dapat gawin sa iyo."

Tila nahipnotismo na naman ako sa pagtingin niya sa akin. Sa ilang sentimetro na pagitan ng aming mga mukha ay kapansin-pansin ang mala-anghel niyang ngiti. Doon ko lang napansin ang ganda ng kanyang mga ngipin at mata."

"Uy Josh, baka matunaw na si Tonton sa pagtitig mo sa kanya." si Lalaine na nagpabalik ng aking ulirat.
"Nahuhumaling lang siya sa akin sa akin" si Antonio na medyo natatawa. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang sinisipsip ang softdrinks na may pag iling-iling.
"Ah baka may gusto sa iyo" ang banat ni Lalaine. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ako magkakagusto sa kanya, isang probinsyano"
"Eh ano naman kung probinsyano. At siya na siguro ang nakatadhana sa iyo upang malaman mo na at ilabas ang tunay mong pagkatao"
"Lalaki ako Lalaine!"
"Naks naman kung makasagot ka parang may paninindigan ah. Totoo ba yan?" sagot niya na halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. "Alam ko, sinasabi mo lang yan dahil sa pagkutya sa iyo ng mga kaklase natin"

Sobrang nasapul ako sa sinabing niya. Kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya kay Antonio dahil alam na niya na hindi ako ganap na lalaki. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Pwede ring magbago ang pakikutungo niya sa akin tapos sasama siya sa mga kaklase naming lalaki at dadagdag sa mga manunukso sa akin. At ang mas kinakatakot ko pa ay ang posibilidad na makarating ito sa aking mga magulang. Baka itakwil nila ako.

"Oh bakit ganyang ang itsura mo" si Antonio na napansin yata ang reaksyon ko. "Kung anuman yang mga bumabagabag sa iyo, huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa iyo."

Tila lumuwag ang dibdib ko sa mga katagang binitawan niya. Ibig bang sabihin nito ay tanggap niya kung ano ako oh sinabi lang niya ito dahil sa bilin sa kanya ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala ulit.

"Narinig mo ba yun Josh, may tagapagtanggol ka na, hindi ka na ulit pagkakaisahan ng mga kaklase nating lalaki. Tonton, aasahan ko ang mga sinabi mo ha mangako ka" si Lalaine.
"I promise" nakangiting niyang tugon na tinaas pa ang kanyang kamay.

"Ok so tara 15 minutes na lang next subject na natin." si Lalaine sabay tingin sa kanyang relos. "Bilisan na natin ang pagkain"
Nang matapos ay sabay-sabay na kaming lumabas ng canteen at naglakad pabalik sa room.

Itutuloy......

Wednesday, March 16, 2011

PANTASYA Part 24

Kinabukasan, pinag-usapan namin ni nanay ang lahat. Sinabi ko sa kanya ang aking desisyon. Masaya ako dahil ipinapakita niya sa akin ang kanyang suporta. Dahil dito ay mas lalo ko pa siyang minahal bilang ina.

Nagpatulong ako kay Jerome na makahanap ng pansamantalang tirahan namin ni nanay. Hinihintay kasi namin si kuya na nangakong maghahanap na ng lilipatan naming bahay sa Maynila. Alam na rin ng aking kapatid ang lahat dahil kinuwento ko ang mga ito sa kanya. Kung sa una ay botong-boto siya sa amin ni Kuya Carlo ay kabaliktaran na ngayon.

Ang umagang iyon ay ang magiging huling araw ko sa opisina. Magbibigay na kasi ako ng resignation letter. Ipinaalam ko na rin ito kay Kuya Carlo sa aming pag-uusap kagabi.

Maaga pa lang ay dumating na si Jerome sa amin para magsabay kami. Habang bumibyahe ay sinabi ko sa kanya ang tungkol sa resignation letter hanggang sa makarating kami sa opisina.

Pagkapasok ko sa office ni Kuya Carlo ay nakita ko siya na nakaupo. Sapo ng kanyang dalawang kamay ang buong mukha at ang buhok niya ay medyo magulo.  Nilapitan ko siya upang iabot na ang resignation letter.

Bahagya naman akong nagulat sa aking nakita nang tanggalin niya ang kanyang mga kamay sa mukha upang abutin ang letter. Sobrang maga ang kanyang mga mata na parang pinagsamang antok at magdamang pag-iyak.

Wala siyang naging pagtutol. Marahil ay natanggap na niya ang aking desisyon.

Pinagbuti ko ang pagtatrabaho sa araw na iyon. Sa buong araw na iyon ay walang ginawa si Kuya Carlo kundi tignan lang ako. Ewan ko pero nakakaramdam na ako ng awa sa kanya. Alam ko ang bigat ng kanyang salooobin pero ako pilit nilalakasan ang loob upang ipakita sa kanya na kaya ko at mapaninindigan ko ang lahat.

"Aalis na po ako Sir," ang pagpapaalam ko sa kanya ng hapon iyon. "Inayos ko na rin po ang lahat ng papeles para sa papalit sa akin"
"Sige, mag-ingat ka" ang kanyang tugon na may isang pilit na ngiti. Napansin ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa mga mata niya matapos sabihin iyon.

Habang pababa ako ay hindi ko maiwasang maluha muli. Sa tuwing maaalala ko ang kanyang kaawa-awang itsura ay napapaiyak ako. Pero tulad nga ng ginawa ko kanina ay pilit akong nagpapakita ng katatagan.

Sa lobby ay nakita ko si Jerome na nag-aabang. Hinatid na niya ako sa amin.

Kinabukasan ay nakuha ko na ang aking pinakahuling sahod. Malaking bagay ito upang magamit ito pangtustos sa aming paglilipat.

Isang linggo pa ang lumipas nang tawagan kami ni kuya at sinabing nakakita na siya ng aming lilipatan. Kaya agad namin sinimulan ni nanay ang pag-aayos ng aming kagamitan. At dumating na ang araw ng aming pag-alis. 

Habang isinasakay ang aming mga kagamitan sa isang nirentahang trak, napansin kong wala si Kuya Carlo. Hindi ko namang magawang itanong kay Titay Mely na kasalukuyang kinakausap si nanay kung nasaan siya baka kung ano pa ang isipin niya. Naisip kong mas mabuti na rin ito para hindi na kami lalong masaktan pa.

Halos magtatakipsilim na nang makarating kami sa bahay ni kuya. Samantalang ang mga gamit namin ay dineretso na sa lilipatan namin. Sabay-sabay kaming naghapunang tatlo. Habang kumakain ay napag-usapan namin ang mga nangyari. At sa pag-uusap naming iyon ay nabuo ang isang desisyon,  ang tuluyang kalasin ang anumang ugnayan namin sa pamilya ni Kuya Carlo. 

Lumipas ang mga araw ay naging maayos naman ang buhay namin maliban sa problemang pinansyal. Dahil sa nawalan ako ng trabaho ay nagkaroon kami ng kakulangan sa panggastos sa araw-araw. Pilit naming pinagkakasya ni nanay ang perang inaabot ni kuya sa amin. Kaya nagpasiya akong maghanap ng bagong trabaho.

Tumagal ng halos tatlong buwan na wala akong trabaho hanggang sa isang araw.
"Hello Jerome, napatawag ka."
"Rico, kamusta na nakahanap ka na ba ng trabaho?" ang tanong ni Jerome sa akin.
"Sa kasamaang palad, wala pa rin." ang matamlay kong sagot sa kanya.
"Ganyan pala diyan ano, nasa Maynila ka na pero pahirapan pa rin maghanap ng trabaho. Siyanga pala Rico bago ko sabihin ang dahilan ng pagtawag ko sa iyo eh may ibabalita muna ako sa iyo."
"Tungkol saan na naman yan"
"Kay Sir Carlo"
"Ano ka ba naman Jerome, diba nag-usap na tayo sa bagay na yan."
"Alam ko iyon pero sure ka bang ayaw mong malaman?"
"Ayoko na. Hindi ko na babalikan pa ang nakaraan." sagot ko sa kanya.
"Ganoon ba, sayang naman. Oh ito na lang sasabihin ko sa iyo, nakausap ko ang isa kong kaibigan dyan sa Maynila, meron daw ngayong on-going audition diyan sa isang kilalang fashion boutique."
"So ano ngayon?" ang medyo pagkawalang interes kong sagot.
"Ano ka ba, chance mo na yan, hindi biro ang salary na makukuha mo"
"Ano bang trabaho yan?"
"Naghahanap sila ngayon ng bagong model"

Nabigla ako sa sinabing iyon ni Jerome. "Model? hindi ako pwede diyan"
"Hindi mo ba susubukan, alam mo ba kung bakit kita nirerekomenda na mag-audition, kasi naniniwala ako sa kakayahan mo. Yung kaibigan ko na ang nagsabi, base sa itsura mo sa mga pinakita kong mga pictures sa kanya ay may potensyal ka."
"Pero Jerome...."
"Nasa sa iyo yan, isipin mo na lang ang hirap sa paghahanap ng trabaho."
"Sige Jerome salamat sa tulong, pag-iisipan ko muna ang bagay na yan." ang nasabi ko na lang sa kanya.

Kinagabihan, kinonsulta ko kina kuya at nanay ang mga sinabi ni Jerome sa akin.
"Anak, wala kaming pagtutol ng kuya mo kung papasukin mo ang pagmomodelo, pero iniisip ka lang namin. Kung matatanggap ka, magiging exposed ka sa mga tao, baka ito ang maging dahilan ng pagkrus ninyo ng landas ng Kuya Carlo mo"
"Opo nay, naisip ko na rin ang posibilidad na yan, naaawa na rin ako kay Kuya e, nakikita ko pong nahihirapan siya sa pagsusustento sa atin. Gusto ko lang po ay makatulong."
"Ang bait talaga ng kapatid ko" ang nasambit ni Kuya. Alam ko ang pagkatouch niya sa sinabi ko. "Sige tol, kung ano ang desisyon mo, susuportahan ka namin ni nanay."

Kinabukasan, agad kong tinawagan si Jerome upang hingiin ang address at pangalan ng binanggit niyang boutique. Pagkarating ko sa lugar, nakita ko ang dami ng mga taong nakapila roon para mag-audition. Pumunta ako sa information at kumuha ng number. Pagkatapos noon ay umupo ako sa isang mahabang bench doon kasama ang ibang nag-audition.

Ilang minuto na rin akong nakaupo at naghihintay nang may tumabi sa aking isang lalaki.
"Hey nag-aapply ka rin ba?" ang tanong ng lalaki sa akin na naging dahilan upang tignan ko siya. Napansin kong may kagwapuhan siya at medyo bata sa akin pero hindi nagkakalayo ang aming mga katawan.
"Ah eh oo." ang naisagot ko na lang.
"Ok, bakit mo naman naisipang mag-audition?" ang sunod niyang tanong sa akin.
"No choice ako eh, nagbabakasakali lang kasi problemado kami sa pera ngayon"
"Pareho pala tayo, alam mo halos lahat naman ng tao dito eh ganyan din ang problema." sabi niya sabay turo sa ibang mga taong naroroon.
"Kasi di biro ang mga benefits na makukuha mo kung sakaling makukuha kang model" ang dagdag niya.

Bigla naman akong nagkaroon ng interes sa kanyang mga sinasabi kaya hinayaan ko lang siya magpatuloy. "Mayroong isang model dito na biglang umasenso. Dahil sa kanyang pagmomodelo ay nakabili siya ng bagong bahay at kotse para sa kanyang pamilya.
"Talaga?"
"Oo pero dapat maging handa ka sa mga ipapagawa sa iyo. May pagkakataong rarampa ka sa stage ng nakabrief lang gaya ng mga nakikita mo as TV at magazines."
"Alam ko na ang bagay na yan" ang sagot ko sa kanya. 
"Hindi lang yan, meron ka pang dapat....." ang sunod sana niyang sasabihin nang biglang tinawag ang aking numero.
"Sige salamat ha, pasok na ako sa loob" ang paalam ko sa aking kausap.

Medyo kinakabahan ako nang pumasok sa room ng audition. Nang makapasok, tumambad sa akin ang dalawang tao, isang babae at isang bakla. Agad silang nag-umpisa sa pag-iinterview sa akin. Sa una ay sinabi nila ang tungkol sa kanilang boutique.

Pagkatapos noon ay marami silang tinanong sa akin kabilang ang aking personal background at ang dahilan ng aking pag-audition. At ang pinakahuling pinagawa akin ay ang paghuhubad ng aking pang-itaas na damit. Kita ko ang pagkamangha sa mata ng bading na nag-iinterview sa akin. Ewan ko pero parang nakitaan ko siya ng pagnanasa sa kanyang mga mata ngunit hindi ko na lang pinansin iyon.

"May itsura ka naman, maganda ang iyong katawan kaya youre hired. Please come early to the office on Monday." ang huling sinabi ng babae na lubos kong ikinatuwa. Ito na kasi ang katuparan ng aking pangarap na matulungan ang aking pamilya.

Dahil sa sobrang excitement ay agad akong umuwi ng bahay upang ibalita kay nanay ang nangyari.

"Talaga anak, sabi ko na nga ba matatanggap ka. Masaya ako para sa yo" ang masiglang sagot ni nanay sa aking binalita.
"Sa wakas po, makakaahon na rin tayo, hindi na rin mahihirapan si kuya." sabi ko sabay yakap kay nanay.
"Pero anak, sigurado ka bang itutuloy mo yan, alam mo naman siguro..."
"Na matutunton ni Kuya Carlo ang kinalalagyan natin. E ano naman kung magkita kaming muli, wala ring magbabago, tanggap ko na hindi kami para sa isat-isa at saka ngayon siguro ay kasal na sila ni Marianne.
"Sige anak, pagbutihan mo na lang. Tandaan mo na nandito lang kami ng kuya mo para sa iyo." sagot ni nanay sabay haplos ng aking ulo.

Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi maghanda para sa aking bagong trabaho. Sa tulong ni kuya ay nagpagupit ako ng buhok, nagpafacial ng mukha, at nag-exercise sa isang gym na malapit sa bahay. 

At dumating ang araw ng aking pagsisimula.

Maya-maya ay lumabas ang isang staff at tinawag ang aking numero.
"Sige salamat ha, pasok na ako sa loob" ang paalam ko sa aking kausap.

Medyo kinakabahan ako nang pumasok sa room ng audition. Nang makapasok, tumambad sa akin ang dalawang tao, isang babae at isang bakla. Agad silang nag-umpisa sa pag-iinterview sa akin. Sa una ay nag-orient sila tungkol sa kanilang boutique.

Pagkatapos noon ay marami silang tinanong sa akin kabilang ang aking personal background at ang dahilan ng aking pag-audition. At ang pinakahuling pinagawa akin ay ang paghuhubad ng aking pang-itaas na damit. Kita ko ang pagkamangha sa mata ng bading na nag-iinterview sa akin. Ewan ko pero parang nakitaan ko siya ng pagnanasa sa kanyang mga mata ngunit hindi ko na lang pinansin iyon.

"May itsura ka naman, maganda ang iyong katawan kaya youre hired. Please come early to the office on Monday." ang huling sinabi ng babae na lubos kong ikinatuwa. Ito na kasi ang katuparan ng aking pangarap na matulungan ang aking pamilya.

Dahil sa sobrang excitement ay agad akong umuwi ng bahay upang ibalita kay nanay ang nangyari.

"Talaga anak, sabi ko na nga ba matatanggap ka. Masaya ako para sa yo" ang masiglang sagot ni nanay sa aking binalita.
"Sa wakas po, makakaahon na rin tayo, hindi na rin mahihirapan si kuya." sabi ko sabay yakap kay nanay.
"Pero anak, sigurado ka bang itutuloy mo yan, alam mo naman siguro..."
"Na matutunton ni Kuya Carlo ang kinalalagyan natin. E ano naman kung magkita kaming muli, wala ring magbabago, tanggap ko na hindi kami para sa isat-isa at saka ngayon siguro ay kasal na sila ni Marianne. Sa ngayon kasi ito lang ang nakikita kong paraan para maibsan ang paghihirap natin.
"Sige anak, pagbutihan mo na lang. Tandaan mo na nandito lang kami ng kuya mo para sa iyo." sagot ni nanay sabay haplos ng aking ulo.

Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi maghanda para sa aking bagong trabaho. Sa tulong ni kuya ay nagpagupit ako ng buhok at nagpafacial ng mukha. at nNag-inquire na rin ako for membership sa  gym sa isang kilalang mall.

At dumating ang araw ng aking pagsisimula.

Wednesday, March 9, 2011

MAHAL KITA Part 3

Halos sasabog na ang utak ko sa sobrang asar nang bumalik ako ng bahay. Sumasagi sa isip ko habang nagmamaneho na hindi muna umuwi at magliwaliw gaya ng parati kong ginagawa pero mas iniisip ko ngayon ay ang mga taong naghihintay ng resulta. Papalapit pa lang ako sa gate ng aming bahay ng maaninag ko agad ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng gate na animoy may hinihintay. Nakilala ko lang ito nang lubusan akong makalapit. Binuksan niya ang gate upang maipasok ko na ang sasakyan.

Pagkalabas ko pa lang ng kotse ay agad niya akong nilapitan. "Josh ano..." ang itatanong sana niya pero agad ko itong pinutol. "Sa loob na lang natin pag-usapan."

At ganoon nga ang nangyari, halos magcelebrate ang aking mga magulang sa aking binalita, siyempre pabor sa kanila iyon. Napatingin naman ako kay Antonio, napansin ko ang sobra niyang pagngiti. "Tuwa ka diyan!", sa isip-isip ko lang.

Makalipas ng ilang araw ay pinaghandaan na nina Mama at Papa ang nalalapit na pasukan namin ni Antonio. Oo, kasama ang lalaking probinsyano na iyon. Ewan ko nga pero nahihiwagaan ako sa pinapakitang kabaitan nila sa kanya. Ito namang si Antonio, e feel na feel ang special attention na binibigay sa kaniya base sa nakikita ko sa kanya.

Tatlong araw bago ang pagbubukas ng school year ay lumipad na pabalik ng Singapore ang aking mga magulang. Sa airport bago umalis ay sandamakmak na bilin na naman ang sinabi nila sa akin na halos ikatuliro ko.

"Saglit lang anak ha, may sasabihin lang kami ng Mama mo kay Antonio." paalam ni Papa sa akin. Nagtataka man ay napa oo na lang ako. Tumagal ng halos 15 minuto ang kanilang pag-uusap.
"Sige anak, Antonio, Myrna alis na kami." paalam ni Mama sa amin. 

Masayang nag-uusap ang mag-ina sa likod ng kotse samantalang ako wala lang, nagmamaneho. Pero napapansin ko ang sobrang closeness nila sa isa't isa at masaya sila, di alintana na mahirap sila na maraming problemang pinagdadaanan. Ilang minuto pa ang nakalipas ng makabalik kami ng bahay.

At ngayon magsisimula ang napakalaking pagbabago sa aking buhay. Kung dati-rati ay nagdidiwang ako kapag wala na ang mga magulang ko, nandyan yung tatawagan ko ang lahat ng aking mga katropa at magjajamming kami sa bahay, sa mall o sa disco ay iba na ngayon dahil narito na ang mga sagabal. Ano pa bang magagawa ko?

Huling gabi bago magpasukan kinabukasan nang may kumatok sa aking kwarto. Dahil sa pagkaabala sa paglalaro sa laptop ay sinabihan ko na lang siya na tumuloy. Nang lumingon ako ay nakita ko si Antonio na nakaitim na sando at boxer shorts lang. Ewan ko pero biglang naguluhan ang aking utak sa aking nasilayan kaya agad kong binalik ang aking atensyon sa aking ginagawa.

"Josh, pwede ba kitang makausap?" ang bungad niyang tanong.
"Ano yon sabihin mo na agad" ang matabang kong tugon.
Naramdaman kong kinuha niya ang isang silya malapit sa aking study table at nilapit ito sa kama kung saan ako nakadapa habang naglalaro sa laptop. Umupo siya sa tapat ko.

"Gusto ko lang sana itanong kung malaki pa ba ang pag-asang magkasundo tayo, kahit yung tipong maging magkaibigan lang ok na sana sa akin?" ang medyo nahihiya niyang tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanyang tanong nang mapadako ang tingin ko sa kanyang boxer shorts na nakaawang sapat upang masilayan ko ang kanyang puting brief. Pakiramdam ko tuloy ay biglang nagkapalit- palit ang mga parte ng utak ko at napunta sa iba-ibang direksyon. Maya-maya pa'y nakita ko na ang tinatagong malaking umbok ng kanyang pagkalalaki!

"Josh"
"Malaki...."
"Talaga!?!?"

Napatayo siya sa kanyang kinauupuan sapat upang bumalik ako mula sa katinuan mula sa malisyoso kong kautakan kanina.
"Ah, eh sabi ko malaking kalokohan ang magkasundo tayo." ang naisagot ko. Buti na lang at nakaisip agad ako ng palusot.

Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha at umupo na lang ulit. Ako naman ay itinuon ko na ang pokus sa nilalaro. "Ganoon ba? Sige ipapaalam ko na lang sa iyo na simula bukas ay sabay tayo papasok at uuwi." sabi ni Antonio na medyo may lungkot ang tono ng boses.

"Oo, alam ko naman iyon di mo na kailangang sabihin pa. Yun lang ba ang pinunta mo dito?" 
"Meron pa isa Josh, bumili si Tito ng bagong motorsiklo para magamit natin." 
"Aba, talaga naman ang lakas mo na kay Papa ah" sagot ko. Sa wakas magkakaroon na rin ako ng sarili kong motor tulad ng iba kong mga kaklaseng lalaki. 
"Eh nasaan na ang motorsiklo ko" ang sunod kong tanong na may excitement. Wala naman kasi akong napansin na may nakaparada sa labas ng bahay.

Pinuntahan naming dalawa ni Antonio ang lugar kung nasaan nakaparada ang motorsiklo. Naroon pala ito sa as bakuran ng tinitirhan nilang bahay. Habang papalapit kami sa lugar ay lalong tumitindi ang aking excitement.

At nang makarating kami ay agad kong nakita ang kinaroroonan nito. Isang bagong modelo ito na nakikita ko sa mall. Agad akong lumapit at sumakay.

"Susi"
"Ha"
"Siyempre kailangang mabinyagan na itong motor ko." ang medyo pagyayabang kong sagot habang pinagmamasdan maigi ang features nito.
"Bukas na lang Josh"

Medyo nainis naman ako sa sagot niya. "Pati ba naman dito sa motor ko e papakialaman mo pa, bakit di mo na lang intindihin yung para sa iyo."
"Iniintindi ko naman ah"
"Eh bakit mo pinapakialaman mo pa itong sa akin?"
"Kasi sa akin din yan. Binili ni Tito ang motorsiklo na iyan para sa ating dalawa."

Nabigla naman ako sa sagot niyang iyon. Tinignan ko ang paligid, walang ibang motorsiklo ang naroroon. Naisip ko ang mga pwedeng mangyari, isa sa amin ang magiging driver at angkas sa likod. Kapag nakita kami sa school na nasa ganoong set-up ay baka paghinalaan kaming dalawa.

Ngunit may katiting na porsyento ng aking kautakaan ang pumapabor sa ginawa ni Dad. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ay siya ang maging driver tapos aangkas ako sa likod niya. Siyempre may pagkakataong na akong maka-iskor sa kanya. Habang nagmamaneho ay nadyan yung pasimpleng yayapusin ko siya ng yakap mahaplos lamang ang kanyang matipunong katawan na matagal ko nang nakikita at aamoy-amuyin ang kanyang samyo. Pwede din namang pasimple kong hahaplusin ang kanyang mga hita hanggang mapunta sa...

"Josh, Josh, Josh" ang pagyugyog sa akin ni Antonio na nagpabalik muli ng aking diwa mula sa aking imahinasyon."Kanina ka pa tulala diyan ah."
"Wala" napabulyaw kong sagot sa kanya. Ewan ko ba simula nang dumating ang taong ito ay kung anu-anong masasamang bagay na ang pumasok sa aking isipan.
"Ok." ang tugon niyang may pagngisi. Nang tignan ko siya, di ko alam pero may napupuna akong malisya roon ngunit di ko na lang binigyang pansin pa.

"Ang gusto ko sanang sabihin sa iyo kanina dun sa kwarto mo eh kung ano ang magiging set-up natin sa motor na iyan?" ang sunod niyang tanong.
"Teka hindi pa naman ako pumapayag na dalawa tayong gagamit niyan. Siyempre hindi ka naman papayag na angkinin ko yan kaya gagamitin ko na lang ang kotse.
"Hindi mo na pwede gamitin ang kotse."
"Bakit naman?"
"Iyon ang isa sa mga bilin sa akin ni Tito. Na dapat matuto kang maging independent saka mas mababantayan kita ng maigi kapag ganito"
"Arrhhh! Ewan! Sige payag na ako." ang napilitan kong pagsang-ayon.
"Good. So wala nang problema. May mungkahi pala ako kung gusto mo, na palitan tayo sa pagmamaneho ikaw sa umaga ako sa uwian. Ok ba sa iyo yun Josh?" ang tanong niya muling may kasamang ngiti.
"Sige na! Oo na! Panalo ka na!" ang pikon na pikon ko nang sagot.
Sinuklian lang niya ito ng isang pagtawa na dahilan upang alisan siya at umuwi.

Itutuloy.....

Wednesday, March 2, 2011

PANTASYA Part 23

Kinakabahan man ay pormal akong sumunod kay Kuya Carlo papasok ng opisina. Samantalang tumayo si Marianne sa kanyang kinauupuan at mabilis na nilapitan si Kuya Carlo.

"Good Morning honey" si Marianne sabay yakap.
"Good Morning din." sagot naman ni Kuya Carlo. "Bakit ka nandito?"
"Do you remember what I told you yesterday? Sisimulan ko na yun ngayon."

Naalala ko naman ang kanyang tinutukoy, ang sinabing aangkinin niya muli si Kuya Carlo at babaguhin ito.

"Oh, may kasama ka pala, baka pwede mo naman akong ipakilala sa kanya" si Marianne na tumingin sa aking kinaroroonan. Bahagya naman akong nagulat.

"Ah eh, siya si Rico, assistant ko." ang pagpapakilala niya sa akin.

Maya-maya ay nilapitan ako ni Marianne. Lalong lumakas ang aking kaba sa kanyang sunod na ginawa. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na animoy kinikilatis ako.

"So you are Rico. Im Marianne the future wife of Carlo." ang kanyang pagpapakilala.
Tila nabigla si Kuya Carlo sa narinig. "Ano ba ang pinagsasasabi mo Marianne?"
"Bakit, di ba totoo naman, I am the mother of your daughter."
"Pero hindi naman tayo magpapakasal"
Humalakhak naman ang babae. "Nagpapatawa ka ba, pananagutan mo na ako ngayon dahil sa anak natin. And besides wala namang masama kung magpapakasal tayo, lalaki ka babae ako."

Parang sibat sa aking puso ang mga pahayag ni Marianne. Tama siya, walang hadlang kung magpapakasal sila. Natural lang iyon sa isang lalaki at babae. At isa pa ay may anak sila, kailangan iyon upang mabuo ang kanilang pamilya. Hindi ko naman maiwasang mahabag sa aking sarili.

"No Marianne, nag-usap na tayo sa bagay na iyan di ba. At pumayag ka sa kasunduan natin." 
"Hindi pa naman huli ang lahat, saka namimiss kita eh, wala namang masama kung hindi ako sumunod sa kasunduan."
"Ayoko Marianne" ang may pailing-iling na sagot ni Kuya Carlo.

"Bakit Carlo, dahil ba sa kanya ha!" ang napataas na tanong ni Marianne sabay turo sa akin. "Anong gayuma ang ginawa sa iyo ng taong ito para magkaganyan ka?"
"Pwede ba wag kang mag-eskandalo dito, tandaan mo na nandito ka sa opisina ko" may pormal na pagsagot ni Kuya Carlo.
"Sagutin mo ang tanong ko, huwag mong ilihis ang usapan."
Bumuntong hininga si Kuya Carlo bago sumagot. "Wala kang pakialam sa buhay ko Marianne"
"Wala, ganoon na lang ba iyon. Nasasabi mo pa yan matapos mong sirain ang buhay ko"
Hindi sumagot si Kuya Carlo. Yumuko lang ito.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pinagpalit mo ako sa taong tulad niya" si Marianne at tumingin ulit sa akin.
"At ikaw, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo. Sayang, may itsura ka pa naman at maganda ang katawan pero may pagkaberde pala ang dugo mo. Tama nga ang sabi ng iba na kabilang ka sa mga salot sa lipunan."

Wala ako magawa sa mga oras na iyon kundi manahimik na lang. Sa loob-loob ko ay gusto ko nang umalis sa lugar na iyon at pumunta sa isang lugar na kung saan mailalabas ko ang aking sama ng loob. Grabe ang naging epekto sa akin ng mga sinabi ni Marianne.

"Tumigil ka na Mariaane, sumosobra ka na. Wala kang karapatang pagsalitaan si Rico nang ganyan!" ang napapalakas na boses ni Kuya Carlo.
"Bakit hindi ba totoo na bakla siya di ba Rico?"
Hindi ako makatingin ng deretso kay Mariaane. Nanatili akong nakayuko.

"Marahil ngayon ay hiyang-kiya ka sa sarili mo at narealize mo na ang iyong mga pagkakamali. Kaya kung ako sa iyo ay magbago ka na. Maghanap ka ng taong karapat-dapat sa iyo hindi yung mang-aagaw ka ng taong may responsibilidad na." si Marianne.

Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sunud-sunod na patutsada ni Marianne sa akin. Kaya nagpasiya muna akong umalis sa lugar, baka hindi ko na kayanin pa ang mga sasabihin pa niya.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Kuya Carlo, Mabilis akong lumabas habang naluluha. Hindi ko na alam ang direksyon na aking  tinatakbuhan pero isa lang ang alam ko, gusto ko munag lumayo. Hanggang sa makarating ako sa isang childrens playground. Umupo ako sa isang swing doon. Walang patid ang pagtulo ng aking mga luha.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iiyak nang mapukaw ng aking atensyon ang mga masasayang batang naglalaro doon habang nagbabantay sa kanila ang mga magulang nila. Muli ay naalala ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Marianne. Masakit man, pero wala akong naging pagtutol. Walang patutunguhan ang relasyon namin ni Kuya Carlo. Si Marianne ang karapat-dapat sa kanya, siya ang makapagbibigay at kukumpleto sa isang masayang pamilya tulad ng nakikita ko ngayon.

Maya-maya isang kamay ang tumapat sa aking mukha na may hawak na ice cream. Napatingin naman ako sa taong nagmamay-ari nito.

"Gusto mo" ang sabi niya nang tignan ko.
"Ikaw pala Jerome" sagot ko sabay pahid ng mga luha sa aking mata.
"Kain ka muna pampalamig ng ulo" Kinuha ko ang icecream sa kanya. 
"Salamat." sabi ko sa kanya. Umupo siya sa kabilang swing.

"Nakita kitang nagtatakbong lumabas ng building kanina. Alam ko na sobra ang iyong kalungkutan. Kaya sinundan kita. Maaari kang magshare sa akin, para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo."
"Jerome salamat sa malasakit. Isa ka talagang mabuting kaibigan."
"Kaibigan lang, hindi ba pwedeng bestfriend?" ang tanong niyang may halong biro. Napangiti naman ako sa kanya.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ng mga oras na iyon habang kinakain namin ang ice cream. Alam ko na naghihintay lang si Jerome na iopen ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Pero tumagal pa ito ng ilang minuto kaya siya na ang bumasag nito.

"Wala ka pa bang balak bumalik sa opisina?" ang una niyang tanong sa akin.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Ako, hindi ko alam. Gusto ko muna dito magpalipas ng oras para makapag-isip."
"Maaari ko bang malaman kung ano ang mga iniisip moat saloobin mo, mas maganda kasi kung ilalabas mo yan. Tulad ng sinabi ko kanina, maaari mong ibahagi sa akin yan."

Doon na ako naglakas loob na sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. At sinimulan ko isalaysay sa kanya ang lahat samantalang siya ay nakikinig lang. Matapos noon ay napaiyak na naman ako, pero kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.

Bigla siyang tumayo sa swing at nilapitan ako. Umupo siya nang bahagya sa tapat ko at pinahid ang aking mga luha gamit ng kanyang daliri. "Ano na ang gagawin mo ngayon?" ang sunod niyang tanong sa akin.

"Hindi ko pa alam. Naguguluhan pa kasi ako sa mga nangyari eh" ang naisagot ko lang.
"Siguro, kailangan mo nang dumistansya sa kanya. Alam ko na masakit ito para sa iyo dahil sa pagmamahal mo sa kanya."

Napaisip ako sa payo niyang iyon sa akin. Tama siya, ako na mismo ang dapat lumayo sa kanya dahil patuloy lang akong masasaktan kung ipagsisiksikan ko pa ang sarili ko kay Kuya Carlo.

"Salamat  Jerome."

Pinahid niyang muli ang natitirang luha sa aking pisngi. "Ito lang ang maipapayo ko sa iyo bilang kaibigan, gawin mong basehan ang  mga nangyari sa iyo para makabuo ka ng isang desisyon." Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Pagkatapos noon ay tumayo siya. Hinawakan niya ako sa aking mga braso at hinila ako para tumayo rin. "Tutal ay wala ka pang balak bumalik sa opisina , tara gumala tayo."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam ko na gusto lang niya akong tulungan upang mapawi ang aking kalungkutan, kaya pumayag ako. 

Nagpunta kami sa isang SM mall sa lugar na iyon. Habang naglilibot kami ay panay ring ang cellphone ko. Alam kong si Kuya Carlo iyon kaya pinasiya ko munang patayin ito. Kumain kami sa isang restaurant doon at pagkatapos ay sa Worlds of Fun. Maraming biniling token si Jerome kaya halos lahat ng machine doon ay nalaro namin. At ang pinakahuling ginawa ay ang pagkanta sa KTV booth.

Hindi na namin namalayan ang oras at inabot kami ng gabi. Nagpasiya si Jerome na ihatid na lang ako sa amin.

"Jerome maraming salamat ah kahit naubos ang pera mo" sabi ko sa kanya habang nakasakay kami sa jeep.
"Ok lang sa akin iyon. Bilang bestfriend ay gagawin ko ang lahat upang sumaya ka sa abot ng aking makakaya" ang sagot ni Jerome sa akin. Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti.

Pagkababa sa jeep ay sabay kaming nagtungo ni Jerome sa aming bahay. Habang naglalakad ay panay ang kanyang pagkukuwento at pagsasabi ng mga jokes. Mababaw lang naman ako kaya napapatawa  ako sa mga sinasabi niya kahit na may pagkacorny ang mga ito. Hanggang sa makarating kami sa aming bahay.

"Tara pasok ka muna" ang paanyaya ko kay Jerome habang binubuksan ko ang gate.
"Sige" ang sagot niya at sumunod sa akin.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay isang sigaw ang aking narinig mula sa labas.

"Rico!"

Napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses. Biglang lapit naman ng taong ito at isang suntok ang pinakawalan sa mukha ni Jerome na dahilan upang mapaupo siya sa semento.

"Bakit mo siya sinaktan?" ang pahayag kong may bahid ng pagkabigla. Nilapitan ko si Jerome at inalalayang tumayo.
"Dapat lang sa kanya yan, hindi marunong tumupad sa usapan." ang maangas na sagot ni Kuya Carlo. Alam ko ang tinutukoy niya ay ang pagdistansiya sa akin.
"Sa tingin mo may bisa pa ba ang kasunduang iyon sa mga nangyayari ngayon kay Rico" ang biglang pagsabay ni Jerome sabay punas ng dugo sa labi gamit ang kanyang mga kamay.
 "Aba talagang ginagalit mo ako ha!" Akmang susuntukin pa niya sana si Jerome nang harangan ko na siya.

"Pwede bang tumigil ka na. Wala kang karapatan na saktan si Jerome dahil wala siyang ginagawang masama!"
"Wala, tignan mo nga ang ginagawa niyang pang-aagaw."
"Hindi siya mang-aagaw, dinadamayan lang niya ako sa mga problema ko."
"Bakit sa kanya pa, nandito naman ako?"
"Dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin, at kahit kailan ay hindi pa niya sinaktan ang damdamin ko di tulad mo."

Bigla namang lumabas si Nanay. "Anong nangyayari rito?" ang nagtatakang tanong niya.
"Jerome, sabay ka muna kay Nanay sa loob." ang utos ko sa kanya. "Nay pakigamot naman po siya" ang pakiusap ko kay nanay.

"Huwag mong sabihin na pinagpalit mo na ako sa kanya." ang medyo galit na tanong ni Kuya Carlo pagkapasok nina Jerome. 
"At kung sasabihin kong oo may magagawa ka pa ba? Di ba wala? Sa tingin ko nga ay dapat na natin itigil ang relasyon natin. Maghiwalay na lang tayo alang-alang sa pamilya mo." ang deretsahang sagot ko sa kanya. Bigla naman akong nagkalakas ng loob na sabihin ang mga bagay na iyon dahil sa nangyari kay Jerome.
"Masyado na akong nasasaktan sa mga nangyayari. Narinig mo naman lahat ng mga sinabi ni Marianne sa akin kanina. Binaba niya nang husto ang aking pagkatao at ako pa ang sinisisi niya sa mga nangyayari sa iyo."

"Kung anuman ang mga sinabi ni Marianne kanina ay ako na ang humihingi ng tawad" ang mahinahong pahayag ni Kuya Carlo.
"Hindi mo kailangang gawin iyon para sa kanya. Tama kasi siya. Alam kong mahal ka ni Marianne kaya ginagawa niya ang mga ganitong bagay. Gusto lang niya na mabuo ang inyong pamilya. Naiintindihan ko ang lahat ng ito kaya para sa ikaaayos ng lahat ay nararapat lang na putulin ko na ang pakikipag-ugnayan sa iyo."
Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa sunod niyang ginawa. Yumakap siya sa akin at humagulgol.

Itutuloy......