Monday, February 21, 2011

PANTASYA Part 22

Pagbaba namin ng kotse ay agad sinalubong kami ni Tita Mely kasama si nanay.
"Carlo, anak patawarin mo ako" ang agarang sinabi niya  kay Kuya Carlo.
"Mabuti pang pumasok muna tayong lahat sa loob para makapag-usap." sagot niya.
"Rico, Tita pasok po muna kayo" ang yaya niya sa aming mag-ina.

"Ano kaya ang pakay niya sa kanyang pagbabalik?" ang pagbubukas ni Kuya Carlo ng usapan nang makaupo kaming lahat sa sala.
"Akala ko ba naghiwalay na kayo?" si Tita Mely. "Anak hindi mo muna inayos ang mga bagay na iyan bago bumalik ng bansa. "
"Hindi naman naging kami Ma. Ewan ko, naguguluhan ako, wala akong idea kung bakit siya bumalik ng Pilipinas."

Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Kuya Carlo. Dahil nakaloudspeaker pa rin ito ay narinig namin lahat ang boses ng kanyang kausap.
"Hello, Angel anak nasaan ka" may pag-aalalang tanong ni Kuya Carlo.
"Daddy" May kasamang paghikbing sagot ng kanyang anak.

Bigla namang nag-iba ng boses ang nasa cellphone. Inagaw siguro sa bata ang cellphone. "Hi Darling, kamusta ka na"
"Marianne!" napasigaw na si Kuya Carlo.
"Ako nga, Im back! hindi mo ba ako na miss matapos mong sirain ang buhay ko"
"Saan mo dinala si Angel?" hindi niya sinagot ang tanong nung babae. 
"Kung makapagtanong ka naman, ano akala mo sa akin kidnapper. Im here to get my daughter"
"Ano! di ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na iyan"
"Wala namang masama na kunin ko ang aking anak."
Napabuntung hininga si Kuya Carlo bago sumagot. "Bakit mo ginagawa ito Marianne?"
"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, ano ang ginawa mo kay Angel? Nilason mo ang utak ng bata"
Tila nabigla si Kuya Carlo sa kanyang narinig. "Ano ang ibig mong sabihin, pinalaki ko at inalagaan siya ng maayos"
"Talaga lang ha, kaya pala kung anu-ano na ang sinasabi ng bata."

Kita ko ang panggigigil ni Kuya Carlo sa kausap. "Marianne mag-usap tayong dalawa."
"Sure why not. Pupunta ako diyan mamaya. Pero hindi ko na isasama si Angel."
"Ok" ang panglalambot niyang sagot.

Lumipas ang dalawang oras ng may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Pagkabukas ni Kuya Carlo ng pinto ay iniluwa ang isang magandang babae. Dere-deretso siyang pumasok sa loob at umupo sa sofa. Samantalang kami ni nanay ay nagpasiyang lumabas muna para makapag-usap sila ng maayos.

Pero nakaramdam naman ako ng pag-aalala kay Kuya Carlo kaya hindi ko maiwasang pakinggan ang kanilang pag-uusap. Pumuwesto ako malapit sa isang bintana ng kanilang bahay sapat upang masilip at madinig ang usapan.

"Kamusta na honey, I miss you" sabi ng babae saka lumingkis ng yakap kay Kuya Carlo.
Pilit na kinakalas ni Kuya Carlo ang pagyakap sa kanya."Pwede ba Marianne, itigil mo na ang kalokohang ito."
"I love you so much Carlo" lalong humigpit ang yakap niya.
"Pero hindi kita mahal Marianne, sinabi ko na sa iyo yan noon pa."
"Maaari pa naman magbago ang lahat di ba? Buuin natin ang ating pamilya, tayong dalawa kasama si Angel"

"Nahihibang ka na" sagot ni Kuya Carlo sabay puwersahang tinanggal ang mga braso ni Marianne.

"Ikaw ang nahihibang Carlo dahil pinagpalit mo ako sa isang lalaki."
Nabigla ako sa pinahayag nung babae. Ganoon din ang naging reaksyon ni Kuya Carlo.

"Ano hindi ka makapagsalita ha? Totoo nga ang mga impormasyong nakarating sa akin. My God, paano mo nagagawa sa akin ang mga ganitong bagay ha."
"Wala kang pakialam sa buhay ko Marianne."
"Wala nga ba? Matapos mo akong buntisin, ano yun ginawa mo lang akong parausan ganoon ba? Alam mo bang dahil sa pagmamahal ko sa iyo ay pumayag akong ibigay ang sarili sa iyo."
"Tapos na iyon Marianne, nangyari na eh. Pero nagkasundo naman tayong susuportahan ko ang bata. Hindi ko naman tinanggihan si Angel nung ibigay mo siya sa akin. Inalagaan ko siya"
"Iyon nga ang isa kong pinagsisisihan, ang ipagkatiwala siya sa iyo. Nilason mo ang utak ng bata, kung anu-ano ang kinukuwento mo sa kanya. Kanina lang nung magkasama kami, palagi niyang binabanggit ang pangalang Rico na love mo daw. Tsk. Sabihin mo nga sa akin siya ba ang dahilan kung bakit di mo ako mapakasalan nung nasa America ka pa ha?"

Hindi ko na maiwasang maluha ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko na ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkakagulo ngayon. Tinignan ko ang mukha ni Kuya Carlo, seryoso siya at bumuntong hininga bago sumagot.
"Oo" ang kanyang pag-amin.
Walang nagawa si Marianne kundi ang maiyak. Sapo ng kanyang mga kamay ang mukha ay nagsalita siya.
"Hindi ako makapaniwala Carlo, sa itsura mong iyan ay papatol ka sa isang lalaki. Minumulat mo pa  si Angel sa maling gawain.

Napaupo na lang si Kuya Carlo sa sofa na nag-iisip. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagluha. Pero mas lalong hindi ko kinaya ang ma sunod niyang sinabi.

"Carlo, hindi ako makakapayag, alam ko at nararamdaman ko na magbabago ka pa. Maaari mo pang itama ang mga baluktot mong pananaw. Ang lalaki ay para sa babae, walang magandang maidudulot ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki, bawal yan sa batas ng Diyos alam mo yan. Lahat ng pangangailangan ng isang lalaki ay sa maibibigay ng babae. Kaya simula bukas ay hindi ako titigil hanggat di ka napapasa akin. Kung gusto mo makita pang muli ang anak mo ay pakasalan mo ako." ang mga huli niyang sinabi bago tuluyang umalis ng bahay. Agad naman akong nagtago upang hindi niya ako makita.

Nanlalambot akong bumalik sa aming bahay. Hindi ko alam pero ito na yata ang pinakamasakit na naranasan ko, mas malala pa sa ginawa ni Kuya Carlo sa akin dati. Dumeretso ako sa aking kwarto at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.

Muli kong naalala ang huling sinabi ni Marianne. Tama siya. Kahit saan anggulo mo tignan ay bawal ang aming relasyon. Ang lalaki ay para sa babae. Lahat ng pangangailangan ni Kuya Carlo ay maibibigay niya tulad ng anak at pamilya. Hindi ko na alam pa ang mga susunod na mangyayari matapos ang insidenteng ito.

Habang patuloy ang aking pag-iiyak ay nagring ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ni Kuya Carlo ay hindi ko na magawang sagutin. Ewan ko pero natatakot ako sa maaaring sabihin niya. Baka tuluyan na siyang magbago dahil sa sinabi ni Marianne, at hindi ko kayang tanggapin iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang may biglang pumasok sa aking kwarto, hindi ko na nailock pa iyon dahil sa dami ng aking iniisip. Agad naman niya akong nilapitan sa kama at niyakap.

"Pwede bang umalis ka muna gusto ko lang mapag-isa"
"Hindi Rico, dito lang ako wag kang mag-alala magiging maayos ang lahat" ang sagot ni Kuya Carlo habang hinahaplos ako sa ulo.
"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina, tama siya. Alam mo bang nakokonsensiya ako, pakiramdam ko na ako ang may kasalanan"
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang magbabago sa atin Rico."
"Kung makapagsalita ka ay parang madali lang ang lahat. Sabihin mo nga sa akin kung may naisip ka nang paraan para masolusyonan ang problemang ito"

Hindi agad nakasagot si Kuya Carlo. Kumpirmadong wala pa siyang naisip na paraan. Sa palagay ko ay mahirap na ito solusyonan lalo na kung ipipilit ipagpatuloy ang mali.
"Siguro ang tanging solusyon na lang dito ay itama ang mga mali para sa ikabubuti ng lahat."
Kita ko ang pagkabigla ni Kuya Carlo sa mga sinabi ko. "Sa pananalita mo parang sinusuko mo na ako. Paano na lang ang pagmamahalan natin Rico."
Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap bago sumagot. "Iyon ang tama Kuya Carlo. Kahit masakit sa akin ay tatanggapin ko kung iyon lang ang tanging paraan. Alam kong mahal mo si Angel. Natural lang na maghabol sa iyo si Marianne dahil siya kanyang ina."

Napapailing-iling na lang si Kuya Carlo. May nakikita na rin akong mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. "Hindi ako papayag Rico, ngayon pa't alam ko na ang makakapagpasaya sa akin at iyon ay ang pagmamahal ko sa iyo. Kung ganyan ka kadaling bumigay, ibahin mo ako dahil hindi ako basta-basta sumusuko."

"Itigil muna natin ang walang kwentang pag-uusap na ito. Kung maaari lang sana ay lumabas ka muna ng aking kwarto." ang pagtataboy ko sa kanya. Tumayo ako at tinutulak siya palabas. Hindi na rin siya tumanggi pa, marahil ay naiintidihan niya ang aking dinaramdam. Nang makalabas siya ay ni-lock ko ang pinto.

"Basta tandaan mo Rico, Mahal na mahal kita. Hayaan mo at malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. Pinapangako ko na gagawan ko ito ng paraan." ang narinig kong sinabi niya bago tuluyang umalis.
______

Hindi ko alam ang aking gagawin nang magising ako kinabukasan. Kung papasok ba ako sa trabaho o liliban na lang. Parang hindi ko kasi kakayanin na makita ang mga bagay na maaaring mangyari.

"Rico anak, tanghali na, kanina ka pa inaantay ni Carlo sa labas." sabi ni nanay habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Pakisabi na lang sa kanya na hindi muna ako makakapasok at masakit ang pakiramdam ko." sagot ko kay nanay.
"Ano ba yang sinasabi mo anak, buksan mo nga itong pinto" ang utos ni nanay.
Agad naman akong tumayo at binuksan ito. "Hindi ka pwedeng mag-absent. Kakahiya naman kay Carlo. Rico kung anuman ang problema ninyong dalawa ay wag mong idamay ang trabaho mo dito" ang sabi ni nanay na para bang hindi pa niya alam ang nangyari sa aming dalawa ni Kuya Carlo. May point din siya sa bagay na iyon.

Kaya labag man sa loob ay inumpisahan ko na ayusin ang sarili sa pagpasok. Nang makagayak na ay lumabas na ako ng bahay. Nakita kong nakaparada pa rin ang kotse ni Kuya Carlo sa tapat. Binuksan niya ang kabilang pinto ng kotse. Pumasok na ako sa loob.

Wala kaming naging imikan habang nagbibiyahe. Mabuti na rin iyon para di masira ang mood ko ngayong araw. Hanggang sa makarating kami sa opisina.

Pagpasok pa lang ng lobby ay nakita ko na si Jerome, agad niya akong nilapitan di alintana na may kasama ako.
"Dumala ako sa inyo kagabi pero sabi ng nanay mo ay tulog ka na, teka bakit ganyan ang mata mo, umiyak ka ba?" ang tanong niya sa akin. Napansin pala niya ang medyo namamaga kong mata.
"Wala ito, sige akyat muna kami" pagdedeny ko. Tumango lang siya bilang sagot.
Napansin ko naman ang hindi pag-imik ni Kuya Carlo habang nag-uusap kami ni Jerome. Marahil ay naisip niya na hindi tamang isingit ang bagay na iyon sa oras na ito.

Agad kaming sumakay dalawa ng elevator paakyat. Nang makarating ay sabay kaming naglakad patungo sa kanyang opisina. Ewan ko ba pero parang ang nagsimula akong makaramdam ng kaba.
 
Pagbukas ni Kuya Carlo ng pinto ng opisina ay laking gulat namin ng makita si Marianne na nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo.
"Hello Honey" ang nakangiti niyang bati kay Kuya Carlo pero agad na nagbago ang kanyang mukha ng makita niya ako. Lalong lumala ang kaba ko ng mga oras na iyon.

 Itutuloy......

Friday, February 18, 2011

PANTASYA Part 21

Para akong nakuryente sa pagdikit ng kanyang balat sa akin at nararamdaman ko rin ang init ng kanyang hininga sa aking batok. Maya-maya pa'y niyapos na niya ako ng yakap. Napakahigpit at puno ng pagmamahal.

"Mahal na mahal kita baby boy." ang narinig kong pagbulong niya sa akin. Hindi ko maiwasang maluha dulot ng sobrang kasiyahan. Tinawag niya kasi ulit akong baby boy. Muli ko na namang naalala ang aking pagkabata.

Nagpasiya akong umikot paharap sa kanya. Nakapagpalit na pala siya ng damit, suot niya ang isang boxer shorts at puting sando na kilalang-kilala kong pagmamay-ari ni kuya. Tinignan ko ang kanyang maamong mukha. Gwapo talaga, napakaperpekto.

Dumilat siya at tumingin sa aking mga mata. Ngumiti siya. "Hanggang pagtitig na lang ba poging ito ang gagawin mo?"
"Ha?" ang naisagot ko.
Hinaplos niya ang aking ulo at marahang hinawakan ang aking mga pisngi at labi. "Pagkakataon mo na ito baby boy. Maari mo nang gawin sa akin ang gusto mo, huwag kang mag-alala hindi ako papalag."

Parang nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin. Inaamin ko na may katotohanan rin ang mga sinasabi niya. Pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

"Ano na baby boy?" tanong niya ulit sa akin. Hindi pa rin ako nakasagot. Maya-maya'y inalis niya ang pagkakayakap sa akin at tumihaya. Pagkatapos ay hinawakan ng kanang kamay niya ang aking kaliwang kamay at nabigla ako. 

Pinatong niya ito sa kanyang ari na sa oras na ito ay naninigas na pala. "Kanina pa naghihintay ang aking sandata, handang-handa na sa pagsabak sa giyera." ang sabi niya sabay tingin sa akin na nakangiti.

Hindi ko magawang alisin ang aking kamay. Matagal ko na rin kayang inaasam na mahawakan iyon. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kasiyahan. "Grabe ang laki pala" ang nasabi ko sa aking sarili.

Nagsimula nang mag-init ang buo kong katawan sa sunod niyang ginawa. Pinasok niya ang aking kamay sa loob ng suot niyang boxer shorts at brief. "Tuluyan ko nang nasalat ang kanyang malagong bulbol at ang naghuhumindig na pagkalalaki.

Napatingin naman ako sa kanyang mukha. Nakita kong nakapikit siya na waring nasasarapan. Doon ko na sinimulan ang pagromansa sa kanya.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at pumaibabaw sa kanya. Hinalikan ko siya at hindi niya ito tinanggihan bagkus sinuklian niya ito. Naging maalab ang aming halikan, puno ng pananabik at pagmamahal. Nag-eespadahan na ang aming mga dila at kinakagat ang mga labi ng bawat isa. Isa-isang tinanggal ni Kuya Carlo ang aking saplot sa katawan, ganoon rin ang ginawa ko sa kanya hanggang sa pareho kaming mahubaran. Unti-unti na ring tumitigas ang aking pagkakalalaki, sobrang libog na rin kasi ang aking nararamdaman.

Nang maghiwalay ang aming mga labi, may sinenyas siya sa akin. Gamit ang kanyang bibig at mata, tinuro niya sa akin ang kanyang ari. Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin at inumpisahan ko nang gawin iyon.

Di man eksperto sa pagsubo ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para iparamdam sa kanya ang sarap at satisfaction. Nagtagumpay naman ako base sa nakikita ko sa kanyang reaksiyon. Napapaliyad siya, nakapikit ang mga mata, at mahihinang mga ungol, mga senyales na nasasarapan siya. Ipinagpatuloy ko ito.

Ilang minuto rin iyon nagtagal. Maya-maya'y inangat niya ang aking ulo. Tumingin ako sa kanya.
"Pwede ba Rico, ipasok ko sa iyo?" ang may halong panglalambing at libog na tonong tanong niya sa akin.
Nakaramdam ako ng takot dahil alam kong masakit iyon.

"Sige na baby boys please, huwag kang mag-alala dadahan-dahanin ko lang." ang paglalambing ulit niya sa akin. 

Hindi pa ako lubusang nakakasagot at pumapayag nang biglang itinulak niya ako pahiga sa kama at umibabaw siya as akin. Wala na akong nagawa kundi maging sunud-sunuran sa kanya. Bukal sa loob ko nang tatanggapin ang mga sunod niyang gagawin sa akin dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Inabot niya ang kanyang mga kamay sa isang drawe na malapit sa kama at binuksan ito. Nagulat ako nang kuhanin niya doon ang isang comdom at lotion. Pero hindi ko na iyon binigyang pansin pa, alam ko namang si kuya ang naghanda ng mga iyon base sa sinabi niya kanina na handa na ang kwartong aming tutulugan. 

Isinuot niya ito sa kanyang naninigas pa ring pagkalalaki. Pagkatapos ay binuksan niya ang lotion at naglagay sa kanyang mga daliri. Itinaas ang aking mga paa at pinatong sa kanyang mga balikat. Hinimas niya ang aking butas gamit ang mga daliri niyang may lotion. At dahan-dahan niyang pinasok ang kanyang ari sa akin.

Napapangiwi ako sa sobrang hapdi at napansin niya iyon kaya nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako. Maya-maya pa'y nagtagumapay na siyang maipasok ang kabuuan niyon sa akin at dahan-dahang bumayo hanggang sa bumibilis ito.

Pakiramdam ko'y naging manhid na ako sa hapdi at kirot gawa ng kanyang pagbayo dahil mas nangibabaw sa akin ang libog at ang pagmamahal sa kanya. Ilang minuto ring nagtagal kami sa ganoon posisiyon ng magsalita siya. "Rico lalabas na!"

Hinugot niya palabas ang kanyang ari at tinanggal ang condom. Pinasok niya ulit ang kanyang ari at bumayo hanggang sa maramdaman ko ang paglabas ng kanyang katas sa loob ng aking butas.

Hindi pa doon natatapos ang makamundong pagtatalik namin. "Ikaw naman" ang sabi niya sa akin. Sinubo niya ang aking matigas pa ring pagkalalaki. Unang pagkakataong kong maranasan ito at sobrang nasasarapan ako. Hanggang sa marating ko ang sukdulan, nilabasan ako sa loob ng bibig ni kuya Carlo. Sa halip na iluwa niya ay nilunok niya ito.

Kapwa kami pawisan at hingal na napahiga sa kama. Nagkatinginan kami at nagtawanan. At binigyan ulit ako ni kuya Carlo ng isang halik. 

"Salamat Rico, alam ko na ang pag-ibig mo sa akin ang dahilan kung bakit pinagbigyan mo ako. Sobrang masaya ako alam mo ba iyon. Hayaan mong susuklian ko ito ng wagas na pagmamahal." si Kuya Carlo habang hinahaplos niya ang aking ulong nakapatong sa kanyang matipunong dibdib.
Tumanog lang ako pero may kasamang pagngiwi dahil nararamdaman ko pa rin ang sakit at hapdi ng aking butas. Napansin naman niya ito.

"Ayos ka lang ba Rico, masakit pa ba ha?" ang may pag-alala niyang tanong.
"Huwag kang mag-alala ayos lang ako, first time ko kasi, masasanay rin ako." sagot ko sa kanya.
Nginitian naman niya ako. "Salamat talaga, mahal na mahal kita."

At tuluyan na kaming nakatulog nang hubut-hubad.

Kinabukasan, nagising ako nang wala si Kuya Carlo sa aking tabi. Nagpasiya akong bumangon at nagsuot ng damit. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko sila ng aking kapatid na nag-uusap habang kumakain. Nilapitan ko sila. 

"Nice one bro, ano ang naramdaman mo sa honeymoon niyo?" ang may mapanuksong pahayag ni kuya. Napatingin naman ako kay Kuya Carlo na busy sa pagkain.
"Anong honeymoon ang sinasabi mo kuya?"
"Nagdedeny pa, halika na nga kumain ka na." ang naisagot na lang ni kuya.

Matapos mag-agahan ay naghanda na kami ni Kuya Carlo pabalik sa amin.

"Tol, pinapaubaya ko na kapatid ko sa iyo. Ikaw na ang bahala sa kanya ha, alagaan mo siya pati na rin si nanay. Uupakan kita kapag may nangyari sa kanila." ang bilin ng aking kapatid kay Kuya Carlo na may kasamang biro.
"Oo naman dont worry, sige alis na kami," ang sagot naman ni Kuya Carlo.

"Sir Carlo ayos ka lang?" ang naitanong ko sa kanya. Napapansin ko kasi ang kakaiba niyang aura ngayon habang nagmamaneho.
Bigla siyang ngumiti ng todo at tumingin sa akin. "Wala sobrang saya ko talaga grabe"
"Bakit naman?"
"Siyempre napasa akin na ang taong mahal ko, alam mo pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo."

Nakaramdam naman ako ng kilig sa sinabi niya pero siyempre nagpakipot ako ng kaunti. "Mahal ka rin kaya ng taong iyon?"
"Oo naman at sigurado ako doon."

"Sa katunayan nga ay gusto ko pa siyang halikan" ang dugtong niya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Muli ay naghalikan ng may pagmamahal. Nang maghiwalay ang aming mga labi saka nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

"Pakidukot mo Rico ang cellphone ko sa bulsa oh," ang utos ni Kuya Carlo sa akin nang bigla itong nagring.

Ginawa ko naman ang kanyang sinasabi. "Ikaw na angmagtutok sa tenga ko ah, saka i loudspeaker mo sigurado akong si Angel yan" ang dugtong niya. Masaya niyang sinagot ang tawag.

"Hello"
"Hello, Carlo anak nasaan na kayo ni Rico?" ang sagot ng kanyang kausap.
"Ikaw pala yan Ma. Pabalik na po kami ni Rico diyan."
"Anak mabuti siguro bilisan niyo kasi nagkaroon dito ng problema"
"Ha, anong problema?
 "Si Angel, wala siya anak."
"Ano! nasaan siya Ma!" napapasigaw na si Kuya Carlo sa pag-aalala sa anak.
"Habang abala sa paglalaro dito sa labas, may nagpuntang  babae na nakakotse dito kanina lang. Nagpakilala siya sa akin at sinabi niyang siya ang ina ni Angel. Pagkatapos ay nilapitan niya ang bata.  At nang mapansin niya na hindi siya gaano kilala ng bata ay biglaan niyang kinuha ito at pinasok sa loob ng kotse at nagmamadaling umalis. Patawarin mo ako anak" nagsimula nang humagulgol ang kausap niya sa cellphone.
"Sige Ma, ako na ang bahala" ang naisagot na lang ni Kuya Carlo. Alam ko na nabigla rin siya sa kanyang narinig.

Itutuloy......

Sunday, February 13, 2011

MAHAL KITA Part 2

"Inaantok pa ako!" inis kong pahayag sa taong kumakalabit sa akin.
"Josh"
"Josh"
"Josh"
"Ang kulit naman sinabi kong inaantok pa ako ano ba!!!." Ngunit hindi pa rin ako tinitigilan sa pangangalabit.
"Gising na Josh, Uy"

Dahil sa sobrang asar ko ay napabangon ako at tinignan kung sino ang kumakalabit sa akin. At mistulang nag-akyatan ang lahat ng dugo sa katawan papunta sa ulo ko.
"Antonio pangalan mo di ba? Sino ang nagpahintulot sa iyo na pumasok ka na lang ng basta sa kwarto ko ha at teka teka aka nakakalimutan mong amo mo ako at nakikitira lang kayo dito kaya dapat may sir ang tawag mo sa akin." ang makalas kong pagkakasabi sa kanya habang nag-iinat.

"Ako ang nagsabi bakit may reklamo?" napatingin naman ako sa pinto kung saan nanggagaling ang boses. Nakatayo siya sa pinto ng aking kwarto."Wa...wa...wa...laaa po Ma. hehehe" ang napapangiti kong sagot. Sino ba naman ang hindi matatakot sa nakakasindak na itsura ng kanyang mukha.

Pumasok siya at lumapit sa kinaroroonan namin. "Ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita Josh? At saka ano yung narinig kong sir ha? Mas matanda sa iyo si Antonio ng isang taon"
"Iho, pagpasensyahan mo na lang ang inaasal nitong anak ko ha" ang baling naman ni Mama kay Antonio.
"Ok lang po Tita, naiintidihan ko naman po siya. Kakakilala pa lang kasi namin." magalang na sagot ni Antonio.

Tumango si Mama. "Halina kayo handa na ang agahan"
______

Habang kumakain kaming lahat sa mesa, "Josh, ikaw na ang magsama kay Antonio sa pag-eenrol ha, may importante kasi kaming aasikasuhin ng mama mo. Malapit na rin ang alis namin pabalik ng Singapore." si Papa.
"Ano! ako! Pa naman may...."
"Gagawin ka e mag lalawatsa ka lang yata o magbababad sa computer. Tumigil ka nga Josh." ang pagsabat ni Mama.
"Pero..." pilit ko pa ring pangangatwiran.
"Oooops! wala nang pero-pero. Pagkakataon na rin iyon para makapag-bonding kayo at magkakilala mabuti."si Mama ulit.

Sasabihin ko sanang gagala kami sa mall ng aking mga friends pero hindi ko na magawang sumagot pa. Kakainis. Abala na talaga itong si Antonio sa aking buhay. Tumingin naman ako sa direksyon niya.
"Aba ngingiti-ngiti ka pa dyan ha," ang sabi ko sa aking sarili nang makita ang kanyang mukha.
______

"Ma!!!! Nasaan ba yang Antonio na yan ang tagal naman niya, nagpapaimportante." tanong ko kay Mama habang naghihintay ako sa loob ng kotse.
"Nagbibihis pa anak" sagot naman ni mama habang nakaupo sa isang silya sa labas at nagpipipindot sa kanyang cellphone.
"Grabe namang pagbibihis yan,  school lang naman ang pupuntahan."

Makalipas ang limang minuto ay narinig ko ulit ang boses ni Mama.
"Wow iho ang gwapo mo ah, dala mo na ba lahat ng credentials mo"
"Opo Tita" nandito na po lahat.

"Nakuha pang pumorma ng ungas" ang sabi ko sa aking sarili. Nasa loob pa rin ako ng kotse na naghihintay.

"Mag-ingat ka anak ha" ang narinig ko namang boses ng kanyang nanay.
"Opo nay."
"Iho, sabihin mo sa akin ang lahat ng gagawing kalokohan ni Josh ha. Bantayan mo siyang mabuti." ang bilin naman ni Mama sa kanya.
"Opo Tita."

Sa isip-isip ko, grabe na talaga ito. Parang gusto ko nang sabihin sa kanya na posasan na lang kaming dalawa ni Antonio.

Maya-maya ay dumating na si Antonio kasama si Mama at ang kanyang nanay. "Dito ka maupo anak." sabi ni Mama sabay bukas ng kabilang pinto. Pumasok na siya sa loob.

Medyo ikinagulat ko nang lingunin ko siya. Naka long-sleeve polo siya na fitted sa kanya at may tupi ang manggas hanggang siko niya, black coated na pantalon na fit din. Spiky ang buhok marrahil naglagay siya ng wax, at nakaputing sapatos.
"Tara na Josh."
 "Josh, Uy tara na"

Bigla naman akong natauhan. Nasobrahan yata ako ng pagtitig sa kanya. "Ah e, oo alis na tayo" ang sagot ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at tinuon ang atensyon sa pag start ng makina.
______

"Josh, may itatanong lang sana ako sa iyo?" ang pambasag niya sa katahimikan namin. Hindi ko kasi siya iniimik habang nagmamaneho ako.
"Mamaya ka na magtanong baka mabunggo tayo" ang sagot ko naman. 
"Ok, nais ko lang sana malaman kung bakit ang sungit mo sa akin."
Saglit naman ako lumingon sa kanya at binalik din ang mata sa daan. "Ako masungit, hindi lang ako sanay na may kasama akong ibang tao na hindi ko kilala. Hindi naman sa sinisisi kita ha, pero pakiramdam ko ay inalisan nila ako ng karapatang maging malaya dahil sa pagdating mo." ang deretsahang sagot ko sa kanya.
"Ganoon pala. kagustuhan naman ito ng mga magulang mo."
"Ano pa nga bang magagawa ko kundi pumayag di ba? Siguro sasanayin ko na lang ang sarili ko"
"Huwag kang mag-alala Josh, hindi naman ako masamang tao tulad ng iniisip mo. Madali naman akong pakisamahan."
Nilingon ko ulit siya at nakita ko ang kanyang pagngiti. 
______

Isang oras lang ang naging proseso ng pag-papaenroll ni Antonio. Napadali ito dahil sa nakitang matataas niyang grado na naging dahilan upang mamangha ang mga teachers doon. Kinabukasan malalaman kung ano ang magiging section niya.

"Sana magkaklase tayo ano" sabi ni Antonio  habang naglalakad na kami papuntang parking lot kung nasaan nakaparada ang kotse.
"Hindi pwede ano saka ayoko." ang matigas kong sagot. Kampante naman akong sa pinakamataas na section siya mapupunta dahil sa mga grades niya. Pinagdasal ko na rin kaya iyon kahapon pa.
"Bakit, dahil ayaw mong makita ko kung gaano ka kagaling sa klase?"
"Aba teka nga ano ang ibig mong sabihin? Huwag kang magmayabang diyan ha." parang nang-iinsulto na ang ungas, dahil ba sa matalino siya.
"Cool ka lang dude, tignan mo ha kung sakaling magiging magkaklase tayo, matutulungan kita sa pag-aaral mo at saka ayaw mo ba nun hanggang sa room e makikita mo ang gwapong mukhang ito" sabi niya sabay senyas ng papogi sign with matching kindat"
"Aha may pagkamatigas din pala yang mukha mo. Hay naku parang ang lakas ng hangin ah, dapat bilisan na natin" ang nasabi ko na lang. Pero sa totoo lang naiisip ko na may karapatan naman talaga siyangsabihin ang mga ganoong bagay.
______

"Kamusta na ang enrollment iho" ang agad tanong ni Mama kay Antonio pagkababa namin ng kotse.
"Opo Tita, nagpapasalamat po ako kay Josh at tinulungan niya ako" sagot niya sabay tingin sa akin at ngumiti ulit.
"Hay mabuti naman kahit papaano ay may magandang nagawa naman ang anak ko" si Mama sabay halakhak.
"Ano section mo? Magkaklase ba kayong dalawa?" ang sunod niyang tanong.
"Bukas pa malalaman Ma kasama na rin ang section ko" ako na ang sumagot.
"Ah, sana magkaklase kayo ano"
"Ano ba kayo Ma?" ang naiirita kong pagsagot.
"Sana nga po Tita maging magkaklase kami, para may kakilala na agad ako" ang pagsingit naman ng ungas.
"Oo nga iho, kung mangyayari man iyon, matutuwa kami ng Tito mo. Malalaman na rin namin ang mga nangyayari kay Josh sa school. Siyempre ikaw ang magsasabi sa amin. Isumbong mo ang lahat ng kalokohang gagawin niya ha." si Mama.

"Makaakyat na nga muna sa kwarto" ang nasabi ko na lang. Parang pinagkakaisahan na kasi nila ako.
_____

 Kinabukasan ako na lang mag-isa ang bumalik sa school para alamin ang mga section namin. Sinama kasi ni mama si Antonio sa mall para bilhan ng uniform. Dumako ako sa isang malaking bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng estudyante. Medyo nahirapan pa ako dahil sa siksikan. Marami rin kasing tumitingin ng kanilang mga section. Una kong tinignan ang sa akin. Nakita ko ang pangalan ko sa ikatlong section. Sunod ang sa kanya. Sa taas ako nagsimula muna kasi naisip ko nga na baka doon siya nilagay dahil sa grades niya pero wala. Tinignan ko sa pangalawa, wala rin. Sunod sa pangatlo. 

"Arhhhhhhhh!!!!"

Itutuloy....

Friday, February 11, 2011

MAHAL KITA Part 1

"Josh, tama na muna yan anak. Tulungan mo akong maglinis sa kabilang bahay, mamaya darating na ang bagong titira doon." sabi sa akin ni mama habang busy ako sa aking laptop. May pagkaadik kasi ako sa paglalaro ng online games.

"Opo Ma" ang sagot ko na medyo naiinis. Siyempre, naistorbo ang aking kaligayahan. "Kung bakit hindi na lang si yaya na lang ang utusan niya" ang bulong ko sa aking sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan na naming linisan ang bahay. Medyo natagalan kami sa paglilinis dahil sa sobrang dumi at kapal ng alikabok ng buong bahay. Halos anim na buwan din itong nabakante mula nang umuwi ng probinsya ang huling tumira dito. Hapon na nang matapos namin itong linisin.

Maya-maya'y tinawag ni yaya si Mama habang kumakain kaming dalawa ng meryenda. Dumating na raw ang pamilyang uupa dito. "Sige papasukin mo na sila, sabihin mo maghintay lang sila saglit sa sala" ang sagot ni mama.

Tinapos na namin ang aming kinakain para harapin ang mga bagong dating. Pagkarating sa sala, bumungad sa amin ang dalawang tao. Sa unang tingin ko pa lang parang galing sila sa probinsya dahil sa kanilang pananamit. Ang babae sa tantsa ko ay nasa 40 taong gulang ay nakadaster lang at may mga hibla na ng puti sa kanyang buhok. Kasama niya ang isang binata na nakajacket na itim, nakasumbrero na nakayuko. Sa tingin ko ay anak niya ito.

Nang makita kami ay tumayo ang mga ito. "Magandang hapon po sa inyo" ang magalang na pagbati sa amin ng babae.
"Magandang hapon din, Myrna." ang nakangiting pagsagot ni mama. Sabay-sabay kaming umupo sa sofa. "Kain muna kayo, may natira pa kaming meryenda, alam ko napagod kayo sa mahaba niyong biyahe."
"Ayos lang po kami mam, busog pa po kami." ang sagot ng babae.
"Ganun ba, teka siya ba ang sinasabi mo sa aking anak?" tanong ni mama nang mapansin niya ang katabi nito.
"Opo mam, siya po pala si Antonio" pagpapakilala ng babae sa kanyang kasama sabay siko sa tagiliran nito.

Tumayo naman ang lalaki kanina pang nakayuko, nagtanggal ng kanyang suot na jacket at nagpakilala. "Magandang hapon po mam. Ako po pala si Antonio Mendoza. Nagpapasalamat po kami ni nanay sa pagpapatira niyo sa amin, hayaan niyo po na paglilingkuran po namin kayo ng buong katapatan."

Doon napukaw ng aking atensyon ang itsura ng binata. May angkin siyang kagwapuhan. Maganda ang pangangatawan at moreno ang balat na natural lang sa mga taong nakatira sa probinsya dahil siguro ay banat sa trabaho. Halata kasi sa suot niyang t-shirt na sobrang fitted sa kanya. May magandang mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi. Napakaswerte naman ng taong ito dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang makisig na lalaki. Iyon nga lang ay pinagkaitan sila ng yaman.

"Napakagalang naman ng anak mo, sa tingin ko nga ay mabait siya. Sana ganito rin ang anak ko di ba Josh" sabi ni mama sabay tingin sa akin.
"Ma naman, ang tanging naisagot ko. Saan mo ba nakilala ang mga iyan?" ang dugtong kong tanong.
"Kilala sila ng Papa mo. Namatay kasi ang asawa ni Myrna na siyang bumubuhay sa kanila kaya kinupkop niya sila. Mabuti pa at ang Papa mo na ang tanungin mo diyan."

Tumango-tango naman ako at tumingin sa direksyon ng mag-ina. Napansin ko na nakatingin sa akin si Antonio at ngumiti ito. "Hmm, ano kaya ang nginingiti nito?" ang tanong ko sa aking sarili.

"Iyan mabuti naman at may makakasama ka na dito pagbalik namin ng Papa mo sa Singapore." ang sabi sa akin ni Mama. Muli parang nakaramdam ulit ako ng lungkot. Naroon kasi ang kanilang trabaho. Umuuwi lang sila dito isang beses sa tatlong buwan. Isang linggo lang ang tinatagal nila. Kahit papaano ay njakakasanayan ko na rin ito.
"At mukhang magkakaroon ka ng bagong kaibigan!" ang masayang dugtong ni Mama.
"No way Ma" ang sagot ko. "Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga mahihirap. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga friends ko?" ang balak ko pa sanagng sasabihin pero hindi ko na naituloy baka maoffend ko sila.

"So halika na, hatid ka na namin sa bago niyong titirahang dalawa." ang pagyaya sa kanila upang makita na nila ang bahay. Sabay-sabay na kaming nagtungo doon.

Kita ko sa mukha ng mag-ina ang saya nang makita ang kanilang titirahan. "Mga inosente yata sila" ang sabi ko sa aking sarili.
"Simula ngayon ay dito na kayo titira. Kapalit na rin ito sa serbisyo ninyo gaya ng pinag-usapan natin noon. Ikaw ang nagmungkahi nito" si Mama. Tumango lang si Aling Myrna.

Iniwan na namin ang mag-ina upang makapag-ayos sila ng bahay. Marami-rami rin kasi ang kanilang dalang gamit base sa nakita ko kanina.

"Mama, nagpapatira na pala kayo ni Papa ng mga strangers, at saka hindi ko sila kilala. Iiwan niyo ako kasama sila." ang aking pagpoprotesta kay Mamay pagkabalik ng aming bahay.
"Makinig ka anak, mabait ang pamilya ng Tita Myrna mo. Madali mo silang makakasundo. At saka ginagawa namin ito para mabantayan ka at magabayan. Baka kung anu-ano na naman ang gawin mong kalokohan habang wala kami tulad ng nangyari noon. Tignan mo nga ang mga grades mo ang bababa. Puro barkada, puro computer, puro gala." ang sagot ni Mama. Medyo nainis na ako dahil siningit na naman niya ang pagsesermon. Lagi na lang niya bukambibig ang mga bagay na iyan sa tuwing mag-uusap kami. Nakakasawa. Pero wala naman akong magagawa kundi ang pumayag sa gusto nilang mangyari.

Kinagabihan, habang busy pa rin ako sa paglalaro sa computer ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Saglit kong hininto ang paglalaro. nang buksan ko, si Papa pala ito.

"Pwede ba tayong mag-usap anak?" ang unang tanong ni Papa sa akin. Pumayag naman ako.

"Anak tungkol ito sa bagong nakatira sa kabilang bahay. May nasabi kasi sa akin si Mama mo" ang pagsisimula ni Papa habang nakaupo kami sa kama ng magkatabi.
"Asawa ni Tita Myrna mo ang aking pinakamatalik na kaibigan si Adolfo na namatay dahil sa kanser. Maraming siyang naitulong sa akin kaya, naisip kong kupkupin ang kanilang pamilya bilang pagtanaw ng utang na loob sa bestfriend ko" ang pagpapaliwanag sa akin ni Papa.
"Kaya ko naman na ang sarili ko Pa, ilang beses na rin ako naiwan dito sa bahay mag-isa, sa tingin ko hindi ko na kailangan ng kasama dito."
"Anak, mababait naman sila lalo na yung anak niya. Alam ko na makakatulong sila sa iyo. Si Antonio, napakatalinong bata niyan. Laging nangunguna sa klase. Sayang nga lang at nahinto siya sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera kaya napilitang maghanap-buhay."

Hinaplos naman ni Papa ang aking ulo saka nagpatuloy. "Mahal ka namin ng mama mo anak. Pasalamat ka at ang lahat ng gusto mo ay nasusunod. Sa totoo lang ito ang naisip kong paraan para magbago ka na. Alam ko na malaki ang magiging impluwensiya nila sa iyo. Hindi ba maganda ang naisip kong paraan. Parehas kayong nakinabang. Natulungan pa namin ang kanilang pamilya."

"Sige na nga, wala na akong magagawa." ang naisagot ko na lang pero sa isip ko ay isang malaking pagtutol pa rin. Pakiramdam ko na magiging kontrolado na ang lahat ng pagkilos ko sa oras na bumalik ng Singapore ang aking mga magulang. Pero ok na rin ito sa akin tutal sa bahay lang naman ito. Malaya ko pa rin magagawa ang mga gusto ko kapag nasa labas na ako.

Kinabukasan ay nag usap-usap ang mag-ina at ang aking mga magulang kung ano ang kanilang magiging trabaho sa amin. Napagdesisyunan nila na si Aling Myrna ang magiging bago naming katulong na aasikaso sa bahay samantalang si Antonio naman sa akin. 

"Antonio, iho bantayan mo maigi ang anak itong anak naming si Josh ha. Medyo habaan mo ang pasensya sa kanya kasi may katigasan ang ulo niya." ang sabi ni Mama.
"Makakaasa po kayo mam. Handa po akong tulungan siya sa oras na kailanganin niya ako." ang nakangiting sagot ni Antonio sabay tingin sa akin.
"Ano kaya ang iniisip ng taong ito?" ang tanong ko sa aking sarili.

Akala ko na hanggang doon lang ang kanilang napagkasunduan pero mas ikinabigla ko ang sunod na sinabi ni Papa.
"Oo nga pala, malapit na rin ang pasukan, maihahabol pa natin sa enrollment si Antonio."

"Papa, ano ang ibig mong sabihin?" ang medyo napataas na tono ng boses kong pagtatanong.
"Sinisigawan mo ba kami Josh?" si Mama na nagtaas na rin ng boses at deretsong nakatingin sa akin.
"Hin...hindi po" ang malumanay kong sagot. Medyo kinabahan ako sa mga mata niyang nanlilisik.
"Mabuti naman." 
"Napagdesisyunan naming pag-aralin itong si Antonio. Sayang naman ang talino niya kung hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. Maswerte namang parehas kayong nasa 4th year high school. Mabuti na rin iyon para may makasama ka. Kakatuwa naman na parehas kayo makakagraduate at sabay kayo magkokolehiyo." si Papa.

Wala akong ibang naramdaman ng mga oras na iyon kundi inis. Kulang na lang siguro ay ikulong nila ako. Parang tinanggalan na ako ng kalayaan eh. "Kung bakit kasi biglang sumulpot pa ang mga taong ito," sabay tingin sa mag-ina. Napansin ko naman na nakatingin pa rin sa akin si Antonio na nakangiti at napaatras ng kaunti ang ulo ko sa pagkindat nito. Nagpapacute lang siguro ang mokong.

"Akyat muna ako sa kwarto ko." ang pagpapaalam ko na sa kanila.

"Arhhhhhhhh!!!!" ang gigil kong pagsigaw nang makabalik ako sa aking kwarto. Napagdesisyunan ko na lang libangin ang aking sarili, binuksan ko ang aking laptop at nagsimulang maglaro.

Tuesday, February 8, 2011

PANTASYA Part 20

Hindi na ako makapagconcentrate sa aking trabaho pagkabalik ko galing ng CR. Paulit-ulit na pumapasok sa aking utak ang nangyari kanina, ang insidenteng halikan namin ni Kuya Carlo.Dagdagan pa ng ginagawa niyang pagtitig sa akin.

Sa isip-isip ko, parang hindi nangangawit ang kanyang panga sa kakangiti sa akin, tapos yung mga mata niya ay nasa iisang direksyon lang. Pero hindi ko maitatanggi na lalong lumalabas ang kanyang kagwapuhan sa kanyang ginagawa at nagugustuhan ko iyon.

Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian.

Nag-aayos na ako ng papeles sa aking mesa nang lumapit siya sa akin. "Rico, tara sama ka sa akin, dinner tayo sa labas treat ko." ang masayang pagyaya niya sa akin. Pumayag naman ako sa gusto niya.

"Saan ba tayo pupunta, and dami na nating nilampasang mga fastfood chain ah!" ang bigla kong nasambit sa kanya habang nagmamaneho. Pero tinignan lang niya ako at ngumiti.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng pamimigat ng mata, dahil na rin siguro sa maghapong pagtatrabaho ay inaantok ako. Napagpasiyahan kong umiglip muna.

Nagising na lang ako sa isang kalabit. Pagmulat ko ng aking mga mata, ang imahe ni Kuya Carlo ang nasilayan ko. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin."Pasensya na nakatulog ako" ang nasabi ko sa kanya.
"Ok lang. Tara baba na tayo." ang sagot niya sa akin.

Ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar.
"Nasaan tayo at saka wala namang kainan dito ah" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"Huwag ka nang maraming tanong tara pasok na tayo." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa isang bahay. Siya ang kumatok sa pinto.

Nabigla naman ako sa taong nagbukas ng pinto. "Kuya!" ang nasabi ko sa kanya.
"Hello kapatid kamusta na? Halika pasok na kayo nakahanda na ang hapunan."ang sagot niya.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang aking kuya sa hindi inaasahang pagkakataon. Ibig sabihin nito ay nasa Maynila ako.Ganoon ba kalaki ang sweldo niya dito sa Maynila para makapagpundar siya ng sariling bahay dito.

Agad kaming dumako sa mesa. Tumambad sa aking harapan ang ilang putaheng niluto niya tulad ng sinigang na baboy at kare-kare. Kahit papaano ay may alam din siya sa pagluluto. Naturuan kasi ni nanay.

"Sa wakas!" ang masayang sigaw ng aking kuya habang kumakain kami.
"Oo, at napakasaya ko" sunod na sagot ni kuya Carlo. Tinignan ko silang dalawa na nagtatanong ng kahulugan sa kanilang mga ipinahayag.
"Alam mo Rico, ang swerte mo isang tulad ni Carlo ang nagmamahal sa iyo kaya kung ako sa iyo bro, naku hindi ko na siya papakawalan. Sobrang bait ng taong iyan, tinutulungan niya ako. Biruin mo siya angbumili ng bahayna ito para may matirahan ako. Hindi talaga ako nagkamaling maging kaibigan siya. Wala akong pagsisi sa desisyon kong sa kanya humingi ng tulong noong mga panahon na nasa ospital si nanay. " si kuya na tila may pagbibiro ang tono ng boses.
"Ano ang sinasabi mo kuya, hindi..." mangangatwiran sana ako nang biglang takpan ng hintuturo ni Kuya Carlo ang aking bibig.
"Hindi mo pa ako napapatawad o hindi mo matanggap na may anak na ako, iyon ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni kuya Carlo sa akin.
"Pwede ba Rico, itigil mo na ang pag-iinarte mo. E ano naman kung may anak na siya, wala naman siyang asawa kaya wala na hahadlang sa pagsasama ninyong dalawa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaanak siya" si Kuya.

Napatingin naman ako kay Kuya Carlo sa sinabing iyon ni kuya. Nakangiti siya sa akin. "Wala ka pang asawa, e papaano nangyaring nagkaanak ka saka ano naman ang kinalaman ko doon?" tanong ko sa kanya.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito pero hindi mo ako pinapakinggan. Ganito kasi iyon, sabihin na lang natin na nangungulila ako sa pagmamahal sa iyo.Simula nang pumanaw ang Dad ko ay nalungkot ako, dagdagan pa ng galit mo sa akin at ang pagkakamabutihan ninyo ni Jason. Hanggang sa umalis ako ng Pilipinas, na hindi man lang tayo nagkakaayos.  Naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga naiwan ni Dad pati na rin sa pag-aaral sa pagpapalakad ng pinamana niya sa aking negosyo. Pero hindi ako masaya dahil, iniisip kita. Kaya naghanap ako ng malilibangan. At ito ay ang pumunta sa ibat-ibang bar. Doon marami akong nakilalang babae at karamihan sa kanila ay dinadala ko sa aking bahay at nagsesex kami. Paraan ko na rin iyon para mairaos ko ang sarili. Naging maingat naman ako pero isa sa kanila ang aking nabuntis."

"Nang malaman ko ito ay nagimbal ako, hindi ko agad natanggap. Iniisip ko kasi ang maaaring mangyari, isa na riyan ang lalong pagtindi ng galit mo sa akin na maging dahilan upang hindi mo na ako tuluyang matanggap pagbalik ko dito. Inamin sa akin nang nabuntis ko na mahal niya ako, na magpakasal kami dahil sa bata pero tumutol ako. Deretsahan kong sinabi sa kanyang hindi ko ito masusuklian  dahil may mahal na akong iba. Pero nangako naman ako na susuportahan ko ang magiging anak namin. Isang taong gulang si Angel nang ibigay siya sa akin ng kanyang nanay, hindi daw matanggap ng mga magulang niya ang nangyari. Buong-buo kong tinanggap ito. Inalagaan ko si Angel. Pagkabalik ko dito ng Pilipinas ay kasama ko siya." ang mahabang paliwanag ni Kuya Carlo.

Hinawakan niya ang aking mga kamay nang mahigpit. "Alam ito lahat ng kuya mo, lingid sa kaalaman mo na madalas kaming nag-uusap niyan thru internet at cellphone hanggang sa lumuwas siya dito sa Maynila." dugtong niya sabay tingin kay kuya.

Uminom muna si Kuya ng tubig bago sumagot. "Totoo iyon Rico. Alam mo bang bata ka pa lang ay nahuhumaling na siya sa iyo tulad ng pagpapantasiya mo sa kanya. Halos araw-araw tuwing magsasabay kami ay palagi ka naming pinag-uusapan. Minsan nga may sinabi yan sa akin, ipinapaalam ka niya sa akin na pagtanda mo ay kukunin ka niya, aalagaan at magsasama kayo. Akala ko nga nagbibiro lang siya dahil madaming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Pero talagang pinanindigan niya ang nararamdamang love para sa iyo. Nung mga panahong wala siya ay palagi ka niyang kinakamusta at tinatanong sa akin niyan, natural ssabihin ko sa kanya ang mga nangyayari sa iyo. Ang relasyon ninyo ni Jason ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya."

Isang napakahabang paliwanag na minsan ay hindi ko pinakinggan ang nagpalinaw sa akin ng lahat. Ngayon napatunayan ko na totoo ang pagmamahal sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko maiwasang maluha, marahil sa nararamdaman kong kasiyahan. Speechless ako nang mga oras na iyon.

Pinahid ang aking luha ni Kuya Carlo gamit ang kanyang mga daliri." Tandaan mo Rico, I love you very much."
"I love you too Kuya Carlo" ang sagot ko sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong umiyak dulot ng aking emosyon. Napayakap ako sa kanya, hindi alintana ang nakatingin kong kapatid sa amin.

"Ooooooops" tama na muna ang drama, tapusin muna ang pagkain." ang biglang pagsingit ni kuya. Kumalas kaming dalawa mula sa pagkakayakap at sabay na nagtawanan.

"Handa na ang kwartong tutulugan niyong dalawa ngayong gabi" ang pahayag ni kuya sa amin.
"Ano ang ibig mong sabihin kuya, matutulog kami sa iisang kwarto?" ang agad kong tanong sa sinabi niya.

Si Kuya Carlo ang sumagot. "Oo at maghanda ka na mamaya."
"Ha?" ang sagot ko.Bigla naman akong kinabahan."Ano kaya ang ibig niyang sabihin na maghanda ako?" ang tanong ko sa aking sarili.

"Dahan-dahan lang tol ha" ang may panunuksong pahayag ng aking kuya.
"Siyempre naman. Excited na ako" ang masayang sagot ni Kuya Carlo sabay tingin sa akin.
Parang natutunugan ko na ang mangyayari. "eh ano ahmm siguro sa sala na lang ako matutulog kung wala nang extrang kwarto kuya" ang nasabi ko na lang.

"NO!" ang malakas na boses na pagtutol ni Kuya Carlo. "We will sleep together tonight sa ayaw mo't sa gusto. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito"
"Sige na Rico, masasarapan ka naman" ang panunukso muli ni Kuya.
"Ikaw talaga kuya ah ang libog mo naman." ang mahiya-hiyang sagot ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi pumayag.

Matapos kumain ay iniligpit na ni kuya ang mga pinagkainan. Maya-maya ay niyaya muna niya si Kuya Carlo na mag-inuman silang dalawa sa may terrace. Ako naman ay naunang nagtungo sa sinasabing kwarto ni kuya para makapagpahinga. 

Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang galak ang nararamdaman ng aking puso at isip. "Mahal din ako ng aking pantasya, I love you so much Kuya Carlo" ang naibulalas ko sa aking sarili. Hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyang makatulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto na rin ako sa ganoong sitwasyon nang may maramdaman akong paggalaw ng kama, may humiga sa aking tabi at yumakap sa akin. Tuluyan na akong nagising at mistulang naglaho ang nararamdaman kong antok.