Saturday, October 30, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 19

Ang sarap sa pakiramdam nang natupad na ang matagal mo nang minimithi, ang mahalikan ng taong matagal mo nang minamahal. Hindi ito isang panaginip lang. Habang hinahalikan niya ako, hindi ko maiwasang maluha ulit dahil sa sobrang kasiyahan. Masarap siyang humalik na parang sabik na sabik. Maya-maya kumalas na siya sa akin.

"Ngayon, kakalimutan mo pa ba ako, makakaya mo pa bang lumayo sa akin? Ito ang aking halik ng pag-ibig." si Jake. Hindi ako makapagsalita, natutulala pa rin ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila. Ako naman naging sunud-sunuran na lang sa kanya. Pagkapasok sa bahay, kita ko silang lahat na nakaupo at nag-uusap. Kita ko ang pagkabigla sa mukha nila nang makita kaming magkaholding hands.

"Tito Mariano, patawarin po ninyo ako kung sinaktan ko po ang damdamin ng anak niyo, pero narealize ko nung ayaw kong umuwi dito na hindi ko kayang mawala si Dave sa buhay ko. Kaya please po sana huwag na  kayong umalis." si Jake. Kitang kita ko sa mata niya na totoo ang sinasabi niya.
 "Ma, Pa, sasabihin ko po sa inyo na mahal na mahal ko si Dave sana po matanggap po ninyo ang aming relasyon gaya ng pagtanggap ko sa aking pagkatao. Alam ko na ngayon kung saan ako magiging masaya." dagdag niya.
"Anak, natutuwa kami at huwag kang mag-alala susuportahan ka namin kung saan ka magiging masaya." si Tita na naluhasa kasiyahan.
"Jake, alam mo naman siguro na mahina ang utak ng anak ko sa pag-aaral kaysa sa iyo at pumapalpak sa maraming bagay." si Itay na agad sinagot ni Jake.
"Alam ko po Tito, makakaasa po kayong tutulungan ko siya at aalagaan." si Jake.
"Ang saya, bukas magkakaroon tayo ng salo-salo hehehehehe" si Tita.

Naluha ako sa sobrang kasiyahan sa mga nangyari. Natupa na ang pangarap ko na mahalin ni Jake. Wala na akong mahihiling pa. Pagkatapos ng aming usapan, pumasok na kami sa kani-kaniyang kwarto para makapagpahinga.

Sas kwarto, nakahiga akong nakangiti na. Pero may bumabagabag pa rin sa akin na baka bukas e bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin, at siyempre naalala ko si Cathy. Minabuti kong puntahan siya at kausapin. Kumatok ako sa pinto at agad naman niya itong binuksan.

"Dave tara, pasok ka" si Jake na  nakangiti. Pumasok na ako at naupo sa kama niya.
"Oh bakit parang di ka masaya, sabihin mo may problema ka ba? nag-alalang tanong niya sabay tabi sa akin.
"Iniisip ko lang na baka bukas e magbago ka ulit saka paano na si Ca" ang sinabi ko nang takpan niya ang bibig ko ng hintuturo niya.
"Shhhhh! iyan ba ang inaalala mo? Huwag kang mag-alala, hindi ako magbabago at tungkol naman kay Cathy, wala kaming relasyon, kaibigan ko lang siya. Binabalak ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Teka, dapat nga ako ang magtanong sa iyo niyan e." 
Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "Bakit mo nasabi yan?" ang tanong ko.
" Dahil marami akong karibal sa iyo. Nung mga nakaraang buwan marami akong natatanggap na text galing sa ibat-ibang number at mga sulat na nagsasabing aagawin ka nila sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sarili ko. at nang makita ko si Mark, doon ko nakumpirma sa sarili ko na nagseselos ako. Gulung-gulo ako ng mga panahon na iyon. Lalong nasaktan pa ako ng makita ko kayong sabay umuuwi, sabay nagmemeryenda sa Jollibee at siyempre sa kanya ka na sumasama sa tutorial. Mababaw lang iyon sa iyo pero di ko maiwasan e. Nung gabi na uminom ako, dahil iyon sa nakita kong paghawak niya sa kamay mo at pagkiss sa pisngi mo habang naglalakad kayo. Masakit kasi hindi ko nagawang gawin sa iyo yun dahil sa confusion ko sa sarili. Ang pagtanggap ko sa sarili ang nagbibigay sa aking ng sobrang kaligayahan. Salamat sa iyo Dave." si Jake habang hinahaplos ako sa ulo.

Nagulat naman ako sa mga revelations niya. Unti-unting naliwanagan ang isip ko. Matagal na pala siyang may nararamdaman sa akin, pero naging manhid ako. Nagseselos na pala siya kay Mark. Teka, pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Jake na marami ang nagtetext sa kanya at nagpapadala ng mga sulat. Naalala ko yung araw na nakita kong maraming sulat at sim cards si Mark.

"Jake, may sinabi kang maraming kang natatanggap na text at sulat di ba?" ang natanong ko.
"Oo, huwag mong sabihing isa na sa kanila ang mahal mo?" si Jake na may selos ang tono ng boses.
"Hindi ano ka ba, naalala ko kasi na yung mga nakita kong papel at sim cards kay Mark e. Jake, naitabi mo ba ang mga sulat at na save ang mga text" sabi ko.
"Wala na, siyempre hindi ako magtatago ng mga bagay na nagbibigay ng pasakit sa akin." ang sagot niya. 
"Ahh, may kailangan lang akong kumpirmahin bukas"
"Ano iyon, sabihin mo sa akin" si Jake.
"Malalaman mo rin  iyon bukas. Sige, balik na ako sa kwarto ko." tatayo na sana ako nang bigla akong hinawakan ulit ni Jake sa kamay.
"Dave, hindi ka muna pwedeng lumabas." si Jake, sabay hinila ang kamay ko na dahilan upang mapahiga ako sa kama at umibabaw siya sa akin.

Ang kaninang nararamdaman kong pag-aalinlangan kay Mark ay napalitan nang kung anumang init ng katawan. Nakatitig siya sa akin na parang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha ko. Muli, hinalikan niya ako, mas mapusok na ito kaysa sa kanina. Halatang gigil na gigil siya sa akin. Naramdaman kong tumigas na ang pagkalalaki ni Jake sa pagdikit-dikit niya nito sa aking ari. Tinigasan na rin ako. Maya-maya huminto siya sa paghalik at sinimulan na niya akong romansahin. Dinilaan at inamoy-amoy niya ang buo kong katawan pababa. Hinubad niya bigla ang aking suot na shorts at brief. Walang kagatul-gatol siyang isinubo ang tigas na tigas ko nang ari. Napaungol at napapikit na lang ako sa sobrang sarap na aking nararamdaman.

Itutuloy................

Friday, October 29, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 18

"Ahm Dave, nandito ka pala, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Mark nang makita ako.
"Ako dapat magtanong sa inyo. Bakit dito kayo nag-uusap?" ang nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Wala, napag-usapan namin si Jake, di ba Mark?" si Cathy.
"O..oo nga hehehehe. Sinabi kasi ni Cathy na bumalik na siya sa bahay nila. Sige Cathy balik na kami sa room" si Mark.

Sabay na kaming bumalik ni Mark sa room. Habang naglalakad, naiisip ko ang ilang mga bagay na pumapasok sa isip ko tungkol kay Mark. Parang may kakaiba sa kanya. Una ang mga nakita kong mga simcards at papel sa armchair niya. Pangalawa ang seryosong usapan nila ni Cathy. Nang makarating na kami sa room,

"Dave, ayos na ba kayo ni Jake" agad na tanong ni Mark, pagkaupo pa lang namin.
"Hindi ko alam Mark, pero kahit nagbalik na siya buo pa rin ang desisyon naming umalis para dumistansya na sa kanya." seryoso kong sabi sa kanya habang nilalabas ang mga lecture notes ko sa bag.
"Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo, nandito naman ako na handang magmahal sa iyo." biglang sabi ni Mark.

Naalaala ko naman ang pagyakap niya sa akin sa bahay nila habang nagtututorial kami at ang pag-amin ng nararamdaman niya sa akin. Inulit ko lang sa kanya ang sinabi ko noon na hindi pa ulit ako handa sa pakikipagrelasyon. Nanahimik na lang siya pero kita pa rin sa kanya ang pagkadismaya.

"Patawarin mo ako Dave sa ginawa ko sa iyo nung isang gabi" si Mark.
"Ayos lang sa akin iyon, nabigla lang naman ako sa iyo" sabi ko.
"Ibig sabihin hindi pa rin magbabago ang set-up natin" ang napalakas niyang tanong.
"Oo naman basta wala tayong pag-uusapang iba maliban sa pag-aaral" sabi ko.
"Salamat Dave, ang bait mo talaga" si Mark na akmang hahawak sa kamay ko pero agad ko itonjg iniwas. Naintindihan naman niya ito.

Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Tulad ng napag-usapan ganun pa rin ang set-up namin. Sabay kaming naglalakad pauwi, magmeryenda sa Jollibee at ang tutorial. Sa bahay nila habang nagpapaliwanag sakin si Mark ng isang topic sa science. Biglang nagring ang phone ko. Si Itay pala. Sinenyasan ko si Mark na tumigil muna.

"O tay, bakit ka napatawag" tanong ko sa kanya.
"Dave anak,  anong oras ka ba uuwi, kanina ka pa hinihintay ni Erika dito" sagot niya. Bigla kong naalala na puputa nga pala si Erika sa bahay at pag-uusapan ang bahay na uupahan namin.
"Pasensiya na tay, malapit na kami matapos, uuwi na agad ako diyan sige bye." sagot ko.
"Mark bilisan na natin kasi kailangan na ako sa bahay e"
"Ganun ba sige, bukas na lang natin ituloy yung ibang subjects. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo, Ibabalik ko lang itong mga encyclopedia at dictionaries sa kabilang  kwarto. Pwede ka nang mauna bumaba pagkatapos mo" si Mark.
"Ok. 

Pumunta na si Mark sa kabilang kwarto para ibalik ang mga ginamit namin sa pag-aaral. Ako naman inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag. Habang nag-iimpake, isang tunog galing sa cellphone ang narinig ko. Agad kong hinanap ang kinaroroonan ng cellphone at nakita ko ito sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Umiral na naman ang pagkatsismoso ko kaya hinawakan ko ito. Nang tignan ko ang screen, nabigla ako sa caller. Si Cathy. Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pinto. Alam kong si Mark ito kaya agad kong binitawan ang cellphone.

"Mark may tawag ka sa cellphone mo oh" sabi ko sa kanya sabay turo ko. Agad siyang lumapit para kunin iyon. Nang mabasa ang caller, bigla siyang napatingin sa akin na animoy kinakabahan at may tinatago. Hindi niya ito sinagot.
"Wag mo tong intindihin ito hehehe. Tara na ihahatid na kita sa labas." si Mark.
"O....o.....ok" ang nasabi ko na lang.

Lalong nadagdagan ang mga pag-aalinlangan ko. Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari ngayon. Ewan ko ba parang may hindi tama. Mayroon tinatago sa akin sina Mark at Cathy. Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay iyon pa rin ang iniisip ko. Pagkapasok ko, nakita kong nakaupo lahat silang lahat sa sofa maliban kay Jake. Hindi ko naman magawang itanong kung nasaan siya.

"Anak, sa isang araw na tayo aalis, buti na lang at may mabait kang kaibigang tumulong sa atin hehehe" si Itay. Napapangiti na lang ako.
"Ok na rin yan para maibalik na ang pagiging masayahin ng friend ko" si Erika.
"Hay kakalungkot naman, hindi na ba kayo talaga mapipigilan pare" si Tito Eddie.
"Pare naman paulit-ulit mo na lang tinatanong sa akin yan, nag-usap na tayo di ba." si Itay.
"Oo nga, wala na kaming magagawa." si Tita Edna.

"Sige uuwi na ako Dave gabi na kaya" si Erika.
"Hatid na kita sa labas." alok ko.

Hinatid ko na siya sa sakayan sa kanto. Nang makasakay na siya, naglakad na ko pabalik ng bahay. Nang papalapit na ako sa may gate. Napahinto ako dahil nakita ko si Jake nakatayo at parang may hinihintay. Iiwas sana ako pero huli na dahil nakita na niya ako at dali-daling lumapit sa akin. Ako naman napapaatras hanggang mapasandal ako sa isang pader. Tinukod niya ang dalawang kamay dito malapit sa aking mga tainga.

"Dave, iiwas ka na naman, totoo bang aalis na kayo?" ang seryosong tanong niya sa akin.
"Oo para.." ang sagot ko nang bigla siyang nagsalita na medyo galit na.
"Ganun na lang ba iyon, iiwan mo na ako ha? Alam mo ba na dahil sa iyo, bumalik ako dito?" ang napalakas na niyang tanong. Nakaramdam na ako ng kaba. Pero nakuha ko pa ring sagutin siya dahil na rin siguro sa nararamdaman kong poot sa ginawa niya sa akin.
"Oo tama ka, gusto na kasi kitang makalimutan dahil hindi ko na kaya ang paninisi mo sa akin tungkol sa pagkatao mo at mga pang-iinsulto mo. At nasasaktan ako dahil ang taong gusto ko ay....." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya nang biglang naputol dahil naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Jake sa akin.

Itutuloy............

Thursday, October 28, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 17

Kahit nakakaramdam ako ng pananabik, hindi ko pa rin inaalis ang kumot na bumabalot sa buo kong katawan at nagkunwaring tulog baka kung anu-ano na naman ang sasabihin niya na magpapasakit ulit sa kalooban ko.

"Alam ko Dave, gising ka pa at naririnig mo ako. Pwede bang mag-usap tayo" si Jake na malumanay ang boses.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa luha kong di na yata tumigil sa pagtulo.
"Kung ayaw mo akong harapin ok lang sa akin naiitindihan kita dahil siguro hindi ka pa handa. Alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari. Kung sakaling magbabago ang isip mo na kausapin ako nandito lang ako. Sige pahinga ka na" si Jake ulit na may tono nang kalungkutan at pagkadismaya.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan, inangat ko na ang kumot ko saka umupo sa kama pahid ang luha. Sa totoo lang gustung-gusto ko na siyang yakapin at halikan nang mga sandaling iyon pero nanaig sa akin ang takot na baka lalo niya akong kamuhian at pangamba, dahil may girlfriend siya. Kinabukasan, nagising ako sa isang tawag sa cellphone ko.

"Dave, may maganda akong balita sa iyo, pwede na kayong umupa sa dati naming bahay sa New Manila, umalis na ang dating nakatira doon." masayang sabi ni Erika.
"Talaga friend, salamat. Makakapag move-on na siguro ako nito. Kailan pwede lumipat?" sabi ko.
"Mamayang uwian, pupunta ako diyan sa inyo, sabihan mo na rin ang itay mo ha" si Erika.
"Ok"
"Sige bye muna malalate na ako." si Erika.

Nang bumaba ako para maligo, nakita ko silang lahat maliban sa aking itay na nauna na palang umalis papuntang canteen namin, kumakain ng agahan.

"Dave anak, halika sabay ka na sa aming kumain" yaya ni Tita nang makita akong nakatayo.
"Salamat po Tita, pero busog pa ako saka nagmamadali ako ngayon. pagtanggi ko. Nang paalis na sana ako papuntang banyo para maligo, biglang tayo ni Jake sa upuan niya saka inakbayan akong pabalik sa mesa.
"Dave, alam kong gutom ka, kain ka muna kahit kaunti, ako ang nagluto niyan." si Jake na pinaghahainan ako ng sinangag at itlog.

Kita ko sa mga mata nina Tito at Tita ang pagkabigla. Nang tignan ko si Jake, nakangiti ito pero nakikita ko pa rin sa mata niya ang kalungkutan. Hindi na ako nakatanggi. Habang kumakain, halos mamayani ang katahimikan sa aming apat. Ni isa ayaw magsalita. Nararamdaman kong patingin-tingin sa akin si Jake pero iniiwasan ko talaga siyang tignan.

Nakatapos na ako lahat-lahat at handa na sa pagpasok. Lumabas na ako ng bahay nang biglang may humatak sa braso ko papasok ng kotse. Si Jake pala ito. Ewan ko ba, naging sunud-sunuran na ako sa lalaking ito. Habang nagmamaneho, katulad kaninang agahan, tahimik pa rin kami. Siya na rin ang nagbasag nito nang mapansin akong sa bintana lang ako nakatingin.

"Dave, hindi ka ba masaya at bumalik na ako?" ang bigla niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Sasabihin ko na sanang "Oo, miss na miss na kita" pero nanaig parin sa akin ang takot at pangamba kaya ang nasagot ko ay...
"Buti naman bumalik ka na, nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo" casual kong sagot na medyo kinakabahan. Kita ko sa mukha niya ang disappointment sa sagot ko.

Nang huminto na kami sa gate ng school, mabilis akong bumaba. Agad siyang sumunod sa akin at umakbay ito. Dahil mahuhuli na ako, hinayaan ko na lang siya hanggang maghiwalay kami sa lobby. Nakangiti siyang kumaway sa akin na parang nagsasabing "see you later" at naglakad na siya papunta sa room nila. Habang umaakyat ng main stairs di ko madeny sa sariling kinikilig, pero agad itong napalitan ng pangamba nang may mapuna akong tao sa emergency stairs sa gilid ng building na naging sanhi ng pananakit ng kalooban ko, si Cathy at may kausap na lalaki. Pero kapansin-pansin na parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Dahil na rin sa aking talento ang pagiging tsismoso, lumapit ako nang kaunti para marinig ang pinag-uusapan nang biglang magwalk-out itong si Cathy. Napahinto siya nang makita makasalubong niya akong papalapit sana, at nagulat ako nang tinignan ko ang lalaking kausap niya na sumusunod sa kaniya.

Itutuloy.....................

Wednesday, October 27, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 16

Kinabukasan, nagising pa rin akong mabigat ang pakiramdam. Parang ayaw kong kumilos o pumasok sa school, gusto ko lang na nakahiga. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil malapit na rin ang midterm exams. Pagbaba ko, nakita kong kumakain silang lahat ng agahan. Niyaya nila ako. Lalong bumigat ang kalungkutan ko nang malamang hindi na talag umuwi si Jake. Halos hindi ako nakakain nang maayos.

Dahil wala si Jake, mag-isa akong pumasok ng araw na iyon. Naalaala ko tuloy ang mga moments namin dalawa sa loob ng mahigit isang taon, ang mga ngiti niyang nakakapagpasaya sa akin, ang mga kulitan namin at mga panglalait niya sa akin.  Isang araw, mula nang pumasa ako ang kauna-unahang exams namin. Naalala ko ang kanyang first smile. Hanggang sa pag-uwi namin nandun pa rin iyon. Pero ngayon, nag-iba na ang takbo ng mundo, mas malala pa sa pang-iinsulto niya ang nangyari, tuluyan na niya akong kinasusuklaman. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa problemangdinadanas ng kanyang pamilya.

Nakarating na ako ng school. Saglit kong pinagpaliban ang kalungkutan para na rin makapagconcentrate ako.
Pagkapasok ng room, agad akong sinalubong ni Mark.

"Dave, anong nangyari sa iyo kagabi?" agad na salubong na tanong niya sa akin. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.
"Dave, alam mo tanggapin mo na lang ang lahat. Makakapag move-on ka rin. Marami pa namang iba diyan na nagmamahal sa iyo ng totoo pero di mo lang nakikita. Idilat mo lang ang mata mo at buksan ang isipan para maliwanagan ka." pangaral ulit niya sa akin.
"Alam ko Mark, salamat ha at nandito ka" sabi ko sabay tingin sa kaniya nang nakangiti.ang Napansin ko naman sa  niya ang maraming papel at mga sim cards.
"Oh, ang dami mo yatang papel diyan at mga simcards, ano ba mga ito patingin nga?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang  papel nang agad niya akong pinigilan.
"Wala ito, mga gagamitin natin sa tutorial mo, hindi mo pa pwedeng makita ano, itng mga simcards, matagal na itong di nagagamit, mga blocked na ito" ang nauutal niyang sabi sabay tago ng mga ito sa bag.

Kahit nagtataka ako sa kanya, hindi ko na lang ito binigyang-pansin. Mas nangingibabaw sa akin ang nararamdaman kong kalungkutan. Tuloy pa rin ang tutorial namin ni Mark.

Natapos na ang midterm exams na umabot nang mahigit isang buwan na hindi pa rin umuuwi si Jake sa bahay, pero pumapasok pa rin siya sa school ayon kay Erika. Nalaman ko rin na madalas na silang magkasama ni Cathy. Sa bahay naman, patuloy pa rig naghihinagpis ang mga magulang niya. Pakiramdam ko lalo akong naguiguilty habang tumatagal sa kanila. Napupuna na rin siguro ni Itay ang nararamdaman ko kaya isang desisyon ang sinabi niya sa akin nang mag-usap kami sa kwarto isang gabi.

"Anak, naaawa na ako sa iyo, bilang ama mo, nararamdaman ko ang mga hinanakit mo. Kaya anak, naisip ko tutal maganda na ang takbo ng ating negosyo, pwede na tayong umalis dito at maghanap ng mauupahan. Nakausap ko na ang mga magulang ni Jake, napilitan na silang pumayag kahit ayaw nila." si Itay habang hinahagod  ang likod ko.
"Tama ka tay, pakiramdam ko kasi na pabigat ako dito, mabuti na rin siguro ang pag-alis natin para maayos na ang pamilya nila. Kailan naman tayo aalis?" sabi ko.
"Sa sembreak mo na anak. Nagtatanong-tanong na ako sa mga suki ko sa canteen ng mga pwedeng matirhan." si Itay. Agad ko namang tinawagan si Erika para sabihin ito.

Kinabukasan, binanggit ko na rin ito kay Mark habang naglalakad kami papunta sa kanila para sa tutorial.

"Talaga Dave, aalis na kayo mabuti naman" si Mark na halata sa mukha na nasiyahan.
"Oo, at teka bakit mas masaya ka pa sa akin?" ang bigla kong tanong.
"Wa...wa...la, ano ka ba, siyempre makakatulong iyon sa bestfriend ko na makapagmove on." si Mark sabay akbay sa akin.

Nakakapagtaka ang sobrang saya ni Mark sa mga sinabi ko, hanggang sa dumating kami sa kanila, hindi pa rin maalis ang ngiti niya.

"Mukhang masaya ang anak ko ha, may new love ka na yata" si Tita Evelyn na sinalubong ang pagdating namin.
"Hmmm, hindi ko pa siya nakukuha mom, pero malapit na" si Mark. Nahiwagaan naman ako sa sinagot niya.

Sa kwarto niya, habang sinasagutan ko ang mga exercises niya, bigla niya akong niyakap sa likod.

"Please, huwag kang papalag, hayaan mo muna ako gawin ito" si Mark.
"A...a...no ang ibig sabihin nito Mark?" ang nagtataka ko nang tanong sa kanya.
"Alam ko Dave, hindi mo pa rin nagagawang kalimutan si Jake. Tanggapin mo na lang na wala na siya sa buhay mo, nandito naman ako." si Mark.
"Ha! hindi, kita maintindihan" napasigaw ko nang sabi sa kanya.
"Dave, mahal kita nang higit pa sa isang  bestfriend." pag-amin niya.

Napatayo naman ako sa narinig ko sa kanya. Inalis ang kamay niya mula sa pagyakap sa akin.

"Mark, hin...hin...hindi pa ako ready na magmahal ulit sana maintindihan mo" ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Alam ko, alam ko, at hihintayin ko ang panahonh iyon. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo." si Mark sabay hawak sa mga kamay ko.
"Sige Mark, sa susunod na lang natin ituloy ang tutorial, uuwi na muna ako, sumakit bigla ang pakiramdam ko."

Kita ko sa mga mata ni Mark ang sobrang kalungkutan. Muli naalala ko na ganito rin ang naramdaman ni Jake. Pagkauwi ng bahay, nakita ko silang lahat na nag-uusap sa sala, kasama ang taong biglang nagbalik. Si Jake. Medyo nagbago ang itsura niya, mayroon na siyang bigote, medyo humaba ang buhok pero nandun pa rin ang kakisigan at kagwapuhan.Tumingin siya sa akin, isang titig na hindi ko mawari kung galit ba ito o kasiyahan.

"Ah Tita, Tito, pasok po muna ako ng kwarto, medyo di po maganda ang pakiramdam ko." nasabi ko na rin para makaiwas na kay Jake.
"Ganun ba, sige." si Tito.

Nang sipatin ko si Jake bago ako pumasok ng silid, nakita ko, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na animoy naiiyak. Hindi ko na muna ito binigyang pansin. Sa kwarto, nakahiga pa rin akong nag-iisip. Hindi pa nga ako ok sa pag-iwan sa akin ni Jake tapos bigla namang umamin si Mark sa akin ng nararamdaman niya , at ngayon lang pagbabalik  ni Jake. "Arrrhhhhh! mababaliw na ako" sabi ng utak kong tuliro.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip habang nakatalukbong ng kumot nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
Naramdaman kong umupo rin siya sa kama at tumabi sa akin. Nagulat ako nang mabosesan ko ito.

"Dave" 

Itutuloy..........................

Tuesday, October 26, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 15

Nahabag ako sa nakikita ko. Kita-kita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Jake. Akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang bumulyaw.

"Layuan mo ako, lumayas ka, ginulo mo ang pagkatao ko" si Jake na humahagulgol pa rin.
"Jake, lasing ka lang, alam kong may problema kaya. Maaari mo namang sabihin ito sa akin baka matulungan kita.Tara na, nag-aalala na si Tita." sabi ko sabay hawak sa braso niya para alalayang tumayo.
"Huwag mo akong hawakan, umalis ka. Tutulungan mo ako, e lalo mo lang sinasaktan ang damdamin ko e. Dahil din sa iyo confuse na ako sa sarili ko! napapasigaw na niyang sabi. Napapatingin na ang mga tao sa amin.
"Please tara na, saglit na lang at darating na si Tita." panunuyo ko pa rin sa kanya.
"Hindi muna ako uuwi hanggat nandun ka pa sa bahay, kaya inuulit ko, layuan mo na ako! si Jake.

Biglang bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko sa kanya. Kahit lasing siya, alam niya ang mga sinasabi niya. Naisip ko tuloy na ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito siya.

"Ano, tutunganga ka pa ba diyan, alis na" si Jake sabay tulak sa akin.

Hindi ko na rin napigilang maluha sa nangyayari. Ang taong mahal ko pinagtatabuyan na ako ngayon. Nasasaktan din ako tulad niya. Napayuko na lang ako habang humahagulgol. Maya-maya isang kotse ang huminto sa harapan namin. Napatingin naman ako sa taong bumaba sa pag-aakalang sina Tita Edna ito. Ngunit lalong bumigat ang dibdib ko parang tinutusok ng napakaraming karayom sa nakita ko. Si Cathy.

"Jake, anong problema, bakit nagkakaganyan ka, halika na ihahatid na kita sa inyo, simula nang magtext ka nag-aalala na ako sa iyo" si Cathy sabay alalay kay Jake na tumayo.
"Salamat Cathy, please wag mo muna akong iuwi sa amin hanggat nandun pa ang taong sanhi ng problema ko, doon mo muna ako sa inyo dalhin." pakiusap ni Jake.

Tuluyan nang umagos ang luha ko. Kumpirmado, ako ang pinakadahilan niya sa kanyang paghihinagpis. Naisakay na ni Cathy si Jake sa kotse. Tuluyan na silang umalis. Ako, dahil sa sobrang hinanakit halos manlambot na ang tuhod ko at di makatayo. Napaupo na ako sa sento sapo ang mukha ng dalawang kamay at humihikbi. Maya-maya isang tao ang humaplos sa likod ko.Unti-unti kong inangat ang mukha ko. Si Itay pala kasama ang mga magulang ni Jake.

"Tay, ang sakit-sakit naman, bakit ganito ang nangyayari sa akin?" sinabi ko kay Itay na humihikbi at napayakap sa kanya.
"Anak, tara na muna sa bahay pag-usapan natin ang problema mo." si Itay.
"Dave, anak ano nangyari, nasaan na si Jake." si Tita Edna na bakas din sa mukha ang pag-aalala sa anak.
"Umalis na po siya,ayaw na niya sa akin, pinagtatabuyan na niya ako" naiiyak ko pa ring sabi.
"Mabuti pa pare, iuwi na natin siya." si Tito Eddie.

Sumunod na lang ako sa kanila. Hanggang sa loob ng kotse naiiyak pa rin ako. Si Itay namanm patuloy na hinahaplos ang ulo ko at pinapatahan ako. Nang makarating sa bahay...

"Anak, kumain ka muna" si Itay.
"Ano ba nangyari, sabihin mo sa amin? si Tita Edna.

Naiiyak ko pa ring kinuwento sa kanila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Jake. Kita ko sa mukha ng mga magulang niya ang pagkabigla na animo'y may nalalaman sa problema ng anak nila. Pero di ko na inusisa muna ito dahil sa emosyon ko ngayon.

"Tita, Tito, tay pahinga muna ako sa kwarto" paalam ko sa kanila para makapagpahinga naman ako.
"Sige anak, pahinga ka na muna, pag-usapan na lang ulit natin ito bukas" si Itay.
"Salamat po sige."

Hindi ko pa rin magawang makatulog. Patuloy pa rin akong umiiyak. Naisip kong tuluyan na akong kinasusuklaman ng taong minahal ko nang maraming taon. Binigyan ko pa ng problema ang pamilya nila. Nahihiya na ako sa kanila. Habang nasa kasagsagan ako ng pag-hihimutok, may kumatok sa pinto.Tumayo ako at binuksan. Si Tita pala may dalang gatas.

"Dave inom ka muna ng gatas" si Tita.
"Salamat po Tita pasok po kayo."paanyaya ko siya sa loob. Umupo kami sa kama, kinuha ang gatas at nilapag sa tabi.
"Ano na pakiramdam mo?si Tita.
"Ganun pa rin Tita e" sabi ko sabay tulo muli ng luha.
"Dave, nagpapasalamat kami ng Tito mo sa iyo. Alam mo mula nang tumira kayo sa amin, doon ko lang nakita sa unang pagkakataon ang pagiging masaya ni Jake. Nakakatuwang isipin ano, na ikaw ang nagpabago sa kanya." si Tita.
"Tita, parang kabaliktaran naman po yata yung sinasabi niyo eh" sabi ko pa rin habang nagpapahid ng luha.
"Yun bang nangyayari ngayon sa kanya ang tinutukoy mo, bilang magulang ni Jake, alam ko ang nararamdaman niya" si Tita na humawak sa mga kamay ko.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ko siya pinilit na maging tutor mo?" sunod na tanong ni Tita.
"Kasi po mahina ang ulo ko  at matalino si Jake." sagot ko.
"Tama ka rin pero hindi iyon ang tunay na dahilan namin ng Tito mo."
"Kung ganoon ano po ang totoo?" tanong ko agad.
"Para maging malapit kayo sa isa't-isa at mabago ang mga baluktot niyang pananaw. Teka para mas lalong maliwanangan ka may ipapakita ako sa iyo kukunin ko lang sa kwarto ko" si Tita ulit.

Bumalik si Tita, may dala-dalang isang photo album.

"Dave, tingnan mo ang mga pictures" sabi niya sabay bigay sa akin.

"Tita, sino po itong batang babae, ang ganda naman niya, may anak po pala kayong babae" tanong ko sabay turo sa mga pictures. Puro kasi batang babae ang mga nakikita ko na naka blouse, gown, bathing suit na may make-up.
"Wala akong anak na babae, si Jake yan" sagot niyang pabulong sa akin.
"Ha! si Jake ito, bakit naka pangbabaeng damit" nagtatakang tanong ko. Natawa naman si Tita.
"Wala lang, dahil di kami nabiyayaan ng anak na babae naisip kong bihisan siya nang ganyan. Akala ko rin babae yung susunod kong anak na namatay hindi rin pala. Tignan mo oh ang ganda niya di ba. Masayahing bata pa siya at palakaibigan noong mga panahong iyan?" si Tita na natatawa pa rin pero bigla na lang nag-iba ang mood nito sa mga sunod niyang sinabi.
"Isa siguro ito sa mga dahilan ng paghihimutok ni Jake ngayon. Dahil sa ginawa kong ito sa kanya tinutukso siyang bakla at minamaliit ng mga kaklase at iba pang bata sa kanya. Naging malungkutin na siya simula noon, nagbago na siya, nag-aral nang mabuti at naging masungit. Kaya salamat sa iyo at binalik mo ang dating Jake." si Tita.

Naisip ko bigla na ito pala siguro kung bakit ang init ang dugo ni Jake sa mga bakla. Kaya pala nilalayo niya ang sarili sa akin at ang talino ay ginagamit niya upang maiangat ang sarili sa iba nang sa gayon hindi na siya maliitin ng mga ito.

"Dave ang iniisip ko pa ngayon, na naguguluhan na siya sa totoo niyang sekswalidad. Marahil ang totoong dahilan ng galit niya sa iyo ay selos." si Tita.

"Ano! si Jake, nagseselos kanino naman?" napasigaw kong tanong dahil sa pagkabigla.
"E di sa iyo. Noon pa namin nakukutuban ng Tito mo na may namumuong pagtingin si Jake sa iyo. Pilit lang niya ito pinipigilan kaya napapansin mo na iba ang pakikitungo niya sa iyo. Ikaw, alam din naming gusto mo siya. Huwang kang mag-alala tanggap namin kayo." si Tita.

"Salamat po sa pagtanggap sa akin. Pero teka, baka nagkakamali po kayo, di pwede magkagusto sa akin si Jake. May girlfriend na po siya e." sabi ko.
"Girlfriend, sino? si Tita.
"Yung isa pong kaklase niya, si Cathy, siya rin yung nagsundo sa kanya kanina" sagot ko.

Kita ko sa mukha ni Tita na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Dave, ito ang masasabi ko sa iyo na dapat pakatandaan mo. Una, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari kay Jake. Pangalawa, yung galit niya sa iyo, mawawala rin yan. Pangatlo, mahal ka niya, hindi lang niya matanggap sa sarili niya na nagkagusto siya sa kapwa. Hayaan mo isang araw babalik rin siya dito. Sige labas na ko pahinga ka na"
"Goodnight po Tita" sabi ko sabay patay ng lampshade. 

Gumaan naman ang loob ko kahit papaano sa mga nalaman kong rebelasyon kay Tita Edna. Ang set-up na plano nila sa amin ang nagpabago kay Jake. Pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan ko tungkol sa sinasabi niyang pagkagusto raw ng nanak nila sa akin, parang impossible kasi. Ang pagkamalungkutin ko kanina ay nadagdagan tuloy ng pagkalito. Hindi ko magawang makatulog ng gabing iyon.

Itutuloy.............

Monday, October 25, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 14

"Jake, tinutulungan ko lang si Cathy. Napapansin na kasi naming may kakaiba sa mga kinikilos mo eh. May problema ka ba? Kahit mahina ang ulo ko, sisikapin kitang intindihin at tulungan." sabi ko.
"Ano problema ko, tsk,tsk,tsk. Nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang manhid ka lang" pabulyaw niyang sagot.
"Ano ibig mong sabihin? di kita maintindihan" agarang tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa iyo" si Jake sabay kuha ng bag at nag walk-out.

Bumalik ako sa room namin na nag-iisip. Pilit kong inaalam sa sarili ko ang kakaibang kinikilos ni Jake. Sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng husto at umiyak. Naglalakad ako nang wala sa sarili, hindi na tinitingnan ang mga taong nakakasalubong ko kung mababangga ko na sila. Pagdating sa room ,agad akong tinawag ni Mark.

"Ano na nangyari Dave? Sinabi ba ni Jake ang problema niya" tanong agad ni Mark pagkaupo ko.
"Hindi ko alam Mark, pati sa akin ayaw niyang sabihin e" sagot ko.
"Ganun ba, siguro obserbahan mo muna siya tutal madalas mo naman siyang nakakasama e." si Mark.
"Tama ka Mark, kapag nakita mo pala si Cathy mamaya, sabihin mo na lang sa kanya ang mga sinabi ko"
"Sige Dave."

Bumalik na sa upuan niya si Mark. Ako naman iniisip ko pa rin si Jake. Inamin ko sa sarili na may concern pa rin ako sa kanya kahit malamig ang naging pakikitungo niya sa akin. Pero ano magagawa ng pagkaconcern ko, nililihim niya sa akin ang mga problema niya.

Natapos ang klase namin ng araw na iyon, pinagpaliban ko muna ang pag-iisip kay Jake para mafocus ko ang sarili sa tutorial namin ni Mark para sa midterms. Tulad ng napag-usapan namin, sabay kami umalis ng school.

"Wala ka bang sariling kotse" agad kong tanong kay Mark habang naglalakad kami.
"Siyempre meron, napagdesisyuan ko munang hindi gamitin iyon para makasama kita nang matagal." si Mark.
"Ganon, paglalakarin mo ako" sabi ko.
"Hindi, magcocommute lang muna tayo." si Mark.
"Ok, sanay naman na ako sa ganun hehehehehe" sabi ko sabay ngiti.

Nabigla naman ako nang hinalikan ako ni Mark sa pisngi.

"Ano ba ginagawa ko Mark, nakakahiya nasa labas tayo oh baka may makakita sa atin" sabi ko.
"Wala naman nakakita oh, pasensya ka na, nanggigigil lang kasi ako sa iyo e ang cute mo kaya" si Mark.

Binalewala ko na lang yung ginawa niya. Ewan ko parang di ganun katindi ang impact sa akin ng ginawa niya. Sana kung si Jake pa ang gumawa baka nahimatay na ako sa kilig. "Ano ba yan siya na naman ang naisip ko?" sa isip-isip ko.

Nang makarating sa kanto, sumakay kami ng jeep, tapos MRT tapos jeep ulit papunta sa kanila. Kahit papaano ay nag-enjoy ako sa biyahe. Pagkarating sa bahay niya, doonj ko nalaman na medyo malapit lang pala ito sa tinitirhan ko. Mayaman din sila katulad ni Jake.

Pumasok kami ng gate nila, at dumeretso sa pinto. Kumatok si Mark at pinagbuksan naman siya ng isang babae na ang edad ay nasa 40 pataas, pero nandun pa rin ang angking kagandahan niya. Alam ko siya ang nanay ni Mark. Kaya pala may itsura tong si Mark dahil sa mama niya.

"Mark, siya ba ung kinukuwento mong bagong kaibigan?" salubong na tanong nung Mama niya kay Mark.
"Yes Ma, si Dave nga pala. Dave ito naman ang mama ko si Evelyn." pakilala ni Mark.
"Aba, gwapo rin pala ito, at mukhang mabait, Ah Dave puwde mo na kong tawaging Tita" sabi ng mama niya sabay nakipagkamay sa akin.
"Hindi naman po hehehehe" nahihiya kong sabi.
"Totoo yan Ma, kaya nga gustong-gusto ko siya e" si Mark.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Agad niyang dinuktungan ito.

"I mean, I like him to be my bestfriend." dagdag niya. Napatungo na lang ako.
"Tama yan anak, ang galing mong pumili bamuti pang magmeryenda muna kayo" si Tita Evelyn.

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Mark na kakain kami sa Jollibee. Babanggitin ko sana sa kanya ito nang unahan niya ako.

"Yes Ma, nakalimutan din naming kakain pala kami sa Jollibee."
"Sige, Dave upo ka muna, Mark, asikasuhin mo naman yang kasama mo" si Tita ulit.

Nang pumunta na sa kusina si Tita Evelyn, agad nagpaliwanang si Mark sa akin.

"Pasensya ka na Dave, nakalimutan ko talaga, pero di bale, bukas doon tayo maglulunch" si Mark.

Tumungo na lang ako sa kanya. Makaraan ng halos 10 minuto, kumain na kami ng meryenda. Naalala ko tuloy si Tita Edna sa nanay ni Mark. Parehas kasing mabait at palakuwento. Pero si Mark, hindi ko maikumpara kay Jake, dahil opposite sila. Pagkatapos kumain, umakyat na kami sa kwarto niya, umupo sa kama niya. si Mark sabay labas lahat ng mga nakuha naming impormasyon kanina sa library.

Nag-umpisa na siya sa pagtuturo sa akin. Nabilib naman ako sa pagtuturo niya, ang resulta natutunan ko lahat. Masaya naman ako kahit papaano dahil mahinahon siya sa pagpapaliwanag sa akin kahit na nagkakamali ako. Pero pakiramdam ko sa sarili ko may kulang, parang may hinahanap pa ako. Bakit hindi kumpleto ang kasiyahan ko kay Mark. Bigla kong naalala ulit si Jake. Doon ko nabatid na mas totoo ang nararamdaman ko kapag si Jake ang kasama ko. Hindi ko naman ito pinahalata kay Mark na tuloy-tuloy lang sa pagtuturo sa akin. Alas dyes na ng gabi nang matapos kami sa unang araw ng tutorial. 

"Ayos ka naman pala, mukhang papasa ka na niyan sa midterms" si Mark.

Muli, naaalala ko, ganyan din ang mga sinasabi ni Jake sa akin nung high school kami. Lalo na nang makapasa ako, kita ko sa kanya na masaya rin siya sa akin. Napapangiti na lang ako sa pag-iisip.

"Mukhang masaya ka na Dave, alam mo ang cute mo talaga kapag nakangiti sana palagi ka nang ganyan" si Mark sabay pisil ng pisngi ko.

Niyaya na ako ni Tita Evelyn na maghapunan muna bago umuwi. Pumayag naman ako na sabayan ang mag-ina. Pero bago ako magsimula, biglang nagring ang cellphone ko. Si Erika pala ito.

"Hello Erika, bakit bigla kang napatawag?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Dave, tapos na ba kayo ni Mark?" si Erika.
"Oo, kakatapos lang namin pauwi na sana ako pero niyaya pa nila akong maghapunan dito" sabi ko.
"Dave mabuti pang bilisan mo diyan, sabi kasi ng isa kong kaklase na nakita raw nila si Jake na naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Parang lasing nga e kasi iba ang ayos niya."
"Ha, sige pupuntahan ko siya, saan ba nila nakita?" napasigaw ako dahil sa pagkagulat. Napatingin naman sa akin ang mag-ina.
"Doon sa KTV bar malapit sa school natin." si Erika.
"Ok, pupuntahan ko na siya" sabay end call.
"Mark, Tita, alis muna ako may importante kasing nangyari e pasensiya na po salamat na lang po sa hapunan" paalam ko sa mag-ina.
"Dave, ano nangyari, gusto mo ihatid na lang kita, gagamitin ko kotse ko" si Mark.
"Wag na, maabala ka pa, magtataxi na lang ako, kita nalang tayo bukas tandaan mo ang Jollibee ko ha" pagtanggi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige ,ingat ka ha, bukas tutuparin ko na ang promise ko sa iyo " si Mark na nakangiti rin.

Nagmadali akong naglakad papunta sa labas nila. Buti na lang nakasakay agad ako ng taxi. Bumaba ako sa KTV bar na sinasabi ni Erika. Pinagtanong ko sa mga tao dun kung may estudyanteng lalaki silang nakita. Maya-maya isang babae ang lumapit sa akin at inabot ang mga bag ni Jake. Naiwan daw niya ito. Sabi nila umiiyak daw siya habang umiinom. Dahil sa pag-aalala, napagdesisyunan ko na siyang hanapin. Nagsimula na akong maglakad-lakad at ipagtanong sa mga taong nakakasalubong ko sabay pakita ng ID niyang naiwan sa bag.  Sa panganim na taong napagtanungan ko, tinuro niya sa akin na nakita daw niya ito na nakatayo malapit sa gate ng aming school na lasing. Nagtatakbo ako papunta doon. Lalong lumala ang pag-aalala ko sa kanya.

Nang makarating na ako sa school, nakita ko siyang nakaupo sa semento, nakasandal sa gate ng school at may hawak pang isang bote ng beer. Nilapitan ko siya. Doon nahabag ako sa ayos niya. Magulo ang buhok, at nakabukas ang polo shirt. Marahil naramdaman niyang may tao sa harap niya dahil sa anino kaya tumingin siya sa akin. Dahil sa ilaw ng poste, naaninag ko ang mukha niya. Muli, nakita ko na maga ang mata niya sa luha.

Itutuloy.......

Sunday, October 24, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 13

Katapat ko si Jake samantalang ang kasama niyang babae ay kay Mark. May dala rin silang libro. Wala kaming imikan, lahat busy sa pagbabasa. Si Jake na rin ang bumasag ng katahimikan.

"Cathy, papakilala ko lang sa iyo si Dave, ang kasama ko sa bahay" biglang pagpapakilala sa akin ni Jake.
"Dave, nice to meet you," si Cathy sabay nakipagkamay sa akin.

Doon ko napuna na may kagandahan pala ang babaeng ito. Mahaba ang buhok, may katangkaran, maputi at pang model ang dating. Hindi kataka-takang magkagusto si Jake sa kanya. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Hindi ito nakaligtas kay Mark.

"Dave, ok ka lang, gusto mo, lumipat tayo ng pwesto?" si Mark na napuna ang pagkabalisa ko.
"Ok lang ako, dito na lang tayo, bilisan na lang natin" pagtanggi ko sa kanya.
"Dave, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo sa amin" si Jake.
"Mark Joseph nga pala" ang pagsingit ni Mark sabay abot din ng kamay sa kanilang dalawa."

Nakakapagtakang si Cathy lang ang nakipagkamay sa kanya. Si Jake, nakatingin lang sa binabasang libro. Alam ko mayroong siyang iniisip sa mga kilos pa lang niya. Hindi ko na lang pinansin iyon. Pinagpatuloy na lang namin ang  paghahanap ng mga impormasyong gagamitin namin ni Mark. Maya-maya biglang nagsalita ang kasama ni Jake na babae.

"Jake, mamaya sabay tayo maglunch, isama natin sila" si Cathy.
"Kung papayag sila bakit hindi" si Jake na nakatngin pa rin sa libro.
"Dave, Mark sama kayo sa amin mag-lunch" yaya ni Cathy sa amin.
"O....o...oo sige hehehehehe" pagpayag ko.

Pagkaraan ng halos 30 minuto, nakatapos na kami sa paghahanap. Sabay-sabay kaming lumabas ng library pauntang canteen para mag-lunch. Nakitang kong inakbayan ni Jake si Cathy na nakapagpalungkot ulit sa akin. Nang makarating, pumila sina Jake at Mark samantalang kami ni Cathy ay naghanap ng aming pupuwestuhan. Doon kami sa may bintana sa dulo umupo.

"Dave, ang gwapo talaga ni Jake ano, maginoo at matalino pa, alam mo una ko pa lang kita sa kanya, nagustuhan ko agad siya. Palagay ko bagay kami." si Cathy.

Nagulat naman ako sa mga sinabi ng babaeng ito. Lalong bumigat ang damdamin ko at halos maiiyak na ako. Tama nga naman siya, bagay sila. Gwapo si Jake at maganda si Cathy. Lalaki si Jake, babae si Cathy. Siyempre ang lalaki ay para sa babae hindi sa kapwa lalaki. Naisip kong kahit saang anggulo mo tignan, talo talaga ang mga katulad ko sa babae pagdating sa pag-ibig.

"Dave, ok ka lang, umiiyak ka ba?" si Cathy na nahalata siguro ang pag-iyak ko.
"Ok lang ako, napuwing lang" ang pagdeny ko sa kanya.
"Ah, akala ko kung ano na" si Cathy. Maya-maya sabay na bumalik ang dalawa dala ang order namin. Tumabi ulit si Jake kay Cathy at si Mark sa akin. Habang kumakain...

"Dave, gusto mo kuha ka lang?" pag-alok ni Mark ng ulam niya sa akin.
"Sige salamat ok na sa akin to" pagtanggi ko.
"Dave, tutal, sabay naman tayong uuwi mamaya, mag meryenda muna tayo sa Jollibee." si Mark.
"Oo, ba matagal na rin akong di nakakakain doon ng may kasama " pagpayag ko sabay ngiti. Mula kasi ng mawala si Pat, hindi ko na magawang kumain doon.
"Talaga, hayaan mo simula ngayon, ako na ang magiging kasama mo kumain sa labas, ang cute talaga kapag nakangiti ang bestfriend ko" si Mark sabay hawak sa ulo ko at haplos ng buhok.

Biglang naubo si Jake. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Jake, anong nangyari, o eto tubig" agad na saklolo ni Cathy sa kanya.
"Ok lang ako, nasamid lang" sabi niya sabay inom ng tubig.

Kataka-taka talaga ang mga kinikilos ni Jake ngayon, sa mga kakaibang pagtingin pa lang niya sa akin alam ko meron siyang iniisip. Binalewala ko na lang ulit iyon at tinuloy ang pagkain. Nang makatapos, bumalik na kami sa aming mga rooms. Habang naglalakad sa lobby paakyat ng hagdan bigla akong inakbayan ni Mark at nagsalita.

"Dave, alam mo excited na ako mamaya, siyanga pala, agahan natin mamaya, gusto kang makita ng mga parents ko, ipapakilala kita sa kanila" si Mark at ngumiti.
"Hindi ba kakain pa tayo sa Jollibee?" tanong ko.
"Oo naman, bilisan lang natin" si Mark ulit. Nginitian ko lang siya.
"Ca...ca...cathy mauna ka na sa room, p...p...punta lang ako ng CR saglit." si Jake na halatang may dinaramdam sa pananalita.
"Oo, bilisan mo ha." si Cathy.

Agad namang umalis si Jake na nakatungo ang mukha. Lalo tuloy ako nahiwagaan sa kanya. Marahil napuna na rin ni Cathy ang kakaibang pagkilos niya kaya pinakiusapan niya ako.

"Dave, parang may problema si Jake, mayroon bang nangyayaring hindi maganda sa bahay nila?" si Cathy.
"Wala naman, ako rin, kanina ko pang napapansin sa kanya yun eh" sagot ko.
"Siguro mabuting sundan mo muna siya para alamin kung ano yon may 30 minuto pa naman tayo para sa next subject." si Mark na tumingin sa relo niya.
"Tama, tutal, nakatira naman kayo sa isang bahay, baka sabihin niya sa iyo ang problema niya kung meron man" si Cathy.

Tututol dapat ako sa kanila at sasabihing sa bahay ko na lang siya kakausapin pero naisip ko na  pagkakataon ko na ito para malaman ang bumabagabag sa kanya kung meron man.

"Ok, susubukan ko siyang kausapin, sige sundan ko muna siya." paalam ko sa kanila.
"Salamat Dave, sana maging maayos na siya mamaya. Mauna na ako" si Cathy.
"Ako rin, hihintayin na lang kita sa room natin" si Mark.

Agad naman akong naglakad papunta ng CR. Pagdating ko doon, nakita ko siyang nakaharap sa salamin at nakapatong ang dalawang kamay sa lababo. Naaninag niya siguro ako sa salamin kaya tumingin siya sa akin.
Pagharap niya, nagulat ako sa itsura ng mukha niya. Medyo namamasa ang mata niya ng luha na hinilamusan lang ng tubig. Halata ring nagpipigil siya ng galit sa nakikita ko sa kamao niya.

"Bakit mo ako sinundan dito?" pabulyaw niyang tanong sa akin.


Itutuloy.........................

Saturday, October 23, 2010

TUKSO Part 7

Nabigla naman ang mga kaibigan ko sa pagsulpot ni Mike. Wala sa kanila ang makasagot ng tinanong niya. Ako naman tuloy pa rin sa paghikbi habang nakayakap kay Bea.

"Ano na Ric, sagutin mo ang tanong ko?" si Mike na medyo mataas naang boses. Dahil nasa labas kami nakaupo, di maiwasang magtinginan ang mga taong nakaupo rin at ang mga naglalakad.
"Althea, Nica, iwan ko muna sa inyo saglit si Ric, mag-uusap lang kami ni Mike sa labas." si Bea.
"Sige friend" pagsangayon nila.
"Halika Ric dito ka muna sa amin, kasi naman tong si Bea, sa susunod kasi kape na lang iinumin natin wala nang magdadala ng alak. si Althea.
"Sus kung makapagsalita ito eh umiinom din naman kayo. Tara na nga Mike, labas muna tayo, may pag-uusapan tayong mahalaga." yaya ni Bea kay Mike.

Hindi ko alam ang mga pinag-usapan ng dalawa. Inaalok din ako ng kape ng dalawa pero dahil na rin sa kalasingan, hilo at antok, nakatulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako dahil may nakapa akong tao sa tabi ko. Nang idilat ko ang mata ko, napatayo ako dahil katabi ko si Mike, nakahubad pang-itaas at nakaboxer shorts. Mahimbing parin ang tulog niya. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Tama, nag-inuman kami magbabarkada tapos bigla siyang sumulpot. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Hihikab-hikab akong tumayo sa higaan para maghanda sa pagpasok sa opisina. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo nang mapatingin sa salamin, napasigaw ako. Iba na ang suot kong damit. Dahil doon nagising si Mike at kinatok ako sa banyo.

"Ric, ok ka lang, ano nangyari sa iyo, buksan mo ang pinto." si Mike.
"Wala ito, sige a....ayos  lang ako." sabi ko.
"Sigurado ka, bababa lang ako para magluto ng breakfast natin" si Mike.

Hindi na ako sumagot sa kanya sa halip, tinuloy ko na lang ang aking ginagawa. Naisip ko na baka pinagsamantalahan ako ng mokong, tsinansingan ako. "Arrrrhhh, hindi iyon maaari straight siya" ang napailing-iling kong sabi sa sarili ko.

Pagkatapos, bumaba na rin ako para mag-agahan. Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay ng pagkain. Habang nagluluto siya sa kusina, iniisip ko naman ang mga nangyari. Bakit katabi ko si Mike? Siya ba ang nagpalit ng damit sa akin? May Nangyari ba sa amin? Ah ewan. Kaya napagdesisyunan ko na tanungin siya . Makaraan ng halos 30 minuto, tinawag na niya ako  para kumain.

"Ric, ok ka na ba?" si Mike na may tono ng pag-aalala habang kumakain.
"Ayos lang pero mas magiging ok ako kapag umalis ka na" sabi ko dahil sa naalala kong eksena kahapon.

Nahiwagaan ako sa mga sunod na ginawa niya, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko naman magawang basahin sa mata ang mga iniisip niya. Maya-maya, huminga siya ng malalim at nagsalita.

"Alam ko ang iniisip mo. Yung pagtabi  natin sa kama at ang pagpalit sa damit mo." Aaminin ko, ako ang nagpalit ng damit mo, nasukahan mo kasi ito e, hanggang doon lang, wala na ko ibang ginawa sa iyo." paliwanang niya.
"Buti naman kung ganoon" tugon ko sabay subo ng kinakain.
"Siyempre mataas ang respeto ko sa iyo. Gagawin ko lang ang bagay na iyon sa taong malakas ang loob ipagtapat ang tinatago nitong damdamin sa akin." si Mike.
Parang patama sa akin ang sinasabi niya pero di ko pinahalata na affected ako at tinuloy ang pagkain.
"Ric, alam ko na ang totoo sinabi na ni Bea ang lahat sa akin. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo." si Mike.

Bigla ulit akong naluha sa mga sinabi ni Mike.  Naalala ko bigla ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin.

"Ngayong alam mo na, dapat layuan mo na ako." sabi kong naluluha.
"Hindi, hindi ko gagawin iyon. Ric, alam kong natatakot ka lang masaktan kaya pinagtatabuyan mo ako. Pero sasabihin ko sa iyo, naiiba ako sa kanila. Puputulin ko na ang mga sunud-sunod mong kamalasan." sabi niyang naluluha na ikinagulat ko.
"Aaminin ko nung una nasasaktan na ako sa mga ginagawa mong pagdistansya sa akin. Hindi mo pinahahalagahan ang mga ginagawa ko sa iyo.At ngayong nalaman ko na  ang lahat, naiintindihan ko na kung bakit mo ginagawa sa akin ito. Sana Ric, bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan na di ako tulad ng mga nauna mong nakarelasyon." dagdag ni Mike sabay hawak sa kamay ko.

Gusto ko nang bumigay ng mga oras na iyon. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga sinasabi niya. Hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Tuluyang napahagulgol na ako sa mesa. Tumayo naman si Mike sa kinauupuan at lumapit sa akin. Napayakap ako sa kanya.

"Pasensya ka na sa mga nagawa ko, natatakot lang kasi akong masaktan ulit. Masyado na akong nadala e. Mahal Kita Mike." sabi kong habang umiiyak na nakayakap as kanya.
"Ang sarap naman pakinggan. Mahal na mahal din kita, simula ngayon magiging masaya ka na" si Mike na medyo ngumiti na at hinaplos ako sa likod habang nakayakap sa kanya.
"Tama na yan parang nagiging korni na eh. Masyado na tayong matanda para magemote nang ganito." sabi kong nakangiti na rin. Kumalas na ako sa pagkayakap niya  at nagpunas ng luha.
"Ikaw lang naman ang nag-eemote dyan." si Mike sabay batok sa akin.
"Bilisan na natin, malalate na ako sa work." sabi ko.
"Huwag ka munang pumasok ngayon. Tara pumunta tayo ulit ng Tagaytay." ang biglang pagyaya niya sa akin.
"Ngayon na ba, ang dami kong trabaho ngayon sa office e"ang pagulat kong tanggi sa kanya.
"Magpahinga ka naman, dapat binibigyan mo ng oras ang sarili mo na makapag-enjoy kahit minsan, lalo mo lang pinabibilis patandain ang sarili mo e dahil sa kakaisip sa trabaho." si Mike.
"Matanda ka diyan, hindi pa ano. Saka magkasing edad lang tayo? sabi ko sabay batok sa kanya para makaganti.
"Mas gwapo naman ako sa iyo" si Mike sabay kindat at pose ng papogi sign.
"Ay ang lakas ng hangin dito grabe" ang reaksyon ko sa kanya sabay paypay ng kamay.
"Ah basta sasama ka sa akin whether you like it or you like it." si Mike.
"Sige na nga sasama na ko" pagpayag ko narin. Alam kong hindi naman ako mananalo sa kumag na ito.
______________________________________________________________________
Sa totoo lang gusto ko na rin balikan ang isang magandang alaala, ang Tagaytay. Dito ako unang dinala ni Mike noong college days namin. Naalala ko, isang hapon oras ng uwian, sabay kaming umuwi gamit ang kanyang kotse. Nakatulog ako habang nagmamaneho siya at paggising ko ay nandun na kami.

"Saan mo ako dinala, hindi ito ang bahay namin" ang naiinis ko nang sabi kay Mike.
"Pwede bang huwag kang sumimangot, papangit ka nyan e. Tara baba ka na." si Mike.

Habang nakaupo sa damuhan, tumabi siya  sa akin, inakbayan niya ako.

"Alam mo Ric, ikaw pa lang ang unang taong dinala ko dito. Alam mo paborito ko itong lugar. Dito ako nakakaramdam ng kasiyahan at kapayapaan." si Mike.
"Talaga, maniwala ako sa iyo kahit girlfriend mo, sa guwapo mong iyan? ang di ko naniniwalang sagot sa sinabi niya.
"Wala pa kong girlfriend, pero meron na kong napupusuan" seryosong sagot niya na nakatingin lang sa malayo.
"Sino naman iyon?" ang pagkacurious kong tanong.
"Hindi ko muna sasabihin baka kasi mabigla siya at lumayo kasi kakakilala pa lang namin" sagot niyang nakatingin na sa akin.
"Napakaswerte naman ng taong iyon" sagot ko.
"Mas swerte ako sa kanya, siya ang nagbigay ng sobrang saya sa akin" nakangti niyang tugon. Hay nakakatunaw na talaga ang ngiti niya pati ang mata grabe pero di ako nagpahalata.
"Ah ganun ba. Hmmm.... salamat nga pala at dinala mo ako dito. First time ko lang makapunta sa ganitong lugar." ang sabi ko na nakatingin lang sa kanya.
"Hayaan mo, babalik tayo dito sa susunod" si Mike na nakangiti pa rin.
"Alam mo Mike, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na magiging close bestfriends tayo." ang bigla kong nasabi habang nagpupulot ng maliliit na bato at hinahagis palayo.
"Destiny sa atin iyon na paglapitin tayo" sagot niya.
"Naniniwala ka ba sa ganoon" tanong ko.
"Oo naman, at kita mo, compatible tayong dalawa" sagot niya.
"Compatible ka dyan, ahm Mike, may gusto lang ako itanong sa iyo. Bakit ang bait mo sa akin tapos sa dami ng mga tao sa paligid mo, ako ang napili mo maging bestfriend?"
"Sa totoo lang marami naman akong kaibigan, pero iba kasi ang dating mo sa akin, nabanggit ko na rin ito sa iyo sa chat natin nung nagpapanggap ka. Hindi ko maintindihan, basta ang gaan ng loob ko sa iyo." si Mike habang hinahaplos ang ulo ko. 
"Ric pwede request" si Mike.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pwede bang pahiga ako sa hita mo sige na" si Mike.
"Iyon lang ba sige" pagpayag ko.

Humiga na siya sa damuhan na ang ulo ay nakapatong sa hita ko. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya habang nakapikit siya. Kaming dalawa lang ang nasa lugar na iyon kaya pakiramdam ko solo namin ang daigdig. Doon ko nalaman sa sarili ko na mahal ko na siya. Ang tanong ganoon din kaya siya sa akin? Ako kaya ang sinasabing napupusuan niya?
______________________________________________________________________
At ngayon makalipas ang mahigit 8 taon niyang pagkawala, nasagot na ang matagal ko ang tanong na iyon. Mahal din ako ni Mike. Masaya ako dahil magkakasama ulit kami na babalikan ang magandang alaala, ang Tagaytay.

Itutuloy............

Friday, October 22, 2010

TUKSO Part 6

Kahit nagugustuhan ko ang paghawak niya sa pisngi ko, agad kong inalis iyon. Pero tuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin. Maya-maya nag ring ang cellphone ko.Pumunta ako sa may bintana ng office saka binunot ang phone sa bulsa.

"O friend, ano na balita sa inyo, goodbye virginity na ba?" sabi ng tumawag.
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, hindi mo alam kung anong gulo ang ginawa mo sa akin, lagot ka sa akin mamayang bruha ka" sabi ko kay Bea na medyo pagalit.
"Kunwari ka pang maggalit-galitan, aba pasalamat ka pa sa amin at siya ang napili kong maghatid sa iyo, no choice na kami e puro number ng clients ang naka register sa phone mo kaya." si Bea ulit.
"Ah basta, mamaya inuman ulit tayo dun ulit sa Starbucks, sabihan mo na ang buong tropa ha, marami pa tayong pag-uusapan" sabi ko sa kanya.
"Sure, sige see you later" si Bea sabay baba ng phone.

"Mag-iinom ka ulit mamaya?" biglang tanong ni Mike sa akin.
"Oo naman, at wala ka nang pakialam doon." sabi ko.
"Ah ok, sige sasama ako sa inyo mamaya, oooops hindi ka na pwede tumanggi" si Mike sabay wave ng isang hintuturo niya sa akin.
"May magagawa pa ba ako, tutal ayaw mong umalis dyan, bahala ka mainip" sabi ko.
"Ako maiinip, never yun mangyayari basta palagi kong makikita ang iyong mukha" si Mike.
"Bolero, tumigil ka na dyan, huwag kang maingay ha"

Nagsimula na ako sa pagtatrabaho. Habang nagbubuklat at nagsusulat sa mga papeles di ko naman maiwasan ang mata kong tumingin sa taong nakaupo sa sofa. Ang ginagawa niya, nakahiga lang doon, nakapikit ang mata at ang ulo ay nakapatong sa isa niyang braso. Buti naman sa isip-isip ko at least hindi maingay.

Maya-maya, gindi ko maintindihan ang sarili ko, parang namagnet itong papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya, isang kamangha-manghang mukha ang nakita ko. Para talaga siyang isang anghel na natutulog at ang labi, hay ang sarap halikan. Ewan ko ba pero sa puntong iyon habang napatitig ako sa kanya, naisip ko biglang samantalahin ang pagkakataon. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sa kanya at halikan. Dahan-dahan ko itong ginawa upang hindi siya magising. Palapit na nang palapit ang mukha ko at ang labi namin ay halos 5 sentimetro na lang ang pagitan nang bigla niyang idilat ang mata niya. Bigla ko namang layo ng mukha sa kanya at tumayo.

"O bakit mo tinigil, may sinabi ba ako sa iyo, sige na ituloy mo lang, hindi naman ako magagalit" si Mike na umupo na rin sa sofa at pangiti-ngiti.

Hindi talaga ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko sa kanya. Naisipan ko na lang na bumalik sa aking ginagawa sa mesa.

"Ano, naiinis ka ba dahil hindi natuloy ang balak mong paghalik sa akin?" si Mike sabay lapit sa mesa ko at umupo sa isang upuan sa tapat ko.
"Alam mo, kung itinuloy mo iyon, masasabi mo sa sarili na ang labi ko ang siyang pinakamasarap halikan." dagdag niya.

"Ha.. ah...eh...kuwan...ano..hmm" kakainis, wala akong masabi.

Nagsimula na siyang tumawa nang tumawa. Ako namutla dahil sa kahihiyang ginawa ko sa kanya. "Bakit pa kasi nagpapakipot ka pa, tignan mo dahil sa pagpipigil mo, hindi mo na alam ang mga ginagawa mo Ric" sabi ko sa isip ko.

"Baka hindi ka na makapagtrabaho niyan, sige labas muna ako saglit, medyo nagugutom na ko e bye" sabi niya sabay tayo palabas ng pinto. Naririnig ko pa rin ang pagtawa niya sa labas habang naglalakad palayo.
"Ay salamat, makakapagconcentrate na rin ako" bulong ko sa sarili ko.

Naguluhan talaga ako sa sarili ko sa nangyari. Bakit ko ba ginawa iyon? Masyado na yata akong naaakit sa kanya. Arrrhhhh!!!hindi to pwede, hindi dapat ako mainlove ulit. Kasalanan naman niya kasi, nagpapacute siya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Hindi. Dindi ito pwede, dapat makaisip agad ako ng paraan.

Tinuloy ko na ang pag-aayos ng mga papeles. Makaraan nang mahigit na isang oras, biglang bumukas ang pinto. Sino pa ba walang iba kundi si Mike pero may dala siyang pagkain galing Jollibee.

"Babe, stop ka muna diyan, tara kain na tayo, binilhan kita ng paborito mong chickenjoy" si Mike sabay abot sa akin ng pagkain.
_______________________________________________________________________
Bigla ko na namang naalaala ang jollibee. Simula kasi nang maging official friends kami, doon niya ako agad unang dinala para ilibre ng meryenda. Kita talaga sa kanya ang sobrang kasiyahan.

"Ricardo, tutal friends na tayo, pwede sigurong Ric na lang itawag ko sa iyo kasi nahahabaan ako sa name mo eh" si Mike habang naglalakad kami palabas ng gym nila.
"Oo naman" pagpayag ko.
"Salamat, so Ric dahil friends na tayo hayaan mong ilibre kita sa Jollibee" yaya ni Mike.
"Huwag na kakahiya naman sa iyo malapit na rin naman ang uwian sa amin na lang ako kakain hehehe" pagtanggi ko.
"Pumayag ka na plsss, bahala ka magtatampo ako sa iyo" si Mike na nagmamakaawa.
"Sige na nga" pagpayag ko na rin.
"Yehey, pumayag na rin siya, tara na bilisan na natin ang paglakad." si Mike.

Nang makarating kami sa Jollibee....

"Ric hanap ka na nang mauupuan natin ako na ang oorder. Ano nga pala ang gusto mo?" si Mike.
"Chickenjoy lang" sagot ko sa kanya.
"Ok wait for me" si Mike sabay pumila sa counter. Makalipas ang mahigit 5 minuto, bumalik na siya dala ang order namin..
"Aba, ang dami nito Mike mauubos ba natin ito" tanong ko.
"Ano ka ba celebration natin ito eh, the official day ng pagsisimula ng ating friendship. Sige na kumain ka na." si Mike.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na.

"Mike salamat pala sa treat ha, sige uuwi na ako" paalam ko sa kanya.
"Thanks sa friendship ha, di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, sige see you tomorrow" si Mike.
"Bye" sabay lakad ko papuntang sakayan.

Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palayo. Nung nasa jeep na ako nakareceive ako ng message galing sa kanya, Naalala ko na ito palang number ko ang binigay ko sa kanya nung nagpapanggap ako.

"Thanks ulit Ric excited na ako bukas kasi simula iyon ng pagbabago.Ingat ka sa biyahe" text ni Mike.

Napangiti na lang ako. Tama siya, may malaking magbabago kinabukasan. Maging ako ay excited na.

Ang sarap talaga balikan ang nakaraan.
_______________________________________________________________________
"Uy kanina ka pa nakatunganga diyan, lumalamig na yung pagkain" si Mike habang kumakain ng hamburger.
"Hindi mo ba ito nilagyan ng gayuma ha" tanong ko.
"Hindi ko na kailangan pang gawin iyon dahil sa mga nangyayari, nagagayuma na kita. Kahit di mo aminin sobrang naaakit ka na sa akin" si Mike habang umiinom ng coke.
"Anong naaakit, hindi pwede mangyari iyon, masyado ka namang assuming diyan" pagtanggi ko.
"Sige tanggi lang bibigay ka rin someday" si Mike.
"Anong someday baka noway" sabi ko, Tumawa lang siya.

Natapos din ang oras ng trabaho ko sa office. Dahil sa wala akong kotse, napilitan akong sumabay sa kanya pauwi. Nasa loob na kaming dalawa at handa na sana niyang istart ang makina nang biglang may tumawag sa kanya. Nang sagutin niya ito, bigla siyang napatingin sa akin na parang may tinatago at lumabas ng kotse para kausapin ang tumawag.

Ang daming pumasok sa isip ko sa ginawa niya. "Ayan, tumawag na ang girlfriend niya, paano ka na iiwanan ka na niyan, ikaw kasi dapat pinilit mo siyang umalis? Kita mo nasasaktan ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala?" mga naiisip ko ng mga oras na iyon.

Mahigit isang minuto rin silang nag-usap. Maya-maya pumasok na ulit siya sa loob.

"Lets go. ihahatid kita sa inyo tapos uuwi  muna ako dahil may importante lang akong aasikasuhin" si Mike.

Ok na sana ang mood ko pero bigla itong nabago dahil sa isang tawag. Kaya hindi ko magawang humarap sa kanya habang nagmamaneho. Pero nararamdaman ko na  meron siyang tinatago kahit di ko nakikita ang mukha niya. Nakarating naman ako sa amin nang maayos. Kusa na akong bumaba at dumeretso agad papasok ng gate. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya.

Pagpasok sa loob, agad akong umupo sa sopa. Ito na naman, hindi pa nga nagtatagal, nasaktan na ako muli. Kasalanan ko kasi, bumibigay agad ako sa tukso. Arhhhhh! ano ba itong nararamdaman ko? Dapat magpakasaya muna ako para makalimot. At bigla kong naalala ang inuman namin mamaya. Agad kong tinawagan si Bea.

"O friend, nasabihan ko na sila, pumayag sila." si Bea.
"Mabuti naman para na rin makamimot sa problema" sabi kong medyo matamlay.
"Ano na naman iyang problema mo friend, dont tell me na naulit na naman ang kamalasan mo?" si Bea.
"Mamaya na tayo mag-usap see you later na lang" sabi ko sabay lapag ng phone sa sofa.

Naisipan kong magshower para pantanggal stress. Pagkatapos, nagpahinga saglit sa kwarto at nang mag gabi, nagbihis na ako para sa inuman. Nagtaxi na lang ako papunta sa bar.

"As usual nahuli na naman ang VIP," si Nica.
"Kasalanan mo ito Bea dapat di mo na lang siya tinawagan" paninisi ko.
"Hindi ko maintindihan friend, ano ba ang nangyari sa inyo ni Papa Mike?"

Kinuwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari maghapon.

"Hindi namin alam ang iisipin sa mga nangyari sa iyo friend, ano na ang gagawin mo ngayon?" si Althea.
"Ewan ko, natatakot na akong masaktan muli di ko na alam kung ano ang gagawin ko e" sagot ko sabay tungga ng alak.
"Ngayon pa lang dapat makaisip na tayo ng paraan, for the meanwhile dapat magpakasaya muna tayo, kalimutan ang problema, mag-enjoy." si Nica.

Kahit nagkakasiyahan na sila, hindi ko makuhang makisali sa kanila. Naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nakumpirma ko na sa sarili ko na mahal ko si Mike. Kaya siguro ako nakakaramdam ng ganito.

"Friend, smile ka naman dyan" si Bea.
Dahil na rin sa nainom at sa halo-halong emosyon, bumigay na ako. Lumabas na ang lahat ng hinanakit ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Napayakap ako kay Bea.

"Friend mahal ko na siya, mahal na mahal, pero bakit ganito, laging pinagkakait sa akin ang maging maligaya sa pag-ibig" humahagulgol kong sabi. Nilapitan din ako nina Althea at Nica para yakapin.
"Tama na friend naiintindihan ka namin, sige ilabas mo lang iyan" si Bea.
"Sino yung mahal mo at bakit ka umiiyak?" ang tanong nang biglang sumulpot na tao sa amin.

Napatingin naman ako sa taong iyon.

"Mike!"

Thursday, October 21, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 12

Inangat ko ang mukha ko para malaman kung sino ang nag-abot ng panyo. Si Mark pala ito.

"Akala ko ba may kasabay ka sa pag-uwi, bakit nandito ka pa at saka bakit ka umiiyak?" sunud-sunod niyang tanong saka tumabi sa aking pagkakaupo sa lilim ng puno.
"Wala to, hindi ako umiiyak oh" pagtanggi ko sabay punas ng kamay sa mata pero hindi ito pinaniwalaan ni Mark.
"Alam ko may problema ka, huwag mong kimkimin yan, nandito lang ako, pwede mong sabihin sa akin ang saloobin mo." si Mark.
"Mark, salamat ha, kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging mabait ka sa akin" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Siyempre naman, nakikita ko naman sa iyo na mabait ka ring tao, wala akong rason para hindi ako maging mabait din sa iyo." si Mark.
"Alam mo Mark, nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa paligid ko  e. Pero di ko pa masasabi ang problema ko, hindi pa ako handa" humahagulgol ko pa ring sabi sa kanya.
"Naiintindihan kita Dave, basta kung kailangan mo ng karamay  nandito lang ako ha. Ito lang masasabi ko sa iyo ngayon, alam ko na pag-ibig ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Tandaan mo na kapag nagmamahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan, pagsubok kasi iyan upang malaman ang kapasidad ng isang tao, darating at darating iyan." mahabang paliwanang niya sa akin.
"Oo naiintindihan ko, alam mo dahil sa iyo, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para mabuhay. Simula kasi ng magkalayo kami ng bestfriend kom medyo bumigat na ang mga problema ko.
"Kayanin mo iyan, lumaban ka, wag mong ipakita sa taong iniibig mo na nasasaktan ka" sabi ni Mark.

Tama siya, dapat hindi magpakita ng lungkot, sa halip ay mag move-on. Dahil sa pag-uusap naming iyon, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Agad naman akong nagpaalam sa kanya baka hinihintay na ako ni Jake sa kotse.

Pagdating ko sa lugar kung saan nakaparking ang kotse niya, nakita ko na si Jake, nahihintay sa loob.Binuksan ko na rin ang kabilang pinto at pumasok.

"Napatagal ka yata, kanina pa kong naghihintay dito" si Jake habang nagstart ng makina na kotse.
"Pasensiya ka na may ginawa lang kasi kami kanina"
"Ganun ba, teka nga pala Dave, simula bukas dito ka na sa kotse dederetso, wag mo na akong pupuntahan sa room" utos niya sa akin.

Sa sinabing iyon ni Jake, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko bumalik na siya sa dati nitong pag-uugali. May punto naman siya, di nga naman tama na ang lalaki pimupuntahan o sinusundo ang kapwa lalaki sa room. Baka ikinakahiya niya ako sa bagong babae niya.

"Sige, simula bukas dito na lang ako maghihintay" maluha-luha kong pag-ayon sa kanya.

Wala kaming naging imikan ni Jake habang nagmamaneho siya hanggang sa makarating ng bahay. Kahit nalulungkot ako, pinilit ko pa rin maging masaya sa mga kasama ko sa bahay. Hindi na ako naghapunan dahil sa walang gana, deretso sa kuwarto at doon nagsimula muli akong lumuha.Naalala ko ang sinabi ni Mark na sa akin kanina. Tama hindi dapat ako magselos dahil wala naman kaming relasyon.

Lumipas ang isang buwan, ganoon pa rin ang set-up namin ni Jake. Hindi ko na rin pinupuntahan ang room nila kaya tinutuon ko  ang oras ko sa pag-aaral ko at sa bago kong kaibigan. Si Mark, napakabait niya talaga halos sa akin lang siya nakikipag-usap sa araw-araw na nagkikita kami. Textmates din kami kapag gabi at sabay kung maglunch sa canteen. Minsan kasama rin namin si Erika. Dahil sa kanya, nagiging masaya ang bawat araw ko at hindi ko na naiisip ang mga masasakit kong karanasan kay Jake.

Isang gabi, nag-usap ulit kami ni Pat sa pamamagitan ng internet at nakikita ang isat-isa through webcam.

Pat: "Bestfriend mukhang masaya ka na ngayon ah di tulad ng mga nakaraan nating pag-uusap"
Ako: "Oo, masayang-masaya ako dahil kahit papaano mayroon akong bagong friend sa school"
Pat" "Iyon bang sinasabi mong Mark"
Ako: "Oo, alam mo ang bait talaga niya at napakamasayahing tao kaya di ko maiwasang mangiti at tumawa kapag magkasama kami. Hindi lang iyan, siya na ang tutor ko ngayon sa school."
Pat: "Mabuti naman, kahit papaano nakakadistansya ka na sa kanya, hindi ka na gaano masasaktan."
Ako: "Tama ka best, ikaw naman musta na dyan sa Amerika?"
Pat: "Ok naman, medyo sanay na saka marami na rin akong mga bagong friends dito."
Ako: "Good, at least di ka na nag-iisa dyan."
Pat: "Oo, sige best, next time ulit marami akong ginagawa ngayon e."
Ako: "Sige goodnyt ingat ka"
Pat: "Ikaw rin basta wag mong kalilimutan mag-updates sa akin ha"
Ako:"Oo naman bye."

Pinatay ko na ang laptop at palabas na ng kwarto ng biglang nagsalita si Jake.

"Mukhang masaya ka na ngayon ah, ang laki ng epekto sa iyo ng bago mong FRIEND" si Jake na nakaupo sa kama na pinagdiinan ang salitang friend.
"Oo, naman kaya wala ka nang dapat ipag-alala dahil madidistansya ko na ang sarili ko sa iyo, hindi mo na rin kailangang turuan pa ako." sabi ko sa kanya.
"E di mabuti" tugon niyang walang kaemo-emosyon sa mukha.
"Saka nga pala, baka sa susunod hindi na rin ako makakasabay sa iyo sa pag-uwi dahil magkakaroon na kami ng tutorial malapit na kasi ang exam e." paalam ko sa kanya.

Nagtaka ako sa reaksyon niya, nagulat kasi siyasa narinig niya sa akin. Pero di ko na lang pinansin ito.

"Sige, balik na ako sa kwarto ko, magpapahinga na ako." sabi ko. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto bigla siyang nagsalita ulit.

"Hindi pwede" pagtanggi niya.
"Anong hindi pwede, wala naman akong gagawin masama saka hindi naman ako nakakasagasa sa damdamin ng iba sa gagawin ko" matigas ko nang sagot sa pagtanggi niya.
"Sigurado kang wala" sagot niya ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oo wala, kung ang sinasabi mo ay ang pagsuway ko sa utos ng magulang mo, wag kang mag-alala, nagpaalam na ako sa kanila at naiintindihan nila ako" sabi ko sa  kanya.

Nanlaki bigla ang mata ni Jake sa narinig niya. Biglang nagbago ang mukha niya. Medyo nakasimangot ito na malungkot. Nagsalita ulit siya.

"Sige magpahinga ka na" sabi niya sa akin sabay higa sa kama at tumagilid.

Lumabas na ako at pumasok sa kabilang kwarto ko. Humiga na rin ako sa aking kama. Naisip ko si Jake. Parang weird ang pinakita niya sa akin kanina. Pero hindi ko na lang din pinansin iyon. Bakit ko pa ba siya iisipin e kuntento na ako sa buhay ko ngayon.

Kinabukasan, sabay pa rin kami sa pagpasok ni Jake, sa uwian lang hindi. Wala kaming imikan sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating na kami sa school. Naghiwalay rin ulit kami para pumasok sa kaniya-kanyang classroom.

"Dave ano, nagpaalam ka na ba sa inyo na sa amin ka muna dederetso mamaya para sa tutorial natin pag uwian?" tanong ni Mark na sumalubong sa pagdating ko sa pintuan.
"Oo, ayos na sa kanila" sagot ko.
"Yan mabuti naman, siya nga pala mamayang break dun tayo sa library, kukuha tayo ng mga references na gagamitin natin sa pag-aaral." sabi niya.
"Sige" pagsang-ayon ko sa kaniya sabay upo.

Sumapit na ang oras ng breaktime, tulad ng napag-usapan, dumeretso kami sa library ni Mark. Umupo kaming magkatabi sa upuan, tapos nagpaalam siya saglit upang maghanap ng libro sa shelves, hinintay ko na lang siya sa upuan. Maya-maya sa hindi inaasahan pumasok ang dalawang tao na naging sanhi ng pagkawasak ng damdamin ko, walang iba kundi si Jake kasama ang babae niyang classmate.

Masaya silang nag-uusap at magkatabing umupo sa may bandang dulo ng library. Naramdaman kong biglang bumalik na naman ang aking kalungkutan sa nakita at di ko maiwasang maluha na naman. Bigla naman akong tinapik sa balikat ni Mark na nasa likod ko na pala.

"Yan, malungkot ka na naman, sabi ko sa iyo dapat masaya lang, tatanda ka agad niyan sige ka" si Mark sabay tabi sa akin at lapag ng mga libro sa mesa.
"Ok lang ako, wag kang mag-alala." sabi ko abay punas ng luha.
"Sila bang dalawa ang tinitignan mo" si Mark sabay turo sa direksyon nina Jake at ng baba gamit ang bibig niya.
"Oo sila nga" sabi ko.
"Yung lalaki pala na iyon ang dahilan ng iyong kalungkutan" si Mark.
"Siya nga" sagot ko.

Mukhang natutunugan na nio Mark ang tinatago kong nararamdaman para kay Jake.

"Alam mo Dave, sana matauhan ka na, lalaki si Jake, natural lang na sa babae niya ilaan ang kanyang atensyon." Paalala ni Mark.
"Tama ka, tara na, magsimula na tayo sa paghahanap." sabi ko.

Sinimulan na namin ang paghahanap ng mga datos na gagamitin namin sa pag-aaral. Habang busy kami sa pagbubuklat ng mga aklat. Napatingin naman ako sa mga taong umupo sa tapat mismo namin ni Mark. Si Jake at ang babae niya.

Itutuloy.............

HALIK NG PAG-IBIG Part 11

Dumating na ang araw ng pasukan para sa kolehiyo. Dalawang buwan na ang nakalilipas nang iwanan ako ng aking pinakamamahal na bestfriend para ituloy ang pag-aaral sa Amerika. Pero hindi ko naman nararamdaman gaano ang pagkamiss ko sa kanya dahil halos twice a week kami kung mag-usap sa pamamagitan ng internet. Ginagamit ko ang laptop ni Jake sa kanyang kwarto.

Naipasa ko naman ang entrance exam para sa kolehiyo. Sa tulong na rin ng araw-araw na tutorial namin ni Jake. Sa nakikita ko sa kanya, medyo bumabait na siya sa akin pero bumabalik pa rin ang pagkamainitin niya ng ulo kapag hindi ko nakukuha ang mga itinuturo niya. Tinuloy ko talaga  ang naisip kong kurso, ang nursing ganoon din si Jake na medicine. Natural, hindi kami magkaklase pero sabay pa rin kami pumasok at umuwi alinsunod na rin sa utos ng mga magulang niya.

First day of classes, naghiwalay kami ni Jake sa lobby ng school para hanapin ang aming mga classrooms. Ayon sa aking registration card sa Rm. 211, nalaman ko na iyon pala ay sa second floor. Pagkatapos ng halos 5 minutong hanapan, nakita ko na ito. Bago ako pumasok, tinignan ko muna ang magiging kaklase ko. Marami-rami rin pala sila at halos puro lalaki. Pagkatapos, deretso na kong pumasok at umupo sa bandang likuran. Dahil sa wala pa akong kilala, siyempre tahimik lang ako, maya-maya nag ring ang cellphone ko.

"O Dave, kamusta na ang first day" si Erika na tumawag.
"Ito ok lang medyo naiilang ako kasi mukhang matatalino itong mga kaklase ko, ikaw ok ka lang ba?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman, at saka alam mo friend, ang dami mga gwapo sa mga kaklase ko." si Erika.
"Ahh ganun ba, dito rin puro lalaki rin pero wala akong interes sa kanila" sabiko ulit.
"Kasi si Jake na naman ang nasa puso mo eh, tanggapin mo na friend na malabo maging kayo" si Erika ulit.
"Alam ko naman iyon, ok na sa akin ang set-up namin saka kung lalayuan ko siya ay malabo ring mangyari dahil nakatira ako sa kanila" ang mahabang sagot ko sa kanya.

"Basta tatandaan mo friend na mag-ingat ka at pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mong gawin ha. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong" si Erika.
"Oo alam ko naman iyon binilin naman sa akin ni Pat na ikaw ang magbabantay sa akin."
"O siya sige nandito na ang prof namin kita-kits na lang" si Erika.
"Ok bye." sabay baba ko ng phone.

Habang naghihintay pa rin sa pagdating ng aming prof para sa first subject, naisipan ko munang dukutin ang earphone ko sa bag at mag soundtrip gamit ang cellphone ko, siyempre para di ko rin marinig ang daldalan ng aking mga kaklase. Maya-maya, isang estudyante ang nakaagaw pansin sa akin na pumasok at saglit kong tinanggal ang earphone sa tenga. Sa nakikita ko, mukhang nagmamadali ito dahil pawis na pawis siya, gayunpaman humahalimuyak ang ginamit niyang pabango. Umupo siya sa katabi kong upuan sa kanan.

"Buti naman at hindi pa dumadating ang prof natin" sabi niya.

Hindi naman ako nagsasalita sa pag-aakalang di ako ang kausap niya kundi ang babae sa harapan niya nang kalabitin niya ako sa balikat.

"Hi!!! bati niyang nakatingin sa akin.

Napatingin naman ako sa mukha niya. Doon ko napansin na may itsura din pala ang taong ito. Maputi ang mukha niya, ang mata na medyo singkit, ang matangos na ilog at mapupulang labi, ang buhok na pang koreano ang style, maganda ang pangangatawan at matangkad.

"Sabi ko hi." sinabi ulit niya.
"Ah eh kwan, hello" sabi ko sa kanya.
"Mukhang natutulala ka yata sa akin, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sabay punas ng panyo sa mukha.
"Ah wala naman, nabigla lang ako sa iyo akala ko kasi na hindi ako kausap mo e." sabi ko naman.
"Ganun ba, by the way ako nga pala si Mark Joseph." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay para makipagshake hands.
"John David pala" sabi ko sabay abot din ng kamay.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang magkamay kaming dalawa. Grabe ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Agad naman akong bumitaw sa kanya.

"Alam mo sa tingin ko mukhang mabait ka, kasi una palang pagkakita ko sa iyo e parang ang gaan-gaan ng loob ko, natutuwa ako dahil magiging magkaklase tayo ng apat na taon." sabi niya na ikinabigla ko.
"Hi..hindi naman masyado, ikaw naman ngayon mo pa lang ako nakilala e hehehehe" sabi kong medyo nahihiya.
"Basta iyon ang nararamdaman ko sa iyo, kaya sana maging friends tayo simula ngayon kung papayag ka" sabi niya.
"O..oo naman walang problema hehehe" sabi ko sa kanya.

Napaisip naman ako sa kanya. Parang ang bilis niya yata. Tapos sa lahat ng mga kaklase ko dito e sa akin pa siya unang makipag-usap. Magkaganun pa man natutuwa na rin ako kahit papaano dahil meron na akong naging friend agad.

Marami pa kaming napag-usapan ni Mark. Nalaman ko na mayaman din pala ang pamilya niya at nag-iisa rin siyang anak tulad ko. Valedictorian din noong high school. Sa pag-uusap namin, medyo nakagaanan ko na siya ng loob dahil masayahin siyang tao at palabiro. Hindi mo aakalaing isang henyo rin ito. Binanggit ko na rin sa kanya ang tungkol sa akin, na may pagkabobo ako, walang sariling tirahan at ang pagkaulila ko sa ina at bestfriend.
Labis kong ikinatuwa ang mga sinabi niya. Siyempre di ko sinabi ang totoo kong pagkatao baka layuan niya ako  agad.

"Tandaan mo Dave na walang taong bobo. Huwag mong ibaba ang sarili mo. Sa tingin mo ba na makakapag college ka ba kung mahina ang utak mo. Isa pa, kahit ganyan ka, huwag mong hayaan na maliitin o insultuhin ka ng ibang tao. Ipakita mo kung ano ang mga kakayahan mo na maaari mong ipagmalaki.Tungkol naman diyan sa pangungulila huwag kang mag-alala tutal e pumayag ka nang maging friend ko kaya sisikapin kong mapunan iyon." mahabang pangaral niya habang nakatingin lang siya sa akin.

Nabilib ako sa mga sinabi niya dahil first time kong makarinig ng mga ganoong pananalita sa ibang tao. Kasi nakasanayan ko na ang mga sinasabi sa akin ni Jake pati ng iba kong ka schoolmates noong high school. Sobrang tuwa ko sa kanya. Dahil doon lalong gumaan ang loob ko sa kanya.

Maya-maya dumating na rin ang mga prof namin. Dahil first day, puro orientation lang sa subject, pakilala sa sarili ang ginawa. Makalipas ng halos 6 na oras, natapos na rin ang klase.

"Dave, saan ka pala nakatira?" tanong ni Mike sa akin.
"Ah diyan lang sa may Mandaluyong sa Greenhills East." sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit.
"Talaga, taga San Juan lang ako, pwede tayong magsabay sa pag-uwi." sabi niya.
"Hindi pwede dahil may kasabay na ko pauwi, yung isang kasama ko sa tinitirhan ko" pagtanggi ko sa alok niya.
"Ganun ba sayang naman, sige mauna na ako sa iyo kita kits na lang bukas" paalam niya sa akin.
"Ok bye."

Lumabas na rin ako ng classroom nang maisipan kong hanapin ang classroom ni Jake para makita siya doon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa fourth floor lang ito ng parehong building. Sinilip ko siya sa loob. Nabigla ako sa aking nakita. Sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ng kung anong lungkot. Si Jake may kausap na babae at mukhang masaya silang nag-uusap. Maganda ang babae, kaya naisip ko agad  na bagay sila. Nakatingin lang ako sa kanila nang makita ko siyang lumingon sa akin. Agad kong nilisan ang lugar  na iyon para hindi niya makita ang kung anumang emosyong nararamdaman ko.

Pumunta ako sa isang puno na malayu-layo sa building ng school. Doon ko nilabas ang lahat ng luha ko sa nakita ko kanina. Maya-maya habang nagiiyak ako, may isang taong lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.

Itutuloy.....................

Tuesday, October 19, 2010

TUKSO Part 5

"Uy nagmumura ka na, masama yan." si Mike habang kumakanin pa rin.
"Sino ba naman ang di magmumura sa ginagawa mo? Saan mo pala dinala yung kotse ko?" mga tanong ko sa kanya.
"Bakit ko naman sasabihin sa iyo, dont worry nasa mabuting kamay iyon?" si Mike.
"Alam mo di ka na nakakatuwa, nauubos na ang pasensiya ko sa iyo, kapag napuno ako baka kung ano magawa ko sa yo" naiinis ko nang sabi.
"E di gawin mo, tignan ko lang kung magagawa mo iyon sa isang anghel na katulad ko hehehe." sabi niyang natatawa.
"Ay, anghel saan nanggaling sa ilalim ng lupa" sabi ko sabay tayo upang ilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
"Pwede ba huwag na tayong mag-away hindi ka naman  mananalo sa akin tsk, wala ka namang magagawa pa tandaan mo yung sinabi ko sa iyo sa office hahahahah" sabi niya sabay tayo rin para ilagay ang pinakainan din sa lababo.

Tama siya, para kaming aso at pusa. Hindi ko rin kasi maintindihan ang taong ito kung bakit lapit ng lapit sa akin kahit na pinapakita ko na di ako interesado sa kanya. Pero sa loob-loob ko kinikilig ako, parang ang labas tuloy pakipot ako. Sa totoo lang ngayon ko lang ginagawa ito dahil sa mga nauna kong nakarelasyon, kapag nagpapakita kasi sila ng tukso, bumibigay agad ako.

Bumalik na ako ng aking kwarto para kumuha ng twalya. Pagpunta ko ng banyo, nainis ako dahil inunahan ako ng mokong pero nawala agad iyon ng marinig kong pakanta-kanta siya. Kung di ako nagkakamali isa itong kanta ng Itchyworms na parang patama sa akin. Ewan ko pero sana love song na lang. Arhhhh! mali to, hindi ito pwede, wag magpatukso, kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Pero parang naninigas ang paa ko at ayaw akong paalisin sa pinto. Ang ganda kasi sa pandinig ng boses niya.

wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

'di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima
('wag naman sana)

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

'di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'wag ka dapat sa'kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan!

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
Wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala nang hihigit pa sa 'yo
(akin ka na lang)


Nakikinig lang ako sa kanyang pagkanta sa banyo. Naimagine ko naman na ako yung sinasabihan niya na akin ka lang pagkatapos ang dapat kong layuan ay yung mga nakarelasyon ko at siyempre siya yung totoong umiibig daw sa akin na dapat kong lapitan. Ay parang ang gulo naman ng interpretation ko ah. Teka, teka bakit ako nag-iisip ng mga ganito dapat di ako bumigay. Hindi dapat ako mahulog sa patibong niya. Pigilan mo sarili mo Ricardo Sandoval. 
Maya-maya di ko napansin na natapos na pala siya sa banyo at binuksan ang pintuan, sakto nakita niya ako.
Grabe, mas maganda na ang katawan niya ngayon, halatang alaga sa gym kahit medyo nagkakaedad na siya. Tapos ang bukol sa twalya na kailanman di ko pa natikman sa mga lalaki ko. Ay buhay! tinitigasan na ako syet. Hindi ako nagpahalata sa kanya. Pero.....

"Uyyyyyyy!!! napapatitig siya. Aminin mo kasi na naaakit ka sa akin. Sabi ko naman sa iyo e na tanggapin mo lang ako, matitikman mo ito palagi, magpaparaya naman ako hahahahaha." sabi ng kumag habang hinahaplos ng kamay ang nakabukol niyang harapan.
"Aba, ang kapal talaga ng mukha mo, ako maaakit sa iyo, no way. Saka meron din akong ganyang katawan at pag-aari ano" sabi kong may pagyayabang sabay hampas ng hawak kong twalyasa kanya.
"Tama ka dyan, yan nga ang dahilan kaya gustung-gusto kita hahahahaha" tawa ulit siya.
"Sapak gusto mo, makaligo na nga malalate na ako"

Sa loob ng banyo, naiisip ko  pa rin ang adonis na nakita ko kanina lalo na ang paghimas ng kanyang pagkalalaki na lalong nagpatigas sa aking harapan. Naimagine ko na kasiping ko si Mike. Arrrrhhh, kung anu-ano na naman pumapasok sa utak ko, letseng tukso na iyan" pasigaw kong sabi sabay alog ng ulo at untog sa pader.

"Hoy, ang hirap pigilan ano, pakipot ka pa kasi Babe, sabihin mo lang pagbibigyan kita, matagal ko na kayang hinihintay yun pero alam ko mataas ang pride mo kaya diyan mo na lang palabasin ang libog mo hahahahaha" si Mike na narinig pala akong sumigaw.
"Ulol, hindi ako malibog, tumigil ka nga dyan"

Medyo naririnig ko pa rin ang mahinang paghalakhak ng kumag. Pero di ko na lang iyon pinansin. Tinuloy ko na ang pagligo, nang matapos nagbihis, nagsuklay, nagsipilyo, nagpabango, at nagsuot ng sapatos. Paglabas ko ng pinto ng bahay, nakita ko siya nasa loob na ng kotse. Nang makita ako, lumabas siya at binuksan ang pinto sa kabila.

"Akala mo ba sasakay ako diyan in your dreams", sabay deretso palabas ng gate. Binalak ko na sanang magcommute na lang. Pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya  ang kamay ko at hinila papasok sa kotse. Ako naman di na nakatanggi.

"So simula ngayon ako na ang maghahatid sa iyo sa office at magsusundo sa iyo" si Mike habang nagmamaneho.
"Nagtataka na ako sa iyo, wala ka bang ibang ginagawa sa buhay, palagi na lang ako ang iniintidi mo, nagsasayang ka lang ng time sa akin" sabi ko.
"Wala" deretsahang sagot niya.
"Wala, sigurado ka, baka dahil sa ginagawa mo sa akin may napapabayaan ka na" sabi kong may ibig ipahiwatig sa kaniya. Siyempre si Cynthia iyon.
"Sa tingin ko wala, maayos naman ang buhay ko e"

Napaisip ako sa sagot niya, maayos daw ang buhay niya saka wala daw siyang iniintindi. Nahihiwagaan na ako sa kanya. Gusto ko na sanang itanong sa kanya tungkol sa girlfriend niya pero di ko magawa baka isipin niya nagseselos ako.Sinarili ko na lang iyon.

Makalipas ng 30 minuto, nakarating na kami sa opisina ko.

"Huwag ka munang lalabas, mauuna ako." sabi ko sa kanya.
"Hindi sabay tayo lalabas, wala namang dahilan para ikahiya mo ako" pagtanggi ni Mike.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumabas ng kotse, binuksan ang kabilang pinto, hinawakan ako sa kamay at hinila palabas, at inakbayan ako papasok ng lobby ng kompanya. Nailang naman ako dahil sa nakikita kong mga malisyosong tingin sa akin mula sa guard hanggang sa mga tauhan ko. Nang makarating kami sa office ko....

"Ano ba yang ginagawa mo, matsitismis tayo niyan e, baka anong isipin ng mga nakakita sa atin." sabi ko kay Mike na hiyang-hiya.
"Wala ako pakialam kung ano isipin nila, hindi naman ako gumawa ng masama." si Mike.
"At parang nagustuhan mo naman kasi di ka pumalag kanina" dagdag niya sabay kurot sa tagiliran ko. 
"Anong nagustuhan, tumigil ka nga dyan" sabi kong natatawa na pero pinipigilan ko.
"Kita mo natatawa ka, ginagawa mong tanga sarili mo eh.Tanggapin mo na lang kasi ako sa puso mo. Kahit magmatigas ka hindi pa rin kita titigilan."si Mike.

Sa totoo lang tama nga yung sinabi niya para di na ko mahirapan pa. Pero naisip ko pa rin na baka mangyari ulit sa akin ang masaktan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga nangyari sa kaniya nang mawala siya ng mahigit 8 taon. Nadala na talaga ako e.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayo..." sabi ko pero agad siyang sumabat.
"Ayaw mo sa akin, bakit ba anong problema mo, wala ka namang boyfriend, tall dark and handsome naman ako, matalino, mayaman sabihin mo naman sa akin oh." sabi niya sabay lapit sa akin at haplos ng pisngi ko.

Itutuloy..............................

Monday, October 18, 2010

TUKSO Part 4

Mukhang naging effective ang ginawa ko sa kanya base sa nakikita ko sa mukha niya. "May Cynthia siya, dapat ako rin para fair di ba, hehehehe." sabi ng nademonyo kong utak.

"Totoo ba yang sinasabi mo, di ako naniniwala" pagmamatigas pa rin niyang sabi.
"Thats true, at wala ka nang magagawa doon," sabi ko.

Kita ko ang bigla niyang panglalambot at pagkalungkot. Medyo nakonsensya naman ako sa kasinungalingan ko pero pinanindigan ko ito para na rin maiwasan ang tukso.

"Ganun pala siguro ang dahilan kung bakit lumalayo ka na sa akin, pero di ako susuko Ric tandaan mo yan." sabi niya sabay umalis ng office ko.
"Salamat umalis na din makakapagtrabaho na ko nito ng maayos" pahabol kong sabi sa kanya habang binubuksan ang pinto palabas.

Kinagabihan, pumunta na ako sa bar para sa usapan namin ni Bea. Nakita ko silang lahat nandun na at ako na lang ang hinihintay.

"Ohhh, nandito na ang VIP, tara inuman na tayo" si Bea.
"Sorry, natagalan ako ang traffic kaya" sabi ko.
"Traffic, gabi na meron pa ba nun" si Nica
"Oo kaya sa EDSA parang di kayo dumadaan doon" sabi ko.
"O siya-siya tara cheers na" yaya ni Althea sabay taas ng aming mga baso.
"Ano na balita friend sa inyo ni Papa Mike." si Bea ulit.

Kinuwento ko naman sa kanilaang mga nangyari pati na ang ginawa kong pagbibiro sa kanya.

"Talaga, nagalit siya hmmmm, I smell something different sa kanya, baka naman in-love siya sa iyo" si Nica sabay kurot sa tagiliran ko.
"Ano ka ba hindi mangyayari iyon, alam ko ung Cynthia na narinig ko sa dad niya kanina ay yung girlfriend niyang sinundan sa Amerika." Impossible yang sinasabi mo.
"Uy nagseselos, ang haba ng hair mo kalbuhin kaya kita dyan" si Bea.
"Ikaw naman, masyado kang assuming pero tama na rin siguro yun para makasigurado para di na maulit ang mga nangyaring kamalasan sa iyo."si Althea.
"Ganun nga yun,sana lang tigilan na niya ako" sabi ko.
"Hay naku friend, para kayong mga teenagers sa pinaggagawa ninyo, FYI hindi na bagay sa inyo yan mga gurang na kayo." si Nica sabay tawa.
"Anong gurang 28 pa lang ako."
"Oo 28 years old na virgin" si Bea sabay tawanan nila.

Marami pa kaming napag-usapan sa gabing iyon kasama na ang tungkol sa bagong produkto ng aking kompanya. Pagkaraan ng halos 4 na oras na inuman...

"Ang dami mo na naman nainom, makakapagdrive ka pa ba niyan" si Nica na nag-aalala.
"Oo kaya ko pa dont worry dear" sabi  kong lasing na.
"Hindi mo na kaya, paano ka kaya makakauwi niyan, ah alam ko na pahiram muna ng cellphone mo." si Bea.

Binigay ko na rin ang cellphone ko. Alam ko na tatawagan niya ang yaya ko para ipasundo ako.Maya-maya nakatulog na ako dahil sa kalasingan. Hindi ko na alam ang mga sumunod  na nangyari.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sobrang liwanag. Dahan-dahan kong minulat ang mga nasilaw kong mata. Binuksan pala ang bintana ko na di ko kailanman ginawa dahil may aircon naman ako sa kwarto.Nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ng kama ko, bigla akong napabangon.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki.
"Babe, siyempre binantayan kita sa pagtulog mo, ako kaya ang naghatid sa iyo dito kagabi."
"Paano mo nalaman king nasaan ako ha? tanong ko na medyo naguguluhan.
"Tinawagan ako ni Bea at tinuro niya kung saan ka nakatira" si Mike sabay ngisi.
"Siyempre natuwa ako dahil hindi pala totoong may boyfriend ka kaya pumayag ako sa pakiusap niya" dagdag pa niya.

"Kaya pala niya hiniram ang cellphone ko kagabi, lagot ka sa aking bruha ka," sabi ng isip ko kay Bea.

"Ok na ako, kaya makakaalis ka na" pagtataboy ko sa kanya.
"Iyan ka na naman, paborito mo talagang gawain yan, ang paalisin ako, alam mo nagtataka ako sa iyo dahil ikaw lang ang naglalakas loob na magpaalis sa gwapong ito" si Mike sabay papogi sign.
"Nyak pogi daw, kumain ka na ba, puro hangin na yata ang tiyan mo na napunta sa utak kaya kung anu-ano pinagsasabi mo" sabi kong napapailing dahil sa kayabangan niya.
"Bakit hindi ba totoo, at saka di pa ako kumakain, tara baba na tayo" yaya niya sa akin sabay tayo.
"Sasabay ka, tinanong mo na ba ako kung papayag ako" sabi ko.
"Alam kong di ka papayag kaya di na ko nagpaalam, at saka ako ang nagluto ng almusal natin,  si yaya pinag day-off ko muna" si Mike.
"Aba, aba di ka lang pala makulit, pakialamero pa. Hindi ka pa rin nagbabago, lahat ng gustuhin mo ginagawa mo."
"Oo naman and I'm happy na natatandaan mo pa iyon hehehe" sabi niya sabay smile. 

Wala na ako nagawa pa kundi ang bumaba at kumain ng breakfast kasama niya. Napapatingin ako sa mukha niya habang kumakain. Ang cute talaga niya saka ang bait, pinagluto pa niya ako ng breakfast.
___________________________________________________________________________________
Ang pinapakita niyang kabaitan ang dahilan upang mahulog ang loob ko sa kanya. Naalala ko isang araw nung college ang pagiging mabait niya ang naging dahilan para maging kaibigan ko siya. Dumating na kasi ung araw na nabuking niya ang mga sikreto ko. Isang araw na pasimple akong naglagay ng letter sa kanya sa locker dahil na rin sa namimiss na niya ang mga ito, nahuli niya ako.Nang isusuksok ko ang sulat sa gilid ng pinto ng locker bigla kong narinig ang kanyang boses at kinabahan.

"Ikaw pala si Girly ha" sabi niyang nakatingin sa akin. Kakatapos lang pala nila ng practice ng basketball.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nerbiyos, napapaatras ako dahil lumalapit siya sa akin at ngayong napasandal na ako sa mga lockers lagot na, nakikita kong pinapatunog niya ang mga kamao tanda nang susuntukin niya ako. Nanalangin na ako sa lahat ng alam kong mga santo sa kahihinatnan ko sa kanyang gagawin.

"Matagal mo na pala akong niloloko kaya pala di ka makapagpakita sa akin", si Mike sabay suntok sa bahagi ng locker na malapit sa kanan kong tainga tanda ng pagdadabog.

Nanginginig na ang bibig ko at nagtutunugan na ang mga ngipin dahil sa takot lalo na nang kinuwelyuhan niya ako. Nagsalita siya ulit na ikinabigla ko at di inasahan.

"Ikaw nagpanggap ka pang babae para lang makipagkaibigan sa akin" Si Mike na galit pa rin ang itsura.
"Pero di mo na kailangang gawin iyon, pinahirapan mo lang ang sarili mo, approachable naman ako e" ang bigla niyang pagngiti at pagbabago ng tono ng boses.
"Sa totoo lang  kinutuban na rin ako na ikaw yung nagbibigay ng mga letters kasi yung handwritting. Kakatuwa ka talaga" sabi rin niya sabay pisil sa pisngi ko siguro sa gigil.

Nanlaki ang mata ko sa inasal niya. Akala ko talagang nagalit siya. Kaya pala namimiss niya ang mga letters. Bigla naman niyang hinawakan ang dibdib ko.

"O kinabahan ka ba sa akin, takot ka ano, iyan ang parati kong nakikita sa iyo noon pa. Sana man lang baguhin mo na iyan, wag ka namang ganyan sa akin" nakangiti na niyang tugon sabay haplos ng ulo ko. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Tutal alam mo na ang lahat ng saloobin ko sa ginagawa mo sa akin, sana man lang pagbigyan mo na ako maging friend mo" dagdag niya.
"Ah yun ba, sige walang problema friends na tayo" nakangiti kong tugon sa kanya.
"Wow salamat ha, ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, mababaw ba hehehehe? pero ito ang nararamdaman ko e" si Mike na tuwang tuwa. Kita sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Woooooooooooooooh" sigaw pa niyang parang nanalo sa lotto.

Doon ko napatunayan na mabait pala siyang tao. Talagang friendly siya. Sa wakas natapos din ang problema ko noong panahong iyon.
___________________________________________________________________________________
Kabaitan, ganyan din ang pinakita ng mga nakarelasyon ko. Isang tukso na dapat kong iwasan. Hindi ako magpapadala sa mga gagawin niya dahil baka masaktan ulit ako sa huli. Hindi na ako bata para magpauto ulit.
Pangako ko sa sarili ko.

"Pagkatapos mong kumain, umalis ka na, maghahanda pa ako sa pagpasok sa opisina at ayaw kong makita ang mukha mo doon, naiintindihan mo ba ha?" sabi ko habang kumakain kami.
"No kahit kailan hindi ko maiintindihan ang pagtrato mo sa akin at wala ka palang choice, ihahatid kita ngayon at susunduin dahil hindi mo magagamit ang kotse mo kinumpiska ko muna" sabi niya sabay subo ng kinakain.
"Shit"