Thursday, January 27, 2011

PANTASYA Part 19

Parehas kaming napatingin ni Jerome sa taong tumawag sa aking pangalan na si Kuya Carlo.
"Sige Jerome mauna na ako" ang nasabi ko na lang sa kanya.

Magkasabay kami ni Kuya Carlo sa pagpanik sa kanyang opisina. Habang nasa elevator ay wala kaming naging imikan. Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin, waring naghihintay nang kung anong sasabihin ko. Pero ni isang salita ay wala akong masabi. Alam ko naman kasi ang lahat, hanggang sa makarating kami.

Buong umaga na iyon ay nakapokus lang ako sa trabaho, hindi nagsasalita o hindi man lang sumusulyap sa kanya. Hindi naman sa umiiwas ako pero ayoko lang makarinig pa ng kahit ano mula sa kanya. Parang hindi ko na siguro kakayanin pa ang kung anong ipapaliwanag niya.

Kung gaano ko ginagawang busy ang aking sarili ay siyang kabaliktaran ni Kuya Carlo. Nakaupo lang siya, Malinis ang mesa na halatang walang ginagawa, alam ko at nararamdaman ko rin nakatingin lang siya sa akin. Hanggang sa sumapit ang lunchbreak ay ganoon pa rin ang naging set-up namin.

Pansamantala ko munang iniwan ang aking ginagawa para kumain. Tumayo na ako at pormal na humarap sa kanya para magpaalam.
"Sir Carlo, baba na po ako" ang magalang kong pahayag. Nagtaka naman ako sa nakita kong itsura ng kanyang mukha. Ibang-iba siya, malungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Sige Rico, mag-lunch ka na" ang nasabi lang niya sa akin.

Habang bumababa ako ng hagdan ay iniisip ko pa rin siya. Hindi ko mabatid kung ano ang nasa utak niya ngayon pero isa lang ang alam ko, ang kalungkutan niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ng kanyang anak kanina bago ako pumasok. "Dad is waiting for you in the office and he is sad. Please make my daddy happy again Uncle Rico."

 Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Siguro hindi ko na rin maiiwasan pa ito dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay wala na itong saysay pa dahil wala nang pag-asang maging kami.

Tulad ng pinag-usapan ay sabay kaming kumain ni Jerome. Dating gawi, nag KFC kami. Sinimulan ko na ang pagsasalaysay ng mga mangyari habang kumakain kami.

"So ano na ang balak mo ngayon?" ang tanong niya matapos pakinggan ang mga sinabi ko.
"Ewan ko, hindi ko alam, siguro kailangan ko na rin talaga mag move-on." ang malungkot kong sagot.
"Ganun ba, ito lang ang masasabi ko sa iyo Rico, na nandito lang ako para sa iyo" ang sabi niya sa akin.
"Maraming salamat." ang sagot ko.
"Yan din ang bilin sa akin ni Jason" ang sunod niyang pahayag na bahagyang ikinagulat ko.
"Talaga, si Jason, nakakapag-usap pala kayo"
"Oo, mga 3 beses sa isang linggo thru chat sa internet. Sinabi ko sa kanya na boss natin si Sir Carlo. Alam mo, hanggang ngayon sinasabi niyang mahal ka pa rin niya pero wala nang magagawa kasi hindi na siya makakabalik pa dito sa bansa. Marami na silang inaasikaso ni Tita doon."

Sa sinabing iyon ni Jerome nalaman ko ang tunay na pagmamahal sa akin ni Jason, naalala ko tuloy ang mga panahon na magkasama kaming dalawa.

"Kung gusto mo minsan sama ka sa amin para makausap mo rin siya."
"Oo sige para makamusta ko rin siya" ang aking pagpayag. Kahit papaano naman ay namimiss ko rin siya.

Matapos ang isang oras na break ay bumalik na kami sa trabaho. Bago kami maghiwalay ay sinabi ni Jerome na madadalaw na niya ako sa bahay sa mga susunod na araw. Siguroi kailangan ko na ring baliin ang pangako ko kay Kuya Carlo dahil sa ginawa niya sa akin.

Walang Kuya Carlo akong nakita pagkabalik ko ng opisina. Pero hindi ko na ito binigyang pansin pa at umupo na ako sa aking mesa para ituloy ang trabaho. Makalipas ang kalahating oras ay bumalik na siya. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang lumapit sa akin.

"Ang sweet niyo namang dalawa, ganyan ka na pala Rico"
"Anong ibig mong sabihin Sir?" ang agad kong tanong.
Tumayo siya sa harapan ko, malakas na tinukod ang mga kamay sa aking mesa. "Sinundan ko kayo kanina. Hindi ba may kasunduan tayong dalawa, baka nakakalimutan mo"

Tumingala ako para tignan siya at sumagot."Wala naman pong masama na magsabay kami sa lunch, at isa pa siguro hindi na kailangang ituloy pa nating ang kasunduan tutal...." 
"na may anak ako ganun ba Rico" ang pagputol niya sa sinasabi ko na may kataasan ang tono ng boses.

Nagsisimula na namang tumulo ang aking mga luha pero pilit ko itong pinigilan para ipakita sa kanya ang aking katatagan. " Itigil mo na ang kahibangan mo sa akin sa halip ay ilaan mo na lang ang atensyon mo sa pamilya mo" sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede, wala namang masama sa ginagawa ko"
"Wala, sigurado ka? nagpapatawa ka ba Sir Carlo."
"May dapat ba akong ikatuwa gayong hindi ako kaya tanggapin ng taong mahal ko"

Halos manlaki ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
"A...a...anong sabi mo, pwede ba wag kang magbiro ng ganyan?" ang nasabi ko sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro Rico, uulitin ko ang sinabi ko, mahal kita Rico. Totoo yun."

Napatayo na ako sa aking kinauupuan."Ano sa tingin mo ang magagawa ng pagmamahal na iyan sa akin kung totoo man iyon. Wala! Wala! Kaya ako kahit mahal din kita ay pipilitin kong mag move-on.

"Bahagya naman siyang natuwa sa sinabi ko. Bakit naman, wala namang pumipigil sa atin, mahal kita, at ngayong inamin mong mahal mo din ako ay maaari nang maging tayo."

"Parang ganoon lang kadali sa iyo ang lahat ng bagay. Oo, gusto ko maging tayo dahil noon pa ay hinihiling ko na iyon. Pero iba na ngayon."
"Ah ganoon pala ha" ang sagot niya. Bigla naman niyang hinatak ang braso ko. Isinandal niya ako sa pader. Nagkatitigan kaming dalawa mata sa mata.
"Puwes baka dito ay magbago na ang pananaw mo, at handang pakinggan ang mga pakiwanag ko. Sobrang sabik na akong gawin sa iyo ito." dagdag niya.

Unti-unting nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. Pero sa halip na umiwas ay hindi na ako nakakilos. Mayamaya pa ay nagdikit na ang aming mga labi.

Ang sarap sa pala sa pakiramdam na halikan ka ng mahal mo. Umabot ito ng halos isang minuto. Siya ang unang kumalas.
"Ano na?" ang tanong niya sa akin. Pero halos napipi ako. Wala akong nasabi.
"Speechless?" dagdag niya. Pinakita niya sa akin ang pamatay niyang ngiti.
Parang naguluhan ang utak ko. "Hindi, hindi ito maaari. Mali ito, mali."sagot ko. Pwersahan ko siyang itinulak at mabilis na tumakbo palabas ng opisina. Agad akong pumunta ng CR.

Sa loob, hinawakan ko ang aking mga labi, habang nakatingin sa salamin. Napapangiti ako sa nangyari. Sa wakas sa loob, ng mahabang panahon ay natikman ko na ang halik ng aking pantasya.

Monday, January 24, 2011

PANTASYA Part 18

Hindi pa rin inaalis ni Kuya Carlo ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Nakatingin siya sa akin, naghihintay ng susunod kong itatanong. Tutal ay nasimulan na ang kanyang pagpapaliwanag ay lulubusin ko na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimula. "Sir, ano kasi ahmmmm, hindi ko alam kung bakit tinatrato niyo ako nang ganito, binibigyan ng espesyal na atensyon at naghahabol sa akin. Naisip ko lang po na baka may napapabayaan na kayo." ang una kong sinabi sa kanya.

Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa aking mga kamay at tinabihan ulit ako sa pagkakaupo sa kama.
"Ano ang ibig mong sabihin?" ang malumanay niyang tanong.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko siya dederetsuhin, kinakabahan pa rin kasi ako. Kaya siya na ang nagsalita.

"Yung tinutukoy mo bang pinababayaan ko ay..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa isang katok na nagmumula sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko akalain na sa pagkakataong iyon malalaman ko na ang kasagutan.

"Sir Carlo?" ang narinig kong boses ni nanay. Agad ko naman binuksan ang pinto.

"Mukhang busy kayong dalawa ah, ano ginagawa ninyo ha?" ang tanong ni nanay sa amin.
"Wala po tita may pinag-uusapan lang kami." ang sagot ni kuya Carlo.
"O siya-siya itigil niyo muna yan. Sir Carlo, pinatatawag ka ni mare, nasa inyo na ngayon si Angel. Naku kay gandang bata pala niya ah at kay cute pa!"

 Tila isang napakalakas na bomba sa aking pandinig ang sinabing iyon ni nanay sa akin. Nakita agad ni Kuya Carlo ang aking reaksyon. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko makuhang tignan siya. Unti-unting tumutulo na kasi ang aking mga luha.

Napansin ko naman ang biglang pagtakip ni nanay sa kanyang bibig na para bang nadulas siya sa kanyang pahayag. Agad naman niyang sinenyasang lumabas muna si Kuya Carlo. Sa tingin ko ay may pag-uusapan nila.

"Ok lang po Tita, sige mauna na po kayo" ang sagot ni Kuya Carlo kay nanay. Tumango lang si nanay saka lumabas ng pintuan.

Dahil na rin sa sobrang panlalambot ay napahiga na lang ako sa kama. Binalot  ang aking katawan ng kumot. Pinipilit kong pigilan ang paghikbi. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking ulo.

"Rico..." ang sabi niya ng putulin ko ito.
"Tama na ang paliwanag, sige umuwi ka muna baka hinahanap ka na ng anak mo" ang malakas ngnit pautal kong sabi sa kanya.
"Please naman makinig ka sa akin oh" ang pagsuusmamo niya.
"Okay lang ako sige na umalis ka po muna. Maya-maya maghahanda na rin ako sa pagpasok sa trabaho."
Wala na akong narinig na sagot sa kanya kundi angpagbukas at pagsara ng pintuan.

At nagsimula na akong bumigay. Inilabas ko na ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Napakasakit. Ang inassume kong magiging kami ni Kuya Carlo sa pagpapaliwanag niya sa akin ay naglaho na. Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan.



Ilang minuto rin ako sa ganoong sitwasyon nang may nagtext sa aking phone. "Rico, Im sorry pero sana pakinggan mo ulit ang aking mga paliwanag. Mamaya after office ay mag-usap tayo"

Pero hindi ko makuhang replayan ang text na iyon ni Kuya Carlo. Para saan pa, eh hindi na rin naman maaaring maging kami dahil nakatali na siya sa responsibilidad niya sa kanyang anak at asawa. Tatay na siya at ang pangit naman sa paningin ng lipinan kung makikisama siya sa kapwa lalaki.

Kahit mabigat ang aking kalooban ay pinilit ko pa ring maghanda sa pagpasok. Nagsimula na akong maligo at magbihis. Pagkatapos noon ay bumaba na ako para mag-almusal.

Habang kumakain ay may naririnig akong nagtatawanan sa labas kasabay pa ng matining na boses ng isang batang babae. Siyempre boses iyon nina nanay, Tita mely at ang anak ni Kuya Carlo. Alam ko nilalaro nila ang bata.

Ewan ko ba pero parang ayaw ko nang lumabas ng bahay at magmukmok na lang maghapon. Naisip ko namang bigla si Jerome. Oo nga pala, hindi siya nakadalaw sa akin kagabi. Naisip kong pumasok na lang para makausap siya. Sa kanya ko ilalabas ang lahat ng sama ng loob ko.

Matapos makakain ay lumabas na ako ng bahay. Nakita ko si nanay at Tita mely na masayang tinitignan ang paglalaro ng batang babae.

Nang sipatin ko ang bata ay nabatid kong napakaganda talaga nito. Napakakinis ang maputing balat at hawig talaga ni Kuya Carlo. Napatingin naman sa akin ang bata at nabigla ako sa paglapit nito habang hawak ang isang malaking manika.

"Hello po, kayo po ba si Uncle Rico" ang tanong ng bata sa akin. Nagtaka naman ako sa pagtawag niya sa akin ng uncle. Napangiti na lang ako sa kanya at tumango bilang pagsagot.

Niyakap ako ng batang babae. Napatingin naman ako sa direksyon ni nanay at Tita Mely. Nakita ko ang masayang reaksyon sa kanilang mga mukha.

"Dad is waiting for you in the office and he is sad. Please make my daddy happy again Uncle Rico." Bahagyang nagulat naman ako sa sinabing iyon ng bata na parang may alam siya.

Lumapit na sa akin si nanay. "Sige anak umalis ka na baka ma-late ka."
"Opo nay ang sagot ko." Nginitian ko na lang ang bata at hinaplos sa ulo saka naglakad papunta sa sakayan.

Habang naglalakad ako ay narinig ko ang malakas na sigaw ng bata. "Bye Bye Uncle." Nang sipatin ko ang bata ay nakita kong kinakawayan niya ako.

Sa biyahe, iniisip ko ang eksena kanina. Ewan ko ba pero parang gumaan ang loob ko sa bata. Sa tingin ko, mabait siya, parang isang anghel. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang. Hanggang sa makarating ako ng opisina.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ay nakita ko agad si Jerome. Lumapit siya sa akin.
"Good Morning Rico, sorry ha kung hindi ako nakadalaw kagabi. Tinatawagan naman kita pero hindi ka macontact."
"Ok lang, nagpalit na kasi ako ng number eh." ang sagot ko. Pero ang totoo ay sapilitan ngang pinapalitan ni Kua Carlo ang number ko.

"Rico, ayos ka lang, bakit parang maga ang mga mata mo?" ang sunod niyang tanong. Inangat niya ang aking mukha.
"Jerome, mamaya sabay tayo mag-lunch pwede ba?" ang sagot kong patanong din. Tulad nga ng naisip ko kanina, sa kanya ako magsasbi ng aking sama ng loob.
"Sure, walang problema" ang masayang pagtugon niya. "Handa ako makinig sa iyo anytime. Sige akyat ka na baka hinhintay ka na ni sir" dugtong niya.


Akmang sasagot sana ako nang biglang may boses na tumawag sa pangalan ko. "Rico"

Nang tignan ko kung sino, si Kuya Carlo na nakatayo at nakatingin sa amin ni Jerome.

Saturday, January 22, 2011

PANTASYA Special Part

Sa nakikita ko sa reaksyon ni Rico na nakukulangan pa siya sa aking mga pinaliwanag, na may nais pa siyang malaman ngunit natatakot lang na itanong sa kadahilanang masaktan lang siya sa aking magiging sagot. Sumagi na rin sa aking isip ang maaaring maging tanong niya sa akin.

Sa totoo lang, mas natatakot pa ako sa maaaring mangyari kapag tinanong niya ito. Ito na siguro ang maging simula ng pakikipaglayo niya sa akin. Hindi ko kasi kakayanin iyon lalo na't mahal ko siya.

Oo, mahal ko si Rico, hindi ba kapanipaniwala? Kahit ako rin ay naguguluhan sa aking pagkatao. Alam ko sa sarili ko na lalaki ako at maraming naghahabol sa aking mga babae ngunit nakaramdam ako ng ganito sa kapwa ko.

Bata pa lang si Rico ay sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Kaya nang malaman ko sa kanyang kuya Arthur ang totoo niyang pagkatao at ako ang kanyang  pinagpapantasyahan, hindi ko siya nakagawang pandirihan, o layuan. Sobrang natutuwa ako sa kanya noon at pinaggigigilan ko pa dahil sa pagkachubby niya.
Madalas nga namin siya pag-usapan ng kanyang kuya.

Lingid sa kaalaman ni Rico na madalas kaming mag-usap ng kanyang kuya habang nasa ibang bansa ako, palagi ko siyang kinukumusta sa kanyang kapatid. Sobrang lungkot ko kasi ng mga panahon na iyon. Umalis ako ng Pilipinas na hindi man lang nakapagpaliwanag sa kanya, na may galit siya sa akin. At nang malaman ko na nagkakamabutihan sila noon ni Jason ay sobrang nasaktan ako. Nakadagdag ito sa pasanin ko. Sumabay pa ito sa kamatayan ng aking ama.

Noon mga panahong din iyon pinagtapat ko kay Arthur ang pagmamahal ko para sa kanyang kapatid. At pinangako ko sa kanya na ako ang mag-aalaga sa kanyang ina lalo na kay Rico kapag nagpunta na siya ng Maynila.

Lihim sa kaalaman ng mag-ina ang pagbabalik ko ng Pilipinas dala ang napakabigat na responsibilidad. Kahit anak sa labas lang ako ng aking ama ay pinamana niya sa akin ang  pamamahala sa naiwan niyang negosyo dito. Iniisip ko ng mga oras na iyon  kung papaano ako haharap at magpapaliwanag kay Rico. Alam ko na mas nadagdagan pa ang galit niya sa akin sa biglaan kong pagkawala.

Sakto namang tinawagan ako ng kanyang kapatid at nanghingi ng tulong sa pagpapagamot ng kanyang ina na may sakit. At iyon ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para makalapit ako sa mag-ina. Bumuo ako noon ng isang plano at para maisakatuparan ko ito ay kinausap ko si Mama. At ito ay ang akuin na siya ang nagbayad ng pang-ospital ng nanay ni Rico at bigyan siya ng trabaho sa aking kompanya. Kung ako kasi, siguradong tatanggihan lang ako ni Rico. Natuwa ako dahil naisakatuparan ko ito.

At nangyari na ang muli naming pagtatagpo ni Rico. Nang makita ko siya nung araw na nag-apply siya sa aking kompanya, mas tumindi ang aking nararamdaman para sa kanya. Ibang Rico na ang lumitaw sa aking harapan. Nawala na ang taba sa katawan, at ang hubog ng kanyang mga muscles ay katulad nang sa akin. Nang tinanong ko ito sa kanyang kapatid ay nalaman kong ako ang dahilan ng kanyang pagbabagong anyo. Tinanggap ko siya agad bilang aking personal assistant.

Kaya sinimulan ko na ang panunuyo muli sa kanya, na magkaayos kaming dalawa. Pero mukhang hindi ito naging effective nang makilala niya si Jerome, isa sa aking mga tauhan sa kompanya. Deretsahan kong sasabihin na nagseselos ako sa kanilang pagkakamabutihan. Kaya nang malaman ko na may kaugnayan sila ni Jason at di malayong mangyari ay maging sila ni Rico ay agaran akong gumawa ng desisyon na tanggalin siya.
Ngunit nagkamali ako dahil mas lalong nagalit sa akin si Rico. Sa pag-uusap namin ni Rico ay nalaman ko ang aking pagkakamali. Kinabukasan ay agad kong pinabalik si Jerome. Doon nakaisip ako ng paraan para kay Rico, ang mga kondisyong hindi na siya makikipag-usap kay Jerome kunh hindi naman tungkol sa trabaho, at sa akin na siya lagi sasama. Natuwa naman ako dahil wala siyang naging pagtutol.

Nang magsimula ito ay sobrang masaya ako. Iba pala ang feeling na kasama mo ang iyong mahal. Saglit mong malilimutan ang stress sa trabaho. Doon ko naisipang bigyan siya ng iphone na ayon sa kanyang kapatid ay gusto ni Rico.

Ang masaya naming sandali bigla na lang nagbagodahil sa isang tawag sa telepono. Alam ko nasaktang muli  si Rico. Naalala ko kasi na baka  isa sa mga dahilan nito ay nung gabing nasa kanila ako at may tumawag sa aking cellphone na tinawag kong baby. Siyempre malulungkot siya dahil naulit na naman iyon.

Ito ang hinihintay kong maging tanong niya sa akin. Natatakot man sa kanyang magiging reaksyon ay pinaghandaan ko na ito. Lakas-loob na akong aamin sa kanya.

Saturday, January 15, 2011

Pinoy Movie: KALAKAL

 
 
 
 

Next films to upload soon:  
Project-x, big night, eskandalo, lovebirds, bathhouse, ben and sam


Tuesday, January 11, 2011

TUKSO Last Part

"Sabi ko sa iyo na gusto mo pa rin ako" ang sabi ni Mike sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi.

Sa halip na sumagot ay itinulak ko siya at mabilis na naglakad palabas ng pinto ngunit agad niya itong naharang.

"Babes, hindi ko na hahayaan pang umiwas ka ulit sa akin. Hindi na tayo mga teenagers. Tumatanda na tayo. Gusto mo bang maging malungkot habang-buhay. Ayaw mo na ba maging masaya?" ang sabi ni Mike habang nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin.

Tama siya. Sino ba naman ang taong di gusto ng saya. Magbabagong taon pa naman dapat maging happy.

Maya-maya hinawakan ni Mike ang aking mga pisngi ng kanyang mga kamay. Unti-unting inangat ang aking ulo at dahandahang inilapit ang kanyang mukha. Binigyan niya ulit ako ng isang halik.

"Babes, pinapangako ko na hindi ko na uulitin pang saktan ka. Simula ngayon ay magiging masaya ka na sa piling ko." ang sabi niya sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi.

Tuluyan na naman akong humagulgol at yumapos sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng mas mahigpit pang yakap. Ang sarap sa pakiramdam na nakakulong ka sa malalaking braso at katawan ng taong mahal mo. Ramdam ko na secured ako.

"Mahal na mahal kita Mike. ang hindi ko na napigilan pang sabihin.
"Ganoon din ako babes, salamat naman at pinatawad mo na ako. Tahan na, masyado na tayong nagiging madrama dito. Tara tutal ay nandito na rin naman sa Boracay e pasyal tayo."

Tumingin ako sa kanya nang nakangiti tanda ng pagtanggap kong muli sa kanya. "Sige" ang sagot ko sa kanya.

Bigla ko namang naalala si Allan. Alam ko ang nararamdaman niyang kalungkutan sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

"O bakit ganyan na naman ang mukha mo? Hindi ka pa ba masaya?" ang tanong ni Mike nang mapansin akong nag-iisip.
"Naalala ko kasi si Allan. Kasalanan ko kasi kung bakit siya nalulungkot ngayon."
"Yun bang sinabi mong ako ang mahal mo. Tama ka Babes, masakit sa kanya iyon. Teka kung nag-aalala ka para sa kanya e mabuti pang kausapin natin siya."

Pumayag na rin ako sa kanyang mungkahi. Alam ko naman kasing matalik silang magkaibigang dalawa kaya maaaring makatulong si Mike sa pagpapagaan ng kanyang nararamdaman. Sabay kaming nagtungo sa kanyang kwarto na nasa kabila lang. Ako na ang kumatok sa pintuan. Makalipas ang ilang segundo ay binuksan niya ito.

Mas lalo akong nahabag sa nakita kong itsura niya. Sa mata pa lang ,alam kong kagagaling lang niya sa pag-iyak. Hindi siya agad nakapagsalita nang makita si Mike sa aking likuran.

"Tol, musta na, pwede ba tayong mag-usap" ang mahinahong tanong ni Mike kay Allan.
"S...ss....sss...sige halika pasok kayo" ang nauutal niyang pagsagot.

"Allan, may sasabihin lang sana kami...." ang pagbubukas ko ng usapan nang bigla siyang nagsalita.
"Nagkabalikan na kayo, nagkabati, nagkaayos nagkapatawaran. Alam ko na yon Ric, di naman malayo ang kwarto ko sa iyo para hindi ko kayo marinig." si Allan.

Sobrang naapektuhan ako kay Allan. Nakikita ko kasi na pinipigilan lang niya ang kanyang sariling umiyak kahit sobrang siyang nasasaktan  sa tono ng kanyang pananalita.

"Mike, napakaswerte mo kay Ric, sobrang mabait siyang tao at napatunayan ko iyon sa mga ginawa niya saakin noong naghihirap ang aking pamilya. Napakahina nga lang ng loob at madaling matukso, gayunpaman ay mapalad na siya dahil nakita na niya ang totoong magmamahal sa kanya." ang dugtong niya.

Dahil sa unti-unting pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi ko na napigilan pang yakapin siya.Tuluyan na siyang umiyak.

"Unang beses pa lang ako nagmahal, masyado na akong nasaktan. Siguro matagal ako bago makapag-move-on ng tuluyan. Hindi pala si Ric ang malas sa pag-ibig kundi ako" ang sabi ni Allan habang magkayakap kami.

"Hindi ka dapat agsasalita ng ganyan Allan. Pero naiintindihan ka namin. Sana huwag kang mawalan ng pag-asa, tulad ko sa kabila ng mga pinagdaanan ko dahil sa tukso ay may darating ding saya.Isang araw sa hinaharap makakatagpo ka rin ng taong totoong magmamahal sa iyo." ang sagot ko sa kanya.

Tumayo si Mike sa kanyang kinauupuan at lumapit sa aming dalawa.
 "Tol, patawarin mo sana ako kung naging magaspang ang aking ugali sa iyo noon. Pero kahit ganoon ang nangyari, maniwala ka na hindi ko binalewala ang pagiging magkaibigan natin. Nandito lang ako, kami ni Ric para sa iyo." si Mike.

Kumalas na si Allan sa pagkakayakap sa akin at tumingin kay Mike. Nakipagkamay sa kanya ito.

At ito na ang umpisa ng pagkakaayos naming lahat. Kinabukasan bisperas pa lang ng Bagong taon ay sinimulan na namin ang kasiyahan. At para makumpleto ito ay pinasunod ko ang aking mga kaibigan na sina Bea, Althea at Nica. Hapon na ng makarating sila.

"Congrats friend, masaya ka na ulit. Kayo na ulit ni Papa Mike." ang unang pagbati sa akin ni Bea.
"Oo, sobrang saya ko na" ang nakanigti kong tugon.
"Mas lalo na ako para nga akong tumama sa lotto!" ang biglang pagsingit ni Mike na nakasunod pala sa aking likuran.
"Ang baduy mo Mike ha, per infairness friend kung alam mo lang kunga gaano ka brutal ang ginawa niya para lang mapilit akong sabihin kung nasaan ka" si Bea.

"Ha! ano yun?" ang tanong ko sa pagkabigla sa sinabi ni Bea.
"Huwag mo na alamin yun Babes, basta ang mahalaga ay nagkabalikan na tayo. Kaya tara tulungan na natin si Allan sa paghahanda natin sa selebrasyon mamaya." ang pag-iwas ni Mike sa usapan.

Pagsapit ng alas dose, sabay-sabay naming sinalubong ang bagong taon. Pinanood namin ang fireworks display, kumain, inuman kwentuhan at ingayan.
"HAPPY NEW YEAR!!!" ang sigaw naming lahat.

Isang araw pa kami nagtagal doon para makapamasyal. Kinabukasan, sabay-sabay kaming lumuwas patungong Maynila.

Si Allan, kahit malu7ngkot pa rin ay nag-umpisa nang mag move-on. Sa kanyang pagbabalik sa Tagaytay ay nagpokus siya sa kanyang negosyo. Ang tatlo ko namang kaibigan ay naghahanap na ng kanilang mga boyfriends. Nalaman ko mula kay Bea na nagsisimula na silang makipag date.

Sa amin ni Mike, bago kami umuwi sa Batangas kung saan kami naninirahan ay pinuntahan munma namin si Cynthia. Masyado kasing nagpupumilit itong si Mike, kahit sinasabi kong ayos na sa akin ang lahat.

Nang makarating sa kanila, nakita ko kung gaano kayaman ang kanilang pamilya kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit pinagkasundo ni Mr. Chua si Mike na ikasal sa kanya.

Kinumpirma ni Cynthia ang lahat ng sinabi ni Mike. Mabait pala siyang babae. Sinabi niya sa akin na mayroon talaga siyang boyfriend at lihim na nagpakasal sa huwes. Nang malaman ito ng kanyang mga magulang ay wala na silang nagawa pa. Ang dahilan ng pagpunta niya noon kay Mike sa bahay namin ay para mangamusta lang at ibalita sa kanya ang mga  nangyari sa kanya. Humingi siya ng paumanhin saakin sa mga nangyari at sa ginawa niya noon kay Mike.

Binanggit din niya sa akin ang kalagayan kompanya. Wala naman daw nagiging problema doon. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na iyon iniisip pa. Ang mahalaga sa akin ay si Mike at ang kanyang pag-ibig para sa akin.
Matapos noon ay bumalik na kami.

"Welcome home" ang naibulalas ni Mike pagkarating sa lugar.
"Sarap sa pakiramdam na naririto na ulit ako sa aking paraiso." sagot ko sa kanya.
"Anong ako, natin, paraiso natin ito. Ang lugar na ito ay naging saksi ng ating pagmamahalan."si Mike.
"Oo nga pala ano hehehe" ang natatawa ko na lang sabi.

Walang sabi-sabing bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa loob hanggang sa makarating sa kwarto. Itinulak niya ako pahiga sa kama at pumaibabaw sa akin. Nagtapat ang ming mga mukha.

"Ano uumpisahan na ba natin?" ang sabi ni Mike.

Alam ko na ang gusto niyang mangyari. "Teka Mike kararating lang natin galing sa byahe, kung pwede sana mamaya na lang" sagot ko.

"I want to make love on you now. Ilang araw na rin ako tigang dahil wala ka. Kung alam mo lang na sabik na sabik na ako sa iyo" si Mike.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Bago pa man magtama ang aming labi ay hinarang ko ito.
"Sandali Mike, kung pwede sana maligo muna tayo."

Inamoy-amoy naman ni Mike ang kanyang katawan. "Wala naman akong amoy ah. Sige na babes pagbigyan mo na ako please." si Mike na nagmamakaawang parang bata.

Idinikit  niya bigla ang kanyang ari sa akin. "Nararamdaman mo ba? Nagagalit na ang aking alaga oh." ang dugtong niya.

"Grabe na ang libog na nararamdaman mo Mike."

"Hindi lang libog, sobrang nag-iinit na talaga ako. Kaya sige na."

Tumango na lang ako bilang pagpayag, tutal kahit ako rin ay namiss ako ang ginagawa naming ito.

"YES!" ang excited niyang sagot sabay siil ng halik sa aking labi. At sa araw na iyon ay pinagsaluhan ulit namin sarap ng aming pag-iibigan.

The End.

Thursday, January 6, 2011

PANTASYA Part 17

Namamaga ang aking mga mata nang magising ako kinabukasan. Hindi lang yan, ang bigat din ng pakiramdam ko. Parang tinatamad nga ako pumasok sa trabaho. Mas gusto ko sanang  maghapon dito sa aking kwarto. Pinilit ko na lang ang aking sarili.

Pagkabangon ko sa kama ay agad akong naghanda para sa aking morning routine. Naghilamos, nagsipilyo at nagbihis ng damit at sapatos pang jogging. Nang matapos ay lumabas na ako ng bahay.

Akmang sisimulan ko na ang pagjojogging nang makuha ng aking atensyon ang taong lumabas sa katapat naming bahay. Nagulat naman ako sa suot niya.

"Good morning Rico, tara jogging na tayo" ang sabi niya sa akin.
Imbes na sumagot ay napokus ang tingin ko sa kanyang itsura. Muli na naman ako nakaramdam ng pagkahumaling sa kanya. Mistulang puputok na ang kanyang suot na body-fit na t-shirt sa mamasel niyang katawan att ang kanyang nakabukol na harapan sa suot niyang jersey shorts.
"Hey, Rico sabi ko jogging na tayo." ang pag-uulit ni Kuya Carlo.Wala na akong nagawa pa.

"Nalaman ko kay tita na tuwing umaga mo ito ginagawa kaya sinubukan kong makisabay sa iyo. At dahil masaya pala ito at nakakaenjoy, simula bukas ay palagi na akong sasabay sa iyo." si Kuya Carlo habang nagjojogging kami.
"O...o...ok" ang sagot ko na lang.
 "Bakit ganyan ka sumagot? Hindi ka ba masaya na kasama mo ako?" ang sunod niyang tanong at huminto sa pagjojogging.
"Ah wala naman, medyo hinihingal lang ako, at saka masaya ako" sagot ko sabay huminga ng mabilis para papaniwalain siya.
Hindi siya nagsalita bagkus ay nakatingin lang sa akin. Napansin ko naman na parang may malalim siyang iniisip. Gustuhin ko mang alamin ay wala akong lakas ng loob na magtanong. Tumuloy na lang ako sa pagtakbo.

Humabol siya pero hindi na siya umimik. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang mga oras na iyon. Maya-maya ay huminto siya sa basketball court, ang lugar kung saan nangyari ang laro nila ni Jason. Pumasok siya sa loob.

"Guys sali naman ako" ang sabi niya sa mga lalaking naglalaro doon. Sasabihan ko sana siya na may trabaho pa kami nang unahan niya ako. "Ako ang bahala Rico, isang oras lang to. Dito ka lang muna." ang sabi niya sa akin.

Wala na akong nagawa pa kundi ang panoorin siya. Umupo ako sa sementadong upuan sa gilid. Tulad ng dati ay wala pa rin siyang kupas sa paglalaro. Sobrang na-amaze ako sa kanyang mga moves na pang NBA ang dating. Hindi ko naman maiwasan ang mangiti sa pagkamangha.

Matapos ang laro ay lumapit siya sa akin na pawis na pawis at umupo sa tabi ko. "Rico, hindi mo ba ako pupunasan ng dala mong bimpo?" ang sabi niyang hinihingal sa akin.

Nabigla man, ginawa ko pa rin ito sa kanya.  "Sinasadya niya kayang ipaalala sa akin ang nakaraan?" ang naitanong ko sa aking sarili.

Sa kabila ng aking pag-iisip ay nakaramdam naman ako ng pag-iinit ng katawan. Sa pagkakataong iyon habang pinupunasan ko siya ay pasimple kong hinahaplos at hinahawakan ang katawan ng taong minamahal  at pinagnanasaan ko. Ang dami ko nang naiimagine ng mga oras na iyon.

"Iyan ang sarap naman, sige wag kang mahiya, himasin mo lang katawan ko." ang sabi niya. Napahinto naman ako sa aking ginagawa.

Lumingon naman siya sa akin. "Oh bakit ka huminto ituloy mo lang"
"Tama na po Sir, baka isipin mo pong pinagnanasaan kita." sabi ko sa kanya.
Natawa siya sa sagot ko. "Walang problema sa akin yan Rico at isa pa alam ko namang matagal mo na akong pinagpapantasiyahan. Sige bahala ka, mahirap magpigil"

Hindi na ako nakapagsalita ulit. Isang daang porsyento na totoo ang kanyang sinabi. Tumayo na lang ako at nagmadaling lumabas ng court.

"Teka sandali ui, hintay" ang pagsigaw niya sa akin habang hinahabol ako.

Nang maabutan, "Rico, bakit nagkakaganyan ka sa akin?"
Hindi ko siya sinagot sa halip ay binilisan ko ang pagtakbo. Pero agad niya akong nahabol at hinawakan ang aking braso.

Nagkatitigan kaming dalawa. "Rico, please inuulit ko, kung may kinalaman man ako diyan sa mga iniisip mo ay sabihin mo na sa akin."

"Kung pwede po sana ay sa bahay na lang tayo magpatuloy" ang nasabi ko na lang sa kanya. Nahihiya kasi ako sa eskandalong maaaring idulot ng pagsasagutan namin sa daan. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

Pagkarating sa bahay ay agad ko siya niyaya sa aking kwarto. Pagkapasok ay agad siyang humiga sa aking kama hindi alintana ang kanyang pawisang katawan. Ako naman ay naupo sa isang silyang malapit doon.


"Kakapagod, sige Rico umpisahan mo na" si Kuya Carlo na medyo hinihingal magsalita habang nakahiga.

"Ano po kasi hmmmm, paano ba ako magsisimula?" ang sagot ko sa kanyang naguguluhan.
"Pwede kang magtanong sa akin" ang sabi niya.
"Tanong ah ok. Ano po ahmmm kaanu-ano mo yung kasama mong babae sa party?" ang naisip kong unang itanong sa kanya nang maalala ko ang nangyari noon.

Bago siya sumagot ay bumangon siya sa kama at umupo. "Yan ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan sa akin, pinagseselosan mo siya?"

Naooffend naman ako sa tanong niyang iyon kaya hindi kaagad ako nakasagot. Maya-maya ay inabot niya ang aking mga kamay at hinawakan iyon.
"Kapatid ko siya sa ama Rico" ang sunod niyang sinabi. "Nung araw na iyon ay nabalitaan ko ang malalang niyang sakit."
"Kapatid, e wala namang nababanggit si Tita Mely tungkol sa bagay na iyan" ang sabi kong hindi kumbinsido.
"Paano niya sasabihin e hindi ka naman nagtatanong at isa pa hindi ka naman tumatanggap ng paliwanag."

Tama nga naman siya, naalala ko na sinarado ko ang aking isip noon sa mga paliwanag niya. "Siyempre nasaktan ang damdamin ko noon Sir" ang sagot ko sa kanya.

"Masyado ka kasi nag-aassume kaagad."
"Malay ko bang ganoon. E ano naman ang sakit ng Dad mo?"
"Cancer. Alam mo kahit anak lang niya ako sa labas ay hindi niya kami pinabayaan ni Mama. Sobrang mabait siya sa amin kaya ganoon na lang ako nalungkot sa sakit niya. Dahil sa pagpupursige naming gumaling siya ay nagtungo kami ng America para ipagamot siya."

Ngayong alam ko na ang dahilan ng biglaan niyang pagkawala. Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa kanyang pagtatapat.

"Pero wala naman akong nakitang senyales ng pag-aalala si Tita Mely." ang sunod kong sinabi.
"Kung alam mo lang na gabi-gabi yang nag-iiyak sa pag-aalala. Pinipilit lang niyang maging normal. Rico kung sino ang mas dapat na masaktan sa ating dalawa ay ako. Nalaman ko kasi sa kuya mo ang mga nangyayari sa inyo ni Jerome. Masakit sa akin na pagkakamabutihan ninyo, na may gusto siya sa iyo. Wala man lang ako nagawa dahil nasa malayo ako." ang mahaba  niyang pahayag.

"Nasaktan, ibig bang sabihin ay may nararamdaman din siya sa akin? Nagseselos kaya siya kay Jason?" ang tanong ko sa aking sarili. "Ganoon po ba Sir?" ang sinabi ko na lang sa kanya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya sa mga kamay ko, nakatitig sa akin at nagpatuloy. "Bata ka pa lang alam ko nang may nararamdaman ka sa akin, na matagal mo na akong pinagpapantasiyahan. Pero hindi ko iyon binabalewala. Alam lahat iyon ng kuya mo. Bilib nga ako sa iyo dahil bata ka pa lang ay kilala mo na ang sarili mo at alam mo na ang gusto mo. Sobrang natutuwa nga ako sa iyo e"

Doon ko napagtanto kung bakit ang giliw niya sa akin. Wala naman akong naalalang kinukutya niya ako at kinahihiya maliban sa gabi ng party.

"Ang pagkakamali ko lang ay yung paninigaw ko sa iyo noon gabi ng party. Patawarin mo ako kung nagawa ko sa iyo yun. Dala lang kasi iyon ng nararamdaman kong emosyon sa kalagayan ni Dad. Sa maniwala ka't sa hindi ay pinagsisisihan ko agad iyon."

Kahit naging malinaw sa akin ang lahat ng kanyang mga sinabi ay nakukulangan pa rin ako. May mga bagay pa ring kasing gumugulo sa aking isip.At iyon ang susunod kong itatanong sa kanya.

Itutuloy...........

Sunday, January 2, 2011

TUKSO Part 17

"Time to relax." Ito agad ang naisip ko sa pagpayag sa hiling ni Allan na magcelebrate kami ng new year dito sa Boracay. Ito ang sinabi niya sa akin nung gabi ng araw ng pasko.

Makalipas ng  limang araw, agad kaming nagtungo doon. Sa pagkakita ko pa lang sa lugar, agad akong nakadama ng kasiyahan. Sobrang nagandahan ako sa tanawin, ang napakalinis na dagat at puting buhangin. Isama mo pa dyan ang ilang mga turistang naroroon mapa-Pilipino man o taga-ibang bansa. Nag-eenjoy din sila sa lugar tulad namin ni Allan.

Hapon na iyon, habang nakaupo ako sa buhanginan, lumapit sa akin si Allan na galing sa paglangoy sa dagat. "Ric, halika magswimming tayo"
"Sige ikaw na lang, hindi ako marunong lumangoy" ang pagtanggi ko.
"E di tuturuan kita sige na" ang pagpupumilit niya sabay hila sa braso ko para tumayo.
"Ikaw na muna, papanoorin na lang kita."
"Sige kung ayaw mo, di wag. Sasamahan na lang kita dito" si Allan na umupo sa tabi ko.

"Alam mo Ric, sobrang masaya ako dahil kasama kita ngayon" ang kanyang pagpapatuloy.
"Ganun din ako, at sobrang nag-eenjoy ako dahil kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng damdamin ko" ang sagot ko.
"Sa ngayon ba Ric, may nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niyang iyon.
"Meron pa nga" siya na rin ang sumagot ng tanong ko. Alam kong nasasaktan siya base sa tono ng kanyang boses.
"Allan, hindi ka mahirap mahalin dahil sobrang mabait kang tao. Kung matuturuan ko lang at madidiktahan ang puso ko sana ikaw na lang ang minahal ko. Pero ganun talaga e, sobrang mahal ko pa rin si Mike" ang deretsahan kong pahayag. Ayaw ko na siyang paasahin pa.
"Alam ko Ric, alam ko" ang medyo naiiyak na niyang sagot.

Sa pagkakataong iyon ay niyakap ko na lang siya. Walang pakialam sa makakakita sa amin. Ito lang kasi ang maisusukli ko sa lahat ng kabaitan niya sa akin. Gusto ko ipakita sa kanya na nadito lang ako bilang kanyang kaibigan. Nararamdaman ko ang medyo mainit na likido sa aking balikat. Tuluyan na pala siyang umiyak.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa iyo. Makakakita ka rin ng taong karapat-dapat sa pagmamahal mo." ang sinabi ko sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Tumango lang siya sa akin.

"Mabuti pa kumain na lang tayo, tara isa-isahin natin ang mga restaurant dito. Treat kita" ang paanyaya ko na lang sa kanya.
Ngumiti na siya sa akin. Pinunasan ang mga luha. "Ano ka ba, hindi ka pwedeng gumastos, ako kaya ang nagsama sa iyo dito" ang tila nagbagong mood ni Allan.

Kinagabihan, sabay kaming naghapunan sa isang restaurant doon, sobrang masasarap talaga ang mga pagkain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami.

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa hotel na aming tinutuluyan. May kani-kanya kaming kwarto.
"Good night tol" ang sabi ko kay Allan bago pumasok. Ngumiti siya sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ng silid ko ay agad kong pinindot ang switch ng ilaw. Nang bumukas ito, nagulat ako sa taong nakahiga sa aking kama. Unti-unting nanunumbalik sa akin ang galit sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo dito?"ang matigas kong tanong.
Sa halip na sumagot ay mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Miss na miss na kita babes" ang sagot niya sa akin.
Pilit ko siyang tinataboy palayo ngunit sadyang malakas siya. "Pwede ba Mike layuan mo nga ako!" ang naiirita kong sabi sa  kanya.
"Hindi ko kayang mawala ka sa akin kaya sinundan kita dito." sabi niya na nakayakap pa rin sa akin.
"Pwes ako kaya ko, tapos na tayo Mike at doon ka na sa Cynthia mo!" ang napapakalas ko nang pahayag.
"Alam ko babes, mahal mo pa rin ako at nararamdaman ko iyon. Please huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."
"Pahirapan, di ba ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya.

Kumalas siya sa akin ngunit nakakulong pa rin ako sa kanyang katawan. Nakasandal pa rin ako sa pader kung saan nakatukod ang kanyang mga kamay.
"Patawarin mo ako babes kasalanan ko ang lahat, pero sana man lang pakinggan mo ang mga paliwanag ko." ang sabi niyang nakatitig sa akin.
"Hindi na kailangan pa Mike, tulad ng sinabi ko noon, sapat na ang nakita ko sa Batangas" sagot ko na pilit umiiwas ng tingin sa kanya.
"Wala kaming relasyon ni Cynthia!" ang bigla niyang sinabi. Pero hindi agad ako naniwala. Malay ko bang nagsisinungaling lang siya sa akin.
"Talaga lang ha, kaya pala ang sweet niyong dalawa."
"Magkaibigan lang talaga kami, magkababata pero hanggang doon lang iyon." si Mike.
"Sigurado ka e bakit kayo ipakakasal ng Dad mo ha?" tanong ko sa kanya.
"Pinagkasundo lang kami ng aming mga pamilya, Malapit na kaibigan ng Dad ko ang mga magulang niya."
"E bakit parang sinusundan ka niya?" ang tanong ko. Gusto ko ring malaman na ang dahilan ng pagpunta niya sa tinitirhan namin.
"Ang totoo niyan siya ang nagrekomenda sa akin ng bahay natin. Tinulungan niya ako na makahanap na tirahan para lumayo kay Dad."
"Ows, pwede ba Mike wag mo akong bolahin"
"Hindi ka pa ba naniniwala, sige ihaharap ko sa iyo si Cynthia para makapag-usap kayong dalawa."
"Huwag na Mike" ang sagot ko. Inisip ko na nagsabwatan silang dalawa.
"Pwede ba Ric, wag ka nang magpakipot pa. Ang tigas ng ulo mo. Alam ko namang namimiss mo na rin ako." si Mike na may ngiting parang nanunukso.

Sa loob ko ay tama siya. Sobrang namimiss ko siya at ngayong nakita ko na ulit ang kanyang gwapong mukha at mala-adonis na katawan ay tila nahuhumaling na naman ako sa kanya. Pero hindi ako nagpahalata.
"Tama na ang kahibangan mong ito Mike"
"Hindi ako titigil babes. Kilala mo naman ako diba. Lahat ng bagay na gusto ko ay pipiliting kong maangkin."

Totoo ang sinabi niya, college life pa lang ay ganito na talaga siya, ang pagkadesperadong makuha ang isang bagay na nais niya.
"At ngayong nakita na ulit kita ay hindi ko na hahayaang lumayo ka ulit sa akin." ang dugtong niya.

Tumingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad, na totoo ang kanyang sinasabi. Ewan ko ba pero parang naniniwala na ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa.

Unti-unting nilapit ang mukha niya sa akin.  Alam ko na agad ang kanyang gagawin. Hindi na ako nakakilos pa sa halip ay tatanggapin ko na lang ito. Ang halik na hinahanap-hanap ko simula nang lumayo ako sa kanya.

Tuluyan nang naglapat ang aming mga labi.

Itutuloy........